Sabado, Enero 26, 2013
Finally!! - Resident Evil: Retribution
finally nga..
after more than a year simula nung mag-shoot sila..
tas after almost 4 months nung ipalabas na 'to sa pang-mayamang mga sinehan..
at almost a month after silang mag-release ng official copy ng DVDs and Blu-rays..
sa wakas napanood ko na rin 'to...T,T
makikitaan yung latest installment ng mga seksing baril, high tech vehicles and facilities, at mas maraming animation..
kung dati underground facility yung Hive, ang gamit naman na main setting ngayon ay underwater na nagyeyelo pa ang ibabaw..
astigen yung multiple settings at yung concept ng area-based simulations..
ilang beses rin nilang ginawa sa film yung pagbubutas ng sahig o tuntungan, kagaya nung teknik ni Selene sa Underworld..
pinaka-paborito ko sa mga kalaban yung makukulit na Russian Las Plagas, nakapang-chainsaw pa yung isa sa kanila..
astigen ang cloning facility ng Umbrella, pero siguro wala pa rin silang igagawa laban sa cloning facility sa Star Wars..XD
mas maganda yung buhok nung civilian clone na Alice..
mukha nga lang hindi taga-paslang ng zombies..
pero, ito pa rin yung favorite kong hairstyle niya..
from Resident Evil, yung first movie..
pagdating naman sa costume, pinaka-paborito ko pa rin yung outfit niya mula sa Resident Evil: Extinction...
magandang addition sa lineup ng mga bidang babae - si Ada Wong..
at maganda pala yung boses niya at English..
loko yung si Leon ah, hinimas pa yung legs ni Miss Wong...>,<
si Alice habang tinuturuan kung paano bumaril ang civilian clone ni Rain..
wala pang masyadong disenteng shots mula sa movie, pero seksi yung high heels na suot dito ni Rain..
madali lang namatay 'tong clone na 'to...
natawa ako dun sa 'S & M getup' na comment ni Rain sa outfit ni Alice...XD
Jill Valentine..
at talaga nga namang si Sienna Guillory na ang ultimate form ni Miss Valentine..
mas maganda pa kesa dun sa game counterpart niya..
hindi masyadong impressive yung mga moves niya maliban sa buwelta niya noong laban nila ni Alice, sa aspetong yun eh mas lamang talaga yung character sa game..
pero sa catsuit palang eh katalo na - the best....♥_♥
maganda rin naman yung brunette na Jill..
siguro kapareho lang ng level sa kagandahan nung blondita version..
pero mas combat-appropriate talaga yung catsuit...
speaking of..
full body shot ni Jill Valentine sa super seksi niyang outfit..♥_♥
siya ang team leader ngayon ng Umbrella troops under the Red Queen..
kasama ang mga elite Umbrella clone troopers: Rain, One, and Carlos...
Winter Valentine..
sabi na nga ba at yung scarab device rin lang sa dibdib ang magiging kahinaan niya..
pero mukhang merong psychic powers rin na binibigay yun..
catsuit versus catsuit...♥_♥ + *drool*
akala ko magiging dramatic yung labanan ng mga former allies..
pero considering the fact na clone lang yung 3 at naka-program pa, eh okay lang na hindi sila naging ma-drama..
okay naman yung scene nina One at Barry..
si Carlos naman eh tinangay lang ng baha..
pero si Rain ang hindi ko in-expect na magiging final boss sa movie na 'to.. gumamit kasi siya ng Las Plagas parasite para sa power up niya..
pero tama lang naman na naibalik sa good side si Miss Valentine...
okay na hindi nila totally ina-adapt yung plot nung game..
at least hindi nagiging predictable yung movie..
pero sa itsura nung ending nung film, bakit parang malapit na sila sa final movie at naka-last stand na sila..
kailangan pang gumanap ni Beyonce Knowles na Sheva Alomar eh..
tsaka kailangan pang maipasok si Tabrett Bethell sa cast...^_^
Biyernes, Enero 25, 2013
K-ture: Rooftop Prince - Week 3 Recap
Key Items:
- Postcard - postcard na may portrait o sketch ni Park Ha na iginuhit ng totoong Terrence nang makita niya ito sa New York, may kasama siyang dilaw (meaning colored) na paru-paro sa sketch, may invitation rin dito na niyaya sana si Park Ha na mag-meet pero sa kasamaang palad ay hindi iyon natuloy
- Raddish Doll - isang stuff toy na repolyo na nakuha ni Prinsipe Lee Gak dun sa game na hinuhulugan ng token o coin kung saan parang nanghuhuli ka ng isda, pero sa halip na isda eh mga laruan yung maaari mong mabingwit
- Twine Dolls - isang lucky charm na may parts na gawa sa buto ng palm tree; pwede itong magdala ng suwerte sa aspeto ng pag-ibig, pananalapi, o kalusugan depende sa paraan ng pagkakatali nung dalawang manika sa isa't-isa
RTP-11
pansamantalang nawala ang vital signs ni Redman, pero after siyang ma-declare na patay na ay bumalik rin naman agad ang pulso nito...
sa Rooftop.. nag-aalala na si Park Ha dahil hindi pa umuuwi si Redman (bale tinatawag niya na pala yung 4 sa totoong pangalan nila).. nakita siya ni Becky at sinabi dito na biglang ginustong pumunta ni Redman sa tv station kaya binigyan niya ito ng pamasahe, direction, at kopya ng contact number ni Park Ha kung sakaling may mangyari.. agad na umalis ang dalaga para hanapin ang kamahalan...
balik sa ospital.. naasar ang Lola Chairman dahil untikan nang mapatay ni Tommy si Redman.. ipinag-utos rin nito na ipalipat na ang prinsipe sa private room.. nakita naman ng nurse yung contact number ni Park Ha sa sweatsuit ng biktima, at agad nila itong tinawagan.. paalis na sana ang Lola Chairman nang maisip nito na gusto niyang makita muli nang personal ang inaakala niyang apo.. sa elevator, nagkasabay silang dalawa ni Park Ha, naulet ng dalaga na siya nga ang tumatayong guardian ni Redman.. pagbukas ng elevator, nagulat sina Tommy at Sena na makita na magkasama ang dalawa, pinakilala ito ng matanda na guardian ni Redman at sama-sama silang pumunta sa kuwarto ng pasyente.. nagkamalay na ang prinsipe, at nag-claim ito na siya si Terrence (base sa naging assumptions nya), na-shock si Tommy at ayaw maniwala kay Redman.. kahit si Park Ha eh naguluhan na rin sa mga istorya at sinasabi ng prinsipe.. dahil dito pinauwi na ng matanda ang nagpakilalang guardian nito...
kinausap ni Sena si Park Ha tungkol sa pag-alis nito patungong US.. napahiram na pala niya ng pera ang stepsister niya.. pero sinabi nito na hindi yun ang tamang oras para pag-usapan iyon dahil sa nangyari.. inamin na sa kanya ni Sena na nagiging sagabal na siya sa kanyang mga plano.. inamin niya na nobyo niya si Tommy (na related nga sa kompanya) at balak na nilang magpakasal, at pati tungkol sa pagsisinungaling niya tungkol sa Mama at sa background niya - Mama na university professor sa England, walang stepsister, at galing sa mayamang pamilya.. nangako naman si Park Ha na aalis nga siya ng Korea...
pagkauwi ni Park Ha, inabutan niya ang 3 na nag-aayos ng kanilang mga buhok.. tinanong siya ng mga ito tungkol sa kanilang kamahalan at sinabi nito kung anong nangyari at na silang 3 na lang ang magkakasama.. nasita niya rin ang 3 tungkol sa kanilang mga buhok dahil bumabara daw ito sa drainage, kaya kailangan nang ipagupit kinabukasan, na marahas namang tinugunan ng 3 nang pagtutol (may kinalaman sa lumang tradisyon nila)...
sa mansyon, muling napa-isip ang prinsipe tungkol sa kaugnayan niya kay Terrence.. kinabukasan, sinabi nito sa Lola Chairman na gusto niyang ibili siya nito ng isang Rooftop room at balak niyang bumukod ng bahay.. pumayag rin naman ang matanda na magkakahiwalay na naman sila ng apo, pero bago yun kailangan na muna nitong ipagupit ang kanyang buhok na isang malaking isyu para sa prinsipe...
sa Rooftop.. handa nang lisanin ni Park Ha ang bahay, at meron na rin ngang panibagong uupa sana dito.. natakot ang 3 sa desisyon niya, at saktong dating naman ng prisipe.. ninais naman sana ni Redman na mag-sorry kay Park Ha dahil sa mga masasakit na nasabi niya dito noong gabi na nagkagalit sila.. gusto niya rin sana na sabihin dito na hindi na niya kailangang umalis ng KOrea, pero hindi sya maka-singit sa babae.. ibinalik na nito ang mga damit ng 4 kahit na hindi pa naman talaga sila tuluyang nakakabayad sa kanya, pati na rin yung espada ni Blueman na ibinilin niya na huwag ipapakita sa mga tao dahil delikado yun.. natanong ni Park Ha si Redman kung siya ba talaga ang nawawalang apo nung matanda, at sumagot naman ito ng 'oo', at sinabi nang dalaga na naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari.. nakita na ulit ng prinsipe kasama ng kanyang kasuotan yung telang may burda na inaakala niyang ginawa ni Prinsesa Hwa Yong na ang totoo naman ay ginawa iyon ni Bu Yong.. nagulat siya na makita na andun na ulit yung paru-paro na misteryosong lumipad noon mula sa panahon nila patungo sa panahon nina Terrence.. sinabi niya ito sa dalaga, pero hindi rin naman ito naintindihan ni Park Ha...
---o0o---
RTP-12
dahil sa pinakita ng prinsipe, naalala ni ParK Ha yung postcard na merong sketch niya kasama ang isang paru-paro, at naalala niya rin yung pagdapo sa kanya nung paru-paro sa New York.. napasugod sina Becky at Lady Mimi dahil sa nabalitaan nilang nalalapit na pag-alis ni Park Ha, at dahil sa pagmamadali aksidenteng natapon ni Lady Mimi yung mga laman ng lata ng kaibigan...
sa labas ng gusali, nagpa-meeting si Redman tungkol sa pagpapaputol ng kanilang mga buhok.. kailangan daw nilang gawin yun para maka-survive sa modern world, at para na rin maprotektahan ang itinuring na nilang bahay na Rooftop.. tutol yung 3, pero si Blueman ay labis ang pagtutol at mas ginustong wakasan na lang ang kanyang buhay gamit ang kanyang espada.. pinigilan naman sya nung 3 sa kanyang balak.. habang sa Rooftop ay pinagmamasdan sila nina Becky at Lady Mimi na nawi-weirduhan sa kanila at naisip na apektadong-apektado yung 4 sa pag-alis nila sa Rooftop...
sa kuwarto ni Lady Mimi, ch-in-eck niya ang cellphone niya at saka niya na-realize na hindi yun sa kanya.. nakita nya na may picture dun si Terrence na inakala naman niyang si Redman, at nag-comment pa na cute yung lalaki kung magpapaikli siya ng buhok.. naisip niya na baka nagkamali siya ng dampot ng cellphone sa bahay ni Park Ha...
dahil duda pa rin si Tommy, nag-suggest siya sa buong pamilya na ipa-DNA test ang nagpapanggap na si Terrence para makasigurado (dahil na rin siguro sa kawalan nito ng alala nung totoong apo).. balak nilang ikumpara ang DNA sample ng Lola Chairman at ni Redman.. pero tumanggi si Redman sa hindi niya malamang procedure, at habang nagkakagulo sila ay biglang nahulog ang cellphone ni Terrence mula sa kanyang damit (hindi pinakita, pero siguro binalik yun sa kanya ni Lady Mimi).. sinilip ito ng Tita-Lola nila, at nakita nga nila doon ang picture ni Terrence na kasama pa ang Lola Chairman.. pero napaisip ang Lola Chairman, dahil nakapatay parati yung cellphone ng apo noong mga panahon na nawawala ito, dahil dun sinubukan rin nilang i-verify yung phone sa pamamagitan ng pagtawag dito.. habang tumatawag, naalala ni Tommy kung paano niyang itinapon sa dagat yung inakala niyang cellphone ng half-cousin niya.. at nag-ring nga ito dahilan para tanggapin na nila na si Redman si Terrence.. pero may isa pang problema, hindi nakikilala ni Redman yung iba pang miyembro ng pamilya ni Terrence.. inisip na lang siguro nila na may nawawala lang na mga alala ang binata, at naisip nila na posibleng yung mga laman ng cellphone ni Terrence ang makapagsasabi kung ano ba talagang nangyari sa kaanak nila, subalit meron pa itong security code at siyempre hindi alam ni Redman ang password nito.. s-in-uggest ni Sena na posibleng mabuksan pa rin yung phone sa Service Center.. dahil dun inutusan ng Lola Chairman na samahan ni Tommy si Redman sa Service Center para pabuksan ang cellphone...
habang nasa kotse, kinuha ng prinsipe yung telang may burda sa kanyang bulsa at nahulog naman yung phone ni Terrence sa upuan at napansin ito ni Tommy.. pagdating sa parking area, bumaba na ang prinsipe, dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Tommy para kunin yung phone habang nagpa-park siya.. pinatay niya na muna ito.. pagharap nila sa Service Center ay wala nang maipakitang phone si Redman...
tumawag ang Mama ni Sena para sabihin dito na bibisita siya sa apartment nito, nabanggit rin nito na si Park Ha ang nakapag-kuwento sa kanya tungkol sa apartment ng kanyang anak, nag-panic si Sena at agad na pinuntahan ang ina.. gusto sanang tulungan ng Mama niya si Park Ha sa problema nito sa pera, tiyak na makakabawi naman daw agad ito kung mabubuksan niya lang yung shop niya.. nabanggit niya rin na parating inaalala ni Park ang stepsister niya.. pero masyadong vocal si Sena tungkol sa pag-ayaw niya sa nakababatang kapatid, at iginigiit na hindi naman talaga sila related.. tapos biglang napatawag si Tommy na papunta na sa apartment ng nobya, nagkunwari ang dalaga na wala siya sa apartment, at agad na pinaalis ang Mama niya na nakaiwan pa ng paperbag.. habang si Tommy lang ang tao sa apartment, naisip nito na sirain na yung cellphone ni Terrence, pinukpok niya ito sa screen subalit biglang bumalik na si Sena, dahil sa pagka-taranta nailagay ni Tommy yung phone sa loob ng paperbag ng Mama ni Sena.. hindi mapakali yung dalawang magkasintahan habang nag-uusap - si Sena dahil nakita niyang naiwan ng Mama niya yung paperbag, at si Tommy dahil tinitingnan ni Sena yung paperbag kung saan niya nailagay yung phone ng half-cousin niya.. naisip ng binata na sa labas na lang sila kumain, pero habang nasa kotse nakita ni Sena na pabalik sa apartment niya ang Mama niya, nagdahilan siya para makabalik rin sa loob at pinauna na lang si Tommy sa restaurant.. binalikan pala nung ina yung paperbag.. nag-alala rin si Tommy dun sa paperbag kaya bumalik rin ito sa loob ng building at nakasalubong nito ang hindi pa niya nakikilalang Mama ni Sena.. nagkunwari siya na may business card na naihulog sa loob nung paperbag, pero nagsinungaling naman si Sena at sinabi na itinapon na niya iyon.. mukhang medyo naging kamapante naman si Tommy sa narinig niya...
sa Rooftop, naipahakot na ni Park Ha ang mga gamit niya.. pero bago pa tuluyang makaalis yung truck, kinuha niya muna yung Raddish Doll at niyakap...
---o0o---
RTP-13
isinama na ni Redman yung 3 para kumain sa mansyon (tatawagin ko na lang na mansyon para tunog mayaman) nina Terrence.. na-curious yung Tita-Lola sa buhok nila, tinanong kung mga artist ba sila kaya ganun, at nandiri pa ng sabihin ni Greenman na since birth pa yung buhok niya.. naulit ng Lola Chairman na paborito ni Terrence ang steak kaya sumang-ayon na lang si Redman, pati yung 3 inutusan niya na sumang-ayon na rin.. at nang kakain na sila gamit yung kutsilyo, ibinida ni Yellowman na dalubhasa si Blueman sa paggamit ng talim.. at dahil dito inilabas nga ni Blueman ang kanyang espada at hiniwa ang mga steak nila na ikina-sorpresa ng dalawang matandang magkapatid.. matapos yun, pinakita naman ni Redman ang kuwarto niya kung nasaan ang picture ni Terrence.. ipinag-utos niya na bawal na siyang tawaging kamahalan nung 3 sapagkat kukunin na niya ang katauhan ni Terrence.. nabanggit niya rin na malapit nang makita nung 3 ang kanilang prinsesa.. nagkatugma ang assumption nila ni Greenman na posibleng reincarnation ng prinsipe si Terrence sa kasalukuyang panahon.. dahil nawawala si Terrence sa panahon na yun, naisip ng 2 na hindi pwedeng mag-exist ang magkaparehong tao sa iisang panahon, kung kaya't ang prinsipe ang tumatayong kahalili ng totoong apo.. sa kabila noon, palaisipan pa rin sa prinsipe kung ano bang nangyari kay Terrence.. ipinangako naman niya na aalamin nila sa panahon na yun ang misteryo sa pagkamatay ng prinsesa...
nagmumuni-muni si Park Ha sa labas ng Rooftop, at naisipan niyang ilabas yung twine dolls na galing din dun sa lata niya.. subalit aksidente itong nahulog sa ilang cable sa gilid nung gusali.. sinubukan niya itong abutin, at nadatnan naman siya ni Redman na inakalang tatalon siya.. hinila siya at nayakap nang mahigpit ng binata, habang sinasabihan siya na hindi siya dapat mamatay at mangako siya na hindi siya magpapakamatay.. (ewan, siguro hindi pa nare-realize ni Prinsipe Lee Gak yung feelings niya para kay Park Ha, pero yung concern niya para sa dalaga ay nagsimula noong malaman niya ang tungkol sa pagkawala ng shop nito).. pinakita ng babae sa prinsipe kung ano yung inaabot niya, at ang kamahalan na ang gumawa nito para sa kanya.. at nang makuha na niya ito, ay agad namang pasupladang hinablot sa kanyang kamay ng dalaga, sabay komento niya na 'mababaw lang talaga ang dalaga'.. tinanong ni Park Ha kung bakit siya nandun, at pinakita ni Redman ang kanyang dalang pares ng soju at whipped cream (na paraan ng pag-inom na itinuro sa kanya dati ng babae) bilang kapalit daw ng ginawa nitong pag-aalaga sa kanila...
balik sa mansyon nina Terrence.. anibersaryo yata ng kamatayan ng ina ni Greenman kung kaya't naghahanda yung 3 ng isang seremonya suot ang kanilang tradisyunal na kasuotan...
balik sa Rooftop.. edi nag-inuman na nga yung 2.. inaalok ni Redman ng whipped cream ang dalaga, pero tumanggi ito at sinabi na pass na muna siya sa matamis dahil gusto niyang lasapin ang pait ng buhay (dahil na rin sa mga kamalasan na nangyayari sa kanya) (hmmm, kung ganun mapait pala ang lasa ng soju??).. natanong ni Redman kung bakit parang hindi na siya iginagalang ni Park Ha, at dahil yun sa magulong istorya ng prinsipe, tinanong siya ni Park Ha tungkol sa totoo niyang edad para malaman kung sino ba ang mas dapat na igalang sa kanila, kasi sinabi nito dati na 300 years older siya sa dalaga pero nag-claim rin siya na apo siya ng Lola Chairman kaya supposedly magkalapit lang ang edad nila ng dalaga.. nagkunwari na lang ito na nakalimutan na niya ang totoo niyang edad, at sumagot naman si Park Ha na maging siya ay nakalimot na rin...
balik na ulit sa Mansyon.. kinalkal ni Yellowman yung ref at nang makita niya yung ketchup (yata yun) ay naalala niya na iyon yung isang sangkap na inilalagay sa omurice kung kaya't nilantakan niya iyon ng papak.. nagpunta naman sa kusina ang Lola Chairman para uminom at napansin nito na bukas ang ref, at nang isasara na niya ito ay nakita niya si Yellowman na naka-traditional outfit at yung ketchup ay kumalat sa bibig niya na parang dugo.. dahil dun ay nahimatay yung matanda...
kina Park Ha ulit.. napa-kuwento ang dalaga tungkol sa past niya.. tungkol sa kawalan niya ng memorya nung 9 y/o pababa pa lang siya, tungkol sa car accident, at tungkol sa kawalan niya ng alaala tungkol sa mga totoong magulang niya.. dahil dun naging malungkot ang buhay niya.. at kapag ganun, ini-imagine niya na lang na nagre-relax siya sa ilalim ng palm tree na bagay na hindi pa niya nararanasan.. pinakita niya kay Redman ang itsura ng beach na may mga palm tree.. tapos inilabas niya ulit yung twine dolls at sinabi na gawa iyon sa mga buto ng palm tree.. kapag itinali daw ang mga kamay ng 2 manika sa likuran nila magdadala daw iyon ng kasaganaan sa pera, kapag ang mga paa naman daw ang itinali ay makakahanap ka ng love, at kapag itinali ang mga braso nila magdadala naman yun ng good health.. iniabot niya yun sa prinsipe at sinabing humiling siya, at tumugon naman ang kamahalan na maghintay ka lang...
sa Mansyon na naman.. kinulit ni Blueman ang Tita-Lola tungkol sa kung nasaan ang alak.. at siguro dahil nga naka-traditional outfit eh inakala rin nitong minumulto siya habang nagwiwika na ayaw niyang sumama sa lalaki hanggang sa mahimatay rin ito...
sa Rooftop na naman.. kumuha ng kurtina si Redman upang ipang-kumot kay Park Ha, at nagtaka pa nga ang dalaga sa kung anong gagawin ng prinsipe.. pinakiusapan nito na huwag nang umalis ng Korea ang babae, at tinanong kung magagawa ba nitong manatili kung hindi na siya magkakaroon ng problema sa bahay.. pero tumugon ang babae na no choice na rin siya eh...
balik sa Mansyon.. naka-ready na ang 3 para sa seremonya.. at habang isinasagawa iyon ay dumating naman yung katulong na may pantakip sa mukha (yung pampagandang teknik sa mukha), inakala ni Greenman na ito ang ina niya at sabay-sabay na nawalan ng malay ang 3.. sa halip na magduda sa kanila, ay mukhang naitsurahan naman sila nung kasambahay, at sinubukan silang gisingin nito...
sa Rooftop ulit.. antok na yung dalawa.. nakaupo lang sila at nagkaka-untugan pa.. nagising si Park Ha na nag-iisa na lang siya sa Rooftop...
maagang-maaga na nagpahatid si Redman sa isa sa mga driver ng pamilya.. lihim namang sumakay sa trunk yung 3 na nabisto rin nila.. pumunta sila sa corporate building ng pamilya para kuhanin na ang napagkamalan nilang prinsesa.. itinuro ng prinsipe kung sino sa mga tao si Sena dahil unang beses pa lang siyang makikita nung 3.. bale pagdakip nga ang plano nila para dito.. unang sumubok si Yellowman na initsa lang ng mga security guard, naulit nila na maliban sa mga babae ay hindi pwedeng pumasok sa building ang mga lalaking mahaba ang buhok.. sunod si Greenman na sinubukang daanin ito sa pakikipag-usap na wala rin namang kinahinatnan.. panghuli si Blueman, at dahil mahusay siyang mandirigma ay ilang ulit niyang pinabagsak yung 2 guard, subalit pababalik-balik lang siya sa revolving door, kaya napasuko rin siya.. dahil sa kabiguan nila, nag-decide ang prinsipe na ang pagpapagupit na lang talaga ang natitirang pag-asa nila at sinabi pa na hahaba naman daw ulit ang kanilang mga buhok...
---o0o---
RTP-14
sa loob ng bahay sa Rooftop.. pinaglalaruan ni Park Ha yung Raddish Doll, tinatanong ito kung aalis ba siya o hindi (parang yung she loves me, she loves me not).. kapag natumba paharap ay 'oo' yung sagot nung manika, at 'hindi' naman kung patalikod ang tumba.. narinig niyang dumating ang Joseon 4, at hiniling ng mga ito sa kanya na magpa-picture silang magkakasama sa Rooftop (hindi ko masyadong ma-gets yung reason kasi ayaw rin naman nilang paalisin yung dalaga, siguro remembrance ng mahahaba nilang buhok).. edi nag-pictur-an na nga sila gamit ang timer, at magkatabi sina Park Ha at Redman sa upuan...
makatapos sa bahay, sa salon naman pumunta yung 4 para ipagupit na ang kanilang mga buhok.. kahit yung mga manggugupit na babae eh naguguluhan sa kanila.. desidido na ang prinsipe na ipaputol na ang kanyang buhok, samantalang yung 3 eh hindi pa rin mapakali hanggang sa huling sandali.. naiyak ang prinsipe sa pagkaputol ng buhok niya.. halos mahimatay na nga si Yellowman sa pinagdaanan niya...
pagkatapos magpagupit, agad binalikan ni Redman si Park Ha subalit wala na ito sa Rooftop.. hinanap niya ito at nakitang sumakay ito sa bus.. patakbo niya itong hinabol, at muntikan na siyang mabangga ng isang truck.. medyo nasermonan sya nung driver pero nag-volunteer rin naman na ipa-check siya sa ospital.. habang inaakay, nakita ni Redman yung malaking picture ng beach na may palm trees na karga nung truck for delivery sana.. kinumbinsi niya yung driver na ibenta na lang ito sa kanya na doble ang presyo, at pumayag naman ito nang makita yung unlimited black card ng binata.. hinabol na nila ang bus na nasakyan ni Park Ha.. napangiti naman ang dalaga nang makita ang larawan ng lugar na nakakapagpa-relax sa kanya.. nagulat ito nang makita si Redman na pinapahinto ang bus niya, at nang sa wakas ay tumigil na ito, pinanhik niya si Park Ha sa loob ng bus at nagtakip pa ito ng mukha gamit yung Raddish Doll.. pinagalitan nya ito sa hindi paghingi sa kanya ng permiso sa pag-alis ng Korea, sinumbat niya rin dito kung hindi pa ba sapat ang ginawa nilang pagpapaputol ng kanilang mga buhok para hindi na siya tuluyang lumisan, at ibinili pa nga niya ito ng larawan para gumaan ang loob nito paminsan-minsan.. pagkatapos hinila na niya sa kamay ang dalaga para bumaba ng bus, at nag-cheer naman para sa kanilang dalawa yung mga kasabay na pasahero ni Park Ha.. hawak-hawak pa rin ng prisipe sa kamay (sa wrist) ang dalaga, unti-unti niya itong binitawan, tinuro ni Park Ha ang bagong gupit nitong buhok at napangiti na lang ang dalawa sa isa't isa.. naupo sila at pinagmasdan ang larawan ng beach at palm trees, sinabi naman ni Redman na simula ngayon magkakaroon na si Park Ha ng magagandang alaala.. biglang may bumusina na sasakyan, nagulat si Park Ha na parang matutumba kung kaya't niyakap ito ng prinsipe.. (nagsisimula nang magkaroon ng malisya si Park Ha pagdating kay Prinsipe Lee Gak)...
pag-uwi nila, sinalubong sila ng tatlo at nakita ni Park Ha na nagpagupit na rin nga ang mga ito, may kulay pa sa buhok si Yellowman.. pag-akyat naman sa Rooftop ay nakita ng dalaga na nire-renovate na ito.. andun na rin sa isang gilid yung larawan na ibinili para sa kanya ni Redman.. dumating ang Lola Chairman kasama si Secretary Hong (mapapansin na hindi na agresibo ang prinsipe sa presensya ni Sena).. personal na nagpasalamat ang matanda sa pag-aalaga ni Park Ha sa inaakala nitong si Terrence.. natanong nito ang dalaga tungkol sa pamilya nito, at dahil kay Sena, nagkunwari na lang ito na Mama na lang ang meron siya na hindi niya rin naman kasama sa bahay.. binigyan nya rin ito ng pera upang ipambili ng mga bagong gamit.. sinubukan itong tanggihan ng dalaga, pero nag-insist ang LOla Chairman dahil si Redman rin naman daw ang gagamit ng mga yun.. (ang meryo butas dun sa script eh kung bakit pumayag ang Lola Chairman na tumira ang apo niya kasama ang isang dalaga at ang kanyang mga kaibigan sa iisang bahay, mas safe sana kung may relasyon yung dalawa eh, o baka naman magto-tropa lang yung tingin niya sa kanila).. pinaalala naman ng Lola ni Redman ang tungkol sa pangako nito na magsisimula na siyang pumasok sa office nila kinabukasan bilang kapalit ng mga ginawa nito...
nagkita muli ang magkapatid sa isang cafe (yata).. pagdating ni Park Ha, agad itong sinalubong ng galit ng stepsister niya na binuhusan pa siya ng tubig sa mukha.. hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang dalaga...
may bagong trailer na bahay yung 5, para daw habang inaayos pa yung rooftop.. bale, nag-shopping yata sila ng office clothes nung 4.. meron na rin silang mga bagong cellphone.. hangang-hanga sa kanila yung mga babae sa mall (yata).. pagkatapos tinuruan naman sila ni Park Ha tungkol sa pakikisama.. una eh kung sakaling may mag-imbita sa kanila sa cafe.. tinuruan niya ang mga ito ng ilang basic na pwedeng orderin, pero nang magpaalam na si Yellowman na hihiramin niya ang credit ni Redman eh nasita sila ni Park Ha.. tinuro niya kung paano gumalang nang nababase sa kanilang mga edad.. again, nagkatanungan na naman sila, na-reveal na pinakamatanda sa grupo si Blueman na 27 na.. sinabi naman ni Park Ha na 27 na rin siya kung kaya't sila ay magkapantay lang ni Blueman, nagkamay rin ang dalawa (hindi ko sigurado kung nagre-react ba yung kamahalan dahil nagseselos siya o dahil mas mataas na dapat ang tingin niya kay Park Ha).. si Greenman naman ang pinakabata at tatayong bunso, samantalang magkasing-edad lang sina Redman at Yellowman.. in-emphasize ni Park Ha na dapat ate ang itawag sa kanya nung 3.. pagkatapos ng leksyon sa paggalang ay inabutan rin ni Park Ha ng card si Yellowman para maka-discount sila...
ipinarada nila ang kanilang trailer malapit sa beach.. ang lesson naman ngayon ay tungkol sa pag-gimik.. una ang tungkol sa pagbarik ng soju at pork belly, etc.. pagkatapos nun ay tungkol naman sa pagvi-videoke, kung hindi daw maalam sa pagkanta ay dapat handang ipakita yung special talent nila, nag-sample si Park Ha ng panggagaya ng boses pero hindi naman siya na-gets nung 4 dahil hindi nila kilala yung ginagaya ng dalaga...
habang naglilikot yung 3 sa loob ng trailer, nagre-relax naman si Park Ha sa may table sa labas.. nilapitan siya ni Redman upang itanong kung paano ulit ang tamang tali dun sa twine dolls.. ang gusto niya sana ay yung tali para mahanap niya ang kanyang true love.. iisa-isahin pa sana ulit ni Park Ha yung mga klase ng tali, pero pinutol siya ni Redman sa pagsasalita, kaya itinuro niya na lang ulit na itali yung mga manika sa bandang legs kung ang nais niya ay makahanap ng pag-ibig...
---o0o---
RTP-15
may secret affair ang Tita-Lola ni Terrence with former Director Franko, may history siya ng pagpapalugi sa kompanya at na-demote bilang guard sa isang warehouse habang nag-aalaga rin ng mga aso kaya siya naging dog whisperer.. pilit siyang pinapabalik sa kompanya ng karelasyon, may dumating kaya agad niya itong pinatago sa loob ng dog house.. dumating ang dad ni Tommy na si Executive Yong na may dalang mga papeles at sinabi na pinapabalik na ng Lola Chairman si Director Franko sa kompanya.. panay naman ang asar dito ni Exec. Yong na Guard Franko (nakalimutan ko yung apelyido)...
may isang Chairman Jang na nagbalik na sa South Korea at sinalubong siya ng mag-amang Tommy at Exec. Yong.. binisita nito si Susan (Mama ni Sena) para bawiin na ang tinutukoy nitong anak, pero pinagtabuyan siya nito (binabato siya pero hindi naman pinapatamaan)...
nasa labas lang ng building ang nagbabalik na Director kasama ang ilan niyang aso.. tinahulan ng mga ito si Exec. Yong, at pabirong sinita ang mga alaga niya dahil tinuruan lang daw niya ang mga ito na tahulan ang mga magnanakaw, sabay claim na magnanakaw daw ang executive...
hinatid ni Park Ha ang 4 sa first day nila sa office.. nagpaalam sa kanya nang ayos yung 3, pero hindi na siya nilingon ni Redman, at nainis siya dito.. anlilikot nung 3 alalay sa loob ng kompanya, kaya pinagtatawanan sila nina Tommy at dad nito.. pina-report na si Redman sa Lola Chairman, samantalang pinakuha ng exam yung 3 since kailangan nilang mai-evaluate dahil wala silang experience.. English at common sense lang ang saklaw ng kanilang exam.. gusto pala ng Lola Chairman na si Director Franko ang mag-train kay Terrence na maging executive (napa-lugi niya ang kompanya pero mukhang mahusay naman siyang empleyado na pinagkakatiwalaan ng Lola Chairman).. dumating si Secretary Hong at ibinalita na 0 (zero) yung resulta ng exam ng 3, sinabi naman ni Redman na hindi sila dapat husgahan base lang sa pagsusulit sapagkat sila ang pinakamahuhusay sa kani-kanilang larangan.. tungkol sa pagtuturo ng gawain sa kompanya, pinili ni Redman si Sena na maging guide, kung kaya't na-assign muna si Dir. Franko para i-train yung 3...
t-in-our ni Sena si Redman sa kompanya.. at nang untik na itong tamaan ng hagdan sa isang location ay niyakap 'to ng binata para mailigtas siya.. tinanong niya ito kung nagkakilala na sila dati, at sinabi naman ng dalaga na lumang pickup-line na yun.. tinanong ng prinsipe kung ano yung pickup-line at yun nga daw ay ang mga banat ng mga lalaki kapag gusto nilang makilala ang isang babae...
isinama ni Dir. Franko yung 3 sa isang restaurant, saglit siyang may kinausap sa phone kaya inutusan niya yung 3 na mauna na sa loob.. yung 3 naman ay inakala na pumunta sila doon para gumimik (gaya ng turo sa kanila ni Park Ha), at bilang unang gimik nila naisip nilang magpa-impress.. um-order sila ng soju kasabay ng pagkain.. nagulat ang Director na may alkohol silang in-order, nagsimulang mag-soju-bomb yung 3 at hinayaan na lang sila ng matanda.. pagkatapos isinunod nila ang videoke bar kung saan sinunod na naman nila ang turo ni Park Ha, kaya sa halip na kumanta ay nagpakita na lang sila ng special talents lalo na si Blueman.. dahil sa kalokohan, napuno na sa kanila ang Director, sinermonan sila sa kawalan nila ng alam at pati tungkol sa sinasabi ng iba na gumamit lang sila ng koneksyon para makapasok sa kompanya.. nabanggit rin nito na kung sakaling nabuhay yung 3 sa Joseon Era ay malamang eunuch o alipin lang ang magiging trabaho nila...
nakipag-meet sina Tommy at Exec. Yong kay Chairman Jang.. inalok nila ito na ibenta na sa kanila ang shares nito para makuha na nila ang majority ng shares ng kompanya.. pinaalam na rin ni Tommy ng diretsa na balak nilang ibenta na ang kompanya para mag-venture sa mas malaking business...
magkasama sina Park Ha at Redman.. tumitingin-tingin ang dalaga ng jewelries, nainip ang lalaki kaya tinanong niya ito kung mahilig ba sa mga ganun ang mga babae sa panahon na yun, at sumang-ayon nga ang dalaga.. sa isang restaurant, nahihirapang kumain ang prinsipe gamit ang tinidor (akala niya kasi noodles yun na cho-chopstick-in), naulit naman ni Park Ha na hindi pansit ang kinakain nila kundi pasta at itinuro dito kung paano kainin iyon gamit ang tinidor.. naitanong ng kamahalan kung ano ang karaniwang ginagawa ng mga magkasintahan sa panahon na yun, o 'dating' sa madaling salita.. tinanong niya kung anong gusto ni Park Ha kung sakaling makikipag-date siya at couple bike ang sinagot nito (mukhang nag-isip na naman siya nang may malisya dun).. pumunta sila sa isang park para makapag-aral ang prinsipe kung paano sumakay ng bike, niloko pa siya ni Park Ha na nagkunwaring hawak pa rin niya sa likod ang bisekleta, unti-unting natuto si Redman at sobrang saya nito, na nag-comment pa ang dalaga na para itong bata...
K-ture: Rooftop Prince - Week 2 Recap
sorry nga pala kung puros Tagalog words lang at walang images...>,<
RTP-06
after makapamulot ng mga damit, pinagbihis ni Park Ha ang Joseon 4 sa isang building, pinagtatawanan na daw kasi sila dahil palaging yung sweat suit na lang ang suot nila.. hindi pumayag si Redman na sa palikuran sila magbihis, kaya nang makita nila yung elevator eh dun sila nagpalit.. at dahil dun nakita sila ng mga babae sa iba't-ibang palapag, una eh mga nag-e-aerobic, tapos sunod eh mga estudyante na kunwari eh nandiri sa kanila pero panay naman ang pagkuha ng pictures.. bukod pa dun, nakunan din sila ng surveillance camera kaya natunton sila ni Park Ha...
pagkatapos magbihis bumiyahe na sila at napadaan sa palasyo, nangungulit si Redman na dalhin siya dun, pero dahil marami pang trabaho eh hindi pumayag ang dalaga.. sa bago niyang itinatayong fruit shop, kinumbinsi ni Park Ha si Redman na kung magtatrabaho lang siya nang husto eh ipapasyal niya ito sa dati nitong palasyo na agad namang sinang-ayunan ng prinsipe.. dali-dali niyang inutusan ang mga tagasunod na bigyan siya ng gagawin, na noong una ay iginiit nila na hindi maaari at sila na lang ang magtatrabaho para sa kanya.. pero dahil din sa utos niya ay hinayaan na nila ito at nagtrabaho na sila nang tulung-tulong..
samantala, sinimulan nang paimbestigahan na ni Tommy si Park Ha.. nagtalo naman sina Sena at ang Mama niya dahil sa pagpapasa ng utos nito na paghahakot kay Park Ha.. tapos hiningi na lang nito ang number ni Park Ha para makontak niya ito kaagad...
balik sa shop, dahil sa paglilinis ay nasugatan naman ang daliri ni Redman.. umalis naman si Park Ha para bumili ng band aid, pero nang pabalik na siya sa shop eh nagkita sila ni Tommy na inimbitahan siya para mag-usap.. ininterview nya ang dalaga tungkol kay Redman, at sinabihan na wag nang alalahanin ang tungkol sa pagbabayad ng danyos, bukod dun eh binigyan pa niya si Park Ha ng VIP card...
sunod naman eh sina Sena at Park Ha ang nagkita sa daan (pero tinamaan ng lintik at saglit na nag-brownout kaya hindi ko alam kung anong nangyari).. nang magka-ilaw eh ginagamot na ni Park Ha ang sugat ni Redman...
sa dinner naman nina Tommy at Sena.. na-reveal na marami nang pagsisinungaling ang ginagawa ni Sena - sinabi niya dati pa kay Tommy na nasa London ang Mama niya...
balik sa rooftop, sinimulan na rin turuan ni Park Ha ng modern language ang Joseon 4.. kapansin-pansin na hindi magaling sa aspeto na ito si Blueman since ang forte niya eh sa pakikipaglaban...
dahil naging masipag si Redman, kinabukasan eh tinupad na ni Park Ha ang pangako sa kanya na ipapasyal niya ito sa dati nitong palasyo.. iniwan nila yung tatlo kaya dapat daw ay saglit lang sila.. sa loob ng palasyo, naiyak ang prinsipe nang maalala si Prinsesa Hwa Yong.. nakita ito ni Park Ha, tas kahit sobrang huli na eh ginawang dahilan ni Redman ang kape kaya daw siya naluha.. tapos biglang may pinatawag si Park Ha ng isang Mr. Wang na kliyente siguro...
dahil nagmamadali, napilitan si Park Ha na isama na lang si Redman.. yung lugar eh nasa labas ng Seoul.. habang nakasakay sa train, sinubukang turuan ng dalaga ang prinsipe kung paano gumalang kasi masyadong mapagmataas talaga ang ugali ng prinsipe.. at nang ayaw nitong magpaturo, ginawang panakot ni Park Ha sa kanya yung insidente nang pag-iyak nito.. ayaw kasi ni Redman na malaman ng mga tagasunod niya na umiyak siya...
RTP-07
bale pinapunta sila nung Mr. Wang sa isang strawberry farm para mamitas ng overgrown strawberries para sa kalahating presyo.. marami pala yung pipitasin at hindi naulit kay Park Ha na magsama ng maraming tagapitas, ayaw rin siyang tulungan nung parang head dun dahil busy din sila, at si Prinsipe Lee Gak naman ay matapos nyang takutin na palalayasin na sa rooftop eh pumitas lang ng 10 piraso ng strawberry para lang hindi siya mapaalis.. habang nagpapakahirap mamitas si Park Ha, naglibut-libot naman ang prinsipe sa paligid, hanggang sa nakasira siya ng isang signboard na para sa mga taga-doon ay may mahusay na calligraphy.. sinubukan niyang ipaliwanag na hindi siya ang nakasira doon, at sa bandang huli ay nagkasundo na lang sila na gagawa na lang siya ng panibagong signboard.. at dahil isa siyang prinsipe, mataas na ang antas ng calligraphy niya, at nagustuhan iyon nung head nung farm na may-ari nung signboard.. binalikan niya ang pagod na pagod nang si Park Ha at inalok ito ng ice cream, na itinapon naman ng babae dahil sa sobrang inis niya dito, sinabi niya na palalayasin na niya talaga ang prinsipe sa rooftop, tapos bigla namang dumating ang mga tao para tumulong sa pamimitas ng mga strawberries bilang pasasalamat sa napakahusay niyang calligraphy.. natahimik si Park Ha, pinulot naman ng prisipe yung ice cream (may balat pa siyempre) at siya na lang ang kumain nito na parang iniinggit ang dalaga...
after sa farm, nagpunta muna ang dalawa sa isang parang theme park para magpalipas ng oras habang hinihintay ang tren.. nakatikim na naman ang prinsipe ng nga makabagong pagkain.. at habang naggagala, nakakita si Park Ha ng raddish doll dun sa machine na panghuli ng laruan na hinuhulugan ng pera o token.. nagustuhan niya ito dahil pwede niya itong i-display sa bago niyang shop.. nabigo siya ng dalawang beses, at dahil naihalintulad ito ni Prinsipe Lee Gak sa pamimingwit ng isda ay ginusto niyang subukan ito.. matapos naman ang dalawang pagsubok ay nakuha na rin ng dalawa ang raddish doll na lubos nilang ikinatuwa...
dahil sa nagawa niyang pag-recruit ng mga tao para tumulong sa pamimitas ng strawberries at pati sa pagkahuli niya sa raddish doll, sinumbatan nang sinumbatan ng prinsipe si Park Ha at ninais pa niyang parusahan ang walang tigil na bunganga nito.. dahil dun naisip ng dalaga na pagkatuwaan siya, bumili siya ng lobo at ipinahigop sa prinsipe ang hangin nito sa pagkukunwari na matamis na hangin ang kanyang matitikman.. at dahil dun, pansamantalang lumiit ang boses ng kamahalan na sobrang ikinais nito na ikinatuwa naman ni Park Ha...
balik naman sa paupahang gusali.. ibinilin naman pala ni Park Ha sa dalawa niyang kapitbahay na pakainin ng dinner yung 3 alalay ng prinsipe.. mukhang okay naman silang magkakasama.. tapos nag-video call si Park Ha, na ikinabano na naman nung 3 dahil sa napasok daw ang prinsipe nila sa cellphone...
bakik sa tren.. dahil sa sobrang pagod, nakatulog na si Park Ha habang nakasandal kay Prinsipe Lee Gak.. maya't maya niya itong tinutulak palayo, kaso tinitingnan pala siya ng ilang matatanda sa tapat nila, nahiya siya kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na lang ang dalaga sa pagsandal nito sa kanya...
birthday ng stepmom niya, naisip niya itong i-treat at i-libre gamit yung VIP card o gift check na binigay ni Tommy.. habang namimili, nakita sila nina Tommy at Sena.. sumimple si Sena para mahatak at ialis na dun sa lugar ang Mama niya, saglit namang nagkumustahan sina Park Ha at Tommy.. sa kotse, pinagalitan na naman ni Sena ang Mama niya at sinabi na sinisira ni Park Ha ang mga plano niya at humingi rin ito ng pabor sa kanya para kausapin ang stepsister niya...
nagkita ulit ang tatlo sa isang restaurant na pina-reserve ni Park Ha.. nadala rin ni Park Ha yung mga napiling items ng Mama nila mula sa kompanya nina Tommy.. nang mag-cr ang Mama nila, isinama nito si Park Ha para tanungin tungkol kay Redman na pinapahanap nga ng Lola ni Terrence kay Sena, yun yung pabor na hiningi sa kanya ng kanyang anak.. habang nasa cr yung dalawa, nakita naman ni Sena ang check o gift check ni Park Ha at kinuha niya ito at dali-daling umalis na sa restaurant...
RTP-08
dahil nga sa pakiusap ng stepmom niya (na pakiusap naman ni Sena) kinumbinsi ni Park Ha si Redman na humarap sa Lola Chairman ni Terrence.. pumayag naman si Redman dahil sa isang kapalit.. pagkapasok sa building ng kompanya nina Terrence, agad nakita ni Tommy si Redman at sinubukan itong kausapin, pero dumating ang tita nila (last time ate ang tawag niya dun sa Lola Chairman, pero this time eh tiyahin naman siya nung 2 apo??) at agad na silang niyaya papunta sa office ng Lola.. sa interview, nabanggit ng prinsipe na may hinahanap siyang tao at wala talaga siyang kinalaman sa pamilya ng Lola Chairman, tinanong siya ng mga ito kung saan ba talaga siya galing sa nakalipas na 2 taon, pero dahil sa bilin ni Park Ha na huwag nang ipagsabi kung saan ba talaga sila galing dahil wala namang maniniwala (na-reveal na omurice lang pala na dinner ang kapalit nung pabor na hiningi sa kanya ng dalaga) eh nagsinungaling na lang siya at sinabing wala siyang maalala sa nakaraang 2 taon.. habang nasa interview nagustuhan niya rin yung yogurt, tinawanan naman siya ng tinawanan ng papa ni Tommy dahil sa pagiging kakaiba.. pero kahit sinabi niya ang totoo, hiniling ng matanda na kung pwede ay siya na lang ang tumayong apo niya...
habang papalabas na si Redman ng building, nadaanan naman niya yung bikini fashion show kung saan organizer si Sena.. at dahil balot na balot kung magbihis ang mga babae noong panahon niya at hindi siya sanay na makakita masyado ng flesh, hindi niya napigilan na manood, kunwari nahihiya pero pasulyap-sulyap naman siya sa mga modelong naka-2-piece (manyakis, LOL!).. at habang patingin-tingin siya ay nakita niya si Sena na inaakala nga niyang si Prinsesa Hwa Yong.. dali-dali niyang pinuntahan ang babae, umakyat sa rampa at ginulo yung mga modelo at mga props.. tapos niyakap niya ang napagkamalan niyang prinsesa, at itinulak naman siya nito at sinampal.. takot na takot sa kanya si Sena, sinubukan ulit itong lapitan ng prinsipe subalit dumating na ang mga security guard para kaladkarin siya palabas ng building...
sa opening ng fruit shop ni Park Ha, dumating na yung maniningil ng renta.. napag-alaman na may balanse pa dito ang dalaga at binigyan pa nga siya nito ng special treatment.. at saka niya na-realize na wala na sa kanya yung 40,000,000 Won (o 4,000 dollars sa dub) na pambayad sana dun sa balanse niya.. sinubukan niya agad tawagan si Sena na hindi naman sinagot ng stepsister niya, dito na-reveal na noong nasa restaurant sila ay nakita ni Sena yung tseke at kinuha niya ito at pinunit para mapahamak si Park Ha.. dahil hindi agad siya makapag-provide ng pera sa deadline niya, nagduda na tuloy yung maniningil sa kakayahan niyang makapagbayad at sinabihan na lang siya na kalimutan na ang kontrata sa pagrenta.. nandoon rin pala yung 3 alalay ng prinsipe na naka-costume at yung 2 nilang kapitbahay (si Kulot at si Foreign Blood) para tulungan siya sa pag-promote ng fruit shop niya na nagulat rin sa mga nangyari...
si Redman naman ay hinintay ang paglabas ni Sena sa gusali, pero andun pa rin yung mga security kaya hindi siya nakalapit at naiwan na siya nito...
lumapit naman si Park Ha sa stepmom niya para humingi ng tulong, pero wala rin naman siyang malaking halaga.. ang maganda, dahil tseke yung nawala ay na-report naman niya agad ito pero 3 to 4 months pa ang itatagal bago niya mabawi yung pera niya.. naabutan sila ni Sena at kinausap siya nito tungkol sa offer niya.. dahil sa ginawang paglapit ni Park Ha sa Mama nila para humingi ng tulong, napatunayan ni Sena sa kanya na sa oras ng problema ay posibleng magulo nga niya ang pamilya nung dalawa.. dahil dito in-offer-an niya si Park Ha ng kailangan nitong pera kapalit ng tuluyang pag-alis nito sa Korea at pagbalik sa US...
RTP-09
dahil sa problema at sa inalok ng stepsister, untik nang makalimutan ni Park Ha na magligpit sa shop niya.. sa gitna ng ulan, inayos niya ang kanyang mga paninda, tapos saka niya naalala ang usapan nila ni Redman na kakaunin niya ito bukod pa yung pa-dinner na omurice.. matagal siyang hinintay ng prinsipe, at hindi na niya sinabi dito ang nangyari sa kanya, dahilan kung bakit nagalit ang kamahalan.. nais niyang malaman kung anong matinding rason kung bakit hindi nakatupad ang dalaga sa pangako niya.. hindi na ito sinagot ni Park Ha at sinundan na lang siya ng prinsipe pauwi.. sa Rooftop, naiwan na sa labas ng bahay ang Raddish Doll na nabasa na sa ulan, isinumbat ng prinsipe kay Park Ha na mas mahalaga lang sa kanya ang kumita ng pera kesa sa pagtupad sa mga pangako nito, at sinabi niya na dahil dun hinding-hindi magtatagumpay ang negosyo ng dalaga.. isinumbat naman ni Park Ha kay Redman ang pagiging palaasa nito sa iba.. nagtalo sila, at nang sasampalin na si Redman ng dalaga ay nasalag naman niya ang parehong kamay nito...
napanaginipan ni Redman na magkasama sila ni Prinsesa Hwa Yong, pero biglang lumabas si Park Ha sa panaginip niya para utusan na itong magtrabaho.. dahil dun nagising siya mula sa kanyang pagkakatulog...
kinaumagahan, gutom na ang Joseon 4.. inutusan ni Yellowman si Park Ha na ipagluto ang prinsipe pero dinedma sila nito at umalis na ng bahay.. nangamba sila na hindi man lang sila iniwanan nito ng pagkain, nag-volunteer si Blueman na mangaso pero agad naman siyang pinatigil ni Greenman dahil imposible ang sinasabi niya.. nag-suggest naman si Yellowman na bumili na lang ng instant noodles ang prinsipe, subalit wala rin naman itong pera...
si Park Ha naman ay makikipag-meet pala kay Aimee (yung ka-close niyang katrabaho sa New York) na nagbakasyon sa Korea at bagong kasal lang...
balik sa Rooftop, tinawag na ni Becky ang 3 alalay ng prinsipe para magtrabaho, na isinikreto naman nila mula sa kanilang kamahalan.. si Greenman ay nagmando ng traffic sa isang parking lot na sa halip na makatulong eh mas nagkabuhul-buhol yung traffic.. si Blueman naman ay nag-barista sa isang coffee shop, pero nang bayaran na siya ng customer sa pamamagitan ng card ay napagalitan niya ito at nag-insist na pera dapat ang ibayad sa kanya.. si Yellowman naman ay naaliw sa pagka-carwash, kaso sumobra siya at pati yung loob ng kotse ay sinabon at binasa niya...
balik kina Park Ha, binigay ni Aimee ang isang lata ng kung ano kay Park Ha na naiwan nito sa dati nilang pinagtatrabahuhan sa New York...
balik sa Rooftop.. eventually, nasisante agad ang 3 dahil sa kanilang kapalpakan.. saka nila nabanggit kay Redman na nagkaproblema si Park Ha sa pagbubukas ng shop niya kaya hindi na ito matutuloy, dahilan kung bakit naghanap ng part 4ime job ang 3 alalay.. sa labas ng bahay, pinulot ni Lady Mimi ang basang-basang Raddish Doll at sinabi na magdamag itong umiyak.. pinatawag na ulit ni Becky ang 3 para magtrabaho, at pinaalala sa mga ito kung gaano kahalaga na magkaroon ng trabaho.. sini4a naman ni Lady Mimi si Redman dahil hindi ito nagtatrabaho kahit na mukha naman itong malakas, sa huli ibinilin na lang niya dito na alagaan ang Raddish Doll (na sa tingin ko eh sumisimbolo kay Park Ha)...
balik kay Park Ha, in-offer-an pala siya ni Aimee na magtrabaho sa restaurant na itatayo ng mag-asawa sa New York.. dahil dun napag-isip-isip rin siya.. sa Rooftop, nakita niyang nakasampay na ang Raddish Doll at naalala niya kung paano nila ito nakuha ng prinsipe...
si Becky at Lady Mimi naman ay dinala ang apat sa isang court o park.. tinuruan ang 3 ni Becky kung paano magsayaw na may costume, siyempre naiilang sila dahil pambabae ang mga giling ni Becky.. si Redman naman ay nasa isang sulok at pasimpleng ginagaya ang mga turo ni Becky.. pansamantala silang iniwan ni Becky para magbihis ng Panda mascot niya.. si Lady Mimi naman tinuruan sila na huwag lang basta magsayaw kundi magsayaw na parang baliw para tiyak na makakuha ng atensyon ng mga tao, binilin niya rin sa mga ito na huwag makikipag-usap habang naka-mascot.. oras na ng rabaho, humingi ng pahintulot ang 3 sa kanilang kamahalan na pinayagan naman nito, lalo namang naasar si Lady Mimi kay Redman sa pagiging bosing nito.. nagbenta sila ng strawberries ni Park Ha sa kalye, gamit yung mga mascot na pang-attact ng mga customers, bukod dun may pa-free taste din sila.. si Lady Mimi ang nagbebenta habang nang-aaliw naman yung 4 na naka-mascot.. pagdating ni Panda, na inaakala nilang si Becky, sinabihan ito ni Lady Mimi na pakitaan ang tatlo kung paano magbaliw-baliwan, ginawa naman ito ng Panda...
sa Corporate Building, napag-alaman ng tita-lola (i assume na kapatid talaga siya nung Lola Chairman since tita ang tawag sa kanya ng papa ni Tommy, siguro tita lang yung gusto niyang tawag sa kanya ng mga apo niya para hindi magmukhang matanda) na sinisante ni Tommy ang mga wedding models nito.. pinaalala nito kay Tommy na maging mabait naman sa mga anak ng mga kakilala niya, na sinagot naman ng apo na mas magagaling ang models nila...
nakita ni Park Ha ang ginagawa nina Lady Mimi at pabirong sinita ito na hindi man lang sila nagpaalam sa may-ari.. sinabi nito na si Becky talaga ang nakaisip nung ideya, at itinuro pa yung Panda as Becky.. pero dahil sa suot na mascot at sa sobrang hataw, kinapos ng hangin at hinimatay ang Panda...
RTP-10
si Becky lang talaga ang nakakaalam sa ginawa nila ni Redman.. kahit si Blueman inakala na si Becky yung nasa loob nung Panda costume, at makikita na may respeto siya sa mga babae.. si Redman naman, panay ang paggaya sa postura ng mga babae para hindi siya mahalata.. nagkamalay na si Redman, pero sinuot niya ulet yung maskara nung pumasok si Park Ha.. malaki ang pasasalamat ni Park Ha sa inaakala niyang si Becky, medyo naging emosyonal at sentimental siya at hinawakan pa sa kamay ang nagkukunwaring si Becky.. naalala niya nung nagsisimula pa lang sila sa Korea 2 years at kung gaano na karami ang utang niya sa foreigner na kapitbahay (Uzbekistan si Becky pero marunong siyang magsalita ng Korean).. inamin niya rin dito na iiwanan na niya ang Rooftop para magtrabaho sa US at binilin rin sa kanya na huwag munang sasabihin ang tungkol dun sa 4 na lalaki, na ikina-badtrip ng prinsipe.. pinakita naman ng Panda na hindi niya gusto ang desisyon ni Park Ha at sabay nag-walkout.. sa labas, nakasalubong niya si Becky na inakala na galit ito sa kanya kaya't sorry siya nang sorry at kinailangang si Redman ang pumalit sa kanya dahil sa biglaang tawag sa trabaho...
sa kompanya, nagmi-meeting ang mga head kasama si Lola Chairman tungkol sa kung sinong mas dapat na gamitin na mga model para sa gagawin nilang first live wedding ceremony on tv na para sa pagbebenta nila ng wedding package sa home shopping network.. s-in-uggest ni Tommy na mga empleyado na lang nila ang gamitin bilang mga modelo at agad nitong is-in-uggest si Sena na ikinagulat ng lihim niyang kasintahan.. habang nag-aayos na silang lahat, pinatawag ni Tommy si Sena at nag-propose na ito dito at sinabi na ipapaalam na nila sa mga magulang ang tungkol sa kanilang relasyon pagkatapos ng event...
sa Rooftop, nag-party yung 7.. pasalamat nang pasalamat si Park Ha sa mga kasama niya maliban kay Redman.. tinagayan niya yung 3 alalay at initsapuwera ang prinsipe, kaya ito na lang ang nagtagay sa sarili niya para sa cheers.. inabot na ni Lady Mimi ang kita para kay Park Ha, at sinabi nito na babayaran niya rin ang utang na loob niya sa kanilang lahat.. pero dahil alam ni Redman ang totoong balak ni Park Ha, pasigaw nitong tinanong ang dalaga kung kailan naman yung panahon na yun - na pinatatamaan nga yung balak nitong pag-alis ng Korea.. hindi nakasagot si Park Ha at nabigla siya kay Redman, sabay walkout naman ng lalaki sa may hagdanan.. bumaba si Becky at inaya siyang mag-coffee sa bahay nila, nag-request naman siya ng ibang drink basta matamis.. nakita niya si Becky sa tv na tinatawag niyang 'kahon', at tinanong kung siya nga ba yun.. at siya nga daw yun, at yung napapanood nila ang trabaho ni Becky na naging dahilan kung bakit kinailangan ng prinsipe na pumalit sa kanya bilang Panda.. nilipat ni Becky ang channel sa Home Shopping.. tinatanong niya si Redman kung pwede na ba niyang sabihin ang totoo kay Park Ha tungkol sa pagpa-Panda ng lalaki, hindi daw kasi siya sanay na maglihim sa kaibigang si Park Ha.. pero bigla naman nakita ng prinsipe si Sena na nagmo-modelo ng wedding gown sa tv, tinanong niya si Becky kung anong ginagawa ng mga nasa tv, at nang sabihin nito na ikinakasal ang mga yun ay agad niyang inalam kung paano pumunta sa lugar na yun...
naging successful ang event na p-in-lano ni Tommy at binati naman siya ng Lola Chairman.. saglit na nag-usap sina Tommy at Sena.. nang magbibihis na ang babae, nakita siya ni Redman at kinulit na naman ito tungkol kay Prinsesa Hwa Yong.. agad sumaklolo si Tommy at inupakan si Redman dahilan kung bakit nahulog ito sa tubig (dagat o ilog), halos kagaya nang nagawa niya kay Terrence sa New York...
sa Rooftop, sinilip na ni Park Ha ang mga laman nung lata niya na binalik sa kanya ni Aimee from the US.. andun yung postcard na may sketch niya na may kasamang paruparo, na-reveal na iniwan pala ito ni Terrence dun sa isang kasamahan nila sa pub para ibigay sa kanya, may kasama yung note ng oras at araw ng pagtatagpo sana nila.. inakala ni Park Ha na isa lang yung biro, sumipot naman siya sa tagpuan pero walang dumating.. meron ring cellphone sa loob, the same night na nagawi sa bar nila sina Terrence, aksidenteng may nagkapalitan ng cellphone, yung babaeng customer ay ibinilin kay Park Ha yung cellphone ng nakapalitan niya at kung sakaling maibalik daw yung cellphone nito ay kontakin na lang siya (most probably cellphone iyon ni Terrence na naglalaman ng ebidensya na makapagsasabi na nagkita nga sila ni Tommy bago yung aksidente, pero siyempre hindi pa ito agad iri-reveal).. bukod dun may parang panabit rin (na hindi pamilyar sa akin)...
balik naman sa panibagong aksidente, isinugod ng mga tao si Redman sa ospital.. habang walang malay, nagkaroon ng assumption ang prinsipe na yung mga kamukha nilang tao sa future ay posibleng reincarnation nila ni Prinsesa Hwa Yong, at posibleng pansamantala siyang pumalit sa katauhan ni Terrence...

K-ture: Rooftop Prince - Week 1 Recap
okay, so..
gagawin kong by week yung pagpo-post ko ng summary..
pasensya na kasi malabo yung channel 2 namin (ABS-CBN), kaya may mga detalye akong nami-miss paminsan-minsan.. lalo na kung descriptive na detalye yun..
kung sa ABS-CBN TV 10 Batangas naman, ay naku! marahas ang pagka-cut nila ng scenes dun.. hindi ko nga maintindihan kasi sa hapon sinisingit nila yung news nila, kaya kung nagtatanggal sila ng ibang programs eh bakit hindi na lang yung Kris TV o yung replay na Hitman Reborn ang alisin nila sa umaga..?
anyway..
mapapanood ang Rooftop Prince sa ABS-CBN channel 2 tuwing weekdays, mga 5:10 pm base sa oras nung station..
o pwede rin naman sa ABS-CBN TV 10 Batangas (kung nasa area kayo), mga 9:20 am..
para sa lugar namin, mas malinaw ang channel 10, kaso nga eh halos mawala na ang sense nung istorya dahil sa mga cut nila...
bale hindi 60 minute runtime yung ginagamit dito sa bansa..
hindi ko pa matantsa..
pero halimbawa sa ngayon, nasa Episode 15 na ang local channel, pero yung mga eksena ay nasa Episode 6 pa lang ng actual cut...
nasa 20 episodes lang yung series, pero malamang lumobo yun ng kainaman...
halina nga't dumiretso na tayo sa summary ko..
pero para hindi kayo masyadong malito, heto muna yung mga basic terms o names:
Lead Roles:
Supporting Characters:
Group Terms:
Locations:
Rooftop Prince - Episode 01 (RTP-01)
sa isang fictional historical Korean era, kinailangan nang itakda ang magiging prinsesa ng crown prince na si Lee Gak - at ang kaisa-isa niyang binigay na requirement eh dapat maging sobrang ganda nito para hindi niya ito pagsawaan.. sa tahanan ng mga Yong, parang kumbinsido na ang magkapatid na sina Wa Yong (panganay) at Bu Yong (bunso) na si Wa Yong ang isasali sa magaganap na pilian, subalit sa hindi malamang dahilan eh ang bunsong anak ang napili ng ama nila upang isali sa pilian (sa totoo lang hindi naman cute yung batang Bu Yong).. sa mga panahon na yun nakikitaan na nang senyales ng pagiging mainggitin si Wa Yong (pero siguro ayos lang yun dahil parang hindi naging patas ang parents nila sa pagtrato sa kanila).. at sa isang aksidente habang namamalantsa si Wa Yong, tinamaan ng pam-plantsa ang pisngi ni Bu Yong na naging dahilan nang pagkasira ng kanyang itsura na naging dahilan rin para hindi na siya maisali sa ginawang pilian ng magiging prinsesa (LOL, ganun pala ang sinaunang plantsa).. simula nun, nagsuot na si Bu Yong ng pinalamutiang tela upang takpan ang kanyang mukha.. eventually ang kapatid niyang si Wa Yong ang naging prinsesa, at ginawa rin naman nito ang naipangako niya sa kapatid na madalas siyang ipapatawag nito sa palasyo para maranasan ang magandang buhay.. pero medyo pasaway na si Wa Yong nung mga panahon na yun at tila inaangkin ang mga ginawa ng kapatid niya.. tapos for some reason eh may pumatay sa prinsesa, natagpuan na lang siyang nakalutang sa may latian, at dahil dun naisip ni Prinsipe Lee Gak na imbestigahan ang naging pagkamatay niya...
tapos pa-mysterious epek na lumipad yung paru-parong binurda ni Bu Yong patungo sa present time, sa New York.. first time na nagkita nina Terrence (ang future na katauhan ni Prince Lee Gak) at ni Park Ha (na hindi pa niri-reveal na future na katauhan ni Bu Yong).. si Park Ha ay isang fruit vendor (Apple Lady yung itinawag sa kanya) na may iba pang raket dahil hinahanap niya ang tatay niya, at si Terrence naman ay isang pasaway na tagapagmana ng kompanya na tinakasan ang responsibilidad niya.. una pa lang niyang nakita si Park Ha eh nagustuhan na niya 'to pero hindi naman talaga sila nagkakilala, hindi rin yata namukhaan ng babae si Terrence.. kinagabihan, nakita niya ulet ang babae sa panggabing raket nito bilang isang waitress.. noon nakatanggap ng tawag si Park Ha na nagsasabing posibleng makita na niya ang kanyang ama na lubos niyang ikinatuwa.. next scene eh sa isang yacht sa may New York, ini-sketch ni Terrence ang view ng New York nang biglang nagkaroon sila ng konting pagtatalo ng half-cousin niya.. sinuntok siya neto, nabagok ang ulo sa bakal sa yacht, at tuluyang nahulog sa dagat...
oo nga pala.. bago pa man mamatay si Prinsesa Wa Yong.. binigyan ng isang assignment na bugtong ni Prince Lee Gak si Bu Yong.. "mabuhay man ito'y mamamatay, at mamatay man ito'y mabubuhay".. kandila lang yung naiisip kong sagot dun sa bugtong pero hindi ko pa talaga alam kung anong totoong sagot at kung anong relevance nun dun sa love story nila...
RTP-02
sa present time, bale mukhang may masamang intensyon nga ang half-cousin ni Terrence sa kanya, dahil matapos yung aksidente sa yate ay ni hindi na nya naisip na tulungan ang pinsan.. bagkus ay nilinis niya lahat ng ebidensya na magsasabi na nagkita nga sila sa New York ng pinsan nya at iniwan na lang niya yung yate (na medyo alanganing script kasi lumangoy siya pabalik sa pampang, so posibleng may makakita sa kanya na tao o surveillance camera, at matindi ang FBI sa US eh).. tapos nagkasabay silang umuwi sa Korea ni Park Ha.. related yung half-cousin ni Terrence sa stepsister ni Park Ha na si Sena (ang future na katauhan ni Prinsesa Hwa Yong).. bale nasa South Korea na nga si Park Ha, tapos positive naman yung DNA match result sa tatay niya, kaso ang masamang balita eh patay na yung papa niya at nag-iwan lang siya sa database ng mga pulis ng DNA record niya in case nga na hanapin siya ng nawalay na anak.. matapos niyang malaman yun, nagkita na nga sila ng stepmom at stepsister niya sa burol ng papa niya.. doon nagulat si Sena na makita muli ang kapatid at na-reveal sa audience ang nakaraan ni Park Ha (kakatwa ang ginawang dubbing sa Tagalog para sa series na 'to, kasi Park Ha ang tawag sa kanya ng lahat pero kung tutuusin eh fullname niya yun).. mabalik dun sa flashback revelation, bale halfsisters lang sina Park Ha at Sena sa future (hindi ko pa sigurado, pero sa past eh mukhang tunay naman silang magkapatid, pero sa future eh ibang tao na yung mga parents nila).. ina na lang ang meron si Sena tapos ama naman para kay Park Ha.. simula pa lang eh halatang mainggitin na si Sena.. ilang beses niyang ginamit o sinubukang i-frameup sa pagsa-shoplift si Park Ha, pero minsan eh nahuli siya ng stepdad niya at napagpalo siya bilang parusa.. sunod naman eh mukhang nag-setup siya para madispatsa na si Park Ha, iniwan niya ito sa loob ng isang truck, nakatulog ang bata, iniwanan niya ng gatas, tapos hinayaan niya na lang itong matangay nung umalis na yung truck.. nakita pa siya ni Park Ha nang magising na ang bata sa umaandar na truck, humingi ito ng tulong sa ate niya, pero tuluyan na siyang binalewala nito.. balik sa present time, ni-reveal ng stepmom ni Park Ha na 9 y/o na ito nung mawala siya noon kaya naman nagtataka siya kung bakit late na nung mahanap niya ulet ang pamilya niya, at sinabi nito na na-involve siya dati sa isang car accident at nagkaroon ng malaking injury sa ulo na dahilan kung bakit nawala ang alaala niya, dahil dun naging kampante si Sena na hindi mabubunyag ang ginawa niyang pagdispatsa noon sa kanyang stepsister...
balik naman sa Joseon era, sinusubukang lutasin ng palasyo ang misteryosong pagkamatay ni Prinsesa Hwa Yong subalit namatay lahat ng mga taga-silbi nito na magsisilbi sanang mga witness nang subukan 'daw' nilang takasan ang mga pulis ng palasyo.. dahil dito bumuo si Prinsipe Lee Gak ng grupo ng mapagkakatiwalaan niyang mga tao upang imbestigahan nang husto ang kaso.. kumuha siya ng isang matalinong pinagkaitan ng pagkakataon na magkaroon ng posisyon sa palasyo na ginawa niyang tutor, isang dalubhasa sa espada na paparusahan na sana ng kamatayan dahil sa pagpatay niya sa isang maharlika n ginawa niyang personal bodyguard, at isang chickboy na crossdresser na magaling mangalap ng impormasyon na ginawa niyang isang eunuch.. ni-review nila lahat ng mga pangyayari noong gabi bago mamatay ang prinsesa, magkasama sila noon ng prinsipe nang dumalaw si Bu Yong upang ibigay na ang sagot sa bugtong na pina-solve sa kanya ng prinsipe.. hindi ni-reveal sa audio ang sinabi nitong sagot, pero sinabi ni Prinsipe Lee Gak na tama ang ibinigay nitong kasagutan, at dahil doon ay medyo nainis si Prinsesa Hwa Yong.. nai-conclude rin nila na posibleng namatay ang prinsesa dahil sa pagkain ng pinatuyong persimon na nilagyan ng lason.. ibinalita rin ng eunuch niya na meron siyang impormasyon tungkol sa isang tao na posibleng witness sa crime.. ngunit bago pa man nila matunton yung tao ay tinambangan na sila ng mga assassin, at sa kanilang pagtakas ay na-teleport na lang sila sa future dahil sa lunar eclipse...
balik sa future, mukhang mabait naman ang stepmom ni Park Ha sa kanya, mas magkasundo pa sila nito kesa sa tunay na mag-ina.. pinuri niya rin ang stepdaughter dahil 2 years pa lang siya sa Korea ay makakapag-start na siya ng sarili niyang maliit na negosyo, di tulad ni Sena na baon na sa utang dahil sa mga sapatos at bag at iba pa niyang kapritso...
RTP-03
edi na-teleport na nga ang Joseon 4 sa future, sa mismong bahay ni Park Ha na nasa rooftop ng isang paupahan na gusali na ikinagulat naman ng dalaga (nasa 24 y/o na siya).. nang makalabas sila sa rooftop, nagtaka ang Joseon 4 sa itsura ng kapaligiran, inakala nilang isang mangkukulam si Park Ha at napailalim lang sila sa salamangka nito.. si Park Ha naman iniisip kung baliw ba yung apat o kung umaarte lang.. gusto na sanang paslangin yung dalaga nung bodyguard ng prinsipe, pero inawat ito ng kanyang kamahalan, at bagkus ay inutusan na lang si Park Ha na ihatid sila sa kanyang palasyo.. at dahil marunong mag-preserve ng mga historical sites ang Korea eh andun pa rin nga yung dating palasyo mula sa Joseon era, at dun sila inihatid ni Park Ha.. bago sila tuluyang maghiwalay, nagawa namang pagmasdan ng tutor ng hari ang plate number ng delivery truck ng dalaga...
sangkatutak na kamalasan ang inabot nung apat.. hindi sila nakapasok sa palasyo, nasita sila ng parak, nagutom, nanakot pa si Prinsipe Lee Gak sa 7/11, nabigyan ng warning ng pulis, at hinuli na sila kinabukasan ng mga pulis matapos mag-trespass sa palasyo, at hindi man lang sila pinakain sa prisinto...
samantala, nagkita na ulit ang half-cousin ni Terrence at si Park Ha nang maghatid ito ng grocery para sa stepsister niyang si Sena na karelasyon nga yata nung half-cousin.. nakasara yung pinto nung condo yata yun nung una, pero may kung ano o sinong nagbukas noon kaya nakapasok rin si Park Ha.. hindi naman yata siya naalala nung half-cousin at si Sena naman ay itinanggi ang relasyon niya dito at sinabi na isa lang siyang kakilala na nagtitinda sa palengke...
balik sa prisinto.. upang makatakas na sa kulungan, ginamit ng Joseon 4 na dahilan at kakilala si Park Ha.. dahil sa talas ng memorya ng tutor ng prinsipe, nagawa nitong ma-recall ang itsura ng plate number ni Park Ha.. hiningan sila ng contact number ng mga pulis, pero yung kopya na lang ng plate number ang binigay nila na naging dahilan para ma-track ang dalaga.. at yun nga nabalik na sila sa poder niya.. ayaw niya sanang tanggapin ang apat dahil hindi naman niya talaga kakilala ang mga yun.. pero yung eunuch eh nahimatay o nagkunwari lang na nahimatay sa gutom kasi daw 2 araw na silang hindi kumakain, dahilan para maawa na sa kanila ang bidang babae...
RTP-04
correction - bale 26 plus y/o na pala si Park Ha since 9 siya nung nawala siya, 15 years after nung makabalik siya, tapos 2 years na ang nakalipas simula nung bumalik siya sa Korea...
naawa nga si Park Ha sa apat na time-traveler kaya pinaghanda niya ang mga ito ng omurice na nagustuhan naman ng mga ito.. habang kumakain yung apat eh pinatawag naman ang dalaga ng landlord para ipakilala ang mga bago niyang makakasama sa paupahang gusali.. hinulaan pa siya ng isa sa mga ito na maswerte daw siya sa mga lalaki (na masyado nang literal)...
balik sa loob ng bahay.. sinubukan ng bodyguard at ng tutor na buksan ang bote ng mineral water upang makainom na ang prinsipe, subalit dahil sa kakulangan nila ng kaalaman eh nagkadisgra-disgrasya na.. aksidenteng nabuksan ang tv na pinatulan naman ng bodyguard upang 'iligtas' ang kanyang kamahalan, pinatulan rin nila ang iba pang nagsasalitang electronic device sa loob ng bahay, nagkaroon ng sunog na sinubukan nilang bugahan ng tubig mula sa toilet bowl gamit ang kanilang mga bibig, at pati yung talking teddy bear ng dalaga ay pinagsasaksak ng bodyguard.. pagdating ni Park Ha ay kaagad na tinira ng fire extinguisher ang apat na pasaway.. dahil sa nangyari pinilit sila ni Park Ha na bayaran ang kanilang mga atraso sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa kanya.. tinanggap naman ito ng Mahal na Prinsipe...
pansamantalang hinabilin ni Park Ha ang mga damit ng Joseon 4 sa isang kakilala, parang ginawang collateral.. tapos ikinuha niya ito ng parang jogging attire na color coded.. naging si Redman si Prinsipe Lee Gak, Blueman ang bodyguard, Greenman ang tutor, at Yellowman naman ang eunuch (ganun na yung tawag niya sa kanila).. bale ginawa niyang kargador yung tatlo sa palengke, yung tatlo lang kasi hindi naman tumutulong ang prinsipe.. $720 ang total ng damage na nagawa nila, $3 daw ang rate nila (bale 9 ang total), tapos 8 days to pay (medyo naguluhan ako dun, siguro per hour yung rate for 10 hours a day).. tinuruan niya rin ang mga ito na kumain ng makabagong pagkain gaya ng instant cup noodles...
si Tommy naman (yung half-cousin ni Terrence) eh inayang kumain sa labas si Sena.. medyo napaisip kasi siya kay Park Ha dahil pamilyar nga ito.. (medyo magulo na naman yung mga dialog nila o yung dub lang, nung una kasi kakilala lang ang pakilala ni Sena sa stepsister niya, pero sa date nila ni Tommy eh kapatid na yung tanong nito sa kanya).. dito tinanggi ni Sena na galing si Park Ha sa US.. tapos ipinatawag niya rin ang stepsister para kausapin...
sa pag-uusap ng magkapatid, na-kuwestiyon ni Sena kung bakit dumalaw si Park Ha sa apartment niya (kung saan niya nakita si Tommy).. bukod dun eh sinabihan niya ito na dumistansya na sa kanila kahit parang pamilya na rin sila.. pinagbawalan niya ito na maging malapit at tawaging mom ang ina niya.. at iyon ay lubusang ikinalungkot ni Park Ha dahil hindi niya lubusang naiintindihan ang nangyayari.. noon eh nakita naman ni Prinsipe Lee Gak si Sena at agad niya itong napagkamalan na prinsesa.. sinubukan niya itong habulin ngunit bumangga siya sa salamin dahilan para ma-ospital siya...
sa ospital ay nakita siya ng lola ni Terrence, napagkamalan ito ng matanda na kanyang apo, pero nang muli nilang silipin yung waiting room eh wala na ito dahil nakapasok na siya sa loob ng x-ray room...
sa bahay ng negosyanteng lola, nag-aalala ang mga kaanak nito dahil hindi nga makita si Terrence, nag-suggest ang ama (na anak sa labas ng asawa ng matanda) na tumira si Tommy dun sa bahay para makasama ng lola-lolahan niya at tumayong kapalit ng legitimate na apo para sa pagpapatakbo ng negosyo.. agad na pumayag ang kapatid na babae ng matanda (though mas mukha siyang isang tita) na sa kanila na tumira si Tommy at inutusan si Sena (na secretary ng lola) na asikasuhin ang paglipat ni Tommy.. mukhang medyo hindi pabor si Sena sa paglipat ng BF nya yata si Tommy, pero si Tommy eh natuwa nang husto...
RTP-05
kinagabihan, nag-meeting ang Joseon 4.. na-realize na nila na napadpad nga sila sa future, nakapag-hypothesize ng ilang goal para makauwi, pero hindi pa rin sila sigurado.. tumigil lang sila nang sitahin na sila ni Park Ha dahil nag-iingay na sila sa labas...
hindi makatulog yung dalawang bida - si Prinsipe Lee Gak dahil hindi niya maalis sa isipan niya si Sena na kamukha nga ni Prinsesa Hwa Yong, at si Park Ha dahil nasaktan siya sa mga hiniling sa kanya ni Sena.. lumabas ang babae ng bahay at nadatnan niya sa labas ang hindi rin ngang makatulog na prinsipe.. dahil dun naglabas siya ng isang bote ng soju at whipped cream (interesanteng kombinasyon yun ah), naka-pink hoody na si Park Ha sa pagkakataon na 'to (para ng power rangers yung lima kapag nagsama-sama), bumarik sila at nagkasayahan, namula yung pisngi ng dalaga dahil sa pag-inom, noon napansin ng prinsipe na hindi naman pala siya talaga masungit at maganda pa, dito yung first touch niya kay Park Ha, hinawakan niya ito sa pisngi na ikina-buwisit naman ng babae dahil tila ginagawa lang siyang katatawanan nito...
kinabukasan tinraining na ni Park Ha ang apat kung paano mabuhay sa modern world.. una muna eh yung mga kagamitan sa bahay, nung tinuro na ang paggamit ng toilet bowl eh naalala pa ni Greenman na nilagay niya sa bibig niya yung tubig galing sa bowl at masuka-suka na siya.. tapos outdoor training naman, sa pagsakay ng bus eh iniwan pa ng apat yung mga sapatos nila sa labas (LOL!), tapos nabano rin sa escalator na akala eh dinadakip sila.. habang nasa training, napatawag ang stepmom ni Park Ha (mama yung tawag niya sa kanya).. hinihiram sana nito yung delivery truck ng stepdaughter niya tapos pati na rin yung serbisyo nito para nga sa gagawing paglilipat sa bahay ng lola ni Terrence...
pagdating sa site, iniwan muna nina Park Ha si Redman para kumuha ng mga gamit pang-impake.. pinapasok naman ito sa loob ng mansyon, at doon nakita niya ang picture ni Terrence at nagulat siya sa kanilang pagkakahawig.. nakita naman siya ng lola nito, inakalang si Terrence siya, at dali-daling ipapakita sana sa iba...
pagkabalik ng apat, nadatnan naman sila nina Sena at Tommy, nagulat yung dalawa lalo na si Tommy na na-confirm na yata na si Park Ha nga yung nakita niya sa New York.. dali-daling pumasok sa bahay ang half-cousin at nakita na magkasama na ang lola at si Redman at iginigiit nito na ito sa Terrence.. kaso eh dahil prinsipe nga eh naging marahas si Redman sa lola ni Terrence at naitulak pa nya ito, na ikinagalit ni Tommy dahilan para patulan na niya si Redman...
sa labas naman, pinapagalitan naman ni Sena si Park Ha dahil hindi niya inaasahan na uutusan ito ng mama niya.. dahil naman sa pagtatalo sa loob eh tinawag ni Redman si Blueman para sa saklolo, agad itong sumaklolo kasunod sina Green at Yellowman.. ibinalibag ni Blueman si Tommy at agad nang tumakas ang lima.. sinermonan ni Park Ha ang apat habang nasa sasakyan at sinabihan na hindi na pwede sa susunod yung walang galang na ugali ng prinsipe...
kahit naitulak, pinilit pa rin ng Lola si Tommy na hanapin si Redman sa pag-aakala na may kakaiba lang na nangyari dito, pero dahil kumbinsido pa ang apo sa labas na hindi ito si Terrence ay tumanggi ito sa inuutos ng Lola, dahilan para malipat ang utos sa secretary niyang si Sena na inaakala ng matanda na siyang nagpatawag sa limang taga-hakot...
after nun, namulot naman ang lima ng mga damit at kasuotan na magagamit pa sana nung Joseon 4, kapansin-pansin na sumusunod na yung tatlo sa mga sinasabi ni Park Ha, at si Redman naman ay hindi niya ipinaghanap ng pamalit na kasuotan.. (kakatwa dahil nasa parang mga basurahan lang yung mga pinupulot nilang mga 'pwede' pang kasuotan, sa halip na nasa mga ukay-ukayan o relief center, haha!).. tapos nakakita naman si Yellowman ng boots na nababagay sa hari, na ikinasiya naman nilang apat...

- Prinsipe Lee Gak (lead male protagonist) (katauhan sa past) - a.k.a Terrence Yong (katauhan sa future), Kamahalan, Redman
- Park Ha (lead female protagonist) (katauhan sa future) - Bu Yong (katauhan sa past), a.k.a Apple Lady
- Sena (lead female antagonist) (katauhan sa future) - a.k.a Prinsesa Hwa Yong (katauhan sa past), Secretary Hong
- Tommy (lead male antagonist) - o di kaya Tommy Yong
Supporting Characters:
- Yong Sul - ang bodyguard ng Prinsipe, a.k.a Blueman
- Man Bo - ang tutor ng Prinsipe, a.k.a Greenman
- Chi San - ang eunuch ng Prinsipe, a.k.a Yellowman
- Becky - foreigner na kapitbahay ni Park Ha (taga-Uzbekistan sa totoong buhay), halos kasabayan niyang tumira sa South Korea, a.k.a Foreign Blood
- Lady Mimi - bagong lipat na housemate ni Becky, a.k.a Kulot
- Susan - mama ni Sena, at stepmother ni Park Ha, a.k.a Mama
- Lola Chairman - lola ni Terrence at may-ari ng kompanya
- Tita-Lola - kapatid ng Lola Chairman
- Executive Yong - papa ni Tommy na anak sa labas ng asawa ng Lola Chairman, Exec. Yong for short
Group Terms:
- Joseon 4 - grupo ng Prinsipe kasama ang 3 alalay na napadpad sa future
- 5 - ang Joseon 4 kasama si Park Ha
- 3 - kapag sinabi kong 3, madalas yung 3 alalay ng Prinsipe lang ang tinutukoy ko
- 2 Kapitbahay - sina Becky at Lady Mimi
Locations:
- Rooftop - ang bahay ni Park Ha na nasa rooftop ng isang paupahang gusali
- Mansyon - tumutukoy sa bahay ng Lola Chairman (para tunog mayaman)
- Kompanya - tumutukoy sa kompanya o building na pagmamay-ari nina Lola Chairman, a.k.a Office

Sabado, Enero 19, 2013
Girls' Generation - Visual Dreams
may atraso na naman saken 'tong SNSD..
pasalamat sila hindi ako nanood ng Dream K-Pop Fantasy Concert kahapon, kundi baka na-kidnap ko na yung tatlo sa kanila *joke*...
kasalanan 'tong lahat ni Sunny eh..
nakita ko lang kasi noong isang araw sa videoke yung kapiraso nung music video (iba yung audio kasi nga videoke) na 'to: Girls' Generation - Visual Dreams..
at na-mesmerize naman ako sa mga robotics move at pagpapa-cute nila..
tas nung nakita ko na yung mismong music video, eh na-LSS naman ako...@_@
bale hindi saken yung mga gif files sa entry na 'to..
as usual, basta lang kinuha sa Google...
not a perfect a slice..
pinost ko lang kasi nasa front line yung tatlo kong crush: Tiffany, Sunny, at SooYoung...
ang pinaka-paborito kong G.G. - si Sunny..
ewan ko ba..
hindi ko naman siya gusto kapag simpleng itim lang yung buhok niya at kapag walang masyadong itim yung paligid ng mga mata niya..
pero nagustuhan ko yung cotton-candy-mode niya - kahit yung green at pink na buhok..
basta malakas yung dating niya saken..
akala ko pinaka-gusto ko na yung style nya na maikling blonde yung buhok..
pero nung nakita ko yung itsura niya sa music video na 'to, eh na-realize ko na 'aba, pwede pala'..
ang ganda talaga ng facial construct niya..
gusto ko nga sana siyang ipa-photocopy, para meron naman akong GF na katulad niya..
parang gusto ko kasing halikan yung perpektong nguso na yun eh...♥.♥
mas bright 'tong kopya na 'to...
isa pang cute na shot ni Sunny...♥.♥
si Tiffany..
siya talaga yung sa tingin ko na pinaka-consistent ang magandang itsura sa G.G..
gusto ko siya, pero talagang iba lang yung dating sa akin ni Sunny...
ang 2nd choice ko, LOL!
pwedeng primary na kabit *joke*...XD
at si SooYoung..
striking yung itsura niya na may bangs..
mabilog na mata + bangs = ♥.♥
3rd choice ko siya..
secondary kabit, haha! *joke*

Lunes, Enero 14, 2013
Girls' Generation - I Got a Boy
Girls' Generation or SNSD, etc (depende kung taga-saang bansa ang bumabanggit sa pangalan ng grupo nila)..
bale hindi naman talaga ako fan..
minsan lang eh kapag nagugustuhan ko lang talaga yung ilang partikular na kanta sa album ng kung sino mang K-Pop group eh medyo nahuhumaling ako sa kanila...
first time kong narinig yung kapiraso nung kanta nila sa Showtime..
tas nag-research sa internet..
at napag-alaman ko nga na excerpt pala yun sa 'I Got a Boy' ng Girls' Generation..
medyo matagal na ring familiar saken yung name nung grupo nila..
may na-encounter na kasi ako dating mga forum-ers na addict sa SNSD, na sila rin pala yung Girls' Generation...
ayun nga..
noong una gusto lang yung chorus na part - kasi nakaka-indak..
tas habang paulit-ulit ko siyang pinakikinggan eh nagustuhan ko na rin kung paano nila m-in-anipulate yung tempo, beat, genre nung kanta...
at astigen nga..
bukod pa dun, eh naadik na din ako dun sa music video nila pati na rin dun sa ilang members..
yung sayaw kasi eh hindi masyadong malandi..
walang masyadong flesh, at hindi rin masyadong giling na giling yung mga moves..
bale - sexy na hip-hop (o kung ano pa man ang tawag dun)..
at sobrang astigen nun..
sa katunayan, nag-download na rin ako ng video para mapag-aralan ko yung steps...
si SooYoung sa isa sa pinaka-paborito kong portion nung music video..
Ayo, GG!
anlaki pa nung muta niya, LOL (*peace* ^_^,v,,)..
tapos are naman yung pinaka-tumatak saken na mga members:
top - down: SooYoung, Sunny, Tiffany, at SeoHyun..
si SooYoung kasi ang cute niya nung nagbukas siya ng pinto.. tapos may Haponesa rin akong naaalala sa kanya..
si Sunny.. ewan.. kahit weird at makulay siyang magbuhok na parang cotton candy na eh naku-cute-an ako nang sobra sa kanya.. gusto ko yung itsura niya kapag dark na dark yung paligid ng mga mata niya, at dahil dun nagmumukhang perpekto yung facial features niya..
si Tiffany.. maganda siya at mabilog ang mga mata.. sa tingin ko siya yung pinaka-consistent na maganda yung itsura sa kanilang lahat..
at si SeoHyun.. cute lang...
si Sunny..
ito na yung pinaka-gusto kong style niya..
mala-blonde lang..
kung ganito parati yung itsura niya, baka mahalin ko pa siya...♥.♥
PS: wala akong balak manood noong darating na ultimate K-Pop dream concert o kung ano pa man ang tawag dun..
hindi naman kasi ako parating nakaka-relate sa lahat ng mala-Korean na bagay...>,<

Sabado, Enero 12, 2013
Gayuma's Gulaman Chick
haha!
saka ko pa siya napansin sa second time na napanood ko yung music video..
kanta 'to ni Abra featuring Thyro & Jeriko Aguilar, tas entitled Gayuma...
inisip ko pa kasi kung isasama ko talaga yung kanta sa playlist ko, kaya naman ni-review ko ulet..
kapag naririnig ko kasi yung kanta naaalala ko:
1) yung cover ni DJBDonna na isa ring chick
2) yung astigeng version ni Teddy na ginamit niya sa Showtime Sine Mo 'To segment nareng nakaraang linggo...
at yun nga..
sa second screening ko pa nai-spot-an areng 'gulaman girl'..
buti na lang sikat yung video kaya mabilis ko lang siyang na-identify as Janica Buhain..
at least bawas na yun sa mga anonymous people sa hard drive ko...
para siyang Fibisco - ang sarap ng feeling ko, LOL!
ang cute nya dito sa video kahit na nagbenta lang siya ng palamig..
tas nairapan pa siya nung malanding halimaw na yun (*peace ^_^,v,,*)..
haha!
gagawin ko na 'tong wallpaper sa cellphone ko simula ngayon...♥.♥
ewan ko ba kung bakit masyado na akong madaling ma-attract sa mga babaeng may bangs lately...

Huwebes, Enero 03, 2013
K-Ture: Rooftop Prince (Early Review)
Rooftop Prince..
isa na namang Korea-novela na nasa listahan ng mga papanoorin ko..
bale next week pa ang start ng pag-ere niya sa local tv channel..
base sa preview niya, para siyang romantic-comedy na tv series na nilagyan ng element ng historical setting at time travel..
sa ABS-CBN siya mapapanood..
at tingin ko kaya kinuha nila yung series na 'to eh dahil dun sa leading man na siya rin yata yung leading man dun sa papalitan niyang Korean tv series..
pero siyempre ibang dahilan yung nakakuha sa atensyon ko kaya nilagay ko siya sa 'To Watch' list ko..
at yun eh dahil sa leading lady..
siya ang Korean actress na si Han Ji-Min..
hindi naman talaga siya masyadong kataasan na kalidad ng babae..
una ko siyang nakita sa isang late night Korean historical drama sa GMA, at hindi naman siya masyadong attractive doon..
Han Ji-Min as Park Ha..
eto yung future na katauhan niya..
at sa partikular na series na 'to eh nakuha niya talaga ang interes ko..
at ang pinaka-dahilan eh areng isang style ng buhok nya (shoulder length na may bangs) na gaya ng picture sa itaas..
wala lang.. parang sobrang ganda niya sa ganitong look, lalo na kapag paiyak na siya..♥.♥
bukod pa yung mukhang mas maganda ang kutis niya dito..
eto naman yung simpleng ayos nya..
naka-bun tapos andun pa rin yung bangs..
cute rin siya dito..
yung nakalugay ulet na style..
pero medyo malaki yung nabakante ng bangs..
Han Ji-Min as Bu Yong..
are naman yung katauhan niya sa past..
for some reason sadyang may suot siya parating pantakip sa ilong at bibig niya..
hindi ko yata siya nakikita sa preview..
at nadiskubre ko lang 'tong alternate character niya habang naghahanap ng pictures ni Park Ha..
at dahil sa kanya, mas tumaas yung level ng curiosity ko..
ayun nga..
cute siya..
iba-iba yung kahawig niya depende sa anggulo at facial expression..
minsan para siyang younger version ni Kim Jung-Eun ng Lovers at I Am Legend..
minsan naman para rin siyang lesser version ni Han Hyo-Joo ng Shining Inheritance at Dong Yi, na si Han Hyo-Joo naman eh parang lesser version ni Song Hye-Kyo (aka Jenny) ng Endless Love (Autumn in my Heart)..
isa ko pang napansin sa kanya eh, parang masyadong mahaba yung dimple niya sa kaliwa yata yun...

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)