Mga Pahina

Sabado, Marso 15, 2014

Ang Alamat ng UAAP Women's Volleyball Season 76

hindi po akin areng picture ha, kitang-kita naman doon sa taas (upper right portion) kung para kanino ang copyright nare eh.. thank you sa kanya..
ako'y nakiki-share lang po ng moment dahil wala naman ako doon sa venue para makuhanan ng litrato yung naganap na kasaysayan...

sa totoo lang, ngayon ko lang talaga tinutukan ng panonood ang isang UAAP Women's Volleyball League..
noon kasi eh Shakey's V-League lang ang nakahiligan ko dahil madali lang silang mapanood noon sa Channel 11 ng GMA (noong panahon na malinaw pa yung 11 namin T,T)..
pero since luminaw na rin naman ang Channel 36 namin lately (dating Studio 23, na naging ABS-CBN Sports & Action na), eh sa wakas eh nakapanood na rin ako ng halos isang buong UAAP Season...

kahit na hindi ko naman napanood yung mga nakaraang season eh masasabi kong are na yung Best Season Ever para sa history ng Women's Volleyball..
simula pa lang eh Ateneo Lady Eagles na ang team ko dahil kay #5 Mae Tajima..
kung may nakakalungkot man sa istorya na are, eh yun eh dahil hindi pa nade-develop nang husto yung laro ni Tajima - na enough sana para maging key player na siya ng Lady Eagles...

pero anyway, heto yung importanteng kuwento dito:

hindi man ako isang Atenista (pero naging kapitbahay naman nila ako dati XD), eh sobrang kahanga-hanga talaga yung naging performance nila this season..
halos isa lang silang rookie team, pero nakagawa sila ng isang alamat..
mula sa pagiging 3rd seed sa naunang dalawang rounds ng liga..
eh sumuong sila sa isang nakakatakot na ladderized type ng elimination para makarating sa Finals..
una nilang tinalo ang AdU Lady Falcons nina Pineda at Zapanta, na isa ring napakahusay na team sa kabila ng hindi naman talaga pagiging sobrang tatangkad ng mga players nila..
sunod nilang pinabagsak ang newly improved at naging sobrang lakas na team ng NU Lady Bulldogs
na nagkaroon ng twice-to-beat na advantage - ang team na inisip ng karamihan na siyang haharap sa DLSU sa Finals..
pero hindi doon nagtapos yun..
Lady Eagles ang nag-draw ng first blood para sa first game ng Finals (though technically speaking, eh may 1 match advantage na rin naman noon ang DLSU for sweeping the first two rounds)..
bukod sa unang talo yun ng DLSU sa season na ito, eh yun rin yung talo na tumapos sa napakahaba na nilang winning streak na nagsimula pa sa ibang season..
hindi naman naging maganda ang 2nd game para sa ADMU, nagka-injury si Lazaro at maging si Valdez eh parang nagkaroon rin ng iniinda.. lumaban pa rin yung team nila sa pamamagitan ng pagbabalasa ng bench, na na-prove naman na may potential din.. pero hindi naging sapat yung puwersa nila noon para makuha ang ikalawa sana nilang panalo..
sa pagpasok ng 3rd game, eh kapansin-pansin na ang improvement ni Ahomiro sa kanyang laro, na parang determinado na siyang ipapanalo ang team niya ulit.. isang talo na lang kasi nila, at DLSU na ang makakakuha ng kampeonato.. sobrang naging higpit ng naging labanan.. nahuka man ng Lady Eagles ang first 2 sets, eh nakabawi naman ang Lady Spikers sa 3rd at 4th set.. sobrang naging nakakakaba ang 5th set, pero sa bandang huli eh ADMU pa rin ang nanalo, at isang medyo crucial na tawag ng error sa last play ang tumapos sa larong iyon..
Game 4 - ang best game ever.. kinuha ng Ateneo ang match na iyon kasama na rin ng championship sa isang napakagandang 3-0 na laban..
tinalo nila ang noon eh tila hindi matitinag na DLSU, na nagkaroon pa ng thrice-to-beat advantage - ang team na meron ng 3 sunud-sunod na championship..
hindi lang nila tinapos ang winning streak ng La Salle, pero dinurog rin nila ang goal ng mga ito na makamit ang pang-apat nilang kampeonato - na isang record sana (to think na kakailanganin ulit nilang mag-ipon ng mga kampeonato bago nila muling i-attempt na magawa yung record)...

isang team na hindi inasahan ng nakararami na makararating sa Finals..
ang team na hiniling ko lang na sana ay makapasok sa Finals kahit na papaano..
pero sa bandang huli, eh sila pa ang rookie team na nakapagbigay sa Ateneo ng first championship 'daw' nila sa larangan ng Women's Volleyball..
tamang-tama lang para sa kanila ang naging battle cry nila na #HeartStrong..
isa talagang alamat ang team nila..
si Captain Baldo, ang best Libero na si Lazaro, ang rookie setter na si Morado, ang elevator na si De Jesus, ang lefty na si Ahomiro, kasama pa ang iba nilang teammates (what happened to Llaneta by the way..???)..
well-deserving rin si Coach 'Thai' Bundit sa bonus na matatanggap niya..
at dahil doon - eh para sa kanila talaga ang UAAP Women's Volleyball Season 76... T,T


Biyernes, Marso 14, 2014

K-ture: The Tale of Arang


The Tale of Arang

mystery siya, na may pagka-mythical Korean, na romance-comedy, tungkol sa pagmamahal ng taong alam mo namang mawawala rin sa'yo eventually, tungkol sa kung paanong nakakapagpabago ng tao ang pag-ibig, tungkol sa pagsasakripisyo para sa minamahal, at justice na rin...

nakakaawa yung istorya nung binatang kalaban dito..
na-inlove siya sa babaeng minsan niyang sinubukang patayin..
ang dalaga na naging dahilan ng kanyang pagbabago - yung bidang babae..
pero di kalaunan ay nawalan naman ito ng gusto sa kanya..
huli na nang malaman niya na ito pala ay ang dalaga na itinakdang ipakasal sa kanya noon..
at na ito rin ang taong minsan nang sumagip sa kanyang buhay..
nag-suicide siya bilang pagsisisi sa kanyang mga naging kasalanan - ang taong walang nararamdamang takot sa pagtarak ng punyal sa puso ng kanyang mga biktima..
bago yun ipinangako niya na sakali mang magtagpong muli ang kanilang landas ng babaeng kanyang mahal at kanyang minsan nang nasaktan, ay hindi na ito mangangahas na umibig pang muli dito..
sa bandang huli, napili siya ng mga pinuno ng kalangitan na maging isang taga-tugis ng mga kaluluwa...

sa ending ng Koreanovela na ito..
isinakripisyo ng bidang lalaki ang sarili niyang buhay upang matupad lang ng bidang babae ang misyon nito na iniatang dito ng hari ng kalangitan..
ito ay sa kabila ng pagtulong ng bidang lalaki at babae na maresolba ang problema ng mga pinuno ng kalangitan sa mundo..
siguro dahil sa mga naitulong ng bidang magkasintahan o mag-M.U., eh sa bandang huli ay ibinalik sa kanila ng mga pinuno ng kalangitan ang kabutihang kanilang nagawa..
yung bidang lalaki ay na-reincarnate sa pamamagitan ng kanilang mga sidekick..
nagkatuluyan kasi ang kanilang mga sidekick, at sa naging anak na lalaki ng mga ito muling nabuhay ang katauhan ng bidang lalaki..
yung bidang babae naman ay na-reincarnate din sa hindi natukoy na paraan (i mean, kung kaninong angkan siya nagmula)..
at ang kakatwa sa naging ending nito, ay yung dalawang bida ay nagawang panatilihin ang mga alaala nila mula sa nakaraan nilang mga buhay, pero mula sa pagkabata ay biniro nung bidang lalaki yung babae na wala siyang natatandaan..
kumbaga nabigyan sila ng pagkakataon na ipagpatuloy yung naudlot nilang pag-iibigan, at nagawa pa nila itong muling simulan mula sa kanilang pagkabata...


Biyernes, Pebrero 21, 2014

Budgies Update: January 6, 2014 - Death of Beige


ang kauna-unahan kong kamalasan for 2014...
3rd bird down..
si Beige...

wala eh..
nadatnan ko na lang doon sa likod-bahay namin na patay na at nasa lapag na ng kulungan nila..
hindi ko alam kung anong sakit o epidemya na naman ang dumali sa kanya..
siya pa naman yata yung pinakabata doon sa tatlo kong bagong biling budgies..
pero ang nakapagtataka sa kanya, eh naka- more than 1 year naman siya sa poder ko, pero hinding-hindi nagbago yung size ng pupil ng mata niya na palatandaan sana ng pagma-ture o pagtanda nung budgie...

kaya ayun..
last 2 birds na lang ulit ako..
super malas talaga sa halos lahat ng bagay... T,T

hay.....
paano ga naman makakapag-breed nare kung parating namamatay ang mga ibon...? T,T

Biyernes, Enero 31, 2014

K-ture: When A Man Falls In Love

wala lang..
magdadagdag lang ako ng entry para sa sa mga Korean TV series na inire-recommend kong mapanood din naman ng ibang tao...



When A Man Falls In Love

kakaiba yung plot nito kasi hindi direktang ini-apply sa mga bida yung switching effect (pagpapalit ng katauhan o kinabibilangang pamilya o katatayuan sa buhay) at twist sa istorya..
kwento ito ng bidang lalaki (si Anthony Han sa Tagalog-dub) na na-inlove (na-obsess) sa isang bagets (si Mia Seo)..
sinubukan naman siyang mahalin nung bata kaso may iba talagang laman yung puso nito na halos ka-edad-an lang nito (si Jake Lee na kapatid ng kaibigan ni Anthony na si Charlie Lee, na tinuturing na rin ng bida bilang kapatid)..
nagkaroon rin ng mga dahilan para matakot yung bagets sa nararamdaman para sa kanya nung bidang lalaki (may pagka-sanggano kasi siya sa simula ng kuwento eh), tapos eh over-protective at bayolente pa yung mga paraan nang pagbabanta sa kanya ng kapatid ni Jake na si Charlie (na umabot pa nga sa pagbundol ni Charlie kay Mia gamit ang isang kotse)...

pero saka niya na-realize yung totoong nararamdaman niya para dito noong iniwan na niya ito para dun sa lalaking inaakala niyang mahal na niya..
na yun pala ay pinoprotektahan niya lang dahil doon sa takot na naramdaman niya noon dun sa bidang lalaki (ang hindi niya alam ay nagmamalasakit rin yung bidang lalaki para doon sa minamahal niya, at na handa pa nga itong magparaya na lang)..
dahil sa awa (gaya ng kini-claim ni Mia), at dahil na rin pamilyar siya sa istorya ng buhay ni Anthony, ay nagawa niya itong tulungan na sagutin yung mga misteryo tungkol sa hinahanap na pamilya ng bidang lalaki..
sa bandang huli eh na-realize nga nung babae na yung bidang lalaki pala talaga yung gusto niya..
at siguro, sinubukan nga nilang mahalin na nang totoo ang isa't isa...

bukod dun, kwento rin 'to tungkol sa pamilya, pagtanaw ng utang na loob, pagpaparaya sa ngalan ng tunay na pagmamahal, at pagpapatawaran..
cute naman yung dating ng istoryang ito... :)