Mga Pahina

Biyernes, Agosto 24, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Teenagers Arc)


Moon Embracing the Sun..
bale mukhang nagugustuhan ko yung simula ng istorya nya dahil sa ilang rason..
una dahil ang ku-cute nung mga bagets na cast..
ang mga mahaharot na teenager, haha:


si Kim Yoo Jung na gumanap na 13 year old Yeon Woo (siya ang pangunahing Moon, ang bidang babae)..
sobrang cute ng mabibilog nyang mga mata na punung-puno ng emosyon..
i'm not sure kung lalaki sya bilang isang sobrang gandang artista, pero sa ngayon sobrang cute nya..
nakadaragdag din sa ka-cutan nya yung munti nyang mga labi at yung mga taling sa ilalim ng kaliwa nyang mata at isa pa sa kanan nyang pisngi...


si Jung Il Woo as adult version ni Prinsipe Yang Myung (ang ikalawang Sun, bidang mala-kontrabida)..
gusto ko yung character nya dito..
mas nagmarka lang saken yung aktor na si Jung Il Woo kasi una ko syang nakilala sa Korean TV comedy series na High Kick bilang Simon Lee (Tagalog Dubbed)..
sa istorya nung High Kick - astigen siya, marunong makipag-away, delingkwente na mala-rebelde sa pamilya, hindi magaling sa pag-aaral, chickboy pero yung mga na-relate sa kanyang mga chicks eh puros may kani-kanilang klase ng topak..
halos parang ganun rin ang papel nya sa Moon Embracing the Sun - mahina sa pag-aaral, magaling makipaglaban, itinuturing na hindi deserving para sa korona ng hari, at sawi sa love life..
nakakaawa yung character nya.. isang mabuting tao na medyo naging kontrabida o karibal dahil sa pag-ibig...


isa pa si Suh Ji Hee as batang Seol..
nasa picture rin yung adult version nya (right) na medyo nahahawig nga dun sa batang siya..
kasambahay siya ng pamilya nina Yeon Woo at tumatayong alalay nya, pero itinuturing siya ng munting binibini na isang matalik na kaibigan..
parehas silang cute.. pero mas nag-marka yung character nya para sa akin nung time na pinagbintangan siya na magnanakaw.. pinagulpi siya ni Bo Kyung (ikalawang Moon at kontrabida) sa mga nakatatandang lalaki, may pamalong kahoy yung isang lalaki tas ginulpi sya hanggang maputlang-maputla na at duguan na ang mukha't mga labi..
dumating nun si Yeon Woo para tulungan ang kaibigan nya at inuwi nya ito sa bahay nila para gamutin..
pero sa kabila nun, walang napatunayan o hindi na-klaro yung insidente nang pagnanakaw, na ang totoo naman kasing nangyari  ay nahulog lang nung katiwala ni Bo Kyung yung lalagyan nya ng pera at si Bo Kyung din ang nakapulot nito, pero dahil nabangga siya ni Seol dahil sa pagmamadali nito, naisip ng malditang maharlika na pagkakataon yun para makaganti kay Seol dahil sa aksidente ngang pagkakabangga nito sa kanya...

ang huli kasi nakakatulong yun para ma-explore yung historical culture ng Korea, na interesante para sa akin..
gaya ng mga ipinagbabawal na gawain para sa itinakdang prinsipe na magiging susunod na hari, mga kaugalian kaugnay sa pagpapakasal ng mga dugong bughaw, pagtrato sa mga kasambahay, kaibahan ng edukasyon para sa mga lalaki at babae, etc...

Martes, Agosto 21, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference


nagsimula na pala ang 2nd Conference ng V-League, at Open Conference sya..
6 teams lang ang maglalaban-laban:

  • ADMU
  • FEU
  • Cagayan Valley
  • Sandugo
  • Philippine Army
  • Philippine Navy

akala ko 4 yung bago sa paningin ko pero 2 lang pala - Philippine Army at Philippine Navy..
ang Cagayan Valley pala ay mga taga-Perpetual rin..
at ang Sandugo naman ay San Sebastian College - Recoletos..

yung dati kong team na FEU, eh although na-miss ko naman yung mga bagets nila (sina Basas, Baniel, etc) eh parang masyadong balasado ang line-up nung first game..
at naglalaro para sa kanila ngayon ang commentator/analyst na si Ivy Remulla..
pero ang bad news - walang #14 Eve Sanorseang...T,T (kaya hindi muna ako maka-FEU ngayong conference)

si #13 Rachel Daquis sa Philippine Army naglalaro sa halip na sa FEU.. at mas slim sya ngayon.. ang astig pa rin ng manipis nyang ponytail.. sayang talaga at hindi sila nagkasama ni Eve sa isang team (dati)..
kasama rin nya ang mga Carolino, #4 Mayeth at #9 Michelle.. astigen yung buhok ni Michelle sa bandang likod, makapal na maliliit na naka-flyaway, parang leon..
at andami pang mahuhusay na veteran, mala-all-star rin yung line-up nila...

ang ADMU na champion last conference eh may talo na kaagad..
pero susuportahan ko pa rin si #5 Mae Tajima kahit papano since sobrang cute nya sa video nila ng 'Call Me Maybe'...

ang Cagayan Valley nga eh Perpetual rin lang..
kaya maaasahan na may cute na player na naman na maglalaro sa court gaya na lang ng Libero nilang si #3 Dionela...

at ang pinaka-ikinagulat ko ay ang Sandugo na SSC-R rin pala..
akala ko talaga wala nang super MVP #7 Jang Baulee ngayong conference..
wala pa akong napanood na game nila kaya hindi ko pa sigurado kung accurate yung line-up sa site ng V-League..
pero base sa nakalista dun, meron silang Utaiwan-Jang-Thai-GP-combo bukod pa dun sa regular na palaban na line-up na ginamit nila last conference para masungit ang 3rd place..
sa ngayon, leading na sila with 2 wins...

pwedeng mapanood yung delayed telecast ng mga games sa AKTV sa IBC13 (not so sure about the schedule, pero nakapanood na ako nung isang Sunday at Tuesday yata yun)..
for more details heto ang official website ng Shakey's V-League:
http://www.v-league.ph/

Martes, Agosto 14, 2012

Agricultural Alternative para sa mga Informal Settler??

isa sa mga problema ng bansang ito ang sandamakmak na informal settlers o sa madaling salita ay mga -  iskwater..
hindi naman sa pangmamaliit, pero kaakibat nila ay marami ring problema para sa gobyerno at mga komunidad na kinaroroonan nila..
andyan yung mas pagdami ng mga basura na madalas ay sa maling lugar pa itinatapon, pag-okupa sa mga natural na daanan ng tubig o baha lalo na sa NCR, poverty-related crimes, problema sa agawan sa lupa, at isama na rin natin yung pagkakaluklok sa posisyon nang hindi mabubuting opisyal ng gobyerno dahil sa lakas ng boto o suporta na nakukuha o nabibili sa sektor ng lipunan na ito..
sa totoo lang kaya ako mas nababagabag sa paksang ito sa ngayon ay dahil sa lumalaking bilang ng mga iskwater sa lugar namin, na ikinakatakot ko kasi ayoko namang matulad sa NCR ang bayan na kinalakhan ko nang dahil lang sa walang habas nilang paglipat...

ang hindi ko naman maintindihan sa mga yan, eh illegal settlers nga sila eh bakit ganun na lang sila maka-claim ng mga area na tuwing pinaaalis na sila ng totoong may-ari eh madalas humahantong pa sa mga batuhan at sakitan kung saan sila pa yung nagmumukhang kaawa-awa?
ang punto ko eh, yung ibang tao naman dyan eh nagsusumikap na makabili ng lupa't bahay o umupa man lang ng matitirhan.. kaya nasaan yung pagiging patas dun?? may mga taong nagpapakahirap na magkaroon ng mga sariling bahay pero ang iba naman ang gusto eh sa gobyerno na lang iasa ang lahat.. eh saan ba galing mostly yung pera ng gobyerno eh di ba't dun din sa mga taong nagpapakahirap nang magtrabaho tas kinakaltasan pa ng buwis.. wala namang masyadong buwis na nakukuha sa mga iskwater di ba? kaya kung sino pa yung gumagawa ng tama, eh parang sinasalo pa nila yung mga gumagawa ng mali..
hindi naman sa pagmamaramot, pero hindi lang talaga mukhang patas yung ganun..
tapos kapag ire-relocate sila ng lugar eh sila pa ang choosy? eh saan ba nila gusto, sa 5 star hotel??

ang tanong ko ngayon?
wala bang batas na puwedeng pumigil sa mga gawain ng illegal settlers?
lilinawin ko lang, hindi naman ako tutol dun sa mga taong lumuluwas mula sa kanilang mga probinsiya para makipagsapalaran sa mas maunlad na mga lugar provided na gagawin nila yung tama..
umupa sila ng bahay o bumili, kahit na ano basta hindi ilegal..
wala naman kasi talagang masama sa pangangarap para sa isang mas magandang buhay..
mabalik naman dun sa batas..
siguro yung purpose ay para nga maiwasan nga yung mga problema na kaakibat ng pagkakaroon ng mga iskwater, para naman kasing mga pulitiko lang yung nakikinabang sa existence nila eh...

kung iisipin, posible bang mga iskwater na sila simula't sapul?
o baka naman mga probinsiyano na nanggaling sa mga kanayunan at tinamad na lang na mag-alaga ng mga bukirin nila?
ewan ko lang ha, pero bakit kaya hindi na lang sila ibalik ng pamahalaan sa mga probinsiya, sa mga agricultural land tas doon bigyan ng hanapbuhay..
tutal gipit naman ang bayan sa mga agricultural products tas nasapawan na rin tayo ng ibang bansa pagdating sa eksportasyon ng mga ganitong produkto..
kaya bakit hindi na lang gawing mga magsasaka ang sektor na ito ng lipunan?

  • i-train sila sa mga makabagong paraan ng pagsasaka para mas maging productive
  • bigyan sila ng sweldo para kahit hindi panahon ng anihan o sa panahon ng mga bagyo ay may kita pa rin sila doon na rin sila patayuan ng libreng pabahay
  • bigyan sila ng pinansyal na tulong para sa pag-maintain ng mga sakahan
  • turuan sila ng ibang pang mga industriya na related sa agriculture gaya ng paghahabi, iba pang handicraft, paghahayupan, etc.
  • patayuan sila ng mga paaralan para sa mga kabataan
  • kung gusto naman ng estudyante, ay luminang na rin ng mga posibleng maging agricultural experts mula sa kanilang hanay
  • kapag lumakas na yung industriya ay turuan at suportahan na rin sila para makapag-export

tas, kumuha na lang siguro ng porsyento ang pamahalaan na parang siyang magiging buwis nung komunidad na yun..
tsaka dapat siyempre i-monitor rin nila yung gawain dun, baka naman kasi pagkakalooban mo nga ng lupang sakahan tas ipagbibili rin naman agad nila para lumuwas na ulit sa ibang lungsod..
hindi naman kasi lahat ng magandang trabaho ay sa pook urban lang makukuha o sa office work..
basta may tiyaga, pwedeng umasenso..
sa ganitong paraan manunumbalik na muli ang agricultural man power sa bansa tas matutulungan pa ang mga informal settlers na matutong tumayo sa sarili nilang mga paa at posibleng makabuo pa sila ng isang matatag na industriya...

kung tutuusin baka pwede na rin ngang isali na dito yung mga batang palaboy para habang maaga ay matuto na sila tungkol sa kahalagahan ng industriya ng agrikultura para sa isang bansa..
pwede rin sigurong ganito na rin yung gawing parusa sa mga bilanggo - ang gawin silang mga magsasaka, magba-baboy, etc., para naman hindi na lang sila puros asa sa pamahalaan...