hindi naman sa pangmamaliit, pero kaakibat nila ay marami ring problema para sa gobyerno at mga komunidad na kinaroroonan nila..
andyan yung mas pagdami ng mga basura na madalas ay sa maling lugar pa itinatapon, pag-okupa sa mga natural na daanan ng tubig o baha lalo na sa NCR, poverty-related crimes, problema sa agawan sa lupa, at isama na rin natin yung pagkakaluklok sa posisyon nang hindi mabubuting opisyal ng gobyerno dahil sa lakas ng boto o suporta na nakukuha o nabibili sa sektor ng lipunan na ito..
sa totoo lang kaya ako mas nababagabag sa paksang ito sa ngayon ay dahil sa lumalaking bilang ng mga iskwater sa lugar namin, na ikinakatakot ko kasi ayoko namang matulad sa NCR ang bayan na kinalakhan ko nang dahil lang sa walang habas nilang paglipat...
ang hindi ko naman maintindihan sa mga yan, eh illegal settlers nga sila eh bakit ganun na lang sila maka-claim ng mga area na tuwing pinaaalis na sila ng totoong may-ari eh madalas humahantong pa sa mga batuhan at sakitan kung saan sila pa yung nagmumukhang kaawa-awa?
ang punto ko eh, yung ibang tao naman dyan eh nagsusumikap na makabili ng lupa't bahay o umupa man lang ng matitirhan.. kaya nasaan yung pagiging patas dun?? may mga taong nagpapakahirap na magkaroon ng mga sariling bahay pero ang iba naman ang gusto eh sa gobyerno na lang iasa ang lahat.. eh saan ba galing mostly yung pera ng gobyerno eh di ba't dun din sa mga taong nagpapakahirap nang magtrabaho tas kinakaltasan pa ng buwis.. wala namang masyadong buwis na nakukuha sa mga iskwater di ba? kaya kung sino pa yung gumagawa ng tama, eh parang sinasalo pa nila yung mga gumagawa ng mali..
hindi naman sa pagmamaramot, pero hindi lang talaga mukhang patas yung ganun..
tapos kapag ire-relocate sila ng lugar eh sila pa ang choosy? eh saan ba nila gusto, sa 5 star hotel??
ang tanong ko ngayon?
wala bang batas na puwedeng pumigil sa mga gawain ng illegal settlers?
lilinawin ko lang, hindi naman ako tutol dun sa mga taong lumuluwas mula sa kanilang mga probinsiya para makipagsapalaran sa mas maunlad na mga lugar provided na gagawin nila yung tama..
umupa sila ng bahay o bumili, kahit na ano basta hindi ilegal..
wala naman kasi talagang masama sa pangangarap para sa isang mas magandang buhay..
mabalik naman dun sa batas..
siguro yung purpose ay para nga maiwasan nga yung mga problema na kaakibat ng pagkakaroon ng mga iskwater, para naman kasing mga pulitiko lang yung nakikinabang sa existence nila eh...
kung iisipin, posible bang mga iskwater na sila simula't sapul?
o baka naman mga probinsiyano na nanggaling sa mga kanayunan at tinamad na lang na mag-alaga ng mga bukirin nila?
ewan ko lang ha, pero bakit kaya hindi na lang sila ibalik ng pamahalaan sa mga probinsiya, sa mga agricultural land tas doon bigyan ng hanapbuhay..
tutal gipit naman ang bayan sa mga agricultural products tas nasapawan na rin tayo ng ibang bansa pagdating sa eksportasyon ng mga ganitong produkto..
kaya bakit hindi na lang gawing mga magsasaka ang sektor na ito ng lipunan?
- i-train sila sa mga makabagong paraan ng pagsasaka para mas maging productive
- bigyan sila ng sweldo para kahit hindi panahon ng anihan o sa panahon ng mga bagyo ay may kita pa rin sila doon na rin sila patayuan ng libreng pabahay
- bigyan sila ng pinansyal na tulong para sa pag-maintain ng mga sakahan
- turuan sila ng ibang pang mga industriya na related sa agriculture gaya ng paghahabi, iba pang handicraft, paghahayupan, etc.
- patayuan sila ng mga paaralan para sa mga kabataan
- kung gusto naman ng estudyante, ay luminang na rin ng mga posibleng maging agricultural experts mula sa kanilang hanay
- kapag lumakas na yung industriya ay turuan at suportahan na rin sila para makapag-export
tas, kumuha na lang siguro ng porsyento ang pamahalaan na parang siyang magiging buwis nung komunidad na yun..
tsaka dapat siyempre i-monitor rin nila yung gawain dun, baka naman kasi pagkakalooban mo nga ng lupang sakahan tas ipagbibili rin naman agad nila para lumuwas na ulit sa ibang lungsod..
hindi naman kasi lahat ng magandang trabaho ay sa pook urban lang makukuha o sa office work..
basta may tiyaga, pwedeng umasenso..
sa ganitong paraan manunumbalik na muli ang agricultural man power sa bansa tas matutulungan pa ang mga informal settlers na matutong tumayo sa sarili nilang mga paa at posibleng makabuo pa sila ng isang matatag na industriya...
kung tutuusin baka pwede na rin ngang isali na dito yung mga batang palaboy para habang maaga ay matuto na sila tungkol sa kahalagahan ng industriya ng agrikultura para sa isang bansa..
pwede rin sigurong ganito na rin yung gawing parusa sa mga bilanggo - ang gawin silang mga magsasaka, magba-baboy, etc., para naman hindi na lang sila puros asa sa pamahalaan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento