Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 11, 2015

Chapter IV: Losing Streak Arc (Part I)

A Loveless Story


CHAPTER IV: Losing Streak Arc (Part I)

after ng Love Story, doon na nga nagsimula ang istorya ng Most Undesirable Guy on Earth..
kung kailan tila tinamaan na ako ng mga kamalasan regarding sa lahat ng aspeto ng buhay ko..
well, mukhang malas na talaga ako simula pa lang ng mabuhay ako dito sa mundo..
pero sa puntong iyon, tila mas naging malas pa ako..
halos naging patungkol na lang sa mga kabiguan yung mga sumunod na bahagi ng buhay ko...

nagsimula ang Losing Streak ko sa buhay pag-ibig ng nasa college na ako..
technically speaking, nagsimula yun nung mag-transfer na ako ng university na walking distance lang mula sa bahay namin (compared sa isang university na malayo sa probinsiya, at ilang oras pa ang biyahe mula sa tinutuluyan ko noon sa Manila)..
bale parang balik First Year College na rin ako noon...

First Year ako noon, at sina Ruth at Almeja naman ay nasa Second Year na nila..
mga classmate sila sa Engineering Course nung mga kasabayan ko noong High School (ako naman ay nag-shift sa 4-Year Course na lang, bilang parusa ko sa sarili ko para sa pagtigil sa pag-aaral sa loob ng isang semester)..
i believe Ruth was the very first one na nakakuha ng atensyon ko mula sa klase nila..
maganda kasi siya..
si Ruth was this type of girl na parang tipo na hindi namamansin, pero ang totoo friendly naman siya..
there was this incident na napadpad sila ng mga classmates niya sa lugar namin..
one or two of them was a good friend of mine back in Elementary days, kaya binati nila ako..
tapos hindi ko naman kaagad na-notice na ako pala yung binabati ni Ruth..
ayun - nasabihan niya tuloy ako na hindi daw ako namamansin.. XD
back then she already knew na nagka-crush ako sa kanya..
ganun kasi kami na-introduce ni Ruth sa isa't isa ng isa kong kabarkada habang magkakasama kami sa klase sa isang Major Subject namin in common..
parang medyo nilaglag ako ng kabarkada ko, kaya more or less eh nagka-ideya na si Ruth na type ko siya kaya ako nakipagkilala sa kanya..
pero wala yun..
meron na rin kasi siyang boyfriend during that time (long time boyfriend, i believe)..
kaya tumiklop na lang kaagad ako..
hindi rin naman kasi ako yung tipo ng lalaki na naniniwala doon sa kasabihan na "yung asawa nga eh nasusulot, yung boyfriend/girlfriend pa kaya..."...

i already consider that as a failure..
para kasi sa akin, ang magka-gusto sa isang babae na in a relationship na eh counted na bilang kabiguan...

next was Almeja..
magkaklase sila noon ni Ruth..
mukhang silent-type siya, at piling mga tao lang ang madalas na sinasamahan..
nagustuhan ko siya kasi maputi siya at maganda..
may kakapalan ang kilay niya (siguro kasi balbon siya), pero i liked them that way - bagay naman kasi sa facial structure niya..
may mga notable na taling siya sa mukha..
medyo kulot at malago nga lang ang buhok niya noon..
pero there was something about her na hindi ko kaagad nalaman - at yun ay, na may gusto pala sa kanya yung isa kong kabarkada (the same friend na nag-introduce sa akin kay Ruth)..
pakiramdam ko noon na naging insensitive na naman ako, na doon pa talaga ako sa kabarkada ko na yun nagtatanong ng tungkol sa status ni Almeja..
na-verify ko na lang yun noong time na gumawa na ng hakbang yung kabarkada kong iyon, and it turned out nga na mutual pala yung feelings nung dalawa para sa isa't isa..
kaya pala siya hindi makasagot eh kasi nga may issue siya sa mga itinatanong ko sa kanya..
para tuloy yun deja vu..
naisip ko na accidentally ko na siyang nagawang 'tulay' noon sa babaeng gusto niya noong nasa high school pa kami..
kaya bilang respeto para sa kaibigan kong iyon - wala na akong dapat na gawin..
besides, mutual na nga yung feelings nila ni Almeja para sa isa't isa eh..
and there goes my second failure...

pumasok ang panibagong school year..
i was already in my 2nd Year..
at noon ko naman nakilala si Alex, na isang Freshman that time..
simple lang yung ganda niya kung tutuusin..
tapos morena lang siya..
but there's just something about her posture na parang nakakapag-boost ng aura niya..
popular na siya noon at pansinin para sa mga kalalakihan doon sa campus namin..
it was hard to try to get close to her..
wala kasing koneksyon yung mga kurso at subjects namin sa isa't isa..
may mga naging kakilala ako sa klase niya nang dahil lang sa kanya..
at masasabi ko na i tried my best para mapalapit ako sa kanya..
kaso..
there were 2 issues about her..
1, was may tendency pala siyang magsinungaling, and i really hate that kind of people (as a result of my past)..
alam ko na noon na may iba siyang gusto na lalaki, though wala naman siyang boyfriend..
i thought okay lang para sa kanya yung mga ginagawa kong effort..
until one time, napatunayan ko na ilag na ilag na pala siya sa akin, na iniiwasan na niya ako..
kaso hindi lang niya masabi yun sa akin nang diretsahan..
ayun nga, one time i was texting her, trying to have a conversation with her, pero sinabihan niya ako na sorry at wala na kasi siyang load..
tapos, itong isang lalaki na friend namin in common eh biglang nabanggit sa akin na magka-text sila ni Alex noong time rin na yun, so naisip ko na subukan si Alex..
hiniram ko yung cellphone nung kaibigan ko at ako yung nakipagkuwentuhan kay Alex sa text, at ayun - ang giliw-giliw niya at ang sipag mag-text.. :(
that time alam ko na na hindi nagiging totoo sa akin yung babaeng yun, na hindi siya yung tipo ng babae na dapat kong magustuhan..
bakit ba ganun ang ibang babae, magbibigay ng pag-asa tapos hindi naman pala sila sincere..?
kung ganun rin lang, eh bakit hindi pa nila gawin yung rejection sa umpisa pa lang..?
para sana hindi na sila nakakasakit ng damdamin..
anyway, umabot ako sa punto na nagalit na ako sa kanya at talagang naglabas na ako ng sama ng loob ko..
at doon lumabas yung issue #2 - na sobra-sobra pala yung attachment niya doon sa lalaki na nagugustuhan niya simula pa lang noong nasa high school pa sila (who turned out to be a campus-mate namin, isang high level na lalaki na nagugustuhan ng halos lahat ng babae)..
that was my 3rd failure, and an official one, at itinuring ko talaga siyang 'basura' noon dahil sa ipinadama niya sa akin - yung pakiramdam kung paano ka iwasan nang hindi mo diretsahang nalalaman...

next in the story was this [Returning High School Fantasy]..
she's the same girl na nagustuhan rin noong high school nung kabarkada ko na eventually nakatuluyan ni Almeja..
at siya rin yung huli kong niligawan (sinukuan) bago ko nakilala sina [Girl na may Crush sa Akin] at [Bestfriend]..
i believe 3rd Year College na ako noong mangyari itong pagbabalik niya sa aking buhay..
i don't know, pero for some reason siya yung tipo ng babae na nagagawan ng paraan na makabalik nang ilang ulit sa buhay ko..
puros sa text na lang yung mga usapan namin during that period..
masaya naman siya, na magulo na istorya..
i really thought na may pag-asa na para sa aming dalawa noong nasa college na kami..
pero wala ring nangyari..
all the sort of cheesy talk, yung mga what if(s), yung mga paasa - it turned out na walang totoo sa lahat ng iyon..
kasing gulo ng takbo ng isip niya yung naging takbo ng mga bagay-bagay..
and again, pakiramdam ko na naloko na naman ako ng babae..
pakiramdam ko na nasira na naman yung tiwalang ibinigay ko..
i felt kung gaano talaga ako ka-undesirable..
i was depressed for a very long time..
na ultimo sa OJT o Internship Training ko eh hindi ko napipigilan yung pag-iyak ko..
hanggang sa matanggap ko sa sarili ko na she's the same girl na nakilala ko noong high school - it was fatal to trust her..
and she served as a very good example why i should never trust women..
sa ngayon eh okay naman na kami..
i believe nasabi na niya lahat ng kailangan o gusto niyang ipaliwanag sa akin..
and, totoo man ang mga yun o hindi, eh ituturing ko na lang bilang istorya ang mga yun at hindi ko na papapasukin pa sa isip ko...

pero kahit na ganun na yung mga pinagdaanan ko..
hindi pa rin ako natuto..
ganun naman yata talaga eh - kapag gusto mo, eh gusto mo..
kahit na buwis puso at buwis respeto sa sarili ka na ng ilang ulit...

and then there's Jacqueline..
siya ang last na character para sa Part I ng Losing Streak Arc ko..
napansin ko na kaagad siya noong nasa 1st Year pa lang siya (3rd Year na ako noon)..
pero 4th Year na ako noong mas mapagtuunan ko siya ng atensyon..
sa start pa lang eh nabigo na kaagad ako sa kanya..
like in Alex's case, it was hard to get close to her, kasi halos wala talaga kaming friends or acquaintance in common..
ang in common lang namin eh mga kolokoy na sigurado akong aalaskahin ako once na malaman nila na may gusto ako doon sa babae..
so i was forced to do everything by myself..
one time, habang paalis na ako ng campus, i finally had the opportunity to ask her..
she was only with her 2 bestfriends back then, so i grabbed that chance..
it was a do or die situation for me, na baka wala ng ibang pagkakataon pa na dumating..
nakasabay ko sila sa paglabas ng campus noon (in fact naunahan pa nga nila ako sa paglalakad dahil sa bilis nila)..
at ayun..
nilakasan ko yung loob ko para mag-excuse sa kanila, at hiramin saglit yung kaibigan nilang si Jacqueline..
pumayag naman yung dalawa niyang kaibigan na babae..
medyo dumistansya sila sa amin (inoobserbahan kami mula sa may di kalayuan), at ayun nagkanda-bubulol na ako sa pagsasalita..
i want it straight to the point..
i introduced myself to her, told her that i find her interesting, and asked her kung may boyfriend na ba siya (na isang malaking rason para hindi ko na ituloy yung balak ko na kilalanin siya)..
she said 'YES', and it was GAME OVER for me.. :(
i apologized sa nagawa kong pang-aabala sa kanilang magkakaibigan, at nagpaalam na ako sa kanila..
just like that...

a day after that, nakita nung pinsan niya, na isa doon sa 2 bestfriend niya, na may kausap akong friend namin in common (lalaki 'to)..
she approached us, at nakuwento kaagad niya sa kaibigan ko yung tungkol sa ginawa ko sa pinsan niya..
ang lakas daw ng loob ko, na may gusto daw pala ako kay Jacqueline..
at ganun rin lang kadaling lumabas yung sikreto ko para doon sa mga kolokoy (bagay na iniiwasan kong mangyari)..
para saan pa at ginawa kong patago yung mga kilos ko..?
anyway, it was a fun experience naman..
at least, totoo siya hindi gaya ng ibang babae.. :)
pero there was this incident na tumatak talaga sa alaala ko..
nagte-take noon ng exam sa computer laboratory yung klase nila..
nakataon naman na computer-related ang course ko..
noong umaga, it was her makulit na cousin (yung babaeng naglabas ng lihim ko) yung tinulungan ko sa exam nila..
it was her who asked me for help, magkatabi kasi kami doon sa lab eh..
makulit nga siya, kaya tinulungan ko siya..
kaso hanggang 80% lang namin naayos yung program niya..
kinahapunan, i was surprised to see na si Jacqueline na yung nag-e-exam doon sa lab (same type of exam sa minor programming)..
kababalik ko lang noon sa campus galing sa lunch sa bahay..
i noticed na medyo may problema siya sa coding niya, though halos nandoon na naman lahat ng kailangan..
tinabihan ko siya, pretended to be doing my own stuff sa katabing computer, kaso papatay-patay yung computer ko..
kaya ayun, kinausap ko na lang siya..
at since kaparehas naman yun nung exam nung pinsan niya noong umaga, eh mas naging familiar na ako doon..
(okay, i admit it, na-guilty ako na hindi ko na-perfect yung exam para sa pinsan niya kaya nag-review ako noong naka-break ako)..
kaya ayun, kabisado ko na yung mga dapat gawin sa codes niya noong hapon..
i told her kung paano dapat yung pagkakasunud-sunod nung mga codes na na-type na niya..
we run the program, and BOOM! - 90% perfect!
mano-mano na niya lang in-adjust yung result para maka-100%..
hangang-hanga yung mga classmates niya noon sa amin, na halos makalimutan na nga nila na nasa gitna sila ng aktwal na pagsusulit, at nagtanong na nang nagtanong sa akin (binigyan ko rin naman sila ng pointers)..
after getting her grade, lumapit ulit sa akin si Jacqueline, i mean sa gamit niya para mag-ayos at lumabas na ng lab..
nakaupo na ako noon at nagbabasa ng sarili kong aralin..
she suddenly thanked me..
at anong nakakatuwa sa tagpong iyon..?
she was blushing.. :)
wala na akong nasabi noon, napatingin na lang ako at napangiti sa kanya..
for a simple guy like me, magandang alaala na yung mga ganung klase ng tagpo..
it was one of the most beautiful scenes na pwede kong masaksihan..
at masaya na ako nun..
to be able to do something for someone i like..
and to be able to make her blush..
lahat ng yun, kahit na alam kong taken na siya..
it was a failure, but it was not heartbreaking di tulad nung sa iba...

after that, wala ng sumunod pa na bagong prospect..
konting crush siguro meron, pero hanggang ganun na lang..
kahit na dumating yung time na parang nagpaparamdam na yung mga kaibigan nina Alex at Jacqueline na 'libre' na sa wakas yung mga kaibigan nila..
yung bestfriend ni Alex na babae started teasing me and Alex, na parang wala ng problema kay Alex yung mga ganung klase ng hirit o biro..
at yung makulit na pinsan ni Jacqueline na senyas nang senyas kay Jacqueline sa tuwing nakikita nila ako..
pero hindi ko na sinubukan pa..
para sa akin, ang mga babaeng naging taken na eh hindi na dapat pinakikialaman, lalo na kung kagagaling lang nila sa breakup..
besides, graduating na rin ako noon..
at pagkatapos ko nga sa college eh matagal rin ang naging hiatus ko sa paghahanap ko ng love life... :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento