Mga Pahina

Linggo, Mayo 27, 2012

Courier 101-A: Local Shipping (FilFox Express Carrier)


FilFox..
hindi ko sigurado kung anong klaseng courier ba talaga sila.. kung nagde-deliver nga ba sila o nag-a-act lang as 'middleman'..
pero based dun sa experience ko, nag-function lang sila as 'middleman'..
unfortunately naka-transaction ko sila dun sa traumatic incident na na-experience ko with LBC...

Sample Case Summary:
- nakabili ako ng isang item through ebay, yung seller pinadala yung item sa FilFox, tas yung FilFox pinadala naman yung package sa LBC, at ang magaling na LBC eh iwinala lang yung sobrang importante kong item...

Positive Notes:
- they can track your package for you..
- i'm not sure about this, pero may nabasa kasi akong article dati sa forum na nagsasabi na mas mabuti kung corporate account gaya ng sa FilFox yung magpapadala nung package mo compared sa individual kasi mas pina-prioritize daw yung corporate account.. pero ayun nga, base sa masama kong karanasan eh hindi naman naging totoo yun, na kahit corporate account yung naghandle nung shipment nung item ko eh parang wala rin naman silang naitulong para maresolba yung kaso...

Negative Notes:
- ang obligasyon nung sender ay nandun sa original na nagpadala sa kanila at hindi sa'yo na recepient lang.. kasi sila yung nagbayad para sa serbisyo sa nila eh..
- dahil sila yung tatayong sender mo, kapag nagka-problema sa shipment posibleng mahirapan kayong makipag-communicate sa lahat ng taong involved.. gaya sa karanasan ko, i had to talk to the seller, tas sa FilFox, tas sa iba't-ibang branches ng LBC na involved just to try to solve my problem with the missing package..
- dahil rin sila yung tatayong seller, hindi mo makukuha yung mga details nung seller mo (in case na wala kang alam sa details nila simula't sapul).. sa karanasan ko naman kasi eh nagkataon na toy store talaga yung nabilhan ko kaya yung names, addresses at contact numbers nung seller eh alam ko na kasi available yung mga yun sa internet...

Conclusion:
- wala akong makitang magandang dahilan para gumamit pa ng mga 'middleman' pagdating sa shipments...

Tip:
- itanong muna sa seller/original sender kung gumagamit ba sila ng corporate account or services gaya ng sa FilFox para magpadala ng package/s.. para lang alam mo na yung mga dapat mong i-expect once na makipag-deal ka sa kanila...

Sabado, Mayo 26, 2012

Courier 101-A: Local Shipping (Air21)


Air21..
okay, makinig! itong review ko of Air21 regarding local shipments eh hindi dapat maihalo dun sa earlier review ko about FedEx-Air21 combo for international shipments..
sa tingin ko kasi yung Php 800 storage (o motel) fee na na-charge saken ng Air21 eh kaakibat lang nung pagiging imported nung package ko...

Positive Notes:
- provided na meron kang cellphone number na nai-attach dun sa package mo, meron silang free text alert tungkol sa estimated date and time of delivery nung item mo..
- trackable online yung package through their website..
- hindi ko pa nasubukan pero sabi sa site nila, trackable rin yung mga package through text (SMS)..
- may customer support sa Facebook page nila.. pwede kang mag-inquire dun or magpa-track ng package, etc..
- ang e-mail support nila, within 24hr ang pagre-reply.. hindi katulad sa LBC na sobrang bihira magreply, at hindi na talaga nagre-reply kapag hindi nila nagustuhan yung mga sinasabi o inirereklamo mo..
- yung mga delivery man nila eh may dalang portable scanner habang bumabiyahe.. nakakatulong yun sa mas madaling pag-a-update nung status nung delivery ng package..
- after nang matagumpay na delivery, inia-upload yung signature nung recepient/consignee kasama nung iba pang details para sa online tracking.. that way may paraan para masabi ng sender na natanggap na nga nung recepient yung item nya lalo na kung hindi naman sila related sa isa't-isa.. at although andun yung fact na posibleng hindi naman kabisado nung sender yung signature nung recepient, eh at least pwede nyang i-contact agad yung tao to verify na siya nga yung nakatanggap nung item nya...

Negative Notes:
- hindi parating updated yung online tracking system nila..
- may pagkakataon na hindi nila nasusunod yung estimated time of delivery na sinabi sa text alert nila..
- kumpara sa iba, yung delivery nila eh pwedeng tumagal hanggang 1 to 2 business days...
- i'm not sure kung totoo, pero nung nag-research ako about them, meron kasing ilang articles na ang isyu eh hindi lang basta missing packages kundi stolen packages pa.. ewan ko lang kung totoo yun.. pero yung mga ganung article kasi eh malaki ang epekto pagdating sa pagkuha ng tiwala ng mga customer...

Conclusion:
- recommended pa sila para sa akin sa ngayon.. pwede 'to kung local shipments rin lang...

Tips:
- parating ipasama ang mga contact numbers mo, lalo na ang cellphone number sa package..
- hindi puwerket may franchise sa PBA eh ibig sabihin na maaasahan na, mas makakatulong pa rin kung magre-research tayo o magsu-survey tungkol sa mga courier bago tayo magtiwala at magpadala ng mga valuable items sa kanila..

Biyernes, Mayo 25, 2012

Courier 101-A: Local Shipping (JRS Express)



JRS Express..
first time i heard it's name from an ebayer, napaisip ako ng "eh sino ba yun?"..
tas nung nag-research pa ako via google.. medyo kinabahan ako kasi yung logo eh kamukha ni Road Runner.. baka kako ginaya lang sa Looney Tunes..
pero nakita ko rin naman na mas matanda pa yung kompanya kesa sa akin, kaya ayun pinagbigyan ko na rin para masubukan ko ang serbisyo nila...

Positive Notes:
- yung one day express delivery nila eh inaabot lang ng less than 24hrs from Manila to Batangas..
- hindi pa nila ako binigo o kahit man lang pinag-alala ni minsan...

Negative Note:
- yung shipping charge o postage eh mas mataas o mahal kumpara sa iba.. pero yun namang halaga ay tama lang kung reliability yung pag-uusapan.. isa pa, mas mura pa rin yung charge kumpara sa kung mamamasahe ako paluwas ng Manila...

Other Note:
- hindi ko sure kung trackable yung mga packages sa kanila.. although merong online tracking system yung website nila, hindi ko pa yun na-try kasi yung nagpapadala saken na gumagamit ng serbisyo ng JRS eh hindi pa kelanman binigay saken ng kusa yung mga tracking numbers ng packages ko...

Conclusion:
- so far hindi pa ako nagka-problema with JRS.. ang time ng delivery nila from Manila to Batangas eh laging pasok sa less than 24hr period.. kaya sa ngayon, i highly recommended them for local shipments...

Tips:
- as usual make sure na accurate yung address na ibibigay nyo dun sa seller/sender nung package, and always remind them to double check..
- tas ayun, laging isama ang contact numbers just in case na magkaroon ng problema...

Huwebes, Mayo 24, 2012

Courier 101-B: International Shipping (USPS)


USPS.. i'm not sure kung ito nga yung logo nila, eto kasi yung unang lumabas sa google search..
sa kanila ako dati nagpapadala ng package nung mga panahon na may nabibilhan pa akong matinong toy store sa US, sa California..
yung service nila eh comparable din dun sa EMS (express mail service - yata ang meaning) ng Japan.. hindi ko pa nasubukan yung sa ibang bansa, pero yung postal service ng Japan eh meron ngang EMS na maaasahan...

Positive Notes:
- so far reliable naman sya.. parating nakakarating yung package ko from the US..
- hindi pa sila lumalagpas sa estimated time ng delivery nila.. kaya madaling i-predict kung kelan ko ipi-pickup yung item ko mula sa local post office...

Negative Note:
- for some reason hindi dumidiretso yung package sa bahay ko.. the most that i get from the post office eh notice na may package ako na dapat kuhanin at bayaran sa kanila.. ibig sabihin, kahit naka-indicate sa package yung exact address mo eh wag mong aasahan na ang delivery nun eh dire-diretso hanggang sa pintuan ng bahay nyo...

Other Note:
- i'm not sure kung applicable para sa lahat ng klase ng padala, pero may feature yung website nila para sa online tracking (hindi ko kasi naisip na gamitin yun dati sa sobrang tiwala ko sa seller ko eh)...

Conclusion:
- mas reliable ang USPS kesa naman sa FedEx-Air21 combo...

Tips:
- make sure na may madaling paraan para ma-contact yung seller bago kayo makipag-deal.. magiging madugo ang lahat kung aasa kayo sa telepono, maliban na lang kung mayaman kayo at walang halaga sa inyo ang pera.. mas maganda kung may instant messenger (IM) or at least e-mail communication man lang..
- alamin ang estimated time of arrival nung package, madalas malaki talaga yung range (umaabot ng weeks).. this way matatantsa nyo kung kelan makakarating sa local post office yung package nyo..
- kapag nasa estimated time of arrival na, parating i-check yung package sa post office sa lugar nyo either personally or through phone call..

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Online Buying & Selling 101: Local (Ebay Philippines)


ebay..
isa sa mga tools na pwedeng magamit para sa online buying and selling..
sa ngayon medyo may mga kakumpetensiya na siya dito sa Pilipinas..
bale huwag muna tayong masyadong lumayo, dito muna tayo sa loob ng bansa para wala munang mga isyu tungkol sa customs..
ako man eh hindi pa nakakagawa ng international purchase o importation gamit ang ebay, kasi may tsansa naman na yung mga items na nagiging available sa ibang bansa lalo na at kari-release pa lang eh eventually ay nakakarating rin dito sa Pinas dahil na rin nga sa mga ganitong klase ng market - kailangan lang maging pasensyoso...

okay, since community siya ng iba't-ibang klase ng mga tao, mga tapat mang negosyante o mga manloloko lang na gustong pagkaperahan ang iba eh mga tips na lang ang ibibigay ko sa inyo...

Selling Tip:
- hindi ko pa nasubukan ang feature na ito.. pero may klase ng selling feature sa ebay na libre pa hanggang sa ngayon.. basta ang alam ko pwede kang magbenta, magpa-bid, o di kaya ay combination ng sell/bid para sa mga items na gusto mong pagkakitaan o idispatsa na...

Buying Tips:
- siyempre dapat may account ka para magamit mo nang husto ang mga features ng ebay.. sa ganung paraan mapo-protektahan ka rin ng ebay bilang buyer..
- use the search function para madaling mahanap ang mga item na gusto mong bilhin.. i-narrow nyo yung search by clicking 'Philippines' o 'Philippines only' para yung results na lalabas ay within na country lang.. kung wala man mag-match sa local area eh magsa-suggest rin ang ebay ng items from around the globe..
- check the rating or feedback of the seller pati na rin yung number of feedbacks na na-receive na nya.. maganda kung 100% ang rating or at least nasa 99% range (since wala namang perpektong tao).. mas maganda rin kung makikita mong marami na yung feedbacks received (like 100+) kasi they represent the number of transactions na nagawa nung seller.. makakatulong yun para ma-confirm mo na talagang nagbebenta nga sya.. aside from that may iba pang rating ang mismong ebay para masabing trustworthy ang isang seller gaya na lang nung 'Power Seller'..
- i-check nyo rin yung mga feedback para dun sa seller.. dapat galing ang mga yun sa iba-ibang users, dapat rin yung mga naka-transaction na niya (kung hindi man lahat) eh may desente o medyo desente na ring mga rating.. madali lang kasing gumawa ng mga e-mail at accounts, isa yung paraan para ma-determine mo kung totoo nga ba yung rating ng isang seller o dinoktor lang..
- kung sa tingin mo mapagkakatiwalaan naman yung seller, eh pwede mo na ulet i-check yung item.. basahin nang maigi yung descriptions para malaman yung current state nung item..
- madalas konting pictures lang yung pino-post para ma-preview yung item.. busisiin yung photos to make sure kung tama pa nga ba yung description nya (in case na yung mismong item nga yung nasa photo, since may mga pagkakataon na demo pics from the internet yung ginagamit).. kung hindi kumbinsido, pwede rin naman mag-request sa seller ng meet-up para mabusisi yung item ng personal (pero syempre depende pa rin yun sa kagustuhan ng seller)..
- itanong sa seller lahat ng gusto mong malaman bago bilhin yung item..
- kung bibilhin mo na yung item, as much as possible eh makipag-meet-up lalo na kung first transaction between the two of you.. that way mas maiiwasan yung mga scam.. yung meet-up eh dapat sa mataong lugar (like mall) ideally during daylight.. mas mabuti kung may kasama ka na magbabantay sa inyo from a distance just in case may kakaibang gawin yung seller.. kung nag-iisa naman, don't describe your look/attire ahead of him/her, siya muna yung hingan mo ng descriptions tas paunahin mo rin siya sa meeting place.. i-check mo muna kung mukhang mapagkakatiwalaan nga, kung okay na edi saka ka magpakita.. be alert palagi kasi sa ganitong klase ng deal eh ikaw naman yung maglalabas ng pera..
- kung paypal, bank deposit, o money remittance ang mode ng payment.. make sure na tama yung mga account na pagde-deposituhan mo o yung taong padadalhan mo.. keep the receipt bilang pruweba ng pagbabayad mo..
- siyempre kung hindi personal yung mode of payment eh natural na hindi rin personal yung pagkuha mo nung item mo, dito papasok ang pagpili ng local courier.. basahin ang mga review ko regarding local courier..
- keep your conversations within ebay, para kung magka-problema man eh may ebidensya ka...

Martes, Mayo 22, 2012

Courier 101-A: Local Shipping (LBC)

LBC..
bilang isang kolektor at dahil sa may mga pagkakataon na yung mga ninanais kong item/s eh wala sa mga mall o city o province ko, nakukuha ang pansin ko ng mga item/s na available sa ebay..
para makaiwas sa Customs at sa shipping charges, sinusubukan kong humanap ng mga kailangan kong items sa loob lang ng bansa..
madalas nasa NCR lang ang mga top sellers..
dati ako pa mismo ang bumabiyahe para i-pickup yung mga nabili kong items para na rin makasiguro ako nang husto, pero recently, dahil sa tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at pamasahe eh mas praktikal na ang ipa-ship ang mga nabili mong items (though may drawback ang ganitong paraan)..
at dahil dyan are ulet ang ilang reviews (may ilan pang mga susunod) na posibleng makatulong sa inyo sa tamang pagpili ng maaasahan na courier for local shipment/s...

Sample Case Summary:
here's a link to a video i made, a message na kelanman yata eh hindi na pinansin ng LBC..
earlier version ito ng complaint ko..
pero wala pa dyan yung kabuuan ng inabot kong trauma sa LBC, ibig sabihin after kong magawa yung video eh sandamakmak pang kapalpakan ang sumalubong sa akin:
http://www.youtube.com/watch?v=EhurE_s7f88




Positive Note:
- provided na accurate ang mga details na nai-attach sa package at walang natural na aberya sa kalikasan, mataas naman yung tsansa na maide-deliver nga iyon sa iyo...

Negative Notes:
- incompetent na mga empleyado..
- sila mismo hindi sumusunod sa policies nila (sa halip na i-verify muna sa sender yung address nung recipient, eh nag-return to origin na agad).. according sa isang empleyado, kapag corporate account ang nagpadala ng package hindi na sila nagbe-verify kung may mali sa shipping address at agad ibinabalik ang package sa origin branch nila kapag hindi natunton yung location mo..
- bihirang mag-reply sa e-mail..
- nangba-block sa Facebook page nila (na-block ako dahil minura ko na sila, pero sino ba naman ang hindi magagalit kung 1 month nang hindi matagpuan ang package mo?)..
- hindi magagalang na mga taga-sagot ng telepono sa customer support..
- hindi consistent na mga response na nakadaragdag sa pagkalito sa halip na makatulong..
- may tendency ang mga empleyado na magsinungaling (gaya ng tungkol sa location nung package, o minsan sasabihin nila na kinokontak ka nila kahit hindi naman talaga kasi wala ka naman nare-receive na missed call o text despite na hindi ka naman nagba-battery-empty, o di kaya minsan kapag tumawag ka sa delivery hub nila sasabihin nila sa'yo na brownout kaya hindi ka pa nila matutulungan pero sa totoo lang may kuryente naman)..
- nagkakamaling tracking system..
- hindi responsable sa mga nagawa nilang pagkakamali..
- may tendency na takasan o balewalain na lang ang mga complaint..
- kapag nag-research kayo sa internet, sobrang daming article about LBC, mga reklamo tungkol sa kanilang mga kapalpakan...

Important Notes:
- aside sa LBC, naidulog ko na rin ang reklamo ko sa mga tv news program.. pero wala pa rin.. sinubukan akong tulungan ng GMA news via youscoop, tsaka ng Bayan Mo, i-Patrol Mo (BMPM) hoping na matatawag nila ang pansin ng LBC.. pero unfortunately, wala ring nangyari..
- after more than 2 months hindi pa rin nareresolba ang pagkawala ng item ko, at ni hindi na sila nagpaparamdam..
- as of May 30, 2012, nakatanggap ako ng copy ng endorsement letter from DTI regarding my complaint against LBC.. pero hindi ko pa rin alam kung saan ang patutunguhan ng kasong ito...

Conclusion:
- terrible and traumatic experience.. hindi na ako uulit sa LBC...

Tips:
- hindi puwerket may commercial sa tv ang isang brand o kompanya eh ibig sabihin na maaasahan na nga sila..
- kung sa LBC magpapadala, siguraduhin na tamang-tama ang ilalagay na address..
- siguraduhin rin na isasama ang mga contact numbers ng recepient para in case of emergency..
- mag-google kayo ng issues/articles/reviews regarding a particular courier na gusto nyong alamin ang performance.. sandamakmak na reklamo ang nakita ko about LBC sa ebay forum pa lang..
- if available, i-check nyo yung website or Facebook page nila, look for features gaya ng: customer support, online tracking system, contact numbers, branch locator, instant messenger, SMS notification.. makakatulong kasi ang mga ito in case na magka-problema ka sa package mo..


here's a related post:
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/12/courier-101-local-shipping-lbc-part-2.html

Lunes, Mayo 21, 2012

Courier 101-B: International Shipping (FedEx)

okay..
sa simula ang mga ire-review ko ay tungkol sa performance ng mga courier company (both local and international) na naka-transaksyon ko na..
dahil isa akong kolektor ng kung anu-anong action figures, may mga pagkakataon na umo-order ako ng mga bagay mula sa kung saan-saan (usually via the internet), at siyempre kakailanganin mo ng maaasahan na courier service provider bago mo talaga makuha yung mga bagay na inorder mo..
at sa aspetong iyon, yung karanasan mo regarding online purchasing eh pwedeng maging masaya o di kaya naman eh isang malaking bangungot depende sa mga taong magha-handle ng package mo...

gaya ng sabi ko, everything would be based on my personal experience/s, so sana naman walang violent reaction para sa mga panig tatamaan..
hindi naman sa gusto ko lang manira ng kung sino, gusto ko lang i-share yung mismong karanasan ko para dun sa mga hindi pa kabisado yung mga kaparehong uri ng transaksyon..
para malaman nila kung ano yung mga dapat nilang i-expect, at guide na rin para may idea sila kung sinu-sino nga ba ang mapagkakatiwalaan sa ganitong klase ng industriya...


FedEx..
once lang ako nagkaroon ng transaction with them..
technically speaking, hindi pala ako yung nakipagtransaksyon sa kanila, kasi kung sino man yung inorderan mo ng item yung mismong makikipag-transact sa kanila..
wala kang ibang magagawa kundi pumili lang ng trip mo na courier at sabihin yun sa seller..
tas yung resulta eh depende na sa mga tao o kompanyang dadaanan nung package mo, at pati na rin sa hindi natin mako-control na puwersa ng kalikasan...

Sample Case Summary:
sa experience ko, from the US yung items and properly declared yung value nila..
so bale binusisi sya ng Bureau of Customs ng Pilipinas...

Positive Note:
- nai-deliver naman yung item...

Negative Notes:
- wala ng FedEx dito sa Pinas, pero partner naman yata nila ang Air21 (or AirFreight 2100) kaya kailangan pang ipasa yung package sa kanila..
- for some unknown reason, hindi agad dineliver sa address na na-provide ko yung package.. ini-store sya ng AirFreight 2100 sa storage facility nila.. and magkano ang charge for that single day/night na namalagi sya sa storage na yun? 800+ PHP lang naman.. nakanang! parang nag-motel ang package ko nun, and to think na ni ako nga eh hindi pa nakakapunta sa ganun, tas halos kasing laki lang siya ng box ng sapatos.. so ayun nga, hindi nila ipinaliwanag kung bakit may ganun pa sa halip na dire-diretsong delivery.. pakiramdam ko talaga gumawa lang sila ng paraan para perahan ako.. sa huli eh parang naging doble yung presyo nung item ko dahil sa ginawa nila plus yung sobrang laking charges ng Customs...

Conclusion:
- terrible experience.. butas ang bulsa dito...XD

Tips:
- wag nang gumamit ng FedEx kung mag-i-import kayo ng goods.. mas ire-recommend ko pa ang USPS, yung sa kanila eh pagkalapag sa Pinas eh sa Post Office ipapasa yung delivery nung package.. di hamak na mas reliable kesa dun sa may "motel-charge"..
- always advice your seller/sender to attach your contact number/s dun sa package para in case of emergency...