so naisip ko ring i-share yung isa ko pang interest..
Korean Culture (more specifically South Korean) or simply 'K-ture' sa loob ng blog na 'to..
medyo marami rin kasi akong gusto about South Korea like songs, drama series, konting movie, yung magagandang actresses nila, pati na rin yung lifestyle...
so ang first stop ko is about my latest beloved Korean drama series..
hindi ko pa sya natatapos, nasa 40 something episode pa lang kasi sya sa local tv...
are na nga..
Three Brothers (2009), also known by other names..
bale yung mismong istorya nya is umiinog sa pamilya.. as in almost everything na may kinalaman sa pamilya, kaya nga para syang compressed story kung saan mabilis at maya't-maya yung pagdating ng mga pagsubok sa buhay, bukod pa dun yung halos pagiging related nung mga major character sa isa't-isa na para bang napakaliit lang talaga ng mundo..
tungkol sya sa isang kumpletong mag-anak na may 3 anak na lalaki.. meron syang konsepto ng: marriage, betrayal, divorce, marriage after ng divorce, family traditions conflicting with modern trends, relationships between in-laws (biyanan-sa-manugang at maging balae-sa-balae), romantic affairs, konsepto tungkol sa pag-aanak, adoption, at sobrang dami pang iba..
bale nung una ko syang nakita sa commercial sa local tv, naisip ko na "hala, are rin yung cast nung First Wives Club ah" malamang heavy drama na naman 'to na puros pampamilya yung topic.. kaya hindi ko na pinanood yung first airing nya..
but then one day, nakita ko na lang ulet sya at nakita ko nga areng sobrang gagandang mga bida tas interesante pa pala yung love story nila.. kaya ayun nag-decide akong manood although nasa 20+ episodes na yung nai-ere for the second time.. bale ayun, yung mga early episodes pinapanood ko via online streaming, tas yung later episodes hanggang episode 70 eh balak ko na lang tapusin sa tv..
ang tumatatak sa akin tuwing nakakapanood ako ng ganitong klase ng Korean drama, eh bakit alipin parati ang tingin ng mga biyanan (lalo na ang mother-in-law) sa kanilang mga manugang..? parang yung bad experience nila dati sa kanilang biyanan eh inuulit nila sa kanilang mga manugang para lang makaganti...XD
akala ko nung una, dahil may nabasa na rin akong ilang reviews tungkol dun sa series, na puros hindi kaaya-ayang mga istorya ng buhay lang yung mapapanood dun.. pero after kong ma-review yung earlier episodes eh naintindihan ko na rin..
oo nga at mabilis yung transition nung story kasi nga compressed family issues yung tinatalakay.. tas yung 50 episodes eh nag-increase pa sa 70, ibig lang sabihin kinailangan talagang habaan yun para lang mas makasaklaw pa ng mas marami pang issues..
yung tungkol naman sa personalities nung mga character, akala ko dati na hindi lang talaga sila gusto ng mga viewers.. pero ang totoo, ginawa talagang ganun yung mga ugali nila kasi yun mismo yung nagdadala o nagiging ugat nung mga suliranin na kahaharapin nila sa kwento..
nakakatuwa ring malaman na yung mga characters nila eh nag-a-undergo ng developments: merong bumabait, nagiging mas matatag sa buhay, merong hinahanap ang sarili, merong mga naninibago sa bagong sitwasyong kinalalagyan, at meron rin naman na sabihin na nating sa pasama yung pagbabago.. pero lahat ng iyon para lang sa mas mahusay na paglalahad nung istorya.. ibig sabihin nun, naging matagumpay yung actors at actresses na gumanap sa mga papel nung mga characters kasi nakuha nila yung atensyon at reaksyon ng mga viewers...
okay, enough of that..
heto na yung rason kung bakit ako na-inlove sa series na 'to..
mas naka-focus sa kanila yung atensyon ko kumpara dun sa storyline nung ibang characters...
Oh Ji Eun as Joo Eo Young (Ayie Joo sa Tagalog Dub)..
siya yung tumatayong dating girlfriend at asawa na ngayon ng bunsong anak ng mga Kim, na si Captain Lionel Kim..
siya yung kauna-unahang nakakuha ng pansin ko para sa series na ito, at yung early developments ng relationship nila ni Captain eh talaga namang interesante..
physically, i think maganda siya.. A~S category sya para sa akin (S being the highest).. maganda yung mga expressions nya, medyo mabilog kasi yung mga mata nya tas well-proportioned pa yung mukha.. attracted ako sa hairstyle nya para sa series na 'to, yung hindi nagugulong bangs tas either nakalugay lang na may bun sa likod o naka-ponytail yung buhok.. maganda rin syang manamit, madalas naka-dress with matching coat na bagay na bagay sa image nya bilang jewelry designer, business woman, at fashionista na rin..
sa ugali naman, eh naman.. hindi ko masasabing ideal yung kanya.. nag-start pala sya as possessive, obsessive, at selosa.. siya yung tipo na kayang magbigay ng mga materyal na bagay sa lalaking minamahal nya.. emosyonal at madaling masaktan.. sa buhay may-asawa naman, dahil lumaki syang walang nanay at independent, medyo naging conflicting yun sa mga gusto ng biyanan nya (na nabuhay sa makalumang panahon at slave-type nga yung tipo ng manugang).. hirap syang mag-adjust although may point rin naman sya sa mga reasons nya.. reklamador, bossy, at pang-labanan talaga yung ugali.. malaki ang respeto nya sa dad nya at may pagpapahalaga sa sariling pamilya..
sa Tagalog dub, medyo mababa yung boses nya.. sweet kung pa-sweet yung tema, pero kapag oras na ng awayan eh kayang-kaya..
some notable things about her:
- nagsusuot sya dati ng 'cookie' sa English dub, o breast padding o enhancement na madalas kumakawala sa bra nya nung mga unang episodes tuwing nakakainom sya ng marami.. na madalas namang mapulot ni Captain Kim na coincidentally eh laging to the rescue sa kanya..
- sa Episode 3, nag-dirty dance (watershow) sya sa isang nightclub.. mas litaw yung kaseksihan nya kasi hindi pa yata masyadong malamig ang panahon sa kanila nung early episodes kaya naka-bare pa yung legs nya, hindi gaya lately na tag-lamig na at nag-i-stockings na..
interesante yung love story nila ni Captain Kim kasi hindi naman nag-start yung series na sila na..
may boyfriend si Ayie na estudyante pa lang dati at eventually naging prosecutor.. naging sila for 5 years kahit na hindi naman sila masyadong lumalabas at nagsasama ni Ayie dahil busy yung lalaki sa pag-aaral hanggang sa maging busy na sya sa pagiging prosecutor nya.. sa huli nakipag-break sya kay Ayie dahil meron na rin syang ibang babae..
kung paanong naging sila ni Captain Kim eh inaalam ko pa.. pero since Episode 1 eh madalas na talagang mag-krus yung landas nilang dalawa, prompting na tinadhana talaga sila para sa isa't-isa.. at yun nga, dahil sa madalas na pagbabangga ng mga landas nila, tuluyan nang na-inlove sa kanya si Captain Kim..
masasabi kong yung first love triangle involving Captain Kim at Ayie eh masyadong marahas.. sa sobrang competitive kasi nung ex ni Ayie, eh sinaktan nya nang husto ang totoo nyang mahal para lang makaganti kay Captain Kim.. selfish siya at mataas ang pangarap, kaya kaya nyang isakripisyo si Ayie para lang dun.. sobrang sakit nung inalok nya si Ayie na pwede pa rin silang maging mag-on kapag nakasal na sya dun sa mayaman na babae na target nilang mag-ina (mama’s boy kasi siya) basta’t mag-sorry lang si Ayie at akuin ang hindi naman nya ginawang kasalanan.. hindi naman yung tipong nahuling nagtatalik yung naganap na pagkikita sa pagitan nung 2 babae na niloloko ng ex ni Ayie (Episode 12).. pero talaga namang nakakahiya at nakakabasag ng puso kung iisipin yung pinagdaanan nung pamilya ni Ayie nang dahil din dun sa lalaking yun..
sa kabilang banda, Episode 14 is a really great episode.. sinira nun yung tensyon at mga bigat ng loob na dinulot nung mga naunang episodes at nagbigay ng daan para tuluyang wakasan yung istorya nung 2 mag-ex, palayain ang mga sarili nila, at magbigay daan sa isang panibagong relasyon.. dito pinakita na hindi naman purong kasamaan lang ang ex ni Ayie, mahal nya si Ayie kaya humingi sya ng tawad nang taos sa puso at tuluyan na ngang pinalaya yung babae.. nagkaroon rin siya ng pagkakataon na ayusin ang problema sa pagitan nila ni Captain Kim, at hinabilin na nya nang tuluyan si Ayie sa captain, kasama na rin ng mga advice na natutunan nya sa loob ng 5 taon na naging sila nung babae na makakatulong kay Captain na mas maintindihan si Ayie sa hinaharap.. si Ayie naman, ginawa yung dating hiniling sa kanya nung ex nya nang kusa, lumapit sya dun sa bagong nobya nito at nagkunwaring sya ang may kasalanan ng lahat.. pero alam naman nung babae na nagsisinungaling si Ayie, pero gumaan yung pakiramdam nya sa ginawa ng babae at nagbigay ng hint na posible pa silang magkabalikan ng ex ni Ayie.. sa tingin ko yung episode na yun, so far, ang nakapagpakita ng totoong kahulugan ng pag-ibig..
yung next major turning point eh nung magpapakasal na sila.. ex-convict kasi ang dad ni Ayie at pulis naman ang tatay ni Captain Kim, at bukod dun may masamang nakaraan yung dalawa kung saan nakulong at na-demote si Sergeant Kim dahil sa kagagawan ng dad ni Ayie.. halos gumuho yung relasyon nila nung madiskubre ng bawat panig ang mga bagay na yun.. yung dating parating umiiwas na dad ni Ayie ang unang nagmakaawa kay Sergeant Kim na payagan na sana yung mga anak nila sa kanilang relasyon dahil wala silang kinalaman sa away nilang dalawa.. pero hindi pumayag ang tatay ni Captain..
sa isang operasyon nasaksak si Captain, at sa puntong iyon nalaman ng tatay nya kung gaano nya talaga kamahal si Ayie.. si Ayie naman eh papunta na rin nun sa ibang bansa para mag-aral at para makalimot sa inaakala nyang walang patutunguhan na relasyon.. sa tingin nya kasi, sya mismo ang makakapagpaalala kay Sergeant Kim sa mga naging atraso ng dad nya sa kanya.. pero si Sergeant Kim na ang nagpakumbaba, nakipag-meet sya kay Ayie, sinabing siya na mismo ang makikipag-ayos sa dad nung babae, basta huwag lang nyang iwanan si Captain Kim nang hindi man lang sila nagkakausap..
sa huli, umayos rin ang gusot sa pamilya nila.. kung tutuusin sobrang bilis pa ngang nagkasundo nung mga tatay nila at close na ngayon.. at nakasal din ang dalawa at kasalukuyang humaharap sa panibagong turning point ng relationship nila...
Yoon Joo Hee as Prosecutor Lee Tae Baek (Prosecutor Kathy Lee sa Tagalog Dub)..
prosecutor siya na directly related sa division o team ni Captain Kim..
Episode 22 nung unang mag-krus yung landas nilang dalawa ni Captain Kim, nasa stage na sina Captain at Ayie nun ng pag-aayos ng kasal..
dahil sa kanya parang nagkaroon ng bagong love triangle involving Captain and Ayie, although hindi naman talaga siya triangle kasi kasal na nga yung dalawa ngayon at hindi si Prosecutor Lee yung tipong magiging kabit..
physically, i think simple lang sya pero maganda.. B~S yung range ng category nya para sa akin.. pwedeng simple lang, cute, hanggang sa nakaka-inlove.. gusto ko rin yung hairstyle nya para sa series na 'to, minsan todo ponytail, tas minsan nakalugay na hino-hold nung itinaling buhok mula sa magkabilang side (hindi ko alam ang tawag dun eh XD), parang yung nasa picture sa lower left.. maganda rin syang manamit, pang-prosecutor talaga yung itsura nya..
sa ugali.. medyo malakas yung dating nya, parang babaeng palaban, may authority.. pero ang totoo parati lang syang mahinahon.. mukhang masayahin syang tao at palangiti.. halos pareho sila ni Captain na gustong mag-pulis, si Captain pasado sa Bar exam pero pinili na maging pulis dahil andun yung mismong aksyon, si Prosecutor Lee naman eh mas pinili na lang na maging lawyer.. minsan na syang nagtaray, hinamon kasi siya ni Ayie sa palakasan sa pag-inom ng alak nung Episode 39, pero dahil nasa personality nya ang pagiging palaban pinatulan nya yung babae, after nung laban kung saan natalo si Ayie, pinaalalahanan niya yung babae na mag-ingat sa mga ikinikilos nya para na rin sa reputasyon ni Captain Kim.. sweet sya pagdating kay Captain at napaka-pranka tungkol sa feelings nya, pero tama naman sya nung sinabi nya na "hindi puwerket may gusto sya kay Captain eh may masama na syang intensyon dito".. at dahil dun nagkakaroon ng impression na tila may love triangle..
sa Tagalog dub, medyo maliit yung boses nya.. ang sweet parating pakinggan.. pero nakadagdag naman sa dating nya as prosecutor.. dahil din dun, yung mga simpleng banat nya kay Captain at pagtataray kay Ayie eh parang nawawalan ng malisya o masamang epekto sa character nya..
magaling ring mambasa ng tao si Prosecutor Lee.. gusto kasi siya ng nanay ni Captain Kim para sa anak nya (isa sa mga rason kung bakit nagseselos sa kanya si Ayie), pero alam nyang mahirap pakisamahan yung ganung tipo ng biyanan.. isa sya sa pinaka-nakakalungkot na character sa current na itinatakbo ng istorya.. na-inlove siya for the first time, pero yung taong nagustuhan nya eh nagkataong taken na.. idealistic pa naman siya pagdating sa pag-ibig, gusto nya kasi eh may 'connection' sila nung taong mamahalin nya.. napaka-open nya pagdating kay Captain, kaya yung lalaki mismo ang naiilang sa kanya minsan.. ayun nga, open sya pagdating kay Captain pero yung tipo na walang masamang intensyon na mangagaw ng asawa.. sa ngayon, mas boto ako sa personality niya kumpara kay Ayie..
ang pinaka-notable scene nya, so far:
- madalas may mga heart icon (♥) sa mga text nya para kay Captain..
- Episode 29 kung saan sa isang joint-party ng mga pulis at prosectors eh nag-share sila ng love shot at nagsayaw ni Captain Kim para daw sa magandang pagsasama ng dalawang grupo.. sinabi nya rin kay Captain na yun ay mga memories na gusto nyang panghawakan...
basta sa tuwing nakikita ko areng dalawang characters na are, hindi ko maiwasang ma-inlove...♥_♥