http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-korean-drama-korean-chicks.html
sa ngayon, nasa episode 60 na yung naka-ere sa local channel - last 10 episodes na lang...
nakakatuwa naman yung developments dun sa buo at iba-ibang istorya within the series..
naroon yung mga characters na bumabait, nagiging masipag at mas seryoso sa buhay, mas nagiging palaban sa buhay, mas nagiging mautak, mas tumitibay yung mga pagsasama, at meron rin yung tulad nung kaibigan ni Samantha na mukhang nade-develop na dun sa dating katropa na pulis ni Sergeant Kim..
sa kabilang banda, andun rin yung mga characters na saka pa lang lumalabas yung mga hindi magagandang ugali.. andyan si Ayie na nagiging mas pasaway, si Samantha na tatamad-tamad pa rin sa gawaing bahay, at si Mang Reynaldo na sobrang reklamador simula nang mawalan ng trabaho pero wala naman kaalam-alam sa basics ng buhay - natatawa ako dun sa episode kung saan gutum-gutom na sya at pagkauwi ng asawa nyang si Elena eh tinanong nya 'to kung nasaan daw yung susi para sa rice cooker dahil akala nya pinagdadamutan sya ng asawa nya ng pagkain , yun pala eh hindi lang sya talaga maalam magbukas nun - naman, anlupet, LOL!
pero gaya ng dati ang review ko ay mas focus sa istorya nina Ayie at Prosecutor Lee..
are na nga, Ayie Joo versus Prosecutor Cathy Lee..
kumpara sa first half kung kelan mas romantic yung takbo ng istorya ng buhay nina Ayie at Captain Lionel Kim, yung second half na nag-start simula nang makasal na sila eh mas praktikal na at mas nakatuon na sa realidad..
sa gabi pa lang ng honeymoon pinagtatalunan na nila ang tungkol sa pagbuo ng baby.. ang second half ng istorya nila ay sa halip na nagpe-present ng mga problema o issues from outside or external factors gaya ng ka-love triangle or history ng parents nila, eh mas naka-focus sa behavioral problems gaya ng mataas na pride at misunderstanding..
yun siguro yung dahilan kung bakit marami ang ayaw sa mga characters at sa relationship nila.. pero sa tingin ko yun talaga yung gustong i-point out o i-emphasize nung story nila.. yung biglang pagpangit ng ugali ng mga characters nila is normal lang sa bagong kasal specially sa case ni Ayie na walang kinagisnan na ina, lumaking praktikal at independent, at mas matanda kesa sa asawa nya.. kasi nasa stage sila ng adjustment eh, at sa puntong yun yung mga ugali at pride lang talaga nilang dalawa ni Captain Kim yung mismong kalaban nila...
ang nakakapagtaka dito sa second half, eh kung bakit parang nakalimutan na ni Captain yung mahahalgang tips ni Prosecutor Wang (na ex ni Ayie) na makakatulong talaga sana para mapakisamahan nya ng mabuti ang asawa.. pero sa bagay, dapat naman talagang magbago na si Ayie kasi mali-mali naman talaga yung ugali nya...
anyway, mabalik tayo kina Ayie at Prosecutor Lee..
so si Ayie nga eh masyado nang nagiging makasarili lately, at hindi na naiisip na parte talaga ng pag-aasawa ang pakikisama sa mga biyanan at iba pang kapamilya ng asawa lalo na sa panahon ng mga suliranin..
at dahil dun andami na nyang minus saken..
yung maganda nyang mukha at seksing legs na nga lang yung nagugustuhan ko sa kanya lately eh..♥_♥
speaking of legs.. are (sa kaliwa) yung ilang screenshots mula sa Episode 3 noong sumali sya sa watershow sa isang nightclub.. sobrang revealing nya dito..
ganito si Ayie kapag normal lang siya o di kaya kapag nagbubuntong-hininga..
mas bagay talaga sa kanya ang may bangs..
ganito naman sya kapag malapit nang mag-wasang.. nagsasalubong na yung kilay at handa nang manigaw...
fullbody shots nung dalawa, pero hindi galing dun sa series yung images:
height: 165 cm or 5'5"..
dun sa series, mas madalas na nae-emphasize yung legs ni Ayie kesa kay Prosecutor Lee..
sa kanilang dalawa, sa tingin ko mas proportional yung figure nya...
height: 170 cm or 5'7"..
si Prosecutor Lee naman.. sexy rin naman siya, at dito sa picture sa taas eh parang mas malaman yung hita nya kumpara sa series..
pero maganda, mas bagay sa kanya...♥_♥
si Prosecutor Cathy Lee mas nagiging close pa siya kay Captain..
malakas yung dating niya..
magaling siyang makisama at makiramdam..
understanding, pranka, at hindi basag-ulo..
sa Episode 55 nagselos si Ayie nang matindi sa kanya, kasi nakita siya ng asawa ni Captain na pinapatawa si Captain tas nagmumustra pa sya ng heart shape sa kamay..
Episode 56, hinarap na sya ni Ayie, inamin nya na gusto nya si Captain dati, na bago makasal yung dalawa eh sinubukan nyang akitin yung lalaki, pero wala na yun ngayon dahil hindi siya yung tipo na mang-aagaw ng asawa.. sinubukan nya ring iparating kay Ayie na napakasuwerte nya kay Lionel at pangarap nyang makasal sa lalaking kagaya ni Captain..
dalawang beses pa lang syang mukhang natinag kay Ayie.. yung una eh sa pantasya pa ni Ayie kung saan nasermonan nya ito dahil siya ang katabi ng asawa nya sa harap ng sasakyan - at inuulit ko, sa pantasya nya lang yun.. at ikalawa eh sa Episode 55 nung biglang hinarang ni Ayie yung kotse niya at nagulat ang prosecutor na gusto syang makausap nung isa (nagulat siya na parang kabit na guilty na talaga yung itsura nya)..
madami silang bagay na pinagkakasunduan ni Captain Kim, kaya lately mas bagay silang panoorin na magkasama..
matapos bumisita sa bahay ng mga Kim..
simple lang sya pero ang ganda-ganda lalo na kapag nakangiti..♥_♥
mas bagay rin sa kanya itong unat na buhok..
ito yung isa pang madalas na style nang buhok nya na naka-ponytail at medyo kulut-kulot..
seryoso naman siya kapag ganito na ang itsura nya..
pwedeng sa normal na conversation lang, pwede rin naman kapag nananabon o nagsesermon na sya...
are pa ang additional pics ni Prosecutor Cathy Lee:
at screencaps mula sa Episode 39 kung saan naglaban sina Ayie at ang prosecutor sa inuman:
bale sa lahat ng pagkakataon eh si Ayie yung natatalo o napapahiya sa kanilang dalawa..
no match na no match yung isa..
sa puso nga lang ni Captain Kim siya nanalo eh...
basta ang conclusion, sobrang swerteng lalaki ni Captain Lionel Kim dahil sa dalawang babae na 'to...
Tip:
- kung mukhang mahirap maghanap ng images ng mga Korean artist na paborito nyo, subukan nyong gamitin sa search engine yung mga pangalan nila na naka-Korean characters sa halip na yung romanized.. mas effective yun...^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento