pero hindi naman ako magaling dun..
mas gusto ko sya kapag mga babae na yung naglalaro, kasi parang bagay na bagay sila para sa isa't-isa..
yung seksing uniform, yung eleganteng mga galaw (kahit dina-dive na yung bola para sa dig), yung pamatay na mga spike, yung mga play at tricks, tas lalo na kung may magagandang player/s sa court na akala mo hindi makabasag pinggan pero kapag humataw na eh halos mabali na ang braso ng receiver..
saan ka pa!?
halos recently lang ulet ako nakapanood ng volleyball sa tv..
last yata eh nung uso pa ang mga international Grand Prix..
kaya thanks sa Shakey's para sa paliga nila...
anyway, hindi mismong volleyball pero related sa volleyball itong ipo-post kong youtube video..
pero bago yun, pangunguhanan ko na kayo dahil hindi sa akin ang video na matutunghayan nyo..
napanood ko lang sya minsan at nakakatuwa kaya gusto kong i-share (thank you sa original uploader):
ang mga are ang champion sa nakaraang Shakey's V-League Season 9, 1st Conference..
ang Ateneo Lady Eagles sa kanilang mtv version ng Call Me Maybe by Carly Rae Jepsen..
wala lang, na-cutan lang ako at naaliw sa kanila...
at kasi ngayon ko lang napansin, ang cute pala ni #5 Mae Tajima..
sayang, hindi ko pa naman masyadong pinapanood kapag Ateneo ang lumalaban kasi kumbaga ay sure win na, wala nang masyadong element of surprise kung sino baga ang mananalo sa bandang huli..
di bale, next conference siya na ang panonoorin ko kung sakaling televised pa rin yung games...
bale ang team ko talaga eh kung nasaan si #14 Areerat 'Eve' Sanorseang (Thai guest player) kasi sobrang ganda nya sa court..
elegante yung running serve nya na sure ball, tapos halos isa lang o fixed yung porma nya para sa attack pero mabilis at malakas rin..
naging paborito ko yung pinaka-last match nila (FEU Lady Tamaraws) against SSC-R Lady Stags..
para kasing yun yung peak nya dito sa nkaraang conference, umabot hanggang 5 set yung laban, tapos halos sa kanya na nakaasa yung buong team sa later part nung game, na kung tutuusin kasi eh nung mga early matches nila eh hindi naman sya masyadong nabibigyan ng magagandang play kasi limited yung attack zone nya..
sobrang pursigido sya nun kasi last chance sana para makapasok pa rin sila sa top 4, para ngang halos match na sila nun ni #7 Bualee na Thai guest player ng SSC-R..
talo si huli pero masaya pa rin..
sana lang ma-invite ulit syang maglaro dito sa bansa sa mga susunod na liga...^_^
after nawala si Eve, sa SSC-R naman ako sumuporta kasi hanga ako sa fighting spirit at lakas ni #7 Jaroensri 'Jang' Bualee..
ang super MVP ng conference na sobrang antakaw umiskor..
cute rin naman sya, at sexy.. at ang importante - malakas humataw..
medyo matagal na siyang nag-ge-guest sa liga pero unfortunately hindi pa sya nakakatikim ng championship na part nung reason kaya ko sya sinusuportahan..
hopefully next time makuha na nya yung inaasam nyang championship...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento