http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-korean-drama-korean-chicks.html
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-three-brothers-ayie-joo-versus.html
ito ang pinaka-paborito ko sa original soundtrack nung korean tv drama..
nakakasakit kasi siyang pakinggan at talaga namang nakakalungkot...
pero siguro ang pinaka-main idea o lesson na namamayani para dun sa istorya ay ang pagiging mabuting tao at ang pagmamahalan para sa mga magkakapamilya..
sa relationship ulet nina Captain Lionel Kim at ni Ayie Joo..
matatandaan na naging magulo lang ang pagsasama nila simula nang sila'y makasal..
pero matapos makapag-isip-isip at dahil na rin sa threat ng divorce, naalaala nila kung bakit sila nagmamahalan..
ang malaking pagbabago siguro kay Lionel ay yung hindi na niya ipinipilit sa asawa ang mga bagay na gusto niya at naging mas pasensyoso at maunawain rin siya sa asawa..
sa Episode 61, birthday ni Ayie, dali-dali siyang hinanap ni Captain after ng matindi nitong mission.. binati nito ang asawa at muling ipinahayag ang pag-ibig nya para dito.. naging turning point yun para maging mas maunawain at mas mabuti si Ayie.. hindi na siya selosa at mas madali na rin natanggap ni Ayie ang pamilya ni Captain..
after masolusyunan yung mga simpleng suliranin sa hindi pagkakaunawaan, sunod naman naging problema ng mag-asawa yung tungkol sa pagkakaroon ng anak lalo na sa part ni Ayie..
Episode 64 nang sinubukan na yata nilang gumawa ng baby ni Captain..
Episode 65 nadiskubre ni Ayie na may problema siya sa sinapupunan nya, 'malamig' daw ito kaya mababa yung tsansa na makabuo siya ng baby, at ikina-depress nya 'to.. sa suporta ni Captain at sa tulong na rin ng bago nyang mommy na si Marlene, sinubukan pa rin nyang magka-baby.. sa puntong ito nya rin nakita yung pagmamalasakit sa kanya ni Marlene na naging daan para unti-unti niya itong matanggap bilang isang tunay na ina..
sa Episode 68 na-reveal na buhay pa ang totoong ina nina Ayie at Jorcel subalit matagal nang may ibang pamilya, dito tinapos na ni Ayie ang ugnayan nila para mabigyan nang daan ang lubos na pagtanggap kay Marlene.. sa parehong episode kinonsider nila ni Captain ang artificial insemination dahil na rin sa kagustuhan nyang mabigyan ng anak ang asawa..
Episode 69 nang makabuo na sila ng baby ni Captain dahil sa scientific procedure, pero may lumabas na namang mga weakness si Ayie.. dahil ayaw niyang tumaba, nagpabaya siya sa kalusugan na naging dahilan ng pagbigay ng katawan niya at nang pagkalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan..
sa early part ng last Episode, 70, na-guilty siya sa nangyari sa first baby sana nila.. mas umikli yung pasensya niya at yung sinasabing recovery ng doctor ay idinaan niya sa sobrang pagkain.. nalaman ito ni Captain at kinausap ang asawa, sinabi niya rito na huwag na munang alalahanin ang pagkakaroon ng baby at maghintay na lang na natural itong dumating sa kanila, sinuggest nya sa asawa na ipagpaliban na muna ang pagkonsulta sa doktor, at ipinarating nya rin dito na siya yung mahalaga para sa kanya sa kasalukuyan kaya hindi na muna nito dapat isipin ang tungkol sa ibang bagay maliban sa kanila..
after ng 2 years and 5 months na timeskip, iniluwal na rin ni Ayie ang natural at panganay nilang anak ni Captain Kim na halos kasabay rin ng ikalawang anak nina Ricky at Jorcel..
isa na silang kumpleto at masayang pamilya sa puntong yun...
ang mga naging pagbabago sa main cast:
- ang dating masamang biyanan (ang pinaka-kontrabida sa serye) na si Elena Kim ay unti-unting nagbago.. isang malaking factor para dun ay ang naging desisyon ng pamilya ng manugang na si Jinky na umalis na sa bahay nila, at yung insidente kung saan inakala nilang namatay na ang asawa nitong si Reynaldo.. natuto syang magpakumbaba, maging maunawain, nagsimula ulet siyang kumilos at gumawa ng mga gawaing bahay, natuto syang tanggapin ang mga manugang at apo nya sa labas, at nagdesisyon syang gugulin ang mga huling araw nya sa mundo sa paggawa ng kabutihan at para ibahagi ang sarili para sa iba.. Episode 69 humingi siya ng tawad sa anak nyang si Ervic dahil sa hindi nya pagiging mabuting ina para dito sa kabila nang mga ginagawa nito para sa buong pamilya
- si Sgt. Reynaldo Kim na akala mo dati ay mabuti na.. matapos nyang magretiro sa serbisyo dahil sa isang iskandalo, lumabas ang mga weakness nya gaya nang kawalan ng alam sa mga gawaing bahay, yung tipong kawalan ng hiya sa harap ng iba dahil sa pagiging desperado at pagiging ma-pride.. na-scam sya dahil sa isang negosyo ng chicken restaurant, pero ang naging magandang bunga naman nun ay marami syang natutunan na bago at praktikal na mga kakayanan.. sa bandang huli nabawi nya rin yung perang nawala sa kanya, at after ng 2 years and 5 months na timeskip ay nagtatrabaho na ulet sya sa isang may kinalaman pa rin sa pagpapatupad ng batas (nag-aasikaso o nagbibigay yata ng guidance at counselling sa mga bagong laya).. isa pang naging magandang pagbabago sa kanya sa buong itinakbo nung series ay yung pagiging parang matalik nilang magkaibigan ng dating kaaway at balae na si Abmar Joo..
- Keith Kim ay unti-unting nagbago para sa lumalaki nyang pamilya, nag-adjust siya mula sa pagiging maluho at easy-going patungo sa pagiging masikap at praktikal, unti-unti rin siyang nag-adjust sa pagiging ama para sa anak ni Samantha na si James.. Episode 69 nag-sorry siya at nagsimulang magbayad ng utang sa kapatid nyang si Ervic, isa yung magandang pagbabago since matagal na syang problema ng kapatid nya
- Samantha Oh ay medyo mabagal yung progress ng character nya, kahit kasi natanggap na sa pamilya silang dalawa ng anak nya ay patuloy pa rin nyang sinisilip yung mga pagkukulang ni Keith nang hindi isinasaalang-alang ang sitwasyon, matagal rin siyang naging pasaway pagdating sa gawaing bahay kahit na siya ang asawa ng panganay na anak ng mga Kim.. sa huli ay mas naramdaman naman nya ang pagtanggap sa kanya, naging mas maaasahan na sya sa bahay, mas maunawain sa asawa, at nagpatuloy na rin siya sa kanyang pag-aaral para daw hindi siya ikahiya ng mga anak nila
- Ervic Kim kahit na pang-asar pa rin kay Jinky hanggang sa huli ay mababakas yung tumibay nyang pagmamahal sa asawa gaya na lang kapag nagseselos siya sa mga lalaking napapalapit dito, dahil sa sinapit ng pamilya nila natuto siyang huwag sambahin ang pera, sa tulong ng asawa nabawi rin nila ang mga nawalang negosyo lalo na yung mahalaga sa kanya na sauna, pinalitan nya yung ambisyon nya na magpayaman lang sa magka-pera at malibot ang mundo
- Jinky Do.. parang siya talaga yung pinaka-bida sa buong istorya.. nasaktan siya sa pagiging malamig sa kanya ng asawa nya at sa matinding paghihinala dito at sa kaibigan nilang si Lily, at halos ikinabaliw nya 'to.. dahil sa pagsubok na yun nalaman nya kung anong gusto nya, nag-aral sya at nagkaroon ng license sa pagiging chef.. pinili siya ng asawa kumpara kay Lily na ikinasaya niya subalit ikinawala ng mga negosyo nila dahil sa pagganti ni Lily.. dahil sa labis na pagkiling ng babaeng biyanan sa panganay nitong anak, napilitan si Jinky na umalis sa bahay at matutong mabuhay nang sila lang, sa tulong ng ina niyang si Marlene na binenta ang dati nilang bahay ay nakapagtayo sila ng restaurant na pumatok at naging successful.. kahit nakikita nya ang mga anak nya bilang pabigat hindi makakaila na mahal nya ang mga ito.. yung character nya ay matatag at madalas na tinitingnan yung bright side ng mga pagsubok kahit na gaano man 'to kasama.. malaki yung contribution ng character nya sa naging pagbabago sa mga characters nina Reynaldo, Elena, Marlene, Ervic, at Lily.. sa huli, bilang pinakamabuting manugang, sa kanya pinamana ni Elena ang wedding ring na bigay sa kanya ng biyanan nya, yun ay sa kabila ng hindi nito pagiging asawa ng panganay na anak
ang naging final na bilang ng anak ng magkakapatid na Kim sa last episode, mula sa panganay ay magkakasunod:
- sina Keith at Samantha ay may 3
- sina Ervic at Jinky ay may 2
- at sina Lionel at Ayie naman ay nagkaroon ng 1
para sa mga supporting casts, may mga magaganda rin na naging pagbabago sa mga buhay nila at isa rin yun sa nagpaganda sa istorya na 'to, kasi bukod sa nabibigyan ng kanilang moment yung ibang characters, nagiging instrumento rin sila para tumalakay ng iba pang topic na hindi na kayang ipasok dun sa kwento nung mga main characters..
- sina Abmar Joo at Marlene.. si Marlene natutong tumayo sa sarili nya at siguro eh nagbago na rin yung iba nyang mga anak.. halos wala namang naging problema sa dalawang 'to, maliban sa dating pagtutol ni Ayie sa kasal nila.. sa bandang huli nakasal rin sila, napatunayan ni Marlene ang pagiging mabuti nya kay Abmar at sa mga anak nito, maging yung relasyon nya kay Jinky at sa manugang na si Ervic ay naiayos rin nya.. si Abmar naman, naging maunawain at supportive lang sa mga anak at manugang nya as always
- sina Lt. Ricky Baek at Jorcel Joo na naging mabuti nang mga tala-batang characters simula pa lang nung istorya ay naging mag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak
- si Lily o dating Chief Tae ay hindi naging maganda ang mga huling karanasan dahil na rin sa karmang bumalik sa kanya matapos nyang subukang sirain ang pagsasamahan ng mga kaibigan nyang sina Ervic at Jinky, dahil sa pakikipagsabwatan nya sa leader ng isang gang at dahil ipinahamak nya 'to sa katapusan ng trial ay tinugis sya ng mga tauhan nito para alilain.. halos naging pulubi ang buhay nya nun na puno rin nang takot.. nakatakas siya sa mga bumihag sa kanya at humingi ng tulong sa dati nyang matalik na kaibigan na si Jinky, hindi nagdalawang isip ang dating kaibigan na tulungan siya, humingi sila ng tulong sa bayaw nito na si Captain Lionel Kim at agad nitong pinadala ang team nya para arestuhin yung mga miyembro ng gang na nagbabantay sa tapat ng gusali ng kinaroroonan ng bahay ni Lily.. sa huli taos puso syang nagpasalamat sa dating kaibigan, kahit na hindi nya magawang humingi ng kapatawaran dahil sa masamang nagawa nya sa pamilya nito, nagdesisyon syang ibenta na ang bahay nya at sumunod na sa family nya sa States
- si Prosecutor Cathy Lee (hindi ko gusto ang ending nya).. Episode 63 nang pinagtatalunan siya nina Lt. Choi at Corporal Jo na ikina-badtrip ng dad niya, huwag daw siyang basta-basta magtiwala sa mga lalaki at huwag ring magpakita ng motibo.. Episode 69 nang magtapat dito ng pag-ibig si Corporal Jo, akala ko pa naman ayaw nya dun pero naging mag-asawa pala sila sa huli, siguro dahil sila na lang yung match ang height.. nahimatay daw si Chief sa kasal nila at pinagyayabang ng lalaki na pasalamat daw ang father-in-law nya dahil hindi sya tatanda nang mag-isa (magkaka-apo siguro ang ibig nyang sabihin).. Episode 66 nung mabuking ng buong team ni Captain na mag-ama sina Prosecutor Lee at si Chief
- ang dating si Corporal Jo ay na-promote sa pagiging Sergeant at mukhang nagtatrabaho pa rin bilang detective, hindi sya deserving para sa kagaya ni Prosecutor Lee, tas inaasar pa nya ang asawa nya kaya hindi sya nakakatuwa
- si Chief Lee naman ay na-assign na commissioner sa provincial station, laking pasalamat nya tuloy sa team nina Captain Kim
- si Lt. Yu ay head na ngayon ng isang local precinct (dahil na rin siguro sa kanyang edad)
- si Lt. Choi na-assign daw sa head office at active pa rin as usual
- ang totoong ama ni James na si Jericho, kahit wala nang appearance sa later episodes ay inaalala pa rin ang anak nito
- ang kaibigan ni Samantha na si Nadia at ang dating partner ni Reynaldo na si Sgt. Ji ay nagkaroon rin ng kanilang lovelife.. naging tapat si Nadia at inamin ang tungkol sa nakaraan nya kay Sgt. Ji at sinabi naman ng lalaki na wala na syang pakialam sa nakaraan nito kundi sa magiging pagsasama na lang nila sa kasalukuyan at sa hinaharap na nagsa-suggest na nagkatuluyan rin sila
- kahit yung part time worker na si Cherry sa restaurant ni Jinky ay may development rin sa istorya.. medyo may pagka-mahina ang ulo kasi ang pagpapakilala sa kanya, nag-aaral sya dati para makapasa bilang public officer, pero sa huli sa tulong na rin ng boss nyang si Jinky, na-realize nya na wala syang panama sa pagiging public officer at pinagpatuloy na lang ang pagtatrabaho sa restaurant na may pangarap na makapagpatayo rin ng sarili nyang restaurant someday
- ang panganay na anak nina Ervic at Jinky na si Harry ay patuloy na kinakitaan ng quality ng pagiging matalino at mature kung mag-isip
- si Santi naman ay halos walang naging pagbabago maliban sa pagtrato nito na tunay na ina sa mama nila na dati nilang tinatrato na step-mother lang sa kabila nang pagiging totoo nitong biological mother sa kanilang mag-kuya
- si James ay mas bumuti sa pag-aaral, although nagtataka ako kung bakit parang hindi nabigyan nang magandang emphasis na hindi dapat nananakit ang mga magulang o relatives ng mga bata
sa last scene pinakita na sama-sama at masaya ang buong pamilya Kim..
wedding anniversary noon nina Reynaldo at Elena..
ni-reveal ni Elena ang balak nyang alagaan ang maliliit nyang apo at ang gawing daycare center ang bahay nya para makatulong sa iba at para kumita na rin nang konti..
winish ng tatlong magkakapatid at ng kanilang mga asawa ang longer life para sa parents nila tas hinandugan nila ang mga ito ng kanta kasabay ng hemorrhoid dance..
isang simple pero napaka-meaningful na wakas para sa isang napakagandang korean tv drama...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento