isa 'to sa mga fantasies ko..
fantasy kasi parang imposible na talagang mangyari pa 'to sa buhay ko sa ngayon..
madalas ko kasi syang nakikitang ginagawa ng mga Korean sa mga tv series nila, kumain sa labas at uminom..
minsan nga naiisip ko.. sa palabas lang ba 'to o talagang malalakas lang silang uminom..? sa napapanood ko kasi, palipat-lipat pa sila ng kainan/inuman.. pero meron rin namang mga scenes na nagpapakita nung mga suko na at lasing na sa pag-inom...
wala lang..
naisip ko lang na parang ang cool dumalaw minsan sa South Korea para lang i-try yung mga paraan nila ng pag-gimik dun..
sanay na naman ako sa mga KTV bar, kasi parang mga nagbi-videoke lang naman yun dito sa Pinas tuwing may fiesta sa mga bara-barangay.. pero may mga drinks, food, at style kasi ang mga Koreano na nakaka-curious..
naisip ko rin, meron kaya silang klase ng tour siyempre para sa mga tourist na yung tipong pwede mo lang i-try yung mga karaniwan nilang ginagawa sa bansa nila..? parang mas masaya yun kumpara sa pag-travel at sight-seeing...
naalala ko tuloy sina Arnold Kang at Jasmine Seo (played by Lee Min Jung) (sa Tagalog Dub) ng Smile Honey (2009) sa picture na 'to, isa pa to sa mga nakaka-inlove na Korean drama..
mapa-comedy, mapa-drama, mapa-romance, parati kong nakikita tong mga drinking tent sa mga tv series nila.. siyempre maliban dun sa mga historical drama nila..
isa 'to sa mga gusto kong ma-experience.. tas ang gusto kong tipo eh yung may grill sa gitna ng table para ikaw ang magluluto ng ulam mo.. ang totoo yung grill talaga yung nagpa-interesante dito..
nagtataka lang ako.. meron kayang cr sa mga drinking tent para in case of emergency..? hindi pa naman ako umiinom kapag walang cr sa paligid...
soju..
hmmm.. rice wine.. nakatikim na ako ng rice wine na gawang bahay.. pero hindi ko naman alam kung may pinagkaiba ba yun sa soju ng Korea.. baka kasi iba pa yung bigas na gamit nila dun.. o baka iba yung proseso ng paggawa ng ganung klase ng alak..
pero kung mala-gin 'to, eh yari ako nun.. tiyak na paglalamayan ako..
isa pa sa mga napapansin ko sa pinapanood kong drama ngayon eh parang hindi sila naglalagay ng yelo sa drinks nila.. maging sa soju o beer man.. ano ban yun? galing sa ref yung drinks kaya hindi na niyeyeluhan o malamig lang talaga yung klima sa kanila sa mga ganung panahon o hindi lang talaga yun yung tipo na kailangan ng yelo..? ibig kasing sabihin eh puro nilang iniinom yung alak...
Korean beef ribs sa grill..
nagtataka lang ako kung bakit siya mahal, gaano sya kamahal, paano nilang iniihaw lang yun sa loob ng ilang minuto samantalang sa atin eh pinabubulakan pa para lumambot nang maige yung karne..
pero talagang namang mukhang masarap sya...
lahat ng 'to masarap sanang subukan sa mismong bayan na pinagmulan nila..
kulang na lang eh maganda at seksing Koreana na pwedeng i-date..
yung mala-Lee Min Jung, o Oh Ji Eun, o di kaya Yoon Joo Hee, the best ang mga yun..♥_♥
hmmm.. kelan kaya ako makakapasyal sa South Korea..?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento