Mga Pahina

Lunes, Setyembre 24, 2012

Resident Evil Tribute

tribute drawing ko para sa mga bumubuo ng Resident Evil series..
ginawa ko 'to nung mga panahon na sinu-shoot palang yung latest installment nila na Resident Evil: Retribution..


tas heto, comment ni Miss Alice (Milla Jovovich) mula sa Twitter..

at heto naman yung galing kay Miss Valentine (Sienna Guillory)...


♥_♥ excited for the DVD/Bluray release..
kailan pa kaya yun..?

Miyerkules, Setyembre 19, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (End of Semis & Finals)


ayun na nga..
tapos na pala ang Finals sa totoong buhay (base sa pag-check ko sa official website)..
Champion ang Sandugo-SSC-R, congrats kay #7 Bualee sa pagkasungkit nya sa kauna-unahan nyang championship title sa Shakey's V-League..
1st Runner Up ang Cagayan-Perpetual at 2nd Runner Up naman ang Philippine Army...

sad lang, kasi nilaglag ng Perpetual ang Army sa 2nd game nila sa Semis kagabi..
pati koponan ni #12 Tajima ng Ateneo nilaglag na rin ng Sandugo..
napaaga tuloy ang tapos ng Semis...

sayang yung laban ng Army sa Perpetual nitong 2nd match nila, sa Semis nga..
seryosong-seryoso pa naman si #13 Daquis at iba pang Lady Troopers na manalo..
masasaya kapag nakaka-iskor, takbuhan pa sa loob ng court na parang mga soccer player..
tas nape-pressure naman kapag nalalamangan na ng kalaban..
hindi masyadong mabilis ang dating ng mga attack, maraming service error at humihina ang depensa (coverage), hindi rin masyadong mahabol ang libero nila di gaya ni Dionela ng Perpetual na super sipag...

ang Cagayan-Perpetual naman ang laki ng inilakas..
ang mga regular na sina Cases, Tubino at de los Santos puros may mabibilis na palo..
ang Thai GP naman na si Chuewulim may matatalinong mga play tas nagagamit pa yung experience niya sa pagiging Libero para sa depensa ng team nila..
andun rin siyempre ang co-Thai GP nya na si  Pornpimol at ang Best Digger ng Conference na si Dionela..
maganda ang ginawa nilang depensa laban sa Army, malawak ang coverage kaya madalas nadedepensahan ang   mga palo ng mga Lady Troopers..
- pero madali lang tatapusin ng Sandugo ang laban nila nitong finals...

ayun nga, bale parehong team na nakapasok sa Finals ay may Thai GPs (may ibig sabihin kaya yun?)..
maagang matatapos ang finals..
pero ang good news kahit papano eh may pagkakataon pa na mapanood yung mga huling laban sa AKTV sa IBC...

Biyernes, Setyembre 14, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (Semis)

konting update lang, since halos katatapos nga lang ng Prelims..
at kasisimula pa lang ng Semis...


sa wakas napanood ko na ulet maglaro sa court ang former #5 at ngayon ay #12 na ng Ateneo Lady Eagles na si Mae Tajima..
yung napanood ko yata ay isang match bago tuluyang matapos ang Prelims (hindi ko masabi kung pang-ilang laban, delayed telecast kasi sa AKTV tas hindi nakapaskil kung pang-ilang laban na >,<)..
tas may appearance ulet siya nitong Semis, against Sandugo..
ang cute-cute nya talagang ngumiti tapos tsinita pa sya...♥_♥


dito naman, picture ng mga paborito kong sina #13 Daquis at #4-9 Carolino Sisters..
tas kasama yung sa SSC-R na player..
astigen..
ayun nga lang, na-iskoran na sila ng Perpetual nitong start ng Semis T,T..
sana makabawi pa...

anyway, nakakalibang talagang manood ng volleyball kapag may mga nag-gagandahang chicks sa loob ng court...♥_♥

Huwebes, Setyembre 13, 2012

More Crimes in the Philippines..?


mahilig ba kayong manood ng balita?
natanong ko lang kasi lately, parang masyado nang nakakabagabag ang mga nababalitang paglaganap ng krimen sa buong bansa - andyan ang iba't-ibang klase mula sa tila mga simpleng kaso lang ng snatching, hanggang robbery, hanggang assassination na ginagawa ng mga riding in tandem, hanggang sa pinakamalalang parang mga trip lang na brutal na pagpatay na talagang sinadya pang kunan ng video...

ewan, hindi ko na rin masabi eh..
may mag pagkakataon dati na iniisip ko na may mga lugar naman dito sa Pilipinas na matuturing na ligtas, lalo na kapag may mga nababalitang kalamidad sa ibang panig ng mundo - gaya ng pananalanta ng mga tsunami, malalakas na lindol, malalakas na bagyo, forest fire, at mga tornado o cyclone o kung ano pa mang mas tamang term..
isama na rin yung mga digmaan at rebelyon na parang ordinaryo na lang sa ibang bansa..
dati kapag naiisip ko ang mga yun, naiisip ko na siguro nga mas ligtas pa rin dito sa ilang lokasyon sa bansang 'to kahit na papano...

pero sa mga nababalita nga sa mga panahon ngayon, parang mas nakakatakot na rin na manatili pa dito..
ni hindi mo masabi kung bunsod lang ba yun ng mas pinabilis na daloy ng mga impormasyon at balita dulot ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, kung kaya't mas marami na ang mga nababalita kaagad na krimen partikular na sa telebisyon...

andyan pa ngayon yung promotion ng turismo sa bansa..
kapag may mga magagandang lokal na pook-pasyalan na unti-unting nakikilala, sasabihin na 'It's More Fun in the Philippines'..
kapag may mga mabubuting tao na related sa tourism ang may nagawang maganda o mabuti para sa iba - gaya ng pagsasauli ng naiwan o naiwalang gamit o pera ng mga tourista, sasabihin pa rin na 'It's More Fun in the Philippines'..
pero paano naman yung isyu tungkol sa seguridad..
ilang mga foreigners na rin naman ang napahamak, na-kidnap, at napatay dahil sa pagtuntong dito sa bansa..
although hindi ko naman kino-conclude na yung pagiging foreigner nila ang mismong dahilan kung bakit sila nadamay sa mga ganung trahedya, eh siguro misconception o overgeneralization na lang yun ng iba na basta banyaga eh automatic na mayaman..
pero ano na ba ang nagawa ng gobyerno para dito, para paigtingin ang seguridad sa loob ng bansa hindi lang para sa mga tourista kundi para na rin sa sarili nitong mga mamayanan?

snatching, theft (sa mga bahay o grocery store), pagnanakaw ng mga kasambahay, carnapping, robbery holdap (kahit sa loob ng mga mall), suicide at murder (kahit sa loob ng mga mall), massacre, rape, physical abuse, fraud, pag-clone ng credit cards, murder, kidnap for ransom, riding in tandem, patayan kaugnay ng eleksyon, budol-budol, patayan kaugnay ng hazing partikular na sa mga fraternity, mga samu't-saring gimik para makapambiktima sa mga pampublikong lugar, mga krimen na kinasasangkutan ng mga minor de edad, at kung anu-ano pang kombinasyon ng mga nabanggit na pamamaraan..
andyan rin ngayon yung pinakabagong paraan kung saan hindi mo mawari kung sinong paniniwalaan dahil binabaligtad ng mga taong involved ang mga pangyayari - kidnapping ng baby na sinadya 'daw' para lang matakasan ang mga bayarin sa ospital pero na-settle naman nung inaakusahan ng pag-iimbento ng kuwento yung mga bayarin nya; o di kaya yung minaltratong katulong na hindi mo na mawari kung talaga nga bang namaltrato o kung yung kamag-anak nga ba ang may gawa o sinadya lang para may makuha sa kanyang amo?

eh sino pa ba ang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon para lumutas sa mga problemang yan ng lipunan..
eh kung sa hanay nga mismo ng sangkapulisan eh may mga tarantadong gumagawa ng krimen..
di bale sana kung ang kaso lang nila eh i-salvage lahat ng kriminal - edi sana nakatulong pa silang maubos ang mga gumagawa ng krimen..
pero sila mismo gumagawa nung mga mapaminsalang gawain para sa kapwa..
pangongotong, pagpatay gamit yung baril na pinagkaloob sana sa kanila para magawa nang ayos ang kanilang tungkulin sa bayan, pagbibigay ng proteksyon sa mga kriminal, kidnapping at kung anu-ano pang kalokohan..
pati naman sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno eh hindi rin lahat maaasahan..
andyan ang korupsyon, red tape, katamaran..
tila wala nang malusutan sa mga dapat na naglilingkod sa bayan na gaya nila...

hay... kung meron lang sanang paraan para matiyak na lahat ng maluluklok sa katungkulan, sa kapulisan man o sa gobyerno, eh gagawa nang matino..
kung lahat na lang sana ng krimen eh pwedeng parusahan lang ng either habambuhay na pagkabilanggo o kamatayan gaano pa man yun kabigat..
kung ang batas lang sana ay hindi na pumipili ng tamang edad na kaya nyang parusahan..
kung hindi na lang sana nakakalaya yung mga taong sanay nang gumawa ng kasamaan mula sa mga kulungan..
kung hindi lang sana pino-protektahan ng Commission on Human Rights at iba pang sektor ng lipunan yung mga karapatan 'daw' ng mga kriminal na yun, na kung tutuusin eh sila itong naunang bumalewala sa karapatan nung mga taong biniktima nila sa kung ano mang paraan..
kung pwede lang sanang alipinin na lang yung mga pesteng mga yun sa mga nalalabi nilang panahon sa mundo - sapilitan silang pagsakahin, pagawin sila ng mga trabahong posibleng mag-boost ng agrikultura ng bansa o di kaya naman eh pagbantayin sila ng mga teritoryong pilit inaangkin ng mga dayuhan (tutal mga sanay naman silang pumatay eh)..
kailan kaya mamumulat ang bansang ito na hindi na talaga applicable yung makaluma nyang paraan ng pagpaparusa at paglaban sa kriminalidad?
kailangan pa bang maghintay pa na prominenteng mga tao ang mapahamak para lang ma-realize nila yun?
o kailangan pa bang yung mismong mga nasa katungkulan o ang mga kaanak nila ang malagay sa delikadong sitwasyon bago nila maunawaan nang tuluyan ang tunay na kahalagahan ng seguridad para sa lahat..?

Martes, Setyembre 11, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (End of Prelims)

bale tapos na nga ang Preliminary matches para sa conference na 'to..
at gaya ng inaasahan - pasok sa Semis ang Sandugo SSC-R (Rank 1) at Ateneo (Rank 4), at laglag pa rin ang FEU (sayang lang ang pag-import kay Sangmuang >,<, pero nakakuha naman sila ng isang panalo bago tuluyang matapos yung Prelims)..
at may bago na akong paboritong team ngayon, ang Philippine Army..
bale 2 team ang suportado ng mga Thai GPs at 2 team ang walang import...

hindi ko masyadong ma-appreciate ang mga laban ng SSC-R lately, kasi parang sobrang lakas ng team nila.. pero siyempre masaya pa rin kung makukuha na ni #7 Bualee yung championship this time..
ang masama pa nare, wala pa akong napapanood na buong laban sa V-League dahil sa mga teledrama T,T..
kaya naman araw-araw ko na lang chini-check yung standings sa official site ng Shakey's V-League...

sa Ateneo naman..
ni hindi ko man lang napanood na maglaro si #5 Tajima, at ang hindi maganda - iba ang may suot ng jersey #5, kaya hindi ko alam kung anong status nya sa team T,T...

at ang crush ko na ngayong team ng Philippine Army..
nakakalibang panoorin yung All-Pinay lineup nila..
gustung-gusto kong napapanood sa court ang #4-9 Carolino Sisters at si #13 Daquis..
anlupet...♥_♥

4 teams na lang ang natitira sa ngayon...

Martes, Setyembre 04, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (End of Teenagers Arc)

bago ko tuluyang tapusin yung review ko para sa timeline ng mga bagets..
heto muna ang isa pang patawa pero cute rin naman na character..
si Prinsesa Min Hwa, na kapatid ng itinakdang prinsipe na si Lee Hwon..
yan, kitang-kita sa mga picture na yan kung gaano ka-cute yung patawa at isip bata nyang acting..
dahil sa sobrang pagkahumaling nya kay Scholar Ho na kapatid ni Yeon Woo, nagamit syang dahilan ng Inang Reyna upang ipasailalim si Yeon Woo (na noon ay napili na bilang itinakdang prinsesa at reyna para sa hinaharap) sa isang matinding karamdaman bunga ng itim na kapangyarihan na isinagawa ng Punong Babaylan na si Lady Jang (na sa totoo naman ay kakampi talaga at tagapagligtas ng itinakdang prinsesa).. bilang kapalit, sinabi ng Inang Reyna na matutupad rin ang kagustuhan ng kanyang apo na makatuluyan si Scholar Ho pero kapalit naman nito ang pagpapasan ng kasalanan ng pagpapakulam sa kapatid ng kanyang pinakamamahal na lalaki - mga mahaharot talagang kabataan..
sa pagtanda nya, cute pa rin sya at patawa at nanatili sa kanya yung pagiging isip bata nya...

bilang update..
hindi naman talaga namatay si Yeon Woo, nakaisip si Lady Jang ng paraan para mabigyan sya ng isang gamot na tila papatay sa kanya for a certain period of time pero mabubuhay rin naman siya..
naiahon siya sa puntod nya sa tamang oras..
dumating rin noon sa kanyang puntod ang matalik nyang kaibigan na si Seol na tila pinagmalupitan ng bago nyang amo..
dahil doon dalawa na silang bagong ampon ni Lady Jang (bukod pa yung dati na nyang ampon na bata na iniligtas ni Prinsipe Yang Myung)..
nang magkamalay na si Yeon Woo, wala na syang maalala tungkol sa kanyang nakaraan, na hindi ko masabi kung talagang sanhi ba nung gamot na ipinainom sa kanya o kung naging komplikasyon lang ba..
ginamit ni Lady Jang yung pagkakataon para sabihin na isa syang itinakdang babaylan, dahilan kung bakit kailangan nyang kalimutan na ang kanyang nakaraan...

at ayun na nga, kahapon lang natapos na yung yugto ng mga teenagers..
naipakilala na rin ang bagong mga mukha nina Lee Hwon (na ngayon ay hari na) at nang napangasawa nyang si Bo Kyung mula sa kampo ng mga kalaban sa pulitika...

sa kalahatan, naging maganda naman yung arc nung mga bata..
pa-cute, na cheesy, na nakakatawa, pero andun pa rin yung mga emosyon..
sa sobrang ka-cutan nung mga batang bida eh naging matagumpay yung pagganap nila sa kanilang mga papel...

magiging nakaka-miss yung mga character ng mga batang Yeon Woo at Seol..
yung itsura at height kasi nila eh bagay na bagay na maging mag-tropa...


another view of Seol..
nga pala..
kahit isang babae si Seol, interesado sya sa sining ng espada..
minsan na syang nahuli ni Scholar Ho na nagsasanay at humanga yung binata dito..
siguro ang rason kung bakit tinakasan nya ang bago nyang amo para pumunta sa puntod ni Yeon Woo ay dahil sa kanya ibinilin ni Scholar Ho ang nakababata nyang kapatid..
sa muling pagkabuhay ni Yeon Woo, labis namang ikinalungkot ni Seol ang pagkawala ng mga alaala nito..
sa kasalukuyan siya lang talaga ang lubos na nakakakilala sa tunay na katauhan ng kanyang matalik na kaibigan...


at are pala ang isa pang cute na adult version..
si Jan Shil..
siya yung batang puwersahang ginawang manghuhula dati ng mga manggagantso, tas iniligtas siya nina Prinsipe Yang Myung at Lady Jang, at eventually ay inampon na ni Lady Jang..
cute syang ngumiti, mahilig mambasag trip, at may pagka-madaldal..
isang interesting development tungkol sa character nya eh mas bata siya kumpara kina Seol at Wol, pero sa pagtanda nila parang mas natangkaran pa niya yung dalawang mga ate nya..
sa picture na yan, medyo katulad pa ng hair style nya yung buhok nya nung bata pa sya..
pero later on, magpupuyod na sya na tingin ko ay less attractive...


Yeon Woo ang tunay na pangalan ng itinakdang Buwan, na nangangahulugan daw na malumanay na ulan o ambon..
pero sa muli nyang pagkabuhay, pinangalanan siya ng Hari na Wol, na nangangahulugan na buwan...