bago ko tuluyang tapusin yung review ko para sa timeline ng mga bagets..
heto muna ang isa pang patawa pero cute rin naman na character..
si Prinsesa Min Hwa, na kapatid ng itinakdang prinsipe na si Lee Hwon..
yan, kitang-kita sa mga picture na yan kung gaano ka-cute yung patawa at isip bata nyang acting..
dahil sa sobrang pagkahumaling nya kay Scholar Ho na kapatid ni Yeon Woo, nagamit syang dahilan ng Inang Reyna upang ipasailalim si Yeon Woo (na noon ay napili na bilang itinakdang prinsesa at reyna para sa hinaharap) sa isang matinding karamdaman bunga ng itim na kapangyarihan na isinagawa ng Punong Babaylan na si Lady Jang (na sa totoo naman ay kakampi talaga at tagapagligtas ng itinakdang prinsesa).. bilang kapalit, sinabi ng Inang Reyna na matutupad rin ang kagustuhan ng kanyang apo na makatuluyan si Scholar Ho pero kapalit naman nito ang pagpapasan ng kasalanan ng pagpapakulam sa kapatid ng kanyang pinakamamahal na lalaki - mga mahaharot talagang kabataan..
sa pagtanda nya, cute pa rin sya at patawa at nanatili sa kanya yung pagiging isip bata nya...
bilang update..
hindi naman talaga namatay si Yeon Woo, nakaisip si Lady Jang ng paraan para mabigyan sya ng isang gamot na tila papatay sa kanya for a certain period of time pero mabubuhay rin naman siya..
naiahon siya sa puntod nya sa tamang oras..
dumating rin noon sa kanyang puntod ang matalik nyang kaibigan na si Seol na tila pinagmalupitan ng bago nyang amo..
dahil doon dalawa na silang bagong ampon ni Lady Jang (bukod pa yung dati na nyang ampon na bata na iniligtas ni Prinsipe Yang Myung)..
nang magkamalay na si Yeon Woo, wala na syang maalala tungkol sa kanyang nakaraan, na hindi ko masabi kung talagang sanhi ba nung gamot na ipinainom sa kanya o kung naging komplikasyon lang ba..
ginamit ni Lady Jang yung pagkakataon para sabihin na isa syang itinakdang babaylan, dahilan kung bakit kailangan nyang kalimutan na ang kanyang nakaraan...
at ayun na nga, kahapon lang natapos na yung yugto ng mga teenagers..
naipakilala na rin ang bagong mga mukha nina Lee Hwon (na ngayon ay hari na) at nang napangasawa nyang si Bo Kyung mula sa kampo ng mga kalaban sa pulitika...
sa kalahatan, naging maganda naman yung arc nung mga bata..
pa-cute, na cheesy, na nakakatawa, pero andun pa rin yung mga emosyon..
sa sobrang ka-cutan nung mga batang bida eh naging matagumpay yung pagganap nila sa kanilang mga papel...
magiging nakaka-miss yung mga character ng mga batang Yeon Woo at Seol..
yung itsura at height kasi nila eh bagay na bagay na maging mag-tropa...
another view of Seol..
nga pala..
kahit isang babae si Seol, interesado sya sa sining ng espada..
minsan na syang nahuli ni Scholar Ho na nagsasanay at humanga yung binata dito..
siguro ang rason kung bakit tinakasan nya ang bago nyang amo para pumunta sa puntod ni Yeon Woo ay dahil sa kanya ibinilin ni Scholar Ho ang nakababata nyang kapatid..
sa muling pagkabuhay ni Yeon Woo, labis namang ikinalungkot ni Seol ang pagkawala ng mga alaala nito..
sa kasalukuyan siya lang talaga ang lubos na nakakakilala sa tunay na katauhan ng kanyang matalik na kaibigan...
at are pala ang isa pang cute na adult version..
si Jan Shil..
siya yung batang puwersahang ginawang manghuhula dati ng mga manggagantso, tas iniligtas siya nina Prinsipe Yang Myung at Lady Jang, at eventually ay inampon na ni Lady Jang..
cute syang ngumiti, mahilig mambasag trip, at may pagka-madaldal..
isang interesting development tungkol sa character nya eh mas bata siya kumpara kina Seol at Wol, pero sa pagtanda nila parang mas natangkaran pa niya yung dalawang mga ate nya..
sa picture na yan, medyo katulad pa ng hair style nya yung buhok nya nung bata pa sya..
pero later on, magpupuyod na sya na tingin ko ay less attractive...
Yeon Woo ang tunay na pangalan ng itinakdang Buwan, na nangangahulugan daw na malumanay na ulan o ambon..
pero sa muli nyang pagkabuhay, pinangalanan siya ng Hari na Wol, na nangangahulugan na buwan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento