Huwebes, Setyembre 13, 2012
More Crimes in the Philippines..?
mahilig ba kayong manood ng balita?
natanong ko lang kasi lately, parang masyado nang nakakabagabag ang mga nababalitang paglaganap ng krimen sa buong bansa - andyan ang iba't-ibang klase mula sa tila mga simpleng kaso lang ng snatching, hanggang robbery, hanggang assassination na ginagawa ng mga riding in tandem, hanggang sa pinakamalalang parang mga trip lang na brutal na pagpatay na talagang sinadya pang kunan ng video...
ewan, hindi ko na rin masabi eh..
may mag pagkakataon dati na iniisip ko na may mga lugar naman dito sa Pilipinas na matuturing na ligtas, lalo na kapag may mga nababalitang kalamidad sa ibang panig ng mundo - gaya ng pananalanta ng mga tsunami, malalakas na lindol, malalakas na bagyo, forest fire, at mga tornado o cyclone o kung ano pa mang mas tamang term..
isama na rin yung mga digmaan at rebelyon na parang ordinaryo na lang sa ibang bansa..
dati kapag naiisip ko ang mga yun, naiisip ko na siguro nga mas ligtas pa rin dito sa ilang lokasyon sa bansang 'to kahit na papano...
pero sa mga nababalita nga sa mga panahon ngayon, parang mas nakakatakot na rin na manatili pa dito..
ni hindi mo masabi kung bunsod lang ba yun ng mas pinabilis na daloy ng mga impormasyon at balita dulot ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, kung kaya't mas marami na ang mga nababalita kaagad na krimen partikular na sa telebisyon...
andyan pa ngayon yung promotion ng turismo sa bansa..
kapag may mga magagandang lokal na pook-pasyalan na unti-unting nakikilala, sasabihin na 'It's More Fun in the Philippines'..
kapag may mga mabubuting tao na related sa tourism ang may nagawang maganda o mabuti para sa iba - gaya ng pagsasauli ng naiwan o naiwalang gamit o pera ng mga tourista, sasabihin pa rin na 'It's More Fun in the Philippines'..
pero paano naman yung isyu tungkol sa seguridad..
ilang mga foreigners na rin naman ang napahamak, na-kidnap, at napatay dahil sa pagtuntong dito sa bansa..
although hindi ko naman kino-conclude na yung pagiging foreigner nila ang mismong dahilan kung bakit sila nadamay sa mga ganung trahedya, eh siguro misconception o overgeneralization na lang yun ng iba na basta banyaga eh automatic na mayaman..
pero ano na ba ang nagawa ng gobyerno para dito, para paigtingin ang seguridad sa loob ng bansa hindi lang para sa mga tourista kundi para na rin sa sarili nitong mga mamayanan?
snatching, theft (sa mga bahay o grocery store), pagnanakaw ng mga kasambahay, carnapping, robbery holdap (kahit sa loob ng mga mall), suicide at murder (kahit sa loob ng mga mall), massacre, rape, physical abuse, fraud, pag-clone ng credit cards, murder, kidnap for ransom, riding in tandem, patayan kaugnay ng eleksyon, budol-budol, patayan kaugnay ng hazing partikular na sa mga fraternity, mga samu't-saring gimik para makapambiktima sa mga pampublikong lugar, mga krimen na kinasasangkutan ng mga minor de edad, at kung anu-ano pang kombinasyon ng mga nabanggit na pamamaraan..
andyan rin ngayon yung pinakabagong paraan kung saan hindi mo mawari kung sinong paniniwalaan dahil binabaligtad ng mga taong involved ang mga pangyayari - kidnapping ng baby na sinadya 'daw' para lang matakasan ang mga bayarin sa ospital pero na-settle naman nung inaakusahan ng pag-iimbento ng kuwento yung mga bayarin nya; o di kaya yung minaltratong katulong na hindi mo na mawari kung talaga nga bang namaltrato o kung yung kamag-anak nga ba ang may gawa o sinadya lang para may makuha sa kanyang amo?
eh sino pa ba ang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon para lumutas sa mga problemang yan ng lipunan..
eh kung sa hanay nga mismo ng sangkapulisan eh may mga tarantadong gumagawa ng krimen..
di bale sana kung ang kaso lang nila eh i-salvage lahat ng kriminal - edi sana nakatulong pa silang maubos ang mga gumagawa ng krimen..
pero sila mismo gumagawa nung mga mapaminsalang gawain para sa kapwa..
pangongotong, pagpatay gamit yung baril na pinagkaloob sana sa kanila para magawa nang ayos ang kanilang tungkulin sa bayan, pagbibigay ng proteksyon sa mga kriminal, kidnapping at kung anu-ano pang kalokohan..
pati naman sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno eh hindi rin lahat maaasahan..
andyan ang korupsyon, red tape, katamaran..
tila wala nang malusutan sa mga dapat na naglilingkod sa bayan na gaya nila...
hay... kung meron lang sanang paraan para matiyak na lahat ng maluluklok sa katungkulan, sa kapulisan man o sa gobyerno, eh gagawa nang matino..
kung lahat na lang sana ng krimen eh pwedeng parusahan lang ng either habambuhay na pagkabilanggo o kamatayan gaano pa man yun kabigat..
kung ang batas lang sana ay hindi na pumipili ng tamang edad na kaya nyang parusahan..
kung hindi na lang sana nakakalaya yung mga taong sanay nang gumawa ng kasamaan mula sa mga kulungan..
kung hindi lang sana pino-protektahan ng Commission on Human Rights at iba pang sektor ng lipunan yung mga karapatan 'daw' ng mga kriminal na yun, na kung tutuusin eh sila itong naunang bumalewala sa karapatan nung mga taong biniktima nila sa kung ano mang paraan..
kung pwede lang sanang alipinin na lang yung mga pesteng mga yun sa mga nalalabi nilang panahon sa mundo - sapilitan silang pagsakahin, pagawin sila ng mga trabahong posibleng mag-boost ng agrikultura ng bansa o di kaya naman eh pagbantayin sila ng mga teritoryong pilit inaangkin ng mga dayuhan (tutal mga sanay naman silang pumatay eh)..
kailan kaya mamumulat ang bansang ito na hindi na talaga applicable yung makaluma nyang paraan ng pagpaparusa at paglaban sa kriminalidad?
kailangan pa bang maghintay pa na prominenteng mga tao ang mapahamak para lang ma-realize nila yun?
o kailangan pa bang yung mismong mga nasa katungkulan o ang mga kaanak nila ang malagay sa delikadong sitwasyon bago nila maunawaan nang tuluyan ang tunay na kahalagahan ng seguridad para sa lahat..?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento