Mga Pahina

Sabado, Oktubre 03, 2015

Chapter VII: Losing Streak Arc (Part II)

A Loveless Story


CHAPTER VII: Losing Streak Arc (Part II)

oo, miserable nga ako.. pero.....
hindi naman ako kagaya ng ibang lalaki na dumaan talaga sa malulupit na break up..
at para sa akin, yun na nga yung masama dun - kasi ni hindi man lamang ako o hindi na ako umaabot sa punto ng pagkakaroon ng ibe-break na relationship..
that means na kulang din ako sa experience regarding sa mga totoong pagsubok na dumadaan sa isang relationship; wala akong alam sa kung anu-anong kaartehan ng babae ang meron dun, kung paanong mag-handle ng mga challenges, at kung paanong mag-resolve ng mga issues..
siguro sobra lang talaga akong ba-basted-in para sa mata ng mga kababaihan... :(

back with the story..
ito na yung karugtong ng mga kamalasan ko mula sa Losing Streak Arc (Part I)...


Bakit Ako Ilag sa Iglesia...?

mga September 2012 na nang muli akong maging interesado sa isang babae..
mahigit 4 years rin ang itinakbo ng recovery period ko..
mahigit 4 years ko ring prinotektahan ang puso ko from further damages..
but unfortunately, i did not expect that the attack would come from short range..
katapat-bahay lamang namin yung nakakuha ng atensyon ko..
siya yung [Babaeng Peke Ang Kilay]..
she was 7 years younger than me, at matagal na kaming magkalapit bahay..
inabutan ko pa nga yung time na nasa high school pa lang siya eh..
pero hindi ko inasahan that she would grow up into a 'may itsura naman at maputi' na woman..
one time, nagkasabay kami na bumili sa isang tindahan sa lugar namin..
bigla na lang niya akong kinausap and told me na mauna na daw ako (i don't really expect people to talk to me, lalo na kung hindi naman kami properly acquainted sa isa't isa)..
and after that incident, nakuha na niya yung atensyon ko..
ilang buwan rin ng reconnaissance yung dumaan..
ilang buwan rin ng decision-making yung dumaan..
andami kong kinailangan na i-consider; yung features niya, yung edad niya, yung religion nila, yung family niya, at yung yaman ng pamilya niya..
hanggang sa nakabuo na nga ako ng pasya...

isang Iglesia yung [Babaeng Peke Ang Kilay]..
3rd Year College student na siya noon, taking up Tourism..
hindi naman talaga kagandahan na babae, pero maputi siya at medyo sexy naman..
peke ang kilay..
at itim pa ang buhok noong mga time na yun..
i have nothing against the Iglesia(s)..
i have nothing against any religion..
basically, my battle with religion is pang-sarili ko lang talaga - na parang pag-aaral ng theology..
madalas nga lang, eh nagiging vocal ako, kaya akala ng ibang nakakabasa ng mga isinusulat ko na naninira na ako ng relihiyon o ng mga paniniwala nila..
pero ang punto ko ay - wala akong balak na impluwensiyahan ang sino man, kanya-kanyang paniniwala lang yan..
pero pagdating sa pamilya ng mga Iglesia na yun, ipinaramdam nila sa akin na magkaiba kami..
na iba ang tingin at trato nila sa ibang tao..
kaya simula noon naging ilag na ako sa sekta na yun...

masalimuot yung naging takbo ng istorya ko with the [Babaeng Peke Ang Kilay]..
siya kasi yung tipo ng babae who seems nice kapag kausap mo siya ng personal o harapan, pero yun pala eh hindi lang niya masabi yung mga bagay na gusto niya talagang sabihin sa'yo..
one day, i took the chance para ipakilala ko sa kanya ang sarili ko..
pero a few days later lang eh basted na kaagad ako through Facebook (after kong sabihin sa kanya na sinubukan ko siyang i-add as Friend doon)..
it seemed na binigyan ko siya noon ng pagkakataon para masabi sa akin yung mga bagay na hindi niya masabi sa akin in person..
pero after that eh mas gumulo lang yung mga pangyayari...

bago pa kami nagkakilala, there were already hints na may crush siya sa akin..
those were hints na pamilya niya mismo yung naglalabas o nagsisiwalat..
pero hindi ko hinayaan yung mga yun na pumasok sa ulo ko, kasi wala naman talagang nangyayaring name-drop..
and then na-basted nga ako..
at sa tinamaan naman ng lintik na pagkakataon eh saka naman lumabas yung istorya na may crush nga yung [Babaeng Peke Ang Kilay] sa akin..
galing yung balita sa biological mother ko..
naikuwento daw sa kanya ng demonyo kong biological father..
at yung mismong Stepmother nung [Babaeng Peke Ang Kilay] naman ang nagsabi nun dun sa biological father ko, at kasama pa niya noon yung [Babaeng Peke Ang Kilay]..
ang nangyari eh nagpang-abot daw sila sa tindahan, at biniro nung Stepmother yung biological father ko na yung stepdaughter daw niya yung mamanugangin nung matandang lalaki..
at ayun..
upon confirmation, eh nagkaroon na ako ng mga argument sa isip ko..
na kesyo bakit ako na-basted despite na ganun pala yung istorya..
and i felt the need to talk to her..
pero sa Facebook ko na lang siya nagawang kausapin dahil nahiya na akong humarap sa kanya..
but she denied everything..
hanggang sa i offered her the option to just block me online...

pero hindi pa doon nagtapos yun..
i was thinking na baka naman may dahilan siya why she had to reject me, kahit na may lumabas na ngang mga kuwento na tila pabor naman para sa akin..
naisip ko na baka naman may iba pang paraan para mapalabas sa kanya kung ano man yung totoo..
so i decided na i-appreciate siya at 'magparamdam' sa kanya nang patago..
nagpa-deliver ako sa kanya ng flowers & cards, siyempre bilang isang anonymous sender..
at it seemed na she was puzzled and intrigued kung kanino nanggaling yun (i know, kasi i had a way of checking her social networking account)..
at sakto naman pala noon na nalalapit na yung OJT niya sa ibang lugar, kaya medyo malalayo na siya sa akin nang madalas...

by the time na patapos na yung OJT niya sa NCR, ewan ko ba..
nagkataon kasi na nai-spot-an ko siyang lumabas ng bahay kasama ang Stepsister niya, medyo late night na noon..
hinintay ko silang makabalik..
at naisip ko na lang na kumustahin siya..
how she's doing sa pinag-o-OJT-han niya, and kumusta naman yung tinutuluyan niya habang nandoon siya..
i told her na kinumusta ko siya kasi nag-aalala ako sa kanya..
the conversation went fine naman..
it was always like that kapag kausap ko siya sa personal, nag-e-entertain naman siya at maayos na kausap..
though may mga palatandaan rin nga na parang minamadali niyang tapusin yung conversation..
pero since she was always smiling sa tuwing kaharap niya ako, naisip ko na baka okay na ulit na lumapit ako sa kanya... 

hanggang dumating yung time na i made up my mind - na gusto ko na nga siyang ligawan kahit na ano pang mangyari..
oo, kasama na sa plano ko na kausapin yung parents niya about it..
pero naisip ko na kausapin na rin muna yung [Babaeng Peke Ang Kilay]..
so one time, i approached her, and asked her na gusto ko na ulit subukan na ilapit yung sarili ko sa kanya, na kung hindi ba siya magagalit..?
sumagot siya na "okay lang"..
then i asked her kung magagalit ba ang Tatay niya..?
at sinabi naman niya na "edi tanungin mo ang Tatay ko" (basta parang ganun yung dating)..
so i treated that as a 'GO' signal..
and then umabot na nga ako sa punto na nagpakilala na ako sa parents niya at naghayag ng intensyon ko na ligawan yung anak at stepdaughter nila (that was the very first time na ginawa ko yun as a sign of respect para dun sa girl at sa family niya, & also as  a sign of my sincerity)..
i originally planned to talk to her Father & Stepmother..
kaso nung andun na ako sa bahay nila, sinabi nung Tatay na yung Stepmother na lang daw nung [Babang Peke Ang Kilay] ang kausapin ko since ito ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na yun..
it seemed okay naman noong kausap ko siya, her only condition was hintayin ko na muna daw yung anak-anakan niya na maka-graduate sa college..
and i thought everything was already okay from that moment...

dumating nga yung araw ng graduation niya..
i still waited for sometime kung kailan mukhang libre na siya..
until one day, it seemed na wala silang balak na umalis ng bahay..
ini-ready ko lahat ng kailangan ko, at kinontak ko yung Flower Shop..
this time, i'm doing it personally - no more anonymous delivery..
kabadong-kabado ako noon dahil katapat-bahay nga lang namin siya, pero nilakasan ko yung loob ko..
the moment na tumawag si Kuyang Delivery Boy doon sa bahay ng [Babaeng Peke Ang Kilay], eh parang nag-iba na ang takbo ng mga bagay-bagay para sa akin..
the way her Stepmother stared at me, na parang gulat na gulat siya at naiinis..
hanggang sa lumabas na yung babaeng pakay ko and talked to me..
the way she said na "siya na naman", na para bang diring-diri na siya sa akin..
i already felt it, kaya tinanong ko na siya nang diretsa..
i asked her kung pwede ko ba siyang ligawan..?
she said 'NO', huwag na lang DAW, dahil hindi DAW pwede..
i tried to ask for an explanation, pero wala siyang mabigay na klarong sagot..
so i revised my question, i asked her kung hindi ba siya komportable sa mga ginagawa ko at kung ititigil ko na lang ba yun..?
she said 'YES'..
i apologized para sa lahat ng pang-aabala na idinulot ko sa kanya..
and left their house..
umuwi kaagad ako sa amin, nagpipigil nang pag-iyak..
after that, umalis na ako sa subdivision na yun papunta sa kaibigan ko para uminom at mag-iiyak...

all the flowers, the gifts, the chocolates, the letters..
nasayang lang lahat..
nasayang ang pera ko, ang oras ko, at ang effort ko for someone like her..
i couldn't believe na naniwala ako sa mga salita niya..
isa ulit siyang patunay kung gaano kasinungaling at hindi mapagkakatiwalaan ng mga babae..
i mean, hindi ko naman nilalahat ang uri ng mga kababaihan..
but she's another proof kung bakit hindi na ako basta-basta dapat nagtitiwala sa mga babae...

hindi pa naman doon nagtapos ang lahat..
i still investigated the case..
i wanted to know the real reason kung bakit niya ako pinaasa at sinaktan din naman kaagad..
i tried asking her relatives, pero walang gustong tumulong..
a niece of her was willing to help me, pero kahit siya walang makuhang valid na sagot mula sa Tita niya..
hanggang sa nalaman ko from her classmates na may boyfriend na daw yung sinungaling na babaeng yun..
it was impossible for me to verify their answers, though nagtutugma yung mga kuwento na meron na nga siyang nagugustuhan..
kaso there was one thing missing - yung physical evidence na may boyfriend na nga siya..
wala naman kasing nabisita sa bahay nila, though hindi naman imposible na patago yung relationship nila..
pero ang sa akin lang - hindi na siya dapat nagsinungaling na kesyo wala siyang boyfriend at na pwede ko pang ilapit yung sarili ko sa kanya...

in the end, i realized na hindi naman pala talaga siya deserving para sa pagmamahal ko..
nakita ko lahat ng flaws sa pagkatao niya..
enough reason for me not to want her anymore..
but it was too late - dahil nag-inflict na rin siya ng damage at trauma sa puso ko... 

about sa Iglesia..
well, my observation may not necessarily be true for each and every member of their church..
but the fact itself that we (my biological family) have experienced such things, eh that's enough reason for me to avoid such religious sect..
parang ang gusto kasi nila eh pakabig palagi sila..
1) na tipong kapag may nagkagusto na non-Iglesia sa kasapi nila, eh dapat yung non-Iglesia ang mag-member sa kanila at hindi yung kasapi nila ang lilipat ng sekta..
kahit pa sabihin nila na hindi dapat yung love para sa member nila ang maging reason para lumipat ka sa sekta nila, eh meron ba namang tao na aamin na yun nga yung rason niya..
gaya nga ng sabi ng isang pamangkin ni [Babaeng Peke Ang Kilay] (na may karelasyon na non-Iglesia), tutol ang Lolo niya sa pakikipagrelasyon ng mga members ng church nila sa mga non-Iglesia, pero naniniwala siya na mahal siya ng boyfriend niya - so anong meaning nito - na hinihintay rin lang niya na magpa-convert sa Iglesia yung boyfriend niya as proof of his sincerity, na siya mismo eh walang balak na mag-sacrifice ng religion para sa boyfriend niya..
though meron naman akong alam na instance na parang isang Iglesia na babae ang willing na sanang iwanan ang sekta nila para sa taong mahal niya, eh sabi nga ng mga kakilala ko eh malamang tiranin o batikusin naman ng church nila nang kainaman yung babae at ang family nito once na ginawa niya nga yun..
2) another thing is yung recruitment nila..
Iglesia rin kasi yung mga kapitbahay ng family nung [Babaeng Peke Ang Kilay]..
at for some reason eh talagang desidido yung matanda doon na i-recruit kami sa sekta nila..
for me, pagpapakita rin yun ng kawalan nila ng respeto sa paniniwala ng iba..
basta andami niyang sinasabi na wala namang sapat na basehan..
na kesyo may mga maling practices ang mga Katoliko (though some of these are true naman)..
na sila lang yung bukod tanging mga tao o sekta na pinili ng diyos para iligtas sa katapusan ng mundo (see, kung gaano kataas ang tingin nila sa mga sarili nila?? mas maalam pa sila sa mismong diyos)..
at ang worst argument na ginamit nila sa amin - na sila ang original na religion..
i mean where in the hell did that came from??
isang 100 plus years lang na sekta, na nakabase rin naman ang mga turo sa mga aral ng mga Christian..?
na kesyo nawala lang ang Iglesia sa Pilipinas dahil sa pananakop ng mga Kastila..?
ay anak ng!!?
mga anito at mga bathala naman ang sinasamba noon ng mga Pilipino according to our own history eh..?
ano yun, taga-Middle East si Jesus, pero nakarating yung mga turo niya sa Pilipinas before the Spanish colonization..??
mga Kastila ang nagpalaganap ng Kristiyanismo at Katolisismo noon dito sa bansa, na naging basis ng Iglesia - hindi ba yun yung mas tama at mas chronological..?
sasabihin nila na nag-meditate lang yung founder nila at nag-decide na bumuo ng sarili niyang sekta noong early 19-something - tapos sasabihin nila na isinakatuparan nila ang propesiya para sa pagkabuo sa isang orihinal na relihiyon..?
hindi ba product of imagination and rationality na lang yun..??
at ayokong nakakarinig ng mga ganung pagbibida..
yun ngang pag-absorb sa mga aral ng Kristiyanismo eh pahirapan na - yun pa kayang paniniwala sa isang 100 plus years lamang na sekta..
i just think na hindi sila patas..
at in some aspects of socializing, eh may pagka-parang racist sila sa mga hindi nila kauri...


si Anne..?
well, si Anne ay isa ko ring ka-subdivision..
nakatira siya malapit lang sa amin, pero nasa looban pa nang konti yung lugar nila..
i have known her during the time na yung [Babaeng Peke Ang Kilay] pa ang love interest ko..
i met her one day nang bumili siya sa bahay namin..
gabi na noon..
pero maputi siya at may ka-cute-an na taglay, kaya litaw rin yung itsura niya..
first thing i noticed about her is that may hawig siya kay Bela Padilla..
at lately, parang nakakahawig na rin niya yung Russian pornstar na si Marina Visconti sa ibang anggulo niya.. :)
after that night eh naging madalas na rin nga yung pagbili niya sa amin..
mas vocal siya sa pakikipag-usap sa akin noong time na hindi pa kami magkakilala nang pormal..
sa itsura lang kami magkakilala dati, at mas madalas niya akong kausapin noon, minsan nga eh bigla na lang niya akong kinakausap nang hindi ko inaasahan..
she's pretty, slim, & another noticeable thing about her is ang sexy ng hips niya kapag naglalakad siya (especially kung nasa rearview ka - that sexy back)..
pero kahit na ganun, hindi ko na siya kinilala pa kasi nga okupado pa yung atensyon ko noon nung batang Iglesia..
hanggang sa na-basted nga rin ako doon sa sinungaling na babae na yun..
sometime in September 2014, nagkaroon ako ng problema and i was forced to move out sa bahay namin..
that thing triggered my desire to know Anne..
naisip ko na sayang naman na hindi ko man lamang siya nakilala bago ako umalis sa subdivision..
but then, nagkaroon ulit ako ng pagkakataon..
by September 17, 2014, i finally introduced myself to her (formally), while letting her know about my intention na makilala sana siya..
pero siyempre, i had to ask kung meron ba akong masasagasaan o matatapakan (na ibang lalaki) while doing so..
i asked her kung meron na ba siyang boyfriend..?
she said 'YES', and there goes Failure #7 for me..
no hard feelings..
she's cute, so i guess that was to be expected..
ang nakakatawa lang is that, natanong niya ako noon kung anak ko ba daw yung baby na kasama ko..
at buong akala ko pa naman eh alam na niyang biological nephew ko lang yun... XD

kung meron man akong regret about Anne..
yun eh dahil mukhang naitulak ko siya papalayo after kong maparating sa kanya na interesado ako sa kanya noon..
after that incident, parang naging ilag na siya sa akin at hindi ko na siya madalas na nagiging kliyente..
pero minsan, pinipilit ko ang sarili ko na batiin siya sa tuwing nagkakasalubong kami sa daan..
at binabati rin naman niya ako kahit na papaano... :)


and the last girl on my list was [Semi-Busty Client]..
she was a client sa cellphone loading raket ko..
and yes, lahat nga nung huling tatlong babae na nagustuhan ko sa Arc na ito ng buhay ko ay puros mga ka-subdivision ko..
(how i hate short-range infatuations).. XD
nakilala ko siya after kong makabalik mula sa bakasyon galing sa isang sikat na tourist destination dito sa Pilipinas..
i mean nakilala ko lang siya sa itsura, kasi hindi naman ako yung tipo ng lalaki na nakikipagkilala sa mga kliyente ko, pakiramdam ko kasi eh nakakatakot at parating may malisya yung dating ng approach ko para sa mga babae..
first time ko siyang makita noon..
she's petite, maganda, maputi, at sexy manamit (maiiksi, kahit na tag-lamig na noon XD )..
first thing i noticed about her was her boobs..
(i admit, pangarap at preference ko talaga para sa babaeng gusto kong makasama habambuhay yung may tamang laki ng dibdib - enough to do something fun :D )..
well, wala naman akong sapat na reference to say that those are big enough, but they do look big..
hence my codename for her - [Semi-Busty Client].. :D
pero mabilis lang yung itinakbo ng istorya ko about her..
sometime soon, bumalik siya sa bahay na may kasamang lalaki (at nakaramdam na kaagad ako na baka may something between them - na hindi lang basta relatives)..
hanggang sa naging kliyente ko na rin sa load yung boyfriend niya (kasi sobrang mura daw ng benta ko)..
i didn't mean to ask him, pero yung lalaki na rin nga yung nag-verify sa akin ng mga bagay-bagay about the two of them..
one time nagpa-load siya sa akin, i asked him kung dala ba niya yung cellphone para ma-verify namin kung pumasok na yung load..
then he said na 'hindi', kasi nagpa-load lang daw sa kanya yung girlfriend niya..
damn! you're the man!
ang swerte mo pre (yun na sana yung mga sasabihin ko sa kanya eh)..
after that, ilang beses ko pa rin namang naging kliyente si [Semi-Busty Client], hanggang sa isinara ko na yung loading raket ko na yun dahil sa mga pasaway na kliyente..
paminsan-minsan, nakikita ko pa rin naman siya, minsan kasama nung boyfriend niya (mga call center agent siguro sila kaya bihira lang maglalabas sa umaga)..
at doon na muna natapos yung Losing Streak ko, 8 girls in total - basted sa lahat... :(

ang regret ko pagdating kay [Semi-Busty Client] is that - ni hindi ko man lamang nalaman kung ano yung pangalan niya..
mas may ideya pa ako kung anong apelyido nung boyfriend niya dahil sa jersey nito eh... XD


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento