Mga Pahina

Linggo, Oktubre 20, 2013

Basa-basa rin po tayo 'pag may Time!

today..
October 21, 2013..
nagulat na lang ako nang mapansin ko na may nag-UNLIKE sa post ko sa Youtube, yung mensahe ko para sa LBC para sana magising sila sa mga pagkakamali nila..
heto yung video message ko na yun:




noong una..
eh na-curious ako kung bakit ganun na lang yun pagka-UNLIKE niya sa post ko..
naisip kong tingnan kung may iniwan ba siyang comment, na kesyo baka naman may punto yung tao na yun sa hindi niya pagsang-ayon sa mensahe ko..
pero nasira lang ang araw ko noong mabasa ko na yung comment niya:

at heto nga sa itaas yung screenshot noong comment niya at ng reply ko rin sa kanya..
hindi na ako nag-abala na i-censor pa yung username at ID picture niya dahil malamang makita rin naman yun ng mga readers kapag binisita nila yung link sa video ko (unless na itong user na mismo ang magbura nang i-p-in-ost niyang NON-SENSE)...

nakakaasar!
at nakakainit ng ulo!
bakit..?
dahil basta-basta siya nag-post ng komento niya nang hindi man lang niya naiintindihan yung buong istorya..
at ako pa yung gusto niyang palabasin na MALI at MAINIPIN ha..!?
mga ETA o Estimated Time of Arrival pang nalalaman, eh mahigit isang taon na ngang nawawala yung collectors' item ko! >,<
bukod pa dun yung ginawa niyang pag-unlike sa video message ko (oo, i assume na siya yung nag-UNLIKE base na rin sa pahayag niya na "di ko ma i-like ito")..
ewan ko kung may kinalaman ang taong are sa LBC ha, pero malinaw na nagbibigay siya ng komento sa maling lugar at pagkakataon...

again, this is not just about a lost package:
- tungkol 'to sa kung paano nangyari yung pagkawala nung item ko
- tungkol 'to sa mga nasayang na pera (kasama na ang mga ibinayad sa mga long distance call para lang makausap ang kompanya nila), nasayang na item, oras, at effort
- tungkol sa maling paraan ng pag-handle ng LBC ng error
- tungkol sa tracking system nila na pumalpak ma-pinpoint kung nasaan ang isang package (sabi ng sistema nila eh nasa poder nila, pero kini-claim nila na ibinalik na nila sa kung saan, pero ang totoo eh hindi na nila mahanap)
- tungkol 'to sa mahinang customer support, kung bakit nila ako i-b-in-lock sa Facebook page nila eh yun pa naman yung madaling paraan para makausap sila (alam kong mali na nagmumura na ako noon, pero obligasyon pa rin nila na tulungan ako sa naging problema ko, di ba..?)
- tungkol 'to sa kawalan nila ng sense of responsibility, kung bakit nagtuturuan na sila ng mga panahon na yun kung sino ang nagkamali sa hanay nila, at kung bakit hindi sila sumisipot sa mediation meeting na ipinatawag ng Philippine Shippers' Bureau
- tungkol 'to sa kawalan ng hustisya, kung bakit parang walang naparusahan o nasibak sa serbisyo dahil sa incompetence
- at sa bandang huli, tungkol 'to sa pagkilala sana nila sa mga pagkakamali nila bilang isang kompanya na nagpo-provide ng service sa taumbayan, at sa pag-iisip ng mga paraan kung paano sana nila maitatama o mas mapapabuti ang kanilang serbisyo


bilang mensahe para sa lahat (in general 'to ha)..
mag-ingat po sana tayo sa pag-iiwan ng comment(s) o sa pag-LIKE o UNLIKE ng mga article o post na nababasa natin sa internet..
minsan kasi baka hindi na natin nare-realize na nasisira natin yung sense o meaning ng isang post dahil lang sa MALING PAGKAINTINDI natin dito..
gaya nga po ng sabi sa title nitong blog entry ko na 'to..
eh BASA-BASA rin po tayo 'pag may TIME... T,T

Huwebes, Oktubre 10, 2013

PDAF over DAP..?

amp!
mga anak naman ng..
sino ba talaga ang panggulo..?
ang buong sambayanan ba..?
o ang media lamang..?

bakit ba naman kasi kailangan na kaagad na husgahan ang DAP o ang kini-claim ng MalacaƱang na Disbursement Acceleration Program..?
siguro nga may posibilidad na unconstitutional yun..?
pero ang tanong eh may mga nakalap na bang konkretong mga ebidensya na makapagsasabing sa maling paraan nga nagamit yung pondo..?
wala pa naman pating sinasabi na sa bulsa na lang talaga ito ng mga mambabatas dumiretso ng buong-buo eh..?
siguro nga hindi kaagad i-d-in-isclose ng MalacaƱang ang tawag o term para dun sa pondo na yun sa kung sino mang mga nabigyan nito..?
siguro nga na mga bumoto lang laban kay Corona ang pinondohan ng ganito..?
pero whether or not ginamit nga itong pambili ng mga boto ng Senador noong nakaraang impeachment eh kinakailangan pa ng matibay na ebidensya...

hindi pa ba sapat na ipahinto lang muna ang paglalabas muli ng ganitong klase ng pondo..
mangalap lang muna sila ng mga ebidensya kung sino nga ba ang nagkamali sa pagpapatupad nito..
at alamin kung sa tamang paraan ba ito nagamit o baka naman natulad rin lang nga ito sa naging pag-abuso ng maraming mambabatas sa tinatawag at sikat na sikat ngayon na PDAF o Priority Development Assistance Fund...

kundangan namang pinagulo lang ni Senator Jinggoy ang sitwasyon eh..
although, tama na rin nga naman na isiniwalat na niya ang tungkol dun habang maaga pa..
ang pagkakamali lang niya kasi eh, dahil sa ginawa niya ay posible niyang masira ang buong sistema ng gobyerno..
bakit..?
dahil kung mapapatunayan na ginamit yung DAP na pambili ng boto ng mga Senador noong nakaraang impeachment - eh mangangahulugan yun na wala nang mapagkakatiwalaan pa sa kanila, na lahat ng nabayaran noon ay mga tiwali, at na wala sa kanila na mga binoto ng taumbayan ang nararapat na maupo sa kanilang mga posisyon sa pamahalaan..
bakit, kung hindi ba sila nabayaran eh ano..? - pawawalan nila ng sala si Corona kahit na may konkreto ng ebidensya ng medyo malaking halaga na hindi niya na-declare nang wasto sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) niya..
ibig bang sabihin na hindi sila magbibigay ng hustisya para sa bayan kung walang kapalit na pera...?

are namang si Corona..
eh isa pang medyo mahinang mag-analyze..
ano bang akala niya, na nakabuti sa kanya yung isiniwalat ni Senator Jinggoy..?
ebidensya na mismo, at siya na mismo ang umamin na may hindi siya na-declare nang ayos sa SALN niya noong nakaraang impeachment..
kaya tapos na ang usapan tungkol sa kanya - guilty siya kaya nararapat lang siyang maalis sa dati niyang katungkulan bilang Chief Justice..
ang panibagong katanungan lang naman na nabuo ni Senator Jinggoy eh "totoo bang nababayaran nga ang mga Senador o hindi?"...

anyway..
sa ngayon eh wala pa nga namang mga solid na ebidensya..
parang kasing hindi nakakatulong na maya't mayang nababanggit sa mga balita yung mga haka-haka pa lamang patungkol sa kung paano at saan napunta yung DAP eh..
kasi parang napo-provoke lang lalo ang mga tao...

ang sa akin lang naman eh..
yung PDAF ang meron ng mga ebidenysa..
yun yung talagang criminal case na eh (di gaya ng DAP na pinagdedebatihan pa lamang kung unconstitutional nga ba o hindi)..
may mga itinuturo na rin namang mga suspect dun..
eh sana naman eh tapusin na muna yun..
baka kasi magaya lang yung kaso ng PDAF sa iba pang mga kaso noon na natatabunan lang dahil sa mabilis na pagdaloy ng mga balita eh...

ang gulo na ng bansa..
mukhang lahat ng government officials at maging mga government employees eh kailangan nang lahat na pagsisibakin sa mga puwesto nila..
eh sa wala nang mapagkatiwalaan eh...

Biyernes, Agosto 30, 2013

10 Years Para sa Katarungan!!?

mga 10 years..?
ibig sabihin nagbibiruan na naman pala ang mga tao ngayon..?

nawawalan na talaga ng silbi ang justice system lately..
andyan na nga yung mga namamanipulang ebidensya o testigo..
andyan na nga yung mga nababayarang awtoridad..
tapos sobrang tagal pa pala bago matapos ang kaso...

sa bagay..
ang justice system naman ay hindi maituturing na perpektong hustisya..
mas magandang isipin na patalinuhan lang 'to ng mga abugado at pagandahan ng mga diskarte sa korte..
dahil kung totoo ang katarungan..
edi sana matunugan pa lang ng mga abugado na guilty talaga ang kliyente nila, edi sana sila na mismo ang nagsusuko nung kasong inilalaban nila...

siguro yung corporate law pwede pang idaan sa sistema ng mga tao..
tutal pera-perahan at negosyo lang naman yung usapan dun..
pero kung criminal law na..
parang mali na ipagkatiwala yung pagdedesisyon sa mga tao..
kasi wala naman sila dun sa mismong mga kaganapan ng korupsyon man o krimen..
kahit na sabihing mga propesyunal pa sila..
eh hindi naman napag-aaralan na makita ang katotohanan eh..
lalo na nga ngayong uso na ang edited na mga ebidensya at testigo, ang pananakot pati na rin ang panunuhol...

kahit nga yung Precogs sa Minority Report na movie eh may butas rin pala eh...

maganda siguro kung may paraan para makita talaga ang isipan ng mga tao..
yung parang nanonood ka ng recorded na video..
para mas wasto ang pagdedesisyon tungkol sa katarungan...

na-curious tuloy ako..
hindi ba mabisa daw na pampaamin ang alak..
dahil mas nasasabi daw ng mga tao ang nasa sa loob niya kapag lasing na siya..?
hindi ba pwedeng lasingin na lang ang mga suspek sa iba't ibang mga kaso..
tapos eh saka sila i-interrogate..
o di kaya eh turukan ng drugs..?
tas saka sila i-interrogate...

Lunes, Agosto 26, 2013

Shakey's V-League - Season 10 (Open Conference)

at umeere na nga pala yung mga bagong laban ngayon sa GMA News TV sa Channel 11 (local channel)..
pero ang totoo ni isang match eh wala pa akong napanood...

maganda ang ginawa nila ngayong Open Conference..
parang sa football, meron na ring team na nakapangalan sa mga kompanya..
at good work yun..
kasi yung mga players na wala na sa collegiate lineup eh pwede nang kunin nung mga bagong team..
lalo na yung mga magagaling na players...

i honestly thought na imposible na ulit na makita sa loob ng court si Fille Cainglet after gr-um-aduate ng Fab Five ng Ateneo Lady Eagles..
mahusay siya..
kaso hindi naman pang-ace player yung dating niya..
mabuti na lang at pwede ang mga recruit sa Open Conference..
at ngayon nga eh may mga bago na ring team na kalahok..
kaya naman mas marami ng available na seats para sa mga nabakanteng players...

hindi pa nga ako nakakapanood ng kahit na isang match..
kahit na update sa standings eh wala akong alam..
pero balita ko kalaban ngayon ni Cainglet (ng Meralco yata) ang mga dati niyang teammates at maging ang dati niyang coach..
nasa Smart (Smart-Maynilad yata) sina Ferrer at Valdez, though hindi pa yata talaga nakakalaro si Bagyong Baldo (Valdez), at si Gorayeb ang coach ng team nila...

nakakapanghinayang kasi walang Lady Eagles..
ibig sabihin eh wala ring Mae Tajima na pwedeng mapanood..
(sayang naman)...

sina Daquis at ang Carolino Sisters ay sa Philippine Army pa din..
parang hindi pa naman nakakalaro si Daquis, pero kasali siya sa lineup..
mukhang malakas ang Smart kahit na kaunti lang ang players sa team nila..
pero siguro sa Philippine Army na lang muna ulit ang suporta ko ngayon...

hindi ko sigurado..
pero parang wala rin si Bualee ngayong Conference na 'to...

Linggo, Agosto 25, 2013

Buwagin ang Pork Barrel..?

silly creatures..
iniisip ba talaga nilang mabubuwag nila yung konsepto nung pork barrel..?

kapag pumasok na sa gobyerno yung pera mula sa buwis..
natural kailangan ng paraan para ilabas ulit yun para magamit at mapakinabangan naman..
pero kahit sa paano pang paraan..
kahit na ano pang itawag o ipangalan dun sa pork barrel na yun o sa buong national budget man..
tao at tao pa rin ang maghahawak nun..
at natural na sa karamihan ng mga tao ang matukso..
ang bumigay sa greed..
ang corruption eh nag-uugat mismo sa mga tao..
kaya halos imposible na yung mawala...

isa lang naman talaga yung solusyon eh..
katapatan sa tungkulin..
pero yun na rin yata yung pinakamahirap na gawin - ang reporma sa pag-uugali...

o siguro dapat maging mas mahigpit na ang lahat sa pagbabantay ng pera ng bayan..
tama na yung pagpapakabait..
kailangan nang maging praktikal lalo na sa panahon ngayon..
kapag may napatunayang bumaboy sa salapi ng taong-bayan..
edi tapusin..
patayin kaagad (public execution) nang magsilbing halimbawa sa iba pang opisyales o empleyado na gustong tumulad sa masamang gawain nila..
o kung walang makasikmura na pumatay ng ibang tao para sa katarungan..
edi ipatapon na lang sila at alipinin habambuhay..
gawing agricultural workers kasama ng iba pang mga kriminal dyan (menor de edad man o nasa wastong mga gulang na)..
at nang makabangon naman ang agricultural industry ng bansa...

eh kung subukan kayang ibigay sa mga militante at repormistang mga grupo yang mga posisyon sa pamahalaan na yan..?
nang ma-testing lang kung may mababago ba..?

pero kung ayaw na talaga nila..
edi buwagin na lang ang gobyerno..
buwagin na ang sistema ng tax..
tas kanya-kanya na lang ang mga mamamayan sa pagprotekta at pagsisilbi sa mga sarili nila...

Lunes, Hulyo 22, 2013

Stupid Balikbayan Caller & The Same Mobile Number (??)

kahapon may anonymous number na tumawag sa cellphone number ko..
sa itsura nung numero eh mukhang landline yung gamit at mula sa kung saan..
(085) 300-**** eh, pero siyempre naka-register yun sa cellphone na dikit-dikit lang yung pagkasulat sa mga numbers na nabanggit...

akala ko naman eh kung ano lang..
pero yun ang naging pinaka-nakakabuwiset na tawag na natanggap ko sa buong buhay ko...

tila matandang lalaki yung kausap ko sa kabilang linya, base sa dating ng boses niya..
may hinanap kaagad siya sa akin na kung sino (lalaki yata) pagka-'hello' ko..
eh wala namang ganung tao dito sa bahay, kaya natural sinabi ko na wala ngang 'ganun' na nakatira sa amin at baka naman nagkamali lang siya ng number na na-dial..
pero iginiit niya na siya ang tama..
sa katunayan eh idinikta pa nga niya sa akin yung number na tinatawagan na niya, at yun na yun nga mismo ang numero ko..
ang ipinagtataka ko eh kung bakit niya kini-claim na tama yung number na tinatawagan niya..?

at sa puntong yun..
eh lumabas na yung kabobohan at pagiging assuming nung mama..
ang tanong ba naman kaagad sa akin eh - "paanong wala dyan si ****, tama naman ang number na tinawagan ko, paano mo nakuha ang number niya?"..
siyempre dahil medyo tunog matanda na yung kausap ko, eh mas pinili kong maging mahinahon sa pakikipag-usap sa kanya..
sinabi ko na hindi ko rin alam, na baka nagkamali nga lang siya ng pag-dial..
tinanong niya ako kung gaano na katagal sa akin yung number ko..?
ang sabi ko eh mga dalawang taon na, dahil yun yung time na nagpalit ako ng cellphone..
(pero ang totoo eh nagkamali pala ako ng sagot, dahil gamit ko na nga pala yung number ko matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)
tapos eh bigla ga naman siyang nakadali na, "oo nga, 2 years ago (na parang nakisang-ayon lang siya sa akin) natawagan ko ang kaibigan ko sa number na yan, kaya paano yang napunta sa'yo..?"..
sinubukan ko pa ring magpaliwanag na hindi ko rin alam kung paanong nangyari yun..
pero sa halip na makinig, eh nagmagaling pa talaga siya sa akin..
paano daw napunta sa akin ang number ng kakilala niya..?
baka daw nawala yun, tas ako ang nakakuha..?
o baka naman daw nawala yun, tas ako ang nakabili..?
tinamaan na talaga ako ng buwiset dun sa matanda sa oras na yun..
ni hindi niya ako kilala..
tapos mag-a-assume siya kaagad na magnanakaw ako ng cellphone, o manlilimot ng nawalang cellphone, o bumibili ng nakaw na cellphone..?
anak ng pota naman o'...

pero kahit na na-badtrip na ako eh sinubukan ko pa ring magpaliwanag pa rin..
sinabi ko na imposibleng mangyari yun dahil sim card mismo ang binili ko dati (yun nga eh matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)..
ano ako tanga, para bumili ng sim card na gamit na at tanggal na dun ca card..?
nakalimutan ko pa ngang sabihin na baka gusto niyang ipakita ko pa sa kanya yung kahon ng cellphone ko at yung lalagyan nung sim card ko eh..
balikbayan daw siya..
at doon sa number na katulad ng sa akin niya na-contact dati yung kaibigan niya, 2 years ago..
tumawag daw siya para ipaalam sa kaibigan niya na nakabalik na siya ng bansa..
at ibinida pa niya na nakatingin siya sa Facebook noong mga oras na yun, at muling idinikta sa akin yung number na tinatawagan niya base sa pagkabasa niya..
ang huli kong nasabi sa kanya eh hindi ko rin talaga alam kung paanong nangyari yun, na baka nagkamali lang yung kaibigan niya o siya ng pagsulat dun sa number..
matapos yun eh parang napagod na rin siya sa pakikipagtalo, at di bale na lang daw, sabay baba ng telepono...
nakakaasar kasi parang siya yung nanalo sa usapan namin..
na parang kumbinsido talaga siya sa sarili niya na gumawa ako ng masama para lang makuha ko areng number ko at cellphone ko...

pero ang mas ipinagtataka ko eh..
posible kayang totoo yung sinasabi nung bastos na matanda na kaparehas ng cellphone number ko yung cellphone number nung kakilala niya..?
dahil kung sakaling totoo yun eh delikado yun para sa akin..
unang-una na dahil may kadikit na iba't iba at mga mahahalagang account ang mobile number ko..
at isa pa, ginagamit ko rin 'to sa maraming business transactions...

ang isa ko pang naiisip eh..
posible kayang panibagong scam lang yun para sa mga cellphone users..?
baka kako katulad lang nung mga anonymous texters na nagkukunwaring may gustong ipadala sa kung sino man ang ma-target nila..
at kung 'oo', eh sa paanong paraan kaya naman yun magagamit sa scam nung mga pesteng caller na yun..?

Martes, Hulyo 16, 2013

Budgies Update: June 29, 2013 - Death of Blue

late post na...



June 29 nga, 2013, 10 days after kong madiskubre na parang may sakit si Blue..
eh are..
nagko-computer ako noon nang tawagin ako ng nakatatanda kong biological brother sa likod bahay namin..
may ipagbibilin lang sana siya sa akin eh..
nang bigla niya akong tanungin kung patay na ba daw yung ibon ko..
kinilabutan ako sa tanong niya..
at kaagad nga akong tumingin sa kulungan ni Blue..
nanlumo ako nang makita ko na nakalupagi na ang pinaka-guwapo kong ibon sa may lapag nung kulungan niya..
kaagad ko siyang nilapitan, at napansin ko na buhay pa pala siya - subalit naghihingalo na..
sinisipulan ko siya at talagang naiimulat pa niya yung mga mata niya para tumingin sa akin..
maging ang mga paa niya ay naisisipa pa naman niya...

nakakabigat ng pakiramdam na masaksihan mong unti-unting namamatay ang alaga mo..
nang dahil ano..?
nang dahil lang ayaw sa existence mo ng mga pesteng bathala..?
pakiramdam ko isa lang talaga akong guinea pig na testing-an ng mga pagdurusa sa buhay..
na kahit sa anong bagay, at kahit na ano pang gawin ko, na puros kamalasan at kabiguan lang ang matatamo ko...

sa takot ko na baka makahawa pa si Blue ay inalis ko na siya sa kulungan niya..
inilipat ko siya doon sa may mesa sa terrace namin..
buhay pa rin siya noong mga oras na yun..
nilagyan ko ng harang ang paligid niya upang hindi naman siya mapag-trip-an pa ng mga pusang gala sa lugar namin..
bumalik na ako sa pagko-computer ko na mabigat ang aking loob dahil tanggap ko na ang magiging kapalaran ng aking alaga..
at matapos akong mag-computer, eh patay na siya nang muli ko siyang silipin...

inilibing ko rin siya sa may likod bahay namin..
sa halos kaparehong lugar na pinaglibingan ko noon sa original niyang ka-partner na si White...

ewan ko ba..
yung mga ganitong sitwasyon eh pinaparamdam talaga sa akin ang kawalan ng pag-asa sa buhay..
si White ay halos dalawang taon lang ang inabot sa poder ko..
samantalang si Blue ay dalawang taon at halos anim na buwan lang ang inabot..
after almost 2 years, eh saka pa nagtagumpay yung dalawa sa pagkakaroon ng itlog..
pero hindi fit si White para mangitlog at dahil dun eh napahamak ang buhay niya..
dahil sa biglang pagkawala ni White eh nauwi lang yung kaisa-isa niyang naiwang itlog sa pagka-bugok..
at makalipas nga ang halos anim na buwan, kung kailan breeding season na ulit, eh bigla namang nagkasakit at eventually eh namatay nga itong si Blue..
puros kabiguan na lang...

sa ngayon, may tatlo na lang budgies na naiiwan sa poder ko..
at sa totoo lang, eh natatakot na rin ako para sa kaligtasan nila..
bayolente ang mga bathala sa mga nilalang na ayaw nila, yun ang tingin ko sa mga pangyayari sa buhay ko..
at siyempre, natatakot ako na baka maging sila eh idamay pa ng mga lintik sa kamalasang ipinaparanas nila sa akin...

Lunes, Hulyo 01, 2013

Hindi ko Maisip kung saang Category siya Nararapat

naalala ko lang..
last June 28..
noong papauwi na ako sakay ng jeep...

may nakasabay akong isang mabokang mukhang mas bata pa kesa sa akin na lalaki..
ka-tipo niya yung batang Aeta (yata yun) na sumali dati sa Talentadong Pinoy at PGT..
nakaupo sila nung kausap niyang babae sa dulo ng jeep, sa may bungad..
ako naman ay nagdi-diretso sa kabilang dulo, malapit sa driver..
dahil nakasanayan ko nang sa ganung banda umupo para hindi ako nakakaistorbo ng ibang pasahero kapag magbabayad na ako...

noong nakaupo na ako..
biglang lumapit yung bata at nakisabay sa pagbabayad ko..
tas biglang nagtanong sa akin..
"sa call center po ba kayo nagta-trabaho?"..
ang sagot ko naman eh "hindi" (bale sa buong buhay ko, pa-tatlong beses na yun na may nagtanong sa akin kung sa call center ba ako nagta-trabaho, siguro dahil sa buhok ko)..
mukha ba talaga akong taga-call center..?
anyway..
itinuloy niya yung interview niya..
"saan po ba kayo nagta-trabaho? para po kasing pamilyar kayo sa akin?"..
napaisip tuloy ako, are ga kaya'y modus? eh ano naman kayang klase ng gimik are..?
sinagot ko tuloy siya "ah.. hindi kasi nagta-trabaho"..
"hindi po kayo nagta-trabaho..!?" ang parang nagulat niyang reaksyon..
tapos nagdagdag na naman siya ng tanong, "eh bakit po ayaw nyong magtrabaho kuya?"..
(in fairness, marunong naman siyang gumalang at hindi niya ako napagkamalang babae pati..)
dineretsa ko tuloy ang makulit na bata ng sagot na "ayoko eh"..
nagtanong pa rin siya, "hindi nyo lang siguro tipo yung ganun.. eh business po, baka naman may business po kayo..?"
talagang napapaisip na ako noon, ano ba talaga ang gustong palabasin ng feeling close na batang 'to..?
sinagot ko pa rin siya, "ah.. parang ganun na nga..."..
tas talagang c-in-areer na niya yung interview niya sa akin, "ano pong business?"..
naisip ko tuloy na sumusobra na siya para alamin pa yung nature nung business na hawak ko..
sabi ko tuloy eh "hindi ko pwedeng sabihin eh"..
tas siya naman eh, "ah, ganun po ba, curious lang po ako, eh kasi ayoko rin naman pong maging habambuhay na lang na ***** (hindi ko masyadong na-gets yung word), kaya baka naman po may maibibigay kayo sa aking mga tip o advice..?"..
sabi ko tuloy eh "naku, hindi naman ako magaling sa mga ganyan"..
tapos talagang parang pursigidong-pursigido siya, "ganto na lang po, may number po ba kayo, baka naman po may number kayo na pwede kong i-text??"..
tas sabi ko na lang eh, "naku, hindi na"...

mga ilang saglit rin siyang nanahimik..
eh parami na nang parami yung sakay nung punuang jeep na nasakyan ko..
tapos hindi pa rin siya umaalis dun sa upuan sa tapat ko..
maya-maya eh humirit na siya ng last offer niya..
"ah ganito na lang kuya, iiwanan ko na lang sa inyo yung number ko, tapos kung sakaling may time kayo, i-text nyo na lang ako.."..
aba't anak are ng puta, uutusan pa ako!?
eh sarili ko ngang buhay eh sira-sira na, tas hihingan pa niya ako ng payo..
basta sabi ko na lang eh, "naku, hindi na, hindi talaga ako magaling sa mga ganyang bagay.."..
matapos nung sagot kong yun eh nagpaalam na rin siya sa wakas at bumalik na dun sa katabi niyang babae...

minsan nakaka-buwiset din yung mga ganung klase ng tao..
basta-basta ka na lang kakausapin..
at tungkol pa sa mga bagay na wala ka rin namang alam...

ang lesson nung story..
hindi lahat ng lalaking naka-formal attire eh successful na professional..
kung successful ako, edi hindi na sana niya ako nakasabay pa sa jeep lalo't medyo nakabihis ako noon..
at ang isa pang lesson eh..
huwag basta-basta magtitiwala sa mga taong nagke-claim na kakilala ka nila o na pamilyar ka sa kanila...

Miyerkules, Hunyo 26, 2013

Budgies Update: June 27, 2013 - Blue Quarantine

konting update lang ulit tungkol sa mga pet budgie ko:



last June 19 (more than a month after niyang magka-deperensya sa mata) eh napansin kong parati lang natutulog itong si Blue at walang kibo..
bukod dun eh parang nanginginig din siya sa may bandang mga pakpak..
tapos madalas ay nasa ilalim pa siya ng kulungan nila..
naalarma tuloy ako kasi breeding season pa naman..
at kapag nagkataon na may sakit siya eh baka mahawa pa niya yung partner niya dapat na ibon...

kaya ang ginawa ko ay nag-decide na muna akong i-quarantine siya..
mahirap na desisyon yun para sa akin, dahil breeding season na nga at gusto ko naman siyempre na mapalaganap areng lahi niya na may magandang blue na kulay (since pumalya nga sila noon nung dati niyang partner na namatay na T,T)..
bale ibinukod ko na muna siya, at ikinulong dun sa maliit kong kulungan..
tapos ay yung si Yellow-Boy na muna ulit iyong ipinares ko kay Yellow-Girl..
kesa naman kasi palampasin ko areng breeding season, edi susugal na lang ako na makakagawa pa yung bagong pares ng paraan para magka-inakay sila...

si Blue naman ay pansamantala kong oobserbahan..
lately, eh mukhang medyo bumubuti na yung pakiramdam niya..
kumakain na ulit siya, at nagkikikilos na ulit, pero may mga pagkakataon pa rin na natutulog lang siya habang gising na gising pa rin ang mga kasamahan niya..
sana lang gumaling siya..
dahil kapag namatay rin siya nang hindi nakakapagpalahi eh hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko..
at siyempre mararamdaman ko na naman kung gaano ako talaga ka-MALAS sa buhay..
biruin nyo naman, yung iba eh pinababayaan lang yung mga pet budgie nila, tas mabilis lang silang dumadami, samantalang ako - eh parating nagkaka-depekto ang mga alaga ko...T,T

kapag gumaling na nang tuluyan si Blue..
eh kakailanganin pa niyang maghintay hanggang late 2013 bago makapag-breed..
hihintayin na lang namin na makalampas 1 year old na si Beige, para masabing handa na rin siyang magka-inakay..
tapos nun, eh sila na nga yung ipapares ko sa isa't isa, tutal eh parehas naman silang may base na color blue...

sana naman eh umayos pa ang lahat para sa mga alaga ko...

Miyerkules, Hunyo 12, 2013

#5 Mae Tajima doing the Gentleman Dance Move

haha!
are o'..
para naman medyo maiba yung mood naten..
puros kalungkutan na lang lately eh...

sina Daquis, Tajima, at Llaneta doing the Gentleman dance by PSY:


ang likot ni Daquis, haha!

at si #5 Mae Tajima ay sobrang HOT..
ang lambot pala ng katawan niya, sayaw ng maige eh..
tas nagbaba pa ng zipper ng jacket niya, pasaway na bata..
at ang pinakagusto ko sa kanya - eh kuhang-kuha niya yung tamang bounce nung ponytail, kagaya nung mga chicks na backup dancer ni PSY sa official music video niya..
sobrang SEXY nun... ♥_♥

medyo iba lang yung steps nila dun sa usual..
pero ang mahalaga gets nila yung key moves kahit na papaano.. haha!

si Daquis yata yung may ari ng video na 'to..
basta, thank you na lang sa lahat ng nag-contribute para maisakatuparan ang dance video na 'to..
credit goes to whoever deserves it...^_^

Linggo, Hunyo 02, 2013

Shakey's V-League: Season 10, 1st Conference (Finals Result)

Ateneo de Manila University Lady Eagles versus National University Lady Bulldogs para sa Championship...

i'm sad sa naging resulta ng labanang ito..
bakit..? :


- unang-una dahil banko na lang talaga si #5 Mae Tajima nitong Shakey's V-League Finals..
i really hope na ma-develop pa siya as a player..
kung magiging maliksi siya at mas malakas umatake at mas magaling mang-block tulad ng Santiago Sisters, eh malamang maging ultimate weapon na rin ng Ateneo ang dalagang are..
pang-Miss Universe na - pang-Volleyball League pa..
isali na nga are sa first six.. ♥ ^_^ ♥

- 2) because Ateneo lost to NU na first time lang na makapasok sa finals, anlupit mo talagang setter Rubio de Leon, isa kang ultimate weapon lalo na para sa lineup ng Lady Bulldogs na puros mga attacker maliban sa Libero..>,<

- 3) because Ateneo lost even though maganda naman yung ipinakita nilang laban sa Game 3..
Ateneo lost the first 2 sets (medyo close naman yung 1st set)..
pero mas lumakas sila at sobrang ganda ng ipinakita nilang laban simula noong 3rd set..
even the 4th set looked good for Ateneo naman, pero nakaka-disappoint yung last 3 service errors ng Lady Eagles noong malapit na sana sila sa Match Point..
wrong timing na wrong timing eh..>,<


- #15 Fille Cainglet was once again excellent with her defense, and pati sa offense kahit na nagtatangkarang NU na ang kalaban nila..
she was consistent from the start of Game 3..
but now, she has to retire na hindi man lamang nadala yung championship title, kahit man lang sana para sa Shakey's V-League..
hindi naman talaga ako fan ni Cainglet, pero gusto ko siya..
ewan ko ba kung bakit hindi ko siya maipasok sa listahan ng mga favorite players ko, siguro dahil may hubog yung katawan niya (seksi at pambabae kumbaga), eh mas nasanay na ako na athletic yung built ng mga naglalaro sa court..
isa kasi siya sa dun sa pleasant-looking, na kahit ilang oras nang naglalaro eh refreshing pa rin siyang tingnan..
i'm not so sure, pero sa tantsa ko, hindi naman siya yung tipo na mapipili na mag-Guest Player..
reliable player nga siya, pero base sa height at style ng attack niya - eh hindi siya mako-consider bilang isang weapon..
so i guess medyo malabong mapanood ko pa ulit siyang maglaro sa future..



- #13 Rachel Anne Daquis and #7 Jang Bualee contributed well as Guest Players, medyo na-late lang na mag-init si Daquis..
it was a dream for me na makita silang dalawa na magkasamang naglalaro para sa iisang team, at mag-end up na champions..
natupad nga yung pangarap ko na maging teammates sila, pero hindi naman nila nasungkit na magkasama ang top spot sa liga - kaya medyo nakakapanghinayang..

eto naman eh..
natuwa lang ako dun sa isang comment para sa picture na 'to..
nagawa pa daw kasing mag-Gwiyomi ni Daquis.. XD


- ang Bagyong Valdo, #2 Alyssa Valdez, was like Daquis na medyo late nang nag-init sa Game 3..
pero maganda yung naging contribution niya para sa paghahabol sa NU..
the good thing is hindi pa naman siya aalis sa Lady Eagles..
for sure isa na siya sa mga bagong magiging haligi ng team nila..
ano nga, Team Captain Valdez..?


- #10 Marge Tejada seems to be the one na nagpasimulang magpabaliktad dun sa takbo ng laro..
sayang at sa 3rd set pa siya nakapagsimula..
Ahomiro did well naman, pero mas lumakas ang depensa ng Ateneo with Tejada inside the court..
yung blocking at quick attacks niya eh nakatulong nang maige para makahabol sila sa NU..
sigurado ng magiging haligi rin siya ng bagong Lady Eagles..



- of course andyan din si #18 Denden Lazaro para sa coverage at back up, at si #12 Jem Ferrer para sa play at setting..


nakakapanghinayang lang talagang isipin na patapos na sana sila sa 4th set nung naglabasan yung mga service error nila..
maganda na yung naging laban eh..
pero kung talagang destined na matalo ang Ateneo dun, mas maganda siguro kung umabot sila sa 5th set, hindi yung natalo sila sa set na na-domina naman nila..
ayun...T,T


ang Shakey's V-League Dream Team ko..
kay Tajima, Daquis at Bualee pa lang eh panalo na eh..
they may not be the finest team na posibleng mabuo out of the league..
pero sila yung mga gusto ko talagang makitang magkaka-grupo..
kailan ko kaya ulit sila mapapanood na lumaban as a team..?



all featured photos in this particular blog entry are from the Shakey's V-League Official Facebook Page, so the credit goes to them..
here's a link if you'd like to check them out: https://www.facebook.com/shakeysvleague

Linggo, Mayo 19, 2013

Budgies Update: May 20, 2013 - Eye Problem

konting update lang tungkol sa mga pet budgie ko:



bale, hindi ko talaga sigurado kung kailan nagsimula yung problema..
alternate days kasi ang inspection ko sa mga alaga ko: Monday, Wednesday, Friday (kung kailan nagdadagdag lang ako ng patuka), at Saturday...

by May 18, napansin ko na parang may deperensya na nga si Blue sa kanang mata niya..
umaga noon..
tapos napansin ko na hindi niya talaga maimulat yun..
tas parang galaw nang galaw naman yung eyeball niya sa loob nung talukap niya..
may mga pagkakataon din na ikinukuskos niya yung panig na yun ng kanyang mukha sa kahit na ano..
natakot talaga ako noon na baka kung ano na naman ang mangyari sa mga alaga ko..
papalapit pa naman ang breeding season at gusto ko talagang makapagpalahi itong si Blue dahil siya ang may pinakamagandang breed sa kanilang apat..
kinabahan tuloy ako na baka malapit na rin ang oras niya...

luckily, by May 18 ng hapon..
eh napansin ko na naimumulat na ulit ni Blue ang kanyang kanang mata..
although may mga pagkakataon na ipinipikit pa rin niya ito nang matagal na para bang may iniinda pa rin siya na kung ano..
pero medyo na-relieve na ako dahil kahit papaano eh parang paayos na nga yung lagay niya...

the following days naman..
eh parang um-okay na nga ulit siya..
hindi na papikit-pikit pa at maingay na ulit...


in addition to that..
binigyan ko rin ang mga budgie ko kahapon ng watermelon treat..
masyado silang matatakutin sa tuwing may nakikita silang bagay na bago sa kanilang paningin sa loob ng kanilang kulungan..
pero as of this morning, eh napansin ko naman na tinitikman na ni Blue yung pakwan..
siya talaga yung pinakamaamo sa kanila, at open na mag-experiment ng mga bagong equipment o pagkain...

Biyernes, Mayo 03, 2013

K-ture: BIG (Final Review)

ang entry na ito ay related sa isa pang nakaraan na entry:
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2013/04/k-ture-big.html



bale hindi pa pala doon sa huli kong review nagtatapos yung pagiging komplikado ng istorya nitong 'Big'..
ang nangyari kasi eh, bukod sa pagiging magkaribal sa babae..
eh nagkataon din naman na magkapatid pala sina Darius Kang at Dr. Eugene So..
pareho lang naman sila ng mga magulang, pero kinailangan ng nakababatang si Darius Kang ng surrogate mother, at ginawa lang siya para mailigtas ang buhay ng kapatid niyang si Eugene..
in addition to that, nabanggit rin ng biological mother nila na dahil nga sa kondisyon niya nang pagbubuntis eh posibleng magkakambal pa nga talaga sina Darius Kang at Eugene So..
bale, test tube baby nga pala si Dr. Eugene, yun siguro yung dahilan kung bakit siya nagkasakit...

yung surrogate mother ni Darius Kang ay minahal talaga ang biological father niya..
at isa yun sa mga ikinasama ng loob ni Darius..
paano daw kasi nagawa ng biological father niya na pilitin ang babaeng alam niyang nagmamahal sa kanya na dalhin ang kanyang anak sa ibang babae..
at eventually lumabas naman yung katotohanan na minahal ng biological father ni Darius ang babaeng nagsilang sa kanya..
at na ang biological mother din ni Darius ang pumilit sa kinagisnan niyang ina na maging surrogate mother..
at napagkasunduan nga nila na iwan na lang sa pangangalaga nung surrogate mother yung bata, since yung umbilical cord lang naman nito yung kailangan nila para mailigtas si Eugene..
yun din siguro yung dahilan kung bakit noong una ay ayaw na ayaw ng biological mother ni Darius sa kanya - dahil inianak siya ng babaeng minahal din ng kanyang asawa...

bale yung milagro pala ng pagtatagpo ng magkapatid eh dulot na rin ng totoong pagkakaugnay nila sa buhay...

hindi masyadong naging epektib yung istorya..
unang dahilan eh dahil parang nagkatuluyan pa rin sina Teacher Diane at ang estudyante niya noon na si Darius..
habang nagkakagusto si Diane kay Darius ay ang anyo naman ng kasintahan niyang si Eugene yung nakikita niya, tas attitude lang bale yung nare-reflect ni Darius..
so paano yun..? nagkagusto siya sa ugali nung bata habang katawan ng totoo niyang kasintahan noon ang nakikita niya..?
parang nabalewala tuloy sa istorya na 'to lahat ng sakripisyo nina Dr. Eugene para kay Diane at nung kababatang babae ni Darius para kay Darius..
napatunayan pa man din nila na minahal nga ni Eugene si Teacher Diane, at na hindi naman talaga ito nagtaksil sa bidang babae..
tas ang layo pa nung age gap nung mga bida, na para tuloy ang hirap tanggapin nung istorya kahit na nangyayari naman talaga yun sa totoong buhay...

sa katapusan nga eh muling nagkita sina Darius at Diane..
hindi ko sigurado kung anong nangyari sa magkapatid, dahil hindi ko na napanood nang ayos..
basta kamukha na ni Darius si Eugene So (siguro nga eh dahil supposedly eh kambal naman talaga sila)..
tas isina-suggest na muling nagmahalan yung dalawa, kahit na nakalimutan pa ni Darius lahat ng mga nangyari sa pagitan niya at ng teacher niya noong mga panahon na nag-switch sila ng katawan ng kuya niya..
isa na namang patunay kung gaano kalakas yung tinatawag na 'love'...

Miyerkules, Abril 03, 2013

K-ture: BIG


BIG


interesante nga rin pala yung istorya nung Korean drama na BIG..
isang estudyanteng lalaki (si Darius) na may gusto sa teacher niya (si Teacher Diane)..
(akala ko kasi dati eh basta na lang nag-soul-switch yung plot, hindi ko naman inasahan na may gusto pala yung bida dun sa teacher niya)...

nabubuhay siya ngayon sa loob ng katawan ng taong nagligtas sa buhay niya (si Dr. Eugene So)..
sa loob ng katawan ng mismong karibal niya sa pag-ibig..
sa loob ng katawan ng lalaking minamahal o minahal noon ng babaeng gusto niya..

hindi lang ganun kasimple yung istorya..
dahil may record yung may ari nung katawan ng pambababae - ibig sabihin nag-cheat siya dun sa bidang babae..
malapit na sanang ikasal yung dalawa bago nangyari iyong aksidente at insidente ng soul-switching..
comatose ngayon yung katawan nung bidang lalaki, nagkapalit sila nung Doctor kaya siya ngayon yung gumagamit sa katawan nito na ilang taon ang tanda sa kanya, samantalang yung espiritu o kaisipan nung Doctor eh hindi pa sigurado kung nasaan sa ngayon..
at for some reason eh napipilitang magkalapit yung dalawang bida dahil sa mga kasalukuyang pangyayari..


nandun yung pakiramdam na sobrang napapalapit ka na sa taong mahal mo..
pero hindi mo na siya pwedeng mahalin..
dahil may nakaraan siya dun sa mismong may-ari ng katawan mo..
dahil parang in love pa rin siya sa may-ari ng katawan na gamit mo..
at kahit may ideya na kayo nung babae tungkol sa pagtataksil nung lalaki noon, eh may nakikita kang mga palatandaan sa paligid na parang nagsasabi na minahal pa rin naman niya yung babaeng gustung-gusto mo...

Biyernes, Marso 29, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Final Review




ayun nga..
bale originally may 20 episodes ang Rooftop Prince na tig-a-approximately 60 minutes..
pero sa airing nito sa local tv channel eh umabot ito hanggang sa episode 58..
naging alanganin pa dahil sa Holy Week ng mga Katoliko..
pero ang puna ko naman dun eh, iyong 20 episodes nga eh hinati-hati na nila para umiksi iyong oras, pero bakit naman na kailangan pa nila iyong i-edit nang sobra-sobra...T,T


una..
tungkol sa marahas na pagka-edit nung local television channel  dun sa tv series..
sa totoo lang hindi ko inakala na ganun ang ginawa nila para ma-chop-chop yun..
saka ko lang yun na-realize nung pinanood ko yung original cut ng Episode 20..
talaga palang ginugulan rin nila ng oras ang pag-e-edit dun..
nag-omit sila ng mga eksena sa pagitan at tuwing nagpapalit na ng camera view..
at ang masamang naging resulta nun ay may mga maliliit pero importanteng mga detalye ang natanggal nila
examples ng mga omitted scenes para sa Episode 20:

  • yung pagtawag nung mukhang kawal na tauhan ng 'Ama' sa ama nina Bu Yong na makapagsasabi sana na kapatid pala siya ng bidang babae
  • yung pagbibilin ng ama nina Bu Yong na ire-seal ng prinsesa iyong liham na pinadala niya dito at muling ipadala kay Bu Yong pabalik sa kanilang tahanan, na makapagpapaliwanag sana kung bakit na kay Bu Yong iyong mahalagang sulat kaya nalaman niya ang masamang plano ng kanyang angkan laban sa mahal na prinsipe
  • yung halos inubos pala ni Bu Yong iyong mga persimones na may lason (pero may 3 pang natira sa plato, pero masyadong gabi na kaya siguro hindi na rin kumain nun ang mahal na prinsipe)
  • yung hirap na hirap at pinilit ni Bu Yong na pumuta doon sa pavilion kahit na nalason na siya
  • yung pagsasabi ni Bu Yong kay Prinsesa Hwa Yong na plano niya talagang mahulog sa may latian upang akalain ng mga tao na nalunod lang siya
  • yung matapos ang paghuhukom at naglakad si Prinsipe Lee Gak sa may latian habang inaalala si Bu Yong at si Park Ha
  • yung pagpapakita na meron rin pala silang nadalang Park Ha candy matapos makakain ng omurice, at napagalitan ni Prinsipe Lee Gak si Yong Sul nang nguyain niya ito

ilan lang iyon sa mga halimbawa ng tila simple lang, pero mahahalagang mga detalye na makakapagpaliwanag sana nang mas maayos sa naging takbo noong istorya..
pati yung comics (manga) ni Lady Mimi pinagtatanggal din dun sa palabas..



kung mga nakakapanghinayang naman na bagay ang pag-uusapan, ay nandyan:

  • yung cute na relasyon nina Man Bo at Lady Mimi (siguro hindi na lang d-in-evelop pa yun nung writer dahil sa fact na magbabalik rin naman sina Man Bo sa Joseon sa bandang huli, yung ending para sa future ay naka-focus na lang kina Terrence at Park ha kaya hindi makakabuti kung bigla na lang nilang palalabasin na may reincarnation din si Man Bo para kay Lady Mimi, at tsaka kapag nagka-ganun eh lugi naman sina Yong Sul, Chi San at pati na rin si Becky kung wala silang lovelife sa dulo)
  • lugi si Prinsipe Lee Gak sa istorya na 'to, dahil patay na ang katauhan ni Park Ha sa panahon niya (pero malamang ginawa pa rin niya ang responsibilidad niya na magkaanak para sa trono), at yung paraan naman ng pagpapadala ng liham ay from past-to-future lang kaya kahit sulatan niya nang sulatan si Park Ha sa hinaharap ay wala namang paraan para masagot ng dalaga ang mga liham niya


para naman sa ending..
sobrang sakit nung paghihiwalay nung dalawa - ang magkasintahan na nagmula sa dalawang magkaibang panahon..
tama si Lee Gak nung inisip pa niya kung makakabuti nga ba para kay Park Ha kung magpapakasal sila o ano..
pero sa totoo lang eh mas lugi talaga ang lalaki..
dahil nga pagbalik niya sa Joseon ay wala na doon ang babaeng nararapat para sa kanya..
mabuti na lang at nandoon sina Man Bo, Chi San, at Yong Sul upang damayan ang kamahalan sa kanyang pangungulila..
mahirap pa rin kung iisipin, may mga alala ka ngang nadala, pero hanggang doon na lang yun dahil wala na nga yung taong minamahal mo..
si Park Ha naman ay kung tutuusin ay dapat na mas marami siyang nakaramay nung bandang huli..
dahil andun ang mga Mama niyang sina Susan at Helen..
si Sena nga ay nagawa nilang damayan kahit na salbahe ito, si Park Ha pa kaya ang kanilang pabayaan na sobrang deserving para sa kanilang pagmamahal..
bukod sa pamilya ay nandun din ang kanyang mga kaibigan na sina Becky at Lady Mimi, sa may ibaba lang ng Rooftop house (i assume na doon pa rin siya nakatira, dahil kahit naman noong mabuking na ang pagpapanggap ni Lee Gak ay hindi naman na binawi ng Lola Chairman iyong bahay)..
bale kumpara kay Prinsipe Lee Gak ay lamang si Park Ha ng isang makakaramay sa buhay, baka nga si Sena ay pwede ring makatulong sa kanyang nakababatang kapatid bagamat malamang na nakakulong siya noong mga panahon na iyon..
sa tingin ko hindi na lang ipinakita sa script na dinadamayan si Park Ha ng pamilya at ng mga kaibigan niya, para magmukhang mas mahirap iyong sitwasyon niya, para mas madaling makuha ang simpatiya ng mga manonood - para mas maramdaman iyong pangungulila ng dalawang nag-iibigan..
maganda naman iyong naging ending..
dahil sa bandang huli ay nagkita nga sina Terrence Yong at Park Ha..
palatandaan na pwede na nilang ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan nina Prinsipe Lee Gak at Bu Yong sa nakaraan..
usually, simple lang ang ending ng mga Korean drama (hal. ipapakitang masaya at buo ang pamilya, muling magkikita ang dalawang taong nagmamahalan kahit na ginawa na nila ang lahat para umiwas sa isa't isa - parang pagsubok kung itinadhana ba talaga sila, o di kaya naman ay maglalambingan lang)..
pero dahil fictional ang istorya ng Rooftop Prince, nagawa nila itong bigyan ng simple pero satisfying na wakas...

at ang naiwang tanong ay - magiging kaparehas ba ng pagmamahal ni Park Ha para kay Lee Gak ang magiging pagmamahal niya para kay Terrence Yong..
totoong magkamukha nga yung dalawang binata..
pero kagaya sa sitwasyon nina Park Ha at Bu Yong - meron silang mga katangian na may pagkakaiba..
kaya hindi rin pwedeng sabihin na parehong tao nga ang mga yun, kahit na reincarnation pa nila ang isa't isa..
pero may mga ipinakitang katangian si Terrence noong huli na katulad ng kay Lee Gak..
ang naiisip ko (since fictional naman yung istorya) ay nakatadhana talaga na magpalit ng katatayuan sina Prinsipe Lee Gak at Terrence Yong..
ang prinsipe ang pansamantalang gumanap sa katauhan ni Terrence upang madiskubre niya kung bakit sila napadpad sa panahon na iyon sa hinaharap, upang malaman ang misteryo sa pagkamatay ng mahal na prinsesa, at para na rin malutas ang misteryosong pagka-aksidente mismo ni Terrence..
at dahil iisang tao lang naman sila, siguro nag-synchronize ang naiisip nila..
malamang na habang comatose si Terrence for more than 2 years ay napanaginipan naman niya ang lahat ng mahahalagang bagay na pinagdaanan ng katauhan niya na mula pa sa Joseon, maging iyong mismong mga alaala nito habang kasama si Park Ha..
kaya parang nakuha na rin niya ang katauhan ni Lee Gak sa bandang huli...^_^

probably the second most romantic ending para sa isang South Korean script..
next sa movie na My Sassy Girl...

at ang talagang tanong na naiwan para sa akin na walang kasagutan ay..
paano ba naging Park Ha ang pangalan ni Park Inju..?
Park Ha na kasi ang tawag sa kanya mula pagkabata, noong bago pa man siya nawala at naaksidente..
tapos kahit na nagka-amnesia siya ay Park Ha pa rin naman yung ginamit niyang pangalan..
may koneksyon nga iyong 'Ha' sa 'Bu Yong'..
pero paano niya nakuha yung pangalan o palayaw na Park Ha..???

---o0o---


Most Memorable Lines:
wala pa rin talagang tatalo sa mga iyakin na chicks..♥.♥

"kahit na hindi ka naparito para sa akin.. hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo.. gusto kita.. mahal kita, Lee Gak..."
confession through SMS...


"pakiusap.. huwag mo na akong mahalin..."
ahahaha! basted, kawawa naman..XD
ang pinaka-pang-guwapong linya sa buong mundo...


"kahit ilan daang taon pa ang lumipas, hindi na magbabago ang pag-ibig ko para sa'yo..."
ang final scene (bale hindi pa talaga yan yun, dahil nag-zoom out pa)...



dahil sa tv lang ako nanood..
at dahil wala naman akong image capturing device..
eh kinopya ko lang sa ibang blogger yung halos lahat ng mga images na kasama sa ultimate post ko na 'to (maliban dun sa pinakauna na gino-Google ko na lang)..
bale lahat ng credit para sa mga larawan ay dapat na mapunta sa author na si javabeans ng http://www.dramabeans.com ..
hindi ko alam kung paano talaga magsasagawa ng search dun sa blog site nila..
pero basta dito nagsimula yung review nila tungkol sa Rooftop Prince (original 20 episodes) sa link na 'to: http://www.dramabeans.com/2012/03/rooftop-prince-episode-1/
minsan kasi hindi makita dun sa mga related posts sa ilalim yung ibang episode review, kaya ang ginagawa ko na lang ay mano-mano kong ina-adjust yung episode number at tsaka yung numerical value nung month (if necessary) dun sa mismong link para lang makita ko yung iba pang related na review...

---o0o---


Omitted Scenes:
mga eksena na inalis sa local airing ng Korean drama series na 'to..


akala ni ala-Terrence (Lee Gak) na masu-zoom niya iyong tv o monitor gaya ng touch screen na cellphone..
nasa early part pa to.. kabago-bago lang niyang nagpapanggap bilang si Terrence Yong...


binawian ni Park Ha si ala-Terrence habang nasa KTV bar..
sa Jinan 'to (sorry, hindi ko alam yung tamang romanization), basta after mag-dinner ni Team Leader ala-Terrence Yong kasama sina Park Ha at ng mga boss nito sa touring company...


ikalawang pagkikita nina Lee Gak at ng comatose na Terrence Yong, ipingako ng prinsipe sa totoong tagapagmana ng Kompanya na siya na muna ang papalit dito at mangangalaga sa mga bagay na nararapat na mapunta sa dito hanggang sa magkaroon na ulit ito ng malay..
pinakita ito sa preview sa commercial, pero hindi na isinama dun sa mismong episode..
nangyari 'to pagkatapos makuha ng grupo ni Lee Gak ang totoong Terrence mula sa pinsan nito sa labas at kontrabida na si Director Tommy Yong...


ang mekaniko na nakapagturo kina Lee Gak at Park Ha kung kaninong sasakyan ang naaksidente sa may malapit sa Mansyon o bahay ng Lola Chairman noong araw na maaksidente ang matanda..
ang totoo kasi ay nahirapan pa sila sa paghahanap dun sa mga na-involve na tao, pero sa airing nung episode na 'to ay yung ale na kamag-anak nung may-ari nung sasakyan na naaksidente kaagad ang napagtanungan ng mag-MU...


ginabi na si Lee Gak sa prisinto..
sabi sa ibang review ay nagmakaawa pa siya noon sa mga pulis na palabasin man lang siya kahit na kaunting oras..
ito ay matapos siyang ipadakip at i-frame-up ni Tommy dahil sa pagpapanggap bilang Terrence Yong at bilang suspek sa pagpatay sa Lola Chairman...


nalaman nina Chi San, Yong Sul, at Man Bo ang tungkol sa balak na night fishing nina Lee Gak at Park Ha (na ang totoo ay trap na s-in-et ng kontrabidang magkasintahan na sina Sena Hong at Tommy para sa impostor na si Lee Gak)...


nag-volunteer ang bodyguard na si Yong Sul na samahan ang prinsipe sa night fishing, na tinanggihan naman ng kamahalan...


isang flashback na naalala ni Lee Gak habang isinusugod si Park Ha sa ospital, isang eksena kung saan magkasama ang dalawa sa paborito nilang bench sa ilalim ng isang puno..
ito ay matapos na mabundol ni Tommy si Park Ha, matapos na iligtas ng babae ang prinsipe...


kinausap nina Man Bo at Yong Sul ang mahal na prinsipe tungkol kay Park Ha, nasabihan pa daw ni Yong Sul na parang hindi isang tunay na lalaki si Lee Gak dahil sa ginagawa nito kay Park Ha..
wala na nito sa future si Chi San, kaya nakakaramdam na ang tatlong binata na malapit na rin silang bumalik sa Joseon, at dahil din dun ay tinanggihan ng prinsipe ang kagustuhan ng dalaga na magpakasal sila..
sabi sa ibang review ay nagpaka-busy si Park Ha sa pagtatrabaho sa mga panahon na ito...


ang pagtatago ng kamahalan mula sa mga pulis sa Joseon..
isang eksena matapos nilang muling magkita ng kanyang eunuch na si Chi San, upang matakasan ang mga humahabol sa kanila ay naghiwalay din muna ulit ang dalawa..
ang totoo ay hindi naman talaga siya nakatago sa eksenang ito, swerte lang siya na hindi lumingon sa kanilang likuran iyong mga pulis (sa tingin ko ay isang pasadyang flaw dun sa script para lang sa katuwaan)...


ginamit ni Chi San yung ketchup na nadala niya sa Joseon upang magpanggap na patay na siya..
swerte siya dahil may nadala siyang burger at ketchup nang bigla siyang ma-transport pabalik sa nakaraan...


gumawa ng liham si Prinsipe Lee Gak para kay Park Ha..
tapos na nito ang paghuhukom nya sa mga kaaway..
nabasa niya iyong liham ng pagtatapat sa kanya ni Bu Yong kaya naman naalala niya si Park Ha...


---o0o---


Balik-Tanaw:
mga mahahalaga, mga paborito ko, at mga hindi ko basta-basta makalimutan na mga eksena mula sa RTP..


si Prinsipe Lee Gak at Prinsesa Hwa Yong, habang nasa likod nila si Bu Yong - ang karapat-dapat na itinakdang prinsesa at ang babaeng nakatadhana talaga para sa kamahalan..


ang unang pagkikita nina Terrence Yong at Park Ha sa New York nang dahil sa magical na paru-paro na si Bu Yong mismo ang nagburda..
si Terrence lang talaga yung nakakita kay Park Ha kung kaya nga nagawa pa niyang i-sketch ang babaeng nagustuhan na niya mula pa lang noon, samantalang hindi man lang siya naitsurahan ng dalaga sa mga sumunod na pangyayari..


ang unang pagtatagpo ng Joseon 4 at ni Park Ha sa paupahang Rooftop house..
ang loko ni Yong Sul dahil talagang papatulan niya ang dalaga gamit ang kanyang espada..


ang unang drinking session nina Park Ha at Lee Gak..
ewan, pero parang isang beses lang talagang nagamit ni Park Ha itong pink na hoody niya, bagay pa naman sa kanya - para na silang Power Rangers nun..
ang cute niya nung nag-blush siya dito..


ang color coded sweatsuit habang tumatawid sa pedestrian lane..
Man Bo (Greenman), Lee Gak (Redman), Yong Sul (Blueman), at Chi San (Yellowman) - yun ang tawag ni Park Ha sa 4 nung hindi pa sila masyadong magkakakilala..
parang mga batang nagma-martsa, haha..


ang scandal sa elevator..
ayaw nilang magpalit ng damit sa palikuran gaya ng iniutos ni Park Ha, kaya naisip ng Joseon 4 na magpalit na lang sa hindi nila iaakalang gumagalaw pala na silid na kung tawagin ay - elevator..
mas natawa ako dun sa reaksyon nung mga babaeng estudyante, kunwari nabastusan sila sa ginawa nung 4, pero kuha naman sila nang kuha ng mga pictures o videos gamit ang cellphone nila..


ang pagkapanalo ng Raddish Doll sa gambling machine..


si Lee Gak habang nagsasayaw na parang baliw suot ang Panda costume ni Becky para lang matulungan si Park Ha na maibenta yung mga strawberries niya..
todo yung acting nya dito, na kahit na nawalan na siya ng malay ay nagkunwari pa rin siyang si Becky at nagpo-posturang babae habang nasa loob nung costume para lang walang makahalata na siya nga na isang prinsipe iyon..
hindi talaga ugali ng prinsipe na ipagsabi pa sa iba iyong mga sakripisyo na ginawa niya para sa mga ito, pero sa isang later na episode eh nadulas din siya at naamin iyon kay Park Ha habang nagpapayabangan sila..


gusto ko 'tong eksena na 'to dahil bumarik ang pitong magkakaibigan nang sama-sama sa labas ng Rooftop (ang Joseon 4, si Park Ha, kasama sina Becky at Lady Mimi)..
nainis si Lee Gak kay Park Ha dahil earlier eh aksidenteng nasabi ng dalaga sa inaakala nitong naka-Panda costume na si Becky (na yun pala ay si Lee Gak nga) na aalis na siya patungong America, at ayaw pa niyang ipasabi noon sa 4 na lalaki ang tungkol sa pag-iwan niya sa mga ito..


nagdesisyon si Lee Gak na kunin na ang katauhan ni Terrence Yong upang mapalapit kay Secretary Sena Hong - ang reincarnation ni Prinsesa Hwa Yong sa future..
maging si Park Ha ay naguluhan na sa mga kini-claim ng binata na mga katauhan, kesyo isa siyang prinsipe mula sa Joseon tapos tagapagmana rin siya ng isang Kompanya sa panahon ng dalaga..


ang souvenir photo para sana sa pag-alis ni Park Ha sa Rooftop house..
sa tingin ko naisip talaga 'to ng Joseon 4 bilang alaala ng mahahaba nilang mga buhok (na napakahalaga para sa kapanahunan nila)..


pinigilan ni Lee Gak ang tuluyang pag-alis ni Park Ha patungong America..
inakala pa ng mga taong kasabay ni Park Ha sa bus na magkasintahan silang dalawa..
binigyan niya ang babae ng parang billboard na may imahe ng beach at mga palm trees (isang imahe na nakakagaan sa loob ng dalaga)..
at pinangakuan niya rin ito na bibigyan niya ng magagandang alaala simula noon (na nagawa nga naman ng lalaki, hindi nga lang sa flawless na paraan, pero ganun talaga, kahit yung masasakit na mga alaala eh may silbi rin naman kahit na papaano)..
bukod dun ay ipinabili na ni Lee Gak iyong Rooftop house sa kanyang Lola-lolahan na Chairman, kapalit ng pagpapagupit niya at ng kanyang mga kasamahan na rin..


paghahanda para sa pagpasok sa Kompanya..


si ex-Director Francho Pyo at si Tita-Lola Mary..
dinidiskartihan kasi ng Tita-Lola ni Terrence Yong ang dating Director, at pinababalik na rin ito sa Kompanya, pero nahihiya dahil sa isang insidente nang pagkalugi sa nakaraan ang dating Director na na-demote na lang sa pagiging guwardiya ng isang warehouse..
sa eksenang ito, saktong napadaan si Executive Bernard Yong upang sabihan si Francho Pyo na nais na siyang pabalikin ng Lola-Chairman sa Kompanya..
dahil sinusubukang itago ng Tita-Lola ang pagkakagusto niya kay Francho ay napilitan siyang magtago sa loob ng kulungan ng isang aso..


maling diskarte 101 (by Yong Sul)..
sinumbatan ni Yong Sul si Lee Gak tungkol sa pagiging prinsipe nito dahil lang sa dugo o pamilya nito, ang hindi alam ng binatang bodyguard ay tapos na pala ang 3-minute free-talk session nila (na hinahayaan ang mga empleyado ng isang kompanya for example na hindi maging pormal at sabihin lang ang kanilang saloobin, para sana sa mas malapit na pagsasamahan)..
balak pa yata niya noon na buhusan ng sarili niyang ihi ang kamahalan, pahiyang-pahiya tuloy ang kawawang binata..


maling diskarte 102..
nahikayat ni Prinsipe Lee Gak na magsalita si Yong Sul laban kay Park Ha (na ayaw naman talagang gawin ng bodyguard, dahil sa ang totoo ay may gusto siya sa babae)..
upang ma-please niya ang prinsipe at ang kanyang mga kasamahan, sinabi niya na timping-timpi na nga siya sa dalaga, na nais niya itong paikot-ikutin sa ere tapos ay ibalibag sa sahig..
at dahil sa mali na namang timing, narinig ni Park Ha lahat ng bayolenteng sinabi ni Yong Sul tungkol sa kanya..XD


ang doorbell trick na natutunan pa ni Park Ha mula sa pagkabata niya..
isang alaala na hindi nawala sa kanya kahit na nagka-amnesia siya..
ang trick ay pipindutin nang pipindutin ang doorbell ng isang bahay hanggang sa may lumabas na tao mula dito, tapos ay kakaripas naman ng takbo paalis (para lang talaga makapam-buwisit ng kapwa, hehe XD)..
maging si Lee Gak na sinabing parang pang-kriminal ang ganitong klase ng biro noong una ay nalibang rin naman sa paggawa nito..^_^


ang labas ng bagong Rooftop house..
pang-mayaman na at ready nang tirhan..


ang first date sa buhay ni Park Ha..
first time rin niyang maglugay ng buhok at mag-high heels para sa palabas na 'to..
at sa picture sa kanan ay ang mga alalay ng prinsipe habang binabantayan ang dalaga sa kanyang blind date..
selos na selos si Yong Sul..


si Lee Gak habang ini-imagine ang ka-date ni Park Ha base sa mga SMS report sa kanya ng kanyang mga alalay..
LOL, kuhang-kuha niya sa imagination yung itsura nung teacher na ka-date ng dalaga..


ang table buzzer..
isa sa mga pambuwisit ni ala-Terrence kay Park Ha habang nasa Kompanya..
natuwa ang binata doon sa ideya na kailangang lumapit nung taong may hawak nung buzzer dun sa operator nito para lang mapatigil ito..
tinapatan ng pera at binili ni ala-Terrence iyong device mula sa isang nananahimik na coffee shop, haha..


si Sena Hong habang pinagmamalaki kay Park Ha ang mali niyang akala base sa mga sketch ni Terrence Yong..
makikita nga rin dito iyong unang sketch ni Terrence para sa bidang babae..
ang naisip kasi ni Sena ay nakilala na ni Park Ha noon pa man si ala-Terrence at na inalagaan niya lang ito nang ito'y maaksidente at magka-amnesia upang mapakinabangan nito ang kayamanan ng binata..
maling-mali ang mga iyon dahil; hindi naman talaga nagkakilala sina Park Ha at Terrence sa New York, hindi si Terrence ang kinupkop ng dalaga kundi si Lee Gak na napilitan lang na magpanggap bilang Terrence Yong, at hindi si Park Ha iyong tipo na nanaisin na makapanlamang ng kapwa..


LOL, v-in-erify ni Man Bo sa utak niya kung iyong lalaki bang nakita nila sa Kompanya ay iyon ding lalaki na naka-blind date ni Park Ha - parang computer sa pagpo-proseso ah..
at sa kanang picture ay in-interrogate ng 3 alalay iyong kawawang teacher, inagaw ang cake na regalo nito para sa dalaga, at idinispatsa pa yung cake sa pamamagitan ng pagbibigay nun kay Director Pyo..


kabiguan sa may Han River Bridge..T,T
gusto sanang makipagtagpo ni Lee Gak kay Park Ha para maibigay niya ng personal ang regalo niya para sa birthday ng dalaga..
pero na-intercept ni Sena iyong plano, at dinurog nya ang puso ng kanyang itinuturing na kapatid-sa-labas..
sa panahon rin na 'to sinimulan ni Sena ang plano niyang gamitin si ala-Terrence..


ang larong tayo-tayo-upo-upo na magde-decide kung sino ang magiging magkakampi para sa basketball match..
nag-aagawan kasi ang mga kalahok kay Yong Sul dahil sa pagiging athletic nito..
kung sinong yung pareho ang gagawin na pose sa katapusan ng kanta ay sila ang magiging magkasapi..
diniktahan ng kamahalan ang kanyang bodyguard na umupo upang sila ang maging magkakampi..
pero sa bandang huli ay mas pinili ni Yong Sul na makasama si Park Ha (one point for Yong Sul)..
sa picture sa kaliwa ay makikita na paupo na nga ang stance ng binata, pero nang tumayo na ang nagugustuhan niyang babae ay sinamahan na niya ito..
sa picture naman sa kanan ay makikita ang pag-deny ni Yong Sul sa prinsipe, asar na asar kasing sinusumbatan at tinitingnan ng kamahalan ang traydor na bodyguard, kaya naman dinedma na lang siya ni Yong Sul, LOL (anything for love)..


ang matinding upak sa tiyan..
bilang premyo sa pagkapanalo sa basketball, sinikmuraan ni Park Ha, ang kamahalan dahil na rin sa pagkainis nito na makita ang dalawa ng inaakala niyang kapatid-sa-labas na si Sena na magkayakap sa kanilang meeting place sana..
dahil dun ay lalo pang naasar ang mahal na prinsipe kay Yong Sul..


first salary ng Tropang Pupu (ang bansag ni Director Pyo sa tropa ni ala-Terrence)..
dahil walang mga bank account ay binigyan niya ang mga ito ng cash..
at ang malokong 3 naman ay binigyan ng tip ang Director bilang pasasalamat nila sa mga naituro nito sa kanila, pero nabuwisit lang ang kanilang superior dahil sa kanilang mga kalokohan - hinayaan ba naman nilang magsayaw nga yung matanda, LOL XD..


buking ang SMS love confession ni Park Ha..
sobrang cute naman niya ditong mag-alala..^_^
samantalang nung naunang eksena ay paiyak-iyak pa siya, haha...


sa ospital habang naka-confine si Chi San dahil sa kanyang appendicitis..
na-badtrip si Man Bo dahil sa pagpapakabayani ni Yong Sul..
busog pa kasi si Park Ha, si Lee Gak naman daw ay walang gana, nais na sana ng tutor ng prinsipe na kumain na, pero sinabi ni Yong Sul na hindi siya kakain hangga't hindi pa pwedeng kumain ang kasamahan nilang eunuch, kaya naman napahiya si Man Bo at hindi na rin siya nakakain..T,T


ang yakap ng isang nasasaktang ina..
saktong niyaya ni Park Ha ang Mama Susan niya (alam niyang Stepmom niya) na uminom sa labas..
masama naman ang loob ng ina dahil ipinaalam sa kanya ng kanyang itinuring ng anak na si Sena na malapit na ang engagement nito sa isang mayamang binata, ngunit hindi siya imbitado dahil walang alam ang pamilya ng lalaki tungkol sa kanya (dahil ikinakahiya ni Sena ang pagiging tindera niya lamang ng isda sa palengke)..


unang sighting ng resemblance nina Bu Yong at Park Ha..
ito ay matapos ang insidente ng sunog sa warehouse ng Kompanya nina Terrence, kung saan iniligtas ni ala-Terrence ang buhay ni Park Ha kapalit ang isang malaking project sana para sa Kompanya..


sa sauna..
ang huling venue sa pasimpleng date nina Lee Gak at Park Ha..
dahil sa pagkawala ng project sana ni Team Leader ala-Terrence Yong para sa kanilang Kompanya ay nagalit ang Lola-Chairman kay Park Ha, upang maprotektahan ang dalaga ay niyaya na muna ito ni Lee Gak na magpalipas ng oras sa labas, pero kahit nakaalis na ang kanyang Grandma sa tapat ng kanilang bahay, ay nagkunwari pa rin ang kamahalan na hinihintay pa rin ito ng kanyang Lola..
at bilang resulta, parang nag-date na rin nga ang dalawa, na na-enjoy talaga ng mahal na prinsipe..


sina Becky at Lady Mimi (o kahit Mimi lang) nang mabalitaan nila ang tungkol sa engagement ni Lee Gak sa ibang babae..
sila ang mga kaibigang babae ni Park Ha..
si Becky ay sa totoong buhay ay isa talagang taga-Uzbekistan..
ni-reveal sa eksena na 'to na may hinala na nga ang dalawa maging ang 3 alalay ng prinsipe (kahit na si Yong Sul) tungkol sa namamagitan kina Park Ha at Lee Gak..
kaya naman disappointed talaga sila sa balita..


napaiyak si Lee Gak habang binabasa ang liham ng pamamaalam ni Park Ha..
ang hindi niya alam ay nabasa niya ng advance iyong sulat ng dalaga, hindi pa naman kasi ito talaga aalis noong araw na iyon, at naghahanap pa lang sana ito ng bagong trabaho na nagkataon lang na nasa malayong lugar..
pero dinurog ng babae ang puso niya..


ayun nga, dahil sa maling akala eh..
nagkaaminan na sa wakas, kahit pa pagalit yung tono ng kamahalan eh nagiging sweet rin namang pakinggan yung main idea..
ito ang second pero official lips to lips ng dalawa (ang una kasi ay mouth-to-mouth resuscitation noong malason si Lee Gak sa buwis buhay na pagkain ng crab & soy sauce para lang mapanindigan na sya nga si Terrence)..


si Chi San ang kauna-unahang naka-experience ng unti-unting paglalaho sa Joseon 4..
pero hindi nila kaagad naulit sa kanilang kamahalan ang tungkol dito..
bale yung mga insidente ng unti-unti nilang paglalaho ay nangyayari lang sa tuwing nagkakalapit nang husto sina Park Ha at Lee Gak (isang patunay na ang dalaga talaga ang misyon ng grupo sa future)..


nanlulumo sa may highway..
condo unit na yung sorpresa ni Lee Gak eh, pero sa sobrang ganda ng timing ni Sena, eh napagpalit niya yung kontrata nung condo sa plain ticket papuntang America, kaya ayun - durog na naman ang puso ni Park Ha, akala niya kasi gusto na siyang paalisin ng kamahalan dahil nai-in-love ito sa kanya (na sagabal naman sa inaakala nilang misyon - ang pagpapakasal kay Sena Hong)..


pinilit si Park Ha ng mga superior niya sa touring company na ipagsalin ng soju ang kliyente nilang si Team Leader ala-Terrence Yong..
dahil sa tampo ng babae sa binata ay hindi niya ito napagbigyan sa lahat ng demands nito bilang tourista at kliyente rin nila, kaya naman inimbitahan ito ng kanyang mga boss sa dinner at sa KTV bar upang makabawi naman dito..


eww! nakatapak si Lee Gak ng pupu ng aso sa loob ng kanyang sapatos..
isinama ni Park Ha ang kamahalan sa tinutuluyan niyang bahay sa Jinan upang kausapin ito tungkol doon sa plane ticket na inakala niyang galing dito..
nagtatalo ang dalawa noong una, pero nagkasundo rin naman sa bandang huli, ang masama lang eh narinig nung batang lalaki (na apo ng may-ari ng inuupahang kuwarto ni Park Ha) ang pagtatalo ng dalawa..
para maiganti si Park Ha (dahil gusto niya ito), nilagyan nung bata ng pupu ng aso ang loob ng sapatos ni Lee Gak..
isang hindi nakakatuwang biro..>,<


nabuking ang ginawa ni Sena na pagpapalit sa laman nung envelope na ipinabibigay ni ala-Terrence kay Park Ha..
pagpapatapon kay Park Ha sa America? - nagawa lang daw niya iyon dahil sa labis niyang pagmamahal sa binata.. sabay bawi na ang Lola Chairman daw talaga ang may utos nun sa kanya..


nalungkot ang 3 alalay dahil nagdesisyon na ang prinsipe na hindi na nito pakakasalan si Miss Sena Hong at susundin na nito ang nararamdaman niya para kay Park Ha..
natakot ang 3 na baka hindi na sila makabalik sa Joseon dahil sa pag-abanduna ng prinsipe sa inaakala nilang misyon nila..
sinisi ni Chi San ang dalaga dahil nagkagusto dito ang kanilang kamahalan, sinisi naman ni Yong Sul ang prinsipe dahil sa pagiging iresponsable nito, mabuti na lang at nandun si Man Bo na naisip na baka tadhana nga ng dalawa ang magkatuluyan..


pinuntahan ng 3 alalay si Park Ha sa Jinan..
at bilang kapalit ng omurice, ay ibinalita nila sa dalaga na hindi na magpapakasal ang kanilang prinsipe kay Miss Hong..
bagay na sa halip na ikatuwa ay ikinabahala pa ni Park Ha, dahil akala rin niya ay si Sena talaga ang misyon ng Joseon 4 sa hinaharap..


ang Tropang Pupu habang namboboso ng mga Koreanang naka-bikini (sa isang resort siguro 'to sa Jinan)..
siyempre sana'y sila na balut na balot ng kasuotan ang mga kababaihan sa kanilang panahon, kaya naman luwa ang kanilang mga mata sa pagmamasid ng mga chicks na naka-bikini lang..
(ano bang yung ginagawa ni Yong Sul?? parang bastos na ah)..


ang pagkakasundo sa wakas nina Sena Hong at Executive Bernard Yong (ang Papa ni Director Tommy Yong)..
noong una ay tutol na ang matanda sa relasyon ng kanyang anak sa dalaga dahil isa lang itong sekretarya, tapos mas inayawan pa niya ito nung malaman niyang anak lang ito ng tindera ng isda sa palengke..
pero noong magpanggap na si Sena bilang nawawalang anak ni Chairman Helen Jang ay nagustuhan na rin siya ng Executive dahil lang sa shares ng Kompanya na posible niyang manahin..


nagpanggap si Sena na mabait na siya sa kanyang pamilya para lang makakuha ng ilang piraso ng buhok ni Park Ha para dayain ang DNA testing..
ang hindi alam ng kontrabidang dalaga ay hindi na niya kailangan pa ang buhok ng kanyang tinuturing na nakababatang stepsister, dahil kahit sarili niyang buhok ay magma-match sa DNA ni Chairman Jang..


nainis si Lee Gak kay Park Ha dahil hindi man lang daw siya pinakilala ng babae sa Stepmom nito na si Susan..
magtampo ba daw..
nasabihan naman ni Park Ha si Lee Gak na sa panahon nila ay ang nakababata ang dapat na unang nagpapakilala sa nakatatanda..>,<


handa na ang papeles, balak nang ipamana ni Chairman Helen Jang sa panganay niyang anak na si Sena ang lahat ng shares niya sa Kompanya..


iniharap ni Director Tommy Yong kay Chairman Jang ang nawawala 'daw' nitong anak na si Inju Park..
laking gulat ng Chairman na si Sena pala ang tinutukoy ng binata na natagpuan nito..
ang hindi alam ng kontrabidang magkasintahan ay alam na ni Helen na anak niya si Sena..
ang panganay na anak ay nagpanggap bilang bunsong anak - kaya umpisa pa lang ng masamang plano nila ay buking na sila..


dahil sa pagsasampay, na-confirm na ni Lee Gak na si Park Ha nga ang reincarnation ni Bu Yong sa future..


natuwa si Park Ha na marinig ang istorya ng prinsipe tungkol kay Bu Yong (ni hindi man lang siya nagselos sa dati niyang katauhan), masaya siyang malaman na nabuhay na rin pala siya noon sa Joseon at nagkasama na rin sila noon pa man ng kamahalan..


ang secret date..
ang unang sighting ng unti-unting paglalaho ni Lee Gak, habang nanood sila ng fireworks display sa may Han River..
masyadong busy ang dalawa kaya hindi nila napansin ang nangyari..


habul-habol ng na-badtrip na 3 alalay sa paglalakad ang kamahalan at si Park Ha..
kasi naman, iniwanan nila ang 3 sa Rooftop kaya hindi nakapanood ang mga ito ng fireworks display..
pinagburda ng prinsipe si Chi San, at pinagbasa naman niya ng mga libro sina Man Bo at Yong Sul (pinasaulo pa niya sa tutor iyong phonebook ng buong Korea o Seoul) para lang magawa nila ng dalaga ang kanilang secret date..


naligo si Sena ng dalawang baso ng tubig..
nahuli kasi siya ni Park Ha na tinatawag na Mama si Chairman Jang..
naawa si Park Ha sa Mama Susan niya dahil ikinakahiya ito ni Sena, kaya tinuruan niya ng leksyon ang kanyang itinuturing na ate-stepsister..
ang hindi lang alam ni Park Ha ay anak talaga si Sena ng boss niyang si Chairman Jang..


ang pansamantalang sekretarya ni Chairman Jang na si Park Ha habang dala-dala ang opisyal na boto ng Chairman para sa eleksyon ng bagong CEO ng Kompanya..
inakala ng mga Yong-sa-labas (pamilya sa labas ng Lola-Chairman) na si Tommy na ang mananalo dahil sa paglalagay nila kay Sena bilang anak ng Chairman, pero sa bandang huli ay ibinigay ni Chairman Jang ang boto niya kay ala-Terrence..


ang lucky couple rings na mabibili lang sa kalye..
ayaw pa ni Lee Gak na bumili noong una dahil hindi naman daw nagsusuot ng singsing ang mga lalaki, pero nang sabihin ni Park Ha na iyon ang uso sa mga magkasintahan eh natuwa ang binata at nakiuso na nga..


ikalawang sighting ng unti-unting paglalaho ni Lee Gak, sa may ilalim ng paboritong tambayan ng dalawa - ang bench sa ilalim ng isang puno..
this time, nasaksihan iyon ni Park Ha, wala siyang nasabi sa prinsipe, at sa sobrang takot ay wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang kamahalan sa pag-asang hindi pa ito mawawala..


bistado na si ala-Terrence at ang Tropang Pupu..
nalaman na ni Director Francho Pyo ang ginagawang pagpapanggap ni Lee Gak bilang Terrence Yong..
pero sa halip na pagalitan, ay ninais niyang makipagtulungan sa Joseon 4 para maprotektahan ang Kompanya laban sa mga Yong-sa-labas..


ang biglang pagbangon ng inaakala ni Tommy na totoong ng Terrence Yong..
isang bangungot para sa kontrabidang binata..
nabuking nga niya si ala-Terrence, binalak niyang gamitin ang comatose niyang pinsan na si Terrence upang pabagsakin ang impostor nito, subalit ang hindi niya alam ay nagawa na muli ni Lee Gak na magpanggap bilang ang lehitimo niyang pinsan sa ikalawang pagkakataon..


ang pagdadamot ng 3 alalay sa mahal na prinsipe..
mga lapastangan na!
hindi kasi nila alam na dadating ang kanilang kamahalan, nasa bahay sila ni Director Pyo sa mga panahon na ito at nagtatago lang..
sakto lang daw para sa apat na katao yung in-order nilang pizza, at iyong ikaapat na tao ay si Dir. Pyo, kaya bawal daw humingi ang kamahalan..
nagreklamo ang mga alalay na wala na silang maisuot na mga damit, kaya niyaya naman sila ni Lee Gak na mag-shopping sa pag-aakalang bibigyan na siya ng mga ito ng pizza, natuwa nga ang 3 sa alok niya, pero hindi pa rin siya binigyan ng mga ito ng pizza, sinubukan niyang makipag-agawan at dahil doon ay aksidente niyang natabig ang pizza na kinakain ni Yong Sul kaya nalaglag ito sa sahig, napagalitan tuloy sya ng kanyang bodyguard..XD


buking kaagad si ala-Terrence Yong II (II dahil ikalawa na ngang pagpapanggap, pero this time eh may eyeglasses na at iba na ang tono ng boses para mas convincing)..
nakita kasi siya ni Park Ha na ginagawa yung normal niyang postura na nasa likod ang dalawang kamay, tapos nakita pa ng dalaga na nalaglag mula sa kanya yung couple ring niya..


sa labas ng Rooftop matapos ang panunugod at pagwawala ni Director Tommy Yong..
dahil may suspetiya ang binata na may kaugnayan si Park Ha sa impostor..


ang train trap..
dahil alam ni Lee Gak na pasusundan o mamatyagan na ni Tommy si Park Ha, naisip nilang i-set ang kanilang train trap..
kunwari sasakay ang dalaga sa train, papasok siya sa loob kaya susunod naman sa kanya si Tommy, pero kapag nag-announce na na malapit na ang departure ay saka mabilis na lalabas ang dalaga mula sa train, bago mag-lock ang mga pinto nito..
medyo delikado, pero magandang teknik..


lumuhod si Sena sa harapan ng kanyang kakikilala pa lang na ina upang humingi ng tawad sa kanyang ginawang pagpapanggap bilang si Inju..


ang pamamaalam ng mag-inang Helen at Sena sa taong kumupkop at nagpalaki kay Sena - si Susan Kang..
maging si Sena ay parang naawa sa kinagisnan niyang ina sa tagpong ito..


nahuli ng Lola-Chairman si Sena na palihim na kinukuha ang laptop ng kanyang apo na si Terrence..


dahil sa pag-aagawan sa laptop, aksidenteng nahulog sa hagdanan ng Mansyon ang Lola-Chairman..
kumalat ang dugo mula sa ulo ng matanda..
iyon na rin ang ikinamatay nito..
isang masakit na kawalan para sa totoong Terrence Yong, at maging kay Lee Gak na itinuring na rin ang matanda na parang kanyang Lola..


ikatlong sighting ng unti-unting paglalaho ni Lee Gak..
yayakapin niya sana si Park Ha eh, kaso tumagos ang mga kamay niya..
unang beses para sa prinsipe na masaksihan ang kanyang sariling paglalaho..
medyo napagalitan pa niya ang dalaga dahil hindi nito nasabi sa kanya na nasaksihan na niya ito noon..
ipinaliwananag naman ng babae na takot na takot siya noon kung kaya't hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang ka-MU ang tungol sa paglalaho nito..


ang pagtagos ni Lee Gak sa mga rehas at salamin ng prisinto..
ang teknik na nagpalaya sa kanya mula sa bilangguan kung kaya't nakuha niya ang mana ni Terrence Yong sa tamang oras..


bago tuluyang mabundol ng sasakyan si Park Ha..
matapos niyang itulak si Lee Gak upang mailigtas ito mula sa kapahamakan..


ang walang malay na katawan ni Park Ha sa may reservoir..
kahalintulad kung paano nakita noon sa Joseon ang walang buhay na katawan ng inakala ng mga tao na prinsesa..


si Sena, guiltyng-guilty habang pinagmamasdan ang naka-confine niyang nakababatang kapatid na si Park Ha..


si Lee Gak at ang police officer na minsan nang humuli sa kanya..
sa pagkakataon na ito, si Director Tommy Yong na ang huli, at may matibay pang ebidensya laban sa kanya - isang voice recorder na naglalaman ng kanyang pag-amin sa ginawa niya kay Terrence Yong..


ang unang pagkakataon na nagawang magbigay ni Sena para sa kanyang bunsong kapatid..
nag-undergo sila ng liver transplant, dahil bumigay ang atay ni Park Ha dulot nung aksidente..


reconciliation ng magkapatid..
sinabi ni Sena na isusuko na niya ang kanyang sarili sa mga pulis (siguro siya na rin ang magbibigay ng statement tungkol sa pagka-aksidente ng Lola Chairman at maging tungkol sa pagkabangga kay Park Ha)..
sinabi naman ni Park Ha na hihintayin niya ang paglaya ng kanyang ate..
at sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa ng magkapatid sa ina na ngumiti sa isa't isa..


si Sena habang yakap-yakap ng dalawa niyang Mama..
tanggap ng dalawang ina kung anuman ang nagawa sa nakaraan ng kanilang panganay na anak..
sila daw ang pinaka-matatatag na ina sa buong mundo, kaya huwag na niya silang alalahanin..


ang sagot ni Lee Gak sa wedding proposal ni Park Ha - ang fruit juice shop..
ang ibinunga ng raket nina Yong Sul, Chi San at Man Bo sa tulong na rin ni Lee Gak upang makabawi naman sila sa lahat ng nagawa para sa kanila ni Park Ha..
natatakot kasi ang prinsipe na magkakahiwalay rin sila ng dalaga, kaya baka mas masaktan lang ito kung makasal sila..
mas gusto daw niyang masigurado na magkakaroon ang babae ng maginhawang buhay kapag wala na sila sa future..


bahala na daw si Park Ha, gawin na daw nito ang gusto niya..
LOL, yun na yung romantic proposal ng prinsipe, at pasigaw pa niyang sinabi yun..
hindi pa kaagad naintindihan ng babae, pero ang ibig lang sabihin ng kamahalan eh ituloy na nila yung balak ng dalaga na magpakasal dahil ito naman ang gusto nito talaga..


ang 300 year old gift ni Lee Gak para kay Park Ha..
isang hiyas o bato na parang jade na may butas sa gitna..
musmos pa lang daw ang kamahalan ng itago niya ito sa may ilalim ng isang poste ng kanilang Palasyo, sa future nagpunta sila doon sa Palasyo na nagsisilbi na lang na tourist attraction, at hinukay ng prinsipe iyong 300 taong regalo niya para sa dalaga..


halos kawawala lang nina Man Bo at Yong Sul..
tanging ang dalawa na lang ang naiwan na magkasama..
nandun pa rin yung takot na baka si Lee Gak na ang sumunod na maglaho mula sa panahon na iyon
magkahawak sila ng kamay..
na parang naninigurado na hindi muna mawawala sa tabi nila ang taong pinakamamahal nila..


tuluyan na ngang nawala si Lee Gak matapos ang sarili nilang seremonya ng kanilang kasal..


ang pinakamasakit na paghihiwalay..
to think na ang taong minamahal mo ay nanggaling sa ibang panahon, 300 taon sa nakaraan..
at iyong pakiramdam na baka hindi na muli kayo magkita pa..
paano nga ba ang dapat na maramdaman sa ganung sitwasyon..?
mabuti na lang at isa lang fiction ang istoryang ito..


si Heneral Mu - ang katauhan ni Tommy Yong sa nakaraan..
kung sa future ay mag-pinsan-sa-labas sina Terrence at Tommy, sa Joseon naman ay magkapatid sila sa Ama (bale half-brother)..


nakalimutan ni Bu Yong na isauli iyong liham ng kanyang Ama para sa kapatid niyang prinsesa..
kaya ayun, nalaman niya ang masamang plano ng kanilang angkan (o ilang miyembro ng kanilang angkan) laban sa mahal na prinsipe..


ang pilat sa pisngi ni Bu Yong..
sanhi ng aksidente na may kinalaman sa makalumang plantsa..>,<
ang dahilan kung bakit siya parating nakasuot ng pantakip sa mukha..
ito ay noong panahon na gumagawa siya ng liham para sa prinsipe gamit ang natitira niyang lakas, partida na nalason na siya sa mga oras na 'to..


halos wala sa sarili si Park Ha habang nagbebenta sa kanyang fruit juice shop..
parati niya kasing naiisip si Lee Gak..
nakadalawang sabi pa nga si Terrence Yong ng kanyang order na apple juice eh..
hanggang sa umalis na ang binata ay hindi man lang siya totoong napansin at nakita ng dalaga..


sama-samang pagkain ng omurice sa Joseon..
nagtayo kasi ang 3 alalay  ng prinsipe ng restaurant na ang specialty ay omurice..
sila na mismo ang gumagawa ng kanilang ketchup mula sa sariwang mga kamatis..
maihahalintulad ito noong unang beses na pakainin ni Park Ha ng omurice ang Joseon 4 sa kanyang bahay; nag-iisa lang noon ang mesa, kaya dahil sa paggalang ng 3 sa kanilang kamahalan ay sa lapag na sila kumain at na-solo ng prinsipe ang mesa, sa future kumain sila noon habang suot ang mga tradisyunal nilang kasuotan at dito naman sa eksenang ito ay kumain sila habang suot iyong mga sweatsuit nila na galing sa makabagong panahon habang suot pa rin ang mga tradisyunal nilang headgear..


ang ikalawang sketch ni Terrence Yong para kay Park Ha..
halos katulad ito nung una - sketch sa likod ng isang postcard, na may kalakip na note para sa pagtatagpo..
yung unang sketch ay si Park Ha na may hawak na apple, samantalang itong ikalawa ay apple juice na sa pitsel ang kanyang hawak..


ang muling pagkikita ng mga katauhan nina Prinsipe Lee Gak at Bu Yong sa hinaharap..
ang pagpapatuloy ng isang naudlot na pag-iibigan..
mapapansin sa picture na 'to na ginagawa ni Terrence iyong paboritong postura ni Lee Gak na nasa likod ang mga kamay...

---o0o---


at are naman ang isang tribute music video na galing sa Youtube..
paalala lang ulit, hindi sa akin yan ha..>,<
kaya para sa credits eh paki-check na lang nung mismong description nung video sa Youtube:


hindi masyadong perpekto yung mismong video..
pero nasaklaw kasi niya yung mga magagandang highlight nung istorya, kaya ito ang napili ko..
version ni Jo Eun (bale male version) ng "After a Long Time has Passed"..
ang favorite kong soundtrack mula sa series..
at dati kong pampatulog tuwing gabi..
maganda din naman yung version ni Baek Ji Young, may matataas na nota nga lang yun, kaya mas safe at banayad 'tong male version...