Mga Pahina

Martes, Hulyo 16, 2013

Budgies Update: June 29, 2013 - Death of Blue

late post na...



June 29 nga, 2013, 10 days after kong madiskubre na parang may sakit si Blue..
eh are..
nagko-computer ako noon nang tawagin ako ng nakatatanda kong biological brother sa likod bahay namin..
may ipagbibilin lang sana siya sa akin eh..
nang bigla niya akong tanungin kung patay na ba daw yung ibon ko..
kinilabutan ako sa tanong niya..
at kaagad nga akong tumingin sa kulungan ni Blue..
nanlumo ako nang makita ko na nakalupagi na ang pinaka-guwapo kong ibon sa may lapag nung kulungan niya..
kaagad ko siyang nilapitan, at napansin ko na buhay pa pala siya - subalit naghihingalo na..
sinisipulan ko siya at talagang naiimulat pa niya yung mga mata niya para tumingin sa akin..
maging ang mga paa niya ay naisisipa pa naman niya...

nakakabigat ng pakiramdam na masaksihan mong unti-unting namamatay ang alaga mo..
nang dahil ano..?
nang dahil lang ayaw sa existence mo ng mga pesteng bathala..?
pakiramdam ko isa lang talaga akong guinea pig na testing-an ng mga pagdurusa sa buhay..
na kahit sa anong bagay, at kahit na ano pang gawin ko, na puros kamalasan at kabiguan lang ang matatamo ko...

sa takot ko na baka makahawa pa si Blue ay inalis ko na siya sa kulungan niya..
inilipat ko siya doon sa may mesa sa terrace namin..
buhay pa rin siya noong mga oras na yun..
nilagyan ko ng harang ang paligid niya upang hindi naman siya mapag-trip-an pa ng mga pusang gala sa lugar namin..
bumalik na ako sa pagko-computer ko na mabigat ang aking loob dahil tanggap ko na ang magiging kapalaran ng aking alaga..
at matapos akong mag-computer, eh patay na siya nang muli ko siyang silipin...

inilibing ko rin siya sa may likod bahay namin..
sa halos kaparehong lugar na pinaglibingan ko noon sa original niyang ka-partner na si White...

ewan ko ba..
yung mga ganitong sitwasyon eh pinaparamdam talaga sa akin ang kawalan ng pag-asa sa buhay..
si White ay halos dalawang taon lang ang inabot sa poder ko..
samantalang si Blue ay dalawang taon at halos anim na buwan lang ang inabot..
after almost 2 years, eh saka pa nagtagumpay yung dalawa sa pagkakaroon ng itlog..
pero hindi fit si White para mangitlog at dahil dun eh napahamak ang buhay niya..
dahil sa biglang pagkawala ni White eh nauwi lang yung kaisa-isa niyang naiwang itlog sa pagka-bugok..
at makalipas nga ang halos anim na buwan, kung kailan breeding season na ulit, eh bigla namang nagkasakit at eventually eh namatay nga itong si Blue..
puros kabiguan na lang...

sa ngayon, may tatlo na lang budgies na naiiwan sa poder ko..
at sa totoo lang, eh natatakot na rin ako para sa kaligtasan nila..
bayolente ang mga bathala sa mga nilalang na ayaw nila, yun ang tingin ko sa mga pangyayari sa buhay ko..
at siyempre, natatakot ako na baka maging sila eh idamay pa ng mga lintik sa kamalasang ipinaparanas nila sa akin...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento