Ipinapakita ang mga post na may etiketa na budgies. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na budgies. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Pebrero 21, 2014
Budgies Update: January 6, 2014 - Death of Beige
ang kauna-unahan kong kamalasan for 2014...
3rd bird down..
si Beige...
wala eh..
nadatnan ko na lang doon sa likod-bahay namin na patay na at nasa lapag na ng kulungan nila..
hindi ko alam kung anong sakit o epidemya na naman ang dumali sa kanya..
siya pa naman yata yung pinakabata doon sa tatlo kong bagong biling budgies..
pero ang nakapagtataka sa kanya, eh naka- more than 1 year naman siya sa poder ko, pero hinding-hindi nagbago yung size ng pupil ng mata niya na palatandaan sana ng pagma-ture o pagtanda nung budgie...
kaya ayun..
last 2 birds na lang ulit ako..
super malas talaga sa halos lahat ng bagay... T,T
hay.....
paano ga naman makakapag-breed nare kung parating namamatay ang mga ibon...? T,T
Martes, Hulyo 16, 2013
Budgies Update: June 29, 2013 - Death of Blue
late post na...
June 29 nga, 2013, 10 days after kong madiskubre na parang may sakit si Blue..
eh are..
nagko-computer ako noon nang tawagin ako ng nakatatanda kong biological brother sa likod bahay namin..
may ipagbibilin lang sana siya sa akin eh..
nang bigla niya akong tanungin kung patay na ba daw yung ibon ko..
kinilabutan ako sa tanong niya..
at kaagad nga akong tumingin sa kulungan ni Blue..
nanlumo ako nang makita ko na nakalupagi na ang pinaka-guwapo kong ibon sa may lapag nung kulungan niya..
kaagad ko siyang nilapitan, at napansin ko na buhay pa pala siya - subalit naghihingalo na..
sinisipulan ko siya at talagang naiimulat pa niya yung mga mata niya para tumingin sa akin..
maging ang mga paa niya ay naisisipa pa naman niya...
nakakabigat ng pakiramdam na masaksihan mong unti-unting namamatay ang alaga mo..
nang dahil ano..?
nang dahil lang ayaw sa existence mo ng mga pesteng bathala..?
pakiramdam ko isa lang talaga akong guinea pig na testing-an ng mga pagdurusa sa buhay..
na kahit sa anong bagay, at kahit na ano pang gawin ko, na puros kamalasan at kabiguan lang ang matatamo ko...
sa takot ko na baka makahawa pa si Blue ay inalis ko na siya sa kulungan niya..
inilipat ko siya doon sa may mesa sa terrace namin..
buhay pa rin siya noong mga oras na yun..
nilagyan ko ng harang ang paligid niya upang hindi naman siya mapag-trip-an pa ng mga pusang gala sa lugar namin..
bumalik na ako sa pagko-computer ko na mabigat ang aking loob dahil tanggap ko na ang magiging kapalaran ng aking alaga..
at matapos akong mag-computer, eh patay na siya nang muli ko siyang silipin...
inilibing ko rin siya sa may likod bahay namin..
sa halos kaparehong lugar na pinaglibingan ko noon sa original niyang ka-partner na si White...
ewan ko ba..
yung mga ganitong sitwasyon eh pinaparamdam talaga sa akin ang kawalan ng pag-asa sa buhay..
si White ay halos dalawang taon lang ang inabot sa poder ko..
samantalang si Blue ay dalawang taon at halos anim na buwan lang ang inabot..
after almost 2 years, eh saka pa nagtagumpay yung dalawa sa pagkakaroon ng itlog..
pero hindi fit si White para mangitlog at dahil dun eh napahamak ang buhay niya..
dahil sa biglang pagkawala ni White eh nauwi lang yung kaisa-isa niyang naiwang itlog sa pagka-bugok..
at makalipas nga ang halos anim na buwan, kung kailan breeding season na ulit, eh bigla namang nagkasakit at eventually eh namatay nga itong si Blue..
puros kabiguan na lang...
sa ngayon, may tatlo na lang budgies na naiiwan sa poder ko..
at sa totoo lang, eh natatakot na rin ako para sa kaligtasan nila..
bayolente ang mga bathala sa mga nilalang na ayaw nila, yun ang tingin ko sa mga pangyayari sa buhay ko..
at siyempre, natatakot ako na baka maging sila eh idamay pa ng mga lintik sa kamalasang ipinaparanas nila sa akin...

Miyerkules, Hunyo 26, 2013
Budgies Update: June 27, 2013 - Blue Quarantine
last June 19 (more than a month after niyang magka-deperensya sa mata) eh napansin kong parati lang natutulog itong si Blue at walang kibo..
bukod dun eh parang nanginginig din siya sa may bandang mga pakpak..
tapos madalas ay nasa ilalim pa siya ng kulungan nila..
naalarma tuloy ako kasi breeding season pa naman..
at kapag nagkataon na may sakit siya eh baka mahawa pa niya yung partner niya dapat na ibon...
kaya ang ginawa ko ay nag-decide na muna akong i-quarantine siya..
mahirap na desisyon yun para sa akin, dahil breeding season na nga at gusto ko naman siyempre na mapalaganap areng lahi niya na may magandang blue na kulay (since pumalya nga sila noon nung dati niyang partner na namatay na T,T)..
bale ibinukod ko na muna siya, at ikinulong dun sa maliit kong kulungan..
tapos ay yung si Yellow-Boy na muna ulit iyong ipinares ko kay Yellow-Girl..
kesa naman kasi palampasin ko areng breeding season, edi susugal na lang ako na makakagawa pa yung bagong pares ng paraan para magka-inakay sila...
si Blue naman ay pansamantala kong oobserbahan..
lately, eh mukhang medyo bumubuti na yung pakiramdam niya..
kumakain na ulit siya, at nagkikikilos na ulit, pero may mga pagkakataon pa rin na natutulog lang siya habang gising na gising pa rin ang mga kasamahan niya..
sana lang gumaling siya..
dahil kapag namatay rin siya nang hindi nakakapagpalahi eh hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko..
at siyempre mararamdaman ko na naman kung gaano ako talaga ka-MALAS sa buhay..
biruin nyo naman, yung iba eh pinababayaan lang yung mga pet budgie nila, tas mabilis lang silang dumadami, samantalang ako - eh parating nagkaka-depekto ang mga alaga ko...T,T
kapag gumaling na nang tuluyan si Blue..
eh kakailanganin pa niyang maghintay hanggang late 2013 bago makapag-breed..
hihintayin na lang namin na makalampas 1 year old na si Beige, para masabing handa na rin siyang magka-inakay..
tapos nun, eh sila na nga yung ipapares ko sa isa't isa, tutal eh parehas naman silang may base na color blue...
sana naman eh umayos pa ang lahat para sa mga alaga ko...
Linggo, Mayo 19, 2013
Budgies Update: May 20, 2013 - Eye Problem
konting update lang tungkol sa mga pet budgie ko:
bale, hindi ko talaga sigurado kung kailan nagsimula yung problema..
alternate days kasi ang inspection ko sa mga alaga ko: Monday, Wednesday, Friday (kung kailan nagdadagdag lang ako ng patuka), at Saturday...
by May 18, napansin ko na parang may deperensya na nga si Blue sa kanang mata niya..
umaga noon..
tapos napansin ko na hindi niya talaga maimulat yun..
tas parang galaw nang galaw naman yung eyeball niya sa loob nung talukap niya..
may mga pagkakataon din na ikinukuskos niya yung panig na yun ng kanyang mukha sa kahit na ano..
natakot talaga ako noon na baka kung ano na naman ang mangyari sa mga alaga ko..
papalapit pa naman ang breeding season at gusto ko talagang makapagpalahi itong si Blue dahil siya ang may pinakamagandang breed sa kanilang apat..
kinabahan tuloy ako na baka malapit na rin ang oras niya...
luckily, by May 18 ng hapon..
eh napansin ko na naimumulat na ulit ni Blue ang kanyang kanang mata..
although may mga pagkakataon na ipinipikit pa rin niya ito nang matagal na para bang may iniinda pa rin siya na kung ano..
pero medyo na-relieve na ako dahil kahit papaano eh parang paayos na nga yung lagay niya...
the following days naman..
eh parang um-okay na nga ulit siya..
hindi na papikit-pikit pa at maingay na ulit...
in addition to that..
binigyan ko rin ang mga budgie ko kahapon ng watermelon treat..
masyado silang matatakutin sa tuwing may nakikita silang bagay na bago sa kanilang paningin sa loob ng kanilang kulungan..
pero as of this morning, eh napansin ko naman na tinitikman na ni Blue yung pakwan..
siya talaga yung pinakamaamo sa kanila, at open na mag-experiment ng mga bagong equipment o pagkain...
Martes, Marso 12, 2013
Budgies Update: March 2, 2013 - Bloody Cockfight
bale as of the moment eh meron akong 4 na budgie, i lost one December last year dahil sa mismong pangingitlog niya:
- Blue (male)
- Yellow-Boy (male)
- Yellow-Girl (female)
- Beige (i'm still not sure kung ano nga ba siya)
bale March 2, 2013 pa nga nangyari ang masamang bagay na are..
i made a mistake..
for almost a month eh naipag-pares ko iyong dalawang dilaw, sina Yellow-Boy at Yellow-Girl..
umabot na sila sa punto na nagsusubuan na sila ng birdseeds..
pero dumating din iyong time na parang tinataboy parati nung babae yung kapares niya..
so naisip ko na palitan na lang iyong kapares ni Yellow-Girl..
si Blue ang pinaka-senior sa mga budgie ko, at hindi nga naging matagumpay iyong pagbi-breed niya doon sa una niyang kapares na patay na ngayon (na si White)..
tapos medyo naging alanganin pa ako sa gender ng kapares niya dapat na si Beige, dahil nagko-courting gesture siya, at maingay siya gaya nung 2 pang lalaki, pero minsan naman eh nagpapasubo siya ng birdseeds..
kaya naisip ko na si Blue na muna ang paunahin kay Yellow-Girl, since mas matanda siya, sayang naman pati yung breed niyang color blue kung mamamatay lang siya sa katandaan..
ayun nga..
pinagpalit ko na yung pares..
tapos isang kulungan lang ang gamit nila..
pero sadya namang nalalagyan iyon ng divider sa bandang gitna..
at hindi ko inasahan na magiging masyadong aggresive iyong mga lalaki..
kapag napapalapit o napapakapit sila doon sa divider eh kinakagat sila noong nasa kabilang panig ng kulungan..
at are na nga ang nangyari:
si Beige iyong nasa pinaka-likod..
si Yellow-Boy areng nasa bandang harap..
kung mapapansin nyo sa picture na 'to eh putol na yung isa niyang kuko sa right leg niya..
nagalit talaga ako dito kasi siya iyong mas aggresive, at parati pang pasaway na hindi na nasanay kapag ipinapasok ko ang aking kamay sa kanilang kulungan..
hindi ko alam kung paano talaga naputol iyong kuko niya..
si Yellow-Girl iyong nasa bandang likod..
sa Blue naman areng nasa harap..
sa oras na 'to eh hindi na masyadong halata iyong pagdudugo ng isang daliri sa right leg niya rin, dahil napakapit na siya sa kung saan-saan doon sa loob ng kulungan..
narinig ko na lang na malakas iyong huni nila..
tapos nang i-check ko, eh nakita ko na lang na kagat-kagat na ni Yellow-Boy iyong paa niya habang lipad naman siya nang lipad sa kagustuhang makawala doon sa isa..
sa ngayon eh mukha namang ayos na ang lagay ng daliri niya sa paa..
kung mapapansin nyo pati yung perch nila eh may bahid na rin ng kanyang dugo..
ang itsura ng ibaba ng kulungan matapos ang malagim na insidente..
kahit iyong divider ng kulungan eh punung-puno rin ng dugo..
ayan nga at may ipot pa, eww, LOL..
at ang natutunan ko..
- huwag basta paghihiwalayin ang mga budgie na magkapares na lalo na't nagsusubuan na sila ng birdseeds
- huwag ipapares iyong hen sa ibang cock, lalo na kung nasa kadikit lang na kulungan iyong dating kapares nung babae, dahil madugo ang posibleng maging resulta nun
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)