Mga Pahina

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na emo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na emo. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Marso 17, 2013

Lotus' Death Anniversary (March 18, 2013)

ginawa ko ng death anniversary..
dahil parang pinatay na rin nila ako (bilang isang kolektor) at siya (bilang isang collector's item na hindi naman nararapat na mapasakamay ng kung sino lang - lalo na at hindi naman marunong t-um-rato nang ayos ng mga collectible action figures) simula noong araw na nadiskubre ko ang tungkol sa pagkawala niya...



ang taong galit ay hindi marunong makalimot..
nasaan na ba ang konsepto ng KARMA sa istoryang ito..??



745 views as of today..
kaya naman thank you sa lahat ng nag-view..
hindi mala-Gangnam Style..
pero at least naka- more than 365 hits sa loob ng halos isang taon...


ayun..
bale, anniversary na nga ng pagkawala ng Lotus ko sa poder ng LBC na yan..
hindi ko alam kung anong araw siya mismo nawala..
March 19 kasi yung sinabi sa akin nung sender na expected delivery date..
pero base doon sa manifesto na ipinakita sa amin nung LBC hub eh March 18 nag-attempt sila at nag-fail sa delivery dahil nagka-error nga sa address ko..
pero ang masama talaga na nangyari ay hindi man lang nila kinontak yung sender para ma-clarify man lang iyong posting address ko..
same day, nag-return to sender daw sila gamit ang panibagong tracking number..
at nawala na nga lang sa hindi maipaliwanag na dahilan iyong package ko...

hanggang ngayon, nakakaasar pa ring isipin kung paano pinaikot-ikot ng mga tauhan nila iyong usapan..
nagturuan na sila nang nagturuan kung nakanino na yung package..
iyon pala ay hindi na rin ma-track ng mismong sistema nila iyong item ko..
ngayon, nasaan naman ang pagiging HARI doon ng padala..??
nasaan ang katiwa-tiwalang serbisyo..??
almost 4 years ang ginugol ko sa paghahanap ng ganung rare na item, tapos heto at nadadagdagan na naman ang panahon ng paghahanap ko...

hindi ko rin matanggap na kahit iyong reklamo namin ng sender sa DTI at Philippine Shippers' Bureau eh iniwasan lang ng mga ipinatawag na tauhan ng LBC..
nasaan naman ang hustisya doon..?

kung pwede lang magkatotoo ang mga kahilingan ko..
sana lang ay karmahin iyong may mga kasalanan..
MALUGI na ang DAPAT na MALUGI...



heto ang links sa ilan pang related na videos:

http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/10/my-lotus-nightmare.html
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/05/courier-101-local-shipping-lbc.html
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/12/courier-101-local-shipping-lbc-part-2.html

Martes, Nobyembre 06, 2012

Gas Stove Heat Amplifier & Death of a Budgie


para sa public interest..
kamakailan ko lang napansin ang kakayahan ng device na 'to..
hindi ko alam kung ano talaga ang tawag dito..
pabilog siya na bakal na may metal wire na pinaikot-ikot sa loob nung bilog na bakal na parang sapot ng gagamba, tapos ipinapatong siya sa kalan para mag-absorb at mag-emit ng init at the same..
bale ina-absorb niya yung init na mula sa apoy ng gas stove tapos ie-emit rin niya na parang nagbabagang uling...

ang napansin ko eh mas mabilis siyang makaluto (particularly tuwing nagsasaing ako ng bigas)..
usually naiiwanan ko yung pagsasaing ko habang nanonood ng 30-minute na programa, at nakakailang segment ako bago ako makatapos ng pagsasaing..
pero kapag gamit ko yung device na 'to.. halos isang segment lang nung programa ang napapanood ko pa lang eh halos paluto na yung kanin..
ang totoo nga nyan eh dalawang beses na akong nakasunog ng kanin dahil naiwan ko sa kamay ng kagamitan na 'to..
basta ganung kabilis lang, kailangan lang i-check kung bumulak na, tapos sa unang commercial nung programa hinaan ang apoy para sa pag-in-in, at dahil medyo energy efficient rin yung gamit naming kaldero, hihintayin lang na mawala yung tubig tas pwede nang patayin yung stove at hayaang yung kaldero na ang umin-in dun sa kanin...

---o0o---

at bad news para sa akin..
kamakailan lang nagka-itlog na for the first time yung mga budgie ko, ever since mapunta sila sa poder ko..
kaso nagka-problema yung babae, at nagkaroon siya ng prolapsed cloaca, kung saan yung tissue o muscle o kung ano man yun na nagho-hold at magtutulak sana dun sa itlog palabas ng katawan niya eh lumabas rin at bumulwak sa may puwitan niya..
mukhang meron pa siyang ibang itlog na kailangang lumabas..
usually, dapat every other day ang pangingitlog nila hanggang sa maiitlog na lahat, kaso ilang araw na siyang atrasado sa schedule..
sinubukan ko siyang tulungan..
pero kanina lang eh bumigay na yung katawan niya at natagpuan ko siyang patay sa pugad nila..
mukhang sinubukan pa niyang ilabas yung itlog na nasa loob ng katawan niya, pero hindi na niya kinaya..
at yung ang masaklap na istorya ng first budgie family ko sana...

isang malaking patunay na lahat ng maugnay sa akin ay nadadamay lang sa mga kamalasan ko sa buhay...

Linggo, Oktubre 07, 2012

My Lotus Nightmare


ilang buwan na nga ba..?
halos pitong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mawala sa akin yung Lotus unit ko..
ni hindi ko nga siya nakita sa personal kundi sa picture lang sa ebay, at tsaka yung details tungkol sa shipment niya dun sa website na ni hindi ko alam kung binura na nung kompanya sa records nila sa ngayon (after a few months kasi simula nung nangyari yung insidente, tas kapag sinusubukan kong i-track sa website nila yung package gamit yung 2 tracking number na ini-assign sa parcel ko, eh error na yung lumalabas na result, hindi gaya nung mga naunang buwan.. tapos hindi na rin naman ako makapagtanong sa Facebook page nila dahil nai-block nila yung account ko.. tapos wala rin namang nagre-reply sa email)...

hanggang ngayon sumasama ang loob ko kapag naaalala ko yung nangyari..
pero kahit nakaka-badtrip, ginagamit ko pa rin yung picture nya bilang wallpaper ng computer ko, wallpaper ng cellphone ko, at profile pic ko sa Facebook..
para kasi maalala ko kung ano yung importanteng bagay na kailangan kong mabawi...

kahit nasabi ko na napatawad ko na yung ibang taong involved sa pagkawala nung unit ko, hindi ko pa rin maiwasan na mapoot kapag naiisip ko na hindi dapat nangyari yung masasamang bagay na yun kung hindi dahil sa naging kapabayaan nila..
parang combo ng kamalasan yung nangyari sa akin nung mga panahon na yun..
after so many years nang paghahanap dito sa loob ng bansa, finally nakakita rin ako ng available unit sa ebay..
siyempre na-excite ako, natuwa nang sobra..
kinailangan ko pa ngang makipad-bid nang mano-mano nang hatinggabi para lang masigurado na makukuha ko yung item sa katapusan ng bidding period..
pero ano nga bang nangyari?
nung pumalpak yung delivery at nagsimula akong mag-imbestiga, paunti-unti ko na lang nadiskubre na nagkamali pala yung staff nung toy store na binilhan ko sa pagsulat nung address ko..
tas are namang mga empleyado ng LBC na nag-handle ng package ko, after mag-fail yung first attempt to deliver (dineliver yung package sa maling address na naibigay sa kanila, at dahil hindi naman talaga ako dun nakatira eh dineclare ako na 'unknown consignee'), eh isinauli daw agad yung item sa sender nang hindi man lang ikina-klaro yung nangyaring failure dun sa sender..
hindi man lang sinubukang i-verify at itama yung address o ano, tapos sabi na ganun daw talaga yung procedure nila na kapag corporate account ang nagpadala ng package eh hindi na nila ibe-verify sa kanila in case na may pagkakamali at agad na ibabalik na lang sa kanila bilang sender yung item..
tapos yung ibang empleyado naman nila iginigiit na mali yung naging desisyon at ginawa nung mga tauhan nila doon sa delivery hub...
nasaan ngayon yung tamang procedure dun? bakit sila-sila ang nagturuan kung sinong mali at kung ano yung maling ginawa? eh iisang kompanya lang naman sila eh...

una kong nakita yung Lotus unit at yung mga kasamahaan nya habang nagba-browse sa website ng Spawn..
naisip ko kasi na impressive yung sculpt nung mga prototype figures nila at hindi na rin naman masama yung mga mass produced copies..
bale sa lahat nung characters na naka-feature dun sa website nila, tatlo yung pinaka-napansin ko..
sumagi sa isip ko na humanap at bumili nga ng mga yun, ..pero hindi naman masyadong seryoso kasi baka nga naman wala namang available dito sa loob ng bansa (nakakatakot naman kasi ang buwis ng mga imported products)..
tapos ilang araw ang makalipas naghahanap ako ng ibang line ng action figures na pwede kong bilhin sa isang mall na within the city lang, at laking gulat ko kasi andun yung dalawang Spawn figures na target ko..
and to think na yung tatlo kong napili eh hindi naman talaga pare-parehas ng series na kinabibilangan o yung date kung kailan sila ni-release, eh naisip ko na parang destiny naman yun na nakita ko agad yung dalawa nang sabay..
at dahil may pagka-impulsive buyer ako, eh binili ko nga agad sila..
at dahil dun, mula sa pagiging 'hindi naman talaga seryoso', eh naging pursigido na akong kumpletuhin yung Spawn Trinity ko - na are na nga lang Lotus na character ang kulang...

for almost 4 years, naghanap ako nang naghanap dito sa bansa..
at nung finally makakita na ako at masyadong na-excite na makumpleto yung koleksyon ko..
sa loob lang ng ilang araw, bigla na lang binawi sa akin yun ng tadhana na para bang combo nga ng mga kamalasan..
sa totoo nga lang simula noon, parang sunud-sunod ng kamalasan ang nangyari sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko..
naranasan kong gumuho ang isang maiko-consider kong long term na pangarap..
isa sa pinakamasasakit kong alaala sa buhay, bukod dun sa insidente kung saan pinagnakawan ako ng pinagsususpetyahan kong biological (ibig sabihin - kapamilya) sa loob ng sarili naming pamamahay..
at yung 'almost 4 years' na yun, naging 'more than 4 years and counting' pa dahil sa basurang insidente na yun...

a few months after nang masigasig na pagpa-followup ko dun sa insidente..
wala ring nangyari at parang nauwi lang ang lahat ng kapaguran ko at ng mga taong tumulong sa akin sa wala..
the last move sana ng ahensya ng gobyerno para sa akin ay yung mediation meeting na ini-schedule ng Philippine Shippers' Bureau (o kung anuman yung tamang spelling o paglalagay ng punctuation)..
para sa akin, sa LBC, at sa lahat ng taong invloved..
pero hindi naman sumipot yung may sala eh, ni hindi nga daw sinasagot yung pagkontak sa kanila nung nasabing ahensya..
after nun wala na akong balita...

hanggang ngayon marami pa rin akong katanungan na hindi nasasagot..
kung bakit may mga tangang empleyado ng kompanya?
may naparusahan na ba dahil sa palpak na serbisyo?
kung saan nga ba napunta yung item ko? ninakaw ba ng empleyado nung kompanya? o nahulog ba sa sasakyan habang ibinabiyahe? kasi hindi naman talaga katanggap-tanggap na sasabihin nila na basta na lang yun nawala na parang bula..
nawala yun, pero saan nga ba siya napunta?
kaninong bahay kaya siya naka-display ngayon?
responsableng kolektor ba ang nagma-may-ari sa kanya ngayon, o baka naman ginawa na lang siyang laruan ng isang batang mahilig manira ng mga gamit?

kung tutuusin hindi naman dapat naging malaking problema para sa akin ang lahat kung may maraming pera lang ako..
isang item lang naman yun eh..
madali lang dapat na palitan, kapalit ng malaking halaga ng salapi..
pero sino ba naman ako..
sa ngayon puros masasamang alaala at mga gabi ng bangungot lang ang naiwan para sa akin...

ang masama pa dun, kahit gaano ko kagustong maging bayolente at magtapon ng buhay ng mga walang kwentang tao - hindi naman ako hahayaan ng mga batas at ng mismong society na makaganti man lang sa mga tumarantado sa akin...


image is from www.spawn.com...
click here for a related post...