para sa public interest..
kamakailan ko lang napansin ang kakayahan ng device na 'to..
hindi ko alam kung ano talaga ang tawag dito..
pabilog siya na bakal na may metal wire na pinaikot-ikot sa loob nung bilog na bakal na parang sapot ng gagamba, tapos ipinapatong siya sa kalan para mag-absorb at mag-emit ng init at the same..
bale ina-absorb niya yung init na mula sa apoy ng gas stove tapos ie-emit rin niya na parang nagbabagang uling...
ang napansin ko eh mas mabilis siyang makaluto (particularly tuwing nagsasaing ako ng bigas)..
usually naiiwanan ko yung pagsasaing ko habang nanonood ng 30-minute na programa, at nakakailang segment ako bago ako makatapos ng pagsasaing..
pero kapag gamit ko yung device na 'to.. halos isang segment lang nung programa ang napapanood ko pa lang eh halos paluto na yung kanin..
ang totoo nga nyan eh dalawang beses na akong nakasunog ng kanin dahil naiwan ko sa kamay ng kagamitan na 'to..
basta ganung kabilis lang, kailangan lang i-check kung bumulak na, tapos sa unang commercial nung programa hinaan ang apoy para sa pag-in-in, at dahil medyo energy efficient rin yung gamit naming kaldero, hihintayin lang na mawala yung tubig tas pwede nang patayin yung stove at hayaang yung kaldero na ang umin-in dun sa kanin...
---o0o---
at bad news para sa akin..
kamakailan lang nagka-itlog na for the first time yung mga budgie ko, ever since mapunta sila sa poder ko..
kaso nagka-problema yung babae, at nagkaroon siya ng prolapsed cloaca, kung saan yung tissue o muscle o kung ano man yun na nagho-hold at magtutulak sana dun sa itlog palabas ng katawan niya eh lumabas rin at bumulwak sa may puwitan niya..
mukhang meron pa siyang ibang itlog na kailangang lumabas..
usually, dapat every other day ang pangingitlog nila hanggang sa maiitlog na lahat, kaso ilang araw na siyang atrasado sa schedule..
sinubukan ko siyang tulungan..
pero kanina lang eh bumigay na yung katawan niya at natagpuan ko siyang patay sa pugad nila..
mukhang sinubukan pa niyang ilabas yung itlog na nasa loob ng katawan niya, pero hindi na niya kinaya..
at yung ang masaklap na istorya ng first budgie family ko sana...
isang malaking patunay na lahat ng maugnay sa akin ay nadadamay lang sa mga kamalasan ko sa buhay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento