noong isang araw yung character ni Seol ang namaalam sa istorya na 'to..
at kagabi naman, si Prinsipe Yang Myung na yung nagpapatay sa sarili niya..
malungkot yung character niya, isang nilalang na tila pinagdamutan ng kapalaran at tradisyon ng kanilang kaharian - sa kapangyarihan at maging sa kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya..
pero sa kabila ng lahat, nabiyayaan naman siya ng kabutihan sa kapwa at ng maraming kaibigan...
nakipagtulungan siya sa kapatid niyang hari upang makilala lahat ng kanilang mga kalaban sa palasyo at para na rin tuluyan nilang malupig ang mga ito..
ginamit ng mga kalaban ang kanyang titulo at maging ang paghahangad niya na makuha si Yeon Woo upang mahikayat nila siya sa kanilang panig..
bilang isang prinsipe na posibleng maupong hari, pakunwari siyang nakipag-sabwatan sa mga corrupt na ministro upang mag-plano ng isang kudeta upang mapatalsik ang kasalukuyang nasa trono..
hiniling niya sa mga bago niyang taga-suporta na lumagda sa isang listahan na iyon pala'y gagamitin niya bilang katibayaan ng pagtataksil ng mga ito sa bayan..
lumikha siya ng isang plano ng pananambang sa hari kasabay ng nakatakdang araw ng pangangaso ng mga tauhan ng palasyo, na iyon pala'y isang bitag lamang sa grupo nila upang maubos na ang mga totoong kalaban ng bayan..
nagtagumpay ang kanilang totoong pakay..
ni hindi man lang nasugatan ang prinsipe sa naging labanan at siya pa nga ang tumapos sa halos lahat ng mga pangunahing kalaban..
subalit isang kawal sa panig ng mga kaaway ang may natitira pang lakas upang maghagis ng isang spear..
binalaan ng hari ang kapatid niya tungkol dito, ngunit sa halip na umiwas sa nakaambang panganib, binitawan ng prinsipe ang kaniyang espada at humarap sa spear na inihagis sa kanya...
sa puntong iyon natanggap na niya ang kanyang kapalaran..
at bilang isa ring 'Araw' o potensyal na hari..
mas ginusto na niyang mamatay nang hindi na mag-alala pa ang kanyang kapatid tungkol sa agawan sa trono..
pinagtapat niya rin dito ang pagkainggit niya dahil siya ang pinili ni Yeon Woo na mahalin..
inamin niya na rin na totoong minsan hinahangad niya na makuha ang trono dahil kay Yeon Woo, subalit ang pagmamahal niya sa kanya mismong kapatid at sa kanyang mga kaibigan ay sapat nang dahilan para iwasan niya ang masamang idinidikta ng kanyang puso...
bilang review..
mas naunang magkakilala sina Prinsipe Yang Myung at Yeon Woo, ngunit sa isang hindi kanais-nais na pangyayari..
noon pa man minahal na niya ito..
subalit tila nakatakda talaga ang kanyang kapatid at ang babaeng kanyang pinaka-iibig..
kaya siguro pinakamainam na rin na namatay siya dahil ang kaisa-isang taong kanyang hinahangad sa buhay ay kailanman ay hindi na mapapasakanya..
halos katulad rin ng love story ni Seol...
isa siya sa pinaka-interesanteng character sa istorya na 'to..
siya yung mas maagang nagkaroon ng kaugnayan sa iba pang mga character nung kwento:
- si Woon, na eventually ay parang naagaw sa kanya ng kapatid niyang hari dahil sa kapangyarihan at sa isyu ng katapatan.. pero kahit nagkaganoon gumagawa pa rin ng panahon para sa kanya ang dating matalik na kaibigan.. sa kanlungan ni Woon namatay ang kaibigan niyang prinsipe na lubos niyang ikinalungkot..
- ang kapatid ni Yeon Woo.. siya yung mas nanatili na karamay ng prinsipe sa pagdaan ng panahon sapagkat mas madali siyang mahagilap dahil na rin nawalan siya ng kakayahan na maglingkod sa bayan..
- ang ama ni Yeon Woo na naging guro niya at itinuring rin niya na parang isang ama..
- si Lady Jang.. nag-krus ang mga landas nila noong panahon na iniligtas ng prinsipe si Jan Shil..
- si Jan Shil.. cute yung samahan nila.. isang isip bata at isang kuya.. minsang iniligtas ng prinsipe ang buhay niya sa sindikato na gumagamit ng mga bata at pinagpapanggap itong may kakayahang manghula upang manggantso ng mga tao.. nakatakas sila at si Lady Jang na ang kumupkop sa kanya simula noon.. mabait siya sa prinsipe at sinusuportahan ang mga gusto nito.. minsan na niyang sinuway ang mahigpit na bilin ni Lady Jang para gumawa ng paraan upang muling magtagpo ang landas ng prinsipe at ni Wol (si Yeon Woo noong mga panahon na wala pa siyang naaalala tungkol sa kanyang nakaraan)...
- si Seol.. nakakalungkot isipin na tila hindi man lang nagkakilala at nagkasama ni minsan sina Prinsipe Yang Myung at Seol...
sina Jan Shil at Seol..
ang mga cute na kaibigan ni Yeon Woo..
si Seol ay isang babaeng mahusay sa espada at si Jan Shil naman ay isang babaylan na may malakas na potensiyal..
higit na mas bata si Jan Shil kina Seol at Yeon Woo, pero pasaway siya at sumasagot kay Seol paminsan-minsan...
si Jan Shil kapag naka-bihis babaylan..
mas bagay sa kanya yung nakalugay na buhok..
dito kasi parang manipis yung buhok niya at mataba ang pisngi..
kaya mas gusto ko yung cute na casual niya...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento