Mga Pahina

Lunes, Hulyo 22, 2013

Stupid Balikbayan Caller & The Same Mobile Number (??)

kahapon may anonymous number na tumawag sa cellphone number ko..
sa itsura nung numero eh mukhang landline yung gamit at mula sa kung saan..
(085) 300-**** eh, pero siyempre naka-register yun sa cellphone na dikit-dikit lang yung pagkasulat sa mga numbers na nabanggit...

akala ko naman eh kung ano lang..
pero yun ang naging pinaka-nakakabuwiset na tawag na natanggap ko sa buong buhay ko...

tila matandang lalaki yung kausap ko sa kabilang linya, base sa dating ng boses niya..
may hinanap kaagad siya sa akin na kung sino (lalaki yata) pagka-'hello' ko..
eh wala namang ganung tao dito sa bahay, kaya natural sinabi ko na wala ngang 'ganun' na nakatira sa amin at baka naman nagkamali lang siya ng number na na-dial..
pero iginiit niya na siya ang tama..
sa katunayan eh idinikta pa nga niya sa akin yung number na tinatawagan na niya, at yun na yun nga mismo ang numero ko..
ang ipinagtataka ko eh kung bakit niya kini-claim na tama yung number na tinatawagan niya..?

at sa puntong yun..
eh lumabas na yung kabobohan at pagiging assuming nung mama..
ang tanong ba naman kaagad sa akin eh - "paanong wala dyan si ****, tama naman ang number na tinawagan ko, paano mo nakuha ang number niya?"..
siyempre dahil medyo tunog matanda na yung kausap ko, eh mas pinili kong maging mahinahon sa pakikipag-usap sa kanya..
sinabi ko na hindi ko rin alam, na baka nagkamali nga lang siya ng pag-dial..
tinanong niya ako kung gaano na katagal sa akin yung number ko..?
ang sabi ko eh mga dalawang taon na, dahil yun yung time na nagpalit ako ng cellphone..
(pero ang totoo eh nagkamali pala ako ng sagot, dahil gamit ko na nga pala yung number ko matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)
tapos eh bigla ga naman siyang nakadali na, "oo nga, 2 years ago (na parang nakisang-ayon lang siya sa akin) natawagan ko ang kaibigan ko sa number na yan, kaya paano yang napunta sa'yo..?"..
sinubukan ko pa ring magpaliwanag na hindi ko rin alam kung paanong nangyari yun..
pero sa halip na makinig, eh nagmagaling pa talaga siya sa akin..
paano daw napunta sa akin ang number ng kakilala niya..?
baka daw nawala yun, tas ako ang nakakuha..?
o baka naman daw nawala yun, tas ako ang nakabili..?
tinamaan na talaga ako ng buwiset dun sa matanda sa oras na yun..
ni hindi niya ako kilala..
tapos mag-a-assume siya kaagad na magnanakaw ako ng cellphone, o manlilimot ng nawalang cellphone, o bumibili ng nakaw na cellphone..?
anak ng pota naman o'...

pero kahit na na-badtrip na ako eh sinubukan ko pa ring magpaliwanag pa rin..
sinabi ko na imposibleng mangyari yun dahil sim card mismo ang binili ko dati (yun nga eh matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)..
ano ako tanga, para bumili ng sim card na gamit na at tanggal na dun ca card..?
nakalimutan ko pa ngang sabihin na baka gusto niyang ipakita ko pa sa kanya yung kahon ng cellphone ko at yung lalagyan nung sim card ko eh..
balikbayan daw siya..
at doon sa number na katulad ng sa akin niya na-contact dati yung kaibigan niya, 2 years ago..
tumawag daw siya para ipaalam sa kaibigan niya na nakabalik na siya ng bansa..
at ibinida pa niya na nakatingin siya sa Facebook noong mga oras na yun, at muling idinikta sa akin yung number na tinatawagan niya base sa pagkabasa niya..
ang huli kong nasabi sa kanya eh hindi ko rin talaga alam kung paanong nangyari yun, na baka nagkamali lang yung kaibigan niya o siya ng pagsulat dun sa number..
matapos yun eh parang napagod na rin siya sa pakikipagtalo, at di bale na lang daw, sabay baba ng telepono...
nakakaasar kasi parang siya yung nanalo sa usapan namin..
na parang kumbinsido talaga siya sa sarili niya na gumawa ako ng masama para lang makuha ko areng number ko at cellphone ko...

pero ang mas ipinagtataka ko eh..
posible kayang totoo yung sinasabi nung bastos na matanda na kaparehas ng cellphone number ko yung cellphone number nung kakilala niya..?
dahil kung sakaling totoo yun eh delikado yun para sa akin..
unang-una na dahil may kadikit na iba't iba at mga mahahalagang account ang mobile number ko..
at isa pa, ginagamit ko rin 'to sa maraming business transactions...

ang isa ko pang naiisip eh..
posible kayang panibagong scam lang yun para sa mga cellphone users..?
baka kako katulad lang nung mga anonymous texters na nagkukunwaring may gustong ipadala sa kung sino man ang ma-target nila..
at kung 'oo', eh sa paanong paraan kaya naman yun magagamit sa scam nung mga pesteng caller na yun..?

Martes, Hulyo 16, 2013

Budgies Update: June 29, 2013 - Death of Blue

late post na...



June 29 nga, 2013, 10 days after kong madiskubre na parang may sakit si Blue..
eh are..
nagko-computer ako noon nang tawagin ako ng nakatatanda kong biological brother sa likod bahay namin..
may ipagbibilin lang sana siya sa akin eh..
nang bigla niya akong tanungin kung patay na ba daw yung ibon ko..
kinilabutan ako sa tanong niya..
at kaagad nga akong tumingin sa kulungan ni Blue..
nanlumo ako nang makita ko na nakalupagi na ang pinaka-guwapo kong ibon sa may lapag nung kulungan niya..
kaagad ko siyang nilapitan, at napansin ko na buhay pa pala siya - subalit naghihingalo na..
sinisipulan ko siya at talagang naiimulat pa niya yung mga mata niya para tumingin sa akin..
maging ang mga paa niya ay naisisipa pa naman niya...

nakakabigat ng pakiramdam na masaksihan mong unti-unting namamatay ang alaga mo..
nang dahil ano..?
nang dahil lang ayaw sa existence mo ng mga pesteng bathala..?
pakiramdam ko isa lang talaga akong guinea pig na testing-an ng mga pagdurusa sa buhay..
na kahit sa anong bagay, at kahit na ano pang gawin ko, na puros kamalasan at kabiguan lang ang matatamo ko...

sa takot ko na baka makahawa pa si Blue ay inalis ko na siya sa kulungan niya..
inilipat ko siya doon sa may mesa sa terrace namin..
buhay pa rin siya noong mga oras na yun..
nilagyan ko ng harang ang paligid niya upang hindi naman siya mapag-trip-an pa ng mga pusang gala sa lugar namin..
bumalik na ako sa pagko-computer ko na mabigat ang aking loob dahil tanggap ko na ang magiging kapalaran ng aking alaga..
at matapos akong mag-computer, eh patay na siya nang muli ko siyang silipin...

inilibing ko rin siya sa may likod bahay namin..
sa halos kaparehong lugar na pinaglibingan ko noon sa original niyang ka-partner na si White...

ewan ko ba..
yung mga ganitong sitwasyon eh pinaparamdam talaga sa akin ang kawalan ng pag-asa sa buhay..
si White ay halos dalawang taon lang ang inabot sa poder ko..
samantalang si Blue ay dalawang taon at halos anim na buwan lang ang inabot..
after almost 2 years, eh saka pa nagtagumpay yung dalawa sa pagkakaroon ng itlog..
pero hindi fit si White para mangitlog at dahil dun eh napahamak ang buhay niya..
dahil sa biglang pagkawala ni White eh nauwi lang yung kaisa-isa niyang naiwang itlog sa pagka-bugok..
at makalipas nga ang halos anim na buwan, kung kailan breeding season na ulit, eh bigla namang nagkasakit at eventually eh namatay nga itong si Blue..
puros kabiguan na lang...

sa ngayon, may tatlo na lang budgies na naiiwan sa poder ko..
at sa totoo lang, eh natatakot na rin ako para sa kaligtasan nila..
bayolente ang mga bathala sa mga nilalang na ayaw nila, yun ang tingin ko sa mga pangyayari sa buhay ko..
at siyempre, natatakot ako na baka maging sila eh idamay pa ng mga lintik sa kamalasang ipinaparanas nila sa akin...

Lunes, Hulyo 01, 2013

Hindi ko Maisip kung saang Category siya Nararapat

naalala ko lang..
last June 28..
noong papauwi na ako sakay ng jeep...

may nakasabay akong isang mabokang mukhang mas bata pa kesa sa akin na lalaki..
ka-tipo niya yung batang Aeta (yata yun) na sumali dati sa Talentadong Pinoy at PGT..
nakaupo sila nung kausap niyang babae sa dulo ng jeep, sa may bungad..
ako naman ay nagdi-diretso sa kabilang dulo, malapit sa driver..
dahil nakasanayan ko nang sa ganung banda umupo para hindi ako nakakaistorbo ng ibang pasahero kapag magbabayad na ako...

noong nakaupo na ako..
biglang lumapit yung bata at nakisabay sa pagbabayad ko..
tas biglang nagtanong sa akin..
"sa call center po ba kayo nagta-trabaho?"..
ang sagot ko naman eh "hindi" (bale sa buong buhay ko, pa-tatlong beses na yun na may nagtanong sa akin kung sa call center ba ako nagta-trabaho, siguro dahil sa buhok ko)..
mukha ba talaga akong taga-call center..?
anyway..
itinuloy niya yung interview niya..
"saan po ba kayo nagta-trabaho? para po kasing pamilyar kayo sa akin?"..
napaisip tuloy ako, are ga kaya'y modus? eh ano naman kayang klase ng gimik are..?
sinagot ko tuloy siya "ah.. hindi kasi nagta-trabaho"..
"hindi po kayo nagta-trabaho..!?" ang parang nagulat niyang reaksyon..
tapos nagdagdag na naman siya ng tanong, "eh bakit po ayaw nyong magtrabaho kuya?"..
(in fairness, marunong naman siyang gumalang at hindi niya ako napagkamalang babae pati..)
dineretsa ko tuloy ang makulit na bata ng sagot na "ayoko eh"..
nagtanong pa rin siya, "hindi nyo lang siguro tipo yung ganun.. eh business po, baka naman may business po kayo..?"
talagang napapaisip na ako noon, ano ba talaga ang gustong palabasin ng feeling close na batang 'to..?
sinagot ko pa rin siya, "ah.. parang ganun na nga..."..
tas talagang c-in-areer na niya yung interview niya sa akin, "ano pong business?"..
naisip ko tuloy na sumusobra na siya para alamin pa yung nature nung business na hawak ko..
sabi ko tuloy eh "hindi ko pwedeng sabihin eh"..
tas siya naman eh, "ah, ganun po ba, curious lang po ako, eh kasi ayoko rin naman pong maging habambuhay na lang na ***** (hindi ko masyadong na-gets yung word), kaya baka naman po may maibibigay kayo sa aking mga tip o advice..?"..
sabi ko tuloy eh "naku, hindi naman ako magaling sa mga ganyan"..
tapos talagang parang pursigidong-pursigido siya, "ganto na lang po, may number po ba kayo, baka naman po may number kayo na pwede kong i-text??"..
tas sabi ko na lang eh, "naku, hindi na"...

mga ilang saglit rin siyang nanahimik..
eh parami na nang parami yung sakay nung punuang jeep na nasakyan ko..
tapos hindi pa rin siya umaalis dun sa upuan sa tapat ko..
maya-maya eh humirit na siya ng last offer niya..
"ah ganito na lang kuya, iiwanan ko na lang sa inyo yung number ko, tapos kung sakaling may time kayo, i-text nyo na lang ako.."..
aba't anak are ng puta, uutusan pa ako!?
eh sarili ko ngang buhay eh sira-sira na, tas hihingan pa niya ako ng payo..
basta sabi ko na lang eh, "naku, hindi na, hindi talaga ako magaling sa mga ganyang bagay.."..
matapos nung sagot kong yun eh nagpaalam na rin siya sa wakas at bumalik na dun sa katabi niyang babae...

minsan nakaka-buwiset din yung mga ganung klase ng tao..
basta-basta ka na lang kakausapin..
at tungkol pa sa mga bagay na wala ka rin namang alam...

ang lesson nung story..
hindi lahat ng lalaking naka-formal attire eh successful na professional..
kung successful ako, edi hindi na sana niya ako nakasabay pa sa jeep lalo't medyo nakabihis ako noon..
at ang isa pang lesson eh..
huwag basta-basta magtitiwala sa mga taong nagke-claim na kakilala ka nila o na pamilyar ka sa kanila...