Mga Pahina

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Buwis sa Online Selling?

sandali nga..
balak bang patawan ng buwis ng BIR (Bureau of Internal Revenue) ang mga bagay na binebenta online?
ibig bang sabihin titirahin rin nila ang ebay??

hindi ko pa sigurado yung buong detalye..
narinig ko lang kasi sa balita kagabi..
yung mismong term na ginamit eh 'online shopping'..
kaso base sa comment nung isang buyer na na-interview eh parang online buy-&-sell community in general yung tinutukoy nya?
ang komento nya kasi ay maganda nga daw kung ire-regulate din ang mga online stores para masiguro na yung mga legitimate at authentic lang na sellers ang matitira para na rin sa proteksyon ng mga buyers...

pero ang punto ko eh..
paano naman yung mga nagbebenta lang ng mga second hand na produkto?
yung mga gusto lang magdispatsa ng mga bagay na hindi na nila nagagamit?
o kahit anong pwedeng ibenta na hindi naman commercial in quantity?
sisikilin ba na naman nila yung kalayaan ng mga tao??

ang taxation ang isa sa mga bagay na hindi ko lubos na maintindihan..
para ngang isa sya sa mga bagay na pumapatay talaga sa mga tao..
raw products pa lang binubuwisan na ang mga bagay-bagay..
kapag ibiniyahe ang mga yun may buwis din..
lahat ng resources na magagamit sa pagproseso ng mga yun may buwis din..
kapag ibinenta na may buwis din..
kapag na-convert na sa panibagong produkto may buwis na naman..
yung iba nga eh may buwis pa pati yung mismong pagkonsumo gaya na lang sa mga fastfood restaurant at ngayon eh yung sin tax..
paulit-ulit lang yung proseso..
gusto ba talaga nila na kikita sila ng pera sa tuwing may item na malilipat ang pagmamay-ari??

hindi ko pa talaga alam kung ano nga ba ang mangyayari..
pero sana naman magkaroon naman sila ng konsiderasyon..
yung mga active sellers na lang ang buwisan nila..
yung mamahaling mga items tulad ng mga electronic gadgets ang ibinibenta..
o yung commercial in quantity yung dating ng mga transaksyon...

walandyong buhay are..
kaya yata hindi pa rin ako naa-approve sa paggamit ng selling feature ng ebay eh...T,T

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Courier 101-A: Local Shipping (LBC) - Part 2

ang post na ito ay related sa naunang post na nandito..

bale halos katatanggap ko lang ng isang panibagong package ngayong araw..
akala ko nga sa JRS Express ipapadala nung nabilhan ko nung item, pero sa LBC naman nila ipinadala...

anyway..
binigay agad nung seller sa akin yung tracking number na na-assign sa parcel ko (na hindi ko na ipapakita for security purposes)..
at nagtaka lang ako sa nakita ko nung ginamit ko yung 'TRACK' function o feature ng website ng LBC...

narito ang ilang larawan na na-printscreen ko (itinago ko ang ilang detalye para pa rin sa security reasons):
(click to enlarge the images)



bale masyado lang mahaba yung content para sa monitor ko, kaya kinailangan ko pang hatiin sa dalawang printscreen images..

at mabalik tayo sa latest review ko para sa performance ng LBC..
kung mapapansin nyo yung mga entries lang na nasa loob ng parihabang may linyang color blue ang tumutukoy o naglalarawan sa mga naging activities ng package ko..
halos magkakadikit yung time at date nila at yung mga detalye ay naaangkop talaga para sa lokasyon..

kaso bukod dun sa mga nakasulat sa loob ng parihaba..
halos lahat nung ibang entries (maliban sa tracking number) ay tumutukoy na sa ibang transaksyon na dated August 2012..
ang nakasulat dun sa area ng Transaction at dun sa nalalabing area ng Transaction History ay tumutukoy na sa ibang item, ibang source, ibang transaction date, at history na nangyari sa ibang lugar (bale malayo ang lokasyon ko sa Cebu)..

ang assumption ko base sa mga nakuha kong impormasyon ay posibleng nagre-reuse sila ng mga transaction number..
hindi ko sigurado kung ang system nila ay nagre-reflect rin ng mga actual na copy ng transaction documents nila (pero siguro naman hindi dahil manual ang pag-fill-up dun)..
pero ang concern ko talaga dito is paano kung magkaroon ng pagkakamali para sa isang delivery na nasa kaparehong sitwasyon gaya nito?
halimbawa eh nawala yung package o hindi naging successful ang attempt to deliver..
magiging efficient ba ang LBC kung hindi na accurate yung data na pinapakita ng tracking system??


anyway, hindi naman ako nagta-trabaho sa kanila para malaman ko yung mismong proseso nila..
hindi ko masasabi kung magkaiba pa ba yung tracking system na ginagamit sa website nila at yung mismong tracking system na ginagamit nila sa pag-proseso ng mga transactions ng kompanya..
napansin ko lang naman, kaya ako nagtataka at medyo napapaisip..

pero ang mas mahalaga sa akin ay ligtas na nakarating sa akin ang package ko this time...

Sabado, Disyembre 15, 2012

Taboo

medyo maselan ang topic ko ngayong araw..
pero yung images eh nilagyan ko naman ng censorship...




are naman eh sentiments ko lang bilang isang line artist..
napansin ko kasi na kahit gaano na kamukhang 'liberated' ang halos buong mundo, meron pa ring mga bagay na hindi basta-basta pwedeng i-express at i-share na lang sa ibang tao..
gaya na lang ng ilang form, konsepto, o tema ng art..
at kapag pinilit mong gawin yun - maaaring mag-resulta lang yun sa panghuhusga sa iyo ng ibang tao na akala mo eh kilala na nila ang buong pagkatao mo...

ang punto ko eh..
tutal may mga tinatawag namang fiction o fantasy, eh bakit hindi yun pwedeng gamitin?
hindi ba kaya nga naimbento yung konsepto na yun simula't sapul eh para mag-cater dun sa mga ideya na hindi nag-e-exist sa totoong buhay, o sabihin na nating hindi pwedeng mangyari sa totoong buhay?
hindi ba pwedeng gamitin ang 2D o sa panahon ngayon ang teknolohiya ng 3D sa paglalarawan ng mga pantasya gaya ng ginagawa ng iba tuwing gumuguhit sila ng mga fictional characters at fictional na mga pangyayari gaya ng magic?

tingin ko ang art ay isang paraan para maihayag mo yung mga bagay na:
- basta gusto mo lang ipahayag, sabi nga nila 'freedom of expression'
- ipahayag yung mga fantasy na hindi mo naman magagawa sa realidad dahil talagang fictional lang sila
- ipahayag yung sabihin na nating deepest fantasy na logically speaking eh posible nga namang mangyari sa totoong buhay - pero hindi mo pwedeng gawin, parang mga taboo
- at ang huli i-point out sa mga makakabasa ng gawa mo na may borderline sa pagitan ng fantasy at realidad

halimbawa..
kapag nag-depict ka ng nagtatalik na tao at hayop - hindi automatic na pwedeng sabihin ng ibang tao na zoophile ka at ginagawa mo nga yung bagay na yun sa totoong buhay.. yun eh overgeneralization at isang malaking kahalangan.. pwede namang fan ka lang nung concept sa art form niya.. hindi hamak na mas malinis tingnan ang mga art equivalent nung ganun kesa sa mga totoong eksena.. at safe na safe pa yun, walang germs at walang sakit na posibleng mapasa sa mga character...
o di kaya kapag nag-depict ka ng isang mukhang minor at isang nasa wastong edad na.. hindi rin pwedeng basta-bastang sabihin ng iba na pedophile ka.. posible naman kasi na yung sarili mo yung inilalagay mo sa katauhan nung tila menor de edad na character na nilikha mo.. parang paglalarawan  ng isang pantasya na nakalipas na at hinding-hindi na pwedeng balikan kahit gaano mo pa gustuhin.. ang tanong, matatawag mo pa bang kasalanan kung yung tao (o sa sitwasyon na ito eh yung bata) na mismo ang may alam kung anong gusto niya at kung ano ang gusto nyang mangyari?

sa ngayon marami pang konsepto ang tila hinihigpitan sa paglabas kahit sa internet..
kapag nagkamali ka pwedeng basta na lang nila alisin yung gawa mo nang hindi mo nalalaman..
minsan naman pwedeng ikaw mismo o yung account mo ang tuluyan nilang burahin...

kung pangangalaga sa karapatan ng mga bata o menor de edad ang pag-uusapan..
ang totoo madali lang naman yun kung online rin lang..
andyan yung mga credit card authentication para malaman kung nasa legal age na ba yung viewer o reader..
kung published work naman, eh yun yung medyo problema..
bale kailangang maging responsable ang mga retailers at siyempre ang mga adult buyers upang masigurong hindi maa-access ng mga kabataan yung mga materyales na hindi pa angkop sa kanila..
pero sa panahon ngayon, mukhang malala na ang lahat..
marami na ang iresponsable at may mga pagkakataon na nakakakita ako ng mga sobrang bata pa na nahihilig na sa mga makamundong bagay..
panget mang aminin, pero nangyayari na eh...

at kung impluwensiya naman sa readers o viewers ang pag-uusapan..
well, totoo ngang nakakatakot ang isip ng mga tao - hinding-hindi mo malalaman o masisiguro kung anong gagawin nila..
dahil sa totoo lang meron talagang iba na isinasabuhay ang mga bagay-bagay - kahit na bawal..
pero gaya nga ng sabi ko kanina - meron dapat borderline ang fantasy at reality..
hindi lahat ng makikita o mababasa mo eh pwede mong gawin sa totoong buhay..
parang equation rin lang yun eh, ibabalanse mo lang kung anong tama base sa moralidad ng lipunan na kinabibilangan mo, kung may mabasa kang isang partikular na tema at alam mo naman na hindi yun morally acceptable para sa karamihan eh bakit gagawin mo pa yun?
lalo na yung mga bagay na alam mong makakalabag na sa batas? automatic na dapat iwasan ang mga yun..
dahil sa mga ganitong isyu, hindi rin naman talaga magagawang isisi lahat sa mga tao na nag-su-suppress sa kalayaan nang paglalabas ng mga itinuturing na taboo na konsepto...



Martes, Nobyembre 06, 2012

Gas Stove Heat Amplifier & Death of a Budgie


para sa public interest..
kamakailan ko lang napansin ang kakayahan ng device na 'to..
hindi ko alam kung ano talaga ang tawag dito..
pabilog siya na bakal na may metal wire na pinaikot-ikot sa loob nung bilog na bakal na parang sapot ng gagamba, tapos ipinapatong siya sa kalan para mag-absorb at mag-emit ng init at the same..
bale ina-absorb niya yung init na mula sa apoy ng gas stove tapos ie-emit rin niya na parang nagbabagang uling...

ang napansin ko eh mas mabilis siyang makaluto (particularly tuwing nagsasaing ako ng bigas)..
usually naiiwanan ko yung pagsasaing ko habang nanonood ng 30-minute na programa, at nakakailang segment ako bago ako makatapos ng pagsasaing..
pero kapag gamit ko yung device na 'to.. halos isang segment lang nung programa ang napapanood ko pa lang eh halos paluto na yung kanin..
ang totoo nga nyan eh dalawang beses na akong nakasunog ng kanin dahil naiwan ko sa kamay ng kagamitan na 'to..
basta ganung kabilis lang, kailangan lang i-check kung bumulak na, tapos sa unang commercial nung programa hinaan ang apoy para sa pag-in-in, at dahil medyo energy efficient rin yung gamit naming kaldero, hihintayin lang na mawala yung tubig tas pwede nang patayin yung stove at hayaang yung kaldero na ang umin-in dun sa kanin...

---o0o---

at bad news para sa akin..
kamakailan lang nagka-itlog na for the first time yung mga budgie ko, ever since mapunta sila sa poder ko..
kaso nagka-problema yung babae, at nagkaroon siya ng prolapsed cloaca, kung saan yung tissue o muscle o kung ano man yun na nagho-hold at magtutulak sana dun sa itlog palabas ng katawan niya eh lumabas rin at bumulwak sa may puwitan niya..
mukhang meron pa siyang ibang itlog na kailangang lumabas..
usually, dapat every other day ang pangingitlog nila hanggang sa maiitlog na lahat, kaso ilang araw na siyang atrasado sa schedule..
sinubukan ko siyang tulungan..
pero kanina lang eh bumigay na yung katawan niya at natagpuan ko siyang patay sa pugad nila..
mukhang sinubukan pa niyang ilabas yung itlog na nasa loob ng katawan niya, pero hindi na niya kinaya..
at yung ang masaklap na istorya ng first budgie family ko sana...

isang malaking patunay na lahat ng maugnay sa akin ay nadadamay lang sa mga kamalasan ko sa buhay...

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Yang Myung's Death)

noong isang araw yung character ni Seol ang namaalam sa istorya na 'to..
at kagabi naman, si Prinsipe Yang Myung na yung nagpapatay sa sarili niya..
malungkot yung character niya, isang nilalang na tila pinagdamutan ng kapalaran at tradisyon ng kanilang kaharian - sa kapangyarihan at maging sa kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya..
pero sa kabila ng lahat, nabiyayaan naman siya ng kabutihan sa kapwa at ng maraming kaibigan...

nakipagtulungan siya sa kapatid niyang hari upang makilala lahat ng kanilang mga kalaban sa palasyo at para na rin tuluyan nilang malupig ang mga ito..
ginamit ng mga kalaban ang kanyang titulo at maging ang paghahangad niya na makuha si Yeon Woo upang mahikayat nila siya sa kanilang panig..
bilang isang prinsipe na posibleng maupong hari, pakunwari siyang nakipag-sabwatan sa mga corrupt na ministro upang mag-plano ng isang kudeta upang mapatalsik ang kasalukuyang nasa trono..
hiniling niya sa mga bago niyang taga-suporta na lumagda sa isang listahan na iyon pala'y gagamitin niya bilang katibayaan ng pagtataksil ng mga ito sa bayan..
lumikha siya ng isang plano ng pananambang sa hari kasabay ng nakatakdang araw ng pangangaso ng mga tauhan ng palasyo, na iyon pala'y isang bitag lamang sa grupo nila upang maubos na ang mga totoong kalaban ng bayan..
nagtagumpay ang kanilang totoong pakay..
ni hindi man lang nasugatan ang prinsipe sa naging labanan at siya pa nga ang tumapos sa halos lahat ng mga pangunahing kalaban..
subalit isang kawal sa panig ng mga kaaway ang may natitira pang lakas upang maghagis ng isang spear..
binalaan ng hari ang kapatid niya tungkol dito, ngunit sa halip na umiwas sa nakaambang panganib, binitawan ng prinsipe ang kaniyang espada at humarap sa spear na inihagis sa kanya...

sa puntong iyon natanggap na niya ang kanyang kapalaran..
at bilang isa ring 'Araw' o potensyal na hari..
mas ginusto na niyang mamatay nang hindi na mag-alala pa ang kanyang kapatid tungkol sa agawan sa trono..
pinagtapat niya rin dito ang pagkainggit niya dahil siya ang pinili ni Yeon Woo na mahalin..
inamin niya na rin na totoong minsan hinahangad niya na makuha ang trono dahil kay Yeon Woo, subalit ang pagmamahal niya sa kanya mismong kapatid at sa kanyang mga kaibigan ay sapat nang dahilan para iwasan niya ang masamang idinidikta ng kanyang puso...

bilang review..
mas naunang magkakilala sina Prinsipe Yang Myung at Yeon Woo, ngunit sa isang hindi kanais-nais na pangyayari..
noon pa man minahal na niya ito..
subalit tila nakatakda talaga ang kanyang kapatid at ang babaeng kanyang pinaka-iibig..
kaya siguro pinakamainam na rin na namatay siya dahil ang kaisa-isang taong kanyang hinahangad sa buhay ay kailanman ay hindi na mapapasakanya..
halos katulad rin ng love story ni Seol...

isa siya sa pinaka-interesanteng character sa istorya na 'to..
siya yung mas maagang nagkaroon ng kaugnayan sa iba pang mga character nung kwento:

- si Woon, na eventually ay parang naagaw sa kanya ng kapatid niyang hari dahil sa kapangyarihan at sa isyu ng katapatan.. pero kahit nagkaganoon gumagawa pa rin ng panahon para sa kanya ang dating matalik na kaibigan.. sa kanlungan ni Woon namatay ang kaibigan niyang prinsipe na lubos niyang ikinalungkot..

- ang kapatid ni Yeon Woo.. siya yung mas nanatili na karamay ng prinsipe sa pagdaan ng panahon sapagkat mas madali siyang mahagilap dahil na rin nawalan siya ng kakayahan na maglingkod sa bayan..

- ang ama ni Yeon Woo na naging guro niya at itinuring rin niya na parang isang ama..

- si Lady Jang.. nag-krus ang mga landas nila noong panahon na iniligtas ng prinsipe si Jan Shil..

- si Jan Shil.. cute yung samahan nila.. isang isip bata at isang kuya.. minsang iniligtas ng prinsipe ang buhay niya sa sindikato na gumagamit ng mga bata at pinagpapanggap itong may kakayahang manghula upang manggantso ng mga tao.. nakatakas sila at si Lady Jang na ang kumupkop sa kanya simula noon.. mabait siya sa prinsipe at sinusuportahan ang mga gusto nito.. minsan na niyang sinuway ang mahigpit na bilin ni Lady Jang para gumawa ng paraan upang muling magtagpo ang landas ng prinsipe at ni Wol (si Yeon Woo noong mga panahon na wala pa siyang naaalala tungkol sa kanyang nakaraan)...

- si Seol.. nakakalungkot isipin na tila hindi man lang nagkakilala at nagkasama ni minsan sina Prinsipe Yang Myung at Seol...


sina Jan Shil at Seol..
ang mga cute na kaibigan ni Yeon Woo..
si Seol ay isang babaeng mahusay sa espada at si Jan Shil naman ay isang babaylan na may malakas na potensiyal..
higit na mas bata si Jan Shil kina Seol at Yeon Woo, pero pasaway siya at sumasagot kay Seol paminsan-minsan...


si Jan Shil kapag naka-bihis babaylan..
mas bagay sa kanya yung nakalugay na buhok..
dito kasi parang manipis yung buhok niya at mataba ang pisngi..
kaya mas gusto ko yung cute na casual niya...

Lunes, Oktubre 29, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Seol's Death)


ang lupit ng episode ng palabas na 'to kagabi..
matapos madiskubre ng kuya ni Yeon Woo ang kinalaman ng asawa niyang prinsesa sa misteryosong pagkakasakit at pagkamatay ng bunsong kapatid nito 8 taon na ang nakararaan, agad na kumilos ang mga corrupt na ministro ng palasyo upang ipapatay siya...

limang assassin ang ipinadala sa bahay ng mga Heo..
pero bago pa man nila maisagawa ang masamang balak, agad namang dumating si Seol upang ipagtanggol ang kanyang dating amo..
madaling nai-dispatsa ng dalagang dalubhasa sa espada ang dalawa sa mga kalaban, subalit sa mga sumunod niyang pag-depensa ay lumabas ang kalamangan ng mga kalaban sa bilang at napuruhan siya nang napuruhan ng mga taga at saksak..
nagawa pa niyang makapagpatumba ng isa pang tagapaslang, ngunit delikado na ang lagay niya..
mabuti na lang at dumating ang bodyguard ng hari na si Woon, at madaling tinalo ang huling dalawang kalaban...

sa mga bisig ng kanyang dating amo..
ipinarating nito ang taos puso nitong pasasalamat na nabigyan ng katauhan ang alipin na si Seol..
hindi lang nito binigyan ng pangalan ang dating katulong, kundi naging mabuti pa sa kanya ang buo nitong pamilya at itinuring na rin siya bilang isang kapamilya..
inihingi niya ng tawad na hindi na niya magagawa pang protektahan si Yeon Woo na minsan na nitong inihabilin sa kanyang pangangalaga..
ipinagtapat rin niya at inihingi ng kapatawaran ang kapangahasan niyang mahalin ang dating amo sa loob nang matagal na panahon..
at sinabi niya na rin dito na buhay pa talaga ang nakababata nitong kapatid...

sa pinagtataguan nina Lady Jang at Jan Shil..
naramdaman ng dalawang babaylan ang pagkawala ni Seol..
sa pamamagitan ni Jan Shil, ipinarating ni Seol ang taos pusong pasasalamat sa pagkupkop at pagprotekta sa kanila ng punong babaylan at ang paghahangad nito na makita rin ng dalawa ang tunay na kaligayahan sa buhay..
tila nakausap rin ni Lady Jang ang espiritu ng dalaga sa kalagitnaan ng pagbuhos ng niyebe..
itinanong nito kung naging masaya ba si Seol sa naging desisyon nito na ibuwis ang kaniyang buhay para sa taong kaniyang pinakamamahal, at sumagot naman ang dalaga na iyon ang naging pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay...


ang non-intelligent part ng episode na ito ay yung hindi man lang tinulungan ng dating amo ang dalaga sa pakikipaglaban..
oo nga at iminungkahi niyang dapat na dalawa silang humarap sa mga tagapaslang dahil nga sa kalamangan ng mga ito sa bilang, na iyon naman ay agad na tinanggihan ni Seol..
subalit sa pagkamatay nung unang kalaban, mas matalino sanang kuhanin ang espada nito upang matulungan man lang ang dalaga kahit na papaano o di kaya ay namulot siya ng bato sa malayo at binato ang mga kalaban...

bilang review..
hindi mahusay sa larangan ng espada ang kuya ni Yeon Woo..
madalas siyang talunin noon ng kaibigang sina Prinsipe Yang Myung at Woon..
subalit kahit papaano ay meron pa rin siyang background at kasanayan sa pag-e-espada...


isang malungkot na katapusan para sa character ni Seol..
siguro kinailangan rin siyang mamatay dahil hindi na naman niya makakatuluyan ang lalaking pinakamamahal niya dahil nga kasal na ito sa prinsesa...

Sabado, Oktubre 13, 2012

Tabrett Bethell for Resident Evil Film?

Tabrett Bethell as Cara in Legend of the Seeker...

fan na nya ako simula pa lang nung makita ko yung mga random image niya from Legend of the Seeker sa Google..
malakas talaga ang dating sa akin ng mga blonditang chick..
ni hindi ko nga napanood yung Season 1, pero laking pasalamat ko sa Studio 23 kasi pinapalabas nila yung Season 2 ngayon, every Saturday, mga 7:30 pm, basta after nung show ni Ryan Bang...

but anyway, hindi yung Legend of the Seeker ang iniisip ko sa puntong ito, kasi matagal nang itinigil yung series na yun..
naisip ko lang na sa sobrang HOT nya, parang pwede siyang isali sa Resident Evil movie series..
sa ngayon, parang wala na namang bakanteng female blonde character mula dun sa game series..
(pasensya na, hindi talaga ako well-informed pagdating sa game series dahil sa kahirapan ng buhay..)
si Sheva Alomar na lang yata yung main character na wala pang movie adaptation, kaso African descent siya kaya hindi pwedeng si Miss Bethell yung gumanap sa kanya..
EDIT - halos kare-research ko lang ngayon.. andami na pala ulit nadagdag dun sa game.. meron naman akong nakitang isang blonde at isang brown-haired.. marami pa rin nga palang walang movie appearance...

para kasing hindi na napi-feature yung kalupaan ng Oceania or kahit Australia man lang dun sa game or sa movie..
dapat meron rin silang survivor mula dun..
tamang-tama kasi Australian si Miss Bethell..
at sa sobrang sexy niya pwede na siyang ihanay kina Miss Valentine at Miss Alice..
andyan din si Ada Wong, at baka sa next film mas sumeksi na si Claire Redfield..
tsaka may experience na siya sa pagsusuot ng catsuit..
siguro pwede namang sa movie na lang yung posibleng maging character niya, kahit wala nang equivalent character dun sa game series, parang yung character ni Miss Alice - pang-movie lang pero bidang-bida...

wala lang..
naisip ko lang naman..
parang hindi ko pa kasi siya nakikita sa mainstream eh...

Linggo, Oktubre 07, 2012

My Lotus Nightmare


ilang buwan na nga ba..?
halos pitong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mawala sa akin yung Lotus unit ko..
ni hindi ko nga siya nakita sa personal kundi sa picture lang sa ebay, at tsaka yung details tungkol sa shipment niya dun sa website na ni hindi ko alam kung binura na nung kompanya sa records nila sa ngayon (after a few months kasi simula nung nangyari yung insidente, tas kapag sinusubukan kong i-track sa website nila yung package gamit yung 2 tracking number na ini-assign sa parcel ko, eh error na yung lumalabas na result, hindi gaya nung mga naunang buwan.. tapos hindi na rin naman ako makapagtanong sa Facebook page nila dahil nai-block nila yung account ko.. tapos wala rin namang nagre-reply sa email)...

hanggang ngayon sumasama ang loob ko kapag naaalala ko yung nangyari..
pero kahit nakaka-badtrip, ginagamit ko pa rin yung picture nya bilang wallpaper ng computer ko, wallpaper ng cellphone ko, at profile pic ko sa Facebook..
para kasi maalala ko kung ano yung importanteng bagay na kailangan kong mabawi...

kahit nasabi ko na napatawad ko na yung ibang taong involved sa pagkawala nung unit ko, hindi ko pa rin maiwasan na mapoot kapag naiisip ko na hindi dapat nangyari yung masasamang bagay na yun kung hindi dahil sa naging kapabayaan nila..
parang combo ng kamalasan yung nangyari sa akin nung mga panahon na yun..
after so many years nang paghahanap dito sa loob ng bansa, finally nakakita rin ako ng available unit sa ebay..
siyempre na-excite ako, natuwa nang sobra..
kinailangan ko pa ngang makipad-bid nang mano-mano nang hatinggabi para lang masigurado na makukuha ko yung item sa katapusan ng bidding period..
pero ano nga bang nangyari?
nung pumalpak yung delivery at nagsimula akong mag-imbestiga, paunti-unti ko na lang nadiskubre na nagkamali pala yung staff nung toy store na binilhan ko sa pagsulat nung address ko..
tas are namang mga empleyado ng LBC na nag-handle ng package ko, after mag-fail yung first attempt to deliver (dineliver yung package sa maling address na naibigay sa kanila, at dahil hindi naman talaga ako dun nakatira eh dineclare ako na 'unknown consignee'), eh isinauli daw agad yung item sa sender nang hindi man lang ikina-klaro yung nangyaring failure dun sa sender..
hindi man lang sinubukang i-verify at itama yung address o ano, tapos sabi na ganun daw talaga yung procedure nila na kapag corporate account ang nagpadala ng package eh hindi na nila ibe-verify sa kanila in case na may pagkakamali at agad na ibabalik na lang sa kanila bilang sender yung item..
tapos yung ibang empleyado naman nila iginigiit na mali yung naging desisyon at ginawa nung mga tauhan nila doon sa delivery hub...
nasaan ngayon yung tamang procedure dun? bakit sila-sila ang nagturuan kung sinong mali at kung ano yung maling ginawa? eh iisang kompanya lang naman sila eh...

una kong nakita yung Lotus unit at yung mga kasamahaan nya habang nagba-browse sa website ng Spawn..
naisip ko kasi na impressive yung sculpt nung mga prototype figures nila at hindi na rin naman masama yung mga mass produced copies..
bale sa lahat nung characters na naka-feature dun sa website nila, tatlo yung pinaka-napansin ko..
sumagi sa isip ko na humanap at bumili nga ng mga yun, ..pero hindi naman masyadong seryoso kasi baka nga naman wala namang available dito sa loob ng bansa (nakakatakot naman kasi ang buwis ng mga imported products)..
tapos ilang araw ang makalipas naghahanap ako ng ibang line ng action figures na pwede kong bilhin sa isang mall na within the city lang, at laking gulat ko kasi andun yung dalawang Spawn figures na target ko..
and to think na yung tatlo kong napili eh hindi naman talaga pare-parehas ng series na kinabibilangan o yung date kung kailan sila ni-release, eh naisip ko na parang destiny naman yun na nakita ko agad yung dalawa nang sabay..
at dahil may pagka-impulsive buyer ako, eh binili ko nga agad sila..
at dahil dun, mula sa pagiging 'hindi naman talaga seryoso', eh naging pursigido na akong kumpletuhin yung Spawn Trinity ko - na are na nga lang Lotus na character ang kulang...

for almost 4 years, naghanap ako nang naghanap dito sa bansa..
at nung finally makakita na ako at masyadong na-excite na makumpleto yung koleksyon ko..
sa loob lang ng ilang araw, bigla na lang binawi sa akin yun ng tadhana na para bang combo nga ng mga kamalasan..
sa totoo nga lang simula noon, parang sunud-sunod ng kamalasan ang nangyari sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko..
naranasan kong gumuho ang isang maiko-consider kong long term na pangarap..
isa sa pinakamasasakit kong alaala sa buhay, bukod dun sa insidente kung saan pinagnakawan ako ng pinagsususpetyahan kong biological (ibig sabihin - kapamilya) sa loob ng sarili naming pamamahay..
at yung 'almost 4 years' na yun, naging 'more than 4 years and counting' pa dahil sa basurang insidente na yun...

a few months after nang masigasig na pagpa-followup ko dun sa insidente..
wala ring nangyari at parang nauwi lang ang lahat ng kapaguran ko at ng mga taong tumulong sa akin sa wala..
the last move sana ng ahensya ng gobyerno para sa akin ay yung mediation meeting na ini-schedule ng Philippine Shippers' Bureau (o kung anuman yung tamang spelling o paglalagay ng punctuation)..
para sa akin, sa LBC, at sa lahat ng taong invloved..
pero hindi naman sumipot yung may sala eh, ni hindi nga daw sinasagot yung pagkontak sa kanila nung nasabing ahensya..
after nun wala na akong balita...

hanggang ngayon marami pa rin akong katanungan na hindi nasasagot..
kung bakit may mga tangang empleyado ng kompanya?
may naparusahan na ba dahil sa palpak na serbisyo?
kung saan nga ba napunta yung item ko? ninakaw ba ng empleyado nung kompanya? o nahulog ba sa sasakyan habang ibinabiyahe? kasi hindi naman talaga katanggap-tanggap na sasabihin nila na basta na lang yun nawala na parang bula..
nawala yun, pero saan nga ba siya napunta?
kaninong bahay kaya siya naka-display ngayon?
responsableng kolektor ba ang nagma-may-ari sa kanya ngayon, o baka naman ginawa na lang siyang laruan ng isang batang mahilig manira ng mga gamit?

kung tutuusin hindi naman dapat naging malaking problema para sa akin ang lahat kung may maraming pera lang ako..
isang item lang naman yun eh..
madali lang dapat na palitan, kapalit ng malaking halaga ng salapi..
pero sino ba naman ako..
sa ngayon puros masasamang alaala at mga gabi ng bangungot lang ang naiwan para sa akin...

ang masama pa dun, kahit gaano ko kagustong maging bayolente at magtapon ng buhay ng mga walang kwentang tao - hindi naman ako hahayaan ng mga batas at ng mismong society na makaganti man lang sa mga tumarantado sa akin...


image is from www.spawn.com...
click here for a related post...

Lunes, Setyembre 24, 2012

Resident Evil Tribute

tribute drawing ko para sa mga bumubuo ng Resident Evil series..
ginawa ko 'to nung mga panahon na sinu-shoot palang yung latest installment nila na Resident Evil: Retribution..


tas heto, comment ni Miss Alice (Milla Jovovich) mula sa Twitter..

at heto naman yung galing kay Miss Valentine (Sienna Guillory)...


♥_♥ excited for the DVD/Bluray release..
kailan pa kaya yun..?

Miyerkules, Setyembre 19, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (End of Semis & Finals)


ayun na nga..
tapos na pala ang Finals sa totoong buhay (base sa pag-check ko sa official website)..
Champion ang Sandugo-SSC-R, congrats kay #7 Bualee sa pagkasungkit nya sa kauna-unahan nyang championship title sa Shakey's V-League..
1st Runner Up ang Cagayan-Perpetual at 2nd Runner Up naman ang Philippine Army...

sad lang, kasi nilaglag ng Perpetual ang Army sa 2nd game nila sa Semis kagabi..
pati koponan ni #12 Tajima ng Ateneo nilaglag na rin ng Sandugo..
napaaga tuloy ang tapos ng Semis...

sayang yung laban ng Army sa Perpetual nitong 2nd match nila, sa Semis nga..
seryosong-seryoso pa naman si #13 Daquis at iba pang Lady Troopers na manalo..
masasaya kapag nakaka-iskor, takbuhan pa sa loob ng court na parang mga soccer player..
tas nape-pressure naman kapag nalalamangan na ng kalaban..
hindi masyadong mabilis ang dating ng mga attack, maraming service error at humihina ang depensa (coverage), hindi rin masyadong mahabol ang libero nila di gaya ni Dionela ng Perpetual na super sipag...

ang Cagayan-Perpetual naman ang laki ng inilakas..
ang mga regular na sina Cases, Tubino at de los Santos puros may mabibilis na palo..
ang Thai GP naman na si Chuewulim may matatalinong mga play tas nagagamit pa yung experience niya sa pagiging Libero para sa depensa ng team nila..
andun rin siyempre ang co-Thai GP nya na si  Pornpimol at ang Best Digger ng Conference na si Dionela..
maganda ang ginawa nilang depensa laban sa Army, malawak ang coverage kaya madalas nadedepensahan ang   mga palo ng mga Lady Troopers..
- pero madali lang tatapusin ng Sandugo ang laban nila nitong finals...

ayun nga, bale parehong team na nakapasok sa Finals ay may Thai GPs (may ibig sabihin kaya yun?)..
maagang matatapos ang finals..
pero ang good news kahit papano eh may pagkakataon pa na mapanood yung mga huling laban sa AKTV sa IBC...

Biyernes, Setyembre 14, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (Semis)

konting update lang, since halos katatapos nga lang ng Prelims..
at kasisimula pa lang ng Semis...


sa wakas napanood ko na ulet maglaro sa court ang former #5 at ngayon ay #12 na ng Ateneo Lady Eagles na si Mae Tajima..
yung napanood ko yata ay isang match bago tuluyang matapos ang Prelims (hindi ko masabi kung pang-ilang laban, delayed telecast kasi sa AKTV tas hindi nakapaskil kung pang-ilang laban na >,<)..
tas may appearance ulet siya nitong Semis, against Sandugo..
ang cute-cute nya talagang ngumiti tapos tsinita pa sya...♥_♥


dito naman, picture ng mga paborito kong sina #13 Daquis at #4-9 Carolino Sisters..
tas kasama yung sa SSC-R na player..
astigen..
ayun nga lang, na-iskoran na sila ng Perpetual nitong start ng Semis T,T..
sana makabawi pa...

anyway, nakakalibang talagang manood ng volleyball kapag may mga nag-gagandahang chicks sa loob ng court...♥_♥

Huwebes, Setyembre 13, 2012

More Crimes in the Philippines..?


mahilig ba kayong manood ng balita?
natanong ko lang kasi lately, parang masyado nang nakakabagabag ang mga nababalitang paglaganap ng krimen sa buong bansa - andyan ang iba't-ibang klase mula sa tila mga simpleng kaso lang ng snatching, hanggang robbery, hanggang assassination na ginagawa ng mga riding in tandem, hanggang sa pinakamalalang parang mga trip lang na brutal na pagpatay na talagang sinadya pang kunan ng video...

ewan, hindi ko na rin masabi eh..
may mag pagkakataon dati na iniisip ko na may mga lugar naman dito sa Pilipinas na matuturing na ligtas, lalo na kapag may mga nababalitang kalamidad sa ibang panig ng mundo - gaya ng pananalanta ng mga tsunami, malalakas na lindol, malalakas na bagyo, forest fire, at mga tornado o cyclone o kung ano pa mang mas tamang term..
isama na rin yung mga digmaan at rebelyon na parang ordinaryo na lang sa ibang bansa..
dati kapag naiisip ko ang mga yun, naiisip ko na siguro nga mas ligtas pa rin dito sa ilang lokasyon sa bansang 'to kahit na papano...

pero sa mga nababalita nga sa mga panahon ngayon, parang mas nakakatakot na rin na manatili pa dito..
ni hindi mo masabi kung bunsod lang ba yun ng mas pinabilis na daloy ng mga impormasyon at balita dulot ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, kung kaya't mas marami na ang mga nababalita kaagad na krimen partikular na sa telebisyon...

andyan pa ngayon yung promotion ng turismo sa bansa..
kapag may mga magagandang lokal na pook-pasyalan na unti-unting nakikilala, sasabihin na 'It's More Fun in the Philippines'..
kapag may mga mabubuting tao na related sa tourism ang may nagawang maganda o mabuti para sa iba - gaya ng pagsasauli ng naiwan o naiwalang gamit o pera ng mga tourista, sasabihin pa rin na 'It's More Fun in the Philippines'..
pero paano naman yung isyu tungkol sa seguridad..
ilang mga foreigners na rin naman ang napahamak, na-kidnap, at napatay dahil sa pagtuntong dito sa bansa..
although hindi ko naman kino-conclude na yung pagiging foreigner nila ang mismong dahilan kung bakit sila nadamay sa mga ganung trahedya, eh siguro misconception o overgeneralization na lang yun ng iba na basta banyaga eh automatic na mayaman..
pero ano na ba ang nagawa ng gobyerno para dito, para paigtingin ang seguridad sa loob ng bansa hindi lang para sa mga tourista kundi para na rin sa sarili nitong mga mamayanan?

snatching, theft (sa mga bahay o grocery store), pagnanakaw ng mga kasambahay, carnapping, robbery holdap (kahit sa loob ng mga mall), suicide at murder (kahit sa loob ng mga mall), massacre, rape, physical abuse, fraud, pag-clone ng credit cards, murder, kidnap for ransom, riding in tandem, patayan kaugnay ng eleksyon, budol-budol, patayan kaugnay ng hazing partikular na sa mga fraternity, mga samu't-saring gimik para makapambiktima sa mga pampublikong lugar, mga krimen na kinasasangkutan ng mga minor de edad, at kung anu-ano pang kombinasyon ng mga nabanggit na pamamaraan..
andyan rin ngayon yung pinakabagong paraan kung saan hindi mo mawari kung sinong paniniwalaan dahil binabaligtad ng mga taong involved ang mga pangyayari - kidnapping ng baby na sinadya 'daw' para lang matakasan ang mga bayarin sa ospital pero na-settle naman nung inaakusahan ng pag-iimbento ng kuwento yung mga bayarin nya; o di kaya yung minaltratong katulong na hindi mo na mawari kung talaga nga bang namaltrato o kung yung kamag-anak nga ba ang may gawa o sinadya lang para may makuha sa kanyang amo?

eh sino pa ba ang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon para lumutas sa mga problemang yan ng lipunan..
eh kung sa hanay nga mismo ng sangkapulisan eh may mga tarantadong gumagawa ng krimen..
di bale sana kung ang kaso lang nila eh i-salvage lahat ng kriminal - edi sana nakatulong pa silang maubos ang mga gumagawa ng krimen..
pero sila mismo gumagawa nung mga mapaminsalang gawain para sa kapwa..
pangongotong, pagpatay gamit yung baril na pinagkaloob sana sa kanila para magawa nang ayos ang kanilang tungkulin sa bayan, pagbibigay ng proteksyon sa mga kriminal, kidnapping at kung anu-ano pang kalokohan..
pati naman sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno eh hindi rin lahat maaasahan..
andyan ang korupsyon, red tape, katamaran..
tila wala nang malusutan sa mga dapat na naglilingkod sa bayan na gaya nila...

hay... kung meron lang sanang paraan para matiyak na lahat ng maluluklok sa katungkulan, sa kapulisan man o sa gobyerno, eh gagawa nang matino..
kung lahat na lang sana ng krimen eh pwedeng parusahan lang ng either habambuhay na pagkabilanggo o kamatayan gaano pa man yun kabigat..
kung ang batas lang sana ay hindi na pumipili ng tamang edad na kaya nyang parusahan..
kung hindi na lang sana nakakalaya yung mga taong sanay nang gumawa ng kasamaan mula sa mga kulungan..
kung hindi lang sana pino-protektahan ng Commission on Human Rights at iba pang sektor ng lipunan yung mga karapatan 'daw' ng mga kriminal na yun, na kung tutuusin eh sila itong naunang bumalewala sa karapatan nung mga taong biniktima nila sa kung ano mang paraan..
kung pwede lang sanang alipinin na lang yung mga pesteng mga yun sa mga nalalabi nilang panahon sa mundo - sapilitan silang pagsakahin, pagawin sila ng mga trabahong posibleng mag-boost ng agrikultura ng bansa o di kaya naman eh pagbantayin sila ng mga teritoryong pilit inaangkin ng mga dayuhan (tutal mga sanay naman silang pumatay eh)..
kailan kaya mamumulat ang bansang ito na hindi na talaga applicable yung makaluma nyang paraan ng pagpaparusa at paglaban sa kriminalidad?
kailangan pa bang maghintay pa na prominenteng mga tao ang mapahamak para lang ma-realize nila yun?
o kailangan pa bang yung mismong mga nasa katungkulan o ang mga kaanak nila ang malagay sa delikadong sitwasyon bago nila maunawaan nang tuluyan ang tunay na kahalagahan ng seguridad para sa lahat..?

Martes, Setyembre 11, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference (End of Prelims)

bale tapos na nga ang Preliminary matches para sa conference na 'to..
at gaya ng inaasahan - pasok sa Semis ang Sandugo SSC-R (Rank 1) at Ateneo (Rank 4), at laglag pa rin ang FEU (sayang lang ang pag-import kay Sangmuang >,<, pero nakakuha naman sila ng isang panalo bago tuluyang matapos yung Prelims)..
at may bago na akong paboritong team ngayon, ang Philippine Army..
bale 2 team ang suportado ng mga Thai GPs at 2 team ang walang import...

hindi ko masyadong ma-appreciate ang mga laban ng SSC-R lately, kasi parang sobrang lakas ng team nila.. pero siyempre masaya pa rin kung makukuha na ni #7 Bualee yung championship this time..
ang masama pa nare, wala pa akong napapanood na buong laban sa V-League dahil sa mga teledrama T,T..
kaya naman araw-araw ko na lang chini-check yung standings sa official site ng Shakey's V-League...

sa Ateneo naman..
ni hindi ko man lang napanood na maglaro si #5 Tajima, at ang hindi maganda - iba ang may suot ng jersey #5, kaya hindi ko alam kung anong status nya sa team T,T...

at ang crush ko na ngayong team ng Philippine Army..
nakakalibang panoorin yung All-Pinay lineup nila..
gustung-gusto kong napapanood sa court ang #4-9 Carolino Sisters at si #13 Daquis..
anlupet...♥_♥

4 teams na lang ang natitira sa ngayon...

Martes, Setyembre 04, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (End of Teenagers Arc)

bago ko tuluyang tapusin yung review ko para sa timeline ng mga bagets..
heto muna ang isa pang patawa pero cute rin naman na character..
si Prinsesa Min Hwa, na kapatid ng itinakdang prinsipe na si Lee Hwon..
yan, kitang-kita sa mga picture na yan kung gaano ka-cute yung patawa at isip bata nyang acting..
dahil sa sobrang pagkahumaling nya kay Scholar Ho na kapatid ni Yeon Woo, nagamit syang dahilan ng Inang Reyna upang ipasailalim si Yeon Woo (na noon ay napili na bilang itinakdang prinsesa at reyna para sa hinaharap) sa isang matinding karamdaman bunga ng itim na kapangyarihan na isinagawa ng Punong Babaylan na si Lady Jang (na sa totoo naman ay kakampi talaga at tagapagligtas ng itinakdang prinsesa).. bilang kapalit, sinabi ng Inang Reyna na matutupad rin ang kagustuhan ng kanyang apo na makatuluyan si Scholar Ho pero kapalit naman nito ang pagpapasan ng kasalanan ng pagpapakulam sa kapatid ng kanyang pinakamamahal na lalaki - mga mahaharot talagang kabataan..
sa pagtanda nya, cute pa rin sya at patawa at nanatili sa kanya yung pagiging isip bata nya...

bilang update..
hindi naman talaga namatay si Yeon Woo, nakaisip si Lady Jang ng paraan para mabigyan sya ng isang gamot na tila papatay sa kanya for a certain period of time pero mabubuhay rin naman siya..
naiahon siya sa puntod nya sa tamang oras..
dumating rin noon sa kanyang puntod ang matalik nyang kaibigan na si Seol na tila pinagmalupitan ng bago nyang amo..
dahil doon dalawa na silang bagong ampon ni Lady Jang (bukod pa yung dati na nyang ampon na bata na iniligtas ni Prinsipe Yang Myung)..
nang magkamalay na si Yeon Woo, wala na syang maalala tungkol sa kanyang nakaraan, na hindi ko masabi kung talagang sanhi ba nung gamot na ipinainom sa kanya o kung naging komplikasyon lang ba..
ginamit ni Lady Jang yung pagkakataon para sabihin na isa syang itinakdang babaylan, dahilan kung bakit kailangan nyang kalimutan na ang kanyang nakaraan...

at ayun na nga, kahapon lang natapos na yung yugto ng mga teenagers..
naipakilala na rin ang bagong mga mukha nina Lee Hwon (na ngayon ay hari na) at nang napangasawa nyang si Bo Kyung mula sa kampo ng mga kalaban sa pulitika...

sa kalahatan, naging maganda naman yung arc nung mga bata..
pa-cute, na cheesy, na nakakatawa, pero andun pa rin yung mga emosyon..
sa sobrang ka-cutan nung mga batang bida eh naging matagumpay yung pagganap nila sa kanilang mga papel...

magiging nakaka-miss yung mga character ng mga batang Yeon Woo at Seol..
yung itsura at height kasi nila eh bagay na bagay na maging mag-tropa...


another view of Seol..
nga pala..
kahit isang babae si Seol, interesado sya sa sining ng espada..
minsan na syang nahuli ni Scholar Ho na nagsasanay at humanga yung binata dito..
siguro ang rason kung bakit tinakasan nya ang bago nyang amo para pumunta sa puntod ni Yeon Woo ay dahil sa kanya ibinilin ni Scholar Ho ang nakababata nyang kapatid..
sa muling pagkabuhay ni Yeon Woo, labis namang ikinalungkot ni Seol ang pagkawala ng mga alaala nito..
sa kasalukuyan siya lang talaga ang lubos na nakakakilala sa tunay na katauhan ng kanyang matalik na kaibigan...


at are pala ang isa pang cute na adult version..
si Jan Shil..
siya yung batang puwersahang ginawang manghuhula dati ng mga manggagantso, tas iniligtas siya nina Prinsipe Yang Myung at Lady Jang, at eventually ay inampon na ni Lady Jang..
cute syang ngumiti, mahilig mambasag trip, at may pagka-madaldal..
isang interesting development tungkol sa character nya eh mas bata siya kumpara kina Seol at Wol, pero sa pagtanda nila parang mas natangkaran pa niya yung dalawang mga ate nya..
sa picture na yan, medyo katulad pa ng hair style nya yung buhok nya nung bata pa sya..
pero later on, magpupuyod na sya na tingin ko ay less attractive...


Yeon Woo ang tunay na pangalan ng itinakdang Buwan, na nangangahulugan daw na malumanay na ulan o ambon..
pero sa muli nyang pagkabuhay, pinangalanan siya ng Hari na Wol, na nangangahulugan na buwan...

Biyernes, Agosto 24, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Teenagers Arc)


Moon Embracing the Sun..
bale mukhang nagugustuhan ko yung simula ng istorya nya dahil sa ilang rason..
una dahil ang ku-cute nung mga bagets na cast..
ang mga mahaharot na teenager, haha:


si Kim Yoo Jung na gumanap na 13 year old Yeon Woo (siya ang pangunahing Moon, ang bidang babae)..
sobrang cute ng mabibilog nyang mga mata na punung-puno ng emosyon..
i'm not sure kung lalaki sya bilang isang sobrang gandang artista, pero sa ngayon sobrang cute nya..
nakadaragdag din sa ka-cutan nya yung munti nyang mga labi at yung mga taling sa ilalim ng kaliwa nyang mata at isa pa sa kanan nyang pisngi...


si Jung Il Woo as adult version ni Prinsipe Yang Myung (ang ikalawang Sun, bidang mala-kontrabida)..
gusto ko yung character nya dito..
mas nagmarka lang saken yung aktor na si Jung Il Woo kasi una ko syang nakilala sa Korean TV comedy series na High Kick bilang Simon Lee (Tagalog Dubbed)..
sa istorya nung High Kick - astigen siya, marunong makipag-away, delingkwente na mala-rebelde sa pamilya, hindi magaling sa pag-aaral, chickboy pero yung mga na-relate sa kanyang mga chicks eh puros may kani-kanilang klase ng topak..
halos parang ganun rin ang papel nya sa Moon Embracing the Sun - mahina sa pag-aaral, magaling makipaglaban, itinuturing na hindi deserving para sa korona ng hari, at sawi sa love life..
nakakaawa yung character nya.. isang mabuting tao na medyo naging kontrabida o karibal dahil sa pag-ibig...


isa pa si Suh Ji Hee as batang Seol..
nasa picture rin yung adult version nya (right) na medyo nahahawig nga dun sa batang siya..
kasambahay siya ng pamilya nina Yeon Woo at tumatayong alalay nya, pero itinuturing siya ng munting binibini na isang matalik na kaibigan..
parehas silang cute.. pero mas nag-marka yung character nya para sa akin nung time na pinagbintangan siya na magnanakaw.. pinagulpi siya ni Bo Kyung (ikalawang Moon at kontrabida) sa mga nakatatandang lalaki, may pamalong kahoy yung isang lalaki tas ginulpi sya hanggang maputlang-maputla na at duguan na ang mukha't mga labi..
dumating nun si Yeon Woo para tulungan ang kaibigan nya at inuwi nya ito sa bahay nila para gamutin..
pero sa kabila nun, walang napatunayan o hindi na-klaro yung insidente nang pagnanakaw, na ang totoo naman kasing nangyari  ay nahulog lang nung katiwala ni Bo Kyung yung lalagyan nya ng pera at si Bo Kyung din ang nakapulot nito, pero dahil nabangga siya ni Seol dahil sa pagmamadali nito, naisip ng malditang maharlika na pagkakataon yun para makaganti kay Seol dahil sa aksidente ngang pagkakabangga nito sa kanya...

ang huli kasi nakakatulong yun para ma-explore yung historical culture ng Korea, na interesante para sa akin..
gaya ng mga ipinagbabawal na gawain para sa itinakdang prinsipe na magiging susunod na hari, mga kaugalian kaugnay sa pagpapakasal ng mga dugong bughaw, pagtrato sa mga kasambahay, kaibahan ng edukasyon para sa mga lalaki at babae, etc...

Martes, Agosto 21, 2012

Shakey's V-League: Season 9, 2nd Conference


nagsimula na pala ang 2nd Conference ng V-League, at Open Conference sya..
6 teams lang ang maglalaban-laban:

  • ADMU
  • FEU
  • Cagayan Valley
  • Sandugo
  • Philippine Army
  • Philippine Navy

akala ko 4 yung bago sa paningin ko pero 2 lang pala - Philippine Army at Philippine Navy..
ang Cagayan Valley pala ay mga taga-Perpetual rin..
at ang Sandugo naman ay San Sebastian College - Recoletos..

yung dati kong team na FEU, eh although na-miss ko naman yung mga bagets nila (sina Basas, Baniel, etc) eh parang masyadong balasado ang line-up nung first game..
at naglalaro para sa kanila ngayon ang commentator/analyst na si Ivy Remulla..
pero ang bad news - walang #14 Eve Sanorseang...T,T (kaya hindi muna ako maka-FEU ngayong conference)

si #13 Rachel Daquis sa Philippine Army naglalaro sa halip na sa FEU.. at mas slim sya ngayon.. ang astig pa rin ng manipis nyang ponytail.. sayang talaga at hindi sila nagkasama ni Eve sa isang team (dati)..
kasama rin nya ang mga Carolino, #4 Mayeth at #9 Michelle.. astigen yung buhok ni Michelle sa bandang likod, makapal na maliliit na naka-flyaway, parang leon..
at andami pang mahuhusay na veteran, mala-all-star rin yung line-up nila...

ang ADMU na champion last conference eh may talo na kaagad..
pero susuportahan ko pa rin si #5 Mae Tajima kahit papano since sobrang cute nya sa video nila ng 'Call Me Maybe'...

ang Cagayan Valley nga eh Perpetual rin lang..
kaya maaasahan na may cute na player na naman na maglalaro sa court gaya na lang ng Libero nilang si #3 Dionela...

at ang pinaka-ikinagulat ko ay ang Sandugo na SSC-R rin pala..
akala ko talaga wala nang super MVP #7 Jang Baulee ngayong conference..
wala pa akong napanood na game nila kaya hindi ko pa sigurado kung accurate yung line-up sa site ng V-League..
pero base sa nakalista dun, meron silang Utaiwan-Jang-Thai-GP-combo bukod pa dun sa regular na palaban na line-up na ginamit nila last conference para masungit ang 3rd place..
sa ngayon, leading na sila with 2 wins...

pwedeng mapanood yung delayed telecast ng mga games sa AKTV sa IBC13 (not so sure about the schedule, pero nakapanood na ako nung isang Sunday at Tuesday yata yun)..
for more details heto ang official website ng Shakey's V-League:
http://www.v-league.ph/

Martes, Agosto 14, 2012

Agricultural Alternative para sa mga Informal Settler??

isa sa mga problema ng bansang ito ang sandamakmak na informal settlers o sa madaling salita ay mga -  iskwater..
hindi naman sa pangmamaliit, pero kaakibat nila ay marami ring problema para sa gobyerno at mga komunidad na kinaroroonan nila..
andyan yung mas pagdami ng mga basura na madalas ay sa maling lugar pa itinatapon, pag-okupa sa mga natural na daanan ng tubig o baha lalo na sa NCR, poverty-related crimes, problema sa agawan sa lupa, at isama na rin natin yung pagkakaluklok sa posisyon nang hindi mabubuting opisyal ng gobyerno dahil sa lakas ng boto o suporta na nakukuha o nabibili sa sektor ng lipunan na ito..
sa totoo lang kaya ako mas nababagabag sa paksang ito sa ngayon ay dahil sa lumalaking bilang ng mga iskwater sa lugar namin, na ikinakatakot ko kasi ayoko namang matulad sa NCR ang bayan na kinalakhan ko nang dahil lang sa walang habas nilang paglipat...

ang hindi ko naman maintindihan sa mga yan, eh illegal settlers nga sila eh bakit ganun na lang sila maka-claim ng mga area na tuwing pinaaalis na sila ng totoong may-ari eh madalas humahantong pa sa mga batuhan at sakitan kung saan sila pa yung nagmumukhang kaawa-awa?
ang punto ko eh, yung ibang tao naman dyan eh nagsusumikap na makabili ng lupa't bahay o umupa man lang ng matitirhan.. kaya nasaan yung pagiging patas dun?? may mga taong nagpapakahirap na magkaroon ng mga sariling bahay pero ang iba naman ang gusto eh sa gobyerno na lang iasa ang lahat.. eh saan ba galing mostly yung pera ng gobyerno eh di ba't dun din sa mga taong nagpapakahirap nang magtrabaho tas kinakaltasan pa ng buwis.. wala namang masyadong buwis na nakukuha sa mga iskwater di ba? kaya kung sino pa yung gumagawa ng tama, eh parang sinasalo pa nila yung mga gumagawa ng mali..
hindi naman sa pagmamaramot, pero hindi lang talaga mukhang patas yung ganun..
tapos kapag ire-relocate sila ng lugar eh sila pa ang choosy? eh saan ba nila gusto, sa 5 star hotel??

ang tanong ko ngayon?
wala bang batas na puwedeng pumigil sa mga gawain ng illegal settlers?
lilinawin ko lang, hindi naman ako tutol dun sa mga taong lumuluwas mula sa kanilang mga probinsiya para makipagsapalaran sa mas maunlad na mga lugar provided na gagawin nila yung tama..
umupa sila ng bahay o bumili, kahit na ano basta hindi ilegal..
wala naman kasi talagang masama sa pangangarap para sa isang mas magandang buhay..
mabalik naman dun sa batas..
siguro yung purpose ay para nga maiwasan nga yung mga problema na kaakibat ng pagkakaroon ng mga iskwater, para naman kasing mga pulitiko lang yung nakikinabang sa existence nila eh...

kung iisipin, posible bang mga iskwater na sila simula't sapul?
o baka naman mga probinsiyano na nanggaling sa mga kanayunan at tinamad na lang na mag-alaga ng mga bukirin nila?
ewan ko lang ha, pero bakit kaya hindi na lang sila ibalik ng pamahalaan sa mga probinsiya, sa mga agricultural land tas doon bigyan ng hanapbuhay..
tutal gipit naman ang bayan sa mga agricultural products tas nasapawan na rin tayo ng ibang bansa pagdating sa eksportasyon ng mga ganitong produkto..
kaya bakit hindi na lang gawing mga magsasaka ang sektor na ito ng lipunan?

  • i-train sila sa mga makabagong paraan ng pagsasaka para mas maging productive
  • bigyan sila ng sweldo para kahit hindi panahon ng anihan o sa panahon ng mga bagyo ay may kita pa rin sila doon na rin sila patayuan ng libreng pabahay
  • bigyan sila ng pinansyal na tulong para sa pag-maintain ng mga sakahan
  • turuan sila ng ibang pang mga industriya na related sa agriculture gaya ng paghahabi, iba pang handicraft, paghahayupan, etc.
  • patayuan sila ng mga paaralan para sa mga kabataan
  • kung gusto naman ng estudyante, ay luminang na rin ng mga posibleng maging agricultural experts mula sa kanilang hanay
  • kapag lumakas na yung industriya ay turuan at suportahan na rin sila para makapag-export

tas, kumuha na lang siguro ng porsyento ang pamahalaan na parang siyang magiging buwis nung komunidad na yun..
tsaka dapat siyempre i-monitor rin nila yung gawain dun, baka naman kasi pagkakalooban mo nga ng lupang sakahan tas ipagbibili rin naman agad nila para lumuwas na ulit sa ibang lungsod..
hindi naman kasi lahat ng magandang trabaho ay sa pook urban lang makukuha o sa office work..
basta may tiyaga, pwedeng umasenso..
sa ganitong paraan manunumbalik na muli ang agricultural man power sa bansa tas matutulungan pa ang mga informal settlers na matutong tumayo sa sarili nilang mga paa at posibleng makabuo pa sila ng isang matatag na industriya...

kung tutuusin baka pwede na rin ngang isali na dito yung mga batang palaboy para habang maaga ay matuto na sila tungkol sa kahalagahan ng industriya ng agrikultura para sa isang bansa..
pwede rin sigurong ganito na rin yung gawing parusa sa mga bilanggo - ang gawin silang mga magsasaka, magba-baboy, etc., para naman hindi na lang sila puros asa sa pamahalaan...

Sabado, Hulyo 21, 2012

Business - VMobile - LoadXtreme



bale ang loadxtreme ay parang universal loading system para sa iba't-ibang TELCO's (Telecommunications Company), kasama na rin ang iba pang loading services para sa mga bagay maliban sa call & text..
bago pa lang akong TechnoUser o Retailer ng load at chini-check ko pa kung gaano sila ka-efficient..
hindi ko naman siya tinitingnan as a scam, kasi yung retail lang naman talaga ang habol ko.. yung ibang tao naman kasi na nagke-claim na scam siya ay ay mas naka-focus dun sa Networking aspect nung business..
ang totoo, provided na may fixed amounf of incentive sa bawat recruit mo at sa bawat recruit ng mga recruits mo and so on, eh posible naman talagang kumita ang isang member ng libo-libong halaga ng piso.. kasi ang assumption naman dun sa mga pinapakitang graph o table ay magre-recruit ka ng members, tas yung mga recruit mo eh magre-recruit din, hanggang lumago nang lumago na parang malaking family tree.. bale exponential siya in nature..
pero sa mga ganung kaso, mahirap talagang mag-assume na lalago o network o branch mo nang sobrang dali...

anyway, ayun nga, sa ngayon sinusubukan ko yung retailing..
and para sa mga interesadong maging miyembro, eh are ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:


Requirements para talagang masulit yung service/business:
- Puhunan (kahit less than 1000 pesos lang)
- Cellphone - kasi ili-link yung account mo sa isang cellphone number, tas pwede ring yung cellphone ang gamitin mong pang-load sa mga tao
- Computer or equivalent devices - para maka-access sa internet
- Internet Connection - sa ngayon meron sa website nilang system na magagamit pang-load sa mga tao at libre yun (though logically speaking ang bayad mo dun ay pumapasok dun sa monthly internet bill mo)
- Basic Personal Information - kailangan para ma-identify ka


Positive Notes:
- pwedeng kahit personal na gamit lang talaga, ikaw na mismo ang maglo-load sa sarili mo at a discounted price (mga nasa 8 to 10% ang discount depende sa laki ng ilo-load mo)
- pwede kang maging retailer at magbenta sa iba ng load
- iba-iba ang klase ng load na pwedeng ibenta (para sa halos lahat ng klase ng Network o service provider):
  • electronic cellphone load
  • cellphone prepaid card equivalents
  • landline prepaid card equivalents
  • internet load
  • online gaming load
  • cable/satellite load
  • entertainment related (like ABS-CBN voting points, digital albums, etc.)
- yung load wallet mo ay pwedeng loadan through bank deposit, para sa akin pinakamaganda yung sa BDO since pwede sila after banking hours at kahit weekend (tas wala pang transfer fee sa kasalukuyan)
- walang scheduled date o limit kung kelan mo dapat makonsumo ang laman ng load wallet mo, kaya hindi ka mapu-pwersang maghanap ng customer o mag-ubos ng LX load (o yung laman ng LoadXtreme load wallet mo)
- walang contract na magbi-bind sa'yo kung hanggang kailan ka dapat maging member, kung hindi ka satisfied sa negosyong ito pwede ka nang mag-quit once na mabawi mo na yung puhunan mo para sa membership (300 pesos sa ngayon)
- kung magaling kang mag-convince ng ibang tao, pwede kang pumasok dun sa networking aspect na may incentives


Things to Consider:
- ang security o pangangala ng account details at password mo ay nasa kamay nung company
- ang pangangalaga ng account number at password mo ay nasa kamay mo rin dahil kailangan ito para ma-access mo ang iyong account, hindi mo ito dapat ipaalam o ipagkatiwala sa iba
- sa bawat paggamit nung command maging online man o through text, eh kailangan parating isama yung account number o password.. ibig sabihin dapat iwasan na mai-send sa maling number yung command, iwasang mabasa ng ibang tao ang sent items sa cellphone, at panatilihing ligtas ang computer laban sa mga hackers.. at dahil sa mga ganung bagay, inirerekomenda na dalasan ang pagpapalit ng password
- mas tipid kung maglo-load ka ng mga customer through the internet kasi walang direct charge (gaya nga ng sabi ko damay na yun sa monthly internet bill mo)
- kapag text command kasi ang gamit mo ay may 1.00 peso charge kada-text since katumbas siya ng isang regular text na dadaan sa kung anumang TELCO ang gamit mo
- yung process nung paglo-load ay dependent sa system (o network) nung TELCO o kompanya.. hindi pa ako nagka-problema dati sa paggamit ng mga prepaid cards para sa cellphone o online games.. pero gaya na lang sa electronic load, may mga pagkakataon na nade-delay o nadi-disregard yung pagproseso dahil busy o congested yung network
- yung list of products, suggested retail price (SRP), wholesale price (o yung discounted value na ikakaltas sa'yo everytime na makabenta ka ng load) ay regularly updated sa website nila kaya mahalaga talaga ang internet connection

* bagay na bagay ito sa mga tao o negosyante na magdamag na bukas ang mga computer at internet (gaya ng mga may-ari o manager ng computer shops)

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

K-ture: Three Brothers - The Last 10

ang entry na 'to ay related din sa mga nakaraang entry na:
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-korean-drama-korean-chicks.html
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-three-brothers-ayie-joo-versus.html


Anesthesia by Hwayobi..
ito ang pinaka-paborito ko sa original soundtrack nung korean tv drama..
nakakasakit kasi siyang pakinggan at talaga namang nakakalungkot...


ang last 10 episodes siguro ang masasabing highlight ng mga pagbabago sa buhay ng mga characters dun sa series..
pero siguro ang pinaka-main idea o lesson na namamayani para dun sa istorya ay ang pagiging mabuting tao at ang pagmamahalan para sa mga magkakapamilya..


sa relationship ulet nina Captain Lionel Kim at ni Ayie Joo..
matatandaan na naging magulo lang ang pagsasama nila simula nang sila'y makasal..
pero matapos makapag-isip-isip at dahil na rin sa threat ng divorce, naalaala nila kung bakit sila nagmamahalan..
ang malaking pagbabago siguro kay Lionel ay yung hindi na niya ipinipilit sa asawa ang mga bagay na gusto niya at naging mas pasensyoso at maunawain rin siya sa asawa..
sa Episode 61, birthday ni Ayie, dali-dali siyang hinanap ni Captain after ng matindi nitong mission.. binati nito ang asawa at muling ipinahayag ang pag-ibig nya para dito.. naging turning point yun para maging mas maunawain at mas mabuti si Ayie.. hindi na siya selosa at mas madali na rin natanggap ni Ayie ang pamilya ni Captain..
after masolusyunan yung mga simpleng suliranin sa hindi pagkakaunawaan, sunod naman naging problema ng mag-asawa yung tungkol sa pagkakaroon ng anak lalo na sa part ni Ayie..
Episode 64 nang sinubukan na yata nilang gumawa ng baby ni Captain..
Episode 65 nadiskubre ni Ayie na may problema siya sa sinapupunan nya, 'malamig' daw ito kaya mababa yung tsansa na makabuo siya ng baby, at ikina-depress nya 'to.. sa suporta ni Captain at sa tulong na rin ng bago nyang mommy na si Marlene, sinubukan pa rin nyang magka-baby.. sa puntong ito nya rin nakita yung pagmamalasakit sa kanya ni Marlene na naging daan para unti-unti niya itong matanggap bilang isang tunay na ina..
sa Episode 68 na-reveal na buhay pa ang totoong ina nina Ayie at Jorcel subalit matagal nang may ibang pamilya, dito tinapos na ni Ayie ang ugnayan nila para mabigyan nang daan ang lubos na pagtanggap kay Marlene.. sa parehong episode kinonsider nila ni Captain ang artificial insemination dahil na rin sa kagustuhan nyang mabigyan ng anak ang asawa..
Episode 69 nang makabuo na sila ng baby ni Captain dahil sa scientific procedure, pero may lumabas na namang mga weakness si Ayie.. dahil ayaw niyang tumaba, nagpabaya siya sa kalusugan na naging dahilan ng pagbigay ng katawan niya at nang pagkalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan..
sa early part ng last Episode, 70, na-guilty siya sa nangyari sa first baby sana nila.. mas umikli yung pasensya niya at yung sinasabing recovery ng doctor ay idinaan niya sa sobrang pagkain.. nalaman ito ni Captain at kinausap ang asawa, sinabi niya rito na huwag na munang alalahanin ang pagkakaroon ng baby at maghintay na lang na natural itong dumating sa kanila, sinuggest nya sa asawa na ipagpaliban na muna ang pagkonsulta sa doktor, at ipinarating nya rin dito na siya yung mahalaga para sa kanya sa kasalukuyan kaya hindi na muna nito dapat isipin ang tungkol sa ibang bagay maliban sa kanila..
after ng 2 years and 5 months na timeskip, iniluwal na rin ni Ayie ang natural at panganay nilang anak ni Captain Kim na halos kasabay rin ng ikalawang anak nina Ricky at Jorcel..
isa na silang kumpleto at masayang pamilya sa puntong yun...


ang mga naging pagbabago sa main cast:
  • ang dating masamang biyanan (ang pinaka-kontrabida sa serye) na si Elena Kim ay unti-unting nagbago.. isang malaking factor para dun ay ang naging desisyon ng pamilya ng manugang na si Jinky na umalis na sa bahay nila, at yung insidente kung saan inakala nilang namatay na ang asawa nitong si Reynaldo.. natuto syang magpakumbaba, maging maunawain, nagsimula ulet siyang kumilos at gumawa ng mga gawaing bahay, natuto syang tanggapin ang mga manugang at apo nya sa labas, at nagdesisyon syang gugulin ang mga huling araw nya sa mundo sa paggawa ng kabutihan at para ibahagi ang sarili para sa iba.. Episode 69 humingi siya ng tawad sa anak nyang si Ervic dahil sa hindi nya pagiging mabuting ina para dito sa kabila nang mga ginagawa nito para sa buong pamilya
  • si Sgt. Reynaldo Kim na akala mo dati ay mabuti na.. matapos nyang magretiro sa serbisyo dahil sa isang iskandalo, lumabas ang mga weakness nya gaya nang kawalan ng alam sa mga gawaing bahay, yung tipong kawalan ng hiya sa harap ng iba dahil sa pagiging desperado at pagiging ma-pride.. na-scam sya dahil sa isang negosyo ng chicken restaurant, pero ang naging magandang bunga naman nun ay marami syang natutunan na bago at praktikal na mga kakayanan.. sa bandang huli nabawi nya rin yung perang nawala sa kanya, at after ng 2 years and 5 months na timeskip ay nagtatrabaho na ulet sya sa isang may kinalaman pa rin sa pagpapatupad ng batas (nag-aasikaso o nagbibigay yata ng guidance at counselling sa mga bagong laya).. isa pang naging magandang pagbabago sa kanya sa buong itinakbo nung series ay yung pagiging parang matalik nilang magkaibigan ng dating kaaway at balae na si Abmar Joo..
  • Keith Kim ay unti-unting nagbago para sa lumalaki nyang pamilya, nag-adjust siya mula sa pagiging maluho at easy-going patungo sa pagiging masikap at praktikal, unti-unti rin siyang nag-adjust sa pagiging ama para sa anak ni Samantha na si James.. Episode 69 nag-sorry siya at nagsimulang magbayad ng utang sa kapatid nyang si Ervic, isa yung magandang pagbabago since matagal na syang problema ng kapatid nya
  • Samantha Oh ay medyo mabagal yung progress ng character nya, kahit kasi natanggap na sa pamilya silang dalawa ng anak nya ay patuloy pa rin nyang sinisilip yung mga pagkukulang ni Keith nang hindi isinasaalang-alang ang sitwasyon, matagal rin siyang naging pasaway pagdating sa gawaing bahay kahit na siya ang asawa ng panganay na anak ng mga Kim.. sa huli ay mas naramdaman naman nya ang pagtanggap sa kanya, naging mas maaasahan na sya sa bahay, mas maunawain sa asawa, at nagpatuloy na rin siya sa kanyang pag-aaral para daw hindi siya ikahiya ng mga anak nila   
  • Ervic Kim kahit na pang-asar pa rin kay Jinky hanggang sa huli ay mababakas yung tumibay nyang pagmamahal sa asawa gaya na lang kapag nagseselos siya sa mga lalaking napapalapit dito, dahil sa sinapit ng pamilya nila natuto siyang huwag sambahin ang pera, sa tulong ng asawa nabawi rin nila ang mga nawalang negosyo lalo na yung mahalaga sa kanya na sauna, pinalitan nya yung ambisyon nya na magpayaman lang sa magka-pera at malibot ang mundo   
  • Jinky Do.. parang siya talaga yung pinaka-bida sa buong istorya.. nasaktan siya sa pagiging malamig sa kanya ng asawa nya at sa matinding paghihinala dito at sa kaibigan nilang si Lily, at halos ikinabaliw nya 'to.. dahil sa pagsubok na yun nalaman nya kung anong gusto nya, nag-aral sya at nagkaroon ng license sa pagiging chef.. pinili siya ng asawa kumpara kay Lily na ikinasaya niya subalit ikinawala ng mga negosyo nila dahil sa pagganti ni Lily.. dahil sa labis na pagkiling ng babaeng biyanan sa panganay nitong anak, napilitan si Jinky na umalis sa bahay at matutong mabuhay nang sila lang, sa tulong ng ina niyang si Marlene na binenta ang dati nilang bahay ay nakapagtayo sila ng restaurant na pumatok at naging successful.. kahit nakikita nya ang mga anak nya bilang pabigat hindi makakaila na mahal nya ang mga ito.. yung character nya ay matatag at madalas na tinitingnan yung bright side ng mga pagsubok kahit na gaano man 'to kasama.. malaki yung contribution ng character nya sa naging pagbabago sa mga characters nina Reynaldo, Elena, Marlene, Ervic, at Lily.. sa huli, bilang pinakamabuting manugang, sa kanya pinamana ni Elena ang wedding ring na bigay sa kanya ng biyanan nya, yun ay sa kabila ng hindi nito pagiging asawa ng panganay na anak   


ang naging final na bilang ng anak ng magkakapatid na Kim sa last episode, mula sa panganay ay magkakasunod:
  • sina Keith at Samantha ay may 3
  • sina Ervic at Jinky ay may 2
  • at sina Lionel at Ayie naman ay nagkaroon ng 1


para sa mga supporting casts, may mga magaganda  rin na naging pagbabago sa mga buhay nila at isa rin yun sa nagpaganda sa istorya na 'to, kasi bukod sa nabibigyan ng kanilang moment yung ibang characters, nagiging instrumento rin sila para tumalakay ng iba pang topic na hindi na kayang ipasok dun sa kwento nung mga main characters..
  • sina Abmar Joo at Marlene.. si Marlene natutong tumayo sa sarili nya at siguro eh nagbago na rin yung iba nyang mga anak.. halos wala namang naging problema sa dalawang 'to, maliban sa dating pagtutol ni Ayie sa kasal nila.. sa bandang huli nakasal rin sila, napatunayan ni Marlene ang pagiging mabuti nya kay Abmar at sa mga anak nito, maging yung relasyon nya kay Jinky at sa manugang na si Ervic ay naiayos rin nya.. si Abmar naman, naging maunawain at supportive lang sa mga anak at manugang nya as always
  • sina Lt. Ricky Baek at Jorcel Joo na naging mabuti nang mga tala-batang characters simula pa lang nung istorya ay naging mag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak
  • si Lily o dating Chief Tae ay hindi naging maganda ang mga huling karanasan dahil na rin sa karmang bumalik sa kanya matapos nyang subukang sirain ang pagsasamahan ng mga kaibigan nyang sina Ervic at Jinky, dahil sa pakikipagsabwatan nya sa leader ng isang gang at dahil ipinahamak nya 'to sa katapusan ng trial ay tinugis sya ng mga tauhan nito para alilain.. halos naging pulubi ang buhay nya nun na puno rin nang takot.. nakatakas siya sa mga bumihag sa kanya at humingi ng tulong sa dati nyang matalik na kaibigan na si Jinky, hindi nagdalawang isip ang dating kaibigan na tulungan siya, humingi sila ng tulong sa bayaw nito na si Captain Lionel Kim at agad nitong pinadala ang team nya para arestuhin yung mga miyembro ng gang na nagbabantay sa tapat ng gusali ng kinaroroonan ng bahay ni Lily.. sa huli taos puso syang nagpasalamat sa dating kaibigan, kahit na hindi nya magawang humingi ng kapatawaran dahil sa masamang nagawa nya sa pamilya nito, nagdesisyon syang ibenta na ang bahay nya at sumunod na sa family nya sa States
  • si Prosecutor Cathy Lee (hindi ko gusto ang ending nya).. Episode 63 nang pinagtatalunan siya nina Lt. Choi at Corporal Jo na ikina-badtrip ng dad niya, huwag daw siyang basta-basta magtiwala sa mga lalaki at huwag ring magpakita ng motibo.. Episode 69 nang magtapat dito ng pag-ibig si Corporal Jo, akala ko pa naman ayaw nya dun pero naging mag-asawa pala sila sa huli, siguro dahil sila na lang yung match ang height.. nahimatay daw si Chief sa kasal nila at pinagyayabang ng lalaki na pasalamat daw ang father-in-law nya dahil hindi sya tatanda nang mag-isa (magkaka-apo siguro ang ibig nyang sabihin).. Episode 66 nung mabuking ng buong team ni Captain na mag-ama sina Prosecutor Lee at si Chief
  • ang dating si Corporal Jo ay na-promote sa pagiging Sergeant at mukhang nagtatrabaho pa rin bilang detective, hindi sya deserving para sa kagaya ni Prosecutor Lee, tas inaasar pa nya ang asawa nya kaya hindi sya nakakatuwa
  • si Chief Lee naman ay na-assign na commissioner sa provincial station, laking pasalamat nya tuloy sa team nina Captain Kim
  • si Lt. Yu ay head na ngayon ng isang local precinct (dahil na rin siguro sa kanyang edad)
  • si Lt. Choi na-assign daw sa head office at active pa rin as usual
  • ang totoong ama ni James na si Jericho, kahit wala nang appearance sa later episodes ay inaalala pa rin ang anak nito
  • ang kaibigan ni Samantha na si Nadia at ang dating partner ni Reynaldo na si Sgt. Ji ay nagkaroon rin ng kanilang lovelife.. naging tapat si Nadia at inamin ang tungkol sa nakaraan nya kay Sgt. Ji at sinabi naman ng lalaki na wala na syang pakialam sa nakaraan nito kundi sa magiging pagsasama na lang nila sa kasalukuyan at sa hinaharap na nagsa-suggest na nagkatuluyan rin sila
  • kahit yung part time worker na si Cherry sa restaurant ni Jinky ay may development rin sa istorya.. medyo may pagka-mahina ang ulo kasi ang pagpapakilala sa kanya, nag-aaral sya dati para makapasa bilang public officer, pero sa huli sa tulong na rin ng boss nyang si Jinky, na-realize nya na wala syang panama sa pagiging public officer at pinagpatuloy na lang ang pagtatrabaho sa restaurant na may pangarap na makapagpatayo rin ng sarili nyang restaurant someday
  • ang panganay na anak nina Ervic at Jinky na si Harry ay patuloy na kinakitaan ng quality ng pagiging matalino at mature kung mag-isip
  • si Santi naman ay halos walang naging pagbabago maliban sa pagtrato nito na tunay na ina sa mama nila na dati nilang tinatrato na step-mother lang sa kabila nang pagiging totoo nitong biological mother sa kanilang mag-kuya
  • si James ay mas bumuti sa pag-aaral, although nagtataka ako kung bakit parang hindi nabigyan nang magandang emphasis na hindi dapat nananakit ang mga magulang o relatives ng mga bata
 
sa last scene pinakita na sama-sama at masaya ang buong pamilya Kim..
wedding anniversary noon nina Reynaldo at Elena..
ni-reveal ni Elena ang balak nyang alagaan ang maliliit nyang apo at ang gawing daycare center ang bahay nya para makatulong sa iba at para kumita na rin nang konti..
winish ng tatlong magkakapatid at ng kanilang mga asawa ang longer life para sa parents nila tas hinandugan nila ang mga ito ng kanta kasabay ng hemorrhoid dance..
isang simple pero napaka-meaningful na wakas para sa isang napakagandang korean tv drama... 

Miyerkules, Hulyo 04, 2012

Shakey's V-League

ang pinaka-paborito kong sport ay volleyball..
pero hindi naman ako magaling dun..
mas gusto ko sya kapag mga babae na yung naglalaro, kasi parang bagay na bagay sila para sa isa't-isa..
yung seksing uniform, yung eleganteng mga galaw (kahit dina-dive na yung bola para sa dig), yung pamatay na mga spike, yung mga play at tricks, tas lalo na kung may magagandang player/s sa court na akala mo hindi makabasag pinggan pero kapag humataw na eh halos mabali na ang braso ng receiver..
saan ka pa!?

halos recently lang ulet ako nakapanood ng volleyball sa tv..
last yata eh nung uso pa ang mga international Grand Prix..
kaya thanks sa Shakey's para sa paliga nila...

anyway, hindi mismong volleyball pero related sa volleyball itong ipo-post kong youtube video..
pero bago yun, pangunguhanan ko na kayo dahil hindi sa akin ang video na matutunghayan nyo..
napanood ko lang sya minsan at nakakatuwa kaya gusto kong i-share (thank you sa original uploader):



ang mga are ang champion sa nakaraang Shakey's V-League Season 9, 1st Conference..
ang Ateneo Lady Eagles sa kanilang mtv version ng Call Me Maybe by Carly Rae Jepsen..
wala lang, na-cutan lang ako at naaliw sa kanila...

at kasi ngayon ko lang napansin, ang cute pala ni #5 Mae Tajima..
sayang, hindi ko pa naman masyadong pinapanood kapag Ateneo ang lumalaban kasi kumbaga ay sure win na, wala nang masyadong element of surprise kung sino baga ang mananalo sa bandang huli..
di bale, next conference siya na ang panonoorin ko kung sakaling televised pa rin yung games...


bale ang team ko talaga eh kung nasaan si #14 Areerat 'Eve' Sanorseang (Thai guest player) kasi sobrang ganda nya sa court..
elegante yung running serve nya na sure ball, tapos halos isa lang o fixed yung porma nya para sa attack pero mabilis at malakas rin..
naging paborito ko yung pinaka-last match nila (FEU Lady Tamaraws) against SSC-R Lady Stags..
para kasing yun yung peak nya dito sa nkaraang conference, umabot hanggang 5 set yung laban, tapos halos sa kanya na nakaasa yung buong team sa later part nung game, na kung tutuusin kasi eh nung mga early matches nila eh hindi naman sya masyadong nabibigyan ng magagandang play kasi limited yung attack zone nya..
sobrang pursigido sya nun kasi last chance sana para makapasok pa rin sila sa top 4, para ngang halos match na sila nun ni #7 Bualee na Thai guest player ng SSC-R..
talo si huli pero masaya pa rin..
sana lang ma-invite ulit syang maglaro dito sa bansa sa mga susunod na liga...^_^

after nawala si Eve, sa SSC-R naman ako sumuporta kasi hanga ako sa fighting spirit at lakas ni #7 Jaroensri 'Jang' Bualee..
ang super MVP ng conference na sobrang antakaw umiskor..
cute rin naman sya, at sexy.. at ang importante - malakas humataw..
medyo matagal na siyang nag-ge-guest sa liga pero unfortunately hindi pa sya nakakatikim ng championship na part nung reason kaya ko sya sinusuportahan..
hopefully next time makuha na nya yung inaasam nyang championship...

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

K-ture: Three Brothers - Ayie Joo Versus Prosecutor Cathy Lee

ang post na ito ay related sa previous korean drama post ko:
http://myanythinggoesblog.blogspot.com/2012/06/k-ture-korean-drama-korean-chicks.html
sa ngayon, nasa episode 60 na yung naka-ere sa local channel - last 10 episodes na lang...

nakakatuwa naman yung developments dun sa buo at iba-ibang istorya within the series..
naroon yung mga characters na bumabait, nagiging masipag at mas seryoso sa buhay, mas nagiging palaban sa buhay, mas nagiging mautak, mas tumitibay yung mga pagsasama, at meron rin yung tulad nung kaibigan ni Samantha na mukhang nade-develop na dun sa dating katropa na pulis ni Sergeant Kim..
sa kabilang banda, andun rin yung mga characters na saka pa lang lumalabas yung  mga hindi magagandang ugali.. andyan si Ayie na nagiging mas pasaway, si Samantha na tatamad-tamad pa rin sa gawaing bahay, at si Mang Reynaldo na sobrang reklamador simula nang mawalan ng trabaho pero wala naman kaalam-alam sa basics ng buhay - natatawa ako dun sa episode kung saan gutum-gutom na sya at pagkauwi ng asawa nyang si Elena eh tinanong nya 'to kung nasaan daw yung susi para sa rice cooker dahil akala nya pinagdadamutan sya ng asawa nya ng pagkain , yun pala eh hindi lang sya talaga maalam magbukas nun - naman, anlupet, LOL!

pero gaya ng dati ang review ko ay mas focus sa istorya nina Ayie at Prosecutor Lee..



are na nga, Ayie Joo versus Prosecutor Cathy Lee..

kumpara sa first half kung kelan mas romantic yung takbo ng istorya ng buhay nina Ayie at Captain Lionel Kim, yung second half na nag-start simula nang makasal na sila eh mas praktikal na at mas nakatuon na sa realidad..
sa gabi pa lang ng honeymoon pinagtatalunan na nila ang tungkol sa pagbuo ng baby.. ang second half ng istorya nila ay sa halip na nagpe-present ng mga problema o issues from outside or external factors gaya ng ka-love triangle or history ng parents nila, eh mas naka-focus sa behavioral problems gaya ng mataas na pride at misunderstanding..
yun siguro yung dahilan kung bakit marami ang ayaw sa mga characters at sa relationship nila.. pero sa tingin ko yun talaga yung gustong i-point out o i-emphasize nung story nila.. yung biglang pagpangit ng ugali ng mga characters nila is normal lang sa bagong kasal specially sa case ni Ayie na walang kinagisnan na ina, lumaking praktikal at independent, at mas matanda kesa sa asawa nya.. kasi nasa stage sila ng adjustment eh, at sa puntong yun yung mga ugali at pride lang talaga nilang dalawa ni Captain Kim yung mismong kalaban nila...

ang nakakapagtaka dito sa second half, eh kung bakit parang nakalimutan na ni Captain yung mahahalgang tips ni Prosecutor Wang (na ex ni Ayie) na makakatulong talaga sana para mapakisamahan nya ng mabuti ang asawa.. pero sa bagay, dapat naman talagang magbago na si Ayie kasi mali-mali naman talaga yung ugali nya...
anyway, mabalik tayo kina Ayie at Prosecutor Lee..
so si Ayie nga eh masyado nang nagiging makasarili lately, at hindi na naiisip na parte talaga ng pag-aasawa ang pakikisama sa mga biyanan at iba pang kapamilya ng asawa lalo na sa panahon ng mga suliranin..
at dahil dun andami na nyang minus saken..
yung maganda nyang mukha at seksing legs na nga lang yung nagugustuhan ko sa kanya lately eh..♥_♥


speaking of legs.. are (sa kaliwa) yung ilang screenshots mula sa Episode 3 noong sumali sya sa watershow sa isang nightclub.. sobrang revealing nya dito..


ganito si Ayie kapag normal lang siya o di kaya kapag nagbubuntong-hininga..
mas bagay talaga sa kanya ang may bangs..


ganito naman sya kapag malapit nang mag-wasang.. nagsasalubong na yung kilay at handa nang manigaw...



fullbody shots nung dalawa, pero hindi galing dun sa series yung images:

height: 165 cm or 5'5"..
dun sa series, mas madalas na nae-emphasize yung legs ni Ayie kesa kay Prosecutor Lee..
sa kanilang dalawa, sa tingin ko mas proportional yung figure nya... 

height: 170 cm or 5'7"..
si Prosecutor Lee naman.. sexy rin naman siya, at dito sa picture sa taas eh parang mas malaman yung hita nya kumpara sa series..
pero maganda, mas bagay sa kanya...♥_♥



si Prosecutor Cathy Lee mas nagiging close pa siya kay Captain..
malakas yung dating niya..
magaling siyang makisama at makiramdam..
understanding, pranka, at hindi basag-ulo..
sa Episode 55 nagselos si Ayie nang matindi sa kanya, kasi nakita siya ng asawa ni Captain na pinapatawa si Captain tas nagmumustra pa sya ng heart shape sa kamay..
Episode 56, hinarap na sya ni Ayie, inamin nya na gusto nya si Captain dati, na bago makasal yung dalawa eh sinubukan nyang akitin yung lalaki, pero wala na yun ngayon dahil hindi siya yung tipo na mang-aagaw ng asawa.. sinubukan nya ring iparating kay Ayie na napakasuwerte nya kay Lionel at pangarap nyang makasal sa lalaking kagaya ni Captain..
dalawang beses pa lang syang mukhang natinag kay Ayie.. yung una eh sa pantasya pa ni Ayie kung saan nasermonan nya ito dahil siya ang katabi ng asawa nya sa harap ng sasakyan - at inuulit ko, sa pantasya nya lang yun.. at ikalawa eh sa Episode 55 nung biglang hinarang ni Ayie yung kotse niya at nagulat ang prosecutor na gusto syang makausap nung isa (nagulat siya na parang kabit na guilty na talaga yung itsura nya).. 
madami silang bagay na pinagkakasunduan ni Captain Kim, kaya lately mas bagay silang panoorin na magkasama..

matapos bumisita sa bahay ng mga Kim..
simple lang sya pero ang ganda-ganda lalo na kapag nakangiti..♥_♥
mas bagay rin sa kanya itong unat na buhok..


LOL, hindi ko pa napapanood, pero sa scene na 'to eh mukhang sinubukang mag-propose nung isang teammate nina Captain na mukhang busted naman yata..
ito yung isa pang madalas na style nang buhok nya na naka-ponytail at medyo kulut-kulot..


seryoso naman siya kapag ganito na ang itsura nya..
pwedeng sa normal na conversation lang, pwede rin naman kapag nananabon o nagsesermon na sya...


are pa ang additional pics ni Prosecutor Cathy Lee:





at screencaps mula sa Episode 39 kung saan naglaban sina Ayie at ang prosecutor sa inuman:


bale sa lahat ng pagkakataon eh si Ayie yung natatalo o napapahiya sa kanilang dalawa..
no match na no match yung isa..
sa puso nga lang ni Captain Kim siya nanalo eh...

basta ang conclusion, sobrang swerteng lalaki ni Captain Lionel Kim dahil sa dalawang babae na 'to...



Tip:  
- kung mukhang mahirap maghanap ng images ng mga Korean artist na paborito nyo, subukan nyong gamitin sa search engine yung mga pangalan nila na naka-Korean characters sa halip na yung romanized.. mas effective yun...^_^