Mga Pahina

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Yang Myung's Death)

noong isang araw yung character ni Seol ang namaalam sa istorya na 'to..
at kagabi naman, si Prinsipe Yang Myung na yung nagpapatay sa sarili niya..
malungkot yung character niya, isang nilalang na tila pinagdamutan ng kapalaran at tradisyon ng kanilang kaharian - sa kapangyarihan at maging sa kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya..
pero sa kabila ng lahat, nabiyayaan naman siya ng kabutihan sa kapwa at ng maraming kaibigan...

nakipagtulungan siya sa kapatid niyang hari upang makilala lahat ng kanilang mga kalaban sa palasyo at para na rin tuluyan nilang malupig ang mga ito..
ginamit ng mga kalaban ang kanyang titulo at maging ang paghahangad niya na makuha si Yeon Woo upang mahikayat nila siya sa kanilang panig..
bilang isang prinsipe na posibleng maupong hari, pakunwari siyang nakipag-sabwatan sa mga corrupt na ministro upang mag-plano ng isang kudeta upang mapatalsik ang kasalukuyang nasa trono..
hiniling niya sa mga bago niyang taga-suporta na lumagda sa isang listahan na iyon pala'y gagamitin niya bilang katibayaan ng pagtataksil ng mga ito sa bayan..
lumikha siya ng isang plano ng pananambang sa hari kasabay ng nakatakdang araw ng pangangaso ng mga tauhan ng palasyo, na iyon pala'y isang bitag lamang sa grupo nila upang maubos na ang mga totoong kalaban ng bayan..
nagtagumpay ang kanilang totoong pakay..
ni hindi man lang nasugatan ang prinsipe sa naging labanan at siya pa nga ang tumapos sa halos lahat ng mga pangunahing kalaban..
subalit isang kawal sa panig ng mga kaaway ang may natitira pang lakas upang maghagis ng isang spear..
binalaan ng hari ang kapatid niya tungkol dito, ngunit sa halip na umiwas sa nakaambang panganib, binitawan ng prinsipe ang kaniyang espada at humarap sa spear na inihagis sa kanya...

sa puntong iyon natanggap na niya ang kanyang kapalaran..
at bilang isa ring 'Araw' o potensyal na hari..
mas ginusto na niyang mamatay nang hindi na mag-alala pa ang kanyang kapatid tungkol sa agawan sa trono..
pinagtapat niya rin dito ang pagkainggit niya dahil siya ang pinili ni Yeon Woo na mahalin..
inamin niya na rin na totoong minsan hinahangad niya na makuha ang trono dahil kay Yeon Woo, subalit ang pagmamahal niya sa kanya mismong kapatid at sa kanyang mga kaibigan ay sapat nang dahilan para iwasan niya ang masamang idinidikta ng kanyang puso...

bilang review..
mas naunang magkakilala sina Prinsipe Yang Myung at Yeon Woo, ngunit sa isang hindi kanais-nais na pangyayari..
noon pa man minahal na niya ito..
subalit tila nakatakda talaga ang kanyang kapatid at ang babaeng kanyang pinaka-iibig..
kaya siguro pinakamainam na rin na namatay siya dahil ang kaisa-isang taong kanyang hinahangad sa buhay ay kailanman ay hindi na mapapasakanya..
halos katulad rin ng love story ni Seol...

isa siya sa pinaka-interesanteng character sa istorya na 'to..
siya yung mas maagang nagkaroon ng kaugnayan sa iba pang mga character nung kwento:

- si Woon, na eventually ay parang naagaw sa kanya ng kapatid niyang hari dahil sa kapangyarihan at sa isyu ng katapatan.. pero kahit nagkaganoon gumagawa pa rin ng panahon para sa kanya ang dating matalik na kaibigan.. sa kanlungan ni Woon namatay ang kaibigan niyang prinsipe na lubos niyang ikinalungkot..

- ang kapatid ni Yeon Woo.. siya yung mas nanatili na karamay ng prinsipe sa pagdaan ng panahon sapagkat mas madali siyang mahagilap dahil na rin nawalan siya ng kakayahan na maglingkod sa bayan..

- ang ama ni Yeon Woo na naging guro niya at itinuring rin niya na parang isang ama..

- si Lady Jang.. nag-krus ang mga landas nila noong panahon na iniligtas ng prinsipe si Jan Shil..

- si Jan Shil.. cute yung samahan nila.. isang isip bata at isang kuya.. minsang iniligtas ng prinsipe ang buhay niya sa sindikato na gumagamit ng mga bata at pinagpapanggap itong may kakayahang manghula upang manggantso ng mga tao.. nakatakas sila at si Lady Jang na ang kumupkop sa kanya simula noon.. mabait siya sa prinsipe at sinusuportahan ang mga gusto nito.. minsan na niyang sinuway ang mahigpit na bilin ni Lady Jang para gumawa ng paraan upang muling magtagpo ang landas ng prinsipe at ni Wol (si Yeon Woo noong mga panahon na wala pa siyang naaalala tungkol sa kanyang nakaraan)...

- si Seol.. nakakalungkot isipin na tila hindi man lang nagkakilala at nagkasama ni minsan sina Prinsipe Yang Myung at Seol...


sina Jan Shil at Seol..
ang mga cute na kaibigan ni Yeon Woo..
si Seol ay isang babaeng mahusay sa espada at si Jan Shil naman ay isang babaylan na may malakas na potensiyal..
higit na mas bata si Jan Shil kina Seol at Yeon Woo, pero pasaway siya at sumasagot kay Seol paminsan-minsan...


si Jan Shil kapag naka-bihis babaylan..
mas bagay sa kanya yung nakalugay na buhok..
dito kasi parang manipis yung buhok niya at mataba ang pisngi..
kaya mas gusto ko yung cute na casual niya...

Lunes, Oktubre 29, 2012

K-ture: Moon Embracing the Sun (Seol's Death)


ang lupit ng episode ng palabas na 'to kagabi..
matapos madiskubre ng kuya ni Yeon Woo ang kinalaman ng asawa niyang prinsesa sa misteryosong pagkakasakit at pagkamatay ng bunsong kapatid nito 8 taon na ang nakararaan, agad na kumilos ang mga corrupt na ministro ng palasyo upang ipapatay siya...

limang assassin ang ipinadala sa bahay ng mga Heo..
pero bago pa man nila maisagawa ang masamang balak, agad namang dumating si Seol upang ipagtanggol ang kanyang dating amo..
madaling nai-dispatsa ng dalagang dalubhasa sa espada ang dalawa sa mga kalaban, subalit sa mga sumunod niyang pag-depensa ay lumabas ang kalamangan ng mga kalaban sa bilang at napuruhan siya nang napuruhan ng mga taga at saksak..
nagawa pa niyang makapagpatumba ng isa pang tagapaslang, ngunit delikado na ang lagay niya..
mabuti na lang at dumating ang bodyguard ng hari na si Woon, at madaling tinalo ang huling dalawang kalaban...

sa mga bisig ng kanyang dating amo..
ipinarating nito ang taos puso nitong pasasalamat na nabigyan ng katauhan ang alipin na si Seol..
hindi lang nito binigyan ng pangalan ang dating katulong, kundi naging mabuti pa sa kanya ang buo nitong pamilya at itinuring na rin siya bilang isang kapamilya..
inihingi niya ng tawad na hindi na niya magagawa pang protektahan si Yeon Woo na minsan na nitong inihabilin sa kanyang pangangalaga..
ipinagtapat rin niya at inihingi ng kapatawaran ang kapangahasan niyang mahalin ang dating amo sa loob nang matagal na panahon..
at sinabi niya na rin dito na buhay pa talaga ang nakababata nitong kapatid...

sa pinagtataguan nina Lady Jang at Jan Shil..
naramdaman ng dalawang babaylan ang pagkawala ni Seol..
sa pamamagitan ni Jan Shil, ipinarating ni Seol ang taos pusong pasasalamat sa pagkupkop at pagprotekta sa kanila ng punong babaylan at ang paghahangad nito na makita rin ng dalawa ang tunay na kaligayahan sa buhay..
tila nakausap rin ni Lady Jang ang espiritu ng dalaga sa kalagitnaan ng pagbuhos ng niyebe..
itinanong nito kung naging masaya ba si Seol sa naging desisyon nito na ibuwis ang kaniyang buhay para sa taong kaniyang pinakamamahal, at sumagot naman ang dalaga na iyon ang naging pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay...


ang non-intelligent part ng episode na ito ay yung hindi man lang tinulungan ng dating amo ang dalaga sa pakikipaglaban..
oo nga at iminungkahi niyang dapat na dalawa silang humarap sa mga tagapaslang dahil nga sa kalamangan ng mga ito sa bilang, na iyon naman ay agad na tinanggihan ni Seol..
subalit sa pagkamatay nung unang kalaban, mas matalino sanang kuhanin ang espada nito upang matulungan man lang ang dalaga kahit na papaano o di kaya ay namulot siya ng bato sa malayo at binato ang mga kalaban...

bilang review..
hindi mahusay sa larangan ng espada ang kuya ni Yeon Woo..
madalas siyang talunin noon ng kaibigang sina Prinsipe Yang Myung at Woon..
subalit kahit papaano ay meron pa rin siyang background at kasanayan sa pag-e-espada...


isang malungkot na katapusan para sa character ni Seol..
siguro kinailangan rin siyang mamatay dahil hindi na naman niya makakatuluyan ang lalaking pinakamamahal niya dahil nga kasal na ito sa prinsesa...

Sabado, Oktubre 13, 2012

Tabrett Bethell for Resident Evil Film?

Tabrett Bethell as Cara in Legend of the Seeker...

fan na nya ako simula pa lang nung makita ko yung mga random image niya from Legend of the Seeker sa Google..
malakas talaga ang dating sa akin ng mga blonditang chick..
ni hindi ko nga napanood yung Season 1, pero laking pasalamat ko sa Studio 23 kasi pinapalabas nila yung Season 2 ngayon, every Saturday, mga 7:30 pm, basta after nung show ni Ryan Bang...

but anyway, hindi yung Legend of the Seeker ang iniisip ko sa puntong ito, kasi matagal nang itinigil yung series na yun..
naisip ko lang na sa sobrang HOT nya, parang pwede siyang isali sa Resident Evil movie series..
sa ngayon, parang wala na namang bakanteng female blonde character mula dun sa game series..
(pasensya na, hindi talaga ako well-informed pagdating sa game series dahil sa kahirapan ng buhay..)
si Sheva Alomar na lang yata yung main character na wala pang movie adaptation, kaso African descent siya kaya hindi pwedeng si Miss Bethell yung gumanap sa kanya..
EDIT - halos kare-research ko lang ngayon.. andami na pala ulit nadagdag dun sa game.. meron naman akong nakitang isang blonde at isang brown-haired.. marami pa rin nga palang walang movie appearance...

para kasing hindi na napi-feature yung kalupaan ng Oceania or kahit Australia man lang dun sa game or sa movie..
dapat meron rin silang survivor mula dun..
tamang-tama kasi Australian si Miss Bethell..
at sa sobrang sexy niya pwede na siyang ihanay kina Miss Valentine at Miss Alice..
andyan din si Ada Wong, at baka sa next film mas sumeksi na si Claire Redfield..
tsaka may experience na siya sa pagsusuot ng catsuit..
siguro pwede namang sa movie na lang yung posibleng maging character niya, kahit wala nang equivalent character dun sa game series, parang yung character ni Miss Alice - pang-movie lang pero bidang-bida...

wala lang..
naisip ko lang naman..
parang hindi ko pa kasi siya nakikita sa mainstream eh...

Linggo, Oktubre 07, 2012

My Lotus Nightmare


ilang buwan na nga ba..?
halos pitong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mawala sa akin yung Lotus unit ko..
ni hindi ko nga siya nakita sa personal kundi sa picture lang sa ebay, at tsaka yung details tungkol sa shipment niya dun sa website na ni hindi ko alam kung binura na nung kompanya sa records nila sa ngayon (after a few months kasi simula nung nangyari yung insidente, tas kapag sinusubukan kong i-track sa website nila yung package gamit yung 2 tracking number na ini-assign sa parcel ko, eh error na yung lumalabas na result, hindi gaya nung mga naunang buwan.. tapos hindi na rin naman ako makapagtanong sa Facebook page nila dahil nai-block nila yung account ko.. tapos wala rin namang nagre-reply sa email)...

hanggang ngayon sumasama ang loob ko kapag naaalala ko yung nangyari..
pero kahit nakaka-badtrip, ginagamit ko pa rin yung picture nya bilang wallpaper ng computer ko, wallpaper ng cellphone ko, at profile pic ko sa Facebook..
para kasi maalala ko kung ano yung importanteng bagay na kailangan kong mabawi...

kahit nasabi ko na napatawad ko na yung ibang taong involved sa pagkawala nung unit ko, hindi ko pa rin maiwasan na mapoot kapag naiisip ko na hindi dapat nangyari yung masasamang bagay na yun kung hindi dahil sa naging kapabayaan nila..
parang combo ng kamalasan yung nangyari sa akin nung mga panahon na yun..
after so many years nang paghahanap dito sa loob ng bansa, finally nakakita rin ako ng available unit sa ebay..
siyempre na-excite ako, natuwa nang sobra..
kinailangan ko pa ngang makipad-bid nang mano-mano nang hatinggabi para lang masigurado na makukuha ko yung item sa katapusan ng bidding period..
pero ano nga bang nangyari?
nung pumalpak yung delivery at nagsimula akong mag-imbestiga, paunti-unti ko na lang nadiskubre na nagkamali pala yung staff nung toy store na binilhan ko sa pagsulat nung address ko..
tas are namang mga empleyado ng LBC na nag-handle ng package ko, after mag-fail yung first attempt to deliver (dineliver yung package sa maling address na naibigay sa kanila, at dahil hindi naman talaga ako dun nakatira eh dineclare ako na 'unknown consignee'), eh isinauli daw agad yung item sa sender nang hindi man lang ikina-klaro yung nangyaring failure dun sa sender..
hindi man lang sinubukang i-verify at itama yung address o ano, tapos sabi na ganun daw talaga yung procedure nila na kapag corporate account ang nagpadala ng package eh hindi na nila ibe-verify sa kanila in case na may pagkakamali at agad na ibabalik na lang sa kanila bilang sender yung item..
tapos yung ibang empleyado naman nila iginigiit na mali yung naging desisyon at ginawa nung mga tauhan nila doon sa delivery hub...
nasaan ngayon yung tamang procedure dun? bakit sila-sila ang nagturuan kung sinong mali at kung ano yung maling ginawa? eh iisang kompanya lang naman sila eh...

una kong nakita yung Lotus unit at yung mga kasamahaan nya habang nagba-browse sa website ng Spawn..
naisip ko kasi na impressive yung sculpt nung mga prototype figures nila at hindi na rin naman masama yung mga mass produced copies..
bale sa lahat nung characters na naka-feature dun sa website nila, tatlo yung pinaka-napansin ko..
sumagi sa isip ko na humanap at bumili nga ng mga yun, ..pero hindi naman masyadong seryoso kasi baka nga naman wala namang available dito sa loob ng bansa (nakakatakot naman kasi ang buwis ng mga imported products)..
tapos ilang araw ang makalipas naghahanap ako ng ibang line ng action figures na pwede kong bilhin sa isang mall na within the city lang, at laking gulat ko kasi andun yung dalawang Spawn figures na target ko..
and to think na yung tatlo kong napili eh hindi naman talaga pare-parehas ng series na kinabibilangan o yung date kung kailan sila ni-release, eh naisip ko na parang destiny naman yun na nakita ko agad yung dalawa nang sabay..
at dahil may pagka-impulsive buyer ako, eh binili ko nga agad sila..
at dahil dun, mula sa pagiging 'hindi naman talaga seryoso', eh naging pursigido na akong kumpletuhin yung Spawn Trinity ko - na are na nga lang Lotus na character ang kulang...

for almost 4 years, naghanap ako nang naghanap dito sa bansa..
at nung finally makakita na ako at masyadong na-excite na makumpleto yung koleksyon ko..
sa loob lang ng ilang araw, bigla na lang binawi sa akin yun ng tadhana na para bang combo nga ng mga kamalasan..
sa totoo nga lang simula noon, parang sunud-sunod ng kamalasan ang nangyari sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko..
naranasan kong gumuho ang isang maiko-consider kong long term na pangarap..
isa sa pinakamasasakit kong alaala sa buhay, bukod dun sa insidente kung saan pinagnakawan ako ng pinagsususpetyahan kong biological (ibig sabihin - kapamilya) sa loob ng sarili naming pamamahay..
at yung 'almost 4 years' na yun, naging 'more than 4 years and counting' pa dahil sa basurang insidente na yun...

a few months after nang masigasig na pagpa-followup ko dun sa insidente..
wala ring nangyari at parang nauwi lang ang lahat ng kapaguran ko at ng mga taong tumulong sa akin sa wala..
the last move sana ng ahensya ng gobyerno para sa akin ay yung mediation meeting na ini-schedule ng Philippine Shippers' Bureau (o kung anuman yung tamang spelling o paglalagay ng punctuation)..
para sa akin, sa LBC, at sa lahat ng taong invloved..
pero hindi naman sumipot yung may sala eh, ni hindi nga daw sinasagot yung pagkontak sa kanila nung nasabing ahensya..
after nun wala na akong balita...

hanggang ngayon marami pa rin akong katanungan na hindi nasasagot..
kung bakit may mga tangang empleyado ng kompanya?
may naparusahan na ba dahil sa palpak na serbisyo?
kung saan nga ba napunta yung item ko? ninakaw ba ng empleyado nung kompanya? o nahulog ba sa sasakyan habang ibinabiyahe? kasi hindi naman talaga katanggap-tanggap na sasabihin nila na basta na lang yun nawala na parang bula..
nawala yun, pero saan nga ba siya napunta?
kaninong bahay kaya siya naka-display ngayon?
responsableng kolektor ba ang nagma-may-ari sa kanya ngayon, o baka naman ginawa na lang siyang laruan ng isang batang mahilig manira ng mga gamit?

kung tutuusin hindi naman dapat naging malaking problema para sa akin ang lahat kung may maraming pera lang ako..
isang item lang naman yun eh..
madali lang dapat na palitan, kapalit ng malaking halaga ng salapi..
pero sino ba naman ako..
sa ngayon puros masasamang alaala at mga gabi ng bangungot lang ang naiwan para sa akin...

ang masama pa dun, kahit gaano ko kagustong maging bayolente at magtapon ng buhay ng mga walang kwentang tao - hindi naman ako hahayaan ng mga batas at ng mismong society na makaganti man lang sa mga tumarantado sa akin...


image is from www.spawn.com...
click here for a related post...