Mga Pahina

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Dream Date ?

kung date lang ang pag-uusapan.. as in striktong date lang talaga..
eh pangarap ko sanang makipag-date sa Korea - sa South Korea, siguro kahit sa Seoul lang..
naiintriga kasi talaga ako sa soju at sa Korean Beef..
yung babarik ka nang outdoor, tapos eh ikaw pa mismo ang magbabangi ng pulutan sa table..
mas maganda rin siguro kung malamig yung panahon..
tapos lahat ng iyon ay ginagawa mo habang may kasama kang certified Korean chick..
masaya siguro yun...^_^

kaso hindi naman ako maalam magsalita ng Korean o magbasa ng Hangul, kaya baka mag-nosebleed naman ako..
idadaan ko na lang siguro sa Google Translator...

pagdating naman sa mismong ka-date..
eh siyempre Koreana dapat yun, kasi sa South Korea nga yung lugar eh..
ahmmm.. mahilig ako sa mga magaganda at / o cute na mga Koreana..
yung magaganda ang mga mata..
at magandang paiyakin..
at artistahin para wala na akong hanapin pa...

ang gusto ko sana eh yung katulad ng mga are (ewan ko lang kung accurate yung data ko, basta as of this day yung stats na yan, sakto at walang round of):


#1 - Lee Soon-Kyu (23 y/o)


hindi naman siya yung tipong masasabi mong sobrang ganda talaga..
pero ewan ko ba..
basta gusto ko yung ka-cute-an niya eh..
maganda kasi yung korte nung mga labi niya...


#2 - Stephanie Hwang (23 y/o)


wala akong maipintas o makitang mali sa isang ito..
kung 'kabute' man siya, eh siya na ang pinaka-magandang kabute sa mundo..
at nakakapag-English siya..
isa siyang perpektong babae...♥.♥


#3 - Oh Ji-Eun (31 y/o)


gusto ko siya basta't may bangs..
gusto ko din siya kahit mas matanda siya kesa sa akin...


#4 - Lee Min Jung (29 y/o)


cute siya parati..
parang hindi tumatanda..
gusto ko rin siya kahit mas matanda siya kesa sa akin...


#5 - Yoon Joo Hee (27 y/o)


gusto ko yung prosecutor form niya sa Three Brothers..
simple lang siya pero may dating..
lalo na siguro kung kaboses niya yung nag-dub sa kanya sa Tinagalog na tv series nila...^_^


bale, hayan..
walang itulak kabigin sa kanila..
ang tanong eh kung may jowa o asawa na ba ang mga yan..?

kung pwede lang mag-clone ng mga tao..
at kung mura lang yun..
iko-clone ko ang bawat isa sa mga are..
isasama ko na rin yung mga non-Korean..
tapos gagawa na lang ako ng harem XD..
para hindi ko na kailangan pang pumili...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento