Mga Pahina

Biyernes, Pebrero 15, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 6 Recap

sobrang gaganda ng mga development dun sa istorya this week..
bale hindi naman masasaya, bagkus ay marami ngang malulungkot na nangyari lalo na para kay Park Ha..
sobrang broken hearted na siya sa ngayon.. imagine, naka-tatlo siyang heartbreak within a week..
pero ganun talaga..
mahahalaga yung mga naging development, at unti-unti nang napapalapit ang prinsipe sa pilit nilang inaalam na katotohanan sa misteryong bumabalot sa kanilang paglalakbay sa panahon...



RTP-26
2nd heartbreak.. gagamitin na ni Sena si ala-Terrence...

nagpabili si Lee Gak ng mga sangkap sa paggawa ng gamot at pati na rin takure kay Chi San, at talagang yung black credit card pa rin ang gamit nila kahit sa mga ganoong bagay.. ikinalungkot ng prinsipe na masama ang pakiramdam ni Park Ha sa mismong kaarawan pa nito...

sa Office, sinusubukan ni Exec. Yong na kumuha ng impormasyon kay Manager Bang na loyal sa anak niyang si Tommy.. (Managing Director ang tawag sa kanya ni Manager Bang) tinakot ito ng superior na ia-assign siya sa warehouse kung kaya't napilitang magsalita ang manager, at nalaman ng Executive na may isa pang apartment ang kanyang anak, naisip naman niya na baka kay Secretary Hong yung apartment na yun.. pinilit rin niya si Manager Bang na sabihin ang lokasyon nung apartment na tinutukoy nito...

pinuntahan ng Executive yung lugar at nadatnan niya si Susan sa may labas nung tinutukoy na apartment ni Manager Bang.. sinusubukan ni Susan na buksan ang apartment ni Sena, pero mukhang pinalitan na daw ng stepdaughter niya ang code para sa lock nito.. nakita niya si Exec. Yong, at humiram siya ng ballpen dito upang magsulat ng note para kay Sena, at umalis na rin ito pagkatapos.. binasa ng Executive yung note at dahil dun ay nalaman niya ang kasinungalingang sinabi sa kanilang lahat ng secretary...

sa Rooftop.. bumangon na si Park Ha at nakita niya sa labas na nagpapakulo si Yong Sul ng gamot para sa kanya.. natanong niya ang bodyguard kung bakit nandoon na sila sa mga oras na iyon, at sinabi nito na pumasok naman sila sa opisina pero umuwi rin nang maaga para maihanda ang gamot ng dalaga.. nalaman ni Park Ha na si Lee Gak ang may pagawa nung gamot kaya medyo duda siya dito, at sinabi naman sa kanya ng kamahalan na bilang isang prinsipe ay bihasa siya sa larangan ng medisina.. sa wakas, handa na ang gamot at maging si Yong Sul ay nagpasalamat sa prinsipe...

sa kuwarto ni Park Ha.. pinainom na ng kamahalan ng ginawa nilang gamot ang dalaga, matapos ay pinanguya rin niya ito ng isang piraso nung tinawag niyang Park Ha candy, maya-maya lang daw ay aantukin na siya at gaganda na ang pakiramdam niya matapos makapagpahinga.. muli namang humingi ng pasensya ang babae dahil sa pagkawala niya sa panyong may burda ng kamahalan, at sinabi naman nito na wala na silang magagawa tungkol sa bagay na yun at kung para talaga sa kanya iyon ay babalik rin iyon sa kanya.. napansin ni Lee Gak yung postcard na nakasabit nang muli sa kuwarto ng dalaga at nasabi niyang hindi niya inasahan ang mga natuklasan nilang pangyayari, sinubukan niyang i-analyze ang mga bagay-bagay, at maging si Park Ha daw ay curious din na malaman kung ano ba talaga ang nangyari.. nabanggit niyang bagamat si Terrence ang nagpabigay sa kanya nung postcard ay ni hindi naman talaga sila nagkita ng personal.. naisip ni Lee Gak na posibleng namatay na ang totoong Terrence noong panahon na dapat magmi-meet na sila ni Park Ha sa New York.. dahil sa pag-a-analyze, hindi niya napansin na nakatulog na pala ang dalaga.. kinumutan na lang niya ito nang maayos...

balik sa Office.. pinatawag ni Exec. Yong si Secretary Hong para hamunin na isumbong na sila ni Tommy sa Lola-Chairman tungkol sa binabalak ng mga ito na pagbebenta na sa Kompanya.. pero tinanong niya rin ang secretary kung sa tingin ba nito ay may maniniwala sa kanya, sabay reveal sa nadiskubre niyang ginawang kasinungalian ng dalaga at sa pagka-diskubre din niya sa tumatayong ina nito na si Susan Kang na isa lamang tindera sa palengke.. nais ipabatid ng Executive na dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling tungkol sa family background niya ay malamang hindi na siya paniwalaan ng ibang tao.. ipinilit na niya ulit na mag-resign na ang secretary at layuan na nito si Tommy kapalit ng kanyang pananahimik...

mababakas sa mukha ni Sena ang pagiging problemado na.. naalala niya si Park Ha at agad na tumungo sa Rooftop.. nadatnan niyang natutulog ang itinuturing na stepsister.. napansin at nabasa rin niya yung note na iniwan para kay Park Ha ni ala-Terrence, na nagsasabi na magkita sila sa may Han River Bridge ng 7:00 pm...

bago magkita.. bumili pa ng parang pin o hairpin si Lee Gak (para siguro kay Park Ha since yung dalaga naman yung ka-meet niya this time)...

balik sa Rooftop.. maayos na ang pakiramdam ni Park Ha at nabasa na rin niya ang iniwan na note ng prinsipe.. masaya siyang nag-ayos, naglugay ng buhok, at nagbihis ng maganda...

sa may Han River Bridge.. hinihintay na ni Lee Gak si Park Ha, subalit naunang dumating doon si Sena, nasorpresa naman ang lalaki.. ipinakiusap daw sa kanya ni Park Ha na sabihin kay ala-Terrence na hindi ito makakapunta.. pwede naman daw niyang itawag na lang kay ala-Terrence ang tungkol sa bagay na yun, pero mas ginusto niyang sabihin iyon sa kanya ng personal.. habang nakatambay, naulit ng secretary yung sinabi dati sa kanya ni ala-Terrence na magugustuhan rin niya ito.. naitanong niya sa binata kung paano daw ba kung magkagusto na nga siya sa kanya, ano ba daw ang sunod niyang gagawin, agad namang sumagot ang nagpapanggap na tagapagmana na yayayain niyang magpakasal na si Sena.. pagkatapos ay umamin na nga ang malditang babae na gusto na niya si ala-Terrence, inakala ng lalaki na wala pa siyang pag-asa sa secretary, pero sinabi naman ng babae na hindi na niya dapat itago ang kanyang tunay na nararamdaman at na gusto na nga daw niya ang binatang boss.. isinauli rin nito ang itinago niyang panyo, at nagkunwari na buong gabi rin niyang hinanap iyon sapagkat alam niyang mahalaga ito para sa binata.. nagpasalamat naman si ala-Terrence sa kanya.. napansin ni Sena na papalapit na sa kanila si Park Ha kung kaya't bigla niyang niyakap si ala-Terrence.. saktong nakita naman sila ni Park Ha na magkayakap na, at tila pinagmukha pa nga ni Sena na naghahalikan sila.. mangiyak-ngiyak na tumalikod si Park Ha at umalis na dun sa tagpuan nila dapat ni Lee Gak...

---o0o---


RTP-27

niyaya ni Sena si ala-Terrence na umakyat sa Namsan Tower, hindi pa daw siya nakakaakyat sa tuktok noon dahil ayaw niyang umakyat na kasama ang taong nakaakyat na doon dati, gusto nya ring maging special ang pag-akyat niya doon kasama ng special na tao...

habang nag-iisang naglalakad-lakad, hindi naman talaga siya nag-iiyak, pero halatang malungkot ang dalaga.. napadaan si Park Ha sa isang basketball court, sakto namang may bola kaya naglaro siya kahit mag-isa at naka-high heels pa, bale shooting lang naman...

sa tower.. nagkukuwentuhan yung dalawa, napatingin si ala-Terrence sa relo niya at napansing maraming oras na rin pala ang nakalipas.. tila dini-delay naman siya ni Secretary Hong na niyaya pa siyang sumakay sa cable car...

habang papauwi ay nakita naman ng 3 alalay si Park Ha na naglalaro ng basketball doon sa court.. nabanggit ni Man Bo na balak ng prinsipe na ilibre si Park Ha ng dinner sa kaarawan niya, napansin nito na nakabihis at naka-takong pa ang babae kaya naitanong niya kung nagkita na ba sila ng kamahalan, nagkunwari naman si Park Ha na hindi niya pinuntahan si Lee Gak at na may kasama siyang isang kaibigan sa pagdi-dinner.. tinuruan ng dalaga ang 3 tungkol sa basketball, pinasubok niya ito kay Yong Sul at idinakdak naman ng bodyguard ang bola ng walang kahirap-hirap, napahanga niya yung tatlo sa ginawa niya, at naisip ni Park Ha na yayain ang 3 na maglaro muna ng basketball...

nais na talagang umalis ni ala-Terrence bagamat kasama niya ang babaeng matagal na niyang inaasam na makasama (mukhang gusto niya ring makasama si Park Ha sa birthday nito).. sa puntong iyon ay wala nang nagawa si Sena, at nagpaalam na nga sa kanya ang binatang boss.. tila medyo nalungkot naman dun ang sekretarya.. talaga nga palang nakakapag-drive na si Lee Gak ng auto ngayon.. nakausap niya si Chi San na sinabi kung saang court sila naglalaro, dumiretso naman dun ang prinsipe...

sa basketball court.. masayang naglalaro ang apat, magkasapi sina Park Ha at Yong Sul laban kina Man Bo at Chi San.. at dumating na nga si Lee Gak, agad siyang niyaya ng babae na lumapit sa kanila.. naghamon si Park Ha ng pustahan kung saan sunsundin ng matatalong team ang magiging kahilingan ng mananalong team.. si Chi San na daw ang magre-referee dahil napagod na siya sa katatakbo kanina.. nag-agawan naman yung tatlo kay Yong Sul dahil alam nilang mahusay ito sa palakasan, kumapit pa nga agad si Park Ha sa bisig nito (na tila ikinagulat ni Lee Gak).. at para hindi na sila magtalo-talo, naglaro sila nung upo-upo-tayo-tayo para malaman kung sinong magiging magkapares, parang yung 'maiba'y-taya' pero sa larong ito kung sino yung magkatulad ng gagawing posisyon sa katapusan ng kanta ang magiging magkakampi.. ginusto pang ikuntsaba ng prinsipe ang bodyguard niya sa pamamagitan ng pagdidikta dito ng gagawin, umupo daw ito sa dulo ng kanta.. pero sa huli ay tumayo sina Park Ha at Yong Sul kaya sila ang naging magkasapi na ikinaasar ng kamalahan, sinubukan niyang titigan ng masama si Yong Sul subalit iniiiwas nito ang tingin sa prinsipe.. tinanong siya ng dalaga kung ayaw ba niyang maging kasapi ito, at sumagot naman ang bodyguard na gusto nga niya.. karibok yung 5 sa paglalaro, walang mga foul at naghahawakan pa sila, pati si Chi San na referee ay nakikisali.. sa bandang huli ay sina Park Ha at Yong Sul ang nanalo, tuwang-tuwa na nag-appear nang nag-appear pa yung dalawa.. masama na naman ang tingin ni Lee Gak kay Yong Sul.. sinabi ni Man Bo na siya'y hamak na mag-aaral lamang kung kaya't itinuro niya ang prinsipe para tumupad sa kahilingan ng mga nanalo.. dahil sa takot sa prinsipe, ay ipinaubaya na lang ni Yong Sul kay Park Ha ang paggawa ng kahilingan.. ipinakita naman ni Lee Gak ang kanyang credit card at sabihin na daw ng babae kung anong gusto niya, at sinabi nito na gusto niya itong suntukin at ginawa nga niya, sinuntok niya ang wala pang alam na prinsipe sa tiyan nito sabay walkout (hindi niya naman kasi alam na nakita sila ni Park Ha na magkayakap at kunwaring magkahalikan ni Sena doon sa tagpuan nila).. agad inalalayan ng 3 ang prinsipe na badtrip na naman sa dalaga.. sobrang asar na talaga ang prinsipe sa ginawa ni Yong Sul.. napaluhod naman si Yong Sul kasama na rin nung dalawa, sabay sabi ng bodyguard na nararapat lang siyang parusahan ng kamatayan at sumang-ayon naman ang kanilang kamahalan...

pagkauwi sa Rooftop.. nag-celebrate na sila ng birthday ni Park Ha.. kinantahan nung 3 ang babae, at sobrang saya naman nito na hindi na nga pinansin yung kabaduyan sa pag-awit with matching action nung 3.. tapos hinipan na rin niya ang mga kandila ng cake niya.. dahil sa yung 3 lang naman ang naggawa dun sa cake, naitanong ni Man Bo kung ano naman ang regalo ng kanilang kamahalan para sa dalaga.. inabot nito yung regalo niya sa kanyang bulsa, pero bigla siyang nagdalawang isip at nag-hesitate na ilabas pa iyon, at sinabi na lang niya na hindi pa ba sapat yung cake para kay Park Ha.. nagpaalam na rin ito para makapagpahinga na, at tumanggi pa sa cake kahit na alam nilang lahat na mahilig ito sa matatamis.. naisip ni Man Bo na baka nasaktan talaga ito sa pagsuntok sa kanya ng dalaga, pinakiusapan naman ni Yong Sul ang babae na kung pwede ay huwag na ulit nitong sasaktan ang prinsipe...

habang naghihilamos, naalala ni Park Ha yung nakita niyang magkayakap at tila naghahalikan sina Lee Gak at Sena.. sa kuwarto naman ng prinsipe, tila nag-iisip ang lalaki at itinago na muna sa drawer niya yung regalo niya para kay Park Ha...

sa Office.. kinausap ni Secretary Hong si Dir. Pyo upang mag-request dito na isali siya sa team nila.. nakita sila na nag-uusap ni Exec. Yong.. naitanong ng Director kung sigurado ba ang sekretarya na gusto niyang makasama sa team sina ala-Terrence at ang Tropang Pupu nito.. ayos lang daw sa dalaga na bumaba sa posisyon at matuto mula sa ibaba.. ang isa pang isyu ay kung papayag ba ang Lola-Chairman na pakawalan ang isang mahusay na secretary na kagaya niya, at sinabi naman ni Secretary Hong na mapapapayag ng Director ang Chairman dahil may tiwala ito sa kanya.. sinabi naman ni Dir. Pyo na gusto niya ring makasama sa team ang sekretarya, at saka na lang daw niya ulit ito kakausapin tungkol sa request nito, tapos ay iniwan na niya muna ang dalaga.. bigla namang sumulpot si Exec. Yong na nang-aasar na naman.. sinabi nito na matapos kay Tommy ay si ala-Terrence naman ang sinusubukang nitong gamitin, at nagawa pa daw nito na lumapit sa pinakamumuhian ng Executive na si Dir. Pyo.. inulit nito sa dalaga na mag-resign na ito at magbalut-balot na kung hindi ay siya na ang gagawa ng paraan para mawala ito...

inakala ni Sena na hindi tinupad ni Park Ha ang sinabi nito noon na hindi naman nito ipagkakalat ang lihim na family background niya.. naghugas si Park Ha ng mga gulay at prutas na props sa banyo (bakit sa banyo at hindi sa kusina??), at nagpang-abot sila doon ni Sena.. kinonpronta niya ang nananahimik na dalaga sa pag-aakalang ito ang nagsabi ng mga sekreto niya kay Executive Yong.. itinanggi ito ni Park Ha pero siyempre ay hindi naman naniniwala sa kanya si Sena.. sinabi ni Park Ha na si Sena ang pumili na maging sinungaling kung kaya't hindi siya dapat idamay nito.. dahil sa galit ay natabig ni Sena ang props na dala-dala ng kinamumuhian niya at itinuturing na stepsister at sinabi na aagawin niya ang lahat dito, sabay alis.. nadatnan naman si Park Ha ng isang staff habang nagkalat pa yung mga props, nasermonan siya at pinagmadali siyang ayusin ang mga nahulog na prutas at gulay dahil magsisimula na ang broadcast nila...

sa office ng Lola-Chairman.. napag-usapan nila na kahit apo niya si ala-Terrence, kung hindi naman ito nakakatulong sa Kompanya ay kailangan nga nilang alisin na lang ito.. nagsumbong rin si Exec. Yong tungkol sa ilang complaints ng ibang empleyado nila na wala naman daw silbi at pampasikip lang sa Kompanya ang itinuturing na apo ng Lola-Chairman.. hinamon naman ni Dir. Pyo ang Executive na iharap sa kanya ang mga nagrereklamong mga empleyado.. dahil doon, napagdesisyunan ng Lola-Chairman na kailangang mag-launch ng bagong produkto ng team nina ala-Terrence at doon huhusgahan ng Lola ang kakayahan niya...

pagkalabas sa meeting room ay nagtatalo sina Exec. Yong at Dir. Pyo.. pinakikinggan sila ni Tita-Lola at narinig nito nang tawagin ng pamagkin-sa-labas na 'sira ulo' ang napupusuan niyang si Dir. Pyo.. dahil sa galit, napilitang lumapit sa kanila si Tita-Lola Mary, sinabing naging bad ang pamangkin-sa-labas na si Bernard, at inutusan ito na mag-apologize agad sa 'uncle' daw nito (na si Director Franko Pyo ang tinutukoy niya).. nasorpresa naman si Exec. Yong at naitanong kung totoo ba ang mga sinabi ng tita niya.. sumagot naman si Dir. Pyo, totoo daw na bad si Bernard, pero hindi daw totoo na 'uncle' siya nito, sabay walkout.. nainis naman si Tita-Lola, pinahabol niya sa kay Bernard si Franko, insultuhin daw niya ulit ito dahil ito naman daw ang naging bad...

nagsimula nang kumilos ang grupo ni Dir. Pyo.. pinahanap niya si ala-Terrence ng product na pwedeng ibenta, at pinagawa naman ng marketing strategy yung 3.. sumali na rin si Secretary Hong sa team, subalit sinabi ni Dir. Pyo na pumayag lang ang Lola-Chairman na isali ang secretary para sa partikular na project na iyon.. nag-suggest agad si Sena ng isang product at ipinakilala pa si Team Leader Yong sa connection niya, nagustuhan naman ni ala-Terrence ang produktong inirekomenda ng secretary.. habang nag-uusap sa isang cafe siguro, naalala ni Sena na iniwan siya ng binatang boss noong nasa Namsan Tower sila, humingi naman ng paumanhin si ala-Terrence dahil may inasikaso lang daw siya sa bahay nila noon.. nagkunwari naman si Sena na napag-alaman niya na birthday ni Park Ha kahapon, naitanong niya tuloy sa binata kung may relasyon ba ito sa kinaiinisan niya at itinuturing na stepsister.. habang tumatagal daw kasi ay mas nagugustuhan niya ang binata, pero kung may namamagitan daw sa kanila ni Park Ha ay siya na lang ang iiwas.. sinabi naman ni ala-Terrence na huwag nang mag-alala ang sekretarya sapagkat wala silang relasyon ni Park Ha, biglang nag-vibrate yung table buzzer (o kung ano man ang tawag dun) nila at tila naalala niya ang dalaga.. (mas madalas nang nagkakasama sina Lee Gak at Sena, pero simula noong umamin sa kanya yung malditang babae, ay parang hindi rin naman nagiging lubusang masaya ang prinsipe)...

---o0o---


RTP-28
3rd heartbreak.. nalaman na ni Park Ha ang kaugnayan ni Sena sa taong hinahanap ng prinsipe sa future...

sa trabaho.. inakala ni Park Ha na nagba-vibrate yung table buzzer na binigay sa kanya ni Lee Gak, pero yung cellphone niya pala ang nagba-vibrate dahil tumatawag sa kanya si Chi San.. sinadya siya ng eunuch, at niyaya siya nitong kumain labas sapagkat unang suweldo nilang 3 alalay...

sa office ng team ni Dir. Pyo.. pinamigay na ng Director sa 3 yung suweldo nila, inilagay na lang niya yung cash sa sobre dahil mga wala naman silang bank account.. pinayuhan rin sila ng superior na pagbutihin pa sapagkat tataas pa ang sahod nila kung sakaling maging regular na sila sa Kompanya.. binigyan naman ng 3 ng tip ang Director at isinuksok pa ang mga iyon sa kasuotan nito, bilang pasasalamat daw iyon sa pagtuturo nito sa kanila, si Yong Sul nga ay nagkamali pa ng denomination na binigay at nagpalabit pa ng iniabot na pera.. sinabi rin nila na dadagdagan pa nila iyon kapag naging regular na nga sila.. inihalintulad nga iyon ng Director sa pagbibigay ng tip kung kaya't pasusot siyang nagsayaw, pero inakala ng tatlo na seryoso ang Director kaya inabutan pa nila ito ng karagdagang pera.. nabuwisit ito sa kanila dahil kung anu-ano daw ang natutuhan nilang kalokohan, umalis na ito habang pinapayuhan sila na magsipag-tino dahil mga utak 'pupu' sila, at nasabihan pa sila nito na mga baliw daw sila.. nasisi naman ni Chi San si Yong Sul sa pag-aakalang yung maling denomination na binigay nito ang dahilan kaya nag-init ang ulo ni Dir. Pyo...

naglaro ng squash sina ala-Terrence at Tommy, niyaya ni ala-Terrence na manood si Secretary Hong dahil siya daw ang mananalo.. pagkatapos ng laban nila, binati naman ni Tommy na malaki ang naging improvement ng nagpapanggap na pinsan, sinabi ni ala-Terrence na nagsisimula na daw makaalala ang kanyang katawan subalit kulang pa daw iyon para matalo niya ang pinsan sa labas.. pinayuhan ni Tommy si Sena na lumayo na kay ala-Terrence sapagkat hindi ito ang pinsan niya, natanong naman ng babae kung sino ito kung gayon, at aalamin pa daw ito ng dati niyang kasintahan, at muli niyang pinaalalahanan ang babae na umiwas na dito sapagkat mapanganib itong tao...

pagkalabas sa trabaho.. nag-meet na sina Park Ha at yung 3, napansin ng dalaga na wala si Lee Gak, at nabanggit ni Chi San na nasa business trip ito kasama ni Secretary Hong.. napagdesisyunan nilang mag-chicken-beer.. naulit ni Chi San na kinaugalian na raw na ang unang suweldo ay ibinibili ng regalo para sa pamilya.. naitanong tuloy ni Park Ha kung sinu-sino ba ang balak nilang bilhan ng regalo, at naalala tuloy nung 3 yung mga naiwan nilang pamilya sa Joseon.. nag-sorry si Park Ha dahil nawala sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon, balewala naman yun dun sa 3 at nag-decide sila na maghiwa-hiwalay muna at mag-shopping ng mga ipangre-regalo nila bago magkita-kita ulit...

matapos mamili, ipinakita nila sa iba yung kani-kaniya nilang binili.. si Chi San ay bumili ng body plaster o pantapal sa katawan para sa ina niya, wala na siyang kinagisnan na ama at ang ina naman niya ay naninilbihan, dahil dito nabubugbog ang katawan nito kaya naisipan niyang bilhan ito ng pantapal.. face powder naman ang binili ni Man Bo para sa nakababata niyang kapatid, 16 y/o daw ito, maganda, at malamang ay sumuko na sa paghahanap ngayon sa nawawala niyang kuya.. naikuwento naman ni Yong Sul na pinatay ng isang maharlika ang ina at kapatid niya, dahil dun naging masakitin ang kanyang ama, nais niya sana itong pakainin ng mga masustansiyang pagkain pero hindi niya magawa dahil sa kahirapan, dahil doon naisip niyang ibili ito ng karne, at pinatuyong karne naman ang inirekomenda sa kanya sapagkat mas nagtatagal ito.. napaluha naman si Park Ha sa mga kuwento ng buhay nung 3.. pati si Park Ha ay ibinili nila ng regalo bilang pasasalamat sa mga naitulong nito sa kanila.. at nang tingnan niya kung ano yung laman ng paperbag ay underwear yata yun o lingerie, at nahiya naman ang babae.. itinanong niya kung bakit ganoon ang iniregalo ng 3, sabi daw kasi ni Lee Gak ay mapusok siya kung kaya't iyon rin ang sinabi nila dun sa tindera, kung kaya't iyon ang inirekomenda nitong pangregalo para kay Park Ha.. pagkatapos sa bar, nabanggit ni Chi San na sana daw ay madala nila yung chicken-beer sa Joseon, natanong tuloy ni Man Bo kung mas gusto ba nung dalawa na manatili sa future o ang makabalik agad sa panahon nila.. sinabi ni Chi San na bagamat komportable ang buhay sa future, eh nasa Joseon daw ang kanyang tahanan kaya mas gusto pa rin niyang bumalik sa nakaraan, sumang-ayon naman yung dalawa.. natanong ni Man Bo kung nadismaya pa si Park Ha dahil nais pa rin nilang bumalik sa Joseon sa kabila nang kabutihan sa kanila ng dalaga, at sinabi nito na hindi naman sa ganoon, matagal na rin daw kasi silang magkakasama pero ngayon niya lang nalaman kung ano yung nararamdaman nung 3.. pero sabi ni Chi San, eh habang nandoon pa daw sila ay susulitin nilang 4 yung panahon para magsaya kasama ni Park Ha...

matapos kumain ay nag-enjoy naman yung apat sa photobooth.. nagtaka si Man Bo kung bakit may mga tuldok sa mukha niya, nabanggit naman ni Park Ha na may option daw para pakinisin ang mukha, pinasubok niya ito kay Man Bo at libre daw niya.. natuwa sila sa naging resulta kaya sinubukan rin ni Chi San yung 'option', pero dahil sa sobrang singkit ng eunuch ay tinaggal rin nung computer yung mga mata niya.. nagkaroon si Park Ha ng pagkakataon para kausapin si Man Bo tungkol sa misyon nila sa hinaharap.. nabanggit nito na natagpuan na ng prinsipe yung hinahanap nilang tao sa future, ito daw ay ang reincarnation ng prinsesa ng kamahalan at wala itong alaala tungkol sa nakaraan, at kung makakasal sila ng prinsipe ay malulutas na ang suliranin nila at makakabalik na sila sa kanilang panahon.. nagulat si Park Ha na malaman na Sena ang taong tinutukoy ni Man Bo.. (yung expression niya ay parang na-realize niya na ang karibal niya sa pag-ibig ay isang taong hinding-hindi niya matatalo, dahil parang nakatadhana na yung sa kanila).. parang hindi na niya narinig yung mga kasunod na sinabi ni Man Bo, at kahit nasa arcade sila at naglilikot yung dalawa ay parang tumahimik yung buong paligid...

sa labas ng Rooftop.. malungkot na nag-iisip si Park Ha.. naalala niya yung pagtatanong ni Lee Gak tungkol sa twine dolls, yung bracelet na binigay ng prinsipe kay Sena, at yung sinabi sa kanya ni Sena na aagawin niya lahat sa kanya.. nakauwi na rin sina ala-Terrence, at hinatid siya ni Secretary Hong, nakita silang dumating ni Park Ha.. kamuntik pang maiwan ng lalaki ang kanyang cellphone sa kotse, pero naihabol naman ito sa kanya ng sekretarya.. sinabi ni Sena na nag-enjoy siya na makasama ang binatang boss at nagba-bye na dito.. pero bago sumakay sa kotse niya ay tiningnan pa niya si Park Ha (na para bang nag-aasar).. pagkaakyat ng prinsipe sa Rooftop, natanong ang babae ng kamahalan kung bakit siya nasa labas, sumagot ito na gusto lang daw niya.. yung 3 naman daw ay naisipang mag-basketball.. kinumusta ni Lee Gak yung paglabas ng apat dahil sa unang suweldo nung 3, pero biglang nag-walkout ang dalaga na ipinagtaka ng prinsipe...

nakita ni Sena sa daan yung 3.. kapansin-pansin ang pagbibigay galang nila sa dalaga.. tinigilan niya ang mga ito, ipinaalam na naihatid na niya sa bahay si ala-Terrence, at sinabi na sa tingin niya ay magiging successful naman ang project nila.. nabanggit ng dalaga na gusto niya ring maging kaibigan yung 3 kaya niyaya niya ang mga ito na mag-barbecue bukas ng tanghali sa Rooftop, sumang-ayon naman sa kanya ang 3 alalay...

sa basketball court.. napansin ng 3 na mukhang nagkakalapit na nga sina Prinsipe Lee Gak at Secretary Hong.. pero kailangan pa rin nilang tumulong para mas magkalapit pa ang dalawa.. at kapag nakasal sila, ay saka nila mapapatunayan yung theory ni Man Bo - na mareresolba na yung problema nila at makakabalik na sila sa Joseon.. naulit ni Yong Sul na kapag nakabalik na sila sa kanilang panahon ay kailangan rin nilang hulihin at parusahan ang may sala.. s-in-uggest ni Yong Sul na ano kaya kung ikulong nila sina Secretary Hong at Prinsipe Lee Gak para mas magkalapit sila, si Chi San naman ay mas gustong pabayaan na lang yung dalawa, at si Man Bo ay naisip na magpatulong naman kay Park Ha...

balik sa Rooftop, sa loob ng bahay.. sasamahan sana ni Lee Gak si Park Ha na uminom ng beer pero agad itong umalis nang papalapit na ang lalaki.. hinarang siya ng prinsipe at tinanong kung bakit ba siya umiiwas at ano ba ang problema, hindi kasi siya kinakausap nito, at lumalayo siya kapag sinusubukan nitong lumapit.. sumagot naman ang dalaga na hindi naman siya umiiwas at na wala naman siyang problema sa binata.. niyaya ni Lee Gak ang babae na mag-barbecue na paborito nito, subalit tumanggi si Park Ha at sinabing iba na lang ang yayain ng prinsipe...

---o0o---


RTP-29
confession through text...

nadatnan ni Sena na wala ng mga furniture sa apartment na tinitirhan niya.. naalala niya ang babala sa kanya ni Exec. Yong.. nadatnan naman siya doon ni Tommy na nag-iimpake na ng mga damit niya.. sinubukan siyang kumbinsihin ng binata na magsama na sila, pero tumanggi siya.. ayaw na daw niyang tumira sa apartment na iyon dahil kina Tommy naman yun, at hindi na rin muna daw siya papasok sa trabaho...

umuwi na muna si Sena sa bahay ng kinagisnang ina na si Susan.. nagkunwari na lang siyang lilipat siya sa mas malaking bahay, pero sa ngayon ay inaayos pa ito kaya makikituloy muna ulit siya sa bahay ng ina...

sa may Rooftop.. naalala ni Park Ha yung mga naikuwento sa kanya ni Man Bo tungkol sa misyon ng Joseon 4, at nalungkot na naman ang dalaga...

niyaya ni Tita-Lola Mary si Dir. Pyo na lumabas, sa isang cafe yata, pero halos walang katuturan naman ang mga i-tsinismis nito sa lalaki.. Spring na daw kasi, season ng mga lovers, kaya may gusto daw gawin ang Tita-Lola pero hindi naman niya ito masabi nang diretso.. natanong tuloy ng Director kung 'mating' ba ang tinutukoy ng matandang dalaga, at nandiri naman ang babae sa naisip ni Franko na 'mating in broad daylight'.. pinayuhan ni Dir. Pyo ang babae na tulungan na lang na mag-babysit ang isa nitong kaibigan, at na huwag siya nitong guluhin sapagkat busy siya.. iniwan na ng Director si Tita-Lola, at nasabi naman ng matandang dalaga na sisiguraduhin niyang mai-inlove rin sa kanya si Franko Pyo...

sa Rooftop ulit.. natanong ni Park Ha ang mga alalay kung ano bang gusto nilang ipaluto sa kanya, hindi na daw niya kailangang magluto (nagpa-cute pang kumindat sa kanya si Yong Sul, dalawang mata na sabay), at nabanggit nga ni Chi San na magba-barbecue sila nina Secretary Hong sa tanghali.. nalungkot si Park Ha at tila naramdaman na parang naaagaw na ni Sena pati ang atensyon ng mga alalay ng prinsipe.. pinuntahan siya nina Becky at Lady Mimi, dahil hinihiram pala niya ang bike ni Lady Mimi.. iniabot ni kulot ang isang susi (siguro para sa storage room o garahe).. baka mamayang gabi pa daw niya isauli yung bike, nais lang daw niyang mag-bisikleta para malibang, umalis na siya, at nahalata naman ng dalawa niyang kapitbahay na babae na problemado at malungkot siya...

sa Rooftop pa rin.. hinahanap ni Lee Gak si Park Ha, at nalaman niya dun sa 3 na umalis ito, kahit nabanggit ng mga alalay nya na malapit na ring dumating doon sa bahay nila si Secretary Hong ay agad pa ring umalis ang kanilang kamahalan upang hanapin ang umiiwas sa kanya na dalaga...

dumiretso pala si Park Ha sa parke para doon mag-bike.. nahabol naman siya doon ng binata.. itinanong ng lalaki kung bakit nito naisipang mag-bike gayong may barbecue party sa kanila at paborito pa naman niya ang barbecue.. sumagot naman ang babae na wala siyang gana kaya sila-sila na lang ang mag-barbecue.. sinabihan ni Park Ha ang kamahalan na huwag siyang sundan, sinabi naman nito na hindi naman niya ito sinusundan.. tapos ay sinabayan na rin ng prinsipe sa pagba-bike si Park Ha.. nang magpahinga na sila, inutusan ni Lee Gak ang babae na ibili siya ng maiinom, ayaw namang sumunod nung isa dahil hindi daw niya ito utusan.. ibinigay na ng prinsipe ang regalo niya para sa kaarawan ng dalaga, pero ayaw itong tanggapin ni Park Ha.. sinabi niya na hindi na siya tatanggap ng kahit na ano mula kay Lee Gak.. itinanong ng kamahalan kung galit ba siya dahil nahuli ito sa pagbibigay nung regalo o dahil ba hindi niya nagustuhan yung mismong regalo, itinanggi naman ng dalaga na galit siya.. nainis ang prinsipe dahil parati na lang daw siyang pinag-aalala ni Park Ha, isa daw itong maligalig na babae na sa kanya'y parating nagpapakaba, hindi naman daw siya basta-basta na nag-aalala nang dahil lang sa maliliit na bagay, pero hindi rin niya maintindihan kung bakit ba nagkakaganun siya pagdating kay Park Ha, hindi daw niya alam kung bakit ba sinundan pa niya ito (unti-unti na niyang nare-realize na may nararamdaman rin siya para sa dalaga).. sinabi ng babae na hindi naman niya sinabi na sundan siya ng prinsipe, nagalit naman dito ang lalaki at sinabi na hindi na niya muling aalalahanin pa ang dalaga, sabay mabilis na umalis ito sakay ng kanyang bike.. naiyak naman si Park Ha sa pag-alis ni Lee Gak.. nasabi tuloy nito sa sarili niya na kahit hindi siya ang dahilan kung bakit napunta sa panahon nila ang prinsipe, ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman niya.. itinext niya sa cellphone niya na gusto niya at mahal niya si Lee Gak.. para siyang nawala sa sarili niya nun, at hindi talaga sinasadya na mai-send kay Lee Gak yung text message niya.. nung ma-realize niya ang nagawa niya ay agad niyang sinubukan na i-cancel yung pagse-send ng message pero huli na ang lahat.. bumalik naman ang kamahalan dahil kailangan daw nilang mag-usap nang maayos, kabado si Park Ha sa pag-aakalang nabasa na ng lalaki yung text niya.. iniwan nito yung jacket niya upang bumili muna ng maiinom.. saktong nasa jacket niya yung cellphone kaya na-check pa ito ni Park Ha.. tamang-tama at hindi pa naman pala nabubuksan ni Lee Gak yung message niya, binalak niya itong i-delete subalit may password yung cellphone, ilang beses hinulaan ng dalaga yung security code nito pero hindi niya talaga ito mabuksan.. mabilis na nakabalik ang binata, at nag-panic si Park Ha kaya naisip niyang ibaon na lang yung cellphone sa lupa.. sinubukan niyang i-distract ang kamahalan, pero na-detect ng isang aso yung ibinaon na cellphone kung kaya't may mga tao na rin na nag-check kung ano ba yun.. na-curious din si Lee Gak dahil sa pinag-uusapan nung mga tao, laking gulat ng prinsipe na makita na cellphone niya pala yung nahukay mula sa lupa.. inakala niyang ginawa iyon ni Park Ha para lang magbiro, tinanong niya ang babae kung nasiyahan ba ito at kung gusto ba talaga nito na pahirapan siya.. nakita rin niya na may text pala para sa kanya ang dalaga.. todo tanggi naman si Park Ha sabay takas sakay sa hiniram lang niyang bike.. nabasa rin sa wakas ni Lee Gak ang mensahe ni Park Ha.. hinabol niya ito at hinarang.. nahihiya na lalo si Park Ha, itinanong ng prinsipe kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon, sabay pakita sa cellphone na sinabi niyang hindi na daw gumagana.. pinahingi niya ng tawad ang babae, na ginawa naman nito (tila nakahinga nang maluwag si Park Ha dahil sa nangyari).. sa susunod daw ay mag-isip muna siya bago siya gumawa ng kalokohan.. nagyaya nang kumain ang kamahalan, kung sino daw ang matatalo sa karera ng bisikleta ay siyang manlilibre sabi ni Park Ha na kumaripas na nang alis...

tila nag-aalala ang kamahalan kay Park Ha nang tanungin niya kung ayos lang ba o kung napapagod na ba ito (tila iba yung nais niyang ipakahulugan sa mga sinabi o itinanong niya dito).. tinawagan naman ni Susan si Park Ha upang papuntahin sa bahay niya...

sa bahay ni Susan.. saktong paalis na si Sena para pumunta na sa barbeque party nila sa Rooftop...
isinama na ni Park Ha si Lee Gak sa pagpunta sa bahay ng Stepmom niya.. nagkasalisi pa sila at si Sena sa may daan.. iniwan na muna ni Park Ha ang prinsipe sa may labas ng bahay para kausapin ang Stepmom niya tungkol sa isang bagay...

---o0o---


RTP-30
4th heartbreak.. basted na si Park Ha...T,T

sa bahay ni Susan.. nag-aayos ang matanda ng mga papeles para sa pagfa-file ng income tax.. isinuyo niya ito kay Park Ha, pero pwede naman daw na sa katapusan na ng buwan ito ayusin ng stepdaughter.. bukod dun isinauli ni Susan sa dalaga ang isang may lamat na cellphone.. ito yung cellphone ni Terrence na nailigay ni Tommy sa paperbag ni Susan noong araw na pareho silang bumisita sa apartment ni Sena.. gumagana pa naman ito kahit may mga basag na ang screen (pino-promote ba ng South Korea ang durability ng mga cellphone nila?), at dahil may picture dun si ala-Terrence eh inakala ng matanda na sa Rooftop niya aksidenteng nakuha yung phone noong minsang dinalaw niya si Park Ha para mag-reto dito ng ka-blind date (bale kasi ang alam niya nga eh border lang si ala-Terrence sa bahay ni Park Ha).. pagkatapos mag-usap ng mag-Stepmom, eh umalis na si Park Ha.. sa labas ng bahay ay isinauli niya sa prinsipe ang naiwala nitong cellphone ng totoong Terrence, naalala ni Lee Gak yung araw na naiwala niya ito habang kasama si Tommy...

sa Rooftop.. biglang nanakit ang tiyan ni Chi San.. nag-panic yung dalawa pa niyang kasama.. saktong dating naman sa bahay nila ni Secretary Hong at nag-volunteer siyang ihatid ang 3 sa ospital.. napag-usapan nina Man Bo at Yong Sul kung mamamatay na ba ang kasama nilang eunuch, pero hindi daw maaari iyon, at dapat ay sa Joseon ito mamatay kung anuman.. matapos masuri si Chi San, kinausap yung dalawa ni Secretary Hong at sinabi na may acute appendicitis lang yung isa, at nangangailangan iyon ng operasyon.. sa Rooftop, inabutan nina Lee Gak at Park Ha si Man Bo na may mga bitbit na bag ng mga dadalhin sa ospital, ibinalita ng tutor sa dalawa na na-ospital nga si Chi San...

sa ospital.. tapos nang operahan si Chi San.. nakita na naman ni Park Ha na kasama ni Sena ang Joseon 4.. naikwento ni Man Bo na si Secretary Hong ang tumulong sa kanila na mag-asikaso kay Chi San.. lumabas si Park Ha ng kuwarto (na tila nagselos na naman sa itinuturing niyang stepsister), at napansin ito ni Lee Gak.. nag-isip-isip ang dalaga sa isang restroom yata doon din sa ospital.. sa may hallway, nakita ni Park Ha na nag-uusap sina Sena at ala-Terrence.. inaalala at hindi daw komportable si Sena dahil baka may relasyon nga ang dalawa dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa, kung ganun naman daw ay ayaw niyang makasagabal o makahadlang pa sa kanila.. sinabi naman ng nagpapanggap na tagapagmana na walang ibig sabihin ang pagiging malapit nila ni Park Ha.. narinig iyon mismo ni Park Ha, at nakita at nalaman rin ng prinsipe na narinig yung mga sinabi niya ng kaawa-awang dalaga...

sa kuwarto ni Chi San sa ospital.. inakala daw ng eunuch na mamamatay na siya.. magkakasama daw silang napadpad sa panahon na iyon kung kaya't sama-sama rin silang babalik sa Joseon.. naulit ni Chi San na maganda nga talaga sa panahon at lugar na ito, subalit wala naman dito ang totoong tahanan at ang pamilya niya.. dahil sa nangyari, naipabatid nina Chi San at Man Bo ang pagnanais nilang makabalik na agad sa sarili nilang panahon.. naiintindihan naman ito ni Lee Gak, pero humingi ito ng paumanhin sapagkat hindi pa niya mapagbibigyan ang kahilingan ng mga kasama niya, sana daw ay manatili ang mga ito sa tabi niya hanggang sa huli.. dumating si Park Ha na may dalang pagkain para lang sa tatlong katao, medyo busog pa naman daw kasi siya at si Chi San naman ay hindi pa pwedeng kumain.. sinabi ng prinsipe na wala siyang gana, si Yong Sul naman daw ay hindi muna kakain hangga't hindi pa pwedeng kumain ang kanilang may sakit na kasamahan, at si Man Bo naman na kakain na sana ay napilitan na hindi na rin kumain gaya ng iba, naasar siya kay Yong Sul dahil siguro sa pagpapaka-bayani ng bodyguard na damayan pati sa hindi pagkain si Chi San...

umuwi na muna sa Rooftop sina Lee Gak at Park Ha, mapapansin na hindi sila masyadong naglalapit.. sumakay na sa bus ang lalaki, at nagulat na lang siya pagkaupo niya nang ma-realize niya na nagpaiwan si Park Ha at naglakad na lang.. pinagmasdan lang ni Lee Gak ang dalaga mula sa bintana ng bus habang ito'y malungkot na naglalakad...

sa Rooftop.. hindi pa rin nakakauwi si Park Ha.. naisipan na ng prinsipe na tawagan ang babae, subalit nakapatay ang cellphone nito.. agad siyang lumabas ng bahay at nagpunta sa kung saan-saan upang mahanap ang dalaga.. nakarating na pala si Park Ha sa bahay nila, naupo lang siya sa may labas habang pinagmamasdan yung larawan ng beach at mga palm trees (pero kahit ang mga iyon ay parang hindi na nakakagaan ng loob niya).. nakabalik na rin sa Rooftop si Lee Gak, natuwa ito na makitang nasa bahay na ang babae.. inalis niya ang saya sa mukha niya at ibinalik ang seryoso niyang itsura, at tinanong kung bakit nasa labas pa ng bahay si Park Ha.. inakala daw nito na nasa loob ng bahay si Lee Gak dahil iniwan nitong bukas ang ilaw.. natanong naman ng dalaga kung saan galing ang kamahalan, at nagkunwari itong naiinip kaya nagpahangin lang muna siya sa labas.. halos kadarating lang naman daw ni Park Ha, tinanong naman ng lalaki kung bakit hindi niya matawagan ang cellphone ng dalaga, nasorpresa ito na malaman na sinubukan siyang tawagan ng prinsipe, pero nagkunwari naman ang lalaki na gusto lang niyang magpabili sana ng pagkain...

sa loob ng bahay.. nagpatulong si Lee Gak kay Park Ha para ayusin yung pagkakatanim dun sa binhi ng lotus na inilagay dati nung lalaki sa aquarium na binili nila.. ito yung sinabi niya dati na sumisimbolo kay Park Ha - isang maliit na binhi.. may suloy na ito kaya inilipat ito ng prinsipe ng taniman (lupa na hindi kagaya sa aquarium na babad sa tubig) upang mabuhay, kahiwalay dun sa mga isda at sa iba pang halaman.. itinanong ni Park Ha kung kailangan ba talaga itong ihiwalay dun sa iba (sa biruan kasi nila dati eh yung mga isda daw ang sumisimbolo sa mga alalay ng prinsipe at siya naman ay yung binhi nga ng lotus, kaya pakiramdam siguro ng babae na ina-isolate na siya ng prinsipe).. sumagot naman si Lee Gak na gusto niya itong dalhin at palakihin sa ibang lugar, maluha-luha na naman si Park Ha kaya iniwan na niya ang prinsipe...

malungkot at nag-iisa si Park Ha doon sa may table sa labas ng bahay nila.. sinamahan siya ni Lee Gak.. pero maya-maya lang ay sinubukan rin ng babae na umiwas, pupunta lang daw siya sa tindahan upang bumili ng mga dadalhin nila sa ospital.. bago tuluyang makaalis, napigilan siya ng prinsipe sa pamamagitan nang pagkabig sa kanyang kamay o wrist, at biglang itinanong nito sa dalaga kung totoo bang may nararamdaman ito para sa kanya, na nangangahulugan na nabasa niya talaga yung text message nung dalaga.. naisip tuloy ni Park Ha na nagpanggap lang ito noong una na hindi niya nabasa yung text niya, at tinanong ang lalaki kung pinaglalaruan lang ba siya nito.. inulit ni Lee Gak ang tanong niya, kung totoo ba na may nararamdaman si Park Ha para sa kanya, at mukhang um-oo ito sa ikinilos niya.. nakiusap ang prinsipe kay Park Ha na huwag na lang niya itong mahalin (isa na 'to sa pinakamalulupet at pang-guwapong linya sa mundo).. umiiyak na umalis ang dalaga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.. nasabi naman ng prinsipe sa kanyang sarili ang paghingi niya ng tawad sa nasaktan niyang si Park Ha...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento