Mga Pahina

Biyernes, Pebrero 01, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 4 Recap

okay..
ang magandang nangyari nitong nakaraan, eh dahil sa pagtatapos nung replay episodes ng Hitman Reborn, eh wala ng anime sa morning schedule at nagagawa nang ipalabas ngayon ng ABS-CBN TV 10 Batangas nang buong-buo yung morning replay nila ng Rooftop Prince..
nakalimutan ko palang banggitin noong huling beses.. bale delayed ng isang episode yung sa regional channel, kung ano yung Rooftop Prince episode na ipinalabas sa channel 2 sa regular schedule nito na panghapon, ay mapapanood naman sa channel 10 kinabukasan sa mas pinaaga ng oras na 9:00 am...



ngayon, sa summary na ulit tayo..
bago yung mismong review, heto muna ang update tungkol sa mga names at terminologies para dun sa series:


Lead Roles:
  • Prinsipe Lee Gak (lead male protagonist) (katauhan sa past) - Terrence Yong (katauhan sa future), a.k.a Kamahalan, Redman, Lee Gak, ala-Terrence (short for nagpapanggap na Terrence), Team Leader Yong
  • Park Ha (lead female protagonist) (katauhan sa future) - Bu Yong (katauhan sa past), a.k.a Apple Lady, Park Imjo (hindi pa ako sigurado dun sa real name niya, pero ganun yung tunog)
  • Sena (lead female antagonist) (katauhan sa future) - Prinsesa Hwa Yong (katauhan sa past), a.k.a Sena Hong, Secretary Hong, Miss Hong
  • Tommy (lead male antagonist) - a.k.a Tommy Yong, Director Yong o Dir. Yong (for short)

Supporting Characters:
  • Woo Yong Sul - ang bodyguard ng Prinsipe, a.k.a Blueman, Mr. Woo, o Yong Sul
  • Song Man Bo - ang tutor ng Prinsipe, a.k.a Greenman, Mr. Song o Man Bo
  • Do Chi San - ang eunuch ng Prinsipe, a.k.a Yellowman, Mr. Do o Chi San
  • Becky - foreigner na kapitbahay ni Park Ha (taga-Uzbekistan sa totoong buhay), halos kasabayan niyang tumira sa South Korea si Park Ha, a.k.a Foreign Blood
  • Lady Mimi - bagong lipat na housemate ni Becky, a.k.a Kulot
  • Susan Kang - nakagisnang ina ni Sena, stepmother nina Park Ha at Sena, a.k.a Mama o Stepmom
  • Lola Chairman - lola ni Terrence at may-ari ng Kompanya
  • Tita-Lola - kapatid ng Lola Chairman, a.k.a Mary
  • Executive Bernard Yong - papa ni Tommy, anak sa labas ng yumao nang asawa ng Lola Chairman, Exec. Yong (for short)
  • Chairman Helen Jang - biological mother nina Sena at Park Ha sa magkaibang lalaki, simply Chairman Jang 
  • Director Franko Pyo - love interest ni Tita-Lola, isang dating Director ng Kompanya na nakapagpalugi 'daw' dito, muling kinuha sa Kompanya para turuan at gabayan ang grupo ng nagpapanggap na si Terrence, a.k.a Director Pyo o Dir. Pyo (for short)

Group Terms:
  • Joseon 4 - grupo ng Prinsipe kasama ang 3 alalay na napadpad sa future
  • Rooftop Guys - tawag nina Becky at Lady Mimi sa mga kapitbahay nilang lalaki sa Rooftop
  • 5 - ang Joseon 4 kasama si Park Ha
  • 3 - kapag sinabi kong 3, madalas yung 3 alalay ng Prinsipe lang ang tinutukoy ko
  • Tropang Pupu - ito ang bansag ni Director Pyo sa grupo na kinabibilangan ng mga alalay ni ala-Terrence
  • 2 Kapitbahay - sina Becky at Lady Mimi

Locations:
  • Rooftop - ang bahay nina Park Ha na nasa rooftop ng isang paupahang gusali
  • Mansyon - tumutukoy sa bahay ng Lola Chairman (para tunog mayaman)
  • Kompanya - tumutukoy sa kompanya ng Home & Shopping o building na pagmamay-ari nina Lola Chairman, a.k.a Office

Key Items:
  • Postcard - postcard na may portrait o sketch ni Park Ha na iginuhit ng totoong Terrence nang makita niya ito sa New York, may kasama siyang dilaw (meaning colored) na paru-paro sa sketch, may invitation rin dito na niyaya sana si Park Ha na mag-meet pero sa kasamaang palad ay hindi iyon natuloy 
  • Raddish Doll - isang stuff toy na repolyo na nakuha ni Prinsipe Lee Gak dun sa game na hinuhulugan ng token o coin kung saan parang nanghuhuli ka ng isda, pero sa halip na isda eh mga laruan yung maaari mong mabingwit
  • Twine Dolls - isang lucky charm na may parts na gawa sa buto ng palm tree; pwede itong magdala ng suwerte sa aspeto ng pag-ibig, pananalapi, o kalusugan depende sa paraan ng pagkakatali nung dalawang manika sa isa't-isa


RTP-16

nagdo-drawing si Lady Mimi sa computer niya ng character na base kay Greenman, biglang pumasok sa kwarto niya si Becky para sabihin na isa sa mga Rooftop Guys ang tumawag (although hindi pa naman talaga sila nakakabalik sa Rooftop).. napansin ni Becky na kahawig ni Greenman yung dino-drawing ng housemate, kaya't agad itong tinakpan ni Lady Mimi at todo deny na si Greenman nga yun...

sa Office, kahit mukhang gabi na.. madali lang nasaulo ni Greenman lahat ng data ng mga officemates nila, kung kaya't papetiks-petiks na lang siya na nag-aaral gumamit ng cellphone.. kahit silang 3 eh pang-propesyunal na ang tawagan (Mr. Song, Mr. Woo).. samantala yung dalawa naman niyang kasama ay nagsasaulo pa rin.. biglang may tumawag sa phone niya at pinalabas siya ng Building.. pumunta pala si Lady Mimi na nagdala pa ng pagkain para sa 3.. nagtaka si Greenman dahil si Becky naman ang tinawagan niya, pero sabi ng dalaga ay pumasok sa trabaho si Becky.. iniwan niya ang dinala niyang pagkain, at ibinilin na kay Greenman yung nasa pinakailalim dahil may kasama yung fried egg.. kilig na kilig naman na umalis yung babae...

kinaumagahan, kagagaling lang ni Park Ha sa grocery at nagtataka kung bakit puros omurice na lang ang gustong kainin nung 4.. naghahanda na siya ng breakfast at nakita niya sa upuan ang mga gamit ni Redman, nakita niya yung twine dolls na nakatali na para sa paghahanap ng pag-ibig, at nakita niya rin ang isang bracelet at naalala niyang tinanong siya ng prinsipe kung ang mga babae ba sa panahon na yun ay mahilig sa mga ganoong bagay.. biglang lumabas ng banyo si Redman upang magbihis na, tinakpan niya ng paper bag ng mga pinamili ang ulo ng dalaga at inutusan na huwag itong aalisin.. habang nakatakip ng paperbag, nagpantasya naman si Park Ha na sa kanya ibibigay ng prinsipe yung nakita niyang bracelet, tapos sinabi pa nito sa kanya na natupad ang kanyang kahilingan na tila nagpapatunay sa bisa nung twine dolls.. kilig na kilig ang dalaga, kung kaya't nagtaka sa kanya si Redman.. binalak pa itong paghintayin ng prinsipe nang mas matagal kaya't inalis na niya ang takip sa ulo niya.. inasar siya ng prinsipe tungkol sa tamang asal at pinagkukutusan pa siya.. nagpaalam siya na sa labas na lang siya kakain...

sa Office, nagpakitang gilas yung 3.. binabanggit nila ang mga pangalan ng kung sinong sumalubong sa kanila na mga empleyado ng kompanya, binabanggit ang posisyon at department ng bawat isa, at binabati at pinapakilala ang mga sarili nila bilang bagong mga empleyado.. dahil dito napahanga nila ang Lola Chairman at si Dir. Pyo (Director Franko Pyo)...

si Redman naman ay isinama si Sena sa park para mag-couple bike.. nang tumanggi ito dahil wala daw itong kinalaman sa trabaho, eh sinabi niya na ang couple bike ay produkto na maaaring ibenta sa Home & Shopping kaya hindi na tumanggi pa ang babae.. nag-bike sila kahit naka-short-shorts o mini-skirt lang ang secretary.. pagkatapos nun, naupo sila at tinititigan ng prinsipe ang dalaga, sinabi nito kung wala bang gustong itanong sa kanya ang lalaki base sa usual pattern, at tumugon naman ito na mahilig siya sa mga bulaklak at kagaya ng mga ito - hindi na siya interesado pa sa kanilang pinagmulan.. medyo nag-relax si Sena dahil sa kapaligiran, nagtapak pa nga siya at naglakad-lakad sa damuhan.. pagkatapos naupo siya sa ilalim ng isang puno.. pinagmasdan siya ng prinsipe at mas naalala niya sa kanya si Prinsesa Hwa Yong.. tinawagan niya ito sa cellphone para sabihin na nauna na siyang umalis, pinayuhan niya ito na magpahinga na lang muna dahil noon niya lang ito nakita na may payapang mukha, tapos ibinilin niya rin dito na may iniwan siyang drinks kung sakaling mauhaw siya.. kinuha ni Sena ang bote ng parang soda at nakita na nakasabit dito yung bracelet na inakala ni Park Ha na para sa kanya...

anniversary ng pagkamatay ng Papa ni Park Ha.. kasama niyang dumalaw sa puntod ang stepmom niya, samantalang masyado daw busy si Sena kung kaya't hindi ito makakapunta.. sa isang coffee shop yata, binigay ng Mama kay Park Ha ang litrato ng original family nito.. andun ang Papa niya, picture niya nung baby pa siya, at pinunit yung ulo ng tunay na Mama ni Park Ha.. iniwan daw sila nito ilang araw matapos nilang magpa-picture, dahil dun mag-isang pinalaki si Park Ha ng Papa niya.. at nang mawala siya noong 9 y/o siya, ay labis itong dinamdam ng kanyang ama kung kaya't nagkasakit ito.. tapos niyaya siya ng stepmom niya na kumain sa favorite tofu restaurant ng Papa niya...

paalis na ulet sa bansa si Chairman Jang, kailangan siyang habulin ni Tommy para maisara na ang masamang deal nila.. humingi rin siya ng tulong kay Sena para ihanda ang ilang papeles na ni-request niya...

unang gimik ng Joseon 4 kasama si Dir. Pyo.. napansin niyang tahimik yung 3 di tulad nung nauna nilang paglabas.. biglang may dumating silang isang officemate at napansin rin nito na hindi nga komportable yung 3.. nag-suggest siya na magkaroon sila ng free talk session, at nang itanong ni Greenman kung ano ba yun, ay binigyan sila ng sample nito sa pamamagitan ng pagsasabi na "Hoy, Franko Pyo, itabi mo nga yang pangit mong mukha!".. magaspang yun at walang galang ang tono, pero parehong tumawa ang empleyado at ang Director.. bale ganun nga yung nakuhang ideya nung 3, nag-suggest yung empleyado na magkaroon sila ng 3 minuto na free talk session.. dahil dun inasar nina Greenman at Yellowman ang Director na amoy at mukhang aso.. tawanan naman sila nang tawanan nung una.. in-encourage ni Redman si Blueman na mag-participate pero hindi daw nito kaya, sabay walkout papunta sa cr na may dalang stainless na baso.. tapos dinalihan naman nung 2 alalay ang kanilang prinsipe na ikinaasar nito.. sinabihan nung empleyado na pandak si Dir. Pyo, kaya napuno na rin ito at nag-walkout para daw magbayad na ng bill.. pinalo siya ng Director at saka pa napansin na tapos na ang 3 minutes.. papuno na rin ang prinsipe sa ginawa nina Greenman at Yellowman.. tamang balik naman ni Blueman, at saka pa ito nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita laban sa kanilang kamahalan.. sinabihan niya ito na laki sa layaw at sinuwerte lang sa kaniyang mga magulang, at tila may balak pang tapunan ng ihi na inilagay niya sa stainlees na baso ang prinsipe.. inawat ito nung dalawa at sinabing tapos na ang free talk session, at bigla itong nanghina na may mala-comics pang drawing na pinagpapawisan at nagpapakita ng awkward na pakiramdam.. nanlumo siya, naipatak ang baso, at sabay-sabay na humingi ng tawad ang 3 na nag-i-insist pa na kamatayan ang nararapat sa kanila.. galit na galit ang prinsipe at pinag-utos pa kay Greenman na kuhanin ang espada ni Blueman...

---o0o---


RTP-17
first heartbreak.. alam kong nasa category A si Sena, pero cute naman si Park Ha, ah...T,T

dinala na nga ni Susan si Park Ha sa favorite tofu restaurant ng Papa nito.. pero nakita niya dun si Chairman Jang (Helen Jang) na iniiwasan niya dahil sa isyu nila sa anak.. nagmamadali siyang umalis kasama ang stepdaughter, pero dahil sa katatawag niya dito hindi niya nakita ang dinadaanan niya at nabangga siya ng kotse nang nagmamadaling si Tommy.. nasaksihan ni Sena na mabangga ang Mama niya, pero dahil sa ambisyon niya, tinalikuran pa rin niya ito para lang hindi siya mabuko ni Tommy, nakita rin siya ni Park Ha na makailang ulit siyang tinawag para sa tulong, pero tuluyan na silang tinalikuran nito at umalis sakay ng kanyang kotse.. dahil sa nangyari, may ilang mga alaala ang nagbalik kay Park Ha.. isinakay ni Tommy si Susan sa kotse niya para dalhin sa ospital, at sumama rin si Park Ha.. noon ay narinig ni Chairman Jang na tinawag ng dalaga na Mama si Susan...

sa ospital, okay na ang lagay ng pasyente pero under observation pa ito.. doon, tuluyan nang nagbalik ang mga nawalang alaala ni Park Ha noong araw na idinispatsa siya ng nakatatandang stepsister pati ang tungkol sa nangyaring aksidente.. na-shock siya at naluha sa mga naalala...

sa isang lugar, balisang-balisa si Sena.. nakatanggap siya ng tawag mula kay Park Ha at nagkasundo silang magkita sa Kompanya.. noong nandun na sila, pumili naman si Sena ng bakanteng lugar para makapag-usap silang dalawa.. ni-reveal na ni Park Ha na bumalik na ang mga alaala niya.. sinabi niya rin na hindi na niya ituturing at tatawagin na ate si Sena.. at gaya ng ginawang pagtalikod sa kanya ng stepsister niya maraming taon na ang nakararaan, isinumbat niya rin dito ang ginawang pagtalikod nito sa ina-assume pa nila na tunay na Mama nito nang dahil lang sa mataas na ambisyon.. sinampal ni Sena si Park Ha, at gumanti naman ang dalaga.. at sa ikalawa sana nitong sampal sa kanya, naharang ito ni Park Ha at aksidenteng natanggal kay Sena ang bracelet na bigay ng prinsipe.. (kahit na madilim yung kuwarto) nakilala ni Park Ha ang bracelet na yun, na lalo pang ikinasama ng kanyang loob.. nag-walkout siya at nakasalubong si Lee Gak sa loob ng gusali, tinanong ng lalaki kung andun ba siya para sunduin silang 4, pero nakita niyang umiiyak ito at iniwan rin siya agad.. nakita rin ng lalaki na kasunod lang ni Park Ha si Sena na mukhang kinabahan na makita siya, napaisip si Lee Gak at agad na sinundan si Park Ha.. nahabol niya ito bago pa man ito makasakay sa taxi, tinanong niya ang dalaga kung ano bang problema at kung bakit tila nagagalit ito sa kanya, pero pilit siyang pinapalayo ng babae at tinatabig ang mga kamay nito, hanggang sa tuluyan na siyang makaalis sakay ng taxi...

balik sa ospital, pinapakain ni Park Ha ang Stepmom niya nang bumisita si Chairman Jang.. pinaalis na muna ni Susan ang stepdaughter para makakain naman ito.. at nang wala na ito, inunahan na ni Susan ang Chairman at sinabing hindi si Park Ha ang iniwanan nitong anak sa kanya.. alam nilang pareho na Sena ang pangalan nung bata.. nagbago na ulit ang isip ng Chairman, inamin nito na 4 years ago inakala niyang cancer-free na siya matapos ang kanyang operasyon at inisip na makakaya na niyang tumayong ina pero hindi rin pala nagtagumpay ang pagpapagamot niya.. ginusto niya lang sana na makita ang anak dahil isa na 'tong adult.. dahil dun, ipinangako niya ulit kay Susan, gaya nang pangako niya dito 29 years ago nang ipaampon niya dito si Sena, na hindi na niya babawiin kailanman ang kaniyang anak.. nabanggit niya rin na balak na niyang bumalik ng Hongkong.. pinauwi na ni Susan si Park Ha matapos siguraduhin dito na hindi naman siya pababayaan ng mga nurse sa ospital, napansin ni Chairman Jang na mabait ang dalaga sa stepmom nito at nasabi na masuwerte ito sa bago nitong stepdaughter, at naulit nga dito ni Susan na stepdaughter niya ito sa pangalawa niyang naging asawa, pero hindi naman naka-register yung kasal nila.. nagka-kuwentuhan ang dalawang ina tungkol sa kani-kanilang mga buhay.. yumaman lang si Chairman Jang dahil sa pinakahuli niyang naging asawa, nanirahan sila sa Hongkong, at nagkaroon rin siya ng stepdaughter dito na hindi rin naman niya naituring nang ayos.. saglit na umalis si Chairman Jang upang bumili ng maiinom nila, saktong dating naman ni Sena na parang gustung-gustong itago agad ni Susan, nadatnan sila ni Chairman Jang na magkasama, nakilala niya ang anak, nagtago sa isang tabi at hindi napigilang umiyak...

kabababa lang ni Park Ha sa bus.. tinawagan siya ni Lee Gak sa cellphone para tanungin kung ano ba ang gusto niyang inumin, banana o strawberry.. nasa bandang likuran lang pala ang lalaki ni Park Ha, na may dalang 2 yogurt yata yun.. sinagot pa rin ng babae ang tawag, at sinabing wala siyang gusto, male-late siya ng uwi at si Lee Gak na lang muna ang bahala dun sa 3.. umalis na ulit ang dalaga, at naaasar na ang prinsipe sa kalapastanganan nito sa pakikipag-usap sa kanya, pero concern pa rin siya sa dalaga.. sa isang lugar nagpaka-senti si Park Ha.. sinundan pala siya hanggang doon ng prinsipe.. at dahil sa kahihigop niya sa yogurt para lang masaid ito, napansin siya ni Park Ha na nalaman na nasundan siya ng lalaki simula sa bus stop.. kinulit na naman ni Lee Gak ang babae kung ano bang problema at kung galit ba ito sa kanya, isinigaw ni Park Ha na 'sino bang nagsabi na galit ako sa'yo' pero binalaan din niya ang prinsipe na huwag siyang susundan.. nasabi naman ni Lee Gak sa sarili na labis na ang kapangasahan sa kanya ng dalaga...

---o0o---



RTP-18

may pinadalang mga machine dun sa 3 para i-evaluate at isipan ng marketing strategy.. massager yata ang mga iyon at hindi nila alam kung paano yun gamitin nang tama.. tamang-tama na kauuwi lang ni Park Ha na masama pa rin ang mood, agad-agad na gusto sanang magpaturo sa kanya nung 3 pero dahil nga sa masamang nangyari sa dalaga ay hindi niya agad sila natulungan.. lumabas ng trailer yung 3 at nagsumbong sina Man-bo at Chi-san sa prinsipe na nakauwi na rin at nakaupo lang sa may labas ng kanilang pansamantalang tahanan.. sinabi ng 2 na malupit sa kanila si Park Ha at nagbibida pa na kung sakaling nasa Joseon sila eh malamang alipin lang ang kahinatnan ng babae.. napansin nila na hindi nakikisali sa pagsusumbong si Yong-sul kaya nasabi nila na baka may gusto na ito kay Park Ha.. nag-deny naman ang bodyguard na sinabi na wala siyang puso at binigyan siya ng pagkakataon ng kanilang kamahalan na sabihin ang kanyang naiisip.. buong yabang naman na sinabi ng binata na maging siya ay asar na asar na rin sa babae, na kung sakaling nasa panahon sila ng Joseon ay sari-saring karahasan ang gagawin niya dito.. tiyempo naman na lumabas ng trailer si Park Ha at narinig ang masasakit na sinabi ni Yong-sul, napansin ito nung 3 at tila iniwan na sa ere ang bodyguard.. at nang ma-realize ng binata na narinig ni Park Ha lahat ng sinabi niya, eh pinagpawisan na naman siya ng parang anime, nanliit, at napahiya sa harap nung babae (LOL! si Yong-sul ang pinakatahimik sa kanilang 4 pero siya rin yung madalas malagay sa alanganing sitwasyon dahil sa kanyang pagiging medyo vocal >,<).. nilapitan siya nito at patulak na ibinalik sa kanya yung massager, buong akala daw niya ay si Yong-sul ang pinaka-gentleman sa 4 subalit lumalabas na siya ang pinakamalala sa mga ito, balak pa man daw niya sanang turuan na ang 3 tungkol sa paggamit nung makina pero nagbago na ang isip niya...

nag-impake na si Park Ha upang iwanan na muli ang Joseon 4.. pinigilan siya ni Lee Gak na sinabing nagbibiro lang naman daw si Yong-sul, pero sinabi ng dalaga na aalis na lang siya dahil ayaw naman nila sa kanya.. dahil sa pagpipigilan nila, aksidenteng natapon ang ilang gamit ng babae.. nakita ni Lee Gak ang family picture ni Park Ha at tinanong kung sinu-sino yung mga nasa larawan.. sinabi ng dalaga na siya yun nung baby pa siya at ang kanyang Papa, dahil dun natanong ng prinsipe kung nagbalik na ba ang mga alaala niya.. (dapat inis pa rin nun si Park Ha sa binata, pero siguro kinailangan rin niya na ilabas yung nararamdaman niya, at nagkataon na nakapag-share na siya dati kay Lee Gak nung nag-inuman silang 2).. nagkuwentuhan nga ang dalawa, at binati ng prinsipe ang dalaga sa pagbabalik ng kanyang mga alaala, pero sinabi nito na sana hindi na lang nagbalik ang mga iyon habang naaalala ang masasakit na nagawa sa kanya ni Sena.. pilit naman siyang kinumbinsi ni Lee Gak sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga alaala...

nasa labas pa rin si Lee Gak at maraming iniisip.. iniisip niya na bagamat nag-time travel siya ay dala pa rin niya ang memorya niya mula sa nakaraan, samantalang si Sena na inaakala niyang nag-time travel din ay walang mga alaala ng namatay na prinsesa.. pilit niyang iniisip kung ano ba talaga ang dahilan ng kanilang paglalakbay sa panahon, at kung may kinalaman ba yun para malaman nila kung sino ba talaga ang pumatay kay Prinsesa Hwa Yong...

sa ospital.. papalabas na si susan kasama si Park Ha (wala siyang bangs ngayon).. hindi na daw niya sisingilin ng danyos si Tommy dahil magkakilala naman sila ni Park Ha.. nag-i-insist naman si Tommy na bayaran ang mga gastusin ni Susan na kakailanganin para sa tuluyan nitong paggaling, pero sa halip ay humingi na lang ito ng pabor na bigyan ng Director ng trabaho sa kanilang Kompanya si Park Ha dahil naudlot ang balak nitong magtayo ng sariling negosyo.. mahiya-hiya pa ang babae sa hiniling ng kanyang Stepmom, pero pumayag naman si Director Yong at ibinilin sa dalaga na puntahan siya sa kanyang office...

sa Office.. nagde-debate yung 3 tungkol sa kung sino ang mainam na maging asawa.. may ilang pictures dun sa cellphone ni Man-bo na pinagkukumpara nila (ang isa yata ay si Gumiho).. mas boto si Man-bo sa malusog na babae dahil mainam daw yun sa pagpapadami ng anak, si Chi-san naman ay naghahabol sa itsura, samantalang si Yong-sul ay nananahimik lang as usual.. dumating si Lee Gak na may dalang tinatawag niyang 'Park Ha candy'.. sabay-sabay nila itong tinikman, at malamig daw ito na parang katulad ng ugali ni Park Ha.. sinusupsop lang ito ni Yong-sul nung una, kaya inutusan nito ng prinsipe na nguyain ito na yung tipo na maririnig nila...

nakipag-meet na ulit si Chairman Jang kay Tommy.. inakala daw ng binata na wala na itong balak tumulong sa plano nilang mag-ama.. humingi ng pabor ang Chairman kay Director Yong, at yun ay para hanapin ang dati niyang pamilya at ipinakita niya sa binata ang buong family picture na katulad ng larawan na na kay Park Ha (meaning anak rin ng Chairman si Park Ha, at magkapatid sila sa dugo ni Sena).. si Alexander Park ang dati niyang asawa at iba yung pangalan na sinabi niya para kay Park Ha...

sa office ni Tommy, nakita ni Sena ang picture na pinadala ni Chairman Jang.. nabanggit ni Tommy sa secretary na pamilya yun na pinapahanap sa kanya ng Chairman, at nagulat siya nang makita ang buong picture.. naalala niya dito ang Papa ni Park Ha...

halos kararating rin lang ni Park Ha sa Kompanya at nagpaturo ito kung nasaan ang opisina ni Director Yong.. naabutan niyang magkasama sina Tommy at Sena, noong una ay hindi sila nagpapansinang magkapatid, pero nagtaka si Tommy sa kanila kung kaya't napilitan rin silang mag-usap.. nabanggit nga ng Director na magtatrabaho na sa Kompanya si Park Ha at lumabas na ang mga ito.. tinawag ni Sena ang kapatid at pinagalitan na naman ito, sinabi naman ni Park Ha na ang kinikilalang Mama ni Sena at si Director Yong ang may gusto na magtrabaho siya dun, sinigurado naman niya sa kapatid na hindi niya ilalabas ang baho nito.. pagsakay ng elevator, naulit niya rin kay Sena na hindi naman siya galit dito, bagkus ay naaawa pa nga siya sa kanya.. pagbukas ng elevator, nagkasalubong sina Lee Gak at Park Ha, nagtaka ang lalaki kung bakit madalas na nasa Kompanya nila ang dalaga kaya natanong niya ito kung anong ginagawa nito doon, sinabi naman ni Park Ha na madalas na silang magkikita-kita sa Office simula ngayon, sabay iwan na sa prinsipe...

balik kina Tommy at Sena.. natanong ni Sena kung sino ba si Chairman Jang at kailangan pa niya itong tulungan sa paghahanap ng dati nitong pamilya, at naulit nga nito na isa siya sa may pinakamalaking share sa Kompanya kaya't ganun na lang ang respeto nila sa kanya.. dahil dun nagkunwari si Sena na gusto niyang tumulong sa paghahanap habang ipino-photocopy yung family picture...

(magaling yung mga twist at revelation sa kuwento na 'to, although parang sobra yun kung ikukumpara sa totoong buhay.. pero siyempre pang-tv yun, kaya pwedeng compressed ang sangkatutak at masalimuot na mga detalye.. kahit ako ay nailigaw nila sa mga twist nila mula noong i-introduce si Chairman Jang.. sa past kasi biological sisters sina Hwa Yong at Bu YOng.. pero sa simula nung story, pinakilala yung mga katauhan nila sa future na sina Sena at Park Ha bilang stepsisters.. sa pagdating ni Chairman Jang, yung mga actions ni Susan ay parang nagsa-suggest na si Park Ha ang nawawalang anak ng Chairman - dahil kapareho yun nung time na naibigay kay Park Ha yung family picture nila at tila parating iniiiwas ni Susan ang dalaga sa dating kaibigan.. ang tanong lang tungkol sa punto na yun ay bakit hahanapin ng Chairman ang anak niya kay Susan na ikalawa lang naman na asawa ng Papa ni Park Ha - ang posibleng sagot naman ay posibleng nag-krus ang mga landas nila noong mga panahon na nawawala pa si Park Ha.. pero nang ma-ospital na si Susan diretsa naman niyang inamin na hindi si Park Ha ang ipinaampon na anak ng Chairman at alam rin pala nilang dalawa na Sena ang pangalan nung bata - bale yung ginawa nilang illusion ng isang twist ay na-untwist, at napalitan lang nung twist sa buhay ni Sena na isa pala siyang anak ng mayaman di gaya ng inaakalala niyang katotohanan na pilit niyang itinatago sa ibang tao lalo na kay Tommy.. pero bago pa man magtagal, inilabas na rin agad nila yung isa pang katotohanan na may isa pang nawawalang anak ang Chairman at yun nga ay si Park Ha base sa family picture - bale yung twist sa simula eh i-untwist tapos ay nag-twist ulet.. kaya ngayon ay lumalabas na magkapatid pa rin sa ina ang dati nang magkapatid sa nakaraan.. cool...)

---o0o---



RTP-19
first hug at opisyal na sandal sa balikat...

dahil sa napagkuwentuhan nila noong gabi, nag-suggest si Lee Gak na puntahan nila ni Park Ha yung lugar kung saan kinunan sila ng larawan 25 years ago (may nakasulat naman kasing address at telephone number dun sa lumang picture).. nakita ni Sena na magkasama ang 2, kaya tinawagan niya ang binata para sabihin na itutuloy na nila ang tour nila sa Kompanya, sumagot naman ang nagkukunwaring si Terrence na hindi na muna siya papasok para sa araw na yun at sa susunod na lang itutuloy ang pagtu-tour nila.. na-locate rin nila yung studio kung saan kinunan sina Park Ha ng picture, nabanggit nung lalaki dun na posibleng yung namatay niyang tatay pa ang kumuha nung larawan na yun.. tinanong ni Park Ha kung ano yung pinakamalapit na elementary school sa lugar na yun dahil may naaalala siyang parang tulay at malaking puno sa may entrance nito, at may itinuro naman yung lalaki na school na posibleng nagma-match sa nailarawan ng dalaga...

habang papunta sa school at dumadaan sa mga kabahayan, naalala ni Park Ha yung doorbell trick na ginagawa nila nung mga bata pa sila (siguro kasama yung mga kaiskuwela niya).. pipindutin nila yung doorbell ng kung kaninong bahay tapos magsisitakbo kapag may magbubukas na ng gate o pinto.. wala naman daw nakakatuwa doon sabi ni Lee Gak, at para pa ngang kriminal sa gagawing pagtakbo.. sinubukan ni Park Ha yung trick sa isang bahay, at nang may lalabas ng tao, tatakas na sana siya, pero gustong magpaiwan ni Lee Gak para isumbong siya, subalit nang makita na nya yung malaking ale na may-ari nung bahay ay natakot na rin siya at nakisabay na nang pagtakbo kay Park Ha, hinabol na rin sila nung ale sa pag-aakalang mga magnanakaw sila.. nag-enjoy naman ang prinsipe at sinabi na nakakatuwa nga pala yung trick na yun.. sumunod namang sumubok ang kamahalan, nag-doorbell siya pero maskuladong lalaki yung lumabas nung bahay, hinabol sila nung lalaki at naiwanan pa ni Park Ha yung isa niyang sapatos sa kalsada.. tuwang-tuwa yung dalawa sa kalokohan nila...

sa playground nung school, hinihintay ni Lee Gak si Park Ha.. bumalik yung babae (na mukhang nabawi rin naman yung naiwan niyang sapatos sa daan) at ibinalita na walang naka-register na Park Ha sa records nung school na yun.. natanong ng prinsipe na baka naman hindi Park Ha ang tunay na pangalan ng dalaga, at sumagot naman ito na hindi siya ganoong katanga para hindi malaman yung pangalan niya.. tinanong naman siya ng lalaki kung paano ba niya sinusulat yung 'Ha' sa pangalan niya at sinabi na kagaya lang kung paano ito sinusulat sa mga pagsusulit.. gamit ang cellphone niya, isinulat ni Lee Gak sa screen nito ang salitang 'Ha', at ganoon nga rin daw ang pagsulat dito ng dalaga.. nabanggit ng prinsipe na ang ganoong character ng 'Ha' ay nangangahulugan rin ng 'Lotus' na katumbas rin ng salitang 'Bu Yong' (ito marahil yung dahilan kung bakit hindi na nila pinalitan yung pangalang 'Ha' sa Tagalog version, kung kaya't nag-stick na lang sila sa paggamit ng full name niya since mas maganda itong bigkasin kesa dun sa 'Ha' lamang).. dahil doon naalala ni Lee Gak ang hipag niyang si Bu Yong at ang mga bugtong na pinasasagutan niya dito (namamangha pa nga ang prinsipe sa kanyang hipag dahil sa angkin nitong talino bagamat hindi naman siya isang pantas).. at dahil din dun, sinubukan niyang pasagutan rin kay Park Ha yung bugtong na 'mabuhay man, ito'y mamamatay at mamatay man, ito'y mabubuhay'.. ang unang sagot ng dalaga ay 'buhay', at kinutusan siya ng kamahalan at sinabing nababalot ng kamangmangan ang katauhan ng dalaga.. muli itong pinag-isipan ng dalaga at sinabing 'comatose state' ang tamang kasagutan.. nasabihan siya ng pangahas ng prinsipe at tila daw kailangan niya na makatikim muna bago gumana ang kanyang pag-iisip.. sumang-ayon naman si Park Ha at hiniling na bigyan nga siya nung tinutukoy ng kamahalan, pero yun pala ay pitik sa ulo o noo.. nainis si Park Ha at naghabulan ang dalawa sa may playground hanggang sa makaakyat silang pareho sa may slide.. na-corner na niya si Lee Gak, pero biglang tinamaan ng lungkot ang babae at tuluyan nang umiyak.. tumalikod ito sa prinsipe, pero muli rin itong iniharap ng lalaki, pinahiran ang luha nito, niyakap, at sinabing wag na itong umiyak dahil mula ngayon ay magkakaroon na siya ng masasayang alaala...

pinuntahan na rin nina Tommy at Chairman Jang yung studio kung saan kinunan yung larawan.. at kahit may punit yung kopya nina Park Ha, ay napansin ng lalaki na pareho lang yung picture ng dalawang grupo kaya't nabanggit niya kina Tommy na may nauna nang nag-inquire tungkol sa picture na yun (pero hindi niya nabanggit na may punit yung naunang picture na nakita niya), at isa daw yung lalaki at isang babae.. nagtanong sila ng detalye tungkol dun sa mga taong yun, at nabanggit nga rin nung lalaki na tinanong nila kung ano yung pinakamalapit na school sa lugar na yun...

nagsi-swing na lang yung dalawa sa may playground.. sa may di kalayuan ay pinagmamasdan sila ni Sena na may mababakas na poot sa kanyang mukha.. dumating na rin sa lugar sina Tommy at Chairman Jang, kung kaya't hinarang na sila ni Sena bago pa man sila makatuloy sa school.. nasorpresa ang Chairman na makita ang kanyang anak.. nag-claim siya na nagsagawa siya ng research, at na siya yung babae na nanggaling sa studio (habang pinapakita yung scanned at printed copy nung picture) at yung lalaki daw ay yung kunwaring tao na nagturo sa kanya kung nasaan iyon.. binalak rin nina Tommy na i-check na rin ang records nung school, subalit nag-claim rin si Secretary Hong na nagawa na niya iyon at wala sa records ang pangalan ng nawawalang anak ng Chairman.. nag-decide nang umalis ang tatlo, at tinanong ng Chairman kung pwedeng sa kotse siya ni Sena makisabay, na sinang-ayunan naman ng dalaga.. natuwa ang Chairman na kahit hindi niya nakita ang bunso niyang anak, ay kahit papaano ay nagkalapit naman sila ng lihim na panganay na anak na si Sena.. bago sila maghiwalay, binigay ni Chairman Jang sa dalaga ang suot niyang singsing, isuot daw niya ito o itago na lang kung hindi naman kasya, at masaya itong tinanggap ng dalaga...

sa parking lot.. natuwa si Tommy sa inakala niyang ginawang pagtulong ni Sena kay Chairman Jang (siguro dahil may hinahabol din silang malaking pabor dun sa tao).. niyakap niya ang lihim na kasintahan at tinanong kung paano daw kung naisin ng Chairman na ang babae na lang ang pumalit sa nawala nitong anak.. tatanggapin naman daw iyon ni Sena, at nagpasalamat sa kanya si Tommy.. sakto naman na dumating si Executive Yong at nakita na magkayakap yung dalawa.. galit na galit ang Papa ni Tommy lalo na kay Secretary Hong dahil sa posibleng idulot ng relasyon nila sa katatayuan sa Kompanya ng kanyang anak, pinauna na niya ang anak para maghatid ng binili nitong regalo para sa Lola Chairman.. kinausap ni Executive Yong si Sena para ipatigil na ang namamagitan sa kanila ni Tommy...

balik kina Park Ha.. medyo antok na yung dalawa na sakay ng bus.. napapasandal ang dalaga sa balikat ng prinsipe, kung kaya't nagigising siya para iiwas ang sarili.. hinablot naman siya ni Lee Gak at kusa nang pinasandal ang ulo ng babae sa kanyang balikat.. pareho namang napangiti na lang ang dalawa...
pagkababa naman ng bus, biglang may mensahe galing kay Sena na gustong makipag-meet kay Lee Gak.. pinauna nang umuwi ng prinsipe si Park Ha, at nainis na naman ang dalaga...

---o0o---


RTP-20 
first unofficial lips to lips (mouth to mouth resuscitation)...

nasaktan si Sena sa nangyari.. tinatawagan siya ni Tommy para magkita sila pero ayaw na niya munang makipagkita sa nobyo.. pagdating ni Lee Gak inalok ito ng babae ng 'beer' at um-oo naman ito dahil masarap daw itong pakinggan.. isinauli na ni Sena kay Lee Gak yung bracelet na ibinigay nito sa kanya.. simula pa lang daw nung una nilang pagkikita ay ramdam na niya na may gusto sa kanya ang lalaki, pero hindi daw siya interesado sa katulad nito.. iginiit naman ng prinsipe na hindi magtatagal at magugustuhan rin siya ng inaakala niyang prinsesa.. na-open ng kamahalan ang tungkol sa topic ng reincarnation, kung saan hindi naman naniniwala si Sena.. naitanong niya kung may kapatid ba ang dalaga, na mariin naman na itinanggi nito (bale stepsister pa lang ang alam niyang meron siya), subalit tiniyak sa kanya ng lalaki na meron nga siyang kapatid at maaaring hindi pa lang niya ito naaalala.. nasabi ng lalaki sa isip niya na sa pagkakataon daw na bumalik na ang alaala ng dalaga ay saka lang sila muling magkakasama ng kapatid niya (tingin ko masyadong literal na yung pahayag, kasi logically speaking eh wala talagang alaala ang magkapatid na sina Sena at Park Ha tungkol sa isa't isa bilang biological sisters since nagkahiwalay nga sila mula pagkabata).. muling isinuot ni Lee Gak ang bracelet kay Sena.. nagkataon naman na nakita ni Tommy na magkasama yung dalawa (marahil ay hinanap niya si Sena dahil sa pag-aalala niya dito)...

pagkauwi ni Sena, nadatnan niya si Tommy sa kanyang apartment at natanong siya ng binata kung saan siya nanggaling, sinabi nito na uminom siya ng konti pero hindi nabanggit ang tungkol sa pagkikita nila ni ala-Terrence.. nag-sorry ang binata at ipinangako na susubukang kumbinsihin ang Papa niya tungkol sa kanilang relasyon.. tinanong naman ni Sena kung ayaw bang maging malaya ni Tommy, at hahayaan na lang na maging sunud-sunuran sila sa kagustuhan ni Exec. Yong.. kung kasal daw ang gusto ni Sena ay hindi pa niya magagawa iyon, dahil dun nag-desisyon ang babae na makipag-break na...

kinaumagahan.. ready na si Park Ha sa first day niya sa office, ayaw niyang ma-late sa unang araw niya, pero ang kupad daw nung apat.. umuna na siyang umalis, pero madali lang siyang naabutan nung 4.. biniro nila ito na maiksi daw kasi ang mga binti niya, at nilampasan pa nila ito, masayang nagtakbuhan ang 5 papasok sa Kompanya...

habang nag-aayos si Park Ha sa isang kitchen set, binisita siya ng Joseon 4 para ipaalala na ngayong araw na sila lilipat sa ipinaayos nilang Rooftop, dahil dito kailangan rin nila na maghanda para sa isang piging.. at naitanong naman ng dalaga kung sino ang magluluto.. napansin sila ni Tommy, at lihim na pinakinggan ang kanilang usapan mula sa control room.. biniro pa nina Chi San at Man BO si Yong Sul na ipaluto na ang gusto nitong pagkain kay Park Ha dahil tiyak na gagawin yun para sa kanya ng babae (malamang dahil yun sa atraso ni Yong Sul kay Park Ha noong nakaraan).. s-in-uggest ni Park Ha na alimasag sa toyo na lang ang kanyang lulutuin, pero hindi daw ito maaari sabi ni Chi San, naikuwento ng prinsipe na noong 5 y/o pa lang siya ay kamuntik na siyang mamatay dahil sa pagkain ng alimasag.. nagulat naman dito si Tommy, at labis na nagtaka sa mga nasabi ni ala-Terrence...

malaki na ang bagong Rooftop house, ang itsura niya mula sa labas ay parang na-compressed na mansion - mala-mansion yung design pero pinaliit yung scale para magkasya sa rooftop.. nag-picturan ang 5 at nagawa pa ngang utusan ni Man Bo ang prinsipe para kuhanan sila ng larawan.. pagkatapos nun, nag-grocery na sila gamit ang black credit card ni Lee Gak.. sari-sari yung binibili nila kahit hindi kailangan, na-curious pa yung 3 sa 'gak sugar' dahil kapangalan ito ng kanilang kamahalan kung kaya't bumili sila ng dalawa nito.. nakakita ng Lotus flower ang prinsipe at muling naalala sina Bu YOng at Park Ha dahil dito.. dumating naman si Park Ha at napansin yung maninipis na aquarium na may maliliit pang isda, inihalintulad ng prinsipe yung 3 alalay sa mga isda, at si Park Ha naman ay inihalintulad lamang niya sa isang binhi na ikinaasar ng dalaga, at itinapon ng prinsipe yung binhi sa loob noong aquarium.. tapos nag-decide sila na bilhin na rin yun...

sa Mansyon.. masaya ang lahat dahil tapos na ang Rooftop house, at nagdesisyon sila na dumalaw kina ala-Terrence.. mapapansin dito na gusto ni Tita-Lola si Sena, bilang posibleng anak o in-law.. habang nag-iisip kung anong dadalhin nila para kay ala-Terrence, dumating naman si Tommy at s-in-uggest na crab & soysauce na lang at nabanggit nga ng Tita-Lola na favorite yun ni Terrence (yun marahil yung dahilan kung bakit nagduda na muli si Tommy sa pagkatao ng nagpapanggap na si Terrence)...

bago ang party sa bagong Rooftop.. naglaro muna ang kalahating magpinsan ng squash (yung parang tennis na pinapatalbog pa sa dingding yung bola).. seryoso si Tommy, kaya't nagtaka dito si ala-Terrence dahil akala daw niya ay tuturuan pa lang siya nito.. sinabi naman ni Tommy na posibleng mawala ang mga alaala ng isang tao, pero hindi ang instinct ng katawan nito, sabay amin na ni minsan ay hindi pa niya natalo ang totoong Terrence sa larong squash.. diniretso nito ang nagpapanggap na half-cousin na hindi pa rin siya naniniwala na siya nga si Terrence sabay bitaw ni Tommy sa raketa niya at iniwan na niya ang nabiglang si ala-Terrence...

sa Rooftop.. mukhang anluwang nung bahay kapag tiningnan sa loob.. nandun na ang pamilya nina Terrence at Tommy, kasama sina Sena at Park Ha.. panay pa rin ang puri ng Tita-Lola kay Sena na ikinaiinis ni Exec. Yong.. pagdating nina ala-Terrence at Tommy, nasorpresa ang prinsipe pati na rin si Park Ha sa gusto nilang ipakain kay ala-Terrence na crab & soysauce, at nabanggit pa nila na favorite ito ng binata.. nag-aalala si Park Ha dahil sa naikuwento nina Chi San at Lee Gak.. kampante pa noong una si Tommy, at pinipilit na kumain si ala-Terrence handa nila.. para mapanindigan ang ginagawa niyang pagpapanggap, buong tapang na kinain ni Lee Gak ang crab at nagkunwari pang nasasarapan siya dito.. nadismaya naman si Tommy nang makita na kayang kainin ng nagpapanggap niyang half-cousin ang inakala niyang makakasama dito na pagkain.. maya-maya pa, lumabas si Park Ha ng bahay upang hanapin si Lee Gak.. nakita niya ito sa may hagdanan, at nagsisimula na ang allergic reaction ng kanyang katawan, pilit na pinakakalma ng dalaga ang prinsipe.. saktong lumabas rin si Sena ng bahay, at pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang tila hinahalikan ni Park Ha si ala-Terrence.. marahan siyang umakyat pabalik sa rooftop, at mukhang nag-isip ng masama tungkol kay Park Ha.. balik naman kina Park Ha, paulit-ulit na binibigyan ng hangin ng babae ang halos walang malay ng si Lee Gak gamit ang kanyang bibig...

EDIT: dahil sa malabong channel 2 at dahil nagta-type ako habang nanonood, eh may mga maliliit na detalye akong nami-miss o di kaya may nagagawa akong pagkakamali.. buti na lang may replay para nare-review ko ang mga bagay-bagay.. kaso yung last episode kada-Friday ay kailangan pang maghintay ng Lunes bago ma-review o mai-correct...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento