Mga Pahina

Biyernes, Pebrero 08, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 5 Recap

sabi na nga ba at may nakalimutan na naman akong isama noong last time eh.. yung telang may burda...

Key Items:
  • Postcard - postcard na may portrait o sketch ni Park Ha na iginuhit ng totoong Terrence nang makita niya ito sa New York, may kasama siyang dilaw (meaning colored) na paru-paro sa sketch, may invitation rin dito na niyaya sana si Park Ha na mag-meet pero sa kasamaang palad ay hindi iyon natuloy
  • Tela o Panyong may Burda - isang puting tela na binurdahan ni Bu Yong ng mga bulaklak at isang dilaw (na may itim rin naman sa pakpak) na paru-paro, si Prinsesa Hwa Yong ang nakatanggap ng credits sa pagbuburda nun at hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan ni Prinsipe Lee Gak na ang asawa nga niyang prinsesa ang may gawa nun, medyo mahiwaga yung paru-paro na nakaburda dito dahil minsan na itong nagkaroon ng buhay at naglakbay pa mula sa nakalipas patungo sa kasalukuyang panahon na naging dahilan upang makita ni Terrence si Park Ha sa New York
  • Binhi ng Lotus - buto ng lotus na sinabi ni Prinsipe Lee Gak na kumakatawan kay Park Ha noong minsang nagbibiruan sila habang naggo-grocery.. inihulog ito ng prinsipe sa aquarium na binili nila para pang-display sa kanilang bahay sa Rooftop, kung saan yung malilit na isda dito ang kumakatawan naman daw dun sa 3 niyang alalay
  • Raddish Doll - isang stuff toy na repolyo na nakuha ni Prinsipe Lee Gak dun sa game na hinuhulugan ng token o coin kung saan parang nanghuhuli ka ng isda, pero sa halip na isda eh mga laruan yung maaari mong mabingwit
  • Twine Dolls - isang lucky charm na may parts na gawa sa buto ng palm tree; pwede itong magdala ng suwerte sa aspeto ng pag-ibig, pananalapi, o kalusugan depende sa paraan ng pagkakatali nung dalawang manika sa isa't-isa



RTP-21

naglalaro yung 3 at yung 2 kapitbahay nila ng Eastern card game.. nagtataka si Lady Mimi kay Man Bo dahil parati itong nananalo kahit na sinabi nitong noon lang siya natutong maglaro nun.. may pustahan pala ng pera, at nasabihan pa ni Yong Sul si Becky na ayos lang na natatalo minsan...

dahil sa isyu ng crab & soysauce, nagdududa na si Park Ha kung sino ba talaga si Lee Gak...

dahil sobrang tagal bumalik sa bahay nina ala-Terrence, umuwi na yung family niya pero nagpaiwan sina Sena at Tommy...

balik kina Park Ha na nasa daan.. tinanong ng dalaga kung bakit nagawa ni Lee Gak na lokohin siya tungkol sa totoo niyang pagkatao.. naniwala siya dati nung sabihin niya na galing sila sa Joseon, pero bigla rin siyang nag-claim na siya si Terrence na galing sa kasalukuyang panahon, tapos ngayon sinabi na naman niya na mula siya sa Joseon.. dahil dun, wala nang tiwala ang babae sa prinsipe.. iniwanan ni Park Ha si Lee Gak paakyat sa isang overpass, at nagpasaway naman ang kamahalan at biglang tumawid sa kalsada na walang pedestrian lane.. nakita ni Park Ha kung paano siya kamuntik nang mabangga ng mga sasakyan at kung paano siya sigawan ng galit na galit na mga driver.. alalang-alala na mangiyak-ngiyak pa si Park Ha na sinalubong si Lee Gak sa kabilang kalye, nagpasusot pa ang lalaki, at tinadyakan naman siya ng dalaga sa binti, sabay pahid ng luha niya, at sinabing maniniwala na siya sa paliwanag nito...

balik sa Rooftop.. sinusuyo na ni Tommy si Sena at sinabi na matatanggap rin ang relasyon nila ng Papa nito.. sinabi naman ni Sena na magbabago lang siya ulit nang kagaya ng dati, kung magbabago rin ang nobyo...

kina Park Ha ulit na tumigil sa isang pampublikong bench.. napagalitan ng babae si Lee Gak dahil kinain pa rin nito yung alimasag para lang mapanindigan ang pagpapanggap niya bilang Terrence.. tinanong nito ang prinsipe kung ano ba talaga ang binabalak ng mga ito, dahil sa tingin niya ay hindi naman pera o kapangyarihan ang motibo nito.. sinabi ng prinsipe na napadpad sila sa panahon na iyon mula sa nakaraan para may makilalang tao, at hanggang dun lang ang pwedeng malaman ng dalaga dahil nagmula siya panahon ring iyon.. sinigurado naman ni Lee Gak kay Park Ha na hinding-hindi na siya magsisinungaling kay Park Ha...

balik sa Rooftop.. naglibot-libot si Sena sa bahay ng 5.. sa kuwarto ni Park Ha, nakita niya yung postcard na galing sa totoong Terrence.. may nakita rin siyang cellphone na ang wallpaper ay picture nina ala-Terrence at Park Ha.. napaisip na naman ang babae, at napangiti.. tapos nakita siya ni Tommy at kahit hindi pa rin nakakabalik ang mga may-ari ng bahay, ay nag-decide na silang umalis.. gustong ihatid ni Tommy ang nobya, pero nag-insist ito na magta-taxi na lang siya...

balik kina Park Ha.. na-curious ang prinsipe kung paano siya natulungan ng dalaga noong hindi siya makahinga.. sinabi naman ni Park Ha na ginamitan niya ang lalaki ng CPR through mouth to mouth resuscitation, na binigyan niya ng hangin ang lalaki gamit ang kanyang bibig.. nagkunwari naman ang kamahalan na hindi ulit siya makahinga at humihingi ng CPR, at pinagpapalo siya ng babae dahil sa mga kalokohan nito at dahil sa madalas na napag-aalala siya nito.. biniro naman siya ng prinsipe na posibleng isang heneral siya sa nakaraan niyang buhay.. nakita na naman ni Sena na magkasama at mukhang close na close ang dalawa, at muli siyang napangiti (o ngisi)...

sa Rooftop, bago matulog ang 5.. nagbigay na ng kanya-kanyang assignment si Lee Gak.. si Man Bo ang nakatoka para sa kaayusan, si Chi San sa gastusin, at si Yong Sul naman sa pagbabantay ng bahay.. at si Park Ha naman ang binigyan niya ng napakaraming gawain na parang isang taga-silbi, tungkulin daw niyang siguraduhin na magiging maginhawa ang buhay ng kamahalan, sinubukang tumutol ng dalaga, pero pinaalala sa kanya ni Lee Gak kung sino na ang bagong may-ari ng bahay at kung sino na ang bagong nakikitira lamang.. asar na asar siya sa sa prinsipe.. bago tuluyang magsipagtulog, binilinan siya ni Chi San na omurice na maraming ketsup ang ihanda para sa agahan, nayabangan naman si Park Ha sa eunuch, samantalang si Yong Sul ay sinabihan ang dalaga na matulog ito nang mahimbing (mukhang nagkakagusto na nga si Yong Sul kay Park Ha, kahit si Lee Gak ay madalas nang pinapansin ang bodyguard kapag nare-relate ito kay Park Ha)...

hindi makatulog si Park Ha.. iniisip niya yung sinabi ng prinsipe na meron silang kailangang makilala na tao mula sa kasalukuyang panahon...

kinabukasan.. nagpunta si Park Ha sa national library para mag-research.. may binasa siyang libro tungkol sa history ng Choson Dynasty, at tila medyo nabigla pa nga ito sa nalaman niya although hindi pa naman niri-reveal kung bakit...

sa Office.. binisita ni Dir. Pyo si Tommy para asarin.. ipinaalam niya na batid niya ang ginagawang pagkumbinsi ng mag-ama kay Chairman Jang.. sinabi niya na hindi dahil nakita na si ala-Terrence eh ibig sabihin ay matitigil na ang imbestigasyon tungkol sa nangyari sa New York.. sinabi niya na alam niyang nagkita ang mag-half-cousin noon sa US habang naglalahad ng ilang ebidensiya kaugnay sa paggamit ni Tommy sa credit card ng kompanya noong mga panahon na nasa US sila.. at hinding-hindi daw siya titigil hangga't hindi niya natutulungan ang inaakalang si Terrence na maibalik ang mga alaala nito.. magbabayad daw ang may sala at diniretssa niyang si Tommy iyon...

nakipag-meet rin si ala-Terrence kay Dir. Pyo para makilala rin daw ang kanyang sarili.. natanong siya ng Director kung bakit nagtitiwala siya dito, at sinagot naman ng binata na dahil may tiwala sa kanya ang Lola-Chairman.. sinabi naman ng Director lahat ng alam at hinihinala niya; na sa tingin niya ay nagkita noon sa New York sina Tommy at Terrence kahit na dini-deny ito ni Tommy, dahil dun pinag-iingat rin niya si ala-Terrence kung sakaling may alam nga si Tommy sa nangyari sa New York o mas malala eh kung may ginawa ito noon, bigla naman naalala ni ala-Terrence yung insidente na pinilit siyang kumain ng alimasag ni Tommy...

pagbalik sa Office, nagka-panabay sina ala-Terrence with Director Pyo at Tommy with Executive Bernard Yong (yun yung complete name ng Papa niya).. nag-aasaran yung dalawang panig, at sinasabihan ni Exec. Yong na huwag masyadong maglalapit kay Dir. Pyo si ala-Terrence dahil bad influence ito.. biglang tinanong ni Tommy kung nahihirapan na ba si ala-Terrence (tungkol malamang sa ginagawang pagpapanggap nito), at sumagot naman ang prinsipe na alam niyang si Tommy ang mas higit na nahihirapan sa kanilang dalawa, naasar si Tommy at nagtinginan nang masama ang dalawa.. umiwas na ang mag-ama, at nasabi ni Exec. Yong na mukhang tuluyan nang naimpluwensiyahan ni Dir. Pyo si ala-Terrence.. sinabihan naman sila ni Dir. Pyo na mayayabang dahil lang sa mayaman sila.. nag-alala si Dir. Pyo na mukhang nasobrahan si ala-Terrence sa mga sinabi niya, inamin naman ni ala-Terrence na wala talagang kahuluguhan ang mga binitiwan niyang salita, pero pinatulan iyon ni Tommy (meaning guilty siya)...

---o0o---


RTP-22

magkakasama sa Office ang magkakapamilya.. ibinida ni Exec. Yong na may in-arrange siyang blind date para kay Tommy.. dahil dun naitanong ni Lola-Chairman kung may dini-date na ba si Secretary Hong.. pinangunahan naman ni Exec. Yong ang dalaga sa pagsagot, at sinabing wala itong naidi-date dahil busy ito sa trabaho.. gusto sana ng Lola-Chairman at ng Tita-Lola na makipag-date ang secretary kay ala-Terrence para makilala nila ang isa't-isa.. hindi naman agad nakasagot si Sena at sinabing pag-iisipan niya ang tungkol dito.. nagselos naman si Tommy dahil sa mga nangyaring pangre-reto.. after nilang magkapulung-pulong, pinatawag ni Tommy si Sena sa office niya.. nagpakita ito ng tickets at inalok ang secretary na manood ng musical, na hindi naman daw kinahihiligan ng babae, at naitanong rin nito ang tungkol sa blind date ng nobyo.. sinadya daw ni Tommy na bumili ng musical tickets sa kaparehong araw ng blind date niya, at kung makikipagkita lang sa kanya si Sena ay ipapakita niya ang totoo niyang nararamdaman...

sa isang lugar.. nagso-solo si Park Ha habang iniisip ang tungkol dun sa nabasa niya sa libro.. bigla naman siyang tinawagan sa cellphone ng Stepmom niya...

bumisita si Susan sa inaakala nitong nirerentahang bahay ni Park Ha, dahil dun nagpapanggap ang dalaga na sa kanya pa rin yung unit.. pinilit pa nito yung 4 na batiin ang Stepmom niya, agad naman bumati yung 3, samantalang kinailangan pa niyang senyasan nang senyasan para mapakiusapan ang prinsipe, pero sa huli ay bumati rin naman ito sa matanda.. nagkataon na tungkol rin sa blind date ang ipinunta ng Stepmom, at nakikinig yung 4 sa 2nd floor ng bahay nila.. may nag-request daw kasi sa kanya at tutal ay kailangan na rin ni Park Ha ng makakasama sa edad niyang iyon.. dati pa daw kasing napansin nung may-ari ng dried food shop ang dalaga, at gusto niya sana itong makipag-date sa only son niya na ayon kay Susan ay isang teacher at gwapo.. nasabi rin nito sa stepdaughter na nai-schedule na niya ang blind date nila.. napansin ni Susan na may kalakihan at kagandahan yung bahay, napansin rin niya na nasa itaas lang yung 4 at nakatingin sa kanilang mag-ina, dahil dun sinenyasan na naman sila ng dalaga para pansamantalang palabasin, ipinapamukha pa ni Lee Gak na siya ang may-ari nung bahay.. napansin naman ng tatlo ang kakaiba at malungkto na reaksiyon ni Yong Sul tungkol sa mga narinig nila...

sa kuwarto (siguro) ng mga alalay.. nais na daw ni Yong Sul na magpahinga.. nagkunwari siyang masama ang pakiramdam at nang kuwestiyunin pa siya nina Chi San at Man Bo ay sinabi niyang "hindi ba maaaring sumama ang aking pakiramdam?".. biniro na naman siya nung dalawa at sinabing nasaktan ang puso nito.. paasar na pabiro naman niyang hinanap ang kanyang espada kaya't iniwan na rin siya nung dalawang makulit.. mababakas talaga sa mukha ni Yong Sul na namo-mroblema siya tungkol sa date ni Park Ha...

magkasamang lumabas sina Park Ha at Lee Gak dahil nagpasama ang prinsipe sa pag-e-exercise.. may mga kagamitan sa public area na pwede nilang gamitin (astig sa South Korea), at gamit ni Park Ha ay pampa-seksi ng waist para daw sa date niya bukas.. napansin naman niya na puros lakad lang ang ginagawa ng prinsipe, at sinabi naman nito na yun na ang ehersisyo niya.. nagtanong ang lalaki ng ilang bagay tungkol sa dating, at nabanggit nga ng dalaga na after a month at nagkagustuhan nga ang dalawang taong nagde-date ay maaari na silang magpakasal.. ipapanalangin daw ni Park Ha na yung ka-blind date na niya yung lalaki na pangarap niyang makasama.. tila may bahid selos at inis namang sinaid ng prinsipe ang iniinom niyang yogurt...

kinabukasan, nagbibihis na para sa date si Park Ha.. inabangan siya ni Lee Gak pagkalabas ng kuwarto nito, at parang nang-aasar na tinanong kung papunta ba siya sa grocery para maibili na rin niya ng matatamis yung 4.. nainis naman ang dalaga na tinanong kung mukha lang ba siyang mag-go-grocery sa suot niya.. itinago daw niya kasi talaga yung damit na yun para sa special occasion, at bago pa nga daw yun.. tinanong naman siya ng prinsipe kung nais ba daw niyang mapahiya ang Mama niya nang dahil sa ayos niya.. nagkampihan pa sa pamumuna yung mga lalaki.. at dahil magkasama daw sila sa bahay ay hindi sila papayag na mapahiya si Park Ha sa date niya o sa ibang tao...

sinamahan ng Joseon 4 si Park Ha para mag-ayos at mamili ng damit.. inuna nila ang dress, at binili na rin lahat ng prinsipe lahat ng mga naisukat ng dalaga dahil daw malamang hindi lang yun yung pagkakataon na makikipag-date siya.. sinunod nila ang pagbili ng high heels, kung saan patawa pang nagpaalam si Park Ha kung pwede na ba daw siyang bumaba (mula sa high heels).. tapos nagpaayos rin siya ng buhok sa salon, napaidlip na siya at nang tapos na ay tinuktukan siya ni Lee Gak sabay sabi na suwertihin sana siya at binilinan rin na huwag sisigawan ang date niya...

sa date.. kung anu-ano yung pinag-uusapan nung dalawa, makuwento kasi yung lalaki.. Ghost Face Boy daw yung nickname niya at mahilig siya sa movies.. sa halos kalapit namang mesa ay nag-i-spy sa kanila yung 3 alalay, na talagang naka-anggulo para lang makita yung nagde-date.. text nang text ng mga detalye ng date sina Man Bo at Chi San.. si Lee Gak naman ay nasa bahay na at nakikibalita lang, at sa bawat text nung dalawa ay nai-imagine niya yung ka-date ng dalaga.. at nang i-text ng mga spy sa kanya na mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa ay tinext na ng prinsipe si Park Ha.. iniutos niyang umuwi na ito dahil kailangan pa niyang magpakain ng mga isda nila.. nagkunwari naman ang dalaga na may biglaang nangyari kung kaya't kailangan na niyang umuwi.. matapos umalis ay napansin muli ng ka-date ng babae yung 3 spy...

tila nagda-drive ang prinsipe ng isang auto at pinapakiramdaman pa yung hangin sa labas ng bintana nito.. dumating na siya sa meeting place nila ni Park Ha at nabuking na hinihila lang naman pala yung dala niyang SUV.. nais ni Lee Gak na magpaturong mag-drive sa dalaga, dapat daw itong matuwa dahil mabilis lang siyang matuto.. mabagal siyang magpatakbo at mabilis pa daw kung maglalakad na lang.. tapos may mga simulation pa sila ng mga kalye at stoplight.. sa pagliko, inutusan ng dalaga na i-on ng lalaki yung signal pero wiper yung na-on niya at nagkunwari pa itong sinadya niya iyon.. sunod ang parking.. panay naman ang reklamo ng babae na mahirap itong turuan, at sinabi naman ng kamahalan kung pagkasilang ba ay marunong na agad siyang mag-drive.. matapos ang ilan pang subok ay umayaw na rin ang prinsipe dahil na rin sa pagmamadali ni Park Ha at bumaba na siya ng auto.. nag-sample naman ng pag-park ang babae at napahanga ang kamahalan.. sinabi nito na kung nasa panahon lang sila ng Joseon ay hindi madaling matututuhan ni Park Ha na mangabayo.. sumagot naman ang babae na uupuan lang naman iyon tapos ay tatakbo na yung kabayo, hee-yah para tumakbo at ho para naman tumigil.. may naisip tuloy na ideya si Prinsipe Lee Gak... 

---o0o---


RTP-23
ang lihim ng postcard...

bale isinama na nga ng prinsipe si Park Ha para mag-aral mangabayo.. sa pag-upo pa lang sa kabayo ay takot na at naka-kapit ng husto ang babae.. pinalakad na ng kamahalan yung hayop, at hindi pa man nakakalayo ay sumuko na agad si Park Ha at panalo na daw si Lee Gak.. sinabihan ito ng kamahalan na huwag malikot sa pagsakay at huwag sayangin ang pagkakataon na matutong mangabayo.. sumakay na rin ang prinsipe sa kabayo, angkas si Park Ha sa harapan niya.. kinumusta nito ang naging date ng dalaga at okay lang naman daw at mabait ang naging trato sa kanya nung lalaki.. pagkatapos nagtanong-tanong naman ang prinsipe kung anong gusto ni Park Ha sa isang lalaki, bale puros tungkol sa physical attributes.. matapos niyang masagot yung ilan dito ay napatingin siya kay Lee Gak at tila nailang nang sagutin pa yung mga sumunod, natanong niya kung kailangan ba niyang sagutin lahat ng gustong malaman ng kamahalan.. inutos naman nung isa na sagutin na lang ang mga ito ng babae, at nang tumanggi pa ito, ay tinakot niya ito sa pamamagitan nang pagpapabilis ng takbo nung kabayo...

pinuntahan pa rin ni Sena si Tommy dun sa musical show kahit late na siya, natuwa naman ang nobyo sa pagdating niya.. tinanong siya ng lalaki kung sadya ba siyang nagpa-late at tinanong naman ito ng babae kung umasa ba talaga ito na darating siya kung kaya't maging sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya nagawang umuwi na lang.. nagyaya ang lalaki na kumain sa labas.. habang kumakain tinawagan si Tommy sa cellphone ng Papa niya pero binabaan o pinagpatayan niya ito ng phone.. yun daw ang unang beses na sumuway siya sa gusto ng Papa niya, at sa pag-uusap nila ay nabanggit nito na hinding-hindi niya hahayaan na mawala sa kanya si Sena...

sa Office, halos nagkapanabay sina ala-Terrence at Secretary Hong.. agad niyang tinawag ang secretary para kausapin tungkol sa isang bagay.. bale Team Leader pa lang yung posisyon ni ala-Terrence sa ngayon...

pinatawag naman ng Lola-Chairman si Park Ha.. matapos kumustahin silang 5 doon sa bahay ay tinanong ng matanda kung saan ba nagpunta ang dalawa ni ala-Terrence at hindi agad sila nakauwi ng bahay noong house warming sa kanila, sinabi naman ng dalaga na nag-usap lang sila noon sa labas.. nilinaw ng matanda tutol talaga siya, pero pumayag lang siya na tumira pansamantala ang inaakala niyang apo sa Rooftop dahil hindi pa nakakabalik ang mga alaala nito.. nilinaw rin nito kung meron bang namamagitan sa dalawa, dahil ayaw niya sanang mababalitaan na may nangyayari sa pagitan nila lalo't babae at lalaki sila na magkasama sa isang bahay (eto yung sagot sa tanong ko dati, bale nag-aalala rin pala at may isyu nga yun dun sa lola)...

balik kina ala-Terrence.. tinanong nito kung may alam ba si Secretary Hong tungkol sa larong squash dahil nais sana nito na ang babae ang magturo sa kanya.. um-oo naman si Sena at tuturuan daw siya nito kinabukasan.. para sa ngayon, ay pag-aaralan daw muna ito ni ala-Terrence nang mag-isa...

balik kina Lola-Chairman.. in-interview nito si Park Ha tungkol sa kung paano sila nagkakilala ng inaakalang apo, at kinuwento naman ni Park Ha kung paano niya talaga nakilala ang Joseon 4.. sinabi rin nito na nang kupkupin niya ang prinsipe ay hindi niya alam na si Terrence ito (dahil hindi naman talaga, bale lumalabas na yung problema nila sa pagpapanggap ni ala-Terrence dahil wala naman talaga sa prinsipe yung mga alaala nung totoong apo)...

sa isang cafe yata.. nagpatulong na muna si ala-Terrence kay Man Bo upang pag-aralan ang larong squash.. gamit ang cellphone nanood sila ng mga naglalaro nung sports at pinayuhan siya ng tutor na subukang gayahin yung mga galaw nung mga napapanood nila.. sa gitna ng kanilang pag-aaral, biglang may nag-vibrate na pabilog na device at sinabi ni Man BO na kailangan daw niyang dalhin iyon dun sa nagpapatawag sa kanya na may dala nung controller para kuhanin na yung kape nila at para tumigil rin iyong device.. nakaisip naman ng bad idea ang prinsipe, kung kaya't binili niya yung device mula dun sa restaurant o coffee shop...

pagbalik sa Office.. ibinigay ni ala-Terrence yung vibrating device kay Park Ha.. at kahit nasa trabaho ang dalaga ay maya't-maya niya itong inaabala at ipinapatawag sa pamamagitan ng pag-control dun sa device.. nung sa wakas ay puntahan na siya ng babae ay sinabi nito na sinusubukan lang niya yung device, at inis na inis naman sa kanya si Park Ha.. ibinalik nito yung device at dapat daw ay huwag siyang ituring na kakilala ni ala-Terrence kapag nasa Office sila.. sinubukan namang ibalik sa kanya ng prinsipe yung device, at huwag na daw siyang uuwi sa kanila kapag hindi siya bumalik sa office niya...

pinatawag ni Lola-Chairman si Secretary Hong para ipadala sa bahay nina ala-Terrence yung sketchbook na malimit nitong gamitin dati, kasama na rin ng ilang side dishes na ipinahanda ng matanda para sa inaakalang apo.. agad namang pumunta ang secretary sa bahay ng binatang boss (crap, andami ko ng napapanood na Korean tv-series kung saan kung sinu-sino lang ang nakakapasok sa bahay ng may bahay dahil hindi ito nila-lock, kahit na dapat eh wala namang kopya ng susi o code yung taong basta na lang pumapasok dito).. samantala, si ala-Terrence ay abalang nagpa-practice ng squash.. balik sa Rooftop, tiningnan ni Sena ang mga nilalaman ng sketchbook at napansin niya ang signature ni Terrence at naalala dito ang postcard na nakita niya noong huli sa kuwarto ni Park Ha.. ch-in-eck niyang muli yung postcard sa kuwarto ng inaakalang stepsister, nakumpirma niya na pareho nga yung signature, at nag-assume nang masama tungkol kay Park Ha.. dumating na si Park Ha at nagulat na makita ang inaakalang stepsister sa kuwarto niya kaya pinapalabas niya ito.. kinonpronta siya ni Sena at sinabi nito ang masamang assumption niya na matagal nang kilala ni Park Ha si ala-Terrence at sinamantala niya ang pagkakaroon nito ng amnesia para maghabol sa pera ng mga Yong.. itinanggi naman ito ni Park Ha, pero pinakita sa kanya ng inaakalang stepsister ang mga signature sa sketchbook ni Terrence.. nagulat rin ang dalaga sa kanyang na-diskubre.. saktong dating naman nina Lola-Chairman at Tita-Lola na sumugod agad nang malaman ang tungkol sa postcard.. medyo peaceful naman si Tita-Lola pero galit na galit ang Lola-Chairman sa ibinalita ng secretary.. agad nitong inalam kay Park Ha kung paano nito nakuha ang postcard, sinabi ng dalaga na nakuha niya ito 2 years ago pero hindi naman niya nakilala kung kanino talaga ito galing, pero hindi na nakinig ang matanda dahil sa maling iniisip nito.. sinabi nito na kinuha lang ng dalaga si ala-Terrence dahil kilala na niya kung sino ito, sinampal niya si Park Ha at tinawag itong masamang babae.. mangiyak-ngiyak naman ang dalaga...

tinawagan ng Lola-Chairman si ala-Terrence para papuntahin sa Mansyon.. bago umalis, sinabihan rin ni Sena si Park Ha na pumunta sa Mansyon para mai-klaro nina Lola-Chairman ang isasagot ng dalawa...

sa Mansyon.. nais linisin ng nagpapanggap na si Terrence ang pangalan ni Park Ha, pero wala siyang mga alala ng totoong Terrence at maging ang drawing nito ay hindi niya ma-recognize kung kaya't hindi siya mapaniwalaan nina Lola-Chairman at Tita-LOla.. hindi rin maipaliwanag nang husto ni Park Ha ang sitwasyon nang dahil dun sa postcard (totoo naman kasing hindi sila kelanman nagkakilala ng personal ni Terrence, pero mahirap nang ipaliwanag yun nang dahil sa existence nung postcard).. dahil wala nang masyadong choice, sinabi ni ala-Terrence na gusto niya ang dalaga na ikinagulat ng lahat, at na siya ang kusang sumunod sa Rooftop para makasama si Park Ha.. pero dahil dun lalong nagalit ang Lola-Chairman, dahil nauna nang naitanggi ng dalaga na may namamagitan sa kanila ng nagpapanggap na apo.. sa sobrang galit ay pinaalis na ng Lola-Chairman si Park Ha sa Mansyon, tinanggal na sa trabaho, at pinaaalis na rin sa Rooftop, pati si ala-Terrence ay pinaaalis na rin niya sa Mansyon.. ikinalungkot ni Lee Gak na kinailangan pang magdusa at mapahiya ni Park Ha dahil lang sa pagtatakip sa kanya, dapat daw ay inamin na lang niya na hindi naman siya si Terrence.. sinabi ng dalaga na maging ang prinsipe naman ay nagawang ibuwis ang buhay niya para lang panindigan na siya nga si Terrence, natanong ng kamahalan kung yun ba yung dahilan kung bakit pinoprotektahan na rin siya ni Park Ha, at sumagot ang babae na hindi na rin niya alam ang ginagawa niya.. pinauna nang umuwi ni Prinsipe Lee Gak si Park Ha, at nagpaiwan siya na nakaluhod sa may labas at tapat ng Mansyon...

---o0o---


RTP-24

magdamag na lumuhod si ala-Terrence sa harap ng Mansyon.. tinitingnan ito ng Tita-Lola niya at nagmamakaawa sa Lola-Chairman na papasukin ang inaakalang apo dahil baka ito ay mag-collapse.. hindi naman pinagbigyan ng matanda ang hiling ng kapatid niya, at ginusto pa nga itong tuktukan ni Tita-Lola nang tumalikod na ito sa kanya...

sa Rooftop, mabait yung 3 kay Park Ha, naibalita na rin sa kanila ng dalaga yung nangyari.. si Chi San binigyan pa siya ng tsaa na gawa sa chrysanthemum na pampagaan daw ng pakiramdam.. sinabi ni Man Bo na maniwala na lang sila sa paraan ng kanilang kamahalan.. ninais naman ipabatid ni Yong SUl na wag mag-alala si Park Ha dahil nandun lamang sila para sa kanya, sabay kontra naman dito ni Man Bo na nagsabing sila pa nga ang dahilan kung bakit nagka-problema ngayon yung 2.. nainis na ang bodyguard, matagal na daw nitong pinakikiramdaman ang tutor at ang pagmama-talino nito sa kanila.. nagtalo ang dalawa na pinigilan naman ng eunuch.. nag-aalala si Park Ha para kay Lee Gak...

kinaumagahan.. inutusan ng LOla-Chairman ang maid na papasukin nang muli si ala-Terrence sa Mansyon.. humingi itong muli ng tawad, tinanong ng Lola ang binata kung ano ba talaga ang plano nito para sa kanilang dalawa ni Park Ha, kung pakakasalan ba niya ito.. tumanggi naman ang prinsipe at sinabi pa na ang totoo ay mayroon siyang ibang napupusuan (hindi ko pa sigurado, pero siguro 'harem' ang binabalak ng kamahalan para kay Park Ha, bale gagawin lang na babae ng hari o prinsipe bukod pa sa talagang asawa nito.. pero hindi na yun applicable para sa kanila sa kasalukuyang panahon).. sinabi ng nagpapanggap na apo na ibang babae ang gusto nitong pakasalan, na ikinalito naman ng Lola dahil sinabi nitong gusto niya yung kumupkop sa kanya pero meron pa rin siyang ibang gusto.. sinabi naman ng binata na saka na lang niya ito ipapaliwanag.. ginustong siguraduhin ng matanda na hindi tutulad si ala-Terrence sa grandpa nito (na nagkaroon ng ibang babae), at sumagot ito na hindi naman daw.. sa wakas eh medyo naayos na ang problema, okay na daw kay Lola-Chairman ang lahat basta ba hindi si Park Ha ang tinutukoy ng binata na pakakasalan niya...

paikay-ikay na lumabas ng Mansyon si Lee Gak dahil sa ginawa niyang pagkakaluhod nang matagal.. hinihintay pala siya ni Park Ha sa labas ng gate, at inalalayan na ito ng dalaga sa kanilang pag-alis.. tumigil sila sa isang lugar upang mahilot ang prinsipe.. inamoy ng kamahalan yung ointment at humapdi ang mga mata niya at natanong niya kung ano ba yun na parang mainit sa mata.. naulit ng prinsipe na pinigilan niya noon si Park Ha na umalis patungong America dahil ipinangako niyang bibigyan niya ito ng magagandang alaala, subalit siya pa ang naging dahilan para masaktan ito, dahil dun hinawakan niya ang kamay ng dalaga at humingi ng tawad dito.. naiiyak na ang babae dahil sa sinabi ni Lee Gak, pinigilan naman niya agad ang sarili sa pamamagitan nang pagpapahid sa kanyang mga mata, pero may ointment pala ang mga kamay niya at nagsisigaw na siya dahil sa sobrang hapdi nang nagawa niyang pagkakamali...

dinalhan ni Tommy ng breakfast ang dating nobya.. napansin niyang suot na nito yung singsing na ibinigay sa dalaga ni Chairman Jang (nabanggit pala noon ng lihim na ina na tanda iyon na kanilang pagkakaibigan ni sena), at nabanggit nito ang posibleng pagpapamana ng Chairman ng lahat ng shares niya sa Kompanya sa hinahanap nitong anak.. naisip naman ni Sena yung tungkol sa picture, na nagtuturo kay Park Ha bilang tagapagmana at nangamba na naman ito sa posibleng pag-angat ng tinuturing niyang stepsister.. dapat na daw nilang makita ang anak nito para hindi ang Lola-Chairman ang mag-take over sa Kompanya.. nakumusta rin ni Tommy yung tungkol sa pagpapaalis kay Park Ha, at nasabi ni Sena na baka may nagawa ito na para bang wala siyang direktang kinalaman dun sa mga nangyari...

pagpasok sa Office.. nagulat ang dating magkasintahan na makita sina ala-Terrence at Park Ha sa Kompanya.. naisip naman ni Tommy na baka nagawa na nilang ayusin yung naging gusot, at asar-talo na naman ang malditang kapatid.. nagkuwentuhan sina Secretary Hong at Tita-Lola, at nabanggit nga ng nakatatanda ang nangyaring pagtatapat ni ala-Terrence noong nasa Mansyon sila, at sinabing nabanggit ng binata na gusto niya si Park Ha sa harap nilang lahat.. nainis na naman si Sena, at naalala yung mga pagkakataon na nakita niyang malapit yung dalawa sa isa't isa, lalo na nung nag-mouth to mouth sila.. hindi pa rin gusto ng Tita-Lola si Park Ha para sa inaakala nilang apo, kunwaring mabait naman ang komento ng secretary na ang mahalaga daw ay nagmamahalan yung dalawa.. kaya naman hiniling ng Tita-Lola kay Secretary Hong na agawin si ala-Terrence mula sa dalaga...

dumalaw naman sa Kompanya yung naka-blind date ni Park Ha.. pinagtanong niya ito sa may reception, at namataan siya ni Man Bo na tila pa-computerize pang p-in-roseso yung pag-identify dun sa lalaki sa utak niya.. itinuro rin ng tutor dun sa dalawa yung lalaki.. nilapitan nila ito para kuwestiyunin, Ate Park Ha pa nga ang tawag ni Chi San dun sa dalaga, samantalang pambasag-ulo na yung mode ni Yong Sul na sinindak agad yung lalaki.. may nais lamang daw na ibigay yung manliligaw na teacher sa dalaga, birthday na kasi nito bukas kaya pinag-bake niya ito ng cake (na-sorpresa yung 3 na malaman ang araw ng kaarawan ni Park Ha, pero nagkunwari na alam na nila ang tungkol dun), pero dahil may fieldtrip siyang kailangang puntahan bukas eh gusto na niyang ibigay na lang in advance yung regalo niya.. inagaw na nila yung regalo at sinabing sila na lang ang magbibigay nun at wala namang nagawa na ang takot na takot na manliligaw.. natanong niya kung kaanu-ano ba talaga yung 3 ni Park Ha, at kung bakit ginagawa nila sa kanya iyon...

kinausap ni Executive Yong si Secretary Hong (siguro sa office niya) para kumbinsihin na mag-resign na ito.. pwede rin daw niyang tulungan ang babae na makapasok sa ibang kompanya, pero huwag na daw nitong pangarapin ang mataas na posisyon.. hindi daw siya nababagay sa anak nitong si Tommy.. dahil dun, binalaan ng secretary ang Executive, pinabatid nito na baka malaman ng Lola-Chairman na mga 2 years na ring nagde-date yung dalawa, at na matagal na rin siyang nagta-trabaho sa Kompanya kaya may mga mahahalagang dokumento na dumaan sa kanyang mga kamay, kaya pinag-iingat niya ang dalawa sa paglalaro nila ng apoy.. mukhang medyo kinabahan naman ang matandang Yong sa pamba-blackmail ng dalaga...

sa loob pa rin ng Kompanya.. nakita ni Sena si Park Ha habang nagtatrabaho, nagkatinginan sila saglit pero umalis na rin si Park Ha, at natahimik na lang ang malditang dalaga...

nag-umpisa nang turuan ni Secretary Hong ng tungkol sa squash ang binatang boss (binata ako nang binata, pero ang totoo eh kasal na si Lee Gak >,<).. napansin ng secretary na may pagka-athletic ang lalaki, at inumpisahan niya itong turuan tungkol sa basics.. ang tamang grip daw sa raketa ay para lang nakikipag-shakehand, nag-shakehand sila at nag-aral din ng basic stance, at naalala ng prinsipe si Prinsesa Hwa Yong sa dalaga.. nagsimula na silang maglaro, at nag-enjoy naman nang husto ang dalawa.. habang nagpapahinga, nabanggit ni Sena na nakakapagod na sports ang squash, naisip naman ni ala-Terrence na ano kaya kung utusan na lang niya ang ibang tao na maglaro nung squash para sa kanya.. natawa naman sa kanya si Sena dahil para daw siyang nakikipag-usap sa taong nabubuhay noon dahil sa tono ng lalaki.. pawisan pa ang babae at nagpapahid gamit yung wristband niya, kaya't ipinagamit dito ng kamahalan yung telang may burda bilang panyo.. nagandahan dito si Sena at mukha nga daw elegante, pero nang tanungin siya ng prinsipe kung nararamdaman ba niya na parang nakita na niya iyong panyo dati ay sumagot ito na hindi naman...

---o0o---


RTP-25

inihatid ni Secretary Hong ang binatang boss sa bahay nito.. nag-request ito kung pwede ba siyang makiinom ng tubig dahil nauhaw siya (mukhang sinadya niya yun para lang makita sila ng tinuturing niyang stepsister na magkasama).. pagpasok ng bahay ay nasalubong nila si Park Ha, at agad inutusan ni ala-Terrence na ikuha nito ng tubig ang secretary, at natuwa naman si Sena sa ginawang pag-uutos dito ng binata.. napansin ni ala-Terrence na maglalaba pala si Park Ha kung kaya't ipinadamay na niya dito yung panyong may burda, at ipinaalala na napaka-importante ng panyong iyon.. sumagot naman ang dalaga na kung sobrang mahalaga pala nun ay bakit hindi ang prinsipe ang maglaba.. siyempre ay hindi rin naman siya nakatanggi, at dahil pasusot ang pagsunod niya ay hindi niya napansin na sa kahon nung mga recyclable clothes niya naihagis yung banyo sa halip na sa basket o tubalan.. pero bago maglaba ay pupunta daw muna siya sa recycling center para dalhin yung iba nilang mga damit na nakakahon nga, at sa pag-alis naman niya ay aksidenteng nahulog sa may labas lang ng kanilang bahay yung panyong may burda...

sa Office.. in-inspect nung 3 yung cake na kinuha nila dun sa manliligaw ni Park Ha, at napansin nila na may talento rin nga naman yung lalaki pagdating sa ganoong bagay.. inisip nila kung dapat ba talaga nila yung ibigay sa dalaga, at napagdisisyunan naman na mas dapat nilang sirain yung ebidensya (cake).. nakita nila si Dir. Pyo at naisip na kung anong dapat gawin, nag-jack-en-poy sila para malaman kung sinong gagawa ng move sa kanilang 3.. sa meeting room nila, nagtataka ang Director kung bakit wala pa ang 3 at bakit hindi sila nagta-trabaho.. si Chi San ang natalo kaya siya ang nagbigay nung cake kay Dir. Pyo, sinabi niya na tanda iyon ng nararamdaman niya para sa superior (Manager yung tawag niya sa Director sa puntong ito), at lumabas din agad ng kuwarto.. nasabi naman ng Director sa sarili na bakla nga yata talaga si Chi San, pero cute siya.. pagbukas nito ng kahon ay binasa rin niya yung love letter na para sana kay Park Ha, meron pang pagtatapat dun na minahal na siya nung binata simula pa lang nung una nilang pagkikita.. tumingin pang muli si Chi San sa may labas ng bintana habang hawak ang dibdib niya.. at dahil sa pag-aakala na sulat talaga iyon para sa kanya ni Chi San ay nabuwisit ang Director, sabay bato nung sulat sa mesa, at nag-comment na bakit ba naman ang daming weirdo na nakapaligid sa kanya.. sakto namang tawag sa kanya ni Tita-Lola Mary na may gusto sa kanya (na tila iniiwasan rin niya) at pinatayan o binabaan niya ito ng telepono...

nagpunta yung 3 sa bakery o bake shop kung saan pwedeng gumawa ng personalized na cake.. sinabi ni Yong Sul na nais nilang gumawa ng ga-mansyon na cake (dahil para ito kay Park Ha), at ikinorek naman ni Man Bo ang pag-e-exaggerate nito at sinabi dun sa tauhan sa shop na malaking cake lang ang ibig sabihin nang padalus-dalos na bodyguard...

balik sa Rooftop.. bago umalis ng bahay, ay tinuruan pa ni Sena si ala-Terrence ng dapat gawin matapos maglaro ng squash.. ito ay ang paglalagay ng yelo sa mga braso para maiwasan itong mamaga.. matapos nun ay nagpaalam na siya, at sa labas ng bahay ay nakita niya yung panyong may burda ng binata.. naalala niya kung paano nito ipaalala kay Park Ha kung gaano kahalaga ang panyong iyon, at nakaisip na naman siya ng bad idea...

pinapunta ni Susan si Sena sa bahay niya, at maging si Park Ha pala ay pinapunta nito.. at kahit halatang inis yung dalawa niyang stepdaughter sa isa't isa, eh pinilit niyang manatili ang mga ito, mabuti na lang daw at hindi niya ipinaalam sa mga ito na pareho sila na pinapunta niya dun...

balik sa bake shop, enjoy naman yung 3 sa paggawa nila ng birthday cake para kay Park Ha.. at mataas na klase nga yung ginawa nila, yung may ilang palapag...

balik sa bahay ni Susan.. gusto sana ng kinikilala nilang ina na sabay-sabay silang kumain lalo't birthday na ni Park Ha bukas.. napansin ni Susan ang singsing na bigay ni Chairman Jang kay Sena, sinabi naman ng dalaga na may nagbigay lang nun sa kanya at huwag nang magtanong ang ina-inahan dahil hindi rin naman niya kilala yung taong iyon.. habang nag-uusap napuna ni Sena ang pagtawag ni Park Ha na 'Mama' sa inaangkin ngunit ikinakahiya rin naman niyang ina.. at nagsimula siyang asarin ito, isinumbong pa nito kay Susan yung sinabi ni Park Ha na hindi na siya ituturing na kapatid nito, at na inaakusahan siya nito nang pag-iwan sa kanya noong bata pa siya at pagsira sa buhay niya.. napagsabihan ni Susan ang nakababatang stepdaughter na mali nga iyon.. pero ang totoo ay malakas lang ang loob ni Sena dahil wala ngang matibay na ebidensya si Park Ha kundi ang nagbalik na niyang mga alaala.. kunwari pa si Sena na siya ang naagrabyado.. hinamon niya si Park Ha na patunayan lahat ng akusasyon niya.. tapos sinabi niya sa Mama nila na ayaw na niyang maging kapamilya at ayaw na niyang magkaroon ng anumang koneksyon kay Park Ha at umalis na ito ng bahay, sinubukan naman itong pigilan na kinagisnan nitong ina...

sa Rooftop.. nasita ni Lee Gak ang malaking cake na para lang naman daw sa kagaya ni Park Ha.. dinipensahan naman ni Yong Sul ang ginawa nila para sa dalaga.. at nasermonan siya ng prinsipe dahil sumosobra na daw ito sa kanyang pagsasalita.. iniwan na sila ng kanilang kamahalan, at naisip ng 3 na kailangan nilang kumonsulta kina Becky at Lady Mimi tungkol sa paano mag-celebrate ng birthday party.. kaso nataon naman na may lakad yung 2 babae na out of town sa mismong kaarawan ni Park Ha, pumayag kasi si Lady Mimi na tumayong manager ni Becky sa raket nito, kung kaya babatiin na lang daw nila in advance ang kaibigang si Park Ha.. pansamantala, tinuruan nila yung 3 kung ano ang mga kakailanganin nila.. tinuruan rin ni Lady Mimi na kumanta ng birthday song yung 3, pero nabaduyan lang silang dalawa ni Becky dun sa pagkanta with actions nung mga lalaki...

pagkauwi ni Park Ha.. napagalitan ito ni Lee Gak dahil sa pagkawala nito sa panyong may burda niya.. papalitan na lang daw ito ng babae, pero sinabi ng prinsipe na nag-iisa lang iyon.. nag-alala naman yung 3 habang pinapanood ang pagtatalo nung 2...

namo-mroblema sina Man Bo at Chi San kung paano pa nila itutuloy ang celebration ng birthday ni Park Ha, gayong pareho na namang mainit ang ulo nung 2.. nagbalik naman si Yong Sul mula sa kanyang pamimili ng mga kakailanganin daw para sa party (mukhang siya ang pinaka-excited sa kanilang lahat dahil sa kaarawan ng dalaga).. at nang i-check na nila ang mga pinamili ng bodyguard, eh napansin nilang panay mali naman ang mga iyon, sa halip na party hats at party poppers ang bilhin ay ibang mga bagay ang nabili niya dahil sa halos pagkakatulad nung mga tunog nung Korean names ng mga ito.. natanong tuloy ni Man Bo kung may problema ba si Yong Sul sa pandinig, na itinanggi naman nito, at nagmaling pa nga na napapagalaw pa niya ang kaniyang tainga...

sa apartment niya (yata).. pinagmasdan ni Sena ang nakuha niyang panyong may burda na pinaka-iingatan ni ala-Terrence...

si Park Ha naman ay bumalik sa recycling center para hanapin yung panyo ni Lee Gak.. pero ga-bundok yung mga damit na nandoon at may konting panahon na lang ang dalaga para hanapin yung panyo dahil kailangan nang i-shipout lahat ng mga damit doon...

gabi na at mukhang hinihintay rin naman ng prinsipe na umuwi si Park Ha...

sinuyod ni Park Ha ang ga-bundok na mga damit.. inumaga na siya nang pag-uwi at losyang na nga ang itsura niya.. pagdating sa bahay, sinalubong siya ni Lee Gak at tinanong kung saan ba siya nanggaling buong gabi? mukhang matamlay na rin si Park Ha sa mga oras na 'to.. napagsabihan siya ng prinsipe na dapat nagpapaalam siya tuwing umaalis, at naitanong kung sinubukan ba ng dalaga na hanapin ang kanyang panyo kung kaya't magdamag siyang nawala.. nag-sorry naman si Park Ha dahil naiwala niya yung mahalagang panyo ng kamahalan, mahinahon namang sinabi ng lalaki na kalimutan na ang nangyari tutal eh nangyari na nga yun eh.. nagtataka naman ang dalaga kung bakit tila biglang bumait ito sa kanya at hindi na sumisigaw (hindi ko masiguro kung dahil ba birthday niya o dahil nag-alala talaga ang prinsipe para sa kanya).. tapos ay pinagpahinga na siya nung lalaki...

walang kinain yung 3 para sa agahan kundi puros tubig, at nang dumating na at nagtanong ang prinsipe, ay sinabi nilang hindi nakapagluto si Park Ha dahil may lagnat ito.. binisita ni Lee Gak ang dalaga sa kuwarto nito para i-check ang pulso nito.. at nang tapos na siya, tinanong siya ni Park Ha kung ano bang findings niya, may sinabing term yung lalaki, at nang ipapaliwanag niya kung anong sakit ba iyon, ay sinabi naman ng prinsipe na sakit iyon dahil sa sobrang pagsasalita.. nainis naman ang babae, at sinabi na ganoon rin naman daw ang prinsipe...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento