Mga Pahina

Biyernes, Marso 15, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 10 Recap

ang dami pa ring omitted scenes..
medyo bawas na yung mga cheesy scenes, kasi nasa climax na sila at mas natutuon na sa mystery solving at pakikipaglaban..
ewan, pero siguro mas gusto ko lang talaga iyong mga stage na hindi pa nagkakatuluyan ang mga bida, at nagseselos pa iyong babae o lalaki..
tingin ko kasi romantic naman ang pagseselos - kung sa Korean drama...^_^

nagsimula ang week sa halos umpisa rin lang ng original Episode 16 at nagtapos sa near end ng Episode 17..
pero may 3 plus episodes pa ang natitira..
eh iyon ngang linggo ngayon ay more than 1 episode lang ang nai-ere, paano pa kaya nila pagkakasyahin iyon sa last 2 weeks nila...



RTP-46
ikalawang pagpapanggap.. first move, ang fax.. dalawa na ngayon ang kinatatakutan ni Tommy - ang alaala ng inaakala niyang totoo na ngang Terrence, at ang mga nalaman ni Lee Gak noong unang beses siyang magpanggap.. buking agad ni Park Ha ang ikalawang pagpapanggap...>,<

sa isang napaka-lupit at napaka-bastos na omitted scene sa local version ng series na 'to.. ni-request ni Lee Gak kay Dir. Pyo na gusto sana niyang makita ang totoong Terrence Yong na nailipat na nila sa ibang ospital.. kinausap ng prinsipe ang katauhan niya sa future, ikaw ako sa panahon ngayon, ngunit bakit nakaratay ka lang at natutulog, pakiramdam ko pinagmamasdan ko ang sarili kong kamatayan, ibibigay ko ang katarungan na iyong nais, hanggang sa makabalik ka, ipaglalaban ko ang mga bagay na para sa iyo...

nag-uusap sina Dir. Pyo at ala-Terrence.. natanong ng Director kung ano ba ang balak ng binata kay Tommy matapos ang mga ginawa nito sa board meeting, dahil daw kasi dun ay pwede na niya itong patalsikin sa Kompanya.. sinabi naman ni ala-Terrence na kailangan pa niya si Tommy, na kailangang makahanap siya ng ebidensya na makapagsasabing pinagtangkaan nga ng salbaheng binata ang totoong Terrence, kaya hindi pwedeng mawala ito sa paningin niya, kailangan niya munang makuha ang tiwala nito.. naitanong ng Director kung sa paanong paraan naman iyon balak gawin ni ala-Terrence, at sinabi ng binata na kusa na lalabas ang hayop kapag sinindihan ng apoy ang pinagtataguan nito...

mukhang nakalabas na nga si ala-Terrence sa ospital.. kinumusta siya ni Tommy, at sinabi niyang hirap pa rin siyang maglakad pero ibinilin ng doktor sa kanya na sanayin ang kanyang mga paa.. niyaya niya si Tommy na magkape, habang nagpapanggap na na parang ang totoong si Terrence.. natanong ng Director kung kailan ba siya mag-i-start na magtrabaho sa Office nila, sumagot naman ang nagpapanggap na wala siyang interes sa Kompanya at ang pinsan naman niya sa labas ang nag-aasikaso talaga dito noon pa man, 2 taon daw siyang nasa coma kaya tingin ba daw ng binata ay magbabago na ang isip niya, siya pa rin daw ang dating Terrence.. naisingit naman at naitanong ng Director kung meron bang naaalala si ala-Terrence tungkol sa naging aksidente (pinakikiramdaman na niya kung may naaalala nga ba ito tungkol sa nagawa niya noon sa New York na halos ikamatay ng binata), sumagot naman ang nagpapanggap na iyon ang hindi niya maalala, naiinis nga daw siya kung bakit niya nakalimutan iyon.. muling nagtanong si Tommy kung wala ba itong naaalala kahit na konti, gusto lang daw niya kasing malaman kung may naaalala ba ito bago nangyari iyong aksidente.. naitanong naman ni ala-Terrence kung iyon bang pagkikita nila sa America ang tinutukoy ng kanyang pinsan-pinsanan, at napa-oo naman ang Director (siguro dahil sa sobrang paghahangad niya na makakuha ng mas malinaw na sagot).. dahil dun parang nadulas si Tommy sa nasabi niya, pero ang nagpapanggap rin naman ang tumulong sa kanya at nilinaw na ang ibig niyang sabihin ay hindi nga niya naaalala na nagkita silang magpinsan sa America noon, hindi ba daw at sinabi ni Tommy na hindi nga sila nagkita bago mangyari iyong aksidente, medyo nakahinga nang maluwag ang salbaheng binata at sinabi na tama nga daw - hindi nga daw sila nagkita noon sa America.. kabadong-kabado si Dir. Yong.. masaya naman daw si ala-Terrence na muli siyang makita, kaya niyaya niya si Tommy na maglaro ng squash sa ibang araw (marahil ay para mailagay sa isip ng kalaban na siya nga ang totoong Terrence)...

sa Kompanya.. lumapit si Park Ha kay Dir. Pyo (since siya ang immediate boss nung 4).. baka daw alam nito kung nasaan si ala-Terrence, hindi man lang daw kasi nag-iwan ang mga ito ng sulat at bigla na lang nawala at hindi na nagpakita sa kanya, pati daw ang mga cellphone nila ay hindi na rin makontak.. nabanggit naman ng Director na maging iyong 3 ay hindi na rin pumapasok sa kanilang trabaho.. nagbabakasakali lang naman daw ang babae na baka tumawag o nag-text ang mga ito sa Director, hindi daw kaya naaksidente na sila.. sinabi naman ni Dir. Pyo na hindi sila naaksidente, kaya naman naitanong ng dalaga kung anong ibig sabihin ng matanda.. at sinabi na nga ng Director na nakabalik na ang totoong Terrence Yong, at simula noon ay hindi na nakita iyong 4, at naglaho na lang sila na parang bula, isa daw iyong mahaba at komplikadong kuwento.. nasabi tuloy ni Park Ha na baka nakabalik na nga yung 4 sa Joseon, sabay komento na 'sayang naman' (hindi ko sigurado pero parang medyo narinig ni Dir. Pyo iyong sinabi ng babae)...

malungkot na papalabas si Park Ha sa Kompanya.. nakasalubong niya si Dir. Yong at napatingin ito sa kanya.. saktong kasunod lang ni Tommy si ala-Terrence.. magkakasalubong ang binata at si Park Ha, biglang parang bumati si ala-Terrence sa pamamagitan ng pagtataas nung hawak niya sa isang kamay na para na ring kumakaway, napatigil at napatitig naman kay ala-Terrence ang dalaga, biglang nagduda si Tommy, nang magkalapit na sina ala-Terrence at Park Ha ay saglit itong huminto at nginitian ang babae, pagkatapos nun ay kumaway na ang binata sa pinsan niya sa labas na si Tommy at niyaya ito na 'tara na' (parang pinalabas niya na si Tommy talaga ang binabati niya at hindi si Park Ha).. bigla namang naluha si Park Ha sa pagkakita kay ala-Terrence (siguro dahil sa resemblance nito kay Lee Gak)...

matapos sigurong manggaling sa pinuntahan nila ni Dir. Yong, ay nagmamadaling hinabol ni ala-Terrence si Park Ha.. mula sa floor na kinaroroonan niya (nasa mas mataas kasi siyang floor eh), alalang-alala niyang tinanaw ang paglabas sa Office ng naiwan niyang babae...

pagpasok ni Dir. Yong sa Office niya.. saktong may fax siyang na-receive na nagsasabi na "isa kang sinungaling".. bigla niyang naalala noong nasa bar sila ng nagpapanggap na si Terrence, at nang paratangan siya nito ng pagiging sinungaling at mamamatay tao.. biglang pumasok ang mas convincing na ngayon na si ala-Terrence, naitanong nito kung ano ba yung binabasa ni Tommy, nagkunwari naman ang binatang Director na isa lang iyong fax mula sa isang dealer, sabay singit nung papel sa iba pang mga gamit sa table niya.. parati na lang daw itong busy, at dahil doon ay ayaw na daw ni ala-Terrence na maabala pa niya ang kanyang pinsan-sa-labas kaya pupunta na lang siya sa bookstore para magbasa, sumang-ayon naman sa kanya si Dir. Yong.. pagkaalis ni ala-Terrence, ay galit na galit na sinabi ni Tommy na walanghiya at ang lakas ng loob ng dating nagpapanggap na Terrence na pagbantaan siya, saka niya pinagpupunit iyong fax para sa kanya (bale iniisip nga niya ngayon na nakabalik na ang totoong pinsan niya at na nasa paligid pa rin si Lee Gak na nagpanggap noon na Terrence, pero ang totoo eh iisa pa rin lang tao ang kalaban niya hanggang sa ngayon)...

sa Rooftop house.. sinadya ni ala-Terrence ang dati nilang bahay upang kuhanin sa kuwarto niya ang itinago niya dito na cellphone ng totoong Terrence.. kinuha niya ito mula sa ilalim ng kanyang kama, pagkatapos ay ch-in-eck niyang muli iyong isang picture kung saan magkasama sina Terrence at Tommy sa New York.. pababa na siya ng 2nd floor, nang bigla namang pumasok si Tommy sa bahay nila, mabuti na lang at hindi niya nakita doon si ala-Terrence.. pumasok pa ito sa bandang loob ng bahay, kaya nagkaroon ang nagpapanggap niyang pinsan ng pagkakataon upang makalabas ng bahay.. dali-daling bumaba si ala-Terrence sa apartment building, na saktong akyat naman ni Park Ha (na parang galing sa basement noong apartment building, kasi mas mababa kesa sa kalsada eh).. nadatnan ng babae na ginugulo at nagkakalkal si Dir. Yong ng mga gamit sa loob ng bahay nila, tinanong ng dalaga kung bakit ito pumasok ng walang paalam.. agad namang itinanong ni Dir. Yong kung nasaan iyong 4 na kasama ng babae sa bahay, hindi naman daw lingid sa kaalaman ng dalaga na niloko silang lahat nung 4, sinabi naman ni Park Ha na hindi naman nila siya niloko.. humingi ng pasensya ang dalaga sa Director, at pinaalis na ito sa bahay nila...

pinuntahan ni Lee Gak ang 3 niyang alalay sa bahay ni Dir. Pyo.. ibinigay niya kay Man Bo ang kakukuha lang niyang cellphone ni Terrence mula sa Rooftop, humanda na daw ang mga ito para sa sunod nilang hakbang.. naitanong ng mga alalay kung nakadating ba iyong fax para kay Dir. Yong sa tamang oras, at oo naman daw sabi ni Lee Gak.. naitanong naman ng 3 kung sigurado ba ang prinsipe na walang nakasunod sa kanya.. biglang tumunog ang doorbell, kinabahan silang lahat, iyon naman pala ay may inaasahan talaga iyong 3 na pizza delivery.. habang kumakain ay hindi talaga inaalok ng 3 ang kamahalan, natatakam ito at gusto ngang kumuha rin, pero sinabi ni Chi San na para lang talaga sa apat iyong pizza na in-order nila, kaya kapag kumain rin ang prinsipe ay mauubusan naman si Dir. Pyo.. nagreklamo ang 3 na wala na silang pampalit na mga damit, ang Director naman daw kasi ay puros bow tie lang ang style, kung ganun daw ay nahihirapan na pala sila, kaya naisip ng kamahalan na lumabas naman sila para mag-shopping.. dahil sa maganda niyang alok ay inakala ni Lee Gak na bibigyan na siya ng pizza nung 3, sinubukan niyang kuhanin iyong isa pero pinagbawalan pa rin siya ng kanyang mga alalay, nakipag-agawan pa siya at nasagi niya si Yong Sul, dahilan para magpatak sa sahig ang pizza na kinakain ng bodyguard, kaya naman nagalit sa kanya si Yong Sul, ang gulo daw niya kasi, nilimot ng binata ang nalaglag niyang pizza at lungkot na lungkot na tumungo na lang.. kawawang prinsipe, pinapagalitan na ng kanyang mga kasamahan...

lumabas na nga ang 4 para mag-shopping ng mga bagong kasuotan.. (kanino naman kayang credit card ang gamit nila ngayon??)...

magkasama sina Sena at Tommy, sa isa yatang restaurant.. naitanong ni Sena kung bakit kaya siya gustong makita ni Chairman Jang (matapos ang mga nagawa nila).. medyo wala pa si Dir. Yong sa sarili niya noon, kaya ipinaulit pa niya ang sinabi ng kanyang nobya.. tiyak daw na hinahanap rin ng Chairman ang anak niyang si Inju, kaya kailangang mailayo ni Sena si Park Ha mula sa Chairman.. sabihin daw ng babae kay Chairman Jang na si Tommy naman talaga ang may kasalanan ng lahat, kailangan daw kasi na manatili pa rin ang magandang relasyon ni Sena sa Chairman.. hindi naman maiwasan ni Miss Hong na mahalata ang pagkabalisa ng kanyang nobyo...

sa suite ni Chairman Jang.. nag-apologize si Miss Hong sa Chairman at isinauli na rin niya dito iyong binigay nito sa kanya na singsing.. nagkamali daw siya, at hindi daw dapat siya sumunod sa mga ipinag-utos sa kanya ni Dir. Yong.. dahil sa una niyang hinala, tinanong ni Helen si Sena kung alam ba talaga nito kung nasaan ang totoo niyang nawawalang anak na si Inju, sinabi naman ng malditang dalaga na hindi talaga.. kung ganun, ay paano daw niya nalaman iyong insidente sa first birthday ng bata kung saan inilagay ito ng Papa nito sa ibabaw ng kanyang tiyan para mainitan, alam ba daw niya na nangyari talaga iyon sa anak niyang si Inju, nagkunwari naman si Sena na sa radyo niya lang naririnig iyong mga ganung klase ng istorya...

muling bumalik si Park Ha sa Kompanya (hindi ko sigurado, pero mukhang gusto niyang makita si ala-Terrence).. sakto ngang nakita niya ang binata, at napansin niya ginagawa nito iyong postura ng prinsipe kung saan madalas na nasa likod ang mga kamay niya, at nang may kuhanin ito mula sa kanyang bulsa ay aksidenteng nagpatak iyong lucky couple ring niya at hindi namalayan ng lalaki na gumulong na ito papunta sa may paanan ni Park Ha.. sa puntong iyon ay sigurado na ang dalaga sa kanyang hinala, natuwa siya at nainis din sa kanyang natuklasan, humanda daw sa kanya si Lee Gak dahil patay ito sa kanya (ang cute magtampo ni Park Ha ^_^)...

habang naglalakad si ala-Terrence sa hallway ay bigla siyang kinabig ni Park Ha papunta sa may staircase.. nasorpresa ang lalaki sa kanya.. sinabi ng babae na hangal talaga ang kamahalan, sabay yakap dito.. hindi na nakatanggi pa si Lee Gak, sabik na daw siya na makita ang dalaga, sinabi naman ng babae na akala ba ng prinsipe na hindi siya nito makikilala.. ngayon daw na nakita nang muli ni Lee Gak si Park Ha ay panatag na muli ang kanyang damdamin.. naupo sila sa may hagdanan, at mukhang naipaliwanag na ni ala-Terrence sa babae ang panibago nilang sitwasyon.. humingi ng pasensya ang binata dahil kailangan na daw niyang umalis, ibig ba daw sabihin nun ay hindi na pwedeng pumunta si Park Ha sa Kompanya.. paano daw, edi uuna na ang dalaga, pero bago ito umalis ay hinalikan muna siya ng prinsipe sa mga labi niya.. nagpasalamat ang kamahalan dahil sa paniniwala ni Park Ha sa kanya, sinabi naman ng dalaga sa prinsipe na baliw na itong talaga, umalis na siya at sinabihan naman siya ng lalaki na mag-ingat sa pag-uwi(mukhang wala pa rin sa isip ng Lola Chairman na palayasin si Park Ha sa Rooftop, ah).. pero bago tuluyang umalis ay naalala ng dalaga na isauli sa prinsipe ang singsing nito, sinungitan niya ito at sinabi na sa susunod na maihulog niya iyon ay magagalit na siya.. ngumiti ang babae at saka tuluyan nang umalis, seryoso naman siyang pinagmasdan ni Lee Gak (na hindi ko masabi kung anong iniisip niya sa mga oras na iyon)...

---o0o---


RTP-47
2nd move, ang printed photo...

sa Kompanya.. pumasok si ala-Terrence sa opisina ni Dir. Yong.. naghahalungkat siya sa table ng maaari niyang magamit na ebidensya laban dito nang bigla niyang makita ang katulad na larawan noong punit na family picture ni Park Ha, pero iyong portion lang ng batang Park Ha at ng Papa nito ang nakita niya dahil nakasipit ito sa ilalim ng iba pang mga gamit ni Tommy sa drawer.. titingnan na niya sana iyong buong picture, pero biglang pumasok na si Dir. Yong sa kanyang opisina.. nagulat ito na madatnan si ala-Terrence sa kanyang table, ano daw ang ginagawa nito, at nagkunwari na lang ang nagpapanggap niyang pinsan na gusto lang nitong malaman kung ano ba ang tinatrabaho ng Director ngayon, sinabihan naman ito ni Tommy na kung curious ito sa ginagawa niya ay just ask him.. biglang may dumating na package para kay Dir. Yong, pasimpleng isinara ni ala-Terrence ang drawer ng Director, tinanong ni ala-Terrence kung ano naman kaya iyon (tila gustong ipakita ni ala-Terrence kay Tommy, na iba pa talaga siya kumpara dun sa impostor, at na wala siyang ginagawa laban sa pinsan niya sa labas), at sinabi naman ni Tommy na hindi niya rin alam kung kanino galing iyon eh.. sinilip ng binata ang laman ng kahon, at laking gulat niya na makita ang isang printed copy ng picture nilang magpinsan na kuha sa New York gamit ang cellphone ni Terrence bago ang araw ng aksidente (sa puntong iyon ay naghinala na siya na nasa impostor ang cellphone ng pinsan niyang si Terrence).. kabadong-kabado na lalo si Tommy dahil sa mas lumalakas na ebidensya laban sa kanya, naitanong ng nagpapanggap niyang pinsan kung anong problema, kaagad niyang isinara iyong kahon, at niyaya si ala-Terrence na mag-lunch.. sa sobrang kaba ng Director ay hindi na niya pala napansin ang sinabi ng kanyang pinsan, at inulit nga ni ala-Terrence na iniimbitahan si Tommy ng Lola Chairman na doon mag-lunch sa Mansyon...

sa Mansyon, mukhang natutuwa na ulit ang Lola Chairman kay Dir. Yong, inisip siguro nito na tama nga ang ginawa ng Director laban doon sa impostor, pero nagtataka pa rin ako kung bakit hindi siya gumagawa ng aksyon regarding doon sa Rooftop house, o baka naman sa sobrang yaman nila eh wala na siyang pakialam pa dun since hindi na naman doon tumitira si ala-Terrence.. sa tuwing nakikita daw ng Grandma na magkasama at nagkakasundo ang dalawang binatang apo ay gumaganda ang kanyang pakiramdam, kalimutan na daw ni Tommy ang mga problema at bumalik na sa pagtatrabaho sa Kompanya.. pumasok si Tita-Lola na may dalang package, kinabahan si Tommy dahil katulad iyong kahon nung sa package na natanggap niya kanina lang.. natanong ng Lola Chairman kung ano naman iyon at kanino galing, ang sabi naman daw sa detalye eh picture frame ang laman nun, sinubukang ilayo ni Tommy ang atensyon ng lahat doon sa package, at nang hindi umubra ang lahat ay nag-volunteer siya na siya na lang ang magbubukas nun.. nakipag-agawan naman ang Tita-Lola, at siya na nga ang nakabukas dun sa package, bakit daw kakaiba ang ikinikilos ni Tommy.. picture lang naman pala ng isang aso ang laman nung package, nagtataka naman ang Lola Chairman kung sino kaya ang nagpadala noon sa kanya...

nakaalis na si Dir. Yong sa Mansyon.. kasalukuyan siyang nagda-drive nang makatanggap siya ng tawag mula sa impostor, itinanong ng impostor kung natanggap ba ni Tommy ang ipinadala nito para sa kanya, walanghiya daw ito at magpakita daw ito sa Director, sinabi naman ng impostor na si Dir. Yong naman ang nagpaalis sa kanya, muling nagtanong si Tommy kung ano ba ang kailangan sa kanya ng lalaki, tumugon naman ito na "ano nga ba ang kailangan ko sa'yo, mag-isip ka nang mabuti", sabay baba na ng telepono.. tr-in-ack ni Tommy kung saan tumawag iyong impostor, at nakarating nga siya sa isang phone booth, ch-in-eck niya iyong number nun at nagmatch nga iyon doon sa number na ginamit para tumawag sa kanya, napansin niyang sa may di kalayuan ay naroon lang ang Rooftop house, bakit nga ba daw hindi niya naisip kaagad, nasaan nga ba ang daga edi sa sarili nitong lungga...

sumugod si Dir. Yong sa Rooftop house.. nadatnan niya dito si Park Ha at tinanong sa babae kung nasaan ang impostor, itinanggi naman ng dalaga na nasa bahay ang taong tinutukoy ni Tommy.. pumasok ang galit na galit na binata sa loob bahay, nasaan daw iyong walanghiya, lumabas daw ito at harapin siya, pero wala naman talagang ibang tao doon.. muli siyang lumabas ng bahay at doon nagwala, bakit ba daw ito nanggugulo tanong ng dalaga.. alam daw ni Tommy na nakakausap ni Park Ha ang impostor, kaya daw sabihin niya doon sa duwag na iyon na harapin siya.. nagsira nang nagsira ang Director ng mga gamit sa Rooftop, takot na takot naman na napapasigaw si Park Ha.. sa may di kalayuan, ay kitang-kita ni Lee Gak ang pagwawala ni Dir. Yong at ang sobrang pagkatakot dito ni Park Ha, pero wala siyang ibang magawa kundi ang panoorin na lang iyong nangyayari habang alalang-alala sa dalaga...

tumigil na rin si Tommy at si Park Ha na lang ang naiwan sa Rooftop, habang gulung-gulo ang mga gamit sa paligid niya.. nag-text si Lee Gak at medyo gumaan na ang pakiramdam ng babae...

umalis si Park Ha at nakita siya ni Dir. Yong, kaya naman sinundan siya ng salbaheng lalaki.. dumiretso ang babae sa may subway, sa train station, nakasunod pa rin sa kanya si Tommy na nagtatakip lang ng diyaryo sa mukha.. bumukas na ang mga pinto ng tren, at sumakay na si Park Ha, sumakay rin naman ang Director, pero parang alam na ng babae na sinusundan siya nito.. nang i-announce na ang warning para sa mga pasahero dahil malapit nang umalis ang tren, biglang lumabas si Park Ha, napagsarhan naman ng pinto si Tommy kaya natangay siya sa pagtakbo ng sasakyan.. nang tuluyan nang makaalis ang tren, ay nasa katapat lang palang platform ni Park Ha si Lee Gak, at nagngitian at nagkawayan ang dalawa...

sa paborito nilang lugar sa bench sa may ilalim ng isang puno.. naibalita na ni Lee Gak kay Park Ha ang nalaman niya, kaya ba daw pinadala sa kanya ng prinsipe iyong picture niya noong 1st birthday niya, kinumpirma naman ng kamahalan na ganung-ganun nga ang nakita niya picture sa drawer ni Tommy, nagtataka daw siya kung bakit may kopya ng picture ni Park Ha ang Director.. natanong naman ng dalaga kung hindi ba putol ang mukha ng ina niya doon sa kopya ni Tommy, ipinaliwanag naman ni Lee Gak na biglang dumating noon ang kalabang binata kaya hindi niya nakita nang ayos iyong larawan.. hiniling ng dalaga sa prinsipe kung pwede ba nitong kuhanan ng picture ang mukha ng kanyang Mama gamit ang camera, at susubukan daw niya sabi ng binata.. pinaalalahanan ni Lee Gak si Park Ha na simula ngayon ay asahan na nito na palagi na siyang pasusubaybayan ni Tommy, sinabi naman ng babae na huwag mag-alala ang prinsipe dahil alam naman nito na malakas siya, pero hindi daw kasi mapigilan ng lalaki na mag-alala, dati daw ay dahil sa mga kilos nito ay napagkakamalan niya itong lalaki, pero nang magtagal ay babae na ang tingin niya dito kaya naman hindi na siya matahimik.. sinabi naman ni Park Ha sa ka-MU na sarili na lang nito ang alalahanin nito, hinawakan naman ni Lee Gak ang kamay ng babae, at sinabi na huwag mo na akong alalahanin...

sa bahay ni Susan.. naikuwento ni Park Ha sa Stepmom niya na mayroon ngang ibang kopya iyong 1st birthday picture niya.. huwag na daw magtaka ang dalaga dahil malamang galing iyong kopya sa tunay niyang Mama, bigla namang na-realize ni Susan na posible nga pala na magkita pa si Park Ha at ang tunay nitong ina, naitanong niya sa stepdaughter kung alam ba niya kung kanino iyong kopyang sinasabi niya, at sumagot naman si Park Ha na nagre-research pa siya...

sa isang cafe yata, nakipag-meet si Park Ha kay Dir. Yong.. hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang babae at kaagad na ipinakita sa Director ang punit na 1st birthday picture niya (nagkamali dito si Park Ha, dahil mas mabuti sana kung pinaubaya na lang niya kay Lee Gak iyong pagkuha nung kopya ng picture, sa bagay hindi naman masisisi ang babae kung naging padalus-dalos man siya), pakunwaring nagtanong si Tommy na "ano naman yan", sinabi naman ng dalaga na picture niya iyon kasama ang kanyang mga magulang nung 1st birthday niya at alam niyang may alam ang Director dahil alam niyang may kopya din ito nung picture, nagmaang-maangan naman ang salbaheng binata at sinabing wala siyang alam sa mga sinasabi ni Park Ha, muling nagtanong ang babae kung saan nakuha ni Tommy ang kopya niya nung picture, naitanong naman ni Dir. Yong kung sino ang nagsabi ng tungkol doon sa babae, muling nagtanong ang babae kung nasaan ba ang Mama niya, sasabihin lang daw iyon ng Director kung sasabihin muna ni Park Ha kung nasaan ang impostor, dahil dun ay nag-walkout na lang ang dalaga...

sa bahay ulit ni Susan.. inimbitahan ni Susan ang anak niyang si Sena na kumain sa bahay niya, kakaiba daw kasi ang pakiramdam ng nakatatanda.. at naibalita nga niya sa kontrabidang anak na mukhang malapit nang makita ni Park Ha ang kanyang tunay na Mama, may nakilala daw kasi itong may kopya nung 1st birthday picture nito, at pumayag naman daw si Susan na hanapin ng kanyang bunsong stepdaughter ang totoong ina nito dahil gusto rin nitong makilala ang Mama niya.. mabuti na rin daw na ganun, pero nalulungkot rin si Susan.. nabigla si Sena sa ibinalita ng kinagisnan niyang ina, dali-dali siyang umalis ng bahay, at napa-komento na lang si Susan na "pasaway talaga"...  

sa apartment yata ni Sena.. nagdesisyon ang dalawang magkasintahan na sunugin na iyong kopya nila ng 1st birthday picture ni Park Ha na ipinagkatiwala sa kanila ni Chairman Jang...

sa suite ni Chairman Jang.. naikuwento ni Park Ha sa Chairman iyong napag-usapan nila ng Stepmom niya na si Susan (siguro dahil alam ni Park Ha na kakilala naman ng Chairman si Susan).. sa tingin ba daw nito ay nalungkot ang Stepmom ng dalaga dahil sa sinabi nito na gusto nitong makilala ang kanyang totoong ina, at sa tingin nga daw ng Chairman ay nalungkot nga si Susan.. bumalik daw kasi si Park Ha sa Korea para hanapin ang totoong pamilya niya, pero namatay na pala ang Papa niya, inakala daw niya na nag-iisa na lang siya sa buhay noon, pero kinupkop pa rin siya ng Mama Susan niya, ano daw kaya kung hindi na lang niya hanapin ang totoong Mama niya.. naitanong naman ni Helen kung iyon ba talaga ang gusto ng puso ng dalaga, sumagot naman si Park Ha na hindi po, dahil gusto ko rin siyang makilala.. nasabi tuloy ni Chairman Jang na magiging masaya siya kung hahanapin rin siya ng kanyang anak, mahirap daw kasi kapag isang panig lang iyong naghahanap, mas mapapabilis daw kung ang parehong panig ang naghahanap.. naikuwento tuloy ni Park Ha na noong wala pa siyang alam tungkol sa Mama niya ay hindi pa siya interesado na makilala ito, pero nang may makilala siyang tao na may kaparehas na sitwasyon ay biglang nagustuhan na niyang hanapin ang kanyang ina, ipinayo naman ni Helen sa nakababatang babae na hangga't may pagkakataon ay hanapin nito ang kanyang tunay na ina (hindi ko alam kung bakit hindi man lang naghihinala ang Chairman na baka anak niya si Park Ha, siguro eh sa tingin niya eh maliit lang yung tsansa na mapapadpad parehas kay Susan iyong dalawa niyang anak sa magkaibang lalaki, pero ganun talaga, tungkol mismo sa tadhana ang series na ito eh)...

sa office ni Tommy.. muling kinalkal ni ala-Terrence ang drawer ng Director, pero wala na doon iyong kopya ng picture ni Park Ha, takang-taka naman siya dahil nandun lang iyon kahapon...

nagmeet sina Susan at Helen, doon yata ulit sa parke.. ipinaalam ni Helen kay Susan na gusto niya sanang isama na ang anak niyang si Sena sa Hong Kong.. hinawakan ng Chairman ang kamay ni Susan at humingi ng pasensya, alam daw niya na ipinangako niya sa kaibigan (o kapatid) na hindi na niya babawiin dito ang kanyang panganay, nagsinungaling daw kasi ito sa kanya at sinabi na siya ang ikalawang anak ng niya, kaya hindi niya tuloy alam kung anong kanyang gagawin.. nagulat at nalungkot naman si Susan sa ipinagtapat ni Helen, humingi siya ng tawad dahil hindi niya napalaking mabuti ang anak nitong si Sena, sinabihan naman si Susan ni Chairman Jang na huwag nitong sabihin yun (huwag nitong sisihin ang sarili niya).. nabanggit ni Helen na baka itigil na niya ang paghahanap niya sa ikalawa niyang anak, at kay Sena na lang niya ipaparamdam ang pagmamahal niya bilang ina.. nag-sorry si Chairman Jang kay Susan, na hindi naman daw kailangan sabi ng pobreng babae, dahil sa kanya naman daw nanggaling si Sena, iyon rin naman daw ang makakabuti para sa dalaga.. naitanong tuloy ni Susan kay Helen kung gusto bang sumama dito ni Sena, sinabi naman ng Chairman na hindi pa niya natatanong ang kanyang anak dahil ginusto niya munang hingin ang permiso ni Susan...

sa suite.. narinig ni Sena na may kausap sa telepono si Chairman Jang, nabanggit ng nakatatandang babae sa kanyang kausap (na honey pa ang tawag niya) na balak niyang i-meet ang kanyang anak at dalhin ito sa Hong Kong.. dahil sa kawalan naman ng alam tungkol sa katotohanan ay inakala ni Sena na si Park Ha ang tinutukoy ng Chairman...

balisang-balisang umalis si Sena sa hotel.. tinawagan niya si Dir. Yong na kasalukuyang nasa isang site.. ibinalita niya sa nobyo na alam na ni Chairman Jang na si Park Ha ang anak nito.. paano naman daw nalaman ng Chairman ang tungkol sa bagay na iyon, hindi daw alam ni Sena kung paano pero nagulat na lang siya na alam na ng Chairman ang lahat.. paano naman daw nasabi ng babae na ganun nga, at sinabi ni Sena na narinig niya iyon mismo mula sa bibig ni Chairman Jang.. natatarantang nagtatanong ang salbaheng anak kung anong dapat nilang gawin na magkasintahan, napatingin naman si Tommy doon sa freezer truck at sinabi sa kanyang nobya na may naisip na siyang plano.. alamin naman daw ni Sena kung paano nalaman ng Chairman ang totoo...

nasa bench sa may ilalim ng isang puno si Park Ha.. pinagmamasdan niya iyong punit na family picture nila noong 1st birthday niya.. bigla siyang tinawagan ni Dir. Yong, gusto daw nitong makipagkita sa kanya.. itinanong ng dalaga kung bakit naman siya makikipagkita sa binata, at sinabi ni Tommy na pag-uusapan nila ang tungkol sa Mama ng dalaga.. alam daw ng binata na nagalit si Park Ha sa nagawa niya kahapon, pasensya na daw kung nadala siya ng kanyang emosyon, hindi niya daw dapat ginawa iyon.. naitanong ng babae kung ano ba ang nalalaman ng Director tungkol sa Mama niya, sinabi naman nito na malapit na silang magkitang mag-ina, hindi naman daw tama na wala siyang sabihin kahit na may alam naman talaga siya.. itinanong ni Park Ha kung saan naman sila magkikita ng Director...

---o0o---


RTP-48
magtatapat na si Chairman Jang sa panganay niyang si Sena.. ang trap para kina Park Ha at Lee Gak...

sa kung saan malapit sa main road.. sinundo na ni Dir. Yong si Park Ha.. sabihin na daw ng lalaki kung saan sila pupunta, sumagot naman si Tommy na sa lugar kung nasaan ang Mama ng dalaga.. dahil dun ay masyadong na-excite si Park Ha, sinabi naman ni Tommy na nakausap na niya ang ina ng babae, pero sinabihan siya nito na huwag na munang magsalita at dalhin na lang ang kanyang anak doon sa lugar, sabay hingi ng Director ng pasensiya sa dalaga.. nang makalayu-layo na sila, biglang inihinto ni Dir. Yong ang sasakyan, nagkunwari na siya na parang may naririnig siya sa makina ng kanyang kotse, tinanong niya ang babae pero wala naman daw itong kakaibang naririnig.. bababa lang daw muna ang binata para i-check kung ano nga ba iyon, saglit siyang tumungo sa bandang likuran ng sasakyan, at pasimple niyang inilabas ang isang panyong may pampatulog na nakabalot pa sa zip bag, kinuha na niya iyong panyo mula sa loob ng plastic.. bumalik siya sa may gilid ng sasakyan at binuksan iyong pintong katapat ni Park Ha na nakaupo lang sa unahan ng kotse katabi ni Tommy.. mukhang doon daw nanggagaling iyong tunog naririnig niya, ipinaabot niya sa babae iyong manual na nasa driver's side, at nang tumalikod na kay Tommy si Park Ha ay bigla niyang tinakpan ang bibig at ilong nito nung panyong may pampatulog, nawalan na ng malay ang babae at nangangatal naman ang binatang Director dahil sa ginawa niya.. dinala ni Tommy si Park Ha sa isang parang junkyard...

sa kuwarto ng totoong Terrence, sa Mansyon.. nire-review ni Lee Gak iyong mga pictures na galing sa cellphone ni Terrence gamit ang computer.. sinu-zoom niya iyong mga pictures at napansin niya na nandun si Park Ha sa background ng kuha ni Terrence.. wala daw duda na si Park Ha nga iyon, paano daw na nandun din ang babae sa lugar na iyon...

sa junkyard.. naipasok na ni Dir. Yong ang babae sa isang freezer truck na nandoon sa lugar.. kinuha ng salbaheng binata ang cellphone mula sa bag ng dalaga, ginamit niya iyong cellphone mismo ng babae para picturan ito habang nasa loob ng truck, pagkatapos ay s-in-end niya iyong MMS sa number ni Lee Gak (hindi ko alam kung paano nalaman ni Tommy na Lee Gak ang pangalan ng impostor).. sa Mansyon, na-shock ang prinsipe na ma-receive iyong picture ni Park Ha, kaagad niyang tinawagan ang cellphone ng babae.. sinagot naman ni Tommy ang tawag ng impostor, sinabihan ni Lee Gak na magpakilala ang may hawak ng cellphone ni Park Ha, at nalaman nga niyang iyo'y walang iba kundi si Tommy Yong, wala daw talaga itong kasing sama, ano daw ang ginawa nito sa babae, sa oras daw na saktan nito si Park Ha ay hindi siya magdadalawang isip na parusahan ito ng kamatayan.. inasar naman ng Director si Lee Gak, nakakatakot daw naman ito kaya parang gusto na niyang isauli dito si Park Ha.. tinanong naman ng prinsipe kung saan dinala ni Tommy ang dalaga, gusto niya daw itong makausap, kaya ibalik dito ng binata ang kanyang phone.. sinabihan naman ni Dir. Yong ang impostor na tumahimik, mula daw ngayon ay siya na ang masusunod.. sumagot naman si Lee Gak na hinding-hindi niya mapapatawad ang binata, na maghanda na itong magpatiwakal dahil kung hindi ay siya ang papatay dito.. muli namang sumagot si Tommy, wala daw talagang utak ang impostor, wala na daw itong oras para pagbantaan pa siya ng kung anu-ano, si Park Ha daw ay nasa loob ng isang freezer truck at baka magyelo na ito na parang isda, galit na galit namang sumagot ang prinsipe na humanda si Tommy dahil ang katawan niya ang magyeyelo doon sa truck.. muling nang-asar ang kalabang binata, kasalanan rin naman daw ng impostor dahil hindi na daw dapat nito pinakailaman pa iyong picture, kaya dalhin daw ni Lee Gak iyong cellphone na may pictures...

nagmamadaling umalis si Lee Gak upang makipagtagpo kay Dir. Yong.. habang nagda-drive ay naalala niya iyong paalala sa kanya ni Dir. Pyo, na hanggang sa matapos ang lahat ay wala siyang dapat pagsabihan ng tungkol sa kanilang plano, dahil kung hindi ay baka mabalewala lang ang lahat ng kanyang ginawa pati na rin ang kanyang mga kasamahan...

unti-unti nang nagigising si Park Ha.. isinara na ni Dir. Yong ang pinto ng freezer truck at ini-lock ang dalaga sa loob nito.. pagkatapos ay umalis na si Tommy patungo sa tagpuan nila ng impostor.. nagising si Park Ha nang dahil sa biglang paglamig, natakot siya na malaman na nakakulong na siya, at nagsisigaw siya nang nagsisigaw para humingi ng saklolo sa sinuman na posibleng nasa paligid lang noong mga oras na iyon...

bago makipagkita kay Dir. Yong ay nakipagtagpo muna si Lee Gak kay Yong Sul.. mabuti daw at nakarating kaagad ang bodyguard.. nagpahanda pala ang prinsipe ng isa pang sasakyan kay Yong Sul (SUV ang dala niya bilang si Terrence, samantalang kotse naman iyong dinala para sa kanya ng bodyguard), dapat daw kasi siyang magpalit ng sasakyan para hindi makahalata si Tommy.. iniwan rin muna ng kamahalan ang kanyang salamin sa kanyang tagasunod.. iminungkahi ni Yong Sul na susundan niya ang kamahalan, tumanggi naman ang prinsipe dahil mapanganib daw, ang problema daw na iyon ay sa pagitan lang nilang dalawa ni Tommy, kaya mag-isa siyang pupunta.. lumipat na nga sa kotse si Lee Gak, at umalis, nag-aalala naman si Yong Sul para sa kanilang kamahalan (lalo na siguro para kay Park Ha)...

sa suite ni Chairman Jang.. gabing-gabi na nang ipatawag ni Helen si Sena.. may gusto daw siyang sabihin sa dalaga na hindi na niya kayang ipagpabukas, kaya pinapunta niya ito kahit na gabi na.. at inamin na nga ni Helen na nakita na niya ang kanyang anak, parang kinabahan si Sena at nilinaw kung nakita na ba ng Chairman si Inju.. sumagot naman si Chairman Jang na 'hindi', ang totoo daw ay may dalawa siyang anak na babae, hindi daw niya nakita ang nawawala niyang anak, at mukhang hindi na niya mahahanap pa kailanman si Inju, pero nakita naman niya ang ate ni Inju, at iyon ay walang iba kundi si Sena.. nagsimula nang maluha si Helen, at sinabi na "ako ang babaeng nagsilang sa'yo".. nabigla at mukhang litong-lito pa si Sena sa kanyang natuklasan, naluluha na rin ang kanyang mga mata...

sa junkyard.. sigaw pa rin nang sigaw si Park Ha upang makahingi ng tulong, pero wala talagang tao sa paligid, lamig na lamig na siya habang nag-iiyak nang dahil sa takot.. nagmamadali nang mag-drive si Lee Gak para puntahan si Tommy Yong.. balik sa junkyard, ay tuluyan nang nawalan ng malay ang kawawang dalaga...

balik sa suite.. hindi pa rin makapaniwala si Sena.. sinabi naman sa kanya ni Chairman Jang na 'Mama' na ang itawag niya dito.. nagpaliwanag na ang nakatatandang babae, pagkasilang pa lang daw kasi niya kay Sena ay ibinigay na niya ito sa kaibigan niyang si Susan (so magkaibigan lang sila?), iyon daw ang dahilan kung bakit ito na ang kinilalang Mama ng dalaga, isa daw siyang masamang tao kaya naman humingi ng kapatawaran si Helen sa kanyang panganay na anak.. mas malinaw na iyong istorya, pero shock pa rin si Sena (na parang nakakaramdam na rin ng guilt), hayaan daw muna siya ng Chairman na makapag-isip muna kahit na sandali lang...

sa meeting place nina Dir. Yong at ng impostor.. naghihintay na si Tommy habang nasa loob ng kanyang kotse.. biglang napatawag si Sena na gustong makipagkita sa kanya, sinabi naman niya sa kanyang nobya na may ginagawa siya, itinanong ng babae kung nasaan si Park Ha, sumagot naman ang Director na sa kung saan siya dapat, ano daw ang ginawa nito sa babae.. napansin ng binata na parang may kakaiba sa kanyang nobya, bakit daw ganun ang boses nito, may nangyari ba daw.. nag-aalala si Sena para kay Park Ha, sinabi ng binata na hindi ito magpapakita habang nasa Korea pa si Chairman Jang.. inamin naman ni Sena na nagkamali siya, hindi daw si Park Ha ang nakitang anak ng Chairman, at sumuko na rin ito sa paghahanap, litong-lito naman si Tommy sa mga latest development, hindi pa maipaliwanag nang husto ng babae sa Director, pero basta pakawalan na lang daw nito si Park Ha (mukhang nagi-guilty rin nga naman siya para sa kapatid niya, o baka naman natatakot siya na kapag may mangyari kay Park Ha ay baka malaman ni Chairman Jang na may kinalaman siya sa ginawa ni Dir. Yong dito).. saktong namang dumating ang impostor, at nagpaalam na si Tommy kay Sena dahil may gagawin pa daw siya...

bumaba na nga ang dalawang binata sa kani-kanilang mga sasakyan.. kaagad tinanong ni Lee Gak kung nasaan si Park Ha, sinabi naman ni Dir. Yong na bago iyon ay ibigay muna sa kanya ng impostor ang hinihingi niya, ibinato ng prinsipe ang cellphone ni Terrence papunta sa kalabang lalaki, ch-in-eck ni Tommy kung ito nga ang cellphone ng kanyang pinsan at binuksan iyong photo album, kung kinopya daw ni Lee Gak iyong mga pictures at kung may balak itong gamitin ulit ang mga iyon laban sa kanya ay huwag na niyang ituloy, dahil hindi siya titigil.. galit na galit ang kamahalan.. ipinakita ni Dir. Yong ang susi para sa freezer truck, ayaw ba daw ng impostor na iligtas si Park Ha, mag-ingat daw ito sa mga sinasabi niya, sabay sabi ng 'manloloko'.. ipinatak ni Tommy ang susi ng truck sa lupa, muling itinanong ng prinsipe kung saan itinago ng salbaheng binata ang dalaga, wag na daw magsayang ng oras ang impostor dahil baka mapaano na si Park Ha, hindi daw nito alam ang kalagayan ng babae kaya baka magsisi siya.. si Park Ha daw ay nasa isang malapit lang na junkyard, lumuhod daw ang impostor sa harapan niya at pulutin itong susi.. lumuhod nga si Lee Gak at dinampot ang susi na makapagliligtas kay Park Ha...

---o0o---


RTP-49
alam na ni Park Ha na mag-ina sina Chairman Jang at Sena.. may ideya na rin sila ni Lee Gak tungkol sa mga naging kaganapan noon sa New York...

lumuhod na nga si Lee Gak upang damputin iyong susi sa lupa.. pero nang makatayo na siya ay biglang may pumalo sa likod niya.. may mga kasama palang goons si Dir. Yong, sinimulan ng mga ito na gulpihin ang impostor, nasabi naman ni Tommy na hindi siya dapat kinalaban ng binata.. may humawak sa magkabilang braso ni Lee Gak, hahatawin na sana siya ng isang parang mahabang stick ng isa sa mga bumubugbog sa kanya, pero biglang may humarang na coat sa palo nito, sinundan pala ni Yong Sul ang prinsipe.. mag-isang kinalaban ng bodyguard ang lahat ng mga bayarang taga-bugbog ni Dir. Yong, sinabi niya sa kanilang kamahalan na siya na ang bahala doon at iligtas na nito si Park Ha, bumangon na si Lee Gak at sinabing "sige, mag-iingat ka" (mabuti na lang kamo at sinuway ni Yong Sul ang utos niya).. umalis na nga ang impostor upang iligtas si Park Ha, tila naguluhan naman si Tommy sa biglang pakikialam ni Yong Sul, sumakay na ang Director sa kanyang kotse at umalis doon sa lugar ng labanan...

sa suite.. lumuhod si Sena sa harapan ng bago lang niyang kakikilalang ina.. itinayo naman siya ni Helen at pinaupo.. nagi-guilty na sinabi ni Sena sa Chairman na mas mabuti pa daw kung hindi na lang nito sinabi sa kanya ang totoo, nakakahiya daw ang ginawa niya, sabay sabi ng sorry po.. inalok naman siya ni Helen na pumunta sila sa Hong Kong at doon magsimula ulit, noong nagpapanggap daw ang dalaga ay na-guilty siya, masakit daw iyon para sa kanya, pero kasalanan rin naman daw niya ang nangyari.. muli namang humingi ng sorry si Sena dahil nagkamali daw siya...

natunton na ni Lee Gak ang junkyard na pinagtaguan kay Park Ha, dumiretso na rin siya doon sa kinaroroonan nung freezer truck.. kinatok-katok ng binata sa loob si Park Ha habang tinatawag ang pangalan nito, pero walang nasagot, kaagad niyang hinanap iyong susian ng pinto ng truck, ginamit niya iyong susi na nakuha niya mula kay Tommy, nagpatak pa nga ito ng isang beses nang dahil sa pagmamadali niya.. nabuksan na ng lalaki ang mga pinto, medyo gumagalaw at humihinga pa naman ang dalaga, pero mukhang wala itong malay, ginising siya ng prinsipe, at nang magising na ay nagsimula na itong mag-iiyak.. sinubukang pakalmahin ng binata si Park Ha, "narito na ako" ang sabi niya, humingi siya ng tawad sa babae, hindi daw niya sinasadya (akala nya ay nadamay lang si Park Ha dahil sa ginagawa niya laban kay Tommy, pero ang totoo ay target rin mismo ng Director ang babae), tumahan na daw ito, at lumabas na nga sila sa loob ng malamig na truck...

sa may labas lang yata ng apartment building na kinaroroonan ng Rooftop house.. nag-alala na ang 3 para sa kamahalan at kay Park Ha (mukhang nakauwi kaagad si Yong Sul, dahil nakapagpalit pa siya ng regular na kasuotan mula doon sa office attire na suot niya noong makipagbakbakan siya).. ang tagal daw nung 2 sabi ni Man Bo, naitanong naman ni Chi San kung sa tingin ba nila ay nailigtas nga ng kamahalan ang dalaga, sinabihan naman sila ni Yong Sul na magtiwala lang.. dumating na nga ang sasakyan ni Lee Gak, kasama na niya ang namumutla pang babae.. nasorpresa ang prinsipe sa kanyang mga alalay at tinanong kung hinintay pa ba talaga nito na makabalik sila, tumango naman ang 3.. kinumusta nila kung ayos na ba ang lagay ni Park Ha, um-oo naman ito at nagpasalamat sa kanilang lahat.. nagyaya nang pumasok ng bahay ang prinsipe, at inalalayan nilang maige si Park Ha...

umaga na sa loob ng kuwarto ni Park Ha sa Rooftop.. binabantayan ni Lee Gak ang babae habang hawak-hawak ang isang kamay nito.. nagising na ito, at tinanong kung magdamag ba siyang binantayan ng kamahalan, ano na ba daw ang oras, sumagot naman ang binata na umaga na kaya naman nagyaya itong kumain na sila ng omurice.. kung yun daw ang gusto ni Lee Gak ay magluluto siya kaagad, sinubukan nang bumangon ni Park Ha, inawat naman siya ng kamahalan, naliliyo pa daw ito dahil sa nangyari dito kagabi, magpahinga na lang daw ang babae at siya na ang magluluto, sinabi naman ni Park Ha na kaya na niya, sinabihan naman siya ng binata na "itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong ako ang magtikom nyan", sabay halik sa labi ng babae, at "kung hindi mo ipipikit ang mga mata mo ay ako ang magpipikit sa mga yan", pumikit nga naman si Park Ha at hinalikan ni Lee Gak ang talukap ng mata niya.. bumalik na nga sa pagkakahiga ang dalaga at ipinikit ang kanyang mga mata, at lumabas na sa kuwarto ang prinsipe upang maghanda ng version niya ng omurice, sa pag-alis niya ay muling iminulat ng babae ang kanyang mga mata at lumingon sa direksyon ng lalaki at napangiti...

inihanda na ni Lee Gak ang kanyang nilutong pagkain, natatawa naman sa kanya si Park Ha.. nagyaya na ang lalaki na kumain, nasabi naman ng dalaga na kakaiba ang itsura ng omurice nito, nangingiti niyang tinikman ang version ng kamahalan, mukhang approve naman sa kanya noong una, pero habang nilalasahan niya ay paikot-ikot ang mga eyeball niya.. natanong ng prinsipe kung ayos na ba ang pakiramdam niya, huwag na daw muna itong pumasok sa trabaho niya kay Chairman Jang at magpahinga na lang siya.. sinabi naman ng babae na ayaw niyang ipakita kay Dir. Tommy na apektdao siya sa ginawa nito sa kanya, kaya naman papasok pa rin daw siya sa trabaho niya kay Chairman Jang.. naulit naman ng prinsipe na hindi nila pwedeng sabihin sa mga pulis ang nangyari sa dalaga, sa tingin ba daw ni Park Ha ay patas iyon, sinabi naman ng babae na naniniwala siyang parurusahan ng langit ang may sala.. naulit din ng kamahalan na kung kilala nga ni Tommy ang tunay na Mama ni Park Ha ay isa yung problema, dahil hindi nito sasabihin ang mga nalalaman niya.. sinabi naman ng babae na siya na lang ang maghahanap sa Mama niya, magpapa-advertise daw siya at gagamitin iyong picture na galing sa kanyang Papa, at kapag nakita daw iyon ng kanyang totoong Mama ay malalaman nito na hinahanap rin siya ng dalaga...

sa kuwarto ni Park Ha.. pinagmasdan muna ng dalaga ang punit na family picture nilang original na mag-anak, pagkatapos ay inilagay na niya ito sa loob ng isang white envelope, nasabi rin niya sa kanyang sarili na "kailangan mo itong makita, Mama"...

sa apartment yata ni Sena.. gulat na gulat si Tommy sa ibinalita sa kanya ng kanyang nobya, siya daw pala ang panganay na anak ni Chairman Jang, kung ganoon ay magkapatid talaga ang dalawa ni Park Ha sa ina, sinabihan naman ni Sena ang binata na huwag nang banggitin na magkapatid sila ni Park Ha dahil naiinis lang siya, wala pa daw alam si Park Ha, at mas makabubuti kung mananatili na lang ito na walang alam.. dahil daw anak naman talaga ni Chairman Jang si Sena ay pwedeng, pero pinutol ng dalaga si Tommy bago pa man nito matapos ang sasabihin nito, huwag na daw muna nilang pag-usapan ang tungkol sa shares, huwag daw silang magmadali, sinabi naman ng binata na naiintindihan niya.. ngayong araw daw ay magkikita sina Sena at ang Mama niya, umalis na ito, at naiwan naman si Tommy na may masama na namang ngiti sa mga labi niya...

sa suite ni Chairman Jang.. nag-report na nga si Park Ha sa chairman dala ang ilang bagay para dito.. pinaupo na muna siya ng kanyang boss, at nahalata naman ng dalaga na parang maganda yata ang gising ng Chairman ngayon, halata ba sa mukha ko ang tanong ng nakatatandang babae.. napansin naman ni Chairman Jang ang puting envelope na dala ng kanyang sekretarya at natanong kung ano iyon, sinabi naman ni Park Ha na yun daw ay para mahanap niya ang kanyang Mama, itinanong ng Chairman kung pwede ba niya iyong makita, at sumagot naman ang dalaga na "siyempre naman po".. nang sisilipin na ni Helen ang picture na laman ng envelope ay saktong tumawag naman sa kanya ang kanyang panganay na si Sena, sandali lang daw ang sabi ni Helen sa sekretarya, sasagutin lang daw niya iyong tawag.. nabanggit nga ni Helen na pupuntahan niya si Susan sa bahay nito, bago daw sila pumunta ng Hong Kong ay gusto niyang magpasalamat muli sa taong nag-alaga kay Sena.. alalang-alala na naman si Sena, tinanong niya kung papunta na ba ngayon sa bahay ng kanyang Stepmom ang kanyang Mama, tapos ay nagkunwari na lang ang malditang panganay na susunod na lang siya doon...

sa apartment pa rin yata ni Sena.. nagmamadali na para umalis si Sena, natanong naman ito ni Tommy kung bakit mukha ngang nagmamadali ito.. sinabi nga niya sa kanyang nobyo na pupunta ang kanyang ina sa bahay ng kanyang Stepmom, baka daw makita nito doon ang picture nina Park Ha at ng Papa nito, at baka malaman na si Park Ha nga ang nawawala nitong anak.. kaagad na ngang umalis ang masamang anak sa kanyang apartment...

balik sa suite.. natanong ni Chairman Jang kung narinig ba ni Park Ha ang kanilang usapan, si Sena daw iyon, pasensiya na daw kung hindi nito nasabi kay Park Ha, inamin na daw kasi niya kagabi kay Sena na siya ang Mama nito, at si Susan lang ang nagpalaki dito para kay Helen, siya daw ang tunay na ina ni Sena.. nagulat at nagtaka naman ang dalaga, kung ganoon ay si Sena daw si Inju.. sumagot naman si Helen na 'hindi', hindi pa daw niya nakikita si Inju, at noong una pa lang daw ay alam na niyang anak niya si Sena.. nagyaya na si Chairman Jang na pumunta sa bahay ni Susan, ipahahanda na daw ni Park Ha ang kanilang sasakyan at lumabas na nga ito ng suite, naiwan naman niya ang kanyang envelope sa table...

sa bahay ni Susan.. mas inuna pa ni Sena na ilagay sa loob niya iyong mga pictures na may kinalaman kina Park Ha at sa Papa nito (kahit malalaki at naka-picture frame pa).. hayaan man lang daw ng dalaga na makita ni Susan ang kanyang mukha, napansin ni Sena na nakalabas rin iyong photo album niya (o nila), sigurado daw kasi na gusto ng Mama niya na makita ang mukha ng kanyang anak noong bata pa lang ito, kinuha naman ito ng panganay (panganay na na stepdaughter ay panganay pang totoong anak), dadalhin na lang daw niya iyon sa Hong Kong.. nasabi naman ng Stepmom na parang andali lang para sa dalaga na sabihin na aalis na ito.. pinakiusapan rin ni Sena si Susan na huwag nang ikukwento kay Chairman Jang ang tungkol sa kabataan niya, respeto na daw niya iyon bilang itinuring na ina ni Sena, Mama pa rin naman daw niya si Susan.. dadalhin na lang daw niya iyong mga pictures, para kapag na-miss daw niya ang kanyang Stepmom ay titingnan na lang niya ang mga iyon.. nagpalingun-lingon pa ang sinungaling na dalaga sa paligid, habang chini-check kung meron pang ibang pictures sa bahay na related kina Park Ha at sa Papa nito...

nakarating na nga sina Chairman Jang at Park Ha sa bahay ni Susan.. pumasok na po kayo ang sabi ng dalaga, sinabihan naman siya ng Chairman na sumabay na siya dito, tumanggi naman ang nakababata at hihintayin na lang daw niya ang Chairman sa labas.. sinabi ni Helen na bahay mo rin naman ito, at sumagot si Park Ha na pumunta naman siya doon bilang sekretarya niya kaya doon na lang siya sa labas, maganda rin daw kung tatlo lang sila na mag-uusap-usap.. pumasok na nga si Helen, tila medyo nag-aalala naman ang dalaga (siguro para kay Susan)...

sa loob ng bahay ni Susan.. kuwento nang kuwento at bilin nang bilin si Susan ng tungkol kay Sena, kesyo ayaw daw nito sa seafood dahil sa tindera nito ang kinagisnan niyang Mama, fried dilis lang daw ang bukod tanging kinakain nitong seafood, at hindi pa nito iyon kakainin kung hindi malutong ang pagkakaluto.. naiiyak na ang Stepmom habang kuwento nang kuwento tungkol sa pinalaki niyang stepdaughter, muli namang nagpasalamat si Helen sa pagpapalaki ng kanyang kaibigan sa kanyang anak, kahit umalis na daw sila ay anak pa rin nito si Sena, tuwing gusto daw niyang makita ang anak ay pwede naman itong pauwiin ni Helen.. iniba ng nagiging emosyonal nang si Susan ang usapan, iiinit na lang daw niya ulit iyong pagkain sa pot, pero napaso siya nang hawakan niya ito (kahti sa mismong hawakan), inalalayan naman siya nina Helen at Sena, pero mukhang mas nag-aalala para dito ang panganay nila.. hinugasan ni Susan ang napaso niyang kamay sa may lababo, hagulgol siya nang hagulgol, at nagkukunwaring umiiyak siya nang dahil sa paso niya.. lumapit sa kanya si Helen at hinawakan siya sa kanyang mga balikat, tapos ay sumandal ito sa kanya para i-comfort siya.. parang nalulungkot rin naman si Sena para sa kinagisnan niyang ina...

sa paboritong bench na tambayan ng mag-MU.. gamit ang laptop ni Terrence ay ipinakita ni Lee Gak kay Park Ha ang mga pictures na kinopya niya mula sa cellphone ni Terrence, tinanong niya rin sa dalaga kung alam ba nito kung saan kinunan iyon, at nakilala nga ng babae na sina Terrence at Tommy ang mga nasa larawan.. sinabi naman ng prinsipe na hindi lang silang dalawa ang nandoon kundi may isa pa, mukhang h-in-ighlight ng lalaki iyong image ni Park Ha sa background nung picture, at siya nga daw iyong nasa likod sabi ng babae, ibig sabihin daw ay sa New York iyon, doon sa pub na pinagtrabahuhan niya noon.. nakita daw ni Lee Gak iyong mga pictures doon sa cellphone na ibinigay na niya kay Tommy.. naalala at inilabas ni Park Ha iyong postcard niya na galing kay Terrence, siguro daw ay nagpunta sina Terrence at Tommmy sa pub na pinagtatrabahuhan niya dati, at iniwan lang iyong postcard sa may counter, ganun na nga daw siguro ang nangyari sabi ng kamahalan.. sinabi ni Lee Gak na hindi na daw niya gagamitin ang mga larawan laban kay Tommy, matapos ay isinuot niya ang salamin ni Terrence (simbolo siguro na lalaban na nga siya bilang si Terrence mismo), sabay sabi na pababagsakin ko ang lalaking yun...

---o0o---


RTP-50
3rd move, gamitin ang koneksyon ni Park Ha sa totoong Terrence laban kay Tommy.. patay ang Lola Chairman...

i-m-in-eet ni ala-Terrence ang pinsan niya sa labas na si Tommy sa isang lugar.. pasensya na daw kung na-late siya, naiinis na ba daw sa kanya ang Director dahil sa kailangan nilang magkita araw-araw, absent daw siya kanina dahil napuyat kasi siya kagabi, at sa tingin niya ay hindi talaga siya pang-office, kung gusto daw ni Dir. Yong ay siya na muna ang bahala sa Kompanya.. pumasok na ang dalawa, isang cafe o restaurant yata yun.. may ipapakilala daw kasi si ala-Terrence kay Tommy, pero mukhang wala pa ito, kaya magsi-cr daw muna siya.. saktong punta naman ng binata sa cr ay dumating na rin sa kanilang tagpuan si Park Ha.. nasorpresa si Dir. Yong na makita ang babae na kaki-kidnap lang niya kahapon, medyo pinahagingan siya ng dalaga, nakatulog daw siguro ito nang mahimbing sa kabila ng ginawa nito sa kanya, para daw kasing walang nangyari sa lalaki eh.. tinanong naman siya ng kalabang binata na bakit hindi ka nagsumbong sa mga pulis, sumagot naman ang babae na hindi kita isusumbong, at sinabi naman ni Tommy na alam niyang dahil iyon sa impostor.. nag-advice ang salbaheng binata sa babae na mag-iingat ito sa mga pinipili nitong ka-date, tapos ay sinabihan na niya itong umalis na at gawin na kung anuman ang gagawin nito, huwag lang daw siyang magkakamaling pakialaman siya.. inabutan naman sila ni ala-Terrence na nag-uusap, naitanong tuloy nito sa kanyang pinsan-sa-labas kung magkakilala ba sila ng dalaga, sumagot naman si Tommy na "ah, hindi" (which is maling-mali, dahil kahit na hindi nagkakilala ang dalawa noon sa New York, ay nagkakilala naman sila sa Korea, at minsan pa ngang ipinasok ng Director si Park Ha sa kanilang Kompanya).. naupo na muna sila sa kanilang table.. si Park Ha daw kasi ang gustong ipakilala ni ala-Terrence, nakita daw niya ang babae kahapon sa tapat ng Opisina, pakiramdam daw niya ay nakilala na niya dati ang babae, maging si Park Ha ay sinabing parang pamilyar nga sa kanya ang nagpapanggap na Terrence (bale pa-inosente iyong pagkasabi niya, na parang hindi pwedeng malaman ni ala-Terrence na minsan nang may nagpanggap na siya), at nalaman nga nilang nagkakilala na sila dati sa New York (medyo mali yung assumption na iyon, dahil alam naman ni Park Ha na hindi talaga sila personal man lang na nagkaharap ni Terrence, bale isang delikadong move yung ginawa nilang mag-MU para lang palabasin ang katotohanan kay Dir. Yong), napaisip naman si Tommy dahil sa mga bagong pangyayari, ch-in-eck naman nung dalawang magkasabwat ang nagiging reaksyon ng binatang Director sa bawat kuwentong ibinubunyag nila.. naitanong ni ala-Terrence sa babae kung nadala ba nito iyong postcard na ibinigay ng totoong Terrence dito, at ipinakita nga ng dalaga iyong postcard na may sketch niya.. nasabi daw ni Park Ha kay ala-Terrence na siya ang gumuhit noong portrait nito sa card, at kapag iniisip niya ay parang naaalala nga niya na nangyari iyon.. sumingit naman si Park Ha sa usapan at tinanong ang Director, hindi ba daw kasama ito ni Terrence noong mga oras na iyon, para daw kasing nakita niya ito sa pub na kanyang pinagtrabahuhan.. nagsimula na namang kabahan ang kontrabidang binata, baka ibang tao daw iyong nakita ng dalaga, sinang-ayunan naman ito ng nagpapanggap na pinsan niya, hindi daw si Tommy iyong nakita ng babae at siguradong nagkamali lang daw si Park Ha dahil hindi naman sila nagkita noon sa New York base sa kuwento ng Director.. dahil sa nakakabahalang usapan, ay ninais na ni Dir. Yong na umalis, may trabaho pa daw siya, patampo namang sinabi ni ala-Terrence na bakit aalis na kaagad ito, akala pa naman daw niya ay matutuwa ang kanyang pinsan-sa-labas na malaman na nakita niya ulit ang dalaga.. nagpaalam na rin si Park Ha dahil may gagawin pa daw siya, magkita na lang daw ulit sila sabi ni ala-Terrence.. nang ang dalawa na lang ulit ang maiwan, naitanong ni ala-Terrence kung sa tingin ba daw ni Tommy ay nagustuhan niya iyong babae, eh kasi daw eh i-dr-in-awing pa niya ito, nag-date din daw kaya sila noon, hindi naman daw kasi niya maalala ang mga nangyari sa kanya eh, nakakabaliw na daw.. panay naman ang kaiisip ni Tommy...

sa Mansyon, sa kuwarto ni Terrence.. naghahalungkat si Tommy sa mga gamit ng kanyang lehitimong pinsan.. nakita niya ang laptop ng binata sa istante, ch-in-eck niya ang laman nito at nakita niyang picture nilang dalawa ni Terrence sa New York ang wallpaper nito (ang lupet nung laptop, hindi na nag-i-startup, parang iniiwan lang na naka-standby parati), napabulalas naman siya na "ang walanghiyang iyon" (na tumutukoy doon sa impostor), pero naabutan siya ni ala-Terrence sa kuwarto.. ano ba daw ang ginagawa niya, at nagpanggap na lang si Tommy na naghahanap lang siya ng libro na pwede niyang basahin at nakita nga niya iyong laptop, ginagamit pa ba daw ito ni ala-Terrence, nagkunwari rin naman ang nagpapanggap na pinsan na hindi na niya iyon ginagamit dahil luma na yun.. inilapag ni Tommy iyong laptop sa isang portion doon sa istante, at nirekomendahan naman siya ni ala-Terrence ng librong pwede niyang basahin mula doon sa mga libro sa kuwarto nito...

sa labas yata ng Rooftop.. nagulat si Lee Gak na malaman na totoong anak ni Chairman Jang si Sena Hong, oo nga daw at tunay silang mag-ina ang sabi ni Park Ha.. muli naman silang nai-relate ng prinsipe sa mga katauhan nila sa nakaraan, sa Joseon daw ay sina Bu Yong at ang Prinsesa ay totoong magkapatid noon, nabagabag nga daw siya na malaman na hindi tunay na magkapatid ang dalawa sa future, kung si Sena Hong ay totoong anak ni Chairman Jang at inampon lang naman si Park Ha ng kinilala nitong ina, ay posibleng si Chairman Jang rin nga daw ang tunay na ina ni Park Ha, tulad sa Joseon ay maaaring tunay nga silang magkapatid.. nasabi naman ng dalaga sa prinispe na "ano ka ba, imposible iyon", pero napaisip nga rin ang babae sa konklusyon ng kamahalan...

sa Mansyon, minamasahe ni ala-Terrence ang kanyang Grandma para maglambing dito, at na-miss naman daw iyon ng Lola Chairman.. naitanong naman ng Lola kung talaga bang hindi na magdo-drawing ang kanyang apo, sinabi naman ng nagpapanggap na meron na namang mga cellphone na pwedeng kumuha ng mga larawan kaya hindi na niya kailangang gumuhit pa (reason, hindi niya lang talaga talent yun, dapat sinabi niya na lilipat na siya sa larangan ng calligraphy, at least related sa line art yun).. dahil doon ay nagyayang mag-picturan si ala-Terrence, saktong dating naman ni Tita-Lola Mary, nakakainis daw na doon pa naglambingan ang dalawa na parang iniinggit pa siya, alam naman daw ng mga ito na wala siyang apo eh, biniro naman siya ng Lola Chairman na edi gumawa rin siya ng apo, wala nga daw siyang anak eh - apo pa kaya, ang sakit daw tingnan ng mag-Lola sa mata, mabuti pa daw ay huwag na lang niyang tingnan ang mga ito, nang-iinggit lang daw sila eh, kaya umalis na lang si Tita-Lola Mary.. muling naiwan ang mag-Lola-lolahan, masayang-masaya ang matanda na makapiling si ala-Terrence, natanong ng binata kung may gusto ba ito, nasabi naman ng matanda na parang gusto niya tuloy ng cold noodles, kung ganun ay ibibili daw siya ng kanyang apo, at nasabi nga ng Grandma ni Terrence na isa lang ang kahilingan niya, at yun ay ang maging masaya sila habangbuhay.. sumagot naman si ala-Terrence sa kahilingan ng Lola ng kanyang reincarnation, at sinabi na "sige po, Grandma"...

sa may Han River Bridge yata, sa loob ng kotse ni Dir. Yong.. inutusan ni Tommy si Sena na kuhanin ang laptop ni Terrence sa kuwarto nito, i-s-in-aved daw kasi doon ng impostor lahat ng documents na ninakaw ni Sena mula sa Lola Chairman, nagtaka naman si Sena na pati ba naman daw iyon ay napakialaman nung impostor ni Terrence.. makikipagkita daw si Tommy kay ala-Terrence para magkaroon ng pagkakataon si Sena na kuhanin ang laptop nito...

niyaya nga ni Dir. Yong si ala-Terrence na mag-inom sa isang bar.. mapapansin na binabagalan talaga ng kalabang binata ang kanyang pag-inom...

pumunta na nga si Sena sa Mansyon.. at nang nasa labas na siya ay nakita niyang saktong alis rin ng maid, pumasok na ang dalaga sa bahay, meron siyang kopya ng susi para sa gate nito, pumasok na siya ng Mansyon, at dahan na dahan na umakyat sa kuwarto ni Terrence...

balik sa bar.. nilagok ni ala-Terrence ang kanyang inumin, busog na daw siya sa kakainom, pero inalok siya ni Tommy na uminom naman ng cocktail...

sa Mansyon ulit.. nakapasok na nga si Sena sa kuwarto ni Terrence, hinanap na niya iyong laptop na pinapakuha ni Tommy, at nakita niya ito sa istante na napapatungan ng ilang libro.. kinuha niya ito at ch-in-eck muna sa study table ng binata, at nakita nga niya ang wallpaper kung saan magkasama sa larawan sina Terrence at Tommy.. nahuli ng Lola Chairman si Miss Hong, bkt daw nandoon ang sekretarya, ano daw ang ginagawa nito eh wala namang ibang tao doon sa kuwarto ni Terrence.. napansin ng Lola na laptop ng kanyang apo ang pinapakialaman ng dalaga, ano daw ba ang tinitingnan ng dalaga, hindi ba daw at sina Terrence at Tommy iyon, gusto daw niyang makita iyong picture na yun.. pero s-in-ecure na ni Miss Hong iyong laptop ni Terrence sa kanyang mga kamay, sinabi niya sa matanda na inutusan siya ni Team Leader Yong para kuhanin iyon, at nagpaalam na nga siya na aalis na siya, nagmamadali niyang nilampasan ang Lola Chairman at lumabas ng kuwarto ni Terrence, at aksidenteng may nahulog mula sa kanya.. pero hindi magawang maniwala ng Lola Chairman sa dati niyang sekretarya (siguro ay dahil sa unauthorized entry nito sa Mansyon at maging sa kuwarto ni Terrence), sinubukan niyang pigilan ang dalaga, ibalik daw nito iyong laptop, sa apo daw niya iyon, pero ayaw pakawalan ni Sena iyong laptop.. nakaabot ang pag-aagawan nila sa may hagdanan, at doon ay aksidente nang nahulog sa may hagdan ang matanda, nakapikit noon si Miss Hong at nang imulat niya kanyang mga mata ay nakita niyang nakahandusay na nga sa may ibaba ng hagdanan ang matanda, ilang saglit pa ay dumaloy na sa sahig ang dugo mula sa ulo nito, nangangatal ang dalaga sa sobrang shock at takot sa nangyari, pero yakap-yakap pa rin nito iyong laptop na ipinakuha sa kanya ng kanyang nobyo.. dali-dali itong umalis ng Mansyon at iniwan na lang basta ang kaawa-awang Lola.. sa may labas ng bahay, sa may kalsada, ay parang may ilang kalalakihan pang nagtatalo dahil sa banggaan ng mga kotse...

balik sa bar.. nag-text si Sena kay Tommy, may malaki daw na problema, kaya tawagan niya ang babae.. niyaya na ng binata si ala-Terrence na umalis na doon sa bar, dahil ang sabi daw nito ay may gagawin pa siya...

sa may Han River Bridge yata ulet.. ikinuwento ni Sena kay Tommy ang nangyari, hindi daw niya sinasadya ang nangyari, umiiwas lang daw siya sa matanda pero bigla na lang itong nahulog, hindi daw niya kasalanan iyon, maniwala daw ang binata sa kanya.. sinabihan naman siya ni Tommy na huwag siyang matakot, na aksidente lang ang nangyari, sinabi niya na poprotektahan niya ang babae, sabay yakap dito...

umuwi na si ala-Terrence sa Mansyon na may dala pang pasalubong (cold noodles yata) para sa itinuturing niyang Grandma.. may napansin siyang mga nakasulat sa may daan (may mga sulat chalk eh, tapos may mga bakas nung nangyaring banggaan), at nang papasok na siya ay nagtaka siya kung bakit naiwang nakabukas ang gate, dumiretso siya sa mismong Mansyon at pagpasok niya ng pinto ay nakita niya agad na nakahandusay na sa sahig ang Lola Chairman, at may dugo na ring kumalat sa sahig na mula sa ulo nito, alalang-alala naman ang nagpapanggap na apo para sa matanda.. kaagad siyang nagsisigaw para humingi ng tulong...

sa ospital.. hindi mapigilan sa kaiiyak si Tita-Lola, hindi na daw niya alam ang gagawin, sana naman daw ay ayos lang kanyang ate.. pinapakalma naman siya ni Dir. Pyo, mag-relax lang daw si Mary, kailangan daw niyang maging mahinahon sa mga sitwasyon na gaya noon.. sinabihan rin ito ng pamangkin niya sa labas na si Bernard na tama ang sinabi dito ni Franko.. pagkalabas ng doktor galing sa kuwarto ng Lola Chairman, ay kaagad itong tinanong ni Exec. Yong, kumusta na ba daw ang kanyang Mama (feeling anak pa eh), humingi ng paumanhin ang doktor ng Chairman, nagawa na daw nila ang lahat, pero hindi na nito kinaya.. sa puntong iyon ay napahagulgol na sa pag-iyak ang nakababatang kapatid ng matanda na si Mary, nabigla si Tommy sa masamang balita at kaagad itong lumabas ng ospital, naluha na parang nagi-guilty naman si ala-Terrence sa nangyari sa Lola ng kanyang reincarnation.. (malungkot ang nangyari na ito para doon sa series, kasi naman napaniwala ni Lee Gak ang matanda na siya nga ang apo nito, tapos ay namatay ito samantalang nasa coma pa ang totoong Terrence, tapos sa bandang huli ay makaka-recover pa ang apo niya at wala na ang Lola Chairman noon para magkita pa silang muli)...

sa labas lang nga yata ng ospital.. ibinalita ni Tommy sa kanyang nobya na patay na nga ang Lola Chairman.. guiltyng-guilty naman si Sena sa kanyang nagawa, siya daw ang may kasalanan, ano na daw ang gagawin nila, ano na ang mangyayari sa kanya, paano na daw siya.. sinubukan naman siyang pakalmahin ni Tommy, pumunta na daw ito sa Hong Kong, hindi para tumakas pero para magsimula ng panibagong buhay, hangga't wala daw sinasabi ang binata ay huwag na muna siyang babalik sa Korea kahit na ano ang mangyari.. umiiyak naman na tumungu-tungo na lang si Sena sa payo ni Tommy...

sa burol ng Lola Chairman.. humihingi ng tawad si ala-Terrence sa itinuring na rin niyang parang totoong Grandma, naalala din nito iyong ilan sa mga huling nasabi sa kanya ng matanda bilang si Terrence, na ang mahihiling lang nito para sa kanila ay ang habangbuhay silang maging masaya.. nilapitan ni Tita-Lola Mary ang binata, may kukunin lang daw siyang gamit sa Mansyon, kaya samahan niya muna itong umuwi sa bahay nila.. pagkarating ng Mansyon, ay hindi na napigilan ng Tita-Lola na muling mag-iiyak, nalulungkot naman si ala-Terrence dahil sa nangyari...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento