Mga Pahina

Biyernes, Marso 08, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 9 Recap

matalino talaga ang script ng istorya na 'to..
kasi sinagot nila iyong isang dating-dati ko pang tanong..
bale hindi pala sinagot, pero inaalam na nila iyong sagot sa tanong ko ngayon..
at yun ay kung bakit dinala ng tadhana ang Joseon 4 sa mismong Rooftop house ni Park Ha..

well, hindi naman siya perpektong matalino na script..
may ilan din namang details na hinahayaan nilang maging medyo kuwestiyonable..
pero yung main plot, eh sobrang galing nang pagkakagawa...

anyway, dumiretso na tayo sa recap...


Additional Terms / Names:
  • Inju Park - ang totoong pangalan ni Park Ha, Jinju Park talaga dapat iyon pero nagkamali sa pagsulat nito ang kanyang mga magulang
  • ala-Inju - ang tawag ko kay Sena Hong noong magpanggap siya bilang nawawalang bunsong anak ni Chairman Jang na si Inju


RTP-41

sa Mansyon.. halos kadarating lang ni ala-Terrence, tila inaasar siyang binati ni Tommy kung bakit naman niya ipina-cancel ang engagement niya.. pinaupo na silang lahat ng Lola Chairman upang magpulong, muling humingi ng tawad ang nagpapanggap na apo dahil sa nangyari, sinubukan namang ungkatin pa ni Exec. Yong ang dahilan ni ala-Terrence kung kaya nito kinansela ang engagement, pero kaagad naman ding pinutol ng Lola Chairman ang usapan dahil para saan pa daw at tatanungin nila ang binata eh hindi na rin naman matutuloy ang kasal, ayaw na daw makarinig ng matanda ng kahit na ano tungkol sa engagement na iyon.. ibinalita ng Chairman na malapit nang magkaroon ng share holders meeting ang kanilang Kompanya upang pag-usapan kung sino ang susunod na magiging CEO, kung siya daw kasi ang masusunod ay gusto niyang si ala-Terrence ang makakuha nung posisyon.. sinubukang tumutol ng anak niya sa labas, sa tingin daw niya kasi ay hindi pa handa ang binata para doon.. sumingit naman sa usapan si Tommy at sinabi sa kanyang Papa na ang board na ang bahala na magpasya tungkol sa bagay na iyon.. dahil sa kanyang kagustuhan, hiniling ng Lola Chairman kay Tommy na kumbinsihin naman nito ang mga share holders na si ala-Terrence ang iboto dahil ito daw ang dapat na maging susunod na CEO, siguraduhin daw ni Tommy na mangyayari nga yun, naiinis naman ang binata sa utos ng matanda...

on the way, habang nasa kotse.. inis na inis si Exec. Yong sa naging pasya ng Lola Chairman, kung siya daw kasi ang masusunod ay matagal na niyang pinaalis si ala-Terrence sa Kompanya, maging si Chairman Jang naman daw kasi ay wala ring ginagawa.. nabanggit naman ni Tommy sa kanyang ama na huwag itong mag-alala sapagkat kakampi nila ang nakababatang Chairman.. nagtaka si Exec. Yong, kaya ni-reveal na dito ni Tommy ang pekeng-katotohanan na si Miss Hong ang nawawalang anak ni Chairman Jang (peke na katotohanan: peke dahil balak nina Tommy at Sena na palabasin na si Sena ang nawawalang anak ng Chairman, at katotohanan din naman dahil alam naman ng Chairman na totoong anak niya si Sena)...

sa Office.. tuwang-tuwa si Exec. Yong kay Miss Hong, nag-sorry siya sa masasama niyang nasabi sa dalaga dati, sinasabi na nga ba daw niya na sa magandang pamilya talaga nanggaling ang dating sekretarya, pero naulit pa rin niyang itanong kung sino iyong babae na nagtitinda lamang sa palengke, pero hindi na rin naman nila pinag-usapan pa iyon.. nabalitaan daw ng Executive kay Tommy na ang babae ang nawawalang anak ni Chairman Jang, sumagot naman si Sena na maging siya ay hindi rin makapaniwala, natutuwa naman si Tommy na nag-uusap na nang maayos ang dalawa (o baka dahil rin sa ginagawang pagpapanggap na kanyang nobya), mapapatawad pa daw ba ng babae ang Executive, nais daw kasi nito na bumalik na sila sa dati, um-oo naman si Miss Hong, at muli itong inalok ng Executive na bumalik na sa Kompanya...

hiniling ni Tommy na magkausap na muna sila ng kanyang nobya.. ibinalita nga niya sa dalaga na magkakaroon ng share holders meeting at dadalo doon si Chairman Jang.. naulit naman ni Sena na kailangan na nilang ihanda ang mga dokumento na magpapatunay na siya nga ang nawawalang anak ng Chairman kung ganun.. sinabi ni Tommy na kakailanganin ni Sena na makakuha ng ilang strands ng buhok ni Park Ha na gagamitin nila para sa DNA testing.. tatawagan na rin daw ng lalaki ang Chairman upang mag-request dito na magpadala ito ng samples naman ng kanyang buhok...

nagwawalis si Park Ha sa labas ng Rooftop.. mukhang kauuwi lang nung 3 mula doon sa lugar na tinuluyan ni Park Ha at may dala-dala pa ang mga ito na kahon.. susunduin pa naman daw sana sila ng dalaga kapag nakatapos na siyang maglinis, at sinabi naman nung 3 na hindi na siya kailangang bumalik pa doon dahil sa Rooftop na muli titira ang dalaga na kasama nila.. naitanong ng 3 kung nasaan naman ang kanilang kamahalan, sinabi ni Park Ha na pumasok na ito sa Office, kaya naman nagmamadaling ibinaba nung 3 ang mga dala nilang kahon at sumunod na rin sa Opisina.. nakakangiti na ulit ngayon si Park Ha...

sa conference room ng grupo ni Team Leader Yong.. nais paimbestigahan ni ala-Terrence sa 3 niyang alalay sina Director Tommy Yong at Miss Sena Hong, siyempre nagtaka iyong 3 kung bakit kasali sa mga iimbestigahan nila ang kinikilala nilang reincarnation ng kanilang prinsesa, sa puntong iyon ay inamin na rin ng kamahalan ang napansin niyang kaibahan ni Miss Hong kay Prinsesa Hwa Yong, na busilak ang kalooban ng prinsesa subalit si Sena ay sinungaling at isang masamang babae, naisip niya na ang itinakdang prinsesa pala ay masama, baka daw kasi isa rin sa mga rason ng palalakbay nila sa panahon ay upang makilala nila kung sino ang mga sinungaling...

noong ang 3 alalay na lang ang naiwan.. nagtataka pa rin sila kung bakit pinagdududahan ng prinsipe si Miss Hong na reincarnation nga ng prinsesa at maging ang mismong itinakdang prinsesa.. nabanggit tuloy ni Chi San ang isang tsismis noon sa Joseon, na hindi na lang niya ipinagsabi ang tungkol doon dahil baka paputulan pa siya ng ulo.. naintriga naman ang dalawa sa nabanggit na tsismis ng eunuch.. may usap-usapan nga daw kasi noon na isa ngang masamang babae ang prinsesa, na ang nakababatang kapatid nito sana ang itinakdang mapangasawa ng prinsipe, subalit dahil sa inggit ay nagawa nitong sunugin ang mukha ng kanyang kapatid, kaya naman siya na ang naging prinsesa.. hindi naman naniniwala dito sina Yong Sul, at pinayuhan ni Man Bo si Chi San na huwag maniwala dahil tsismis nga lang iyon...

sa isang insidente sa loob ng Kompanya.. nagawang iligtas ni Yong Sul ang Chief of Security ng Kompanya nila mula sa isang magnanakaw na ipinagtataka nga nila kung paano ba nakapasok doon sa Building.. pinigilan ni Yong Sul nang mag-isa iyong magnanakaw sa pamamagitan ng galing niya sa martial arts.. mabuti na lang daw at hindi nito nakuha yung mga jewels na laman nung bag.. nakilala nga nung Chief of Security si Yong Sul na doon din pala nagtatrabaho sa Kompanya, nagpakilala iyong security officer at nagpakilala rin ang binata bilang miyembro ng marketing department.. at mukhang magkakaroon na ang bodyguard ng koneksyon sa security...

si Chi San naman ay sumama na gumimik at makipag-inuman sa mga babaeng empleyado ng Kompanya at nagtanong-tanong tungkol sa ugali ni Director Yong.. nabanggit nga ng mga babae na mahilig magpatalsik ng mga empleyado ang Director...

sa product presentation ni Team Leader Yong.. nagpe-present siya ng latest project ng team niya, isang get away package na may kinalaman sa lugar na tinuluyan ni Park Ha nitong nakaraan.. hindi interesado si Dir. Yong, at nangingiti lang na pinagmamasdan ang picture nang naka-confine na totoong Terrence sa cellphone niya.. habang nagdi-discuss si ala-Terrence ay biglang pinalitan ni Tommy ang display sa background ng video o picture ng comatose na si Terrence, nagulat at nagtaka ang lahat sa kanilang nakita, nang mapansin na ito ng nagpapanggap na tagapagmana ay kumilos na si Tommy.. sinabi niya na ang totoong Terrence Yong ay kasalukuyang comatose at nasa bansang America with zero chance of survival (isa 'tong bagay na hindi naman talaga pwedeng gawin ni Tommy, dahil may hawak si Lee Gak na ebidensya na makapagsasabi na may kinalaman siya sa nangyari sa totoong Terrence).. ang lalaking nasa harapan daw nila ngayon ay isa lamang impostor.. nagalit ang Lola Chairman sa kanyang nalaman, tinanong nito si ala-Terrence kung sino ba talaga ito, pero bigla na lang inatake ang matanda dahil sa bigat ng mga pangyayari.. tatakas na sana si Lee Gak, pero agad siyang sinundan ni Dir. Yong, sinuntok ang prinsipe ng apo sa labas na ikinatumba niya, sabay sabi ng kontrabida na isa talagang sinungaling ang binata, tila takot na takot si Lee Gak dahil sa pagkakabuko sa kanya.. matapos yun ay biglang nagpalakpakan na ang board members, nagpapantasya lamang pala si Tommy tungkol sa pagbubuko niya kay ala-Terrence.. natuwa ang Lola Chairman sa isa pang tagumpay ng kanyang kinikilalang apo, agad nitong inutusan si Exec. Yong na i-secure ng broadcasting date ang produkto ni ala-Terrence, bago tuluyang umalis ay binati at nagpasalamat rin ang Chairman kay Dir. Pyo dahil sa mahusay nitong pagte-train kay ala-Terrence, nagtinginan naman na parang nag-aasaran ang magkaribal na sina Bernard Yong at Franko Pyo...

napaka-plastic nang ginawang pagbati ni Dir. Yong sa naging magandang presentation ng nagpapanggap niyang pinsan, good job daw.. natunugan na rin ni Tommy na pinaiimbestigahan na siya ng nagpapanggap na tagapagmana, mag-ingat na lang daw si ala-Terrence dahil wala na itong oras para lokohin pa siya.. napaisip naman ang prinsipe sa mga binitawang salita ng salbaheng pinsan-sa-labas ni Terrence...

sa bahay ni Susan.. tahimik na nanonood ng Koreanovela si Susan nang datnan siya ni Sena.. tila nag-iipon pa ng lakas para sa gagawin niyang pagpapanggap ang malditang stepdaughter.. naupo siya at tinanong ang Mama niya kung gusto ba nitong lumabas sila pamaya.. laking gulat naman ng ina na pinatay kaagad ang tv para mas makausap nang ayos ang panganay na stepdaughter niya.. may problema daw ba ito, o baka naman mayroong sakit, hindi daw kasi makapaniwala ang matanda, dahil grade 3 pa ang babae noong huling beses nitong yayain na lumabas ang kanyang kinagisnang ina.. natanong ulit ng ina kung nagkakaganun ba si Sena dahil sa hindi na matutuloy ang engagement, sumagot naman ang dalaga na okay lang na hindi na iyon matutuloy dahil hindi rin naman invited si Susan sa engagement party na iyon.. nagkasundo na ngang lumabas ang mag-ina, at masayang-masaya si Susan sa nakikita niyang pagbabago sa anak.. tatawagan na rin daw ni Sena si Park Ha para yayain, nanibago si Susan sa ikinikilos ng kanyang panganay, sinabi naman ni Sena na kapamilya na rin nila kasi si Park Ha...

sa isang restaurant.. masayang-masaya si Susan na makasama ang dalawa niyang stepdaughter, kahit na wala daw siyang asawa ay doble naman ang saya na nararanasan niya sa buhay ngayon.. nabanggit ni Sena na parati niya silang (hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya) naiisip pagkatapos ng engagement niya, kaya naman daw sorry sa lahat dahil naging makasarili siya.. pa-good-girl epek talaga ang malditang panganay sa harap ng dalawa.. natanong niya rin si Park Ha kung kailan ba nito ulit tatawagin siya na ate, kinumbinsi naman ni Susan na patawarin na nga ni Park Ha ang ate niya, nag-mature na daw kasi ito matapos na hindi matuloy iyong engagement niya, hindi naman nakasagot ang nakababata.. naisip naman ng panganay na mag-sauna silang mag-anak para sa bonding nila...

sa sauna.. nag-shower muna yata iyong magkapatid.. halos kalalabas lang ni Park Ha, kaya inalok siya ni Sena na iyong suklay na lang nito ang gamitin.. wala naman si Susan dahil umuna na daw ito sa loob ng sauna.. upang magkaroon ng pagkakataon upang maitago iyong suklay na ipinagamit niya sa nakababatang kapatid, nagkunwari si Sena na nauhaw siya matapos mag-shower, inutusan niya si Park Ha na bumili ng maiinom nila, at bago umalis ang nakababata ay kinuha niya dito iyong suklay na ipinagamit niya dito.. pagkaalis ni Park Ha ay medyo ch-in-eck ni Sena iyong suklay, tapos ay isinilid niya ito sa isang selyadong plastic...

sa sauna pa rin.. pagpasok ni Sena doon sa mismong sauna (o kung ano pa man ang tawag dun), ay inabutan niyang nagkukulitan si Susan at si Park Ha.. pabiro naman nitong binati iyong dalawa na kinikilabutan daw siya sa ginagawa nila, tapos pinatabi niya si Park Ha dahil Mama daw niya si Susan, pinansin naman ni Susan ang pabirong pagseselos ng kanyang panganay.. natanong ni Sena kay Park Ha kung nami-miss ba nito ang Mama niya, hindi naman ito direktang nasagot ng nakababata.. ang natatandaan daw niya ay noong first birthday niya (astigen, may alaala siya ng first birthday niya), wala daw silang panggatong noon kaya ang ginawa ng Papa niya ay inilagay na lang siya sa ibabaw ng tiyan nito, nasabi naman ni Susan na lahat talaga ay gagawin ng Papa ni Park Ha.. mukhang in-absorb naman ng malditang panganay iyong impormasyon na iyon, siguro para gamitin na rin sa kanyang pagpapanggap...

nakabalik na sa South Korea si Chairman Jang.. sinalubong ito nina Exec. Yong at Dir. Yong, agad na napansin ng Chairman na wala si Secretary Hong, ipinaliwanag naman ni Tommy na meron lang inaasikaso si Sena.. pansamantala ay sila daw muna ang mag-aasikaso sa Chairman, tumanggi naman ito at hindi na daw nila kailangan na samahan pa siya sa kanyang mga lakad.. umalis na rin ito kaagad, natanong naman ni Exec. Yong sa kanyang anak kung bakit hinahanap ng Chairman si Sena.. sumagot naman si Tommy na "basta, for some reason"...

nag-meet sina Susan Kang at Chairman Helen Jang sa isang parang park.. nag-kape pa sila, at nabanggit ni Susan na parehas ang mag-ina na mahilig sa kape.. nagpasalamat ang Chairman sa tinatawag niyang 'ate' (hindi ko pa rin sigurado kung anong relasyon nila, pero baka nga magkapatid sila) dahil daw sa maayos nitong pagpapalaki sa anak niyang si Sena (kung alam lang niya, wala iyon sa nagpapalaki kundi nasa mismong ugali ng tao).. bigla-bigla na lang nahilo si Chairman Jang, at agad naman siyang inalalayan ni Susan...

sa Rooftop house naisipan ni Susan na dalhin si Helen.. naikuwento nga ni Susan kay Park Ha na untikan na itong himatayin kaya kung pwede ay doon na muna ito sa inaakala niyang inuupahang bahay ng kanyang bunsong stepdaughter.. bigla namang tumunog ang cellphone ng matanda, at kailangan na daw niyang bumalik sa tindahan, si Park Ha na lang daw muna sana ang bahala sa nagpapahingang Chairman, at pumayag naman ang dalaga.. pagkaalis naman ni Susan ay biglang sumulpot sa gilid ni Park Ha ang naiinis na si Lee Gak.. bakit daw niya nagawa iyon, hindi man lang daw ipinakilala sa kanya ng dalaga ang ina nito.. nabanggit naman ni Park Ha na wala sila sa Joseon, na sa panahon ngayon ay ang nakababata ang dapat na nagpapakilala sa nakatatanda, nasa future daw ang kamahalan kaya dapat ito ang sumunod sa rules nila.. sumagot naman ang prinsipe na "makikita natin", sinubukan niyang tawagan ang kanyang mga alalay upang makahanap siguro ng mga kakampi, ngunit nakailang sigaw na siya ay wala namang lumalapit.. hindi pala siya napapansin ng mga ito dahil busyng-busy ang 3: si Man Bo ay nagla-laptop, si Chi San ay naka-headset at nakikinig sa music, at si Yong Sul naman ay naglalaro ng wireless na computer game.. tinawanan lang tuloy ni Park Ha si Lee Gak tapos ay nilayasan na rin niya ito, asar na asar namang sinabi ng prinsipe sa kanyang sarili na humanda sila sa kanilang kaparusahan...

---o0o---


RTP-42
2nd Bu Yong sighting.. makukumpirma na ni Lee Gak na si Park Ha ang reincarnation ng kanyang hipag na si Bu Yong...

sa Rooftop.. kumain sa may labas ang 5 na kasama si Chairman Jang.. naghanda si Park Ha ng seafood stew para sa dinner, at sa Mama daw niya siya um-order since seafood ang mga binibenta nito.. naunang binigyan ng dalaga ang kanyang hindi-pa-nakikilalang-Mama.. hihingi na sana si Lee Gak subalit naunahan siya ng takam na takam niyang mga alalay, hiling-hili naman si Lee Gak sa pagse-serve ni Park Ha doon sa 3, hanggang sa umangal na ito dahil ibinigay na daw sa kanila lahat ng babae at wala ng natira para sa kanya.. sinabi naman ni Park Ha na huwag itong mag-alala dahil marami pa naman ang natira, napahiya ang prinsipe at napagtawanan siya ng kanyang mga alalay, pagagalitan pa sana ang mga ito ng kamahalan, pero sinita ito ni Park Ha (marahil dahil nasa harapan nila ang isang bisita).. nasarapan ang prinsipe sa inihanda ng dalaga, natuwa naman si Chairman Jang sa klase ng pagsasamahan ng 5...

sa hotel suite na tinutuluyan ni Chairman Jang.. nagpahanda na pala ang Chairman ng dokumento para sa transfer of shares and assets niya, at sinasaad doon na si Sena ang magmamana ng lahat ng kanyang share sa Kompanya.. nilinaw pa ito ng kanyang abugado, dahil kapag nagkataon ay ang anak daw nito ang magiging 2nd largest share holder ng Kompanya.. (kita mo nga naman kung gaano kamalas ang babaeng iyon na si Miss Hong, sa kanya na nga talaga dapat mapupunta yung pamana ng kanilang ina, pero dahil sa sobrang pagka-inggit sa inaakala niyang stepsister lang niya at dahil sa paggawa ng kasamaan ay mukhang mapupurnada pa ang pagtanggap niya sa kanyang mana).. wala namang problema ang Chairman sa nakasaad sa papeles, kaya pinirmahan na niya ito...

sa labas yata nung hotel na tinutuluyan ng Chairman, sa loob ng kotse ni Dir. Yong.. naghahanda na sina Tommy at Sena na isagawa ang kanilang palpak na plano, sana daw ay makayanan ni Sena ang gagawin nila, maghintay na lang daw muna si Miss Hong doon sa coffee shop, pumasok naman si Tommy sa gusali upang ibalita kay Chairman Jang na nahanap na niya ang nawawalang anak nito...

sinadya na nga ni Dir. Yong ang Chairman sa suite nito, at ibinalita na natagpuan na niya ang anak nito na si Inju.. tuwang-tuwa ang nangungulilang ina sa balitang iyon, at tinanong pa nga niya kung sa Korea ba ito nakatira o ano...

bumaba na ang dalawa upang puntahan ang anak ng Chairman sa coffee shop nung hotel.. pero hindi iyon ang inaasahang tagpo ng Chairman, nagulat siya na makita si Sena, tinanong pa niya si Dir. Yong kung si Sena nga ba ang babaeng iyon, at ang walang kaalam-alam naman sa katotohanan na lalaki ay sinabi na maging siya ay nasorpresa sa kanyang nadiskubre.. pinakita pa ng binata iyong dinaya nilang DNA test result upang makumbinsi ang Chairman (kung tutuusin eh kahit si Sena ang mismong nagpa-DNA test eh magma-match sila ng Chairman, at masosorpresa pa siya sa matutuklasan niya).. dahil sa pagdududa, nagpaalam na muna si Chairman Jang, na-shock daw kasi siya sa mga pangyayari kaya aakyat na muna ulit siya sa kanyang kuwarto upang uminom ng gamot, kung pwede daw ay bigyan muna ito ni Dir. Yong ng kaunting oras...

sa suite ng Chairman.. muling sinilip ni Helen iyong katatapos lang niyang i-finalize na last will and testament, parang nagdalawang isip na tuloy siya na ibigay iyon o ang lahat ng iyon kay Sena.. matapos yun ay tiningnan naman niya ang family picture niya na kasama si Park Ha (Inju) at ang Papa nito.. nasabi niya tuloy sa isip niya, Sena alam kong anak rin kita subalit hindi ikaw ang hinahanap kong anak sa ngayon, ano ba ang ginagawa mo, bakit niloloko mo ako...

sa labas ng Rooftop.. mainit ang panahon at naglalaba si Park Ha gamit ang kanyang mga paa, habang pinapanood siya ng nagpa-popsicle na prinsipe.. sinadya niya yata na paringgan ang kamahalan na naiinitan siya, kaya pinakagat ito ng lalaki sa kinakain nitong popsicle.. naulit ni Lee Gak iyong matagal na niyang tanong sa babae, bakit daw hindi nito nasabi na may kapatid pala siya, matagal na daw kasing bumabagabag ang bagay na iyon sa kanyang isipan.. naikuwento nga ni Park Ha na muli kasing nag-asawa ang kanyang Papa, kaya naman stepsister niya lang iyon, ayaw naman daw ipaalam ng ate niya sa iba na may kapatid ito dahil hindi naman daw importante iyon.. dahil daw nasagot na ng dalaga ang tanong na iyon ng kamahalan, ay dapat na tulungan naman siya nito na maglaba.. inubos lang ng lalaki ang kinakain niyang popsicle, itinupi pataas ang kanyang pantalon, at lumusong na sa batya ng mga labahin kasama si Park Ha.. enjoy na enjoy ang dalawa sa pagkukulitan...

mukhang sinamahan na muna ni Tommy ang nobya noong umalis ang Chairman.. nabanggit nga ng binata na naibigay na niya iyong DNA test result sa Chairman, at huwag na daw mag-alala si Sena.. hinarap na ni Chairman Jang ang dalawa, hindi siya mukhang masaya o excited, para ngang malalim ang iniisip niya na parang may bumabagabag sa loob niya.. niyakap nito ang kilala na niyang anak na si Sena, sabay sabi ng na-miss kita Inju, anak.. natuwa naman si Dir. Yong sa pag-aakalang nakalusot na ang binabalak nila.. habang kumakain ay nagtanong-tanong ang ina sa kanyang anak, ano daw ba ang naaalala ng babae noong bata pa siya.. ikinuwento ni Sena ang ilang totoong pangyayari sa buhay ni Park Ha, gaya noong naaksidente daw siya nung 9 y/o siya at nawalan ng alaala.. ginamit rin ng malditang panganay iyong impormasyon na nakuha niya noong isang araw sa nakababata niyang kapatid, naalala daw niya na noong first birthday niya, winter daw kaya malamig sa kuwarto nila, pero wala naman silang pambili ng panggatong, kaya ang ginawa ng kanyang Papa ay inilagay na lang siya sa ibabaw ng tiyan nito.. nagtaka naman ang Chairman kung paano nalaman ni Sena ang tungkol sa pangyayari na iyon...

balik sa Rooftop.. halos kasabay lang ng pagkukuwento ni Miss Hong ang pagkukuwento naman ni Park Ha sa Prinsipe.. noong 9 y/o daw siya ay na-involve siya sa isang aksidente kaya nawala ang kanyang mga alaala, sa America na siya lumaki kaya naman marami siyang alam na trabaho, 2 years ago nga ay bumalik na siya sa South Korea, nakilala niya ang Joseon 4 at simula daw noon ay parang naglalaro na lang siya sa buhay, nag-enjoy naman daw siya sa mga panahon na iyon.. natanong ni Lee Gak kung naaalala pa ba ng dalaga ang mukha ng Papa nito, pero isa daw yung bagay na hindi na niya natatandaan...

sa Rooftop pa rin, habang nagsasampay si Park Ha.. in-analyze ng prinsipe ang koneksyon ng mga tao.. kung ang prinsesa daw ay si Miss Sena Hong, at si Park Ha ay kapatid ni Sena, tapos ang kapatid naman ng prinsesa ay si Bu Yong.. biglang naalala ng kamahalan noong minsang isulat niya ang pangalan ni Park Ha na nangangahulugan ng Lotus na nangangahulugan din na Bu Yong, kung ganun daw ay.. bago pa matapos ng lalaki ang kanyang konklusyon, ay tinatawag pala siya ng dalaga, may nakapagitan sa kanilang puting kumot o kobre kama, kaya hinila ito ng babae nang kaunti pababa upang masilip niya ang prinsipe, iyong nakatakip sa bandang ilong at bibig ng dalaga ay nag-resemble doon sa maskara na parating suot ni Bu Yong, at dahil doon ay nakita na ni Lee Gak ang pagkakahawig ng dalawang babae.. nasabi niya na "tama nga... Park Ha, ikaw si Bu Yong"...

sa Rooftop pa rin.. muling ch-in-eck ni Lee Gak ang pagkakahawig ng dalawang babae, itinakip pa niya ang kanyang kamay sa lower half ng mukha ng dalaga, at nasabi niya na walang duda na si Park Ha nga ay si Bu Yong.. masaya naman ang babae pero hindi daw niya maintindihan, naitanong tuloy niya kung sino ba iyong si Bu Yong.. siya daw ang nakababatang kapatid ng prinsesa sabi ng prinsipe, at nakuha ni Park Ha ang mga katangian nito.. kung ganun daw ay nandoon na rin siya sa panahon ng Joseon, sabi ng babae.. naupo ang mag-MU para ipagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.. tama daw ang sinabi ng dalaga, at noon pa man ay nagkasama na nga sila sa panahon ng kamahalan, pakiramdam daw tuloy ng prinsipe ay natagpuan niya ang isang nawalay na kaibigan, at masaya siya na makita itong muli.. kung ganoon daw pala ay nagkakilala na rin sila noon sa Joseon, tanong ng babae.. sumagot naman ang kamahalan na hindi lang sila basta na magkakilala dahil ang totoo ay matalik silang magkaibigan ni Bu Yong.. hindi daw basta-basta nakakalapit si Bu Yong sa prinsipe, pero alam niyang binabantayan siya nito parati mula sa malayo.. matapos daw makasal ni Lee Gak sa prinsesa, ay sumunod na rin si Bu Yong sa palasyo kaya sila nagkakasama, madalas daw magkuwento ang dalaga ng nakakatuwang mga bagay mula sa labas ng palasyo, libangan daw ng prinsipe na gumawa at magpasagot ng mga bugtong, pero iyong hindi nasasagot ng iba ay madali lang na nasasagot ni Bu Yong.. sa pagkakatanda nga daw ng prinsipe ay mas madalas pa niyang kausap noon si Bu Yong kumpara sa prinsesa, masaya daw ang lalaki sa tuwing nakakausap niya si Bu Yong.. ngayon daw na nalaman ni Park Ha ang tungkol sa bagay na iyon ay naging masaya siya (na parang may koneksyon nga sa pagitan nilang dalawa ng katauhan niya sa past, at hindi man lang siya nagselos dito).. sabay banat naman ng pang-asar ni Lee gak, pero hindi daw tulad ni Park Ha ngayon, si Bu Yong sa panahon ng Joseon ay isang elegante at matalinong babae.. nainis naman ang dalaga, sabi nga daw niya na wala ring sasabhin na maganda ang kamahalan.. at dahil daw naisip ng prinsipe ang pagkakatulad ng nina Park Ha at Bu Yong, ay naisip niya na bigyan ito ng isang bugtong.. bigla namang naalala din ng kamahalan na manonood sila pamaya ng mga pampailaw, nakapaghanda na daw si Park Ha ng hapunan, at pagkatapos nun ay manonood na sila nung fireworks display.. bigla namang nagmustra si Lee Gak gamit ang kanyang mga daliri, sila na lang daw dalawa ang pupunta, nasabihan tuloy siya ng babae na baduy daw siya.. hinabul-habol at nagpapa-cute pa ang kamalahan para lang mapapayag si Park Ha...

sa loob ng bahay.. masayang nanonood ng tv iyong 3 nang pumasok sina Lee Gak at Park Ha.. niyaya ni Man Bo ang prinsipe na samahan silang manood dahil iyon daw ang paborito nitong programa, nagkunwari naman si Lee Gak na napagod siya kaya nais na niyang matulog nang maaga ngayong gabi, maging si Yong sul ay nagtaka dahil masyado pa ngang maaga.. umakyat na sa kanyang kuwarto ang kamahalan.. sinita ni Park Ha ang 3 dahil puros panonood na lang daw ng tv ang inatupag ng mga ito, pinayuhan niya ang 3 na subukan naman na magbasa, at sumang-ayon naman agad si Yong Sul.. naulit ni Chi San na hindi ba't manonood sila pamaya ng mga paputok sa may Han River, bigla namang nagkunwari si Park Ha na may deperensya siya sa mata, pinayuhan daw siya ng doktor niya na bawal sa kanya ang mga kumikislap-kislap na ilaw, nagkunwari pa siya na nasasaktan din sa pagtingin sa ilaw ng bahay nila, sinabi niya na ang gastos daw nila sa kuryente kaya pinatay na niya iyong ilaw, di ba pagod na rin daw ang 3 kaya matulog na rin daw ang mga ito.. takang-taka naman iyong 3 alalay sa ikinikilos nung dalawa...

mukhang nag-dinner ang mag-ina.. naitanong ni ala-Inju (Sena) sa Chairman kung pwede niya ba itong tawagin na 'Mama', at pumayag naman ang matanda.. hindi daw nya akalain na makikilala pa niya ang kanyang Mama, sabi ng anak-na-nagpapanggap-na-anak.. at nasabi naman ni Chairman Jang na maging siya ay ninerbyos din.. naitanong ni ala-Inju kung naaalala pa ba ng Chairman noong araw na binigyan siya nito ng singsing, at kung may naramdaman daw ba ito noon na parang ang anak na nga niya ang kanyang kaharap, sumagot naman si Helen na siguro nga ay parang ganun yung naramdaman niya, hindi na daw kasi maalis sa isip ni ala-Inju ang Chairman simula noong araw na bigyan siya nito ng singsing.. muling naisip ni Helen na magbigay ng trick question o information sa panganay niyang anak, alam daw ba nito na espesyal ang pangalan niyang Inju dahil ito ay pinagsamang pangalan nilang mga magulang niya.. nagmaalam naman na sumang-ayon si ala-Inju sa sinabi ng kanyang Mama, nabanggit na nga daw iyon sa kanya ng kanyang Papa dati.. nasabi tuloy ni Helen sa kanyang sarili na, mali Sena, Inju ang pangalan mo dahil nagkamali kami sa pagsulat ng pangalan mo, Jinju talaga dapat ang ipapangalan namin sa'yo.. pagkatapos noon ay nagkunwari na yata si Helen na biglang sumama ang kanyang pakiramdam upang makapagpahinga na siya sa kanyang suite...

sinamahan na ni Miss Hong si Chairman Jang sa kuwarto nito.. habang nasa suite ng Chairman, napahanga si Sena na tumutuloy sa ganung klase ng lugar ang inaakala niyang Mama lang ni Park Ha, di bale at mapapasakanya rin daw ang lahat ng iyon.. sinabi ng Chairman sa dalaga na magpapahinga na siya kaya bukas na lang ulit.. umalis na si Sena na may baon na masamang ngiti sa kanyang mga labi...

---o0o---


RTP-43
secret date (naka-side bangs na lang si Park Ha pero cute pa rin).. 2nd sighting ng paglalaho para sa buong grupo (si Chi San kasi iyong unang nakaranas), 1st sighting ng paglalaho para kay Lee Gak.. at ang pambasag sa evil plan nina Tommy at Sena...

naghihintay na si Lee Gak sa may labas ng apartment building nila.. dahan-dahan pa sa pagbaba ng bahay si Park Ha.. bakit daw ito natagalan tanong ng lalaki, at napansin niya na nagpalit pa yata ang dalaga ng makeup.. defensive naman na sumagot ang babae na iyon din yung kanina, pati ba naman daw makeup niya eh pakikialaman pa.. hinawakan ng prinsipe ang kamay ng babae at dumiretso na nga ang dalawa sa may Han River...

sa may Han River.. pumili na sina Park Ha at Lee Gak ng kanilang puwesto para sa panonood ng fireworks display kasabay ng maraming tao na nagtungo din dun.. hindi tulad sa Rooftop, mas maganda daw na manood mula doon sa may tabing ilog.. ilang saglit pa ay nagsimula na nga ang pagpapaputok, manghang-mangha ang dalawa sa ganda nun, lalo na ang prinsipe.. habang nasa mga paputok ang kanilang atensyon, hindi naman nila napansin na naglalaho at lumilitaw din naman ulit katawan ni Lee Gak.. tapos sumandal si Park Ha sa balikat ng kamahalan, natigil na yung paglalaho ng lalaki, at sweet na sweet na nilang ipinagpatuloy ang kanilang panonood...

sa Rooftop house.. tutok na tutok sina Yong sul at Man Bo sa kanilang pagbabasa ng libro, samantalang si Chi San naman ay nagbuburda.. naitanong tuloy ng eunuch kung bakit parang biglaan naman ang lahat, na inutusan siya ng prinsipe para magburda.. sumuko naman ang bodyguard, mas pipiliin pa daw niya ang mag-araro, hindi daw talaga para sa kanya ang pagbabasa.. tumayo naman ang tutor para puntahan na ang kamalahan, naitanong ni Chi San kung kabisado na ba nito ang mga phone numbers, at sinabi naman ng tutor na huwag na muna siyang kausapin ng dalawa.. sinadya na nga ni Man Bo ang kuwarto ng prinsipe, ipinaalam niya sa kamahalan na kabisado na niya ang mga phone numbers mula doon sa libro, at handa na siya para sa ibibigay nitong pagsusulit.. sumunod din iyong dalawa sa kuwarto ng kamahalan.. pero hindi sumasagot ang prinsipe, kaya minabuti na niyang silipin ang nasa ilalim ng kumot nito, nagpaalam pa siya dito na hihilahin na daw niya ang kumot nito, at pag-angat nga niya sa kumot ay napa- "Oh my god" siya, at nabuking nga ng 3 na nilinlang lang sila ng kanilang kamahalan...

sa daan, pauwi na sina Lee Gak at Park Ha nang magkahawak kamay.. inaabangan pala sila ng 3 alalay, at naiinis ang mga ito sa kanila.. nagulat sila sa mga ito, at biglang binitawan ng prinsipe ang kamay ng dalaga, at nadyadyahe na tinakasan ang kanilang mga kasama habang magkahawak na ulit ng kamay.. hinabol naman sila nang hinabol nung 3 (kawawa naman sila dahil hindi nila napanood yung fireworks display).. hindi naman talaga sila tumatakbo, pero O.A. sa bilis ang paglalakad nila...

tumigil muna ang 5 sa labas ng isang parang 24/7 grocery.. habang bumibili si Park Ha ng drinks, naikuwento na ng prinsipe sa kanyang mga kasamahan ang tungkol sa nadiskubre niya, na si Park Ha ang reincarnation ng kapatid ng prinsesa na si Bu Yong, ibig daw sabihin ay nasa Joseon na rin si Park Ha noon, mapaglaro daw talaga ang kapalaran.. nakabalik na sa kanilang table ang dalaga dala iyong drinks nila, napansin niyang iba ang tingin sa kanya nung 3, at naitanong niya kung ano ba ang problema.. nasabi na nga daw sa kanila ng kanilang kamahalan ang tungkol sa koneksyon niya sa kapatid ng prinsesa, nabanggit tuloy ni Chi San na hindi halata sa kanya ngayon pero naging anak pala siya ng isang maharlika noon, sinabi naman ni Park Ha na nang malaman niya ang tungkol sa dati niyang katauhan ay pakiramdam niya na mas napalapit pa siya sa kanila dahil dati na niya palang nakasama ang mga ito (pero technically speaking, hindi yata talaga nakilala ni Bu Yong iyong 3 kasamahan ng prinsipe, dahil ni-recruit lang sila ng kamahalan matapos yung insidente ng pagkamatay ng prinsesa, ang sigurado lang ay nag-exist sila sa paraheng panahon noon).. isa daw iyong magandang balita na dapat nilang ipagdiwang, kaya naman napa-kampai sila...

sa suite siguro ni Chairman Jang.. iniisip ng Chairman kung bakit siya niloloko nina Dir. Tommy at Sena (nakaramdam na siguro siya na may kinalaman rin si Dir. Yong sa pagpapanggap ng kanyang panganay na anak, since ito ang nag-asikaso ng DNA test, at dahil interesado ito sa shares niya).. baka daw alam nila kung nasaan ang totoo niyang nawawalang anak...

sa labas ng Rooftop.. gabing-gabi na nang pinulong ng prinsipe ang kanyang mga kasama.. paikut-ikot siya habang nag-iisip.. buntot naman nang buntot sa kanya iyong 3 kahit na antok na antok na ang mga ito.. ano ba daw ang bumabagabag sa kamahalan, papasikat na daw kasi ang araw, kaya pinayuhan nila ito na magpahinga na muna.. si Miss Hong daw ay ang prinsesa, at si Park Ha naman ang kapatid nitong si Bu Yong.. nagtataka pa rin si Lee Gak kung paanong ang prinsesa na inakala niyang dalisay ay masama ang ugali sa future.. sa puntong iyon ay naikuwento na ni Chi San sa prinsipe iyong mga haka-haka sa panahon nila, na ang kapatid nga ng prinsesa ang dapat na magiging itinakdang prinsesa, subalit dahil sa inggit ay nagawa nitong sunugin ang mukha ng nakababata niyang kapatid upang maagaw ang puwesto nito.. nagulat ang kamahalan sa istoryang kanyang narinig, bakit daw ngayon lang ito sinabi sa kanya ng kanyang eunuch, sabay-sabay naman na lumuhod ang 3 at humingi ng tawad sa kanilang kamahalan.. (nagtataka ako kung bakit si Yong Sul ang pinaka-inaantok sa tagpong ito eh guwardiya nga ang trabaho niya, siguro napagod talaga siya sa ginawa niyang pagbabasa kanina).. kung totoo man daw ang mga haka-haka na iyon, ibig sabihin ay ngayon man o 300 taon na ang nakalilipas ay wala talagang pinagbago sa ugali ang prinsesa.. kung ganun ay naiintindihan na daw niya, pero ang ipinagtataka pa niya ay tunay na magkapatid ang prinsesa at si Bu Yong sa nakaraan, kaya paanong naging stepsisters lang sina Park Ha at Miss Hong sa future.. kung may hinala daw ang kanyang mga kasama ay mabuti pang sabihin na nila ito kaagad.. nabanggit ni Chi San na ang pinakasalan ng prinsipe sa Joseon ay si Prinsesa Hwa Yong, pero sa future ay ang kapatid nito na si Park Ha ang karelasyon niya.. si Man Bo naman ay nagtataka kung bakit hindi sila napunta sa bahay ng prinsesa sa future, bagkus ay sa bahay sila ng kapatid nitong si Park Ha napadpad.. sinubukang ia-analyze ni Lee Gak ang mga pangyayari.. ang prinsesa daw ay namatay sa pagkain ng persimon, kung may kailangan daw silang madiskubre tungkol dun ay dapat na sa bahay na lang sila ng mismong prinsesa napunta, subalit bakit sila napadpad sa bahay ng kapatid nitong si Park Ha, may misteryo daw sa katauhan ni Park Ha na kailangan nilang tuklasin...

mukhang naimbitahan ni Chairman Jang sina Lee Gak at Park Ha na kumain sa tinutuluyan niyang hotel.. (hindi ko pa alam kung alam ba ng Chairman na related si Lee Gak sa Lola Chairman ng Kompanya, hindi ko alam kung sa anong pangalan ba siya tinatawag ng Chairman).. nagpasalamat si Helen sa pag-asikaso sa kanya ng mga bata noong isang araw.. napuna pa niya na baka daw hindi magustuhan ng binata ang pagkain dahil hindi ito maihahalintulad sa seafood stew ni Park Ha, sumang-ayon naman si Lee Gak, mahina daw ang dalaga pagdating sa ibang bagay, pero pambihira ang kakayahan nito sa pagluluto.. ibinida naman ng Chairman sa lalaki na hindi lang sa pagluluto mahusay ang dalaga, dahil magaling rin itong mag-alaga sa kanyang ina, dahil minsan na niya itong nakita sa hospital kasama ni Susan.. matagal daw kasing nawalay ang babae sa Mama niya noong bata pa lang siya, naghirap daw ito nang dahil sa kanya, kaya bumabawi lang siya sa kinikilala niyang ina.. naitanong naman ni Helen kung may pinagkakaabalahan ba ang dalaga, naikuwento ni Park Ha na nagtatrabaho siya noon sa province, pero dahil sa binata ay bumalik ng Seoul.. naulit naman ni Lee Gak na dahil sa kanya ay libre ang pamumuhay ng dalaga, umangal naman ang babae na parang alipin naman ang trato nito sa kanya kung makapag-utos ito, sinabi naman ng lalaki na ganyan ba ang isusukli mo sa aking kabutihan.. natutuwa daw si Chairman Jang sa tuwing nakikita ang dalawa, bagay na bagay daw ang mga ito, kaya gusto niya sana na magkasama sila palagi.. inalok ng Chairman si Park Ha, ano daw kaya kung gawin na niya muna itong secretary habang nasa Seoul siya, sumang-ayon naman ang mag-MU sa alok ng nakatatanda...

sa daan, habang nasa loob ng kotse.. nag-uusap sina Tommy at Sena tungkol sa susunod na activity ng mag-ina, at iyon ay sa isang pottery exhibit...

sa lobby ng hotel, nagkakasiyahan ang Chairman kasama ang dalawang nakababata.. pabirong sinisiraan ni Lee Gak ang dalaga sa Chairman.. hindi daw ito swabe na mag-drive dahil sanay ito na magmaneho ng truck, kung ganun daw ay kailangan pala ng Chairman na parating mag-seat belt, mahina daw umintindi si Park Ha kaya dapat maiksian lang ang mga utos dito, at ang huli ay umiinit daw ang ulo nito kapag hindi ito napakain kaya delikado para sa Chairman na gutumin ang dalaga.. tinakot naman ni Park Ha ang binata, patay daw ito sa kanya pamaya, narinig iyon ng Chairman kaya biniro na rin niya ang dalaga, nagagalit ba daw ito, baka daw gusto nitong kumain.. medyo napahiya at natawa tuloy si Park Ha, pati ba naman daw ang Chairman ay sumasakay sa mga biro.. itinuloy pa rin ni Lee Gak ang biruan, sinabi niya sa Chairman na hindi naman siya nagbibiro, at sumang-ayon naman ang nakatatandang babae, oo daw at naniniwala siya sa binata.. umangal na ulit ang dalaga, bakit daw ba siya nilalaglag ng binata, gusto ba daw nito na sabihin ng babae sa Chairman na masama ang ugali nito.. kadarating lang nina Dir. Yong at Sena sa hotel, at nagulat nga sila na makitang magkakasama ang tatlo.. kaagad silang tumalikod at umalis.. bago mag-shift sa scene nina Tommy at Sena ay maririnig pa na sinabi ni Lee Gak na hindi naman daw niya sinasabi na masamang tao si Park Ha...

sa loob ng kotse ni Dir. Yong.. medyo kalmado lang si Tommy, pero asar na asar na si Sena.. bakit naman daw kasama ng Chairman si Park Ha, paano daw kung malaman nito na anak niya ang dalaga, parati na lang daw siyang nadedehado dahil sa stepsister niya.. ibinaling naman ng malditang babae ang pagkainis niya sa kanyang nobyo, hindi ba daw at hiniling niya sa lalaki na iligpit na nito si Park Ha, kailangan ba daw na siya na lang ang gumagawa ng lahat.. sinabihan naman siya ni Tommy na kumalma lang at magtiwala sa kanyang sarili, kailangan daw muna nilang malaman kung ano ang nangyayari.. naunang tinawagan ni Sena ang kanyang stepsister sa cellphone, itinanong nito kung busy ba ang nakababata dahil meron sana siyang hihinging pabor, sinabi naman ni Park Ha na nasa meeting siya at magiging busy na siya dahil magtatrabaho na siya bilang sekretarya, pansamantala lang naman daw iyon dahil taga-ibang bansa naman talaga iyong magiging boss niya.. ikinabahala nina Tommy at Sena ang pagtatrabaho ni Park Ha para sa Chairman.. si Dir. Yong naman ang tumawag sa Chairman, hindi ba daw at magkikita sila dapat ni Sena Hong, ipinapasabi daw kasi ng dalaga na hindi na ito makakarating dahil naaksidente ito...

nagpaalam na sina Lee Gak at Park Ha sa Chairman.. bago tuluyang makaalis ang dalawa, muling tinawag ni Chairman Jang ang dalaga, nais lang daw niyang malaman kung meron bang kaibigan ang kapatid nito na nagngangalang Inju Park (dahil sa kutob nga niya na kilala nina Dir. Tommy at Sena ang totoo niyang anak), sumagot naman si Park Ha na hindi siya sigurado.. natanong niya kung bakit iyon gustong malaman ng Chairman, at sumagot naman si Helen na "wala naman" (alam ni Chairman Jang na medyo related sina Park Ha at ang panganay niyang anak na si Sena dahil pareho itong stepdaughter ng kakilala niyang si Susan)...

sa suite.. malalim na naman ang iniisip ni Chairman Jang.. dumating si ala-Inju, pasensya na daw at hindi natuloy ang kanilang lakad kanina, may dala rin siyang mga lillies na galing daw kay Dir. Tommy.. nagsimula ang dalaga na i-build up sa kanyang Mama si Dir. Yong.. mabuti daw itong tao, at ito rin ang tumulong upang magkita ulit sila na mag-ina, kaya naman kailangan nilang bayaran ang utang na loob sa binata.. paano naman daw nila gagawin iyon, tanong ni Helen.. bilang unang kahilingan daw ni ala-Inju sa kanyang Mama ay gusto niyang si Tommy ang piliin ng Mama niya para maging susunod na CEO ng Kompanya sa darating na board meeting.. sinabi naman ni Chairman Jang na dahil iyon ang gusto ng kanyang anak ay iyon ang gagawin niya, tama lang naman daw iyon di ba (pero halata sa mukha ng Chairman na sinadya lang nitong umayon sa nagpapanggap na si Inju)...

pagkalabas ng hotel.. dumiretso na si Sena sa kotse ni Tommy upang ibalita sa nobyo ang sinabi ng Chairman - na gagawin nito kung anuman ang hilingin ng kanyang anak, kaya si Tommy ang pipiliin nito para maging susunod na CEO...

sa bahay ni Susan.. tinawagan ni Susan ang panganay niyang stepdaughter upang yayain itong mag-dinner sa bahay niya kasama si Park Ha.. binabaan lang ito ng malditang dalaga ng telepono, sinasabi na nga ba daw niya at hindi rin magtatagal ang kabaitan ni Sena.. para mapagaan ang loob ni Susan, sinabi ni Park Ha na edi dalawang servings ang kakainin niya, baka nga daw maka-tatlo pa siya dahil sa sarap ng inihanda ng kanyang Mama.. nalaman na rin ni Susan na magtatrabaho na ang nakababata niyang stepdaughter kay Helen, sinabi ng dalaga na pansamantala lang naman iyon habang nasa Seoul ang Chairman, ibinilin naman ng stepmother na alagaang mabuti ni Park Ha ang babaeng iyon...

umaga na yata.. kumakain na magkasabay ng kakikilala palang na mag-ina.. muling inulit ni ala-Inju sa Chairman kung si Dir. Tommy ba ang pipiliin nitong maging CEO, baka daw kasi nakalimutan ito ng nakatatanda.. tinanong ng Chairman kung meron pa bang ibang gusto si ala-Inju.. sinabi naman ng mapagpanggap na babae na masayang-masaya siya at pakiramdam niya na ligtas siya sa piling ng kanyang Mama.. nakita sila ng kadarating lang na si Park Ha, na narinig din ang mga sinabi ng kanyang nakatatandang stepsister sa Chairman.. nagpaalam na muna si Helen na babalik na sa kanyang kuwarto, ubusin daw ni ala-Inju ang kinakain nito.. tahimik na binati ni Park Ha ang Chairman nang dumaan ito sa tapat niya, hindi rin naman masyadong masaya ang pagkakabati sa kanya ni Chairman Jang sa panahon na iyon.. lumingon sa kanyang likod si Sena, at nagulat siya na makita ang tila naiinis sa kanyang si Park Ha...

kinonpronta ni Park Ha si Sena.. talagang baliw na daw ang ambisyosang babae, ngayon naman daw ay Mama na nito ang Chairman.. naaawa daw si Park Ha sa kanilang Mama, buong gabi daw itong naghintay para kay Sena at ipinagluto pa ito ng paborito nito dahil sa akalang ito ang magpapasaya sa panganay niyang anak, pero kung sinu-sino na pala ang tinatawag ng babae na Mama.. dahil sa sobrang pagkainis, binuhusan ni Park Ha ang kanyang tinuturing na stepsister ng isang baso ng tubig, sabay tanong sa ate niya kung akala ba nito na giginhawa ang buhay nito sa ganung paraan.. nagalit si Sena at kinuha iyong natitirang baso ng tubig na akmang gaganti, ang kapal daw ng mukha ni Park Ha, pero mabilis na naagaw ng nakababata iyong baso ng tubig at muling binuhusan ang kanyang stepsister.. ang lamat daw ay hindi na nabubura dahil ito'y nagmamarka, kung ikinakahiya daw ni Sena ang kanyang Mama ay layuan na niya ito, at si Park Ha na ang papalit sa kanya...

---o0o---


RTP-44
3rd sighting ng paglalaho para sa buong grupo, 2nd at actual sighting ng paglalaho para kay Lee Gak.. nakabalik na sa bansa ang totoong Terrence Yong...

pinuntahan na ni Park Ha si Chairman Jang.. hindi daw siya a-attend sa board meeting, kaya ang bago niyang sekretarya na lang ang pupunta para sa kanya.. kailangan lang niyang iabot sa meeting ang envelope na ipinapadala ng Chairman, at si Park Ha na nga daw ang bahala sa lahat...

sa board meeting, sa Kompanya.. nagbobotohan na ang mga board members, pero wala pa si Chairman Jang.. nangamba si Exec. Yong na hindi yata dadating at baka umatras na sa kanyang pangako ang Chairman.. sina ala-Terrence Yong at Tommy Yong lang ang ibinoto ng grupo, at pareho na silang may tig-4 na boto.. saktong dating ni Park Ha at dala-dala daw niya ang boto ni Chairman Jang (siguro nga alam na ni Helen ang katayuan ni ala-Terrence sa Kompanya), napa-YES pa si Exec. Yong sa paniniwala na nasa panig nga nila ang Mama ni Miss Hong.. pero nang basahin na ito ng mga namamahala sa botohan, laking gulat ng lahat nang mapunta ang boto ng Chairman kay Team Leader ala-Terrence Yong.. napapalakpak sa tuwa si Dir. Pyo, tuwang-tuwa din naman ang Lola Chairman na ang itinuturing nga niyang apo ang napiling bagong CEO.. pasimpleng binati ni Park Ha si ala-Terrence.. asar na asar naman ang mag-ama at mga hindi-lehitimong Yong dahil sa pagbaliktad sa kanila ng mga pangyayari...

sa suite ni Chairman Jang.. magkausap ang mag-inang Helen at ala-Inju.. sinabi ng Chairman na hindi niya ginawa ang gusto ng kanyang anak, kaya galit ba ito sa kanya.. tumanggi naman si ala-Inju at sinabi na gusto niya lang malaman ang dahilan ng kanyang Mama.. sumagot naman ang Chairman na dahil hindi naman si Sena ang kanyang anak (na si Inju lang naman siguro ang tinutukoy nya), matapos daw ba ng pagsisinungaling ng mga ito sa kanya ay sa tingin ng mga ito ay pagbibigyan pa sila ng Chairman.. tapos ay sinabihan na ni Helen si Sena na umalis na, shock na shock ang malditang panganay dahil sa pagkabisto sa kanya ng Chairman...

sa Office.. nasabon ni Exec. Yong ang kanyang anak na si Tommy, napasigaw naman ng 'buwisit' ang binata dahil sa sobrang pagkainis at pagkapahiya...

natanong ni Park Ha ang prinsipe kung ano ba ang balak nitong gawin, gusto ba daw talaga nito na maging CEO.. sumagot naman ang kamahalan na ginagawa niya lang ang lahat ng iyon upang malutas ang misteryo sa pagkamatay ng prinsesa, at ginagawa niya rin iyon para malutas ang kaso ni Terrence Yong.. sinabihan ni Lee Gak ang dalaga na huwag na itong mag-alala para sa kanya, pumapangit daw ang babae kapag nakasimangot kaya sinabihan niya na ngumiti na ito, at ngumiti na nga ulit ang dalaga...

lumabas si Park Ha mula sa isang establishment.. naghihintay sa labas si Lee Gak para sa kanya.. naitanong ng lalaki kung natapos na ba ni Park Ha ang mga ipinag-uutos sa kanya ni Chairman Jang, oo daw at natapos na ng dalaga, pero bakit ba daw siya sinusundan ng prinsipe, sinabi naman ng kamahalan na tinitiyak lang niya na ginagawa nga ng babae ang trabaho nito...

habang naglalakad may nadaanan ang mag-MU na nagtitinda ng mga couple rings siguro yun.. nabanggit nga ni Park Ha na tumutupad ng kahilingan ang mga iyon, natanong naman ng kamahalan kung naniniwala ba ang babae sa ganun, at sinabihan din ito na huwag magpapaloko sa mga ganun.. pumili ang dalaga ng kasya para sa kanyang daliri, at sinabi sa prinsipe na bilhin iyon para sa kanya.. pinasukat niya rin ang kamahalan ng kakasya dito, at bibilhin naman daw niya iyon para sa lalaki, natanong ni Lee Gak kung bakit naman magsusuot ng singsing ang isang lalaki.. ipinaliwanag ni Park Ha na ganun talaga ang ginagawa ng mga magkarelasyon, at natuwa naman ang prinsipe sa ganung ideya.. pareho na silang bumili nung mga singsing at muling ch-in-eck ang itsura nito habang suot nila...

sunod namang pumunta ang mag-MU doon sa tambayan nila na bench sa ilalim ng isang puno.. natanong ni Park Ha kung ano ba daw ang balak na hilingin ng lalaki, sumagot naman ito na hindi siya naniniwala sa mga ganun.. pumikit at taimtim na humiling si Park.. unti-unti namang naglalaho na ulit si Lee Gak, nang muling iminulat ni Park Ha ang kanyang mga mata ay nasaksihan niya ang actual na paglalaho ng prinsipe.. maiyak-iyak na ang dalaga nang dahil sa kanyang nakita at hindi naman makapagsalita, niyakap na lang niya ang kamahalan, at sa puntong iyon ay huminto na ang paglabo ng imahe nito.. nagtaka ang prinsipe, ano ba daw ang nangyari at bakit nagkakaganun ang dalaga, hindi sumagot bagkus ay niyakap na lang nang mahigpit ni Park Ha si Lee Gak...

mukhang late office hours na, siyempre sa Kompanya.. pinasok ng 3 alalay ang opisina ni Dir. Yong upang alamin ang dahilan kung bakit ito nagtungo noon sa Chicago.. madilim na sa kuwarto kaya naman may mga baon silang mga flashlight.. naramdaman ni Yong Sul na may ibang tao sa loob ng opisina kaya inutusan niya itong magpakilala, nakaupo lang ito at nang iharap na nito ang office chair ay laking gulat ng 3 na makita si Dir. Pyo.. napatanong naman ang kanilang Director kung sino ba talaga ang Tropang Pupu...

sa isang cafe.. kinausap ni Dir. Pyo ang Tropang Pupu na kasama na si Lee Gak.. naitanong ng superior kung anu-ano ba talaga ang totoong mga pangalan ng mga ito (bale si Lee Gak lang naman talaga ang nagpalit ng pangalan bilang Terrence Yong).. nasabi ng prinsipe na kung ganun daw pala ay alam na nito na nagpapanggap lang sila, pero kailan pa daw nito nalaman ang ginagawa nila.. sumagot naman si Dir. Pyo na nalaman niya ang tungkol doon noong malaman niya na buhay pa ang totoong Terrence, nagulat ang prinsipe sa kanyang narinig, kung ganun daw ay nabubuhay pa hanggang ngayon ang totoong Terrence Yong.. ngunit bakit daw hindi ipinagsabi ng Director ang tungkol sa natuklasan nito, sumagot naman ito na nagpapanggap nga ang grupo ng 4 pero hindi sila maituturing na panganib para sa Chairman (Lola Chairman), gusto din daw nito na may kumalaban kay Tommy kung kaya't nagmamaang-maangan pa rin ito.. kailangan daw ng Director ang tulong nila, at kailangan naman nila ang tulong nito.. natanong ni Lee Gak kung ano ba ang ibig nitong sabihin, at sinabi nga ni Director Pyo na plano ni Tommy na dalhin sa bansa si Terrence...

sa airport.. ibinaba na mula sa eroplano ang stretcher ni Terrence at isinakay sa isang ambulansya, matapos nun ay dinaanan naman nung ambulansya si Dir. Yong.. nasa may di kalayuan lang ang 3 alalay at lihim na sinusundan si Tommy.. umandar na muli ang ambulansya at nagsimula na ang car chase.. si Yong Sul ang nagda-drive at napaka-ingay mag-mando nina Man Bo at Chi San, hanggang sa biglang lumiko iyong ambulansya kaya napalagpas at naiwan na ang 3.. ipinatigil na ni Man Bo ang sasakyan, bumaba ang 3 sa kalsada at sinisisi nung dalawa ang bodyguard, balahura daw kasi itong magmaneho, susundan na nga lang daw niya iyong sasakyan ay hindi pa niya nagawa.. uminit na ang ulo ni Yong Sul sa pagrereklamo ng tutor at eunuch, eh di dapat daw ay sila na lang ang nag-drive.. pumasok na ang lalaki sa kotse at ini-lock ang mga pinto nito, nasorpresa iyong dalawa at nagmamakaawa sa bodyguard, huwag na daw itong magtampo, pero pinatakbo na nito ang kotse at pinahabol iyong dalawang maiingay...

tumigil iyong ambulansya sa isang ospital, bumaba si Tommy, at ibinaba na rin doon ang comatose pa rin na si Terrence...

balik sa Tropang Pupu.. inihinto na ni Yong Sul iyong kotse, at nasa may likod lang ang dalawang naghahabol.. nang makaabot na sa kanya ang dalawa ay sinermonan niya ang mga ito na hindi bunganga ang ginagamit sa pagmamaneho, sinabi naman ni Chi San na hindi iyon ang oras para magsermon.. mabuti na lang daw at nakabisa ni Man Bo iyong plaka noong ambulansya, pero hindi niya alam kung kanino sila pwedeng lumapit.. pinasakay na muli ni Yong Sul iyong dalawa sa kotse, tapos ay ibinangga naman niya kaagad ito sa roadblock.. bumaba ang 3 na nananakit ang mga katawan.. ano naman daw iyon, ano ba daw ang gustong patunayan ng bodyguard, sabi ng dalawang madaldal.. sinabi naman ni Yong Sul na tumawag na sila ng pulis at sabihin na iyong ambulansya ang may kagagawan ng aksidente.. nagtaka pa rin iyong dalawa, akala daw ba ng bodyguard ay nakabisa ni Man Bo iyong plaka nung ambulansya.. kung ganun daw pala ay iyong mga pulis na ang bahalang tumunton sa kinaroroonan nung hinahabol nilang sasakyan, isa daw palang henyo si Yong Sul ang bati ng tutor.. tas saka pa lang naisip ulit nung dalawang makulit, kung balak lang daw pala nitong ibangga iyong kotse at gumawa ng isang pekeng aksidente ay bakit pa nito pinasakay silang dalawa.. pa-astig namang isinuot muli ng bodyguard ang kanyang shades at biglang sinabi na E-R (na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, baka balak nilang mapunta sa emergency room??)...

nagtungo si Park Ha sa isang lugar na puros art exhibit, malawak iyong lugar at sari-saring klase ng sining ang makikita sa paligid.. palihim naman siyang sinusundan ni Lee Gak mula sa di kalayuan na ginagaya lahat ng mga ginagawa niya.. sa isang portion nung lugar kung saan maraming tao, nagpahinga na muna ang dalaga, naupo siya at pakuyakuyakoy habang kumakain ng ice candy.. pinagmamasdan siya ng prinsipe, natutuwa ito sa ginagawa ng babae, kaya naisipan niya itong tawagan.. ibinaba na muna ni Lee Gak iyong coat niya sa isang bench na malapit sa pinagtataguan niya.. itinanong ng lalaki kung nasaan na ba si Park Ha dahil baka mahuli siya ng kaunti, nagpanggap rin naman ang babae na papunta pa lang siya sa kanilang meeting place, malapit na rin daw doon ang lalaki, pero sinabi ng dalaga na hindi naman nito kailangan na magmadali.. ibinilin ni Lee Gak na kung sakaling mauna doon sa lugar si Park Ha ay kumain na muna ito ng ice candy, nagulat naman si Park Ha dahil iyon na nga ang ginagawa niya sa mga oras na iyon.. sunod namang pinuna ng prinsipe na huwag daw itong magkuyakuyakoy, dapat daw ay tumayo lang ito nang mahinhin.. naramdaman na ni Park Ha na pinagmamasdan siya ng kamahalan, tinanong niya kung pinapanood ba siya nito at kung nasaan ito, sumagot naman ang lalaki na asa naman ang dalaga na parati niya itong sinusundan.. muling umupo si Park Ha, at sinita siyang muli ng prinsipe na huwag daw siyang mag-de-kuwatro.. sigurado na si Park Ha na pinapanood lang siya ni Lee Gak, kaya hinanap niya ito nang hinanap sa paligid.. bigla namang napatawag si Dir. Pyo sa binata, may ikinagulat ito sa sinabi ng nakatatanda, at dali-dali itong umalis doon sa lugar sakay ng kanyang auto.. patuloy pa rin sa paghahanap si Park Ha, hanggang sa makita niya iyong coat ni Lee Gak na naiwan nito sa isang bench, nakita niya dito iyong panyong may burda ng prinsipe kaya nakumpirma nya na sa kanya nga ito at na nanggaling na nga ito doon sa lugar na kanilang tagpuan...

---o0o---


RTP-45
biglaang paghihiwalay T,T...

sa kuwarto ng totoong Terrence Yong, sa ospital.. kasama ng comatose na binata ang salbahe niyang pinsan-sa-labas na si Dir. Yong.. tinawagan nito ang kanyang Papa para sabihan na magpatawag ng emergency board meeting, noon ding hapon ng araw na iyon, at kahit na 2/3 lang ng board ang dumalo, ang agenda daw ay ang pagwasak sa bagong CEO ng Kompanya.. at kinontak na nga ni Exec. Yong ang mga board members tungkol sa gaganaping emergency meeting...


nagmamadaling pumunta si Dir. Pyo sa Kompanya, nadapa pa siya sa daan at nakita ng maraming empleyado.. napahiya siya, pero tumuloy pa rin sa board meeting nila...

sa Office.. kinausap muna ni Exec. Yong ang kanyang anak.. sigurado na ba daw ito sa plano nito ngayon.. sumagot naman si Tommy na sigurado na nga siya sa pagkakataon na ito, sinabi ng Executive na siya na ang bahalang makipag-usap sa board meeting basta ituloy lang daw ni Tommy ang plano nito, naulit naman ng binata na ihanda na lang ng kanyang Papa ang mga kakailanganin pa niya...

nagmamadali nang nagtungo si Lee Gak sa ospital na kinaroroonan ni Terrence, maging si Dir. Yong ay pabalik na rin doon.. habang nagda-drive, tinatawagan na ni Park Ha ang cellphone ng prinsipe, subalit hindi ito masagot ng lalaki dahil sa kanyang pagmamadali.. hanggang sa sumuko na ang babae, naalala niya yung time na makita niyang unti-unting naglalaho sa kanyang harapan ang kamahalan...

sa ospital.. dumiretso si Lee Gak sa parking lot nito, at doon sinalubong siya ng mga naka-disguise nang sina Yong Sul at Chi San.. pareho yata silang naka-disguise na nurse, pero si Chi San ay nagpanggap bilang babae (itim yung buhok, na natatali nang kaunti sa likod, at naka-side bangs).. si Man Bo naman daw ay nagbabantay sa itaas, sa mismong Ospital.. naitanong ng kamahalan kung dumating na ba ulit si Tommy, at sinabi naman ng bodyguard na hindi pa.. sa itaas, halos kadarating lang ng grupo ni Dir. Yong, nakita ito ni Man Bo kaya't kaagad niyang tinawagan si Chi San, nakabalik na nga raw si Dir. Yong sa ospital, iniwan muna nila ang eunuch para sabihan si Man Bo na mag-isip ng paraan, tumuloy naman ang prinsipe at ang bodyguard sa kuwarto ni Terrence...

sa loob ng ospital.. minamanmanan ni Man Bo na naka-disguise bilang isang doktor ang grupo ni Dir. Yong, handa na daw ang mga kasama niya na magsagawa ng live broadcast (o kung ano pa man ang mas tamang term) para sa Kompanya nila.. aabalahin na sana niya ang binatang Director bago pa ito makasakay ng elevator, pero bigla namang may lumapit sa kanya na isang matandang babaeng pasyente na nagtatanong tungkol sa gamot niya, pilit itong nire-refer ng tutor doon sa front desk ng ospital pero sobrang kulit talaga ng matanda.. naiwan tuloy ang binata ng binabantayan niyang Director, pero kaagad din naman siyang humabol sa mga ito...

sa Kompanya.. nabigla si Dir. Pyo na balak nga nina Exec. Yong na patalsikin ang bago nilang CEO, hindi na daw siya makapaghintay sa magandang binabalak nito ngayon, gumanti naman ang Executive at sinabihan ang Director na mag-enjoy na ito dahil hindi na ito magtatagal sa Kompanya.. galit na galit ang Lola Chairman sa anak-sa-labas ng kanyang asawa, napakasama daw nito talaga.. binati naman ng Executive iyong iba pang board members na dumating, nagkomento pa iyong iba na hindi daw sana mangyayari iyon kung tama lang sana ang kanilang ibinoto...

sa kuwarto ng comatose na si Terrence.. s-in-ecure na ng mga kasamahan ng prinsipe ang katawan ni Terrence sa isang stretcher upang itakas ito.. sa mga oras na iyon ay papunta na rin ang grupo ni Dir. Yong sa kuwarto ng lehitimo niyang pinsan.. dumiretso lang sina Yong Sul at Chi San sa pagtutulak ng katawan ni Terrence palabas ng ospital, nakita naman ni Lee Gak na papalapit na si Tommy kaya nagtago siya sa loob ng kuwarto.. pasimpleng tinakpan ng eunuch ng kumot ang mukha ng totoong Terrence para hindi ito makita ng Director.. nakalampas na sila, nang bigla silang patigilin ni Tommy, mayroon daw kasing naihulog ang mga ito, at iniabot iyon ng Director sa napagkamalan niyang 'miss' na si Chi San...

bago tuluyang makapasok sa kuwarto ni Terrence (hawak na ni Tommy iyong door knob eh), sinadya ng nagpapanggap na doktor na si Man Bo si Dir. Yong.. may idi-discuss daw sana itong prescription para sa binata, tanggi naman ng tanggi si Tommy, hindi daw para sa kanya iyong prescription na iyon dahil hindi naman siya isang pasyente doon sa ospital, ch-in-eck pa ng tutor kung ano ba ang pangalan ng Director, at nagkunwaring nagtataka sa kanyang nagawang pagkakamali bago tuluyang umalis (hindi ko alam kung kasama sa plano, pero mukhang sinadya ni Man Bo na i-distract si Tommy para maihanda ni Lee Gak ang kanyang sarili).. dahil sa nangyari, biglang nagduda si Tommy kung kaya't kaagad niyang ch-in-eck ang room ni Terrence.. napanatag naman siya na makita na naroon pa rin sa loob ng kuwarto ang inaakala niyang comatose na si Terrence...

nag-umpisa na nga ang emergency board meeting na ipinatawag ng mga Yong-sa-labas (mga hindi lehitimong Yong).. nais daw nilang tanggalin ang bagong CEO, inis na inis naman ang Lola Chairman sa ginagawa ng mga hindi-lehitimong-Yong.. pinakita na ni Exec. Yong ang kanyang anak sa screen.. ipinaliwanag naman ni Dir. Yong (na nasa ospital) sa mga board member na ang kasalukuyan nilang CEO ay isang huwad, sabay pakita sa monitor ng totoo ngunit comatose na Terrence Yong na nasa may likuran lang niya, at malabo daw itong magkamalay.. gulat na gulat ang Lola Chairman sa kanyang nadiskubre, agad nitong itinanong kung nasaan ba ang kanilang CEO, nasaan ba daw ang apo niyang si Terrence, sinabi naman ni Exec. Yong na hindi dumalo ang binata sa kanilang meeting sapagkat tinakasan na sila nito.. nagbida pa ng kanyang talumpati ang salbaheng si Tommy, kahit daw malubha ang kalagayan ng kanyang pinsan ay alam niyang ito ang totoong Terrence, alam daw niyang nais nitong paalisin ang mga manloloko sa kanilang Kompanya, kaya naman nais niya sanang hilingin sa board na alisin na ang mga mapagpanggap.. unti-unti namang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga ang nagpapanggap na muli na si ala-Terrence, nagulat iyong mga board member sa napapanood nila dahil inakala nga nilang hindi na ito magkakamalay gaya ng sabi ni Dir. Yong.. bigla niyang tinawag ang pangalan ni Tommy na para bang hinang-hina pa rin siya.. na-shock si Dir. Yong dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari, parang nakakita na naman siya ng multo, at parang bumalik na naman iyong takot niya na mabisto ang nagawa niya sa kanyang pinsan.. pakunwaring itinanong ni ala-Terrence sa gulat na gulat pa ring Director kung bakit nasa ganoong lugar siya, napansin naman ni Lee Gak na suot pa rin pala niya sa kanyang daliri iyong lucky couple ring nila ni Park Ha nang mapatungo siya, pasimple niya itong itinago mula kay Tommy sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang kamay sa ilalim ng kumot.. nagkunwari na namang mabait si Dir. Yong at sinabi sa inaakala niyang pinsan na mabuti daw at nagkamalay na ito, sabay tanong dito kung may naaalala ba at kung nakikilala ba siya nito.. nagkunwari na lang si ala-Terrence na biglang sumakit ang kanyang ulo, kaya napilitan si Tommy na tumawag ng doktor...

nagtanggal na ng kani-kanilang disguise, at itinakas na nga ng 3 alalay ang totoong Terrence paalis ng ospital (delikado yung ginawa nilang iyon dahil nasa may tapat pa rin sila ng ospital).. pagkaandar ng kanilang sinakyang ambulansya ay saktong paglabas naman ng nanlulumo na si Dir. Yong dahil sa mga bagong kaganapan...

gabi na at nandoon pa rin si Park Ha at naghihintay sa meeting place nila ng prinsipe.. sobrang nag-aalala na ito, habang hawak-hawak iyong coat at panyong may burda ng kamahalan.. saan ba daw nagpunta ang lalaki at bakit hindi nito sinasagot ang kanyang phone.. muli niyang naalala iyong sandali na nakita niya mismo kung paano maglaho ang prinsipe, at naitanong niya sa kanyang sarili kung posible bang nakabalik na ang 4 sa Joseon sa mga oras na iyon...

kaagad na umuwi ang babae sa Rooftop.. natuwa naman siya nang makita na nakabukas ang ilaw sa kanilang bahay.. hinanap niya sa lahat ng kuwarto ang 4, pero wala.. nag-umpisa na siyang mag-iiyak, wala man lang ba daw tao doon, tuluyan na ba daw siyang iniwan ng mga ito, sumagot naman daw ang mga ito, magagawa ba daw talaga nilang bumalik sa Joseon nang hindi man lang nagsasabi o nagpapaalam sa kanya.. at umiyak na nga nang umiyak ang kawawang dalaga...

sa kung saan, habang kasama si Dir. Pyo (sa ospital ulit siguro).. nagpaplano na ng mga sunod nilang gagawin ang lima.. kapag na-discharge na daw sa ospital si ala-Terrence ay kailangan nitong tumira sa Mansyon kasama ng Lola Chairman, iyon naman daw 3 ay sa bahay na muna ng Director tutuloy.. napuna ng superior ang paraan ng pagsasalita ni Lee Gak, kailangan daw nitong magsanay kung paano magsalita na gaya ni Terrence.. kung mahahalata daw siya ay baka masayang lang ang lahat ng ginawa at pinaghirapan niya at ng kanyang grupo.. binigyan ni Dir. Pyo ang prinsipe ng salamin sa mata na katulad ng parating sinusuot ng totoong Terrence.. iyon naman daw 3 ay kailangang tiyakin na walang makakaalam ng kanilang mga kilos.. naitanong ni Man Bo kung hindi man lang ba sila pwedeng tumawag sa telepono, naulit din ni Yong Sul na marahil ay nag-aalala na sa kanila si Park Ha.. maging si Lee Gak ay nais linawin ang tungkol sa bagay na iyon kay Dir. Pyo, at sinabi nga nito na hindi talaga pwede...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento