Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 11, 2015

A Loveless Story (Introduction)

A Loveless Story (An Alternative Title)


INTRODUCTION

let's see..
this is a true story..
i guess gagawin ko na lang itong excerpt version ng totoo at mas buo kong blog... XD

kahit na malulungkot yung istorya ko, in a way gusto ko pa rin silang anonymously na i-share sa ibang tao..
siguro i'm hoping na pwede akong magsilbing inspirasyon para sa iba na halos katulad ko yung pinagdadaanan sa buhay pag-ibig, na tipong maiisip nila na "aba, kita mo nga naman..
 hindi pa naman pala ako yung pinaka-miserableng tao sa buong mundo..
meron pa palang iba diyan na mas malala pa kesa sa akin.. kaya naman kakayanin ko pa ito..."..
kung hindi man inspirasyon, eh baka naman pwedeng magsilbi akong leksyon o guide sa kung ano yung mga dapat nang iwasan ng ibang tao - na kesyo "ah masyado palang maselan 'tong lalaki na 'to pagdating sa mga babae, hindi ako dapat tumulad sa kanya na sobrang choosy..", na kesyo "ah mali 'tong desisyon nitong author na ito regarding sa bagay na ito, kaya naman hindi ko siya dapat tularan.."..
at siguro isa na rin sa mga rason kung bakit ako parating nagsusulat, eh kasi nakakagaan sa loob ko na i-release yung mga saloobin ko sa public, regardless kung meron man o wala naman talagang nakakabasa ng mga tungkol dito...

anyway..
ako nga pala yung Most Undesirable Guy on Earth (or M.U.G.E. for short).. :(
i know na exaggerated yung paggamit ko sa salitang 'MOST', pero kung hindi man ako yung 'Most' eh sigurado pa rin ako na i'm one of the most..
hindi naman talaga purong kalungkutan na lang yung buhay pag-ibig ko, pero dumating ako sa punto o realization na parang wala na nga talagang dadating pa..
na habambuhay na yata akong magiging LOVELESS at nag-iisa... :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento