Mga Pahina

Biyernes, Enero 25, 2013

K-ture: Rooftop Prince - Week 1 Recap

okay, so..
gagawin kong by week yung pagpo-post ko ng summary..
pasensya na kasi malabo yung channel 2 namin (ABS-CBN), kaya may mga detalye akong nami-miss paminsan-minsan.. lalo na kung descriptive na detalye yun..
kung sa ABS-CBN TV 10 Batangas naman, ay naku! marahas ang pagka-cut nila ng scenes dun.. hindi ko nga maintindihan kasi sa hapon sinisingit nila yung news nila, kaya kung nagtatanggal sila ng ibang programs eh bakit hindi na lang yung Kris TV o yung replay na Hitman Reborn ang alisin nila sa umaga..?

anyway..
mapapanood ang Rooftop Prince sa ABS-CBN channel 2 tuwing weekdays, mga 5:10 pm base sa oras nung station..
o pwede rin naman sa ABS-CBN TV 10 Batangas (kung nasa area kayo), mga 9:20 am..
para sa lugar namin, mas malinaw ang channel 10, kaso nga eh halos mawala na ang sense nung istorya dahil sa mga cut nila...

bale hindi 60 minute runtime yung ginagamit dito sa bansa..
hindi ko pa matantsa..
pero halimbawa sa ngayon, nasa Episode 15 na ang local channel, pero yung mga eksena ay nasa Episode 6 pa lang ng actual cut...
nasa 20 episodes lang yung series, pero malamang lumobo yun ng kainaman...


halina nga't dumiretso na tayo sa summary ko..
pero para hindi kayo masyadong malito, heto muna yung mga basic terms o names:

Lead Roles:
  • Prinsipe Lee Gak (lead male protagonist) (katauhan sa past) - a.k.a Terrence Yong (katauhan sa future), Kamahalan, Redman
  • Park Ha (lead female protagonist) (katauhan sa future) - Bu Yong (katauhan sa past), a.k.a Apple Lady
  • Sena (lead female antagonist) (katauhan sa future) - a.k.a Prinsesa Hwa Yong (katauhan sa past), Secretary Hong
  • Tommy (lead male antagonist) - o di kaya Tommy Yong

Supporting Characters:
  • Yong Sul - ang bodyguard ng Prinsipe, a.k.a Blueman
  • Man Bo - ang tutor ng Prinsipe, a.k.a Greenman
  • Chi San - ang eunuch ng Prinsipe, a.k.a Yellowman
  • Becky - foreigner na kapitbahay ni Park Ha (taga-Uzbekistan sa totoong buhay), halos kasabayan niyang tumira sa South Korea, a.k.a Foreign Blood
  • Lady Mimi - bagong lipat na housemate ni Becky, a.k.a Kulot
  • Susan - mama ni Sena, at stepmother ni Park Ha, a.k.a Mama
  • Lola Chairman - lola ni Terrence at may-ari ng kompanya
  • Tita-Lola - kapatid ng Lola Chairman
  • Executive Yong - papa ni Tommy na anak sa labas ng asawa ng Lola Chairman, Exec. Yong for short

Group Terms:
  • Joseon 4 - grupo ng Prinsipe kasama ang 3 alalay na napadpad sa future
  • 5 - ang Joseon 4 kasama si Park Ha
  • 3 - kapag sinabi kong 3, madalas yung 3 alalay ng Prinsipe lang ang tinutukoy ko
  • 2 Kapitbahay - sina Becky at Lady Mimi

Locations:
  • Rooftop - ang bahay ni Park Ha na nasa rooftop ng isang paupahang gusali
  • Mansyon - tumutukoy sa bahay ng Lola Chairman (para tunog mayaman)
  • Kompanya - tumutukoy sa kompanya o building na pagmamay-ari nina Lola Chairman, a.k.a Office


Rooftop Prince - Episode 01 (RTP-01)

sa isang fictional historical Korean era, kinailangan nang itakda ang magiging prinsesa ng crown prince na si Lee Gak - at ang kaisa-isa niyang binigay na requirement eh dapat maging sobrang ganda nito para hindi niya ito pagsawaan.. sa tahanan ng mga Yong, parang kumbinsido na ang magkapatid na sina Wa Yong (panganay) at Bu Yong (bunso) na si Wa Yong ang isasali sa magaganap na pilian, subalit sa hindi malamang dahilan eh ang bunsong anak ang napili ng ama nila upang isali sa pilian (sa totoo lang hindi naman cute yung batang Bu Yong).. sa mga panahon na yun nakikitaan na nang senyales ng pagiging mainggitin si Wa Yong (pero siguro ayos lang yun dahil parang hindi naging patas ang parents nila sa pagtrato sa kanila).. at sa isang aksidente habang namamalantsa si Wa Yong, tinamaan ng pam-plantsa ang pisngi ni Bu Yong na naging dahilan nang pagkasira ng kanyang itsura na naging dahilan rin para hindi na siya maisali sa ginawang pilian ng magiging prinsesa (LOL, ganun pala ang sinaunang plantsa).. simula nun, nagsuot na si Bu Yong ng pinalamutiang tela upang takpan ang kanyang mukha.. eventually ang kapatid niyang si Wa Yong ang naging prinsesa, at ginawa rin naman nito ang naipangako niya sa kapatid na madalas siyang ipapatawag nito sa palasyo para maranasan ang magandang buhay.. pero medyo pasaway na si Wa Yong nung mga panahon na yun at tila inaangkin ang mga ginawa ng kapatid niya.. tapos for some reason eh may pumatay sa prinsesa, natagpuan na lang siyang nakalutang sa may latian, at dahil dun naisip ni Prinsipe Lee Gak na imbestigahan ang naging pagkamatay niya...

tapos pa-mysterious epek na lumipad yung paru-parong binurda ni Bu Yong patungo sa present time, sa New York.. first time na nagkita nina Terrence (ang future na katauhan ni Prince Lee Gak) at ni Park Ha (na hindi pa niri-reveal na future na katauhan ni Bu Yong).. si Park Ha ay isang fruit vendor (Apple Lady yung itinawag sa kanya) na may iba pang raket dahil hinahanap niya ang tatay niya, at si Terrence naman ay isang pasaway na tagapagmana ng kompanya na tinakasan ang responsibilidad niya.. una pa lang niyang nakita si Park Ha eh nagustuhan na niya 'to pero hindi naman talaga sila nagkakilala, hindi rin yata namukhaan ng babae si Terrence.. kinagabihan, nakita niya ulet ang babae sa panggabing raket nito bilang isang waitress.. noon nakatanggap ng tawag si Park Ha na nagsasabing posibleng makita na niya ang kanyang ama na lubos niyang ikinatuwa.. next scene eh sa isang yacht sa may New York, ini-sketch ni Terrence ang view ng New York nang biglang nagkaroon sila ng konting pagtatalo ng half-cousin niya.. sinuntok siya neto, nabagok ang ulo sa bakal sa yacht, at tuluyang nahulog sa dagat...

oo nga pala.. bago pa man mamatay si Prinsesa Wa Yong.. binigyan ng isang assignment na bugtong ni Prince Lee Gak si Bu Yong.. "mabuhay man ito'y mamamatay, at mamatay man ito'y mabubuhay".. kandila lang yung naiisip kong sagot dun sa bugtong pero hindi ko pa talaga alam kung anong totoong sagot at kung anong relevance nun dun sa love story nila...

---o0o---


RTP-02

sa present time, bale mukhang may masamang intensyon nga ang half-cousin ni Terrence sa kanya, dahil matapos yung aksidente sa yate ay ni hindi na nya naisip na tulungan ang pinsan.. bagkus ay nilinis niya lahat ng ebidensya na magsasabi na nagkita nga sila sa New York ng pinsan nya at iniwan na lang niya yung yate (na medyo alanganing script kasi lumangoy siya pabalik sa pampang, so posibleng may makakita sa kanya na tao o surveillance camera, at matindi ang FBI sa US eh).. tapos nagkasabay silang umuwi sa Korea ni Park Ha.. related yung half-cousin ni Terrence sa stepsister ni Park Ha na si Sena (ang future na katauhan ni Prinsesa Hwa Yong).. bale nasa South Korea na nga si Park Ha, tapos positive naman yung DNA match result sa tatay niya, kaso ang masamang balita eh patay na yung papa niya at nag-iwan lang siya sa database ng mga pulis ng DNA record niya in case nga na hanapin siya ng nawalay na anak.. matapos niyang malaman yun, nagkita na nga sila ng stepmom at stepsister niya sa burol ng papa niya.. doon nagulat si Sena na makita muli ang kapatid at na-reveal sa audience ang nakaraan ni Park Ha (kakatwa ang ginawang dubbing sa Tagalog para sa series na 'to, kasi Park Ha ang tawag sa kanya ng lahat pero kung tutuusin eh fullname niya yun).. mabalik dun sa flashback revelation, bale halfsisters lang sina Park Ha at Sena sa future (hindi ko pa sigurado, pero sa past eh mukhang tunay naman silang magkapatid, pero sa future eh ibang tao na yung mga parents nila).. ina na lang ang meron si Sena tapos ama naman para kay Park Ha.. simula pa lang eh halatang mainggitin na si Sena.. ilang beses niyang ginamit o sinubukang i-frameup sa pagsa-shoplift si Park Ha, pero minsan eh nahuli siya ng stepdad niya at napagpalo siya bilang parusa.. sunod naman eh mukhang nag-setup siya para madispatsa na si Park Ha, iniwan niya ito sa loob ng isang truck, nakatulog ang bata, iniwanan niya ng gatas, tapos hinayaan niya na lang itong matangay nung umalis na yung truck.. nakita pa siya ni Park Ha nang magising na ang bata sa umaandar na truck, humingi ito ng tulong sa ate niya, pero tuluyan na siyang binalewala nito.. balik sa present time, ni-reveal ng stepmom ni Park Ha na 9 y/o na ito nung mawala siya noon kaya naman nagtataka siya kung bakit late na nung mahanap niya ulet ang pamilya niya, at sinabi nito na na-involve siya dati sa isang car accident at nagkaroon ng malaking injury sa ulo na dahilan kung bakit nawala ang alaala niya, dahil dun naging kampante si Sena na hindi mabubunyag ang ginawa niyang pagdispatsa noon sa kanyang stepsister...

balik naman sa Joseon era, sinusubukang lutasin ng palasyo ang misteryosong pagkamatay ni Prinsesa Hwa Yong subalit namatay lahat ng mga taga-silbi nito na magsisilbi sanang mga witness nang subukan 'daw' nilang takasan ang mga pulis ng palasyo.. dahil dito bumuo si Prinsipe Lee Gak ng grupo ng mapagkakatiwalaan niyang mga tao upang imbestigahan nang husto ang kaso.. kumuha siya ng isang matalinong pinagkaitan ng pagkakataon na magkaroon ng posisyon sa palasyo na ginawa niyang tutor, isang dalubhasa sa espada na paparusahan na sana ng kamatayan dahil sa pagpatay niya sa isang maharlika n ginawa niyang personal bodyguard, at isang chickboy na crossdresser na magaling mangalap ng impormasyon na ginawa niyang isang eunuch.. ni-review nila lahat ng mga pangyayari noong gabi bago mamatay ang prinsesa, magkasama sila noon ng prinsipe nang dumalaw si Bu Yong upang ibigay na ang sagot sa bugtong na pina-solve sa kanya ng prinsipe.. hindi ni-reveal sa audio ang sinabi nitong sagot, pero sinabi ni Prinsipe Lee Gak na tama ang ibinigay nitong kasagutan, at dahil doon ay medyo nainis si Prinsesa Hwa Yong.. nai-conclude rin nila na posibleng namatay ang prinsesa dahil sa pagkain ng pinatuyong persimon na nilagyan ng lason.. ibinalita rin ng eunuch niya na meron siyang impormasyon tungkol sa isang tao na posibleng witness sa crime.. ngunit bago pa man nila matunton yung tao ay tinambangan na sila ng mga assassin, at sa kanilang pagtakas ay na-teleport na lang sila sa future dahil sa lunar eclipse...

balik sa future, mukhang mabait naman ang stepmom ni Park Ha sa kanya, mas magkasundo pa sila nito kesa sa tunay na mag-ina.. pinuri niya rin ang stepdaughter dahil 2 years pa lang siya sa Korea ay makakapag-start na siya ng sarili niyang maliit na negosyo, di tulad ni Sena na baon na sa utang dahil sa mga sapatos at bag at iba pa niyang kapritso...

---o0o---


RTP-03

edi na-teleport na nga ang Joseon 4 sa future, sa mismong bahay ni Park Ha na nasa rooftop ng isang paupahan na gusali na ikinagulat naman ng dalaga (nasa 24 y/o na siya).. nang makalabas sila sa rooftop, nagtaka ang Joseon 4 sa itsura ng kapaligiran, inakala nilang isang mangkukulam si Park Ha at napailalim lang sila sa salamangka nito.. si Park Ha naman iniisip kung baliw ba yung apat o kung umaarte lang.. gusto na sanang paslangin yung dalaga nung bodyguard ng prinsipe, pero inawat ito ng kanyang kamahalan, at bagkus ay inutusan na lang si Park Ha na ihatid sila sa kanyang palasyo.. at dahil marunong mag-preserve ng mga historical sites ang Korea eh andun pa rin nga yung dating palasyo mula sa Joseon era, at dun sila inihatid ni Park Ha.. bago sila tuluyang maghiwalay, nagawa namang pagmasdan ng tutor ng hari ang plate number ng delivery truck ng dalaga...

sangkatutak na kamalasan ang inabot nung apat.. hindi sila nakapasok sa palasyo, nasita sila ng parak, nagutom, nanakot pa si Prinsipe Lee Gak sa 7/11, nabigyan ng warning ng pulis, at hinuli na sila kinabukasan ng mga pulis matapos mag-trespass sa palasyo, at hindi man lang sila pinakain sa prisinto...

samantala, nagkita na ulit ang half-cousin ni Terrence at si Park Ha nang maghatid ito ng grocery para sa stepsister niyang si Sena na karelasyon nga yata nung half-cousin.. nakasara yung pinto nung condo yata yun nung una, pero may kung ano o sinong nagbukas noon kaya nakapasok rin si Park Ha.. hindi naman yata siya naalala nung half-cousin at si Sena naman ay itinanggi ang relasyon niya dito at sinabi na isa lang siyang kakilala na nagtitinda sa palengke...

balik sa prisinto.. upang makatakas na sa kulungan, ginamit ng Joseon 4 na dahilan at kakilala si Park Ha.. dahil sa talas ng memorya ng tutor ng prinsipe, nagawa nitong ma-recall ang itsura ng plate number ni Park Ha.. hiningan sila ng contact number ng mga pulis, pero yung kopya na lang ng plate number ang binigay nila na naging dahilan para ma-track ang dalaga.. at yun nga nabalik na sila sa poder niya.. ayaw niya sanang tanggapin ang apat dahil hindi naman niya talaga kakilala ang mga yun.. pero yung eunuch eh nahimatay o nagkunwari lang na nahimatay sa gutom kasi daw 2 araw na silang hindi kumakain, dahilan para maawa na sa kanila ang bidang babae...

---o0o---


RTP-04

correction - bale 26 plus y/o na pala si Park Ha since 9 siya nung nawala siya, 15 years after nung makabalik siya, tapos 2 years na ang nakalipas simula nung bumalik siya sa Korea...

naawa nga si Park Ha sa apat na time-traveler kaya pinaghanda niya ang mga ito ng omurice na nagustuhan naman ng mga ito.. habang kumakain yung apat eh pinatawag naman ang dalaga ng landlord para ipakilala ang mga bago niyang makakasama sa paupahang gusali.. hinulaan pa siya ng isa sa mga ito na maswerte daw siya sa mga lalaki (na masyado nang literal)...

balik sa loob ng bahay.. sinubukan ng bodyguard at ng tutor na buksan ang bote ng mineral water upang makainom na ang prinsipe, subalit dahil sa kakulangan nila ng kaalaman eh nagkadisgra-disgrasya na.. aksidenteng nabuksan ang tv na pinatulan naman ng bodyguard upang 'iligtas' ang kanyang kamahalan, pinatulan rin nila ang iba pang nagsasalitang electronic device sa loob ng bahay, nagkaroon ng sunog na sinubukan nilang bugahan ng tubig mula sa toilet bowl gamit ang kanilang mga bibig, at pati yung talking teddy bear ng dalaga ay pinagsasaksak ng bodyguard.. pagdating ni Park Ha ay kaagad na tinira ng fire extinguisher ang apat na pasaway.. dahil sa nangyari pinilit sila ni Park Ha na bayaran ang kanilang mga atraso sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa kanya.. tinanggap naman ito ng Mahal na Prinsipe...

pansamantalang hinabilin ni Park Ha ang mga damit ng Joseon 4 sa isang kakilala, parang ginawang collateral.. tapos ikinuha niya ito ng parang jogging attire na color coded.. naging si Redman si Prinsipe Lee Gak, Blueman ang bodyguard, Greenman ang tutor, at Yellowman naman ang eunuch (ganun na yung tawag niya sa kanila).. bale ginawa niyang kargador yung tatlo sa palengke, yung tatlo lang kasi hindi naman tumutulong ang prinsipe.. $720 ang total ng damage na nagawa nila, $3 daw ang rate nila (bale 9 ang total), tapos 8 days to pay (medyo naguluhan ako dun, siguro per hour yung rate for 10 hours a day).. tinuruan niya rin ang mga ito na kumain ng makabagong pagkain gaya ng instant cup noodles...

si Tommy naman (yung half-cousin ni Terrence) eh inayang kumain sa labas si Sena.. medyo napaisip kasi siya kay Park Ha dahil pamilyar nga ito.. (medyo magulo na naman yung mga dialog nila o yung dub lang, nung una kasi kakilala lang ang pakilala ni Sena sa stepsister niya, pero sa date nila ni Tommy eh kapatid na yung tanong nito sa kanya).. dito tinanggi ni Sena na galing si Park Ha sa US.. tapos ipinatawag niya rin ang stepsister para kausapin...

sa pag-uusap ng magkapatid, na-kuwestiyon ni Sena kung bakit dumalaw si Park Ha sa apartment niya (kung saan niya nakita si Tommy).. bukod dun eh sinabihan niya ito na dumistansya na sa kanila kahit parang pamilya na rin sila.. pinagbawalan niya ito na maging malapit at tawaging mom ang ina niya.. at iyon ay lubusang ikinalungkot ni Park Ha dahil hindi niya lubusang naiintindihan ang nangyayari.. noon eh nakita naman ni Prinsipe Lee Gak si Sena at agad niya itong napagkamalan na prinsesa.. sinubukan niya itong habulin ngunit bumangga siya sa salamin dahilan para ma-ospital siya...

sa ospital ay nakita siya ng lola ni Terrence, napagkamalan ito ng matanda na kanyang apo, pero nang muli nilang silipin yung waiting room eh wala na ito dahil nakapasok na siya sa loob ng x-ray room...

sa bahay ng negosyanteng lola, nag-aalala ang mga kaanak nito dahil hindi nga makita si Terrence, nag-suggest ang ama (na anak sa labas ng asawa ng matanda) na tumira si Tommy dun sa bahay para makasama ng lola-lolahan niya at tumayong kapalit ng legitimate na apo para sa pagpapatakbo ng negosyo.. agad na pumayag ang kapatid na babae ng matanda (though mas mukha siyang isang tita) na sa kanila na tumira si Tommy at inutusan si Sena (na secretary ng lola) na asikasuhin ang paglipat ni Tommy.. mukhang medyo hindi pabor si Sena sa paglipat ng BF nya yata si Tommy, pero si Tommy eh natuwa nang husto...

---o0o---


RTP-05

kinagabihan, nag-meeting ang Joseon 4.. na-realize na nila na napadpad nga sila sa future, nakapag-hypothesize ng ilang goal para makauwi, pero hindi pa rin sila sigurado.. tumigil lang sila nang sitahin na sila ni Park Ha dahil nag-iingay na sila sa labas...

hindi makatulog yung dalawang bida - si Prinsipe Lee Gak dahil hindi niya maalis sa isipan niya si Sena na kamukha nga ni Prinsesa Hwa Yong, at si Park Ha dahil nasaktan siya sa mga hiniling sa kanya ni Sena.. lumabas ang babae ng bahay at nadatnan niya sa labas ang hindi rin ngang makatulog na prinsipe.. dahil dun naglabas siya ng isang bote ng soju at whipped cream (interesanteng kombinasyon yun ah), naka-pink hoody na si Park Ha sa pagkakataon na 'to (para ng power rangers yung lima kapag nagsama-sama), bumarik sila at nagkasayahan, namula yung pisngi ng dalaga dahil sa pag-inom, noon napansin ng prinsipe na hindi naman pala siya talaga masungit at maganda pa, dito yung first touch niya kay Park Ha, hinawakan niya ito sa pisngi na ikina-buwisit naman ng babae dahil tila ginagawa lang siyang katatawanan nito...

kinabukasan tinraining na ni Park Ha ang apat kung paano mabuhay sa modern world.. una muna eh yung mga kagamitan sa bahay, nung tinuro na ang paggamit ng toilet bowl eh naalala pa ni Greenman na nilagay niya sa bibig niya yung tubig galing sa bowl at masuka-suka na siya.. tapos outdoor training naman, sa pagsakay ng bus eh iniwan pa ng apat yung mga sapatos nila sa labas (LOL!), tapos nabano rin sa escalator na akala eh dinadakip sila.. habang nasa training, napatawag ang stepmom ni Park Ha (mama yung tawag niya sa kanya).. hinihiram sana nito yung delivery truck ng stepdaughter niya tapos pati na rin yung serbisyo nito para nga sa gagawing paglilipat sa bahay ng lola ni Terrence...

pagdating sa site, iniwan muna nina Park Ha si Redman para kumuha ng mga gamit pang-impake.. pinapasok naman ito sa loob ng mansyon, at doon nakita niya ang picture ni Terrence at nagulat siya sa kanilang pagkakahawig.. nakita naman siya ng lola nito, inakalang si Terrence siya, at dali-daling ipapakita sana sa iba...

pagkabalik ng apat, nadatnan naman sila nina Sena at Tommy, nagulat yung dalawa lalo na si Tommy na na-confirm na yata na si Park Ha nga yung nakita niya sa New York.. dali-daling pumasok sa bahay ang half-cousin at nakita na magkasama na ang lola at si Redman at iginigiit nito na ito sa Terrence.. kaso eh dahil prinsipe nga eh naging marahas si Redman sa lola ni Terrence at naitulak pa nya ito, na ikinagalit ni Tommy dahilan para patulan na niya si Redman...

sa labas naman, pinapagalitan naman ni Sena si Park Ha dahil hindi niya inaasahan na uutusan ito ng mama niya.. dahil naman sa pagtatalo sa loob eh tinawag ni Redman si Blueman para sa saklolo, agad itong sumaklolo kasunod sina Green at Yellowman.. ibinalibag ni Blueman si Tommy at agad nang tumakas ang lima.. sinermonan ni Park Ha ang apat habang nasa sasakyan at sinabihan na hindi na pwede sa susunod yung walang galang na ugali ng prinsipe...

kahit naitulak, pinilit pa rin ng Lola si Tommy na hanapin si Redman sa pag-aakala na may kakaiba lang na nangyari dito, pero dahil kumbinsido pa ang apo sa labas na hindi ito si Terrence ay tumanggi ito sa inuutos ng Lola, dahilan para malipat ang utos sa secretary niyang si Sena na inaakala ng matanda na siyang nagpatawag sa limang taga-hakot...

after nun, namulot naman ang lima ng mga damit at kasuotan na magagamit pa sana nung Joseon 4, kapansin-pansin na sumusunod na yung tatlo sa mga sinasabi ni Park Ha, at si Redman naman ay hindi niya ipinaghanap ng pamalit na kasuotan.. (kakatwa dahil nasa parang mga basurahan lang yung mga pinupulot nilang mga 'pwede' pang kasuotan, sa halip na nasa mga ukay-ukayan o relief center, haha!).. tapos nakakita naman si Yellowman ng boots na nababagay sa hari, na ikinasiya naman nilang apat...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento