Key Items:
- Postcard - postcard na may portrait o sketch ni Park Ha na iginuhit ng totoong Terrence nang makita niya ito sa New York, may kasama siyang dilaw (meaning colored) na paru-paro sa sketch, may invitation rin dito na niyaya sana si Park Ha na mag-meet pero sa kasamaang palad ay hindi iyon natuloy
- Raddish Doll - isang stuff toy na repolyo na nakuha ni Prinsipe Lee Gak dun sa game na hinuhulugan ng token o coin kung saan parang nanghuhuli ka ng isda, pero sa halip na isda eh mga laruan yung maaari mong mabingwit
- Twine Dolls - isang lucky charm na may parts na gawa sa buto ng palm tree; pwede itong magdala ng suwerte sa aspeto ng pag-ibig, pananalapi, o kalusugan depende sa paraan ng pagkakatali nung dalawang manika sa isa't-isa
RTP-11
pansamantalang nawala ang vital signs ni Redman, pero after siyang ma-declare na patay na ay bumalik rin naman agad ang pulso nito...
sa Rooftop.. nag-aalala na si Park Ha dahil hindi pa umuuwi si Redman (bale tinatawag niya na pala yung 4 sa totoong pangalan nila).. nakita siya ni Becky at sinabi dito na biglang ginustong pumunta ni Redman sa tv station kaya binigyan niya ito ng pamasahe, direction, at kopya ng contact number ni Park Ha kung sakaling may mangyari.. agad na umalis ang dalaga para hanapin ang kamahalan...
balik sa ospital.. naasar ang Lola Chairman dahil untikan nang mapatay ni Tommy si Redman.. ipinag-utos rin nito na ipalipat na ang prinsipe sa private room.. nakita naman ng nurse yung contact number ni Park Ha sa sweatsuit ng biktima, at agad nila itong tinawagan.. paalis na sana ang Lola Chairman nang maisip nito na gusto niyang makita muli nang personal ang inaakala niyang apo.. sa elevator, nagkasabay silang dalawa ni Park Ha, naulet ng dalaga na siya nga ang tumatayong guardian ni Redman.. pagbukas ng elevator, nagulat sina Tommy at Sena na makita na magkasama ang dalawa, pinakilala ito ng matanda na guardian ni Redman at sama-sama silang pumunta sa kuwarto ng pasyente.. nagkamalay na ang prinsipe, at nag-claim ito na siya si Terrence (base sa naging assumptions nya), na-shock si Tommy at ayaw maniwala kay Redman.. kahit si Park Ha eh naguluhan na rin sa mga istorya at sinasabi ng prinsipe.. dahil dito pinauwi na ng matanda ang nagpakilalang guardian nito...
kinausap ni Sena si Park Ha tungkol sa pag-alis nito patungong US.. napahiram na pala niya ng pera ang stepsister niya.. pero sinabi nito na hindi yun ang tamang oras para pag-usapan iyon dahil sa nangyari.. inamin na sa kanya ni Sena na nagiging sagabal na siya sa kanyang mga plano.. inamin niya na nobyo niya si Tommy (na related nga sa kompanya) at balak na nilang magpakasal, at pati tungkol sa pagsisinungaling niya tungkol sa Mama at sa background niya - Mama na university professor sa England, walang stepsister, at galing sa mayamang pamilya.. nangako naman si Park Ha na aalis nga siya ng Korea...
pagkauwi ni Park Ha, inabutan niya ang 3 na nag-aayos ng kanilang mga buhok.. tinanong siya ng mga ito tungkol sa kanilang kamahalan at sinabi nito kung anong nangyari at na silang 3 na lang ang magkakasama.. nasita niya rin ang 3 tungkol sa kanilang mga buhok dahil bumabara daw ito sa drainage, kaya kailangan nang ipagupit kinabukasan, na marahas namang tinugunan ng 3 nang pagtutol (may kinalaman sa lumang tradisyon nila)...
sa mansyon, muling napa-isip ang prinsipe tungkol sa kaugnayan niya kay Terrence.. kinabukasan, sinabi nito sa Lola Chairman na gusto niyang ibili siya nito ng isang Rooftop room at balak niyang bumukod ng bahay.. pumayag rin naman ang matanda na magkakahiwalay na naman sila ng apo, pero bago yun kailangan na muna nitong ipagupit ang kanyang buhok na isang malaking isyu para sa prinsipe...
sa Rooftop.. handa nang lisanin ni Park Ha ang bahay, at meron na rin ngang panibagong uupa sana dito.. natakot ang 3 sa desisyon niya, at saktong dating naman ng prisipe.. ninais naman sana ni Redman na mag-sorry kay Park Ha dahil sa mga masasakit na nasabi niya dito noong gabi na nagkagalit sila.. gusto niya rin sana na sabihin dito na hindi na niya kailangang umalis ng KOrea, pero hindi sya maka-singit sa babae.. ibinalik na nito ang mga damit ng 4 kahit na hindi pa naman talaga sila tuluyang nakakabayad sa kanya, pati na rin yung espada ni Blueman na ibinilin niya na huwag ipapakita sa mga tao dahil delikado yun.. natanong ni Park Ha si Redman kung siya ba talaga ang nawawalang apo nung matanda, at sumagot naman ito ng 'oo', at sinabi nang dalaga na naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari.. nakita na ulit ng prinsipe kasama ng kanyang kasuotan yung telang may burda na inaakala niyang ginawa ni Prinsesa Hwa Yong na ang totoo naman ay ginawa iyon ni Bu Yong.. nagulat siya na makita na andun na ulit yung paru-paro na misteryosong lumipad noon mula sa panahon nila patungo sa panahon nina Terrence.. sinabi niya ito sa dalaga, pero hindi rin naman ito naintindihan ni Park Ha...
---o0o---
RTP-12
dahil sa pinakita ng prinsipe, naalala ni ParK Ha yung postcard na merong sketch niya kasama ang isang paru-paro, at naalala niya rin yung pagdapo sa kanya nung paru-paro sa New York.. napasugod sina Becky at Lady Mimi dahil sa nabalitaan nilang nalalapit na pag-alis ni Park Ha, at dahil sa pagmamadali aksidenteng natapon ni Lady Mimi yung mga laman ng lata ng kaibigan...
sa labas ng gusali, nagpa-meeting si Redman tungkol sa pagpapaputol ng kanilang mga buhok.. kailangan daw nilang gawin yun para maka-survive sa modern world, at para na rin maprotektahan ang itinuring na nilang bahay na Rooftop.. tutol yung 3, pero si Blueman ay labis ang pagtutol at mas ginustong wakasan na lang ang kanyang buhay gamit ang kanyang espada.. pinigilan naman sya nung 3 sa kanyang balak.. habang sa Rooftop ay pinagmamasdan sila nina Becky at Lady Mimi na nawi-weirduhan sa kanila at naisip na apektadong-apektado yung 4 sa pag-alis nila sa Rooftop...
sa kuwarto ni Lady Mimi, ch-in-eck niya ang cellphone niya at saka niya na-realize na hindi yun sa kanya.. nakita nya na may picture dun si Terrence na inakala naman niyang si Redman, at nag-comment pa na cute yung lalaki kung magpapaikli siya ng buhok.. naisip niya na baka nagkamali siya ng dampot ng cellphone sa bahay ni Park Ha...
dahil duda pa rin si Tommy, nag-suggest siya sa buong pamilya na ipa-DNA test ang nagpapanggap na si Terrence para makasigurado (dahil na rin siguro sa kawalan nito ng alala nung totoong apo).. balak nilang ikumpara ang DNA sample ng Lola Chairman at ni Redman.. pero tumanggi si Redman sa hindi niya malamang procedure, at habang nagkakagulo sila ay biglang nahulog ang cellphone ni Terrence mula sa kanyang damit (hindi pinakita, pero siguro binalik yun sa kanya ni Lady Mimi).. sinilip ito ng Tita-Lola nila, at nakita nga nila doon ang picture ni Terrence na kasama pa ang Lola Chairman.. pero napaisip ang Lola Chairman, dahil nakapatay parati yung cellphone ng apo noong mga panahon na nawawala ito, dahil dun sinubukan rin nilang i-verify yung phone sa pamamagitan ng pagtawag dito.. habang tumatawag, naalala ni Tommy kung paano niyang itinapon sa dagat yung inakala niyang cellphone ng half-cousin niya.. at nag-ring nga ito dahilan para tanggapin na nila na si Redman si Terrence.. pero may isa pang problema, hindi nakikilala ni Redman yung iba pang miyembro ng pamilya ni Terrence.. inisip na lang siguro nila na may nawawala lang na mga alala ang binata, at naisip nila na posibleng yung mga laman ng cellphone ni Terrence ang makapagsasabi kung ano ba talagang nangyari sa kaanak nila, subalit meron pa itong security code at siyempre hindi alam ni Redman ang password nito.. s-in-uggest ni Sena na posibleng mabuksan pa rin yung phone sa Service Center.. dahil dun inutusan ng Lola Chairman na samahan ni Tommy si Redman sa Service Center para pabuksan ang cellphone...
habang nasa kotse, kinuha ng prinsipe yung telang may burda sa kanyang bulsa at nahulog naman yung phone ni Terrence sa upuan at napansin ito ni Tommy.. pagdating sa parking area, bumaba na ang prinsipe, dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Tommy para kunin yung phone habang nagpa-park siya.. pinatay niya na muna ito.. pagharap nila sa Service Center ay wala nang maipakitang phone si Redman...
tumawag ang Mama ni Sena para sabihin dito na bibisita siya sa apartment nito, nabanggit rin nito na si Park Ha ang nakapag-kuwento sa kanya tungkol sa apartment ng kanyang anak, nag-panic si Sena at agad na pinuntahan ang ina.. gusto sanang tulungan ng Mama niya si Park Ha sa problema nito sa pera, tiyak na makakabawi naman daw agad ito kung mabubuksan niya lang yung shop niya.. nabanggit niya rin na parating inaalala ni Park ang stepsister niya.. pero masyadong vocal si Sena tungkol sa pag-ayaw niya sa nakababatang kapatid, at iginigiit na hindi naman talaga sila related.. tapos biglang napatawag si Tommy na papunta na sa apartment ng nobya, nagkunwari ang dalaga na wala siya sa apartment, at agad na pinaalis ang Mama niya na nakaiwan pa ng paperbag.. habang si Tommy lang ang tao sa apartment, naisip nito na sirain na yung cellphone ni Terrence, pinukpok niya ito sa screen subalit biglang bumalik na si Sena, dahil sa pagka-taranta nailagay ni Tommy yung phone sa loob ng paperbag ng Mama ni Sena.. hindi mapakali yung dalawang magkasintahan habang nag-uusap - si Sena dahil nakita niyang naiwan ng Mama niya yung paperbag, at si Tommy dahil tinitingnan ni Sena yung paperbag kung saan niya nailagay yung phone ng half-cousin niya.. naisip ng binata na sa labas na lang sila kumain, pero habang nasa kotse nakita ni Sena na pabalik sa apartment niya ang Mama niya, nagdahilan siya para makabalik rin sa loob at pinauna na lang si Tommy sa restaurant.. binalikan pala nung ina yung paperbag.. nag-alala rin si Tommy dun sa paperbag kaya bumalik rin ito sa loob ng building at nakasalubong nito ang hindi pa niya nakikilalang Mama ni Sena.. nagkunwari siya na may business card na naihulog sa loob nung paperbag, pero nagsinungaling naman si Sena at sinabi na itinapon na niya iyon.. mukhang medyo naging kamapante naman si Tommy sa narinig niya...
sa Rooftop, naipahakot na ni Park Ha ang mga gamit niya.. pero bago pa tuluyang makaalis yung truck, kinuha niya muna yung Raddish Doll at niyakap...
---o0o---
RTP-13
isinama na ni Redman yung 3 para kumain sa mansyon (tatawagin ko na lang na mansyon para tunog mayaman) nina Terrence.. na-curious yung Tita-Lola sa buhok nila, tinanong kung mga artist ba sila kaya ganun, at nandiri pa ng sabihin ni Greenman na since birth pa yung buhok niya.. naulit ng Lola Chairman na paborito ni Terrence ang steak kaya sumang-ayon na lang si Redman, pati yung 3 inutusan niya na sumang-ayon na rin.. at nang kakain na sila gamit yung kutsilyo, ibinida ni Yellowman na dalubhasa si Blueman sa paggamit ng talim.. at dahil dito inilabas nga ni Blueman ang kanyang espada at hiniwa ang mga steak nila na ikina-sorpresa ng dalawang matandang magkapatid.. matapos yun, pinakita naman ni Redman ang kuwarto niya kung nasaan ang picture ni Terrence.. ipinag-utos niya na bawal na siyang tawaging kamahalan nung 3 sapagkat kukunin na niya ang katauhan ni Terrence.. nabanggit niya rin na malapit nang makita nung 3 ang kanilang prinsesa.. nagkatugma ang assumption nila ni Greenman na posibleng reincarnation ng prinsipe si Terrence sa kasalukuyang panahon.. dahil nawawala si Terrence sa panahon na yun, naisip ng 2 na hindi pwedeng mag-exist ang magkaparehong tao sa iisang panahon, kung kaya't ang prinsipe ang tumatayong kahalili ng totoong apo.. sa kabila noon, palaisipan pa rin sa prinsipe kung ano bang nangyari kay Terrence.. ipinangako naman niya na aalamin nila sa panahon na yun ang misteryo sa pagkamatay ng prinsesa...
nagmumuni-muni si Park Ha sa labas ng Rooftop, at naisipan niyang ilabas yung twine dolls na galing din dun sa lata niya.. subalit aksidente itong nahulog sa ilang cable sa gilid nung gusali.. sinubukan niya itong abutin, at nadatnan naman siya ni Redman na inakalang tatalon siya.. hinila siya at nayakap nang mahigpit ng binata, habang sinasabihan siya na hindi siya dapat mamatay at mangako siya na hindi siya magpapakamatay.. (ewan, siguro hindi pa nare-realize ni Prinsipe Lee Gak yung feelings niya para kay Park Ha, pero yung concern niya para sa dalaga ay nagsimula noong malaman niya ang tungkol sa pagkawala ng shop nito).. pinakita ng babae sa prinsipe kung ano yung inaabot niya, at ang kamahalan na ang gumawa nito para sa kanya.. at nang makuha na niya ito, ay agad namang pasupladang hinablot sa kanyang kamay ng dalaga, sabay komento niya na 'mababaw lang talaga ang dalaga'.. tinanong ni Park Ha kung bakit siya nandun, at pinakita ni Redman ang kanyang dalang pares ng soju at whipped cream (na paraan ng pag-inom na itinuro sa kanya dati ng babae) bilang kapalit daw ng ginawa nitong pag-aalaga sa kanila...
balik sa mansyon nina Terrence.. anibersaryo yata ng kamatayan ng ina ni Greenman kung kaya't naghahanda yung 3 ng isang seremonya suot ang kanilang tradisyunal na kasuotan...
balik sa Rooftop.. edi nag-inuman na nga yung 2.. inaalok ni Redman ng whipped cream ang dalaga, pero tumanggi ito at sinabi na pass na muna siya sa matamis dahil gusto niyang lasapin ang pait ng buhay (dahil na rin sa mga kamalasan na nangyayari sa kanya) (hmmm, kung ganun mapait pala ang lasa ng soju??).. natanong ni Redman kung bakit parang hindi na siya iginagalang ni Park Ha, at dahil yun sa magulong istorya ng prinsipe, tinanong siya ni Park Ha tungkol sa totoo niyang edad para malaman kung sino ba ang mas dapat na igalang sa kanila, kasi sinabi nito dati na 300 years older siya sa dalaga pero nag-claim rin siya na apo siya ng Lola Chairman kaya supposedly magkalapit lang ang edad nila ng dalaga.. nagkunwari na lang ito na nakalimutan na niya ang totoo niyang edad, at sumagot naman si Park Ha na maging siya ay nakalimot na rin...
balik na ulit sa Mansyon.. kinalkal ni Yellowman yung ref at nang makita niya yung ketchup (yata yun) ay naalala niya na iyon yung isang sangkap na inilalagay sa omurice kung kaya't nilantakan niya iyon ng papak.. nagpunta naman sa kusina ang Lola Chairman para uminom at napansin nito na bukas ang ref, at nang isasara na niya ito ay nakita niya si Yellowman na naka-traditional outfit at yung ketchup ay kumalat sa bibig niya na parang dugo.. dahil dun ay nahimatay yung matanda...
kina Park Ha ulit.. napa-kuwento ang dalaga tungkol sa past niya.. tungkol sa kawalan niya ng memorya nung 9 y/o pababa pa lang siya, tungkol sa car accident, at tungkol sa kawalan niya ng alaala tungkol sa mga totoong magulang niya.. dahil dun naging malungkot ang buhay niya.. at kapag ganun, ini-imagine niya na lang na nagre-relax siya sa ilalim ng palm tree na bagay na hindi pa niya nararanasan.. pinakita niya kay Redman ang itsura ng beach na may mga palm tree.. tapos inilabas niya ulit yung twine dolls at sinabi na gawa iyon sa mga buto ng palm tree.. kapag itinali daw ang mga kamay ng 2 manika sa likuran nila magdadala daw iyon ng kasaganaan sa pera, kapag ang mga paa naman daw ang itinali ay makakahanap ka ng love, at kapag itinali ang mga braso nila magdadala naman yun ng good health.. iniabot niya yun sa prinsipe at sinabing humiling siya, at tumugon naman ang kamahalan na maghintay ka lang...
sa Mansyon na naman.. kinulit ni Blueman ang Tita-Lola tungkol sa kung nasaan ang alak.. at siguro dahil nga naka-traditional outfit eh inakala rin nitong minumulto siya habang nagwiwika na ayaw niyang sumama sa lalaki hanggang sa mahimatay rin ito...
sa Rooftop na naman.. kumuha ng kurtina si Redman upang ipang-kumot kay Park Ha, at nagtaka pa nga ang dalaga sa kung anong gagawin ng prinsipe.. pinakiusapan nito na huwag nang umalis ng Korea ang babae, at tinanong kung magagawa ba nitong manatili kung hindi na siya magkakaroon ng problema sa bahay.. pero tumugon ang babae na no choice na rin siya eh...
balik sa Mansyon.. naka-ready na ang 3 para sa seremonya.. at habang isinasagawa iyon ay dumating naman yung katulong na may pantakip sa mukha (yung pampagandang teknik sa mukha), inakala ni Greenman na ito ang ina niya at sabay-sabay na nawalan ng malay ang 3.. sa halip na magduda sa kanila, ay mukhang naitsurahan naman sila nung kasambahay, at sinubukan silang gisingin nito...
sa Rooftop ulit.. antok na yung dalawa.. nakaupo lang sila at nagkaka-untugan pa.. nagising si Park Ha na nag-iisa na lang siya sa Rooftop...
maagang-maaga na nagpahatid si Redman sa isa sa mga driver ng pamilya.. lihim namang sumakay sa trunk yung 3 na nabisto rin nila.. pumunta sila sa corporate building ng pamilya para kuhanin na ang napagkamalan nilang prinsesa.. itinuro ng prinsipe kung sino sa mga tao si Sena dahil unang beses pa lang siyang makikita nung 3.. bale pagdakip nga ang plano nila para dito.. unang sumubok si Yellowman na initsa lang ng mga security guard, naulit nila na maliban sa mga babae ay hindi pwedeng pumasok sa building ang mga lalaking mahaba ang buhok.. sunod si Greenman na sinubukang daanin ito sa pakikipag-usap na wala rin namang kinahinatnan.. panghuli si Blueman, at dahil mahusay siyang mandirigma ay ilang ulit niyang pinabagsak yung 2 guard, subalit pababalik-balik lang siya sa revolving door, kaya napasuko rin siya.. dahil sa kabiguan nila, nag-decide ang prinsipe na ang pagpapagupit na lang talaga ang natitirang pag-asa nila at sinabi pa na hahaba naman daw ulit ang kanilang mga buhok...
---o0o---
RTP-14
sa loob ng bahay sa Rooftop.. pinaglalaruan ni Park Ha yung Raddish Doll, tinatanong ito kung aalis ba siya o hindi (parang yung she loves me, she loves me not).. kapag natumba paharap ay 'oo' yung sagot nung manika, at 'hindi' naman kung patalikod ang tumba.. narinig niyang dumating ang Joseon 4, at hiniling ng mga ito sa kanya na magpa-picture silang magkakasama sa Rooftop (hindi ko masyadong ma-gets yung reason kasi ayaw rin naman nilang paalisin yung dalaga, siguro remembrance ng mahahaba nilang buhok).. edi nag-pictur-an na nga sila gamit ang timer, at magkatabi sina Park Ha at Redman sa upuan...
makatapos sa bahay, sa salon naman pumunta yung 4 para ipagupit na ang kanilang mga buhok.. kahit yung mga manggugupit na babae eh naguguluhan sa kanila.. desidido na ang prinsipe na ipaputol na ang kanyang buhok, samantalang yung 3 eh hindi pa rin mapakali hanggang sa huling sandali.. naiyak ang prinsipe sa pagkaputol ng buhok niya.. halos mahimatay na nga si Yellowman sa pinagdaanan niya...
pagkatapos magpagupit, agad binalikan ni Redman si Park Ha subalit wala na ito sa Rooftop.. hinanap niya ito at nakitang sumakay ito sa bus.. patakbo niya itong hinabol, at muntikan na siyang mabangga ng isang truck.. medyo nasermonan sya nung driver pero nag-volunteer rin naman na ipa-check siya sa ospital.. habang inaakay, nakita ni Redman yung malaking picture ng beach na may palm trees na karga nung truck for delivery sana.. kinumbinsi niya yung driver na ibenta na lang ito sa kanya na doble ang presyo, at pumayag naman ito nang makita yung unlimited black card ng binata.. hinabol na nila ang bus na nasakyan ni Park Ha.. napangiti naman ang dalaga nang makita ang larawan ng lugar na nakakapagpa-relax sa kanya.. nagulat ito nang makita si Redman na pinapahinto ang bus niya, at nang sa wakas ay tumigil na ito, pinanhik niya si Park Ha sa loob ng bus at nagtakip pa ito ng mukha gamit yung Raddish Doll.. pinagalitan nya ito sa hindi paghingi sa kanya ng permiso sa pag-alis ng Korea, sinumbat niya rin dito kung hindi pa ba sapat ang ginawa nilang pagpapaputol ng kanilang mga buhok para hindi na siya tuluyang lumisan, at ibinili pa nga niya ito ng larawan para gumaan ang loob nito paminsan-minsan.. pagkatapos hinila na niya sa kamay ang dalaga para bumaba ng bus, at nag-cheer naman para sa kanilang dalawa yung mga kasabay na pasahero ni Park Ha.. hawak-hawak pa rin ng prisipe sa kamay (sa wrist) ang dalaga, unti-unti niya itong binitawan, tinuro ni Park Ha ang bagong gupit nitong buhok at napangiti na lang ang dalawa sa isa't isa.. naupo sila at pinagmasdan ang larawan ng beach at palm trees, sinabi naman ni Redman na simula ngayon magkakaroon na si Park Ha ng magagandang alaala.. biglang may bumusina na sasakyan, nagulat si Park Ha na parang matutumba kung kaya't niyakap ito ng prinsipe.. (nagsisimula nang magkaroon ng malisya si Park Ha pagdating kay Prinsipe Lee Gak)...
pag-uwi nila, sinalubong sila ng tatlo at nakita ni Park Ha na nagpagupit na rin nga ang mga ito, may kulay pa sa buhok si Yellowman.. pag-akyat naman sa Rooftop ay nakita ng dalaga na nire-renovate na ito.. andun na rin sa isang gilid yung larawan na ibinili para sa kanya ni Redman.. dumating ang Lola Chairman kasama si Secretary Hong (mapapansin na hindi na agresibo ang prinsipe sa presensya ni Sena).. personal na nagpasalamat ang matanda sa pag-aalaga ni Park Ha sa inaakala nitong si Terrence.. natanong nito ang dalaga tungkol sa pamilya nito, at dahil kay Sena, nagkunwari na lang ito na Mama na lang ang meron siya na hindi niya rin naman kasama sa bahay.. binigyan nya rin ito ng pera upang ipambili ng mga bagong gamit.. sinubukan itong tanggihan ng dalaga, pero nag-insist ang LOla Chairman dahil si Redman rin naman daw ang gagamit ng mga yun.. (ang meryo butas dun sa script eh kung bakit pumayag ang Lola Chairman na tumira ang apo niya kasama ang isang dalaga at ang kanyang mga kaibigan sa iisang bahay, mas safe sana kung may relasyon yung dalawa eh, o baka naman magto-tropa lang yung tingin niya sa kanila).. pinaalala naman ng Lola ni Redman ang tungkol sa pangako nito na magsisimula na siyang pumasok sa office nila kinabukasan bilang kapalit ng mga ginawa nito...
nagkita muli ang magkapatid sa isang cafe (yata).. pagdating ni Park Ha, agad itong sinalubong ng galit ng stepsister niya na binuhusan pa siya ng tubig sa mukha.. hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang dalaga...
may bagong trailer na bahay yung 5, para daw habang inaayos pa yung rooftop.. bale, nag-shopping yata sila ng office clothes nung 4.. meron na rin silang mga bagong cellphone.. hangang-hanga sa kanila yung mga babae sa mall (yata).. pagkatapos tinuruan naman sila ni Park Ha tungkol sa pakikisama.. una eh kung sakaling may mag-imbita sa kanila sa cafe.. tinuruan niya ang mga ito ng ilang basic na pwedeng orderin, pero nang magpaalam na si Yellowman na hihiramin niya ang credit ni Redman eh nasita sila ni Park Ha.. tinuro niya kung paano gumalang nang nababase sa kanilang mga edad.. again, nagkatanungan na naman sila, na-reveal na pinakamatanda sa grupo si Blueman na 27 na.. sinabi naman ni Park Ha na 27 na rin siya kung kaya't sila ay magkapantay lang ni Blueman, nagkamay rin ang dalawa (hindi ko sigurado kung nagre-react ba yung kamahalan dahil nagseselos siya o dahil mas mataas na dapat ang tingin niya kay Park Ha).. si Greenman naman ang pinakabata at tatayong bunso, samantalang magkasing-edad lang sina Redman at Yellowman.. in-emphasize ni Park Ha na dapat ate ang itawag sa kanya nung 3.. pagkatapos ng leksyon sa paggalang ay inabutan rin ni Park Ha ng card si Yellowman para maka-discount sila...
ipinarada nila ang kanilang trailer malapit sa beach.. ang lesson naman ngayon ay tungkol sa pag-gimik.. una ang tungkol sa pagbarik ng soju at pork belly, etc.. pagkatapos nun ay tungkol naman sa pagvi-videoke, kung hindi daw maalam sa pagkanta ay dapat handang ipakita yung special talent nila, nag-sample si Park Ha ng panggagaya ng boses pero hindi naman siya na-gets nung 4 dahil hindi nila kilala yung ginagaya ng dalaga...
habang naglilikot yung 3 sa loob ng trailer, nagre-relax naman si Park Ha sa may table sa labas.. nilapitan siya ni Redman upang itanong kung paano ulit ang tamang tali dun sa twine dolls.. ang gusto niya sana ay yung tali para mahanap niya ang kanyang true love.. iisa-isahin pa sana ulit ni Park Ha yung mga klase ng tali, pero pinutol siya ni Redman sa pagsasalita, kaya itinuro niya na lang ulit na itali yung mga manika sa bandang legs kung ang nais niya ay makahanap ng pag-ibig...
---o0o---
RTP-15
may secret affair ang Tita-Lola ni Terrence with former Director Franko, may history siya ng pagpapalugi sa kompanya at na-demote bilang guard sa isang warehouse habang nag-aalaga rin ng mga aso kaya siya naging dog whisperer.. pilit siyang pinapabalik sa kompanya ng karelasyon, may dumating kaya agad niya itong pinatago sa loob ng dog house.. dumating ang dad ni Tommy na si Executive Yong na may dalang mga papeles at sinabi na pinapabalik na ng Lola Chairman si Director Franko sa kompanya.. panay naman ang asar dito ni Exec. Yong na Guard Franko (nakalimutan ko yung apelyido)...
may isang Chairman Jang na nagbalik na sa South Korea at sinalubong siya ng mag-amang Tommy at Exec. Yong.. binisita nito si Susan (Mama ni Sena) para bawiin na ang tinutukoy nitong anak, pero pinagtabuyan siya nito (binabato siya pero hindi naman pinapatamaan)...
nasa labas lang ng building ang nagbabalik na Director kasama ang ilan niyang aso.. tinahulan ng mga ito si Exec. Yong, at pabirong sinita ang mga alaga niya dahil tinuruan lang daw niya ang mga ito na tahulan ang mga magnanakaw, sabay claim na magnanakaw daw ang executive...
hinatid ni Park Ha ang 4 sa first day nila sa office.. nagpaalam sa kanya nang ayos yung 3, pero hindi na siya nilingon ni Redman, at nainis siya dito.. anlilikot nung 3 alalay sa loob ng kompanya, kaya pinagtatawanan sila nina Tommy at dad nito.. pina-report na si Redman sa Lola Chairman, samantalang pinakuha ng exam yung 3 since kailangan nilang mai-evaluate dahil wala silang experience.. English at common sense lang ang saklaw ng kanilang exam.. gusto pala ng Lola Chairman na si Director Franko ang mag-train kay Terrence na maging executive (napa-lugi niya ang kompanya pero mukhang mahusay naman siyang empleyado na pinagkakatiwalaan ng Lola Chairman).. dumating si Secretary Hong at ibinalita na 0 (zero) yung resulta ng exam ng 3, sinabi naman ni Redman na hindi sila dapat husgahan base lang sa pagsusulit sapagkat sila ang pinakamahuhusay sa kani-kanilang larangan.. tungkol sa pagtuturo ng gawain sa kompanya, pinili ni Redman si Sena na maging guide, kung kaya't na-assign muna si Dir. Franko para i-train yung 3...
t-in-our ni Sena si Redman sa kompanya.. at nang untik na itong tamaan ng hagdan sa isang location ay niyakap 'to ng binata para mailigtas siya.. tinanong niya ito kung nagkakilala na sila dati, at sinabi naman ng dalaga na lumang pickup-line na yun.. tinanong ng prinsipe kung ano yung pickup-line at yun nga daw ay ang mga banat ng mga lalaki kapag gusto nilang makilala ang isang babae...
isinama ni Dir. Franko yung 3 sa isang restaurant, saglit siyang may kinausap sa phone kaya inutusan niya yung 3 na mauna na sa loob.. yung 3 naman ay inakala na pumunta sila doon para gumimik (gaya ng turo sa kanila ni Park Ha), at bilang unang gimik nila naisip nilang magpa-impress.. um-order sila ng soju kasabay ng pagkain.. nagulat ang Director na may alkohol silang in-order, nagsimulang mag-soju-bomb yung 3 at hinayaan na lang sila ng matanda.. pagkatapos isinunod nila ang videoke bar kung saan sinunod na naman nila ang turo ni Park Ha, kaya sa halip na kumanta ay nagpakita na lang sila ng special talents lalo na si Blueman.. dahil sa kalokohan, napuno na sa kanila ang Director, sinermonan sila sa kawalan nila ng alam at pati tungkol sa sinasabi ng iba na gumamit lang sila ng koneksyon para makapasok sa kompanya.. nabanggit rin nito na kung sakaling nabuhay yung 3 sa Joseon Era ay malamang eunuch o alipin lang ang magiging trabaho nila...
nakipag-meet sina Tommy at Exec. Yong kay Chairman Jang.. inalok nila ito na ibenta na sa kanila ang shares nito para makuha na nila ang majority ng shares ng kompanya.. pinaalam na rin ni Tommy ng diretsa na balak nilang ibenta na ang kompanya para mag-venture sa mas malaking business...
magkasama sina Park Ha at Redman.. tumitingin-tingin ang dalaga ng jewelries, nainip ang lalaki kaya tinanong niya ito kung mahilig ba sa mga ganun ang mga babae sa panahon na yun, at sumang-ayon nga ang dalaga.. sa isang restaurant, nahihirapang kumain ang prinsipe gamit ang tinidor (akala niya kasi noodles yun na cho-chopstick-in), naulit naman ni Park Ha na hindi pansit ang kinakain nila kundi pasta at itinuro dito kung paano kainin iyon gamit ang tinidor.. naitanong ng kamahalan kung ano ang karaniwang ginagawa ng mga magkasintahan sa panahon na yun, o 'dating' sa madaling salita.. tinanong niya kung anong gusto ni Park Ha kung sakaling makikipag-date siya at couple bike ang sinagot nito (mukhang nag-isip na naman siya nang may malisya dun).. pumunta sila sa isang park para makapag-aral ang prinsipe kung paano sumakay ng bike, niloko pa siya ni Park Ha na nagkunwaring hawak pa rin niya sa likod ang bisekleta, unti-unting natuto si Redman at sobrang saya nito, na nag-comment pa ang dalaga na para itong bata...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento